Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Parroquia de San Roque de Pateros

Ang Simbahan ng Pateros ay itinatag ng mga Agustinong Pari bilang Visita ng Pasig taong
1572 at ito ay naging Parokya sa Patronato ni San Roque noong ika-1 Hunyo taong 1815. Ito ay
ipinatayo nina Padre Andres Veil at Padre Manuel Pelaes mula sa disenyong bato sa
pagkakalikha ni Padre Gomez Marañon.

Ipinagawa naman ni Padre Raymundo Martinez ang kampanang ipinangalan kay San
Isidro Labrador taong 1821. Nasira ito noon ng lindol taong 1863 at ipinaayos ni Padre Nicolas
Gonzales taong 1892. Natapos ang pagsasaayos ng simbahan noong 1893, sa taon ng
pamumuno ni Padre Tomas Espejo.

Naging saksi ang simbahan sa noo’y Rebolusyon ng Pilipinas laban sa mga mananakop
na Kastila at naging pansamantalang kwartel ni Heneral Emilio noong ika 1-2 ng Enero taong
1897. Muling nasira ang simbahan noong ika-14 ng Marso taong 1899 sa kalagitnaan ng labanan
ng mga tiga-Pateros at mga Kastila.

Sa panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig, naging saksi ang Parokya ni San Roque
sa pagitan ng labanan ng mga Pilipinong Katipunero at Hukbo ng mga Hapon. Labis ang hapis ng
mga pamilya ng mga sibilyang dinakip at dinala sa simbahan na noo’y ginawang kulungan sa
utos ng mga Hapon. At noong Disyembre taong 1944, pinaslang ang maraming sibilyan ng mga
Hapon; isang malagim na pangyayari na naganap mismo sa loob ng simbahan.

Matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig ay muling bumangon ang mamamayan ng


Pateros gayundin ang simbahan nito.

Mula sa kinabibilangan nito sa Archdiyosesis ng Maynila, ito ay napasailalim sa Diyosesis


ng Pasig dahil sa pagkakatatag nito noong Agosto 21, 2003.

Taong 2009, sa masidhing debosyon at panalangin ng mananamapalatayang taga-


Pateros, ang ating Parokya ay iniluklok bilang Dambanang Pandiyosesis ni Santa Marta ang ating
Pintakasi at Rosas ng Pateros. Ito ay sa pamumuno ng unang Rektor ng Dambana at Kura Paro
Reb. Padre Orlando B. Cantillon.

Nito lamang 2015 sa Pamumuno ng ating ikalawang Rektor ng Dambana at Kura Paroko
Reb. Padre Roy M. Rosales ay ipinagdiwang ng Parokya ni San Roque ang ika-200 pagkakatatag
nito bilang isang Parokya. Ito ang pasasalamat ng mananampalataya sa biyayang ipinagkaloob
sa nagdaang 200 daang taon at sa mga taong darating pa.

Sa kasalukuyan, ang ating simbahan ay pinamumunuan ng ating ngayo’y Rektor ng


Dambana at Kura Paroko Reb. Padre Loreto "Jhun" Sanchez, Jr. Ang bawat pagkilos ng
organisasyon ay nakapaloob sa 'vision' at misyon ng ating Parokya:

You might also like