Lolo Tonio

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Lolo Tonio: Ang Huling Guerilla ng Tangcong Vaca

Takot.
Pagod.
Gutom.
Karahasan.
Kamatayan.
Ito ang buong tapang na hinarap at nilabanan ni Antonio S. Estrada, ang huling gerilya ng
Tangcong Vaca.

Si Antonio Sabayle Estrada o Lolo Tonyo,kung tawagin ng kanyang mga apo, ay ipinangak noong
Enero 17, 1926 sa bayan ng San Nicolas. Sa ala-ala ng kanyang mga apo si Lolo Tonio ay mabait,
mapagmahal at masahing lolo na ang hilig ay pagkanta at pagsayaw. Kaya sino nga ba ang mag-aakala na
siya ay isang matapang na gerilya sa noong kanyang Kabataan.

Siya ay naging bahagi ng Second Infantry Batallion na kalaunan nakilala sa tawag na Tangcong
Vaca Guerilla Unit. Ang TVGU ay isang gerilyang grupo laban sa mga Hapon na itinatag ni Elias Madrid
noon Marso 8, 1942 sa San Nicolas, Canaman. Pinamunuan ito ni Major Juan Q. Miranda at Leon SA.
Aureus at binubuo lamang ng labinlimang (15) kasapi.

Ang Second Infantry Batallion (SIB) and tanging grupo na nakipaglaban sa mga Hapones sa
kabila ng kakulangan sa tao,kagamitan at armas pangmilitar. Nang salakayin ng mga hapones ang bayan
ng San Nicolas ay napilitan silang lisanin ito. Lumikas sila pansamantalang nanirahan Centro ng Bayan
ng Canaman. Pagkalipas ng ilang buwan ay bumalik bumalik sila sa San Nicolas ngunit natunugan ito ng
mga Hapon. Nilisan nila ulit ang kanilang lugar at nagtago sa bahagi ng Libmanan.

Una silang gumawa ng kampo sa bahagi ng Mambolo, libamanan kung saan halos isang buwang
silang namalagi dito. Ngunit isang araw, bandang alas kwatro ng hapon ay may nagsabi sa kanila na
lumikas agad dahil natunton na sila ng mga Hapon. Nakatakas sina Lolo Tonyo ngunit sa kasamaang
palad ay may mga kasamahan silang naiwan. Binalikan nila ang kampo at dito nila natagpuan ang walang
buhay na katawan ng Elias Madrid.

Dahil sa pangyayaring ito ay dinoble nila ang kanilang ag-iingat at muling naglakbay upang
maghanap ng baging kuta. Malayo at nakakapagod na lakaran ang ginugol ng mga gerilya bago nila
narating ang itaas na bahagi ng bundok ng Dalupaon, Libmanan, na kung tawagin ay Tangcong Vaca.
Sa Tancong Vaca sila pansamantalang nanatili habang nagpaplano ng kanilang mga susunod na
hakbang. Subalit dahil walang ibang mapagkukunan ng pagkain sa lugar kundi kamote lamang ay
naisipan nilang bumalik sa San Nicolas. Ngunit bago sila bumalik at gumawa mula sila ng kampo sa
barangay San Juan, sunod sa barangay San Francisco at ang huli ay sa barangay Liñaga.
Lubhang matatapang ang mga Hapon, lamang sa bilang pati na armas pandigma, kaya naman
hindi sila naging padalos dalos sa kanilang mga operasyon. Isa sa pinakamatagumpay na operasyon nila
sa Taguilid Pass sa Pamplona noong Nobyembre 28,1942. Dito ay pumwesto ang mga gerilya sa mataas
estratehikong lokasyon ng Taguilid pass. Pigil hininga ang kanilang paghihintay sa pagdaan ng mga
Hapon na kanilang pinagbabaril. May kabuuang 186 na sundalong Hapon at apat na matatas na opisyales
ng mga hapon na sina Kanaya, Katensi, Yamashita at Heneral Takano ang kanilang napatay. Ito ang
naging sanhi ng pakasira at paghina sa panig ng Hapon at ang pag-usbong ng naman pag-asa sa panig ng
mga gerilya.
Agosto 30, 1945 nang ipatawag sila ng mga Amerikano sa Libmanan. Tinanong sila kung ano ang
dapat itawag sa kanilang samahan. Doon na nila naisip ang ‘Tangcong Vaca Guerilla Unit’.

Si Lolo Tonio ay pumaw noong Abril 10, 2023 sa edad na 97.

Masalimoot man na ala ala ang digmaan laban sa Hapon ay hindi pinagsisisihan ni Lolo Tonio
ang kanyang pakiki-isa ng Tangcong Vaca sapagkat naisakatuparan nila ang layunin ng samahan—
KALAYAAN. Kalayaan na tinatamasa sa ng kasalukuyang henerasyon ng mag susunod pa.

References:
Sandigan, V.D. (2019). Ang Huling Kwento ng
Guerilla ng Tangcong Vaca.
Aureus, M.O. (2023)Tangcong Vaca Guerillas.https://dateline-ibalon.com/2023/05/tangcong-vaca-
guerillas-manuel-o-aureus/

You might also like