Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 25

2

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
Mga Serbisyo sa Komunidad
Araling Panlipunan Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Mga Serbisyo sa Komunidad
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Bumuo ng Kontekstuwalisadong Modyul

Manunulat : Michael L. Santos Manunulat: Charity B. Garcia


Tagasuri : Rosalie V. Feliciano
Tagasuri: Andrea Manalo
Annalyn L. German EdD
Marlon L. Francisco
Emmanuel V. De Mesa
Martiniano D. Buising
Maria Eleonor D. Gavino
Norman F. Magsino
Tagaguhit: Kharlyn P. Banzon Dennis C. Bermoy
Marlou G. Roderos
Tagalapat: Mark Greg C. Binasoy Maribeth R. Roldan
Romualdo O. Magculang
Tagapamahala:
Librada M. Rubio PhD
Tagaguhit: Lilibeth M. Jimenez
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Nestor R. Nuesca EdD
Tagalapat: Gazel V. Castillo, PhD
Rolando T. Sotelo DEM
Lea M. Sodusta
Annalyn L. German EdD
Laiza L. Madrigal
Emmanuel V. De Mesa
Tagapamahala:
Mariflor B. Musa
Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Freddie Rey R. Ramirez
Laida M. Lagar- Mascareñas
Florina L. Madrid
Norman F. Magsino
Marlou G. Roderos
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Inilimbag sa MIMAROPA ng Kagawaran ng
Edukasyon - Rehiyon III Edukasyon - MIMAROPA Region
Office Address: Matalino St., Government Office Address: St. Paul Road, Meralco
Center, Maimpis, City of Ave., Pasig City
San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89 Telefax: (02) 853-73097
E-mail Address: region3@deped.gov.ph E-mail Address: mimaropa.region@deped.gov .ph
2

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
Mga Serbisyo sa Komunidad
Paunang Salita
Para sa tagapagpadaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 2
ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling:
Mga Serbisyo sa Komunidad.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang, at sinuri
ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis, at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pang-ikadalawampu’t isang siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagpadaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang

ii
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 2 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Mga Serbisyo sa Komunidad.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
Alamin
sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
Subukin ang lahat nang tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
Balikan maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksiyon.

Sa bahaging ito, ang bagong


aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
Tuklasin kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

iii
Sa seksiyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
Suriin maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
Pagyamanin kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Naglalaman ito ng mga


katanungan o gawain na pupunan
ang patlang ng pangungusap o
Isaisip talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
Isagawa
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
reyalidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
Tayahin pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

iv
Sa bahaging ito, may ibibigay sa
iyong panibagong gawain upang
Karagdagang pagyamanin ang iyong kaalaman
Gawain o kasanayan sa natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang


Susi ng
sagot sa lahat ng mga gawain sa
Pagwawasto modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang lahat ng bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa


ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
Maging matapat sa pagsagot ng modyul at pagsasagawa
ng mga gawain.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.

v
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o
tagapagpadaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain
sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagpadaloy. Maaari ka ring humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o
sinoman sa mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakukuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Ang modyul na ito ay nagpapahalaga sa mga


serbisyong mula sa mga bumubuo sa komunidad.

Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


inaasahang:

1. Natatalakay ang kahalagahan ng mga


paglilingkod/serbisyo ng komunidad upang
matugunan ang pangangailangan ng mga
kasapi sa komunidad;
(AP2PKK-IVa-1)

2. Naiisa-isa ang mga katangian ng mga


serbisyong naibibigay sa komunidad; at

3. Nakapaglalahad ng kahalagahan ng iba’t


ibang serbisyong ibinibigay tulad ng serbisyong
pangkalikasan, pangkalusugan, pang-
edukasyon, at panseguridad.

1
Subukin

Panuto: Basahin at piliin ang tamang sagot. Isulat ito sa


sagutang papel.

1. Ano ang tungkulin ng isang guro?


A. tagakolekta ng basura
B. tagapaglinis ng kalat sa lansangan
C. tagapagpanatili nang kaayusan
D. nagtuturo sa mga bata sa paaralan

2. Alin sa mga ito ang namumuno sa barangay?


A. kapitan C. BHW
B. kagawad D. tanod

3. Sino ang gumagamot sa mga may sakit sa


komunidad?
A. basurero C. doktor
B. magsasaka D. guro

4. Sila ang tinatawag natin para puksain ang apoy tuwing


may sunog.
A. kaminero C. bumbero
B. doktor D. magsasaka

5. Siya ang tumutulong sa doktor upang mapangalagaan


ang mga may sakit.
A. kagawad C. magsasaka
B. nars D. tanod
2
Aralin
Mga Serbisyo
1 sa Komunidad
Ang komunidad ay nagbibigay ng serbisyo sa mga
tao. Tayo ay tumatanggap ng serbisyong
pangkalusugan, pang-edukasyon at pangseguridad
mula sa komunidad na ating kinabibilangan.

Ito ay libreng ibinibigay sa mga tao upang


mapanatiling maunlad ang pamumuhay ng bawat
kasapi ng komunidad.

Ang mga serbisyong ito na tinatanggap natin ay


dapat nating pahalagahan.

Balikan

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat


ang salitang Tama kung ito ay nagpapahayag ng
magandang katangian ng pamumuno at Mali kung hindi.

1. Ang mabuting pinuno ay naglilingkod nang kusa at


hindi naghihintay ng anomang kapalit.

2. Hindi isinasaalang-alang ng namumuno ang


damdamin ng mga mamamayang kanyang
nasasakupan.
3
3. Malaki ang bahaging ginagampanan ng kapitan at
kagawad sa pagpapabuti ng pamumuhay ng
komunidad.

4. Kailangan ang pagkakaisa at pagtutulongan sa isang


komunidad.

5. Kung hindi maayos ang pamumuno, ang pamumuhay


ng mga tao sa isang komunidad ay hindi rin magiging
maayos.

4
Tuklasin

Ang ating komunidad ay nagbibigay ng serbisyo


upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga
kasapi nito. Mahalagang nakikilala natin ang mga taong
nagbibigay ng serbisyong ito.

Pagbibigay Serbisyo

Magandang umaga. Tayo ay Magandang umaga


nag-iisip ng programa para sa po, Gng. Santos.
mga batang nais na bumalik Mukhang abala po
muli sa pag-aaral. kayo sa ating paaralan.

5
Magandang araw po.
Magandang araw po,
Kapitan. Ano po ang Kasalukuyan nating
bago ninyong proyekto ipinapaayos ang mga
sa ating komunidad? sirang kalsada sa ating
barangay.

6
Magandang araw po. Mga
Maraming salamat.
Barangay Health Worker po
Asahan po ninyong
kami. Ipinababatid po
dadalhin ko ang
naming may libreng bakuna
aking anak na apat
sa tigdas na gagawin sa
na buwan sa Health
Health Center para sa mga
Center.
batang bagong silang
hanggang walong buwan.

Pamprosesong tanong:
1. Ano-anong serbisyo sa komunidad ang nabanggit sa
usapan?
2. Ano ang plano ng paaralan? Sino ang kanilang
tutulungan?
3. Ano ang bagong proyekto ng kapitan?
4. Sino-sino ang nagpabatid na may libreng bakunang
ibibigay?
5. Batay sa iyong binasa, sino-sino ang taong nagbigay
serbisyo?

7
Suriin

Ang serbisyo nating tinatanggap ay mahalaga.


Malaki ang naitutulong nito sa ating pamumuhay. Dapat
nating pahalagahan ang mga taong nagbibigay ng
mga serbisyong ito.

Maraming serbisyo ang ginagawa sa komunidad


upang matugunan ang pangunahing pangangailangan
ng mga mamamayan. Ilan sa mga ito ay ang mga
sumusunod:

Ang mga magsasaka ang


nagtatanim ng palay, gulay,
at iba pang halaman.

Ang mga mangingisda ay


nagbibigay ng serbisyo sa
komunidad sa pamamgitan
ng pagbebenta ng kanilang
mga nahuling isda at iba
pang lamang dagat.

8
Ang mga karpintero naman
ang nagkukumpuni at
gumagawa ng mga bahay
at iba pang gusali sa
komunidad.

Ang mga guro ang


nagtuturo sa mga bata sa
paaralan nang wastong
kaalaman at kagandahang-
asal.

9
Pagyamanin

Panuto: Tingnang mabuti ang mga larawan sa Hanay A.


Piliin kung aling pangungusap sa Hanay B ang
naglalarawan dito. Isulat ang titik ng wastong sagot sa
sagutang papel.

Hanay A Hanay B
A. nanggagamot sa mga
1. bumbero maysakit

B. nagpapanatili ng
kaaayusan at kapayapaan
2. guro sa komunidad

C. tumutulong sa kapitan ng
barangay upang mapanatili
3. doktor ang kaligtasan ng mga tao
sa komunidad

D. sumusugpo ng apoy kung


4. pulis may nasusunog na bahay,
gusali at iba pa

E. nagtuturo upang matuto


5. tanod ang mga mag-aaral ng iba’t
ibang asignatura at
kagandahang-asal

10
Isaisip

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga


pangungusap sa ibaba. Punan ito ng mga salita mula sa
loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

doktor guro kapitan


magsasaka basurero

1. Ang __________ ang namumuno sa isang barangay.

2. Ang mga taong may karamdaman ay komukonsulta sa


__________ upang mabigyan ng tamang gamot.

3. Nangangailangan ng sapat na patubig ang mga


__________ upang magkaroon ng masaganang ani.

4. Ang __________ ang nagtuturo ng magagandang-


asal at iba’t ibang asignatura sa mga mag-aaral.

5. Ang mga __________ ang matiyagang nangongolekta


ng mga basura upang maging malinis ang komunidad.

11
Isagawa

Panuto: Isulat sa loob ng presentasyon ang serbisyong


ibinibigay ng kasapi ng komunidad na nakasulat dito.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

pulis

basurero Serbisyong
Ibinibigay ng tubero
mga Kasapi sa
Komunidad

kaminero
nars

12
Tayahin

Panuto: Basahiin ang mga pangungusap. Lagyan ng tsek


(✔) ang puwang kung ito ay nagpapakita ng
paglilingkod sa komunidad at ekis ( X ) kung hindi. Isulat
sa sagutang papel ang iyong sagot.

___________1. Ang mga kaminero ang nagpapanatili ng


kalinisan ng ating mga kalsada, kanal, at
pampublikong pook-pasyalan.

___________ 2. Ang ating mga prutas at gulay na nabibili


sa pamilihan ay nagmula sa mga pananim
ng magsasaka.

___________ 3. Ang mga serbisyong medikal at


pangkalusugan ay mga paglilingkod na
ginagawa ng mga doktor at nars.

___________ 4. Ang ating komunidad na kinabibilangan ay


hindi nagbibigay ng serbisyo sa atin.

___________ 5. Pinapanatili ng mga pulis ang kapayapaan


at kaligtasan ng mga tao sa komunidad.

13
Karagdagang Gawain

Panuto: Gamit ang lapis at pangkulay, gumuhit sa isang


papel ng tagpo sa pamilihan na nagpapakita ng
serbisyong ginagawa sa inyong komunidad. Kulayan ang
iginuhit na larawan.
Rubrik sa Pagguhit ng Larawan
Pinakama- Di-Lubos na
Mahusay
Pamantayan husay Naunawaan Puntos
(3)
(5) (1)
Angkop na Hindi Hindi angkop
angkop ang gaanong ang mga
mga salita at angkop ang salita at
Kaangkupan
iginuhit na mga salita at iginuhit na
sa paksa
larawan sa iginuhit na larawan sa
paksa. larawan sa paksa.
paksa.
Naipamalas Naipamalas Hindi na-
ang ang ipinamalas
pagkama- pagkama- ang pagka-
likhain sa likhain sa malikhain at
paggamit ng pagguhit ang kulay sa
Pagka-
angkop na subalit hindi iginuhit na
malikhain
kulay sa gaanong larawan
iginuhit na angkop ang
larawan kulay sa
iginuhit na
larawan
Maayos at Nagkaroon Hindi lubos
malinis ang ng kaunting maunawaan
pagkaka- problema sa ang larawan
Kaayusan at guhit sa kalinisan at sapagkat ito
kalinisan larawan kaayusan sa ay hindi
iginuhit na malinis at
hindi maayos
larawan
ang pagguhit
Kabuoang Puntos

14
15
Subukin Balikan Isaisip
C 1. Tama kapitan
A 2. Mali doktor
B 3. Tama magsasaka
B 4. Tama guro
C 5. Tama basurero
Tuklasin Pagyamanin Isagawa
Pagsasaayos ng kalsada, Pulis - pinapanatiliang
proyekto para sa paaralan, kapayapaan at kaligtasan
libreng bakuna E
ng tao sa komunidad
Naghahanap si Gng. B
Santos ng mga taong may A Basurero - naghahakot ng
kakayahang magbigay ng C basura sa komunidad at
tulong pinansyal. D itinatapon sa tamang lugar.
Ipinaaayos ni Kapitan ang
mga sirang kalsada. Tubero - tumutulong upang
Ang mga Barangay Health maging maayos ang mga
Workers tubo na daluyan ng tubig
Punongguro, kapitan, at samga bahay at gusali.
mga Barangay Health Tayahin
Worker. Nars - tumutulong sa doktor
1. ✔ sa pangangalag ng mga
Isagawa may sakit.
2. ✔
Ang sagot ng bata ay maaring Kaminero – Tumutulong
hindi magkakapareho ngunit 3. ✔
upang mapanatiling malinis
manggagaling sa loob ng ang kalsada at
4. x
presentasyon ang sagot sa pampublikong lugar
unang bilang. 5. ✔
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Cruz, Gloria M. et.al. 2013. Araling Panlipunan 2 Kagamitan ng


Mag-Aaral. Vibal Publishing House, Inc.

Gomez, Ma. Arsenia C., and Clamor-Canlas, Ma. Louren. 2015.


Tuklas Lahi Serye sa Araling Panlipunan 2: Edisyong K-12.
Bonanza Plaza 2, Block 1, Lot 6, Hilltop Subdiv. Greater Lagro,
Novaliches, Quezon City, Philippines. Brilliant Creations
Publishing, Inc.

Laggui, Charito N., and dela Cruz, Ninia H. 2015. Araling


Panlipunan 2 Pagsusuri: Edisyong 2015, Mapanuring
implementasyon ng K to 12. Ibon Center, 114 Timog Avenue,
Quezon City, Philippines. IBON Foundation, Inc.

Nem-Varon, Diana.2020. Kamalayang Panlipunan 2: Ang Aking


Komunidad, Noon at Ngayon. Abiva Bldg., 851 G. Araneta
Ave., 1113 Quezon City, Philippines. ABIVA Publishing House,
Inc.

16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like