Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Arboretum: ang Natatangi?

Ni: Dylan Tyler M. Martinez

Putol dito, chainsaw doon, nakapapangamba ang kaganapang ito sa mga taong
lumilipas, nakababahala rin ang pagnipis ng mga kakahoyan sa ating mga kabundokan,
lahat ng ito ay napakatagal ng nais mabigyan ng lunas, pero kalian nga ba tayo
makakahanap ng natatangi?

At sa mga nakalipas lamang na taon isang proyekto ang isinagawa ng DENR na hindi
lamang dito sa Pilipinas naisasagawa bagkus, maging sa ibang bansa, ito na nga ba ang
solusyon o lunas sa napapanahong problema?, Ang Arboretum, ito ay isang aktibidad na
pinangungunahan ng Department of Environmental and Natural Resources, sa gawaing ito
naitatanim ang mga iba’t ibang klase ng punla ng punong kahoy na kanilang itinatanim sa
mga bundok o kaya naman sa mga burol, ang tanong ito nga ba’y sapat na upang masagot
na ang tanong ng nakakarami?

At noong nakaraan ngang taon, ang pinakaunang Arboretum sa region 1 ay ginanap sa


Bangui National High School noong ika 25 ng Hunyo, ang aktibidad na ito ay pinangunahan
ni Principal IV Joel Manuel, at ng facility head ng Energy Development Corporation na si Mr.
Andy Durog, mahigit na isang daan na punla ng iba’t ibang kahoy ang naitanim sa nasabing
lugar at dalawam pu’t dalawa ang bihira lamang na punla at ang dalawam pu’t dalawa rin na
ito ay nababanta na ang bilang ng species, At sa tulong ng mga Guro, at mga studyante ay
nabilis na natapos ang gawain.

Ang mga punong kahoy ay napakaraming mabuting naidudulot sa ating pang araw araw
na kabuhayan, kaya sana ay bigyan din natin ng halaga ang mga ito, ang Arboretum nga ay
napakalaking bagay sapagkat, ang pagtanim ng mga punong kahoy ay makakatulong sa
atin sa mga paparating na mga taon, at ito na nga ba ang natatangi na minimithi natin? Oo,
maaring ito na nga ang sagot sa lahat ngunit disiplina at kooperasyon pa rin ang kailangan
upang ma resolba na ang ating mga problema.

You might also like