Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

LIKAS NA MAKADIYOS ni Severo L.

Brillantes

*Bilang Kristyano, aking kinikilala na ang paniniwala sa Diyos ay maiuugat sa ating pagkatao,
sa pinakamatindi at malalim nating pagnanais bilang tao: ang pagnanais natin sa kaligayahan at
katarungan.

1. likas na hangad na lumigaya

Kung sakaling may kaibigan kayong nagtangkang magpakamatay, ano ang magiging reaksyon
ninyo? Hindi ba kayo kikilabutan? Iyon ang naramdaman ko nang malaman ko na ang kaibigang
kong si Ted ay naglaslas ng pulso sa pagtatangkang wakasan na ang buhay niya. Nabatid ko sa
kanya na hindi na siya maligaya at hindi niya makita na may saysay o kabuluhan pa ang kanyang
buhay.

Handa tayong magdusa at dumanas ng hirap, basta nakikita natin na may layunin at kabuluhan
ang ating buhay. Paano kung mawalan na ang isang tao ng pag-asa na may kabuluhan nga ang
kanyang buhay, kung kaya wala na siyang makitang dahilan o katwiran pa para mabuhay? Ang
iba ay humahantong sa pagpatiwakal. Ano nga ba ang layunin ng ating buhay? Ano ang
magbibigay ng kabuluhan sa ating buhay?

Likas sa atin bilang tao na maghangad na lumigaya at magkaroon ng kaganapan sa buhay


(fulfillment). Saan ba natin makakamtan ang ligaya na inaasam-asam ng ating puso? Ano ba
ang ligaya para sa inyo?

a. Sa yaman ba?

May kilala akong negosyante na halos ang buong buhay niya ay inilaan niya sa pagpapayaman,
na handa siyang manloko sa kapwa niya para lang sa pera. May iba pa nga papatay para lang sa
pera. Nagsisimba naman siya. Pero nalugi ang negosyo niya at nagtangka siyang magpakamatay.
Ipinapakita lamang nito na marahil hindi niya namamalayan na pera na ang naging layunin ng
kanyang buhay at dahil sa pagkalugi niya ay wala na siyang nakitang dahilan para mabuhay pa.

May ilan na hinahanap ang ligaya sa kayamanan, na nagiging pinaka layunin na ng kanilang
buhay. Kung ang isang tao ay hikahos at hirap matugunan ang mga batayan niyang mga
pangangailangan tulad ng pagkain, marahil hindi sila magiging maligaya. Yaong mga
nagpagamit sa ilang politiko at nagbenta ng kanilang boto, maligaya sila kahit paano. Ngunit
gaano lang ba ang itatagal ng kaligayahan nilang iyon na dulot ng isang libong piso na kapalit ng
kanilang karangalan, na babawiin lamang ng mga tiwaling mga politikong iyan sa pamamagitan
ng pagnanakaw sa kaban ng bayan?

Sa kabilang dako, kung tayo ay mayaman, nangangahulugan ba na maligaya na tayo? Bakit may
ilan na sa kabila ng kanilang labis na yaman ay wala pa ring kabusugan. Patuloy pa rin sila sa
pagkamal ng yaman? Ang iba nga handang manloko, magsinungaling at pumatay pa nga para
lang sa kayamanang hinahabol nila?

Wala silang kabusugan dahil ang ligaya na maaring maibigay ng pera o yaman ay pansamantala
lamang. Ang pera ay nauubos din. May kakulangan din sa ating buhay na hindi kayang punan ng
kayamanan. Kaya may ilan na sa kabila ng labis nilang kayamanan, ay hindi pa rin maligaya at
nauuwi rin lang sa pagpapatiwakal. Tignan ninyo ang ilang nasa pamahalaan. Mayayaman na
sila. Ngunit bakit wala silang kabusugan? Walang tigil pa rin sa pagnanakaw sa kaban ng bayan?
Kung maaari lamang ay hambambuhay na sila sa kapangyarihan. Handa silang magsinungaling,
manloko at pumatay pa nga para lamang patuloy sa kanilang pagnanakaw at pananatili sa
kapangyarihan. Wala silang kabusugan dahil hinahanap nila ang ligaya sa isang bagay na hindi
kailanman makapagbibigay sa kanila ng ligaya.

b. Sa kapangyarihan, katanyagan, sarap ng katawan o sa taong iniibig ba?

Ang iba naman ay hinahanap ang ligaya sa kapangyarihan at siyang layunin ng kanilang
buhay? Maligaya nga ba sila? Laging may takot sa kanilang puso na aagawin sa kanila ang

1
kanilang kapangyarihan. Kung hindi man may pumatay sa kanila ang ilan ay nauuwi rin sa
pagpapatiwakal, tulad ni Hitler.

May mga hinahanap naman ang ligaya sa katanyagan, tulad na lang halimbawa ng ilang mga
atleta o artista. Ngunit ang katanyagan ay lumilipas rin. Ang iba pa ay hinahanap ang ligaya sa
kasiyahang pangkatawan tulad ng pagkain o seks at palipat-lipat sa iba’t-ibang babae, ngunit
ang katapusan ay kalungkutan pa rin.

Ang isa ko namang kaibigan, napakaligaya niya sa piling ng kanyang minamahal. Magkasama pa
nga silang nagsisimba. Ngunit naaksidente ang kanyang mahal. Tinangka rin niyang wakasan
ang buhay niya. Sabi niya sa akin, “ano pa ang halaga ng buhay ko kung wala na siya?”

2. Saan ang tunay na ligaya?

Saan ba natin makakamtan ang ligaya na inaasam-asam ng ating puso? Sa pera, kapangyarihan,
katanyagan, sarap ng katawan, sa isang tao na ating minamahal? May ligaya silang maibibigay sa
atin, ngunit ligayang pansamantala lamang at may kulang. Ang kaligayahang hangad natin ay
hindi yaong pansamantala lamang kundi walang hanggan; hindi yaong may kulang kundi ganap
kung kaya wala na tayong hahanapin pa.

Nabanggit natin nang ating talakayin:

1) Ang tao bilang hayop na may isip, na ang taong maligaya ay yaong
ang pamumuhay at alinsunod sa katwiran at hindi yaong sunud-sunuran lamang at alipin
ng kanyang mga pandama, damdamin, pagnanasa at katutubong ugali;

2) Ang tao bilang katawan at kaluluwa na ng kaligayahan niya ay hindi


sa sarap ng katawan lamang o sa kasiyahan lamang ng kaluluwa kundi sa kasiyahan ng
buo niyang pagkatao at kung gayon ay hindi sapat na busog siya sa mga pangangailangan
ng kanyang katawan ngunti ipinagkakait naman sa kanya ang kalayaan at ginagawa
siyang tau-tauhan lamang na sunud-sunuran sa kagustuhan ng iilan;

3) Ang tao bilang likas na makalipunan na ang ating ligaya at kaganapan


sa buhay ay nasa pagbabahagi ng ating buhay sa kanila.

Maari tayong makaranas ng kaligayahan sa isang minamahal, sa pamilya, sa ating trabaho o sa


paglilingkod sa kapwa. Iyan marahil ang posibleng kaligayahan na mararanasan natin sa
mundong ito. Ngunit kailangan nating tanggapin na walang anuman sa mundong ito ang
makapagbibigay sa atin ng ligayang hangad natin, ligayang ganap at walang hanggan (perfect
and permanent happiness).

Bakit may ganitong pagkauhaw sa puso ng tao kung hindi naman ito magkakaroon ng katuparan?
Winika ni C.S. Lewis na dating isang ateista (na marahil ay kanyang tugon kay Freud), "Ang
mga nilalang ay hindi ipinanganak na may mga pagnanais maliban kung ang kasiyahan para sa
mga gayong pagnanais ay umiiral. Ang isang sanggol ay nakakaramdam ng pagkagutom: mabuti,
mayroong isang bagay tulad ng pagkain… Kung masusumpungan ko sa aking sarili ang isang
pagnanais na hindi kayang bigyang-kasiyahan ng anumang karanasan sa mundong ito, ang
pinakamalamang na paliwanag ay na ako ay ginawa para sa ibang mundo" (Mere Christianity,
p. 136-137).
Ang pagkauhaw na iyan ay maaaring magkaroon lang ng katuparan sa piling ng Diyos dahil siya
lang ang ganap at walang hanggan. Tanging sa Diyos lamang na siyang layunin ng tao sa
kanyang buhay na kanyang matatagpuan ang kaganapan (fulfillment). Ang Diyos ang lumikha
sa atin at kung gayon ang naglagay sa puso ng tao nga pagkauhaw sa ligayang ganap at walang
hanggan na makakamtan lang natin sa piling Niya. Kaya nga nawika ni San Agustin

Panginoon nilikha Mo kami para sa Iyo at ang aming mga puso ay hindi
matatahimik hanggat hindi nahihimlay sa Iyo”.

Ang pagnanais sa Diyos ay nakasulat sa puso ng tao, sapagkat ang tao ay nilikha ng
Diyos at para sa Diyos at ang Diyos ay hindi tumitigil sa paglapit ng kanyang sarili sa
2
tao. Sa Diyos lamang niya matatagpuan ang katotohanan at kaligayahang hindi siya
tumitigil sa paghahanap (par. 27, Catechism of the Catholic Church).

3. Likas na relihiyoso

Ito ang batayan ng pananaw na ang tao ay likas na relihiyoso, hindi dahil siya ay madasalin o
palasimba, kundi dahil likas sa kanya na maghangad ng ligayang ganap at walang hanggan na
makakamtan lamang sa piling ng Diyos. Ayon kay Plutarch, “walang makikitang lungsod na
walang mga Diyos at Templo”, na patunay lamang ayon sa kanya ng pandaigdigang pagkauhaw
ng tao sa Diyos. Maaaring magkaiba ang mga tao sa kung ano at sino ang Diyos. Ngunit
kanilang kinikilala ang pangingibabaw ng Diyos sa tao at sa mundo.

4. Ang matuwid na pamumuhay

Ang tao ay likas na relihiyoso. Ang matuwid na pamumuhay kung gayon ay kinikilala ang
Diyos na siyang layunin ng ating buhay at kung gayon ay inilalaan sa pagmamahal at
paglilingkod sa Kanya. Gaya ng sinabi ng Baltimore Catechism, “Ginawa ako ng Diyos para
makilala Siya, mahalin Siya, at paglingkuran Siya sa mundong ito, at maging masaya kasama
Siya magpakailanman sa langit”. Ang di-matuwid na pamumuhay ay yaong ang kayamanan,
kapangyarihan at iba pang bagay sa mundong ito ang tinuturing na siyang layunin at panginoon
ng ating buhay.

Hindi masamang maghangad ng kayamanan, kapangyarihan, katanyagan o sarap ng katawan o


anumang bagay sa mundong ito. Ngunit kailangan nating mabatid na sila ay mga kasangkapan
lamang. Ang di-matuwid ay ang ituring sila na pinakalayunin o panginoon ng ating buhay, na
handa tayong magsinungaling, manloko o pumatay pa nga para lamang sa kanila. Kung ilalagay
natin ang ating pag-asa sa kanila, mauuwi lang tayo sa kabiguan.

Bakit may mga taong hindi maligaya at kung gayon naklikita nila ang buhay nilang hungkag
(empty) at nauuwi pa sa pagpapatiwakal (suicide)? Hindi ba posible na ito ay dahil naghahanap
sila ng kaligayahan sa mga bagay na panandalian at sa gayon ay hindi kailanman magpapasaya
sa kanila? Ang kahungkagan na ito ang naghatid sa ilan sa Diyos, sa pagkabatid na ang matuwid
na pamumuhay ay yaong nakatuon sa pag-ibig at paglilingkod sa Diyos; isang buhay na ang
tinutungo ay ang Diyos bilang layunin ng pag-iral ng tao sa mundong ito. Ang di-matuwid na
pamumuhay ay ang nagdulot sa kanila sa kahungkagan kung saan ang mga pansamantalang
bagay ng mundong ito ang hinahabol bilang layunin ng kanilang buhay.

*panoorin: “I can’t get no satisfaction” (https://www.youtube.com/watch?v=nrIPxlFzDi0)

Ngunit paano natin iibigin ang Diyos?

PAGMUMUNI-MUNI

3
Nihilismo

Kung ang nihilismo ay ang paniniwala na ang buhay ay baligho o walang kabuluhan, wala
talagang ganap na nihilista. Lahat sila ay nalampasan ang kanilang nihilismo. Nagwika si Jean

4
Paul Sartre na lilikha ang tao kabuluhan para sa kanyang sarili. Si Albert Camus naman ay
nakikita ang kabuluhan sa pakikibaka.

Di tayo lumilikha ng kabuluhan. Nakikita natin ang kabuluhan marahil sa ating trabaho, pamilya,
kapwa, sa pakikibaka para sa katotohanan, katarungan at demokrasya. May kabuluhan ang mga
nabanggit anuman ang paniniwala ng isang tao.

The suffering person indeed needs a listener but we should not delude ourselves into thinking
that merely listening to him will relieve him of his sufferings or make him cope with his
sufferings. While the suffering person does not need a lecture, he likewise needs answers as to
the reason, meaning, purpose or value of sufferings. As Victor Frankl said, “He, who has the
why for his existence… will be able to bear with almost any how.”

5
Killling one's self or suicide is an act of cowardice, an act of self-deception . It takes courage
to live despite what Camus views as the absurdity of human existence (like Sisyphus pushing
a boulder up a hill every day for eternity). However, despite pronouncing the absurdity of
human existence, Camus nevertheless sees meaning in the struggle, in defiance. Though life
is a never-ending defeat, we must not give up the struggle. To affirm the value of struggle,
what is affirmed is that which one struggles for. Thus Dr. Rieux, a character in one of his
novels, despite considering the hopelessness of his cause, still continues in his fight against
the plague. By doing so, he has affirmed the value of human life, of love for fellowmen.

If nihilism is the view that life is totally meaningless or absurd, no one I believe is a nihilist
through and through. All have gone beyond nihilism. Sartre spoke of man creating meaning
for himself. Albert Camus sees meaning in the struggle, in defiance. Camus imagines
Sisyphus happy. In the words of Frederick Copleston, "the man of the absurd lives without
God. But it by no means follows that he cannot devote himself in a self-sacrificing manner
to the welfare of his fellowmen... It is possible to be a saint without an illusion."

God is dead is not the same as God does not exists. To one who has always been an atheist,
God never existed and thus as one asked here how then can he be dead. The death of God
however is an experience of someone who once believed in God. He mourns God's death. It
is like a son who declares his father no longer exists believing that his father is not what he
conceived him to be. For even if he existed, it would not make any difference in his life. Only
the Christian for instance, who cannot understand how the all-good and all-powerful God

6
he believes who can pronounce God dying in the face of the suffering and evil in this world
which he finds meaningless and thus cannot reconcile with his belief in God. But then, can
he find God once more alive in his life?

Sadly, Camus died. Some looking at the trajectory of Camus' writings believed that were it
not for the tragic accident, Camus was nearing conversion.

Root of all evil: Shakespeare in "the Merchant of Venice" said that even the devil can cite
Scripture and Atheist Republic seems to be giving the devil a run for his money by misquoting
the Bible. The Bible never said that money is the root of all evil. What it said is that it is the
LOVE of money which is the root of all kinds of evil (1 Timothy 6:10). This means making
money as the be all and and all of one's existence, one's very life's purpose or the Lord and
Master of one's life, like some in government who would do everything, kill, lie or steal for
money's sake, even deceive people by making false promises that they never intended to fulfill
just to win elections (someone you surely know of, who has been breaking election campaign
promises left and right). Wanting to be rich is not wrong. Sadly, as St. Paul said in 1 Timothy,
some "who want to get rich (many occupying responsible positions in government), fall into
temptation and are caught in the trap of many foolish and harmful desires which pull them down
to ruin and destruction" and in so doing, to our great misfortune, bring ruin and destruction to our
nation too.

m. An inconsolable longing

The article (“An Inconsolable Longing”) mentions C.S. Lewis who describes that aching
sense of waiting and dissatisfaction that regularly clouds our thoughts; that feeling that in
the deepest depths of existence all we will find is a void. There is a hunger in the human
heart which nothing in this world can quench. Perhaps the answer lies in this other

7
statement of of C.S. Lewis, "If I find in myself a desire which no experience in this world
can satisfy, the most probable explanation is that I was made for another world." (Mere
Christianity, p. 136-137). “For Thy Self, O God, Thou has made us and our hearts will be
restless until it rests on Thee” – St. Augustine of Hippo.

People carry in their hearts an inconsolable longing for something and they are never quite sure
what it is.
Most people’s lives go on as if they have no choice because they have no choice. Choice is the
province of the privileged and daring. Most of us are neither. We have jobs, families, fears and
responsibilities. We look forward to small diversions – holidays, the weekend, a rare stroke of
good fortune – before we step back on the treadmill and the days march on to their inevitable
destination.
People experience an ambiguous well-being in the quotidian routine of the half-lived life, but
still suffer an inconsolable longing. This is not nostalgia so much as a misplaced belief that with
one more turn in the mirror maze they will stumble upon some secret or answer or deeper
meaning.
The ominous phrase ‘an inconsolable longing’ is an imperfect translation of the German
word sehnsucht. It was first used by the writer C.S. Lewis (The Lion, the Witch and the
Wardrobe) to describe that aching sense of waiting and dissatisfaction that regularly clouds our
thoughts; that feeling that in the deepest depths of existence all we will find is a void.
Existentialists believe there is no purpose to life other than pleasure, but pleasure drifts like
cigarette smoke into melancholy and ennui. A glass of absinthe and you are living the life. Drink
a bottle and you’re dead.
Rhythms of an Inconsolable Longing
An experiment at Cambridge University showed that when a number of metronomes were placed
on a stage and set off at different times, they soon began to beat together. They are not
individuals, but herd creatures driven by the rhythms and thoughts of those around them.
To break the metronome quandary and dance to the rhythms of your own inner music, the time
comes when you must cut the cords of the safety net and venture on to the high wire. We have
more fear of the unknown than the reality of lived experience, our balancing act over the abyss.
We may try and find solace in religion, but if there is an Old Man in the Sky, he cannot be relied
on to mitigate war, plague, flood and famine. Conspiracy theorists believe there is a cabal of
paederasts in league with the Illuminati secretly directing the White House. That’s compelling, a
diversion, a movie pitch. But nonsense. We have a need for kings, a wise man, a great leader, but
kings and leaders are seldom wise and lead to tyranny.
On dark nights with the moon in its first quarter, we discover that we are on our own and try to
put meaning into the void by accumulation – wealth, power, achievement, the gathering of things
we don’t need and weigh us down like uneven ballast in a floundering ship.
What is the answer?
There is no answer. Don’t trust politicians with promises to build bridges where there are no
rivers. Fill your glass and read for pleasure. As innocence fades or awakens, we must face the
reality of the mirror’s reflection and learn to live with an inconsolable longing.
https://cliffordthurlow.com/2022/03/29/an-inconsolable-longing/?
fbclid=IwAR0jPyNgsGasXlCzG6yNAqDutMg2paZaMGIFBFOKJMPgZDHitOgR2onyvmM

8
Paasa lamang po sa mga di nakauunawa. "Therefore go and make disciples of all nations,
baptizing them in the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit, and teaching
them to obey all that I have commanded you. And surely I am with you always, even to the end
of the age." Iyan po ang konteksto nang binitiwang salita ni Kapatid po. Hindi tayo iiwan, dahil
sabi niya, "Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon”
(Mateo 28:20). Ngunit marahil ang dapat itanong ay si Kristo ba ang nang-iwan sa atin o tayo
ang nang-iwan sa kanya? Nasaan ba si Kristo? Siya mismo ang nagsabi, na Siya ay nasa ating
kapwa: sa mga dukha, nagugutom, nauuhaw, dayuhan, walang maisuot, maysakit, nasa
bilangguan, na ang ginawa natin sa aba nating mga kapatid ay sa Kanya natin ginawa at siyang
magsisilbing batayan Niya ng paghatol sa atin sa araw ng paghuhukom (Mateo 25: 31-40).

Pope Francis is something out of the ordinary! Here is his new message, full of wisdom and humility.
If you don't practice any religion, agnostic, christian, atheist or Jehovah witness. It just doesn't do
anything. Read it... you won't regret it.
H A P P P A P P Y .... take a minute to read this.
Pope Francis
“You may be flawed, anxious and sometimes irritated, but remember that your life is the biggest
business in the world. ”
Only you can stop them from declining.
Those who appreciate, admire and love you are many And you don’t know it but there are people
you’re special to
I want you to remember that happiness is not having a sky without storms, walking without
accidents, working without fatigue, personal relationships without disappointments.
Being happy is finding strength in forgiveness, hope in battles, confidence in fear, love in discord.
Being happy does not only mean valuing the smile, but also reflecting on the sadness.
It's not just about commemorating success but learning the lessons of failure.
It’s not just joy with applause, but joy in anonymity.
Being happy is recognizing that life is worth living despite all the challenges, sadness,
misunderstandings and moments of emotional and economic crisis.
Being happy is not a destiny, but a conquest for those who know how to travel in their own being.
Being happy is to stop being a victim of problems and become an actor of your own story.
It's like walking through deserts outside of yourself, but managing to find an oasis deep in your soul.
It's to thank God every morning for the miracle of life.
Being happy is not being afraid of your feelings.
It's all about talking about yourself.
Have the courage to hear a "no" even from those you love.
It is about having the confidence to receive criticism, even if it is unfair.
It’s hugging children, cuddling parents, having poetic moments with friends, even if they hurt us.

9
To be happy means to let live the free, happy and simple creature that lives in each of us.
Being matured means saying "I was wrong".
Have the courage to say "forgive me. ”
It's having a sensitivity to say "I need you".
Is having the ability to say I love you.
May your life become a garden of opportunities for happiness..
May you be a lover of joy in your fountains.
May you be a friend of wisdom and peace through your winters.
And when you make a mistake along the way, you start again.
Well you will be more passionate about life.
And you’ll find that being happy doesn’t mean having a perfect life.
But she uses tears to tolerate water.
Use losses to sharpen your patience.
Use the Fallas to sculpt serenity.
Use pleasure to drive away pain.
Use obstacles to open windows of intelligence.
Don't ever give up...
Never give up on the people you love.
Never give up on happiness, because life is a show not to be missed! "
Pope Francis calls everyone, regardless of where they are, faith or religion, to a moment of
collection, meditation or prayer for peace. The whole planet joins in praying for PEACE

10

You might also like