Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Goodnight Like It Was Yesterday (One Shot)

by nininininaaa

Instead of goodbye, I'll just say goodnight like it was yesterday. As if nothing is
wrong.

=================

Goodnight Like It Was Yesterday

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and


incidents are either the products of the author's imagination or used in a
fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual
events is purely coincidental.

All rights reserve © nininininaaa 2014

=================

One Shot

Ginawa ko to para feels ko sa specific na kanta na yon. Nakakadala ng damdamin at


ang dami kong naiisip pero pang one shot lang. Kailangan ko tong mabuhos. Forgive
me. :( =))

-------------------------

Goodnight Like It Was Yesterday.

"Let's break up."

Para akong nabingi sa tatlong katagang na iyon. Parang wala akong naintindihan sa
sinabi nyang yon. Parang wala akong narinig sa mga sinabi nya. Parang huminto ang
oras at ang bawat taong nasa paligid naming dalawa. Parang hindi tumibok ang puso
ko nang ilang segundo at biglang tumibok ulit ng puro sakit ang nararamdaman.

"H-Huh?" ito nalang ang nasabi ko habang diretsong nakatingin sa kanya.


Baka mamaya'y mali lang ang narinig ko. Baka hindi naman pala talaga yon ang sinabi
nya. Baka hindi ko lang nalinis ng maigi ang tenga ko kaya kung anu-ano na ang
naiisip ko.

Huminga naman to ng malalim bago muling magsalita. "Kelsey, let's break up."
marahang sabi nito at mas naging malinaw pa nang banggitin nya ang panglan ko.

Napatakip nalang ako sa bibig ko't hindi ko alam kung magsasalita pa o kung iiyak
nalang ba ako kaagad at magwawala dahil nakikipaghiwalay na sya sa akin.

"B-Bakit?.." isang tanong lang yun pero hirap na hirap pa akong tanungin yun. Para
bang may bara sa lalamunan ko na dahilan kung bakit ako nahihirapang magsalita.
Garalgal na ang boses ko at hindi ko alam kung kaya ko pa bang pigilan ang luha ko
mula sa pagtulo.

Umiwas ito ng tingin sa akin. Why cant you look at me in the eyes, James?

"I-I just wanted to break up." simpleng sabi nito.

"I wanted to be free. Nasasakal na ako." dagdag nito at parang gusto ko syang itali
at sapakin nang mas lalong hindi na sya makawala sa akin.

"S-So, ganon na lang yun?" sarkastikong sabi ko at hinayaan na ang pagpatak ng


bawat luha ko. "Kung nasasakal ka, bakit hindi mo nalang sinabi sakin? I can adjust
my self to you. All this time, pinapakita mong okay ka sa takbo ng relasyon natin
tapos tinatago mo pala tong hinanakit mo na to sakin. You could have just told me
to loosen up my grip dahil gagawin ko yun wag ka lang mawala." I explained my part.
"Pero hindi eh! You became cold na hindi ko alam kung ano ang ginawa kong mali
dahil lagi naman tayong okay. Tapos ngayon, ngayong tinanong kita kung may problema
ba tayo, gusto mo namang makipagbreak? Nakakagago, James!"

"W-Well, that's what I want, Kels." sabi nalang ito. "I-I'm sorry.." akmang
tatalikod na ito't aalis nang yakapin ko ito ng mahigpit.

"No, no..dont say you're sorry. Dont say that you're breaking up with me. Dont say
that you dont want me anymore." iyak ko. "Ayoko, James. Hindi ko kaya. Hindi ko
kakayanin. Hindi pwede. Hindi pwede. Hindi pwede--"

"Nagsasawa na ako!" bigla nitong sigaw sa akin na nagpatigil sa akin. "Nagsasawa na


ako d-dahil hindi na kita m-mahal." yumuko ito at umiling. "How can I be with you
if I dont love you anymore?"

I took a step backward at para akong nawalan ng balance. Muntikan na akong mabuwal
pero agad nya akong sinalo.

"Will you please be careful, Kels?" singhal nito sa akin habang marahan na
binitawan

ang aking bewang. "Kahit yon man lang, gawin mo para sakin." aniya. "Ayokong
mapariwara ka dahil lang nawala ako. Ayokong masira ka dahil wala na tayo."

"Too late, James." mahinang sabi ko. "Nasira mo na ko. Sirang-sira na ko." iyak ko.

Akmang lalapit sya sakin at pupunasan ang luha ko nang mas lumayo sya't kinuyom ang
kanyang kamao. "I-I'm so sorry, Kels." aniya. "G-Goodbye." paalam nito't mabilis na
nakaalis sa harap ko at para akong tangang pinapanood lang ang papalayo nyang
katawan hanggang sa unti-unti na itong mawala.

"Oh anong nangyari sayo?" rinig kong tanong ng kuya ko habang papaakyat na ako ng
hagdanan. "Bakit hindi ka hinatid ni JC?" dagdag na tanong nito na mas lalong
nagpasikip ng dibdib ko.

I sighed at umiling nalang saka tuluyang umakyat ng kwarto ko na hindi ko sinasagot


ang tanong ni kuya.

Pabagsak akong humiga sa kama ko na para bang napakarami kong ginawa ngayon kahit
na isa lang ang klase ko at kaninang hapon lang 'yon.

Narinig ko ang sunod-sunod na pagtunog ng facebook messenger ko sa aking iPad at


agad ko naman itong kinuha na nagbabakasakaling si James iyon.

Clytemnestra Agoncillo:

What the hell? Break na kayo? What happened, Kels? Lighten me up, please.

Alam na nya? Siguro'y sinabi sa kanya nang boyfriend nyang si Syre na bestfriend
din ni James. Baka naikwento na ni James kay Syre at kwinento ni Syre kay Cly.
Kelsey Michelle Sebastian:

Cly, I'm tired. Saka ko nalang ik-kwento sayo o kaya itanong mo nalang kay Syre.

Tamad na reply ko dito. I dont want to talk about it.

Clytemnestra

Agoncillo:

I'm with Syre and he doesnt know anything about you two. He texted James but he
just replied that it's already over. Tinanong namin kung bakit pero ayaw nyang
sabihin. Nakita lang namin sa facebook. Sa messenger ka lang ba naka-online? Open
up the news feed!

Agad kong pinindot ang icon ng facebook sa mga social applications ko at ang daming
nagpost sa wall ko nang 'It will be okay, Kelsey', 'There's always a second chance'
at kung anu-ano pang pampalubag loob.

Tinignan ko ang UST Files at pinost nito ang sweet pictures naming dalawa ni James
na nakacollage na may caption, 'The most disappointing break-up ever in the history
of UST couples. Engineering Prince James Connor Alfonso and Engineering Princess
Kelsey Michelle Sebastian broke up.'

Kasama rin sa picture na pinost ng USTF ang isang screenshot ng status ni James at
agad ko namang pinuntahan ang profile nya. Hindi na ang picture naming dalawa sa
sunset na nakaback hug sya sakin ang cover photo nya. Isang simpleng picture nya
nalang ito na nagbabasketball sya at maganda pagkakakuha ng pagtalon nya para
magshoot.

James Connor Alfonso change his relationship status into Single.

James Connor Alfonso

I know that you'll be happy. Even without me. Goodnight. :)


934 likes. 365 comments.

No, James. I wouldnt be completely happy without you.

Binasa ko ang ibang mga comments at ang iba ay disappointed rin na nagbreak kami.
Pero ang iba ay natutuwa na break na kami at single na

si James.

Clytemnestra Agoncillo

What the fuck, James! Are you serious?

11 likes.

Syre Gonzaga

Babe Clytemnestra, dont curse.

But seriously, bro? What happened?

26 likes.

Shielo Zosimo

Those 6 years...Anong nangyari sa inyong dalawa? :(

5 likes.

Wade Anthony Pagua

Kung kailang g-graduate na, saka pa kayo nagbreak. Tss.

14 likes.

Yes, for six years ay kaming dalawa na ni James. Since, third year high school ay
kami nang dalawa. Naging kilala kaming dalawa dito sa UST dahil sa undying love daw
namin sa isa't-isa at nang nagpost ako tungkol sa relasyon namin sa USTF noong six
years anniversary naming dalawa. Na mayroong forever dahil nga g-graduate na kami.
Fifth year na namin parehas sa kursong Engineering at sa makalawa ay graduation na
namin. Pumapasok lang kami ngayon for the practices at dahil mamimiss talaga namin
ang UST.
Pero tama sila. Walang forever.

Huminga ako ng malalim habang tinatype ang comment ko at agad ko itong inenter.
Hindi rin naman nagtagal ay tinadtad na ako ng notifications nang dahil sa iisang
comment na ginawa ko sa status nya.

Kelsey Michelle Sebastian

Goodnight! I love you.

53 likes.

Can I just act as if something like James breaking up with me didnt happened? Can I
always greet

him a 'Goodnight' and 'I love you' every night like it was still yesterday? When
we're still okay?

Kelsey Michelle Sebastian

Goodnight like it was yesterday. ♥

Agad kong inout ang facebook ko nang mapost ko na ang status kong iyon at hindi ko
na nireplyan ang flood na chat sa akin ni Clytemnestra. Sak inout na rin ang
facebook messenger ko. Bukas ko nalang ik-kwento sa kanya.

Gusto ko nalang matulog dahil baka pag gising ko bukas ay magbago ang isip nya't
makipagbalikan sya sa akin.

"Kels.." agad akong niyakap ni Cly na agad ding sumunod si Syre nang makita nila
ako na naglalakad mag-isa sa lovers' lane at awtomatikong nagsibuhusan ang mga luha
ko. "What happened?"

Kwinento ko sa kanya ang naging pag-uusap naming dalawa ni James kahapon. Kung
paano sya nakipagbreak sa akin. Kung paano nya ako iniwanan. Kung paano sya bumitaw
sa aming dalawa.

"He's not like that." iling ni Syre. "Hindi ganong kababaw si James para
makipagbreak sayo na ganon ang dahilan nya."
"But he did, Syre.." awat sa kanya ni Cly. "Hiniwalayan ng bestfriend mo ang
bestfriend ko. Nagawa nya nga oh."

"You know how much he loves Kelsey. You know how much they love each other." ani
Syre. "Tayo ang mismong nakasaksi dun. Hindi nga rin magiging tayo kundi nang dahil
sa kanilang dalawa. Mas nauna sila satin for three years at alam natin kung gaano
katibay ang pagmamahalan nilang dalawa."

"Maybe his love wasnt enough." simpleng sabi ni Cly. "At kung ayaw mong tayo ang
magbreak, just comfort Kelsey and stop defending James. Sya ang mali dito. Sya ang
may kasalanan nito."

Huminga

naman ng malalim si Syre at nanahimik nalang dahil sa banta ni Cly. You can really
see how much Syre loves my bestfriend na agad syang tumitiklop pagdating dito.

Last graduation practice na namin ngayon at iniiwasan kong tumingin sa gawi ng


kinauupuan nya upang hindi ko sya makita. Twing naririnig kong binabanggit ang
pangalan nya ng emcee upang praktisin ang pagkuha ng diploma ay agad kong yumuyuko
para hindi ko sya makita.

Mabilis rin akong lumalabas ng hall at para makauwi na ng hindi ko sya


nakakasalubong. Buti nalang at nasa 'S' ang apilyido ko't nasa bandang likuran ang
upuan samantalang sya'y nasa 'A' at nasa harap ang upuan kaya mabilis akong
nakakaalis.

"Congratulations! Sa wakas at wala na akong babayarang tuition!" singhal ni papa


nang makalabas kami sa venue pagkatapos ng graduation ko.

Nagsitawanan si mama at kuya. Nagpicture-picture pa kami sa harap ng hall para


maging remembrance ng graduation kong 'to. Na tapos na ang pag-aaral ko. Na tapos
na ang paghihirap ko. Na tapos na ang lahat.

"Oh, ayun pala si JC eh." rinig kong sabi ni kuya at agad akong tinignan ni mommy.

Alam ni mommy ang nangyari sa amin ni James. Hindi ko pa nasasabi kay papa dahil
gusto kong makatapos muna para good shot ako. Baka kasi sugurin nya si James sa
bahay nila lalo na't alam nya kung saan yon. Si kuya naman ay halatang iinisin ako
ng todo kapag nalaman yun kaya mas mabuting wag ko na munang sabihin. Saka na kapag
hindi na ako apektado.

"JC! Hijo!" sigaw ng daddy ko at agad napalingon si James maging ang pamilya nya.
Kasama nila ang bunso nyang kapatid na babae na madalas kung kalaro kapag pumupunta
ako sa kanila.

"Hanep, pre!

Cum Laude ah." biro ni kuya at nagfist bomb sila ni James na ngayo'y natatawa't
saka ngumiti sa akin.

"Congratulations." simpleng sabi nito pero parang lumipad na sa langit ang kaluluwa
ko.

"S-Sayo din." nauutal na sabi ko. "Congrats." hindi ko magawang ngumiti dahil hindi
ko kayang maging plastik sa nararamdaman ko.

"Ate Kel, aalis po si Kuya." bigla akong hinawakan sa kamay ng kapatid nito. "Doon
po sya magw-work." malungkot na sabi nito at napatitig lang ako sa kanya.

"Mangingibang-bansa pala ang anak mo, pare." biglang sabi ni daddy kay Tito John,
daddy ni James. Samantalang nakita ko namang nag-uusap ng masinsinan si mommy at
Tita Mae, ang mommy nya. I guess they both know.

"Oo nga, pare eh. Inalok kasi sya ng magandang trabaho. Sayang kung hindi nya
tatanggapin. Ang laki pa naman ng offer." ani ng daddy nya.

"Saang bansa ka ba, JC?" baling ni daddy kay James.

"Sa New York po." simpleng sagot nito at agad akong napatingin sa kanya na ngayo'y
bumaling ulit ng tingin sa akin.

"Hindi ka na ba uuwi?" tanong ni daddy.

"After one year po, uuwi ako para magbakasyon for two months daw po ata." sabi
nito. "And to decide whether to go back or just stay here in the Philippines."
Tumango-tango nalang sila daddy at agad rin silang umalis dahil may pupuntahan
silang pamilya. Balak nga nilang isama kami pero ako na mismo ang tumanggi at may
lakad rin naman kaming sariling pamilya.

After one week ng graduation ay nabalitaan ko na umalis na nga si James papuntang


New York. Alam kong gaganda ang buhay nya doon at sana mahanap nya na rin ang
tamang babae para sa kanya doon.

"Buti

nakapunta ka." ani Clytemnestra sakin saka ako niyakap ng mahigpit. "Akala ko may
site kang titignan ngayong gabi sa Antipolo."

Umiling ako at ngumiti. "Pwede ko bang palagpasin ang engagement nyong dalawa?"
biro ko sa kanila ni Syre.

Oo, engage na sila ni Syre at engagement party nila ito. One year na rin ang
nakakalipas at naging maganda ang takbo ng buhay ko pati na ang trabaho ko.

"May isa pa palang hindi papalagpasin ang engagement namin." biglang sabi ni Syre
habang diretsong nakatingin sa likuran ko kung saan nandoon ang pintuan papasok ng
hall. "James!" biglang sigaw ni Syre at naglakad papunta sa likuran ko.

Huminga ako ng malalim at nagkatinginan kaming dalawa ni Cly na para bang


nagkakaintindihan kaming dalawa sa mga simpleng tinginan namin.

"Hi, James." bati ni Cly at dumiretso na rin sa likuran ko kung nasaan sila Syre at
James. "Buti nakapunta ka."

"Why would I miss this special occasion nang dalawang taong malapit sa akin?"
natatawang sabi nito and I dont know how much I miss hearing that voice.

Yes, I still love him. Hindi pa ako nakakamove-on at inaamin ko yan sa sarili ko.
I'm not afraid to admit how I feel.

"Sabi ko nga." natatawang sabi ni Cly at biglang nagkaroon ng katahimikan sa


kanilang dalawa.
"K-Kelsey?" rinig kong tawag nito sa akin na nagpabilis ng tibok ng puso ko. I miss
how I flatter whenever he calls my name.

Huminga ako ng malalim at unti-unting humarap sa kanya. Walang masyadong nagbago sa


kanya pero mas tumangkad sya't nagbago ang style ng buhok na mas lalong nagpagwapo
sa kanya. "J-James, nakabalik ka

na pala." nakangiting sabi ko.

"Ahm, Cly, let's entertain the other guest." aya ni Syre kay Cly na agad ring
sumunod at binati ang iba pa nilang bisita.

"Ah yeah." ngumisi ito at napakamot sa ulo. "Nung Friday pa ako nandito, actually."

Tumango-tango naman ako dahil wala na akong masabi sa kanya. Tatlong araw na pala
syang nandito.

"Want to sit?" aya nya at tumango nalang ako.

Nagkakwentuhan kami ng mga nangyari sa amin sa mga trabaho namin. Nagkabigayan na


rin kami ng mga number namin para source of communication. Kwinento nya ang naging
buhay nya sa New York. We're friends again.

"Masaya sanang magtrabaho doon kung nandon rin yung taong mahal ko." bigla nitong
sabi at agad akong nanahimik.

"G-Ganon ba?" sabi ko nalang para hindi awkward. "B-Bakit hindi mo nalang sya
isama?"

May iba na pala syang mahal. Am I too late?

"I will." determinadong sabi nito. "If she agrees." dagdag nito.

Tumango nalang ako at uminom ng cocktail na agad nya naman akong pinigilan dahil
alcohol daw iyon. Alam nyang hindi malakas ang tolerance ko sa alcohol pero it's
just a cocktail. Hindi naman yon ganong nakakalasing.

"Hindi ka pa rin nagrereply." biglang sabi nito nang nasa parking na kami. Nang
magpasya akong umuwi ay nagpaalam na rin sya kila Syre at Cly na uuwi na rin kaya
ininis pa kami ng dalawa na gusto daw mapagsolo at etc.

"H-Huh?" lingon ko dito bago ako pumasok ng kotse ko.

"Light blue." ngumiti lang ito at mas nauna pang sumakay ng kotse nya saka binaba
ang mirror. "Ingat ka ah." aniya't mabilis na pinaandar ang kotse nya.

Nang makauwi ako sa bahay ay pilit kong iniisip kung ano ang tinutukoy nya.
Tinignan ko ang phone ko at hindi naman sya nagtext so anong rereplyan ko? At anong
light blue ang pinagsasasabi nya.

"Nakakatuwa talaga tong snapchat." rinig kong tawa ni kuya habang kinakalikot ang
iPhone nya.

Siguro'y kausap nya nanaman ang girlfriend nya sa kanyang snapchat. Hindi na
nagsawa sa mga mukha nila.

"Ganon rin naman sa facebook messenger. Maglagay ka lang ng picture at message saka
mo i-send--" napatigil ako sa pagsasalita nang maalala ko ang icon ng facebook
messenger.

Kulay light ito at pwede ring magreply sa mga message dahil messenger nga.

Dali-dali akong pumunta sa kwarto ko at kinuha ang iPad ko. Matagal ko nang hindi
nabubuksan ang facebook ko kaya nahirapan akong alalahanin ang password. Mag mula
ng ilog-out ko ito one year ago ay hindi ko na ito nabuksan. Ngayon nalang ulit and
my heart pounds nang makita ko ang message nya one year ago.

James Connor Alfonso:

I cant take it anymore. Wait for me okay? I'll be gone but I'll be back for you.
Goodnight! I love you too. :*

Agad namang nagsituluan ang mga luha ko sa sobrang saya. I got my phone at pumunta
agad sa messaging.

To: James Alfonso.

Goodnight! I love you more. :**

Message sent!

-----------------------

The end. HAHAHAHAHAHA.

You might also like