Alamat NG Higad

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Alamat Ng Higad

Noong unang panahon sa isang bayan sa gitna ng kagubatan may nakatirang mag asawa na
sina Pablo at Marites. Sila ay masayang naninirahan kasama ang nag iisa nilang anak na si
Paolo. Si Paolo ay isang masayahing bata at mahilig mag laro sa labas kasama ang kanyang
mga kaibigan na sina Jeric at Mico. Si paolo ay masipag na bata at matulongin sa kanyang
mga magulang, ngunit sa kabila ng pagiging masipag niya, sa kanilang bahay ay
kabaliktaran naman ng ugali niya pag dating sa kanyang sarili si Paolo kasi ay tamad pag
dating sa kanyang katawan siya ay hindi naliligo araw araw hindi rin siya nag lilinis ng
katawan mahahaba at madudumi ang mga kuko nito sa paa at kamay, Araw-araw itong
pinag sasabihan ng kaniyang mga magulang na mag linis ng kanyang katawan ngunit hindi
siya sumusunod. Ang mga kaibigan ni Paolo na sina Jeric at Miko ay sanay na sa kanyang
amoy dahil ito ang palagi niyang kasama maglaro sa gubat,

Isang araw niyaya ni Paolo sina Jeric at Miko upang mag laro sa gubat, habang sila ay nag
lalakad papunta sa kanilang palaroan. Si Paolo ay nakakita ng isang malaking higad sa
daan namangha siya sa laki ng higad na ito, ngunit imbis na hayaan niya na lang ito
kumuha siya ng isang patpat at hinampas nya ito ng malakas at patuloy silang nag lakad
papunta sa kanilang palaroan at masaya silang nag laro ng taya tayaan mag hapon.
Habang sila ay nag lalakad pauwi sa kanilang bahay si Paolo ay muling nakakita ng mga
higad sa isang puno ng manga agad niya itong nilapitan na may hawak na patpat at muli
niya itong pinag hahampas ng dala niyang patpat, Ang hindi alam ni Paolo ay may nag
babantay na isang Diwata sa puno ng manga na iyon at nakita ng Diwata ang ginawa ni
Paolo sa mga alagad nitonng higad, Ngunit patuloy lang silang nag lakad pauwi sa
kanilang bahay.

Pag uwi ni Paolo sa kanilang bahay ay inutosan siya ng kaniyang magulan na maglinis na
ng kanyang mga kamay at katawan dahil sila ay kakain na. Ngunit binalewala lang ito ni
Paolo bagkus siya ay kumain ng hindi nag huhugas ng kanyang mga kamay pagkatapos
kumain ni Paolo ay pumunta na siya sa kaniyang higaan dahil na rin sa sobrang pagod sap
ag lalaro si paolo ay mabilis na nakatulog. Pag sapit ng hating gabi si Paolo ay
nakaramdam ng pangangati sa kanyang katawan nag simulang mangati ang kanyang mga
kamay hanggang sa kumalat na ang pangangati sa kanyan buong katawan. Ang hindi alam
ni paolo ay pinaparusahan na siya ng Diwata ng mga higad dahil sa kanyang ginawa sa
mga higad na Nakita niya sa daan. Hindi na makayanan ni Paolo ang Pangangati sa
kanyang katawan kaya tinawag nya ang kanyang magulang ngunit imbis na tulongan si
Paolo sa problema nito siya ay pinagalitan at pinag sabihan ng kanyang magulang muling
humiga ang kanyang magulang at ilang sigundo lang ay may biglang lumiwanag nagulat na
lamang ang mga magulang ni Paolo ng makita nilang wala na ang kanilang anak at may
Nakita silang isang malaking higad sa sahig, Ang hindi alam ng mga magulang ni Paolo na
si Paolo pala ay nagging isang higad na dahil siya ay pinarusahan ng Diwata ng mga higad.
"ALAMAT NG HIGAD"

Sa isang batang walang pake alam sa kanyang sariling


TUNGKOL SAAN?
katawan.

Isang batang masipag siya at matulungin sa kanyang magulang


TUNGGALIAN
ngunit , tamad sa pag lilinis sa kanyang katawan .

LUGAR Sa "Gubat"

Si Paolo at ang kanyang ama't ina ,


TAUHAN kaibigang Mico at Jeric at Diwata

PANIMULA Si Paolo at ang kanyang ama't ina ay masayang naninirahan sa


gubat.

RESOLUSYON Pinag-sasabihan

WAKAS Dahil sa kanyang kapabayaan sa sariling katawan at walang awang pananakit sa


mga higad sa gubat ay naisipang parusahan nang isang Diwata na maging isa ring
higad at dito na nag simula ang "Alamat ng Higad".

You might also like