Gabay Sa Pagababalik Aral Sa Midterm

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

St.

Paul University Philippines


Tuguegarao City, Cagayan 3500
SCHOOL OF ARTS SCIENCES AND TEACHER EDUCATION

FILIPINO SA IBA’T-IBANG DISIPLINA


GABAY SA PAGREREVYU PARA SA MIDTERM
EXAMINATION

FILIPINO SA LARANGAN NG HUMANIDADES


Ang Pantaong Sining ay may kaugnayan sa kultura at sining tulad ng sayaw, musika, arkitektura,
pagpipinta, pelikula, dula at panitikan.
Humanidades
- Pinag-aaralan ang tungkol sa tao at ang pagiging tao
- Pinagtutuunan ng pansin ang ginagawa at sinasabi ng tao na naayon sa kanyang kagustuhan.
- Ang humanidades ay isang pag-aaral na pinagsamang likas na agham (life sciences) at agham
panlipunan (social sciences).

Istandard na wika
- Ito ang mga wikang gamit sa edukasyon, pamahalaan at midya. Tumutukoy ito sa mga
wikang ginagamit sa pormal na pagsulat o kabilang sila sa pormal na antas ng wika.

Sayaw
- Ang sayaw ay isang katutubong paraan ng pagpapahayag ng damdamin, ng pag-ibig, ng
lungkot, galit at ng iba’t ibang masalimuot na damdaming kinapapalooban ng dula ng buhay.
- Ang lahat ng mga katutubong sayaw ay may makasaysayang simula. Ang angkop at likas na
tugtugin at kasuotan at pangkalahatang kasiyahan sa mga panlipunan kapaki-pakinabang ay
matatamo sa mga katutubong sayaw.
- Ang mga nakaukit sa pader ng mga yungib sa Ehipto na may 6,000 taon na ang nakalipas ay
nagtala ng kahalagahan ng sayaw sa iba't ibang pagdiriwang. Katibayan lamang ito na
ginagamit ng katutubo ang sayaw sa kanilang pagpapahayag.

Ang mga sayaw na naging Kristiyano (Unang pankat ng sayaw)


1. Pagtutulad sa mga Ibon
- kinabibilangan ng Itik-Itik (buhat sa itik); Kalapati (buhat sa kalapati); at Tinikling (buhat sa
ibong-palay na tinikling na nagsisikap na umiwas sa bitag na kawayan).

2. Panliligaw
- Subli (umiikot ang lalaki upang ipahayag ang kaniyang panliligaw hanggang sa mapasagot ang
babae.)
- Maramion ng Cebu (Nangangahulugan ito ng bango, nagpapabango ang babae upang maakit
ang lalaki, lumuluhod pa ang mga lalaki wari’y magpapahabag sa mga babae.

GOD BLESSED BB. CHARM


3. Paglalaban
- kinabibilangan ito ng Sakuting at Palo-palo
4. Paghahanapbuhay
- kinabibilangan ng Maglalatik
5. Pang-aliw
6. Mga Impluwensiya ng mga Kastila
- Rogelia ng Iloko - kasaysayan ng malungkot na pag-iibigan, hindi matanggap ng babae ang
pag-ibig ng binata kahit na iniibig niya ito dahil sa ayaw niyang lumabag sa magulang.

Sayaw na Di-Kristiyano (Ikalawang Pangkat ng Sayaw)


Ilan sa kilalang sayaw:
Kandingan at Sua-sua (sayaw ng pag-iisang dibdib ng Sulu)
Sagayan (sayaw pandigma ng Lano at Cotabato)
Tahing Baila (sayaw panseremonya)
Singkil (mas masalimuot kaysa sa tinikling sapagkat apat na kawayan ang ginagamit at sumasayaw
ay kumatawan sa isang prinsesa na pinapayungan pa.
Kanyaw - sayaw ng mga igorot

Awiting Bayan
Ito'y mga awiting mula pa sa iba't ibang panig ng ating bansa. Ito a kadalasang inaawit ng mga
karaniwang tao tulad ng magsasaka mangingisda o magbuburda. Simpleng awitin na punung-puno
damdamin at buhay.
Ang mga awiting bayan ay nasa anyo rin ng tula na may sukat tugtog at indayog at maiikli lamang.
Karaniwang inilalarawan nito ang mas pang-araw-araw na gawain ng ating mga ninuno. Ngunit dahil
sa mabilis na lakad ng panahon, marami na sa awiting ito ay hindi na natin naririnig sa panahong
kasalukuyan.

Mga uri ng Awiting Bayan


1. Oyayi o hele (lullaby song) - awit sa pagpapatulog ng sanggol.
nakakaantok ang tono at paulit-ulit ang nilalaman ngunit makahulugan.
2. Kundiman (love song) - awit sa pag-ibig, awiting punong-puno ng pangarap at kung minsa'y
nagtataglay ng malungkot na damdamin.
3. Talindaw (boat song) - awit sa pamamangka.
4. Soliranin (rowing song) - awit sa pagsasagwan.
5.Diona (nuptial/courtship song) - awit sa kasal.
6. Kumintang (war/battle song) - awit sa pakikidigma.
7. Dalit (hymns)- awit sa panrelihiyon.
8. Kalusan (awit sa paggawa) - inaawit habang gumagawa o pagkatapos ng trabaho.
9. Sambotani - awit ng pagtatagumpay.
10. Pananapatan - awit sa panghaharana ng mga Tagalog.
11. Balitaw - awit sa panghaharana ng mga Bisaya
12. Pangangaluluwa - awit sa araw ng mga patay ng mga Tagalog.
13. Dung-aw - awit sa patay ng mga llokano.

GOD BLESSED BB. CHARM


PANITIKAN
Ang salitang panitikan ay nagmula sa unlaping pang- na nagigin pan- kung ang kasunod na
salitang-ugat ay nag-uumpisa sa titik d, r, l, s, at t. Sa salitang-ugat na titik, nawawala ang letrang
“I” sa pagkakasunod sa pan at sa hulaping -an, kaya nagiging pang-titik -an. Ito ay
nangangahulugan sa Ingles na literature, sa Kastila ay literatura na ibinatay sa salitang Latin na
litera na ang ibig sabihin ay letra o titik.

Uri ng Panitikan
1. Tuluyan o Prosa (Ingles: prose) - maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng
pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.

2. Patula o Panulaan (Ingles: poetry)


- pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang na pantig sa taludtod na
pinagtugma-tugma, at nagpapahayag din ng mga salitang binibilang ang mga pantig at
pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga taludtod sa isang saknong.

3. Tulang Patnigan –Ito naman ay nakatuon sa pagkukuwento o pagpapakita ng balangkas ng


isang pangyayari. Walang bilang ng taludtod, saknong, o pantig ang tulang pasalaysay.

Maaari itong mga akdang mahaba o maikli na nagbibigay ng simple o komplikadong mga
pangyayari tulad ng daloy ng buhay pag-ibig o pakikipagsapalaran ng isang tao o bayani.
1. Tulang Pantanghalaan o Pandulaan - Ito ay mga piyesa o tulang itinatanghal sa mga dulaan o
teatro. Karaniwan itong binibigkas ng patula sa saliw ng tunog o musika upang mas maging
kagiliw-giliw sa mga manonood.
2. Balagtasan: Isang uri ng pagtatalo sa pamamagitan ng tula kung saan dalawang panig ay
naglalaban sa pamamagitan ng mga taludtod. Karaniwang may tagapagsalaysay at dalawang
magtatalo
3. Duplo: Isang tradisyonal na anyo ng patimpalak sa tula kung saan nagtatalo ang dalawang
magkabilang panig sa pamamagitan ng mga taludtod. Karaniwang ginagamitan ito ng malayang
pagtutugma at malalim na kahulugan.

FILIPINO SA LARANGAN AGHAM PANLIPUNAN


Tumatalakay sa mga paksang may kinalaman sa mga institusyon, gawain ng lipunan at ugnayan ng
isang tao sa lipunang kanyang kinabibilangan.

AGHAM PANLIPUNAN
- Pinag-aaralan ang mga aspeto ng tao at ng sangkatauhan sa mundo.
- Pinagtutuunan ng pansin ang ginagawa ng tao para sa pangkalahatan.
- Isang pangkat ng mga disiplinang pang-akademiko na pinag-aaralan ang mga aspekto ng tao
sa mundo.

MGA DISIPLINA NG AGHAM PANLIPUNAN


1. Agham Pampulitika (Political Science) - agham panlipunan na nag-aaral sa mga proseso,
konsepto at prinsipyong pampamahalaan, at ang mga phenomena sa politika
2. Antropolohiya (Anthropology) - agham panlipunan na nag-aaral sa kalipunan at kabuuan ng

GOD BLESSED BB. CHARM


mga uri ng pamumuhay o gawain ng mga tao.
3. Ekonomiks (Economics) - agham panlipunan na nag-aaral sa mga negosyo o ekonomiya ng
isang bansa, pati na rin ang mga polisiya at hakbang na maaaring tahakin para mapaunlad ang
isang bansa.
4. Heograpiya (Geography) - agham panlipunan na nag-aaral sa heograpikal na lokasyon ng
mundo. Nakapaloob dito ang pag aaral sa lokasyon, klima, topograpiya, lawak, sukat, at likas
na yaman ng isang lugar.
5. Sikolohiya (Psychology) - agham panlipunan na nag-aaral sa isip, diwa, at kilos na mayroon
ang isang tao. Dahil sa lawak ng konsepto na nasasakop nito, madalas ay kinikilala ito bilang
hiwalay na disipllina sa agham panlipunan.
6. Sosyolohiya - Isang maka-agham na pag-aaral ng tao sa interaksyon o pakikipag-ugnayan ng
mga tao sa bawat isa, sa iba't ibang mga kultura, at ang ugnayan ng isang tao sa lipunang
kanyang kinabibilangan.
Si Serafin Macaraig ang tinaguriang Ama ng Sosyolohiya sa Pilipinas.
7. Kasaysayan - Ang isang disiplina ng agham panlipunan na naglalayon na maghayag ng mga
pangyayari sa nakalipas. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng kronolohikong pagtatala ng mga
pangyayaring sa mga sinaunang tao.

ANG FILIPINO SA LARANGAN NG INHENYERA


Ayon kay Mr. Salazar, sa kaniyang pagtuturo napapansin niya na mas nalilito at nahihirapan ang
mga estudyante kung baybayin pa sa Filipino ang mga salitang nabanggit. Ang opinion ng ilang
guro ay bakit pahihirapan pa ang mga mag-aaral kung mas maiintindihan at matatandaan naman
ang mga termenolohiya sa orihinal na baybay ng mga ito.

Sosyolohiya
- Makaagham na pag-aaral ng tao sa kaniyang relasyon o interaksyon sa kaniyang lipunan at
sa iba pang indibidwal o grupong kanyang kinabibilangan.
FILIPINO SA LARANGAN NG MATEMATIKA AT INHENYERA
Matematika
- Isa sa pinakamahirap ngunit pinakakailangang asignatura na nagbibigay kasagutan sa
mga tanong at problemang may kinalaman sa numero, sukat, kapasidad, istraktura at
pagbabago.

Isa sa malaking hamon ay kung aling wika ang gagamiting midyum sa


pagpapahayag. Alinsunod sa mga pananaliksik at mungkahi ng UNESCO 2023 at

GOD BLESSED BB. CHARM


Summer Institute of Linguistics (SIL) (2007), praktikal na gamitin ang alinmang
wika higit na gamay ng mga mag-aaral, kung saan sila higit na bihasa.

• Binanggit naman ni Aldaba 1996, na may ilang pananaliksik na naisagawa na


masigasig na nagtataguyod sa Filipino bilang wika sa pagpapadali sa pag-aaral, lalo
na sa agham at matematika, kailangan lang pag-ibayuhin.

Addition- lakta o talulod


Angle – siha o talulo
Arithmetic – bilnuram
Factor – tumbas
Formula -samyo
Protactor - pahina

FILIPINO SA LARANGAN SIYENSYA AT TEKNOLOHIYA


- Ang salitang siyensiya o science (agham ang tawag dito ng mga Pilipino) ay galing sa salitang
Latin na
scientia, ibig sabihi’y karunungan.
- Ang layunin ng siyensiya ay maparami at mapalawak ang datos upang makapagbuo ng teorya.
Likas na Siyensiya
- Ang larangang nagtutuon sa pag-aaral ng mga penomenang likas sa mundo—sistematikong
identipikasyon, obserbasyon, deskripsiyon, klasipikasyon, eksperimentasyon, imbestigasyon,
at teoretikal na paliwanag sa mga penomenong ito na may layuning mabatid at magkaroon ng
kaalaman tungkol dito.

Teknolohiya
- Pinagsamang salita ito ng Griyego na techne (sining, kakayahan, craft o paraan kung paano
ginagawa ang bagay); at logos o salita, pahayag, o binigkas na pahayag
- Umaasa ito sa mga teoryang pansiyensiya. Ito ang paglikha at paggamit ng iba’t ibang
pamamaraan o kaugnayan ng buhay, kapaligiran, kalikasan, at lipunan.
Kabutihan ng Teknolohiya sa Edukasyon
1. Nakatutulong sa indibidwal na proseso ng pagkatuto sa bawat mag-aaral.
2. Ginagamit sa interaksyon ng mga mag-aaral at dalubguro sa loob ng klase.
3. Malaki rin ang nagagawa ng teknolohiya sa kakayahan ng mga mag-aaral na magsulat at
magbaybay.
4. Malaki rin ang papel na ginagampanan ng teknolohiya para sa mga pangkatang gawain at
pagkatuto ng mag-aaral.
5. Inihahanda ng teknolohiya sa klase ang mag-aaral sa totoong mundo ng trabaho na kailangan
nilang harapin sa hinaharap.
6. Ginagawang simple ng teknolohiya ang trabaho ng isang dalubguro.
Negatibong Dulot ng Teknolohiya sa Edukasyon
1. Hindi lahat ng akademikong institusyon ay may kakayahang gumamit ng teknolohiya.
2. Maaari itong makasagabal sa mga gawaing pagkatuto
3. Ang paggamit nito at nangangailangan ng ibayong pagsasanay.

GOD BLESSED BB. CHARM


TEORYA NG PANANALIKSIK DISKURSO ANYO NG DISKURSO
Diskurso
- Tawag sa paggamit ng wika bilang paraan ng pagpapahatid ng mensahe.
- Pormal o sistematikong eksaminasyon ng isang paksa na ginagamit ang anyo ng diskurso ang
pasalita at pasulat.
- Kapareho ng Komunikasyon

Dalawang Anyo ng Diskurso


1. Pasulat – mas nakatuon ang atensyon ng nagsusulat sa kanyang kakayahang pangwika upang
matiyak na malinaw niyang maipapahayag sa kanyang isinulat ang kanyang mensahe dahil
maaaring iba ang pagkaunawa ng tatanggap nito.
- isinalang-alang ang anyo ng sulatin o format, uri ng papel at iba pa.
- TANDAAN: Mahalagang wasto ang gramatika dahil ito ay nakasulat.

2. Pananalita – mahalaga ang kakayahang pangwika sa pakikipag-usap ngunit minsan ay


naaapektuhan ang kahulugan kung hindi bibigyang-pansin ang kalagayang sosyal habang
nagaganap ang diskurso kung kaya’t mahalaga rin ang kakayahang komunikatibo.
TANDAAN: Dapat na iangkop ang sasabihin sa panahon, sa lugar at maging sa taong kausap
upang makamit ang layunin.

Kahalagahan ng Diskurso
- Fanksyunal – nagkakaroon ng ugnayan sa pagitan ng tagapagsalita at tagapakinig, at ng
manunulat at mambabasa. Nakapaparating ng mensahe ang isang tao sa kanyang kapwa
upang siya ay lubusang maunawaan.

Apat na Paraan ng Diskurso


1. Pasalaysay o Narativ
- Pangungusap na naglalahad ng isang makatotohanang bagay. Dapat bigyan ng katuturan ang
sinasabi.
Uri ng Pasalaysay
a.) Pasalaysay na totoo – base sa tumpak o tiyak at tunay na mga pangyayari.
b.) Pasalaysay na likhang-isip – kinabibilangan ng mga mito, pabula, parabula maikling kuwento at
nobela.
2. Paglalahad o Ekspositori
- Isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magbigay-linaw ang isang konsepto o
kaisipan, bagay o paninindigan upang lubos na maunawaan ng nakikinig o bumabasa.
Bahagi ng Paglalahad
a.) Simula – ang simula ng pahayag
b.) Katawan – ang nilalaman ng pahayag.
c.) Wakas – maaaring buod, tanong, panghula sa maaaring mangyari, pangsariwa
sa suliraning binanggit sa simula, pagamit ng kasabihan angkop sa akda.
1. Pangangatwiran o Argumentatib
- May layuning manghikayat at magpapaniwala sa pamamagitan ng makatwirang mga

GOD BLESSED BB. CHARM


pananalita.
2 Uri ng Pangangatwiran
- a.) Pabuod – sinisimulan sa partikular na pangyayari, katotohanan o kalagayan at
tinatapos sa isang katotohanang pangkalahatan
- b.) Silohismo o deductive method – lohikal kung maghayag ng katotohanan,
panghawakan muna ang isang pangunahing batayan, saka susundan ng pangalawang
batayan at dito ngayon ibabase ang konklusyon.

2. Paglalarawan o Deskriptiv
- Isang anyo ng diskurso na nagpapahayag ng sapat na detalye o katangian ng isang tao,
bagay, pook o damdamin upang ang isang mambabasa ay makalikha ng isang larawan na
aayon sa inilalarawan.
- a.) Pangkaraniwan – nagbibigay lamang ng tamang kabatiran sa inilalarawan.
- b.) Masining – ang guni-guni ng bumabasa ay pinapagalaw upang Makita ang isang
buhay na buhay na larawan.
- c.) Abstrak – gumagamit ng di-literal na paglalarawan; iniaaniban ito ng mga
idyomatikong paglalarawan.

MARXISMO AT KRITIKAL NA DISKURSO SA GLOBALISASYON


Marxismo – ito ay isang pandaigdigang pananaw at pagsusuri ng lipunan na tumutuon sa
ugnayan at hidwaan ng mga antas ng lipunan na gumagamit ng materyalistang interpretasyon ng
takbo ng kasaysayan at diyalektong pananaw ng pagbabago ng lipunan.
Globalisasyon
- Ay pag-iimpluwensiya at interaksyon ng iba’t ibang organisayon, kompanya, at mga
negosyo sa buong mundo. Ito ay naglalayon sa pag-unlad at paglago ng ekonomiya.
- Ang teoryang marxismo sa usapin ng globalisasyon ay tumutuon sa ugnayan at hidwaan ng
mga antas ng lipunan na gumagamit ng materyalistang interpretasyon ng takbo ng
kasaysayan.
Teoryang Dependensiya
- ang paniniwala na ang pinagkukunang-yaman ay dumadaloy mula sa “silid” ng nasa
mahihirap na kalagayan tungo sa “sentro” ng mayayamang estado, kung saan ang kapalit ng
pag-unlad ay ang paghirap ng isa.

SIKOLOHIYANG PILIPINO
- bunga ng karanasan, kaisipan at oryentasyon ng Pilipino, batay sa kabuuang paggamit
ng kultura at wikang Filipino.
- Ang mga Amerikano ay nagdala at nagbahagi ng edukasyon sa ating bansa.
Virgilio Enriquez
- Itinuturing na ama ng sikolohiyang Pilipino
- Nag-aral ng post-graduate studies sa ibang bansa

6 na mungkahi ng kategorya sa pag-aaral ng Sikolohiyang Pilipino


Kamalayan – tumutukoy sa damdami’t kaalamang nararanasan
Ulirat – tumutukoy sa pakiramdam

GOD BLESSED BB. CHARM


sa paligid Isip – tumutukoy sa
kaalaman at pag-unawa
Kaluluwa – daan upang mapag-aralan ang tungkol sa budhi ng tao

Tatlong Anyo ng Sikolohiya sa

Pilipinas

Sa maikling salita:
Sikolohiya sa Pilipinas – bisita sa
bahay Sikolohiya ng mga Pilipino –
tao sa bahay Sikolohiyang Pilipino –
maybahay

- Ang Sikolohiya sa Pilipinas ay may aspetong maihahalintulad sa tao sa bahay na dalaw lamang samantalang ang
Sikolohiyang Pilipino ay kahalintulad sa taong bahay sapagkat dapat na kusang tanggapin muna o pag-isipan
upang mabuo o malinang ang mga aspetong teoretikal, metodolohikal, at empirikal ng nasabing sikolohiya.

PANGUNAHING ARAL NG SIKOLOHIYANG PILIPINO


a. Pivotal Interpersonal Value
• Pakiramdam: Ibahagi ang sariling kaisipan. Ang mga Pilipino ay gumagamit ng
damdam, o ang sariling kaisipan sa damdamin ng iba, bilang pangunahing kasangkapan
sa kanyang pakikitungo sa kapwa tao.
b. Linking socio-personal value
• Kagandahang-Loob: Ang pagbabahagi sa sangkatauhan. Tumutukoy ito sa kakayahang
tumulong sa kapwa tao sa panahon ng kanilang pangangailan dahil sa kanilang
pagkakaunawa na ang pagiging magkasama ay bahagi na ng isang pagiging Pilipino.

c. Accommodative surface values


• Utang na Loob. "Norm of Reciprocity" sa Ingles. Ang mga Pilipino ay inaasaha ng kapwa
na gumanti sa pabor na natanggap - ito man ay hiningi o hindi — o ito man ay kailangan
o ginusto.
d. Confrontative surface values
• Bahala na: Ang saloobin na ito ay kadalasang naiuugnay sa Ingles bilang "fatalistic
passiveness", na katunayan ay tumutukoy sa pamamaraan ng pamumuhay ng mga
Pilipino na siya ay determinadong gawin ang abot ng kanyang makakaya, kaya
umusbong ang salating bahala na, na katunayang nanggaling sa salitang bathalan na, na
ang kahulugan ay "Gagawin ko ang lahat sa abot ng aking makakaya, at ang Diyos na
ang gagawa sa nalalabi".
• Lakas ng Loob. Ang saloobin na ito ay inilalarawan sa pagkakaroon ng buo na loob sa
kabila ng mga suliranin at pag aalinlangan.
• Pakikibaka: Ito ay nangangahulugang "concurrent clashes" sa Ingles. Tumutukoy sa
kakayahan ng mga Pilipino na magsagawa ng mga rebolusyon at pag-aalsa laban sa
palasak na katunggali.

GOD BLESSED BB. CHARM


e. Societal values
• Karangalan: kadalasan nauugnay sa dignidad, na sa Katunayan ay nangangahulugan na
kung ano amg palagay ng ibang tao sa kapwa at paano nila ginagamit ang kaalamang ito sa
pagkilala at paghusga sa kanyang buong pagkatao at kahalagahan.
• Puri: ito ay ang panlabas ng aspeto ng dangal na tumutukoy sa kung paanon natin
hinuhusgahan ang buong pagkatao at khalagahan ng kapwa.
• Dangal: ito ay ang panloob na aspeto ng dangal na tumutukoy sa kung paano niya
hinuhusgahan kanyang pagkatao at kahalagahan.
• Katarungan: kadalasan ito ay nauugnay sa katarungan o hustisya, na sa katunayan ay
nangangahulugan na ang pagkamakataong makapagbibigay gantimpala sa kapwa.
Kalayaan: Ito ay nangangahulugang "Freedom and mobility" sa Ingles. Sa makatuwid ito
ay magkakasalungat sa hindi gaanong mahalaga na pag-uugali na pakikísama or
pakikibagay.

GOD BLESSED BB. CHARM

You might also like