Isport (Pahayagan)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Falcons, Lumipad papuntang Tagumpay kontra Bacolod Tay

Tung, 3-0

Dinispatsya ng Adamson Lady Baby Falcons ang Bacolod Tay


Tung, 3-0, sa 2024 Shakey’s Girls Volleyball Invitational League na
ginanap sa Adamson University Gym noong ika-siyam ng hunyo.

Agad namang nagpasikat ang Falcons na ipakita ang kanilang gilas


nang sila ay sunod-sunod na tumira ng puntos. Umarangkada naman ang
Tay Tung na nagpalagay sa iskor na 25-20, pabor sa Falcons.

Nang makita ang pagsikat ng tunggali ay mas lalong hinigpitan ng


Falcons ang kanilang depensa, kaya’t kinailangan ng koponan ng bagong
istratehiya upang makapuntos sa kabilang korte, nagtapos ang ikalawang
set sa iskor na 25-5.

Agad naman bumangon ang mga naapakang Tay Tung kanina at


ipinakita ang kanilang husay sa larong volleyball at agad namang
nakahabol sa kalaban.

Ngunit kahit anong lakas at tibay ay hindi basta-bastang


magpapaapi ang Falcons nang kanilang pinatunayan ang kanilang lakas
sa depensa na pinangungunahan nina Abegail Segui and Lhouriz Tuddao.

Mas nainip na tapusin ng Falcons ang laban at naramdaman na nila


ang tensyon ng laro. Umaksyon agad ang mga ito at agad na tinapos ang
laro sa iskor na 25-22. Umuwi ang Falcons nang may malalaking mga
ngiti nang sila ang nilahad na kampeon sa larong ito.
PBA, Sasabak sa BCL Asia: Pusong Pinoy, Ipapakita!

Ang PBA ay nakatuon sa paglalaro sa Basketball Champions


League (BCL) Asia, kahit na hindi ito sasali sa kompetisyon ngayong
taon. Ang Commissioner na si Willie Marcial ay sinisiguro ang pagsali
ng PBA sa susunod na taon

“Kasama naman tayo next year. Nagkausap na kami ni Mr.


Andreas na ‘wag muna sumali ang PBA dito sa 2024. Pero sa 2025, sasali
na tayo,” saad ni Marcial.

Walong koponan ang maglalaban sa torneo ngayong taon, kung


saan ang Group A ay binubuo ng Liaoning Flying Leopards ng Tsina,
Shabab Al Ahli ng Dubai, NS Matrix Deers ng Malaysia, at ang kampeon
ng Fiba West Asia Super League (WASL) na Al Riyadi. Samantala, ang
Group B ay binubuo ng Hiroshima Dragonflies ng Japan, Shahrdary
Gorgan ng Iran na pangatlo sa WASL, KCC Egis ng Korea, at Pelita Jaya
Basketball ng Indonesia na pinalakas ni Justin Brownlee.
Sisid sa Seine, Ligtas nga ba?

Inanunsyo ng Paris ang plano nilang gamitin ang Ilog Seine bilang
venue para sa swimming events sa darating na Summer Olympics.
Bagamat kaakit-akit ang ideya, marami ang nag-aalala sa kaligtasan at
kalinisan ng ilog.

Upang matiyak ang kaligtasan ng mga atleta, nagsasagawa ang mga


awtoridad ng malawakang kampanya sa paglilinis ng ilog, kabilang ang
pag-install ng mga bagong sewage treatment facilities at regular na
pagsusuri sa kalidad ng tubig. Ayon kay sa mga environmental expert,
posible itong maging matagumpay kung patuloy na mapapanatili ang mga
hakbang sa kalinisan.

Habang may ilang sektor na may pag-aalinlangan, nananatiling


optimistiko ang karamihan na magiging ligtas at matagumpay ang
paggamit ng Ilog Seine sa Olympics, na magbibigay ng bagong mukha sa
makasaysayang ilog na ito.

You might also like