Monologue

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Monologue (Crisostomo Ibarra)

(1) Magandang umaga mga panauhin. Natutunan ko sa Alemanya na isang uri ng paggalng
ang pagpapakilala sa sarili. Ako nga pala si Crisostomo Ibarra y Magsalin. Masaya akong
makita kayo at mas masaya ako dahil nakabalik na muli ako sa aking Inang Bayan matapos
ang pitong taon kong pag aaral sa Europa. (2) Huwag po sana kayong magkamali na
nakalimutan ko na ang bayang ito. Sa katunayan, ang isip ko ay laging nasa bayan sa araw
araw nung ako’y nasa Europa pa. Higit sa lahat, umuwi ako upang malaman ang pagkamatay
ang aking ama. (3) Nalaman ko kay Tenyente Guevarra ang kinahantungan ng aking ama.
Nakulong siya dahil prinotektahan lamang niya ang isang musmos mula sa isang malupit na
kolektor. Mga walang awang Kastila! Nakulong ang aking ama gayong ginawa lamang niya
ang tama. (4) Ngunit nawala saglit ang pait na iyon ng makita ko muli ang aking Maria. Sabi
niya sa akin ay nakalimutan ko na raw siya. Maari ko ba syang kalimutan? Ah, Maria.
Napakapalad ko talaga dahil ikaw ay aking nakilala. Salamat nga pala sa
bulaklak. Alam kong matutuwa ang aking mga magulang sa langit sa iyong munting alay. (5)
Mas lalong naging malinaw sa akin ang tunay na kinahantungan ng labi ng aking ama. Nasan
ang hustisya? Ang inosenteng labi ng aking ama, itinapon lamang sa lawa! (6) Hinding hindi
ko rin makakalimutan noong sagipin ako ni Elias mula sa mabangis na buwaya. Sadyang
mapaglaro talaga ang buhay. Hindi mo alam kung kelan ito manggugulo. Magugulat ka na
lamang. Nakulong ako, ngunit hindi kailanman makukulong ang liwanag ng katotohanan.
Salamat sa aking kaibigan na si Elias nang tulungan niya akong makatakas mula sa
kulungan, ngunit dahil sa kaniyang kabayanihan, buhay niya ang naging kapalit. Kawawang
Elias! Tuluyan na siyang nilamon ng buwaya. (7) Marami pa akong nais ikwento sa aking
mahal na panauhin. Ngnuit ilalahad ko na lamang ito sa susunod naten pagkikita. Muli ako
nga pala si Crisostomo Ibarra y Magsalin. Bow!

You might also like