Banghay Aralin Sa GRADE 5 FEB 28 March4

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

Masusing Banghay-Aralin sa Filipino

Ika-limang Baitang

I. Mga Layunin
a. Nabibigyang-kahulugan ang salitang pang-ugnay at ang mga uri nito;
b. Nagagamit ang pang-ugnay upang magdugtong sa salita;
c. Natutukoy ang uri ng pang-ugnay sa loob ng pangungusap;
d. Nakasusulat ng sariling karanasan gamit ang iba’t-ibang uri ng pang-ugnay.
II. Paksang Aralin
Paksa: Pang-gunay at mga uri nito
Sanggunian: Libro sa Filipino 5
Kagamitan: PowerPoint presentation
III. Pamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin

Magandang umaga mga bata. Magandang umaga rin po.

Bago tayo masgsimula sa aralin, tayo Panginoon, maraming salamat po sa


muna ay magdasal. panibagong araw at buhay na
ipinagkaloob niyo po sa amin. Bigyan mo
po kami ng sapat na karunungan at
kaalaman na nagmumula sa iyo upang
mas higit naming maintindihan ang ituturo
ng aming guro. Sa iyo kami ay higit na
naniniwala, sa ngalan ni Jesus. Amen.
2. Pagsasaayos sa silid

Mga bata, bago tayo magsimula, maaari


bang paki-buksan ang inyong mga Opo.
kamera.

3. Pagtatala ng liban

Mayroon bang lumiban sa klase ngayon? Wala po.

B. Paglalahad ng Paksa at Layunin

Ang aralin natin ngayon ay tungkol sa mga


uri ng pang-ugnay. Naintindihan ba? Opo.

Magaling.

C. Pagtalakay

Ang aralin natin ngayon ay tungkol sa


iba’t-ibang uri ng pang-ugnay. (Nakikinig)

Bago tayo dumako sa mga uri ng pang-


ugnay, tatalakayin muna natin kung ano
ba ang ibig sabihin ng pang-ugnay.

May ideya ba kung ano ang pang-ugnay? Nagdurugtong ng salita sa iba pang salita
po.

Magaling, ang pang-ugnay ay salitang (Nakikinig)


pangkayarian na nagkakabit o
nagdurugtong ng salita sa iba pang salita.

Ngayon dumako na tayo sa tatlong uri ng


pang-ugnay

Mayroon tayong tatlong uri ng pang-


ugnay, ang pang-angkop, pang-ukol at
ang pangatnig. Pero ang unang dalawang
uri muna ang pag-uusapan natin ngayon
dahil mahaba-haba ang ating talakayan.

Naintindihan ba? Opo.

Ang una ay ang pang-angkop, ito ay (Nakikinig)


salitang nag-uugnay sa salitang panuring
(naglalarawan) at salitang tinuturingan
(inilalarawan).

Mayroon itong tatlong katagang ginagamit


o inilalagay, ang katagang +na, -ng at –g.

Ano nga ulit ang tatlong kataga? Katagang +na, -ng at –g po.

Magaling.

Ang katagang “na” ay inilalagay sa pagitan


ng dalawang salita. Ang katagang “ng”
naman ay inilalagay sa dulo ng unang
salita at ang katagang “g” ay inilalagay din
sa dulo ng unang salita.

Naintindihan ba? Opo.

Saan nga ulit inilalagay ang katagang Sa pagitan po ng dalawang salita.


“na”?

Magaling. Saan naman inilalgay ang Parehas po sila sa dulo ng unang salita.
katagang “ng” at “g”?

Magaling.

Ginagamit ang “na” kung ang unang salita


ay nagtatapos sa mga katinig o
consonants, maliban sa titik na “N”.

Halimbawa na lamang sa dalawang salita


na, mabait-bata.
Sa dalawang salita na ibinigay ko, saan Letrang “t” po.
nagtatapos na letra ang unang salita?

Magaling, ang letrang “t” ba ay katinig? Opo.

Ngayon, maaari nyo bang ilagay ang Mabait na bata, po.


katagang na sa pagitan ng dalawang
salita?

Magaling, ngayon naman gamitan mo ang Si Jhyra ang isang mabait na bata.
mabait na bata sa isang pangungusap.

Magaling, maliwang na baa ng katagang Opo.


“na”?

Ang katagang “ng” naman ay inilalagay sa


dulo ng unang salita at ito ay Isinusulat
karugtong ng mga salitang nagtatapos sa
patinig o vowels, a, e, i, o at u.

Naintindihan ba? Opo.

Halimbawa sa dalawang salita na, mabuti-


tao.

Saan nagtatapos na letra ang unang Letrang “i” po.


salita?

Ang “i” ba ay kabilang sa mga patinig? Opo.

Ilagay nga natin ang katagang “ng” sa dulo Mabuting tao po.
ng unang salita?

Gamitin mo nga sa pangungusap ang Si Ira ay isang mabuting tao.


mabuting tao?

Magaling, maliwanag ba ang katagang Opo.


“ng”?
Ang katagang “g” naman ay inilalagay at
idinurugtong din sa dulo ng unang salita at
ginagamit ito kung ang unang salita ay
nagtatapos sa katinig na “n”.

Maliwang ba? Opo.

Halimbawa na lamang sa dalawang salita


na, masunurin-anak.

Ano ang huling letra o saan nagtatapos Sa letrang “n” po.


ang unang salita?

Magaling, ngayon ilagay o idugtong nating Masunuring anak po.


ang katagang “g” sa dulo ng unang salita.

Magaling, ngayon gamitin mo nga sa Si Robert ay isang mausnuring anak.


isang pangungusap ang masunuring
anak?

Magaling.

Maliwang na baa ng tatlong kataga sa Opo.


unang uri ng pang-ugnay ang pang-
angkop?

Magaling.

Ngayon pakinggan naman natin si


Teacher Arlyn para sa kanyang
nakahandang talakayin tungkol sa
ikalawang uri ng pang-ugnay. Handan a
ba kayong making? Opo.

D. Paglalahat

Naintindihan ba ang paksa na tinalakay Opo.


natin?
Ano ang unang dalawang uri ng pang- Pang-angkop at pang-ukol po.
ugnay na tinalakay natin?

Magaling. Ano naman ang tatalong kataga Katagang “na”, “ng” at “g” po.
na ginagamit sa unang uri ng pang-ugnay
ang pag-angkop?

Magaling.

Saan natin inilalagay ang katagang “na”? Sa pagitan ng dalawang salita po.

Magaling, saan naman natin inilalagay Parehas po sila sa dulo ng unang salita.
ang katagang “ng” at “g”.

Magaling.

IV. Pagtataya
Isulat ang pang-angkop o katagang na, ng o g batay sa dalawang salita sa ibaba at
sagot lamang ang ilalagay.
1. masaya___balita
2. dakila__bayani
3. malinis__uniporme
4. aso__mabait
5. masipag__bata
6. matulungin__ama
7. makapal__papel
8. matanda__babae
9. masunurin___anak
10. mabait__pusa
V. Takdang-Aralin
Gawan ng pangungusap ang mga salita na nasa ibaba.
1. Masayang bata
2. Dakilang ina
3. Masunuring aso
4. Malinis na bahay
5. Matulunging bata
6. Matabang baboy
7. Masarap na ulam ‘
8. Masungit na kaklase
9. Maselang balat
10. Lugar na liblib.

Inihanda ni:
Pangilinan, Krystel Kate D.
BEED4

You might also like