Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

PROLOGUE

Ang love ay para raw isang ibon na kailangan pakawalan at palayain. Babalik kung para
sayo. Kung hindi man, antayin mo nalang.

Nung namatay si Tatay, lumipat ako at nakitira kay Kuya Joonie. Umalis si Kuya Joonie
sa bahay noon, dahil ayaw ni Tatay sa bakla.

“Kuya grabe, ba’t kasi tayo naglalakad ang init. Ba’t di nalang tayo nag antay ng tricycle
doon sa may waiting shed?!”

“Madalang lang ang tricycle dito no, at tsaka malapit lapit na rin naman ang bahay”

“Malayo pa ba yon?”

“Konti nalang.”

Sa kwento ko, ako ang ibon na papakawalan, ako rin ang babalik.

Gagawin ko ang lahat para sa pag ibig.


CHAPTER 1

Ako si Mia Camille Lorenzo, 16 na taong gulang. Ulila na ako sa aking ina, at tanging Ama ko nalang ang aking
kasama sa buhay, umalis na rin ang aking Kuya Joonie sa aming tahanan, sapagkat nalaman ni Tatay ang
katotohanan na may pusong babae ang aking Kuya.

Nung pumanaw si Tatay, lumipat ako at nakitira kay Kuya Joonie sa bukid. Malayo ngunit masaya naman at
mapayapa. Doon ko nakilala ang lalaking hindi ko inaakalang magpapatibok ng puso ko.

Habang naglalakad kami ni Kuya sa gitna ng ilog papunta sa bahay niya, nakasalubong namin si Kuya Peter.

“Kuya Joonie!” bati ni Kuya Peter.

“Oh Peter! San punta mo?” sagot naman ni Kuya Joonie.

“Tulungan ko na kayo” sabi ni Kuya Peter habang binubuhat ang mga dala naming maleta.

“Aba! Salamat Peter” sambit ni Kuya Joonie.

Dito ko siya nakilala, ang ganda ng mga ngiti niya, doon lang ako nakakita ng ganon. Ninerbyos ako, kinabahan
bigla.

Malapit na rin namang ang bahay ni Kuya Joonie nung naabutan kami ni Kuya Peter kaya medyo madali dali rin
ang nilakad namin.
“Ilapag mo lang dito, kami na magpapasok Peter. Salamat ha” sabi ni Kuya Joonie.

“Sige Kuya, mauna na po ako.” sagot naman ni Kuya Peter.

Bago umalis si Kuya Peter, ako na mismo nag abot ng kamay ko para makipag-shakehands sakanya, ehe!

“Mia” sabi ko habang inaabot ko ang kamay ko sakanya.

“Ah, Peter. Si Mia, kapatid ko. Dito na titira saakin ‘yan” pag aalinlangan na sagot ni Kuya Joonie

“Si Kuya Peter mo, Mia” sabi naman ni Kuya Joonie.

Natulala ako sa ganda ng mga mata ni Kuya Peter, sa matangos niyang ilong, at sa makisig niyang
pangangatawan, para akong nasa alapaap.

First time kong naramdaman ‘yon, di ko alam kung ano. Kinabahan ako lalo.

“Si Peter ang caretaker at tagasingil ng mga paupahang lupa at bahay dito, pati na ‘tong tinitirhan ko.” sabi ni
Kuya Joonie.

“Sige Kuya, mauna na po ako.” Paalam ni Kuya Peter kay Kuya Joonie.

Si Peter ang pinakamaganda kong karanasan, at pinakamalaki kong pagkakamali.


Ang Kuya Joonie ay nag tatrabaho sa opisina ng Parish Church kaya, madalas mag isa lang ako sa bahay.
Ang boring sa totoo lang.

KINAUMAGAHAN

“Kamusta ba tulog mo, Mia? Ayos lang ba?” tanong ni Kuya Joonie habang nasa hapag kainan kami.

“Ayos lang naman, Kuya. Medyo nakakatakot lang yung mga rebo rebulto mo doon.” patawa kong sagot kay
Kuya Joonie.

“Baliw” sagot naman ni Kuya Joonie.

“Kuya, papasyal ako mamaya ha” paalam ko kay Kuya Joonie.

“Nako, sa weekend nalang Mia. “ sagot ni Kuya Joonie sa akin.

“Wala naman akong gagawin dito eh, tsaka para ma explore ko rin itong lugar na ‘to” sagot ko kay Kuya Joonie.

“Hindi ka ba makakaintay ng mga susunod na araw?” sagot ni Kuya Joonie.

“Bored na bored na ko dito.” sagot ko rin kay Kuya Joonie.

“Mag cellphone ka nalang muna, di mo pa kabisado itong lugar na to.” sagot ni Kuya Joonie.

“K, Fine!” sagot ko kay Kuya Joonie.

You might also like