Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 135

Still In Love (A Girl In Love Book 2)

by nininininaaa

Love is present until to the point of death.

=================

Still You (A Girl In Love Book 2)

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and


incidents are either the products of the author's imagination or used in a
fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual
events is purely coincidental.

(c) nininininaaa

=================

PROLOGUE

Prologue

5 years na rin ang nakalipas magmula ng umalis si Xander pero para sakin ay parang
kahapon lang iyon nangyari. Nandoon parin ang sakit na nararamdaman ko twing
naaalala ko sya. Mga panghihinayang sa mga memories namin na pwede pa sanang
maparami kaso, wala talaga.

Hindi rin nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya. Mas nadadagdagan pa nga at para na
kong tanga sabi nga nila.

"Ja, palayain mo na ang sarili mo sa kanya. Wag ka ng magpakatanga please." yan ang
payo sakin ni Juniel.

Wala naman daw patutunguhan ito. Pero para sakin ay magbalik lang sya,
sisiguraduhin kong may patutunguhan ang naudlot naming relasyon.

Si Joaqui naman ay hanggang ngayon nililigawan pa rin ako.


"Ja, flowers." sabay abot nya sakin ng mini bouquet pagkapasok na pagkapasok nya sa
office ko.

Araw-araw yan. Walang palya. Tapos twing lunch ay pupunta sya sa kompanya namin
para ayain akong maglunch. Pag busy naman ako ay magdadala nalang sya ng packed
lunch para sabay naming kakainin.

"Lagay mo muna dyan. Thanks." nakangiting sabi ko.

Nilapag nya naman ang bulaklak sa mini table ng office ko. Umupo sya sa harap ko.

"New projects?" tanong nya.

Tumango ako at nagpatuloy basahin ang kontrata.

"About what?" tanong nya ulit.

"Expansion ulit at may nag-iinvest. Binabasa ko lang ang terms nila." sabi ko.

1 year ko ng hinahandle ang kompanya. Grumaduate nga pala ako ng Magna Cum Laude
dahil natalo ako ni Joaqui. Sya ang Zuma Cum Laude ng batch namin. Nakakainis nga
dahil hindi nya man lang ako pinagbigyan.

"Saan naman ang expansion?" mausisang tanong nya.

"Parang

hindi naman sya totally expansion pero gusto nyang ipagmerge ang kompanya namin at
kompanya nila. So bali, parang expansion na rin sya." sabi ko at inabot sa kanya
ang kaninang binabasa ko.

Binasa nya rin ito at sinuri.

"Tingin ko, maganda rin ang idea nila. Since ang estate company lang naman namin
ang gusto nilang pagmergin, ayos na rin yun. Saka para makapagfocus din muna ko sa
isa pa naming kompanya. Mababawasan siguro ang gagawin ko sa estate kapag nagmerge.
I'm thinking of accepting their proposal." sabi ko at ngumiti.

Tumango-tango si Joaqui at nilapag sa table ko ang kontrata at iba pang papeles.

"Pwede na rin siguro. You decide, ikaw na ang CEO." nakangising sabi nya.

Napangiti nalang ako sa sinabi nya.

"Sino naman ang CEO ng kabilang company?" tanong nya.

"Hindi ko rin alam. Ang sabi ng secretary nila ay inutusan palang sya at this week
daw ang balik ng president nila. Ib-book nya nalang daw kami ng appointment." sabi
ko.

"Want me to come with you pag nagmeeting kayo?" alok nya.

Umiling ako. "I can do it."

"Okay then. Balik na muna ako sa kompanya namin." anya.

Tumango ako at ngumiti. "Sige lang."

Hinalikan nya ko sa pisngi at saka umalis. Sanay na kong ganyan ang gesture ni
Joaqui. At buti nalang ay hindi nya nalalagyan ng malisya.

Halos mapabalikwas naman ako nang magring ang phone ko.

"Hello?" sagot ko.

"Best?" boses ng isang babaeng miss na miss ko.


"Rhea?! Oh my gosh! Nakauwi ka na?" napatayo ako sa kinauupuan ko.

"Yup. I came back for good." masayang sabi nya.

"Bakit hindi mo sinabi sakin na babalik ka na? Eh di sana sinundo man lang kita."
saad ko.

Napatawa naman sya. "No need at saka ayokong makigulo sa busy office hours mo noh.
Iba na ata ang CEO." natatawang sabi nya.

"Hindi naman noh!" sabi ko.

"So, can I meet you tomorrow? 1pm sa favorite restau natin." sabi nya.

"Of course! I'll be there." pagpayag ko.

"Great. May ipapakilala ako sayo. So, tomorrow then?" masayang saad nya.

"Sure. Byee." pagpapaalam ko.

"Bye." binaba nya na ang tawag at umupo na ko ulit.

Bumalik na ang bestfriend ko. Si Xander kaya, kailan uuwi?

=================

Chapter 1

Chapter 1

Fiance.
Nandito na ko sa favorite restaurant namin na malapit lang din sa subdivision
namin.

"Jaja!" agad akong napatayo ng marinig ko ang masayang tinig ng bestfriend ko.

"Rhea!" lumapit ako sa kanya at niyakap sya.

Lumayo sya sa pagkakayakap namin at tinignan ako from head to toe.

"Ang ganda mo na grabe at medyo mas matangkad ka pa sakin ah! Talagang sineryoso mo
yung magpapatangkad ka." natatawang sabi.

"Syempre! Mahirap ng maiwanan ng height noh." tumawa kaming dalawa at umupo sa


upuan.

"Yung ipapakilala mo sakin nasan na?" excited na tanong ko.

"Nagpark lang sya at may kakausapin lamg daw sandali." nakangiting sabi nya.

"Ganun ba? Ahmm, cr muna ko ah." pagpapaalam ko ng makaramdam ako ng pagkaihi.

"Oo naman haha." tumatawang sabi nya.

"Sige wait lang." sabi ko at pumunta na kong banyo.

Nagmadali akong magcr at inayos ang buhok ko. Pagkalabas ko ay bumalik na ko sa


upuan namin.

"Pili ka na ng kakainin mo. Babalik nalang daw yung waiter dito." anya.

"Sige." sabi ko at kinuha ang menu.


Binasa ko ito ng mabuti. Ano kayang kakainin ko? Halos lahat ng pagkain dito ay
gusto kong kainin eh.

"Sorry, natagalan ako." sambit ng isang pamilyar na boses.

Halos manigas ako sa pagkakahawak sa menu.

"Okay lang baby. Nagcr din naman sya at di pa kami nakakaorder." sabi ni Rhea.

Amoy na amoy ko ang pabango nyang nakakaakit.

"Ahmm best? Fiance ko.." anya.

Napatingin ako sa kanilang dalawa.

"Si Xander." nakangiting sabi nya at kumapit sa braso ni Xander.

Lumingon si Xander sakin at akmang makikipagkamay ng makita nya ko. Nanlaki rin ang
kanyang mata.

"Baby, si Jaja, bestfriend ko." pagpapakilala sakin ni Rhea.

"Baby?.." tumaas ang kilay ako at tumingin sa malayo then I faked a smile.

"Oo haha. Corny ba endearment namin Ja?" sabi nya sakin. "Upo tayo." nakangiting
baling nya kay Xander at umupo sila.

"Hindi naman." umiling ako at ngumisi. "May naalala lang ako."

"Ano yun? Kwento ka naman!" nakangising sabi nya.


Napatingin ako kay Xander na nakatingin lang sa menu.

Umiling ako. "Wag na siguro. Wala ng silbi kung maalala ko pa eh at ikwento sayo."

"Grabe ah!" nagtatampong sabi nya.

"Mam, may I take your orders?" tanong ng waiter.

Sinabi namin ang orders namin at umalis rin kaagad ang waiter.

"Bakit ka nga pala bigla-biglang umuuwi?" tanong ko kay Rhea habang hinihintay pa
ang pagkain namin.

"Ipapakilala nya kasi ako sa family nya. I've never met his family tapos ikakasal
na kami. And I also wanted to get married here. Syempre, bride's maid ang
bestfriend ko." masayang sabi nya.

Iniiwasan kong mabuo ang luha sa mga mata ko at tumulo ito. Talaga palang ikakasal
na sila? Ganong kabilis lang ay nakalimutan na ko ni Xander at may fiance na sya.

"You've never met his family?" tumaas ang kilay ko.

"Uhh yeah. And I want you to come. Nakakahiya kasi kung ako lang. Please come,
okay?" sabi nya at hinawakan ang kamay kong nakalapag sa table.

Tinignan ko si Xander na mukhang uneasy sa pinag-uusapan

namin ni Rhea.

"Mukhang ayaw ata ni Xander eh." sabi ko at kunwaring ngumiti.

Lumingon sya kay Xander. "Baby please? Alam mo namang mahiyain ako eh." nagpout sya
at inalog ang braso ni Xander.
Ngumiti si Xander sa kanya. "It's fine with me."

Really Xander? Is it really fine with you?

"Then I'll come." sabi ko.

Ngumiti naman ng malapad si Rhea at dumating na ang pagkain namin.

Nagtext naman si Joaqui.

From: Joaqui.

Where are you? Wala ka sa office mo. Kumain ka na ba?

Nagreply naman ako kaagad.

To: Joaqui.

I'm with Rhea. She's back. :) We're having a lunch right now. Thanks for the
concern. :) Kumain ka na rin.

Message sent!

Tinago ko na ang phone ko at hinalo na ang pastang inorder ko.

"Who's that?" mausisang tanong ni Rhea.

"Joaqui." tipid na sagot ko.


"Ohmygosh! Kayo na ba Ja?!" tumitiling sabi nya.

Si Xander naman ay mukhang naiirita.

"Huh?" nagtatakang sabi ko.

"I mean, bago ko umalis ay umamin sakin si Joaqui na may feelings sya sayo at
nangako akong hindi ko sasabihin sayo. But I bet now, pwede ko ng sabihin. So, kayo
na?" masayang sabi nya.

Alam nya pala ang feelings ni Joaqui sakin dati.

"Ahmm no." sagot ko at ngumiti.

"Pero nililigawan ka nya?" tanong nito na interesadong-interesado.

"Yes." tipid na sagot ko.

"Ohmygosh! Kailan mo sasagutin?" tili nya ulit.

"Actually, ayoko sanang manligaw sya but he insisted." nagkibit-balikat ako.

"So, you mean wala kang balak sagutin sya?" nanghihinayang na tanong ni Rhea.

"Y-Yeah."

"Bakit naman Ja? I mean, Joaqui yun eh. Ang tagal na nyang may feelings sayo.
Minsan na lang makahanap ng ganyan." puno parin ng panghihinayang ang tono.

"It's just that..may hinihintay ako." sabay tingin ko kay Xander.


Napatigil naman si Xander ngunit bumalik agad sa pagkain.

"Sino naman yan? At ang tanong, babalik ba?" masungit na sabi ni Rhea.

"Bumalik na sya." ngumiti na sya. "Kaso mukhang ako na ang walang babalikan sa
kaya."

Tinignan ko ulit si Xander na napatingin sakin ngunit iniwas rin ang tingin ng
makitang nakatingin ako sa kanya.

"Anyways, alis na ko. May gagawin pa ko." sabi ko at uminom ng iced tea.

Mabilis kasi akong kumain ng pasta. Sandali lang sakin iyon. Ayoko na naman ng
magstay pa dito. Hindi ko na kayang kontrolin ang mga nararamdaman ko.

"Okay thanks for the time. Text nalang kita kung pupunta na kila Xander okay?"
nakangiting sabi nya.

"Yeah. Sure." sabi ko. "Bye Xander?" baling ko sa kanya.

Hindi nya ko tinignan at tumango nalang sya.

"Sige Rhea." nakangiting sabi ko.

"Ingat!" kumaway sya.

Umalis na ko kaagad ng restau at hininto ang kotse ko sa park ng subdivision namin.

"Ja naman eh..Pilitin mo ng pigilin..Wala na sya..Wala na si Xander sayo.." sabi ko


sa sarili ko at pinakawalan na ang mga luhang kanina pang nagbabadyang tumulo.

=================
Chapter 2

Chapter 2

Kamay.

"H-Hello?" nauutal na sagot ko kay Joaqui.

Nahihirapan din akong makahinga dahil sa sobrang pag-iyak kanina.

"Where are you? 10pm na? Kanina ka pang 12pm lumabas ng opisina." nag-aalalang sabi
nya.

"P-Pauwi na ko. D-Dont worry about me." sabi ko.

"Ja, you cant tell me not to worry because I always do." anya.

"B-Basta pauwi na ko. Bye." magsasalita pa sana sya pero binaba ko na ang phone ko.

Tawag parin sya ng tawag pero hindi ko na ito sinasagot. Uuwi naman talaga ako.

Ilang sandali ay nandito na ko sa harap ng bahay namin at nakita ko kaagad si


Joaqui na nakaupo sa harap ng kotse nya. Napatayo sya ng makitang padating na ang
kotse ko.

Lumabas ako at agad nya kong niyakap.

"I almost died worrying about you.." nangingiyak na sabi nya.

Sana ganyan din si Xander sakin ngayon pero hindi eh..Hindi talaga. At mukhang
hindi na mangyayari.

Umiyak nalang ako at agad nyang hinamas ang likod ko.


"Tell me, who made you cry?" tanong nya.

"H-He's back Joaqui..with someone else." pumiyok ang boses ko.

"Ja, kailan ka ba titigil ng kakaiyak dahil sa kanya? Alam mo Ja, kahit gusto
kitang i-comfort ngayon..hindi ko magawa dahil nang dahil nanaman sa kanya. Please
Ja, just stop it. It's been years.." anya at binitawan ako ng marahan saka sumakay
sa kotse nya at umalis.

Napaiyak nalang ako lalo. Ang tanga mo Ja! It's been years! Move on! Wag ka ng
magpakatanga oh!

Pumasok na ko sa loob ng bahay. Buti nalang at wala sila mami at dadi. Umakyat na
ko ng kwarto

ko at chinarge ang phone ko.

Agad naman akong nakareceive ng text.

From: Rhea-ea. :)

Best! Ja! Saturday tomorrow. Bukas na agad ang punta natin kila Xander. Sunduin ka
nalang namin dyan sa bahay nyo. Malapit lang pala bahay nyo sa kanila. And guess
what, ito ang dating bahay nila Joaqui! So bukas ah? 10 am. Goodnight. Iloveyou. :*
:)

Binaba ko ang phone ko.

Oo Rhea. Alam ko kung saan sya nakatira. Alam na alam ko.

Natulog na ko at nagising din ako ng mga 9am dahil sa alarm.

Pupunta pa pala kila Xander. Huminga ako ng malalim at naligo saka nag-ayos.
Nag shorts lang ako at tee shirt. Magtsi-tsinelas nalang din ako. Dyan lang naman
ang bahay nila eh.

"Hija, nakauwi na pala si Rhea. Nandito sya sa salas." katok ni manang.

Binuksan ko na ang pinto at sumabay na sa pagbaba ni manang.

Kilala nya kasi Rhea dahil simula pagkabata ay inaalagaan na ko ni manang.

Nang makababa na kami ni manang ay nakaupo si Rhea at Xander. Nagbabasa si Rhea ng


magazine habang nakatuon sa tv si Xander. Napalingon naman si Rhea sakin.

"Oh! Jaja you're here na." napatayo si Rhea maging si Xander.

"Jusmiyo!" hiyaw ni manang.

Napatingin ako kay manang na ngayo'y gulat na gulat dahil kay Xander.

"Xander hijo, ikaw nga yan!" lumapit si manang kay Xander at niyakap ito.

Laglag ang panga ni Rhea dahil sa naging reaksyon ni manang kay Xander. Pero si
Xander ay ngumiti lang at niyakap rin pabalik si manang.

"Namiss kita hijo!" sabi ni manang ng kumawala na sa pagkakayakap.

"Kayo rin po." nakangiting sabi ni manang.

"Magkasama pala kayo ni Rhea. Saan kayo mag gagala nila Jaja? Magkakilala na kayo
ng matalik na kaibigan ni Jaja." tuwang-tuwang sabi ni manang.

Lumapit na ko.
"Of course manang. He's my fiance." sabi ni Rhea sabay kapit sa braso ni Xander.

"H-Ha? Eh.." napatingin sakin si manang sabay balik kay Xander at Rhea. "kala ko.."

"Nako. manang. Punta lang po kami kila Xander. Ipapakilala po kasi si Rhea sa
pamilya nya. Sige ho. Maaga po akong uuwi promise! Bye po." niyakap ko si manang at
saka hinila na palabas si Rhea.

Grabe! Muntikan na yun. Wew.

"Ja, bakit ganun si manang kay Xander?" nagtatakang tanong ni Rhea ng makalabas na
kami ng bahay.

"H-Ha? A-Ano eh kasi--"

"Na-meet ko si manang nung nasa Bagiou. Sa labas ng school ko dati. Lagi syang
nandun sa labas. Hindi ko naman alam na nagt-trabaho pala sya kila ahmm ano nga
bang pangalan nya?" tanong ni Xander kay Rhea.

Eh gago ka pala eh! Hindi mo ko natatandaan?! Talaga? Sige! Panindigam natin yan
Xander. Let's just act. Yeah act.

"Justine Michaella Dantez Manansala but you can call me Jaja. Nice to meet you."
sagot ko bago pa makasagot si Rhea at naglahad ako dito ng kamay.

Tanginang luha to! Nagf-form ka nanaman ah. Nakakainis ka na. Wag kang tutulo
please. Wag. Ngiti lang Ja, ngiti lang.

"Okay Jaja?" sabay baling nya kay Rhea. "Tara na baby." sabay ngiti nito at akbay
kay Rhea.

Nagpatuloy lang sila sa paglalakad papuntang bahay nila Xander.


Tinikom ko nalang ang kamay kong hindi nya tinanggap at hinayaang tunulo ang luha
kong namuo sa aking mga mata.

=================

Chapter 3

Chapter 3

Malamig na tubig.

"Ja? Let's go na." agad kong pinunasan ang luha ko at humarap kay Rhea na
nakangiti.

Napaiwas naman ng tingin si Xander saka kinuha ang kamay ni Rhea at pumasok na sa
loob ng gate ng bahay nila. Agad na rin akong pumasok at nakita kong nakahinto sila
sa harap ng pinto.

"What if they dont like me?" kabadong tanong ni Rhea kay Xander.

Napatingin naman sakin si Xander dahil medyo malakas ang yapak ko.

"They'll surely will." ngumiti sya at saka binuksan ang pinto ng bahay nila.

Pumasok na rin ako at agad kong nakita si tita at Yrene na gulat sa nakita nila ng
mapalingon sa aming tatlo nila Rhea.

Lagi akong pumupunta dito lalo na kapag wala akong magawa kaso 2 months and 1 week
ata akong hindi nakapunta sa kanila ulit dahil sa business trip at sobrang busy pa
pagbalik ko. Nawalan na ko ng time bumisita.

"Ate Jaja!" agad yakap sakin ni Yrene.

"Kamusta trip anak?" lumapit din sakin si tita at yumakap.


Nakakahiya pero anak na ang tawag sakin ni tita. Siguradong malaking question mark
ito kay Rhea. Nakangiti pa naman sya kila Yrene at tita kaso sakin sila dumiretso.

"Ayos naman po. Sorry po kung di ako nakakabisita ah? Pagkabalik ko po kasi last
week, sobrang busy po sa dami ng proposals pero ayos na po ngayon." sabi ko kay
tita.

"Wala ba kong pasalubong ate?" tanong ni Yrene.

Hindi na talaga to natigil sa kakatawag sakin ng ate. Nakasanayan nya na ata.

"Ay! Oo nga. Nandoon po sa kwarto ang mga pasalubong ko. Sorry nakalimutan ko.
Bukas dalin ko nalang." sabi ko at

sinapo ko ang ulo ko.

"Punta nalang ako mamaya sa inyo ate. Magk-kwento ka rin." nakangiting sabi ni
Yrene.

"Ako rin okay? Sasama ako." sabi ni tita.

"Hay. Pag kayong dalawa po talaga nagsama hayy." natawa nalang ako.

"Ehem!" narinig naming daing ni Xander.

"Oh anak? How's your trip?" baling ni tita kay Xander.

"I'm glad ma. And by the way I want you to meet Rhea.." tumingala si Rhea at
ngumiti.

"Oh. Hi hija--"

"My fiance." dagdag ni Xander.


"WHAT?!" sigaw ni tita at Yrene.

"Kuya are you joking me?" hindi makapaniwalang tanong ni Yrene.

"I'm not joking ma. She's really my fiance." determinadong sabi ni Xander.

Nahalata kong nagbago na ang ekspresyon ni Rhea. Siguro'y hindi talaga sya sanay na
ganyan ang reaksyon ng tao sa kanya dahil sanay syang napupuri.

"I-I can't believe this--" sabi ni tita at nahimatay.

"Tita!" sigaw ko sabay lapit kay tita.

"Ma?!" sabay pa si Xander at Yrene.

Lumapit rin sila kay tita.

"Pwede ka bang kumuha ng tubig sa kusina Rhea? Yung nasa baso malamig. May tubig
sila sa freezer na defroze." sabi ko kay Rhea pero nanigas ata sya sa kinatatayuan
nya.

Hindi ba talaga sya kikilos?

"Ako na nga." pagp-presenta ko sa sarili kong utos ughh.

Buti nalang at laging may defroze side ang freezer nila na malamig na malamig
talaga ang tubig. Nagmadali na ko at tumakbo ulit kay tita.

"Excuse me." sabi ko at lumayo naman sila agad ng konti.

Winisikan ko si tita nito ng ilang beses and thank God, nahimasmasan sya agad.
"Wait lang po. Kuha lang ako tubig na maiinom."

pagpapaalam ko at mabilis na kumuha ng tubig.

Binigay ko kay tita ito at ininom nya naman.

"Buti nalang nandito si ate Jaja." relieved na sabi ni Yrene.

"Thank you anak." sabi ni tita at hinimas ang pisngi ko.

"Wala po yun tita." sagot ko.

"Nagamit mo narin ang pag-aaral mo ng first aid medicine for 1 year haha." sabi ni
Yrene.

"Oo nga eh hehe." sabi ko nalang.

"As I was saying ma.." kinuha ulit ni Xander si Rhea at inilapit samin.

Tumayo naman si tita. "Xander please, not now."

"Pero ma--"

"Kuya! Can you please respect mom?" sumabat na si Yrene.

"Wait lang ate Ja. Akyat ko lang si mami." sabi ni Yrene at inakyat na si tita.

Katahimikan ang bumalot samin ng makaakyat na sila tita.

"S-She doesnt like me?" nabasag ang boses ni Rhea.


Napalingon naman ako dito na agad dinaluhan ni Xander.

"Masama lang siguro ang pakiramdam ni mami." pampalubag loob ni Xander.

"B-But while she's talking to Jaja.." napalingon sakin si Rhea. "She's happy and
jolly."

Tumingin din sakin saglit si Xander pero bumalik din kay Rhea.

"Moodswings maybe. Madalas si mami magkaganyan." anya ni Xander.

"Pero how did they know you? Bakit gustong-gusto ka nila?" nagtatakang tanong ni
Rhea sakin.

"K-Kasi.."

"Ate Jaja is very nice. Nung wala si kuya at laging nasa business trip si dadi,
she's always here for us. Pag umuuwi naman si dadi, lagi syang sumasama samin kaya
we treat her like family. To be honest, mom and dad really wants her for kuya--"

"Yrene tama na." pinahinto ko na si Yrene.

"Well she asked. Sinasagot ko lang." nagkibit-balikat sya.

"Umakyat ka nalang Yrene. And Jaja, umuwi ka nalang." napatingin ako kay Xander.

Ngayon nya nalang ulit nabanggit ang pangalan ko. Kaso'y sa paraang pinapaalis ako.

"Kuya!" reklamo ni Yrene.

"Just go up." madiin na sabi ni Xander.


Padabog namang umakyat si Yrene.

"Ano pang ginagawa mo?" sabay baling nito sakin.

"Baby.." sabay himas ni Rhea sa braso ni Xander.

"Aalis na ko...ahmm ano nga ba ulit pangalan mo?" tanong ko.

Nag-iba nanaman ang ekspresyon ni Xander. Hindi ko na talaga sya mabasa.

Akmang sasagot na si Rhea pero inunahan ko na.

"Wag na pala. Wala namang dahilan para malaman ko pa ang pangalan mo." sarkastikong
sabi ko at saka mabilis lumabas ng bahay nila.

=================

Chapter 4

Chapter 4

Ever again.

Punas ako ng punas ng luha hanggang sa makarating sa aming bahay.

Hindi naman sinasadyang nanroon si Joaqui.

"Still crying because of him?" tanong nya.

"S-Sorry.." yun nalang ang nasabi ko sa kanya.


Huminga sya ng malalim. "When will you stop crying over him?" tanong na iniwan nya
sakin at umalis na agad nya.

Tinignan ko lang ang kotse nyang umaalis palayo.

Kahit ako, hindi ko rin alam ang sagot sa tanong nya. Kailan nga ba? Kapag manhid
na ko? Kapag wala na kong nararamdaman na kahit ano?

Kinabukasan, magme-meet kami ng bago kong business partner dito sa Luna Mistre,
isang sikat na restaurant. Yung makikipagmerge sa company namin.

"Mam, this way po sa private room." anya sakin ng receptionist ata dito.

Kaya magandang makipagmeeting dito ay dahil may private room kapag may importanteng
pag-uusap.

Sinundan ko lang sya at binuksan nya ang pinto ng private room.

"Sir, nandito na po." anya.

Binaba naman nito ang phone nya at tumayo sa kinauupuan nito.

Ano ba talagang balak nya?

"Maiwan mo na kami." sabi nya sa receptionist.

"Sige po." sabi ng receptionist at umalis na saka sinarado ang pinto.

"Ms. Manansala?" nilahad nito ang kamay nya.

"Simulan na natin to Xander. I have no time for introductions." hindi ako


nakipagkamay at umupo na sa upuan.
Binaba nya unti-unti ang kamay nya at umupo na rin sa harapan ko. Hinanap ko naman
ang kontrata para mapapirmahan na at makaalis.

"Sana wag nating idamay ang trabaho sa personal nating problema." anya.

Nang mahanap ko

na ang kontrata ay inilatag ko na agad ito sa kanyang harapan.

"Kaya nga pirmahan na natin to ng wala ng dudahan. I'm not that immature." sabi ko
at iniabot sa kanya ang ballpen.

"Ganito ka rin bang makipag-usap sa mga investors nyo?" tanong nya ay kinuha ang
ballpen.

"Hindi." sabi ko at ngumiti ng peke.

"Then bakit ka ganitong makipag-usap sakin?" binaba nya na ang ballpen at iniabot
ang kontrata sakin.

"Like you said, investors. Hindi ka naman investors. We'll be partners. Konektado
sa isa-isa." sabi ko at tumaas ang kilay.

Nilagay ko na sa bag ko ang kontrata at ballpen.

"Okay then. Kumain ka na. Inorder ko yan. Lunch na. Dont worry wala dyang
makakasama sayo." anya.

Tinignan ko naman ang mga pagkain at tama nga sya. Halos lahat ng nakalatag sa
lamesa ay paborito kong kainin.

"Wala akong panahong kumain. May gagawin pa ko." tumayo ako at kinuha na ang bag
ko.
Akmang lalabas na ko nang magsalita sya.

"Sana naman, hindi mo pinapabayaan ang kalusugan mo dahil sa trabaho and.." huminga
sya ng malalim. "sorry for yesterday. I didnt mean to--"

"Nice meeting you Mr. Sarmiento." hindi ko na pinatapos ang sinasabi nya at umalis
na ko.

Hindi na ko basta bibigay sa kanya. Naaawa na ko sa sarili ko.

Pagkabalik ko ng office ay naroon si Joaqui.

"Brought you lunch. Nakapaglunch ka na ba?" anya at tinuro ang pagkaing binili nya.

"Nope. Thank you." ngumiti ako at umupo sa tabi nya.

"Na-meet mo na yung business partner mo? Mukha

bang responsible at mabait? Mapagkakatiwalaan? Tingin mo--"

"It's Xander." simpleng sagot ko at sumubo ng pagkain.

"What?!" nabiglang tanong ni Joaqui.

"Calm down." sabi ko at uminom.

"How can I calm down? Nakipagmeeting ka sa kanya alone and I bet he's alone too
tapos magiging business partners pa kayo. Papatayin mo ba ang sarili mo?" galit
nyang untas.

"I wanna be a professional Joaqs. Ayokong idamay ang trabaho sa personal na


problema ko like he said earlier. Wala sakin yun. I've learned my lesson. I can
perfectly handle my self. Oh umiyak ba ko? Diba hindi?" sabi ko at ngumiti saka
kumain ulit.
"Ngayon, hindi ka umiyak. But what about tomorrow or the next day?" nag-aalalang
sabi nya.

"Siguro iiyak nalang ako nun kasi nalampasan ko na sya. Sa sobrang saya ko dahil
nakamove-on na ko kaya ako umiyak. Siguro ganon nga." sabi ko.

"Ja, dont be too hard on yourself. Kapag hindi mo kaya, wag. Wag yung pipilitin mo
ang sarili mo just because you need to." sabi nya.

Napatigil ako sa pagkain.

"I told you. I can handle it. Trust me please." hinawakan ko ang braso ni Joaqui.

"I trust you. But it's Xander, I dont trust him." anya.

"He's Rhea's fiance. Magpakita ka nalang na parang ayos sya sayo. Learn how to.
Maging masaya nalang tayo para sa kanila. Para kay Rhea." sabi ko nalang.

"Okay--I mean what?! Sya ang fiance ni Rhea?" gulat nyang tanong.

"Oo kaya please. Let's all just act like nothing happen and be happy for them."
sabi ko.

"I'll try but I cannot promise."

sagot nya.

"Joaquin.." ginamit ko na ang nagbabantang boses ko.

"Okay okay." sabi nya nalang.

Ngumiti nalang ako at nagpatuloy sa pagkain kain.


Pauwi na ko ng makareceive ako ng text galing kay Yrene.

From: Yrene. :)

Ate Ja, can you come here please? :)

Nagreply ako kaagad.

To: Yrene. :)

Okay. Wait for me. :)

Message sent!

Huminto muna ko sa bahay para kunin ang pasalubong nila saka pumunta sa bahay nila.

Nagdoorbell ako at agad lumabas ang katulong nila at pinapasok ako.

"Ate!" sabay lapit sakin ni Yrene at humalik sa pisngi ko.

Napatingin naman ako sa sala at naroon si Xander at Rhea.

"Nasan si tita?" tanong ko.

"Nag out of town." lumapit sakin si Yrene. "Sumasakit daw ulo nya kay kuya at kay
new girl." bulong nya.

"Ikaw talaga!" kinurot ko ang pisngi nya.


"Tara upo tayo!" sabi nya at hinala ako papuntang sofa.

Kaharap ko ngayon sila Xander at Rhea.

"R-Rhea, nandito ka pala." bati ko kay Rhea.

Ngumiti nalang sya sakin.

"Ahmm Yrene oh, ito na pasalubong ko. Itong paper bag na malaki sayo tapos ito
naman kay tito't tita." sabi ko at inabot ang paper bag.

"Ohmy! Thank you ate." sabi nya at kinuha ang paper bags saka nilagay sa gilid.

"Ahmm, ilang taon ka na Y-Yrene?" tanong ni Rhea kay Yrene.

Halatang kinakabahan pa si Rhea.

"21." tipid na sagot ni Yrene.

"M-Magkasing edad lang pala kayo ni Jaja eh. Bakit ate

ang tawag mo sa kanya?" ngumiti ito na parang takot na takot.

"Mas matanda sya ng 1 month sakin. And magiging ate ko naman talaga sya eh." sagot
ni Yrene na ikinabigla ko. "Right ate?" nakangiting baling nito sakin.

"Y-Yrene..nandito si Rhea. Ano ka ba?" sabi ko nalang.

"Eh totoo naman eh. Sa gusto namin ni mami at dadi sayo para kay kuya eh." sagot
nya.

"Shut your mouth Yrene." matigas na sabi ni Xander.


"Why kuya? It's my own opinion anyway." binaliwala ni Yrene ang galit ng kuya nya.

Si Rhea naman ngayon ay nakayuko.

"Nakakabastos ka na eh." sabi ni Xander.

"She's not even welcome in our house. Hindi ba mas nakakabastos ang pagpunta nya
dito ng hindi naman sya iniimbitahan?" tumayo si Yrene at umirap.

"It's my house too! She can come here whenever she wants to." tumayo na rin si
Xander.

"Hindi mo na to bahay kuya! You have your condo. And ever since you left, nagalit
na ko sayo. The moment you left, yun ang oras na hindi na naging sayo to. You chose
that." galit na untas ni Yrene.

"I told you to respect my decision and dont interfere." tinuro-turo ni Xander si
Yrene.

"Then respect our family's decision too. Na she's not welcome in our family. We
dont want her." matigas na sabi ni Yrene.

"She's my fiance Yrene!" sigaw ni Xander at akmang lalapit kay Yrene.

Humarang na ko sa dalawang nag-aaway.

"Can you both please stop it?!" sigaw ko.

Napatigil si Xander at napatitig sakin. Si Rhea naman ay kinagat ang kanyang labi
na hindi alam kung ano ang gagawin.

"Oh ano? Sasaktan mo si Yrene?! Ako nalang ang pagbuhatan mo ng kamay wag lang si
Yrene." gigil na sabi ko.

"Ate.." hinawakan ni Yrene ang braso ko.

"Oh ano? Bili Xander. Go on. Hurt me. Doon ka naman magaling diba?!"

Nag-iba ang tingin ni Xander at napatingin si Rhea sakin.

Tangina Ja! Wrong choice of words.

"Y-You keep on hurting your family because of your decisions." dagdag ko nalang.

"You stay away from our problem." anya at umiwas ng tingin.

"Pamilya ko na rin ang pamilya mo. I cant stand na makikinig lang ako habang
pinapangaralan mo ang kapatid mo." sagot ko.

"Eh di wag ka nalang pumunta dito para hindi mo malaman o marinig ang problema
namin. Dont come back here...e-ever again." anya.

"Kung yan ang gusto mo. Pagod na rin akong sumiksik sa buhay mo." ngumiti ako at
nagmadaling umalis.

"Ate Ja." sambit ni Yrene na pinipigilan ako.

Bahala na kung ano ang iisipin ni Rhea sa mga sinabi ko. Mag-eexplain nalang ako o
kaya alibi. Ughh. Masyado kasi pag nadadala ako ng feelings ko eh.

Pinunasan ko ang luhang tumulo at sinampal-sampal ang sarili ko bago magpatuloy sa


bahay.

=================
Chapter 5

Chapter 5

I will.

"We're here." ani ni Joaqui.

Pumunta kaming Baguio dahil dito magpapagawa ng bagong estate simula nung nagmerge
ang kompanya namin ni Xander.

Nandito na kami ngayon sa branch ng kompanya namin dito sa Baguio.

"Are you really sure about this?" anya bago ko lumabas ng kotse.

"Yes. I told you, I already know my place. Ayoko ng ipagpilitan pa ang sarili ko sa
kanya." ngumiti ako at lumabas na ng kotse.

Lumabas rin sya at lumapit sakin.

"Okay but are you sure na ayaw mo kong mag-stay dito with you?" paninigurado nya.

"Oo nga. Dont worry. I can handle my self perfectly." sabi ko.

"Without getting hurt?" tumaas ang kilay nya.

Kaya ko nga ba? Ahhh!! Syempre kaya mo. Haha. Kaya mo ya Ja! Ano ka ba!

Tumawa ako. "Oo nga. Okay? Kulet."

"Basta pag may kailangan wag kang magdalawang isip na tawagan ako okay?" anya at
hinalikan ako sa noo.
"Opo sir." natatawang sabi ko.

I will let him in my heart. I will let Joaqui grow in my heart. Its time to open
for a new love. Hindi pwedeng magkulong nalang ako sa kanya.

"Ehem!"

Napahiwalay sa paghalik sa noo ko si Joaqui at napatingin kaming parehas sa gilid


kong saan nakatayo si Xander at tumingin sa malayo saka nag-igting ang bagang.

"Remember okay? Just call if you need me, I'll be here in a short time."
nakangiting sabi nya.

"Oo nga." ngumiti ako. "Alis na bili." tinulak-tulak ko sya papunta sa kotse nya.

Tawa lang sya ng tawa sa ginagawa kong pagtulak.

"Bye. I love you." sabi nya at ngumiti ng napakatamis.

"Sige ingat!" sabi ko nalang.

"Ahmm walang I love you too?" sabi nya at nagpout.

"Sira ka talaga! Alis na bili. Bye ingat!" natatawang sabi ko at pinapasok na sya
sa loob ng kotse.

Binaba nya ang bintana at kumaway sakin saka umalis.

Tumalikod ako at naabutan kong nakatingin lang ng mariin si Xander at


nakahalukipkip.
Huminga ako ng malalim saka ngumiti at lumakad na papasok ng kompanya.

"Kayo ba?" halos mapatalon ako sa pagtanong nya.

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap sya.

Ngumiti ako. "Hindi."

"Hindi? Pero ganon kayo sa isa't-isa?" nangungusisang tanong nya at tumaas ang
kilay.

"Doon rin naman papunta siguro yun. Bukod kay dadi, Joaqui is the only guy who
understands me. Specially these past few years sya lang ang nag-alaga sakin. Sya
ang umintindi sakin. Kahit ilang beses ko syang binasted dahil sa katangahang kong
paghihintay sa isang taong hindi naman pala babalik sakin, nandyan pa rin sya.
Subok parin sya ng subok. Hindi nya ko sinukuan. He never gave up." ngumiti ako at
tumingin kay Xander.

"He never left me. He never stop loving me kahit nasasaktan na sya sa ginagawa ko
sa kanya. He's love for me ang umiral sa kanya. At gusto kong suklian yun." sunod-
sunod kong sabi.

Bigla namang may tumawag sakin.

"Hello Juni--"

"Oh my gosh! Nandito ka sa Baguio right? One of our former classmate saw you at
sinabi saking nandito ka raw! Nandito ka nga ba?" excited na sabi nya.

"Oo nandito ako--"

"OMG!! Nasan ka? Pupuntahan ka namin ni Troy." masayang sabi nya.

"Sa kompanya malapit papuntang green valley yung sa--"


"Alam ko na yan! We'll immediately go there. Wait for us!" sabi nito at binaba na
ang tawag.

Napangiti nalang ako. Hindi ko man lang natapos mga sasabihin ko. Nakakaloka talaga
tong si Juniel.

"Ahmm mauna ka ng pumasok Xander. Mamaya na siguro ako." sabi ko at lumakad papunta
sa unahan, sa may driveway.

"Bakit? San ka pupunta?" sumunod pala sya sakin.

"Hihintayin ko sila Juniel at Troy. Pupunta daw sila." sabi ko.

"Then I'll wait here with you." anya.

Napahinto ako sa sinabi nya. Wait? Marunong ba syang maghintay?

"I went to States dahil inaccept ko ang scholarship na offer sakin doon." pagbasag
nya sa katahimikan.

"I know." tumango-tango ako.

"And para makalimutan lahat ng sakit. Para pag bumalik ako sa sayo, wala na kong
takot. Wala ng sakit na tumataginting sa buong pagkatao ko. Para kaya na kitang
mahalin ng buong-buo na hindi ako magdududa at handa na para hindi ulit masaktan.
But--"

"But you met Rhea? Na-fall ka sa kanya at dahil tingin mo ay sya na ang the one for
you, you asked her hand in marriage. I know. Hindi mo na kailangang ipamukha sakin
yan Xander." pagputol ko sa kanya.

"No. I want to tell you that--"


"JAJA!!" napalingon ako sa patakbong Juniel na papalapit akin at niyakap ako ng
mahigpit. "I really miss you!"

Nakita ko namang si Troy na nakipag-apir

kay Xander.

"Grabe. Kayo pa rin pala. Stay strong tayong apat ah!" todo ngiting sabi ni Juniel.

"Juniel--" magsasalita sana ko pero hindi ko mapigilan ang pagsasalita nya.

"8 ngayon ah! Kaya ba kayo umuwi para icelebrate ang monthsary nyo where all it
started?" tumaas ang kilay nya. "Ay wait! August 8 ngayon so it means.." nag-acting
sya na parang nagbibilang.

"6 years and 10 months." sabi ko.

Kahit hindi na kasi kami ay bilang na bilang ko pa.

Nakita ko naman sa peripheral vision ko na napatingin si Xander sa akin.

"Ay! Bakit nga ba ko nagbibilang pa? Syempre alam na alam mo kung ilang--"

"At 5 years and 2 months na kaming wala." dagdag ko.

Napatigil sa pagsasalita si Juniel per ngumiti rin.

"Ang gloomy ah? Magkakabalikan kayo syempre haha!" tumatawang sabi nito.

"Ikakasal na sya." sabi ko at pinilit ngumiti.

Mas lalong napatahimik si Juniel at umacting na sinizipper ang bibig saka humilig
kay Troy.

"Congrats pre!" ngumiti si Troy at kinamayan si Xander.

"S-Salamat." sabi ni Xander.

"Kailan kasal?" tanong ni Troy.

Tumahimik ng sandali si Xander bago sumagot. "2 m-months from now. O-October 8."
nauutal na sagot nito.

Ewan ko pero parang sumikip ang puso ko nang sinabi nya kung kailan ang kasal nila.

"Saktong-sakto sa anniversary nyo ni Jaja, Xander ah? Di ba pwedeng i-move ng date?


Sapul na sapul eh." medyo inis ng sabi ni Juniel.

Napatahimik nalang si Xander at hindi na sumagot.

"A-Ahh..gwapo natin ngayon Troy ah!" pag-iiba ko ng topic at ngumiti na parang


walang nangyari.

"Syempre! Ako pa." confident na sabi nito.

Siniko sya ni Juniel. "Kapal mo naman totoy!" sabi nito.

"Totoo naman ah." natatawang sabi ni Troy.

"Oo kaya kailangan pa kitang bantaya lalo." tumingin sakin si Juniel. "Maraming
umaaligid dito. Sarap dukutin nung mga mata kung makatingin sa kanya." sabi sakin.

Natawa nalang ako sa sinabi ni Juniel.


"Overprotective ah?" natatawang sabi ko.

"Syempre para hindi na maagaw ng iba. Para akin lang sya talaga--" napatahimik si
Juniel.

"Syempre hindi ko kayo pinaparinggan Tara! Libot tayo!" tumawa si Juniel at tinulak
si Troy. "Una na kayo dun sa parking lot ni Troy, Xander."

Tumango si Xander at naglakad na sila ni Troy.

"Mahal mo pa sya. Walang duda. Pero pwede? Wag ka ng magpakatanga? Move on, Ja!"
sabi nya at tinapik ang balikat ako.

"I will." sabi ko.

=================

Chapter 6

Chapter 6

"San tayo pupunta? San nyo gustong mamasyal?" tanong ni Juniel ng nasa parking lot
na kami.

"Sa school!" masayang sabi ko.

"Tara! Magreminisce tayo." natatawang sabi ni Juniel at hinila na si Troy papasok


ng kotse nito.

Nakakaloka talaga tong si Juniel. Ang hyper lalo na nung naging sila ni Troy.

Pinaandar na ni Troy ang sasakyan at umalis na. Patay! Wala nga pala akong dalang
kotse. Badtrip naman.
Taxi na nga lang ako. Maglalakad na sana ako papuntang taxi stand pero nagsalita
bigla si Xander.

"San ka pupunta?" tanong nya.

Lumingon ako. "Sa taxi stand." tinuro ko ang taxi stand.

"Sakay ka na sakin." yaya nya.

"W-Wag na. Magtataxi na lang ako." sabi ko at pinilit ngumiti.

"I insist. Tara na." binuksan nga ang pintuan ng kotse katabi ng driver's seat.

Bakit ba ang kulit mong Xander ka?

"Ah eh..baka kasi--"

"Tara na." sabi nya at hinawakan ang braso ko papasok sa kotse nya.

Sinarado nya na kaagad ang pinto ko at pumasok sa upuan nya. Pinaandar nya ito at
pinaharurot papuntang school namin. Walang nagkibuan sa aming dalawa hanggang sa
makarating sa school. Akmang bubuksan nya pa ang pinto ko pero inunahan ko na sya.

Nakita ko naman si Juniel na nakataas ang kilay at umiiling-iling habang nakatingin


sa amin. Lumapit nalang ako sa kanila ni Troy.

"Tara na! It-tour ko ang sarili ko." saad ko.

Lumapit na rin si Xander.

"Sige pasok na tayo. Tara totoy!" natatawang sabi ni Juniel kay Troy at hinila na
papasok sa school.
Huminga ako ng malalim at tinignan ang gate papasok sa school.

"I'm back.." bulong

ko sa sarili ko.

"Pasok na rin tayo." halos mapatalon ako ng magsalita sya sa tabi ko.

"Ahmm Xander, maglilibot akong mag-isa. Pwede ba?" sabi ko.

"O-Oo naman. No problem. I'm planning to be alone too." anya.

Pahiya ka nanaman Jaja. Bakit mo ba naisip na sasama sya sayo sa paglilibot?!

"S-Sige pasok na ko!" halos tumakbo ako papasok ng school para lang makalayo sa
kanya.

Buti nalang at walang pasok dito ngayon. Makakapaglibot ako ng taimtim.

Pumunta ako sa classroom namin dati at umupo sa pinakaunang pwesto ko roon. Pinikit
ko ang mata ko at inalala ang nangyari dito sa pwestong ito.

"Kami. Kami ang Hot Brothers. Do you have any problem with that?"

Yan ang unang sinabi nya sakin simula ng makilala ko sya. Tandang-tanda ko pa.

Tumingin ako sa katabing upuan ko.

"Mind if I seat here?" tanong niya.


Tandang-tanda ko pa ang pagsusungit ko sa kanya noon.

"Well then, how can I make you comfortable with me?"

"I like you."

"Simula nung nakita kita, nagkaroon na ng like at first sight."

"Simula nung nakilala ko si Justine, nagkaroon na ng like at first sight. You know
why? BECAUSE I TEND TO LIKE HER, THE MOMENT I SAW HER."

Napangiti ako sa mga unang salita nyang nagpagulo sa nananahimik kong puso.

Pumunta ako sa auditorium. Umakyat ako sa backstage at inalala ang mga nangyari
noong Q&A.

"Ang magmahal ng maling tao."

Yan ang sagot nya nung tinanong sya nung judge kung ano ang pinagsisihan nya.

"Pinagsisisihan ko ay ang mahalin siya. Mahal na mahal ko siya at kaya kong gawin
ang lahat para sa kanya. Kaya kong i-sakripisyo ang lahat para sa kanya. Kaya kong
masaktan at maghintay para sa kanya. P-Pero nalaman ko..siya pala'y hindi..Hindi
niya pala kayang suklian lahat ng yun. Pinagsisisihan kong ginawa ko siyang mundo
ko. Pinagsisisihan kong plinano ko na ang hinaharap ko kasama siya. Pinagsisisihan
kong..umasa a-ako...Para sakin, siya ang buhay ko pero para sa kanya, isa lang
akong lalaking nakasalamuha niya. Pero sa tingin ko..oras na para itigil ko tong
kahibangan na to. Gagawin ko ang sinabi niya sakin. Lalayo ako...I'm moving on."

Napakit ako at hinawakan ang puso ko. Naaalala ko pa na yan ang unang beses na
lumuha ako ng dahil sa kanya. Yung mga oras na naguguluhan na ko sa nararamdaman ko
para sa kanya.

Pumunta naman ako sa corridor papuntang court.


"Oo sige. Hindi ko na maintindihan! I cant understand if what are you trying to
point out! Kahit anong usap ang gawin natin, wala ring patutunguhan. Tingin ko,
kailangan muna nating lumayo sa isa't-isa at mag-isip. We need space Ja. Cool off
muna tayo."

"We need it Ja. We really need space. We need time to think."

Umiling-iling ako habang inaalala ang mga oras na yun. The moment he asked me for
space. Space sa relationship namin.

Kahit sa paglalakad ko sa corridor ay naaalala ko kung pano kami maglakad ng


magkasabay dati dito.

Tinignan ko ang pathway papunta sa old room kung saan kami nagsagutan. Kung saan
nagpahiwatig na kong may nararamdaman ako para sa kanya. Kung saan ako umiyak sa
harapan nya.

Dumiretso na ko sa garden ng school.

Dito. Dito kami pinakamaraming memories. Masakit man, masaya, halos lahat dito
nangyari.

"I'm going to make sure that this wont be your last day..I'm not going to let you
leave."

"Hindi. Hindi ka pipiliin ni Xander. Ako ang mahal nya. Diba Xander?" nag-init ang
mata ko habang inalala ang sinabi ni Charity.

=================

Chapter 7

Chapter 7

New Caledonia.
"J-Joaqui..p-please come here. I-I need you.." umiiyak na sabi ko habang kausap sya
sa phone.

"Why?! What happened?! Nasan ka?!" nag-aalalang tanong nya.

"N-Nasa Yale Academy.." sagot ko.

"I'll be right there! Wait for me!" sabi nya at binaba na ang tawag.

Pumunta ako sa corridor palabas ng school. Umupo ako sa bench sa gilid nito at
umiyak.

"J-Ja.." narinig ko ulit ang boses nya.

"W-Wag kang lalapit.." nanginginig na sabi ko.

"Ja please.." hinawakan nya ang balikat ko.

"No!" tumayo ako at lumayo sa kanya.

Umiling-iling sya at umiiyak na lumalapit sakin. Habang lumalapit sya ay lumalayo


ako.

"Ayoko na Xander please..ayoko ng masaktan.." umiiyak na sabi ko.

"Hindi kita sasaktan Ja..please..let me..." hinawakan nya ang braso ko..

I can't bare to look at him. I dont want to see him crying..Nasasaktan parin ako.

"Huwag mo na kong pahirapan pa Xander.."sabi ko at tumalikod pero bigla nya kong


niyakap.
"Ja please. Sorry. I'm sorry--" nagulat ako ng may biglang humila sakin at sinuntok
si Xander.

Si Joaqui. Nag-aalab sya sa galit. Kitang-kita ko sa mga mata nya.

"Ano ba talagang gusto mo ha?!" sigaw ni Joaqui.

Hinawakan ko si Joaqui sa braso. "Joaqui..l-let's go.."

"No! Hindi ko na papalagpasin to!" sabi nya at kumawala sa pagkakahawak ko.

Tinayo nya si Xander at kwinelyohan.

"Tangina mo! Hindi pa ba sapat na sinaktan mo sya?! Hindi pa ba sapat ang mga sakit
na binigay mo sa kanya?!" Galit na sabi ni Joaqui.

"Matagal na

kong nagtitimpi sayo. Hindi lang kita kinompronta dahil pinigilan ako ni Jaja. Pero
ngayon? Hindi ko na papalagpasin to. Sinaktan mo ang babaeng mahal ko! Sinaktan mo
sya--"

"Tingin mo ba gusto kong masaktan sya?!" sigaw pabalik ni Xander.

"Hindi mo alam kung gano ko gustong saktan ang sarili ko twing nakikita kong
nasasaktan sya nang dahil sakin but I can't do anything but watch her get hurt! At
kinakainisan ko ang sarili ko nangdahil dun! Galit ako sa sarili ko dahil
sinasaktan ko sya!" pumiyok ang boses ni Xander.

"So anong sinasabi mo? Na mahal mo pa rin sya? Eh gago ka pala eh!" sinuntok ulit
sya ni Joaqui at napaupo si Xander sa lapag.

"Joaqui! Tama na please..tama na.." sigaw ko at napaluhod.


"I wont let you hurt her anymore, ever." madiin na sabi ni Joaqui at lumapit sakin.

Tinayo nya ko at inayos ang buhok. "I'm sorry..shh. Dont cry okay? I'm already
here.."

Inalalayan nya ko hanggang sa kotse nya.

"I'm taking you home." anya.

Napatingin ako sa kanya.

"No Joaqui. May project pa kami--"

"I'll do it. Ako na magtatapos ng project mo with him." sabi nya.

"I can do it Joaqui. I can handle it--"

"You cant Ja! Hindi mo ko kaya! Look what happened. Kinaya mo ba? Hindi diba?! For
God's sake Ja, isipin mo naman ang sarili mo. Buti nalang at nandito pa ko sa
Baguio at kumain lang. Buti hindi pa ko bumababa ng Baguio." sabi nya at tumingin
sa labas.

Tumahimik nalang ako.

"San nga ba bahay nyo dito?" tanong nya.

Sinabi ko sa kanya at natandaan nya naman kaagad kung pano pumunta dun.

Pagkarating namin sa bahay ay umakyat kaagad kami sa kwarto ko. Lumabas sya sandali
at may kinausap sa phone.
Napahawak ako sa dibdib ko. Nahihirapan ulit akong huminga. Ang sikip. Ughh.

"You're going to New Caledonia tomorrow night." anya pagkapasok.

"Ha? Joaqui? New Caledonia? No! May trabaho pa ko Joaqui." pagtanggi ko.

"I've already talked to tito and tita. Pumayag sila. Naiintindihan nila kung ano
pinagdadaanan mo." sabi nya.

"Pero Joaqui. I cant just leave." sabi ko.

"Napa-book na kita ng flight. Pinareserve na rin kita ng room sa secretary ko dun


sa isang resort dun. You'll be staying there for a month." dire-diretso nyang sabi.

"A month?! Joaqui are you out of your mind?" napatayo na ko.

"Dont worry about your business. May magrereplace muna sayo while you're gone.
Susunod nalang ako dun pagkatapos ng project mo with Xander. I'll finish
everything." anya.

"Kailangan ba talagang sa New Caledonia?" tanong ko.

"Yup. Magandang makapag-isip dun. It can help you relax more." sagot nya.

Umupo nalang ako sa kama. Guess I can't really back out huh?

Umupo din sya sa tabi ko. "I'm sorry about this. But you need it.."

=================

Chapter 8

Chapter 8
To her.

"Already packed?" tanong sakin ni Joaqui.

Mamaya na ang flight. 4 hours before the flight ay kailangan nasa airport na ako.

"Hmm. Bumalik ka na sa Baguio. Hahatid ata ako nila mami." sabi ko at sinara na ang
zipper ng luggage ko.

Sumama kasi sya sakin muna dito sa Manila at babalik nalang sya ng Baguio pagkaalis
ko.

"No. I want to be with you until you went inside the airport." anya at ngumiti.

"Okay." sabi ko nalang.

Binuhat na nya ang luggage ko at sumunod na ko sa baba. Nandun na si mami. Si dadi


ay kakaalis lang din kahapon para sa business. Aasikasuhin nya ulit dahil nga
magbabakasyon ako.

"All set anak?" tanong ni mami.

"Opo ma. Ready to go." ngumiti ako.

"So, tara na?" tanong nya.

"Can I go to Yrene first? Sandali lang po." pagpapaalam ko.

"Anak.." tumaas ang kilay ni mami.

"Nasa Baguio po si Xander. Wala po sya dun. No need to worry." sabi ko.
"Oh sige na nga." ngumiti si mami.

"Joaqui, lagay mo na yan sa kotse." baling ni mami kay Joaqui.

"Sure tita." sabi nito at pumunta ng garahe.

Pumunta na ko kila Yrene. Agad naman akong pinapasok at nakita ko si tita't tito
pati si Yrene sa sala.

"Tito, nakauwi na po pala kayo." pambungad ko.

Napatayo naman si Yrene at yumakap sakin.

"Ate, wala si kuya. You can stay here." masayang sabi ni Yrene.

"Anak, sorry pala sa sinabi sayo ni Xander ah? Kwinento samin ni Yrene." sabi ni
tita at lumapit sakin.

"Ako din hija, I'm sorry for what Xander did to you. Ako na bahalang pagsabihan
yun." singit ni tito.

"Okay lang

po. At hindi po ako magtatagal aalis din po ako eh." nakangiting sabi ko.

"Nako. Dito ka na matulog. Ako na magpapaalam sa mami mo." sabi ni tita.

"May flight po ako mamaya." sabi ko

"Ha? San ka pupunta?" tanong ni Yrene.

"New Caledonia." sagot ko.


"For business hija?" singit ni tito.

"Hindi po. Magbabakasyon po. Para po makapagrelax na rin." nakangiting sabi ko.

"How many weeks?" tanong ni tita.

"1 month po." sabi ko at ngumiti.

"A month?! There must be something. Anong nangyari ate? Why go to New Caledonia for
a month?" nagtatakang si Yrene.

"May nangyari lang po sa Baguio." tipid kong sabi.

"Wag kang umalis hija. Ako na kakausap kay Xander." sabi ni tito.

Umiling ako at ngumiti. "Wag na po. Ayoko na pong makagulo sa kanila ni Rhea.
Masaya na po sila eh. Siguro po, I just need to accept the fact na hindi na po kami
magkakatuluyan."

"I dont believe that. You and kuya are made for each other." sabi ni Yrene at
humalukipkip.

"Ikakasal na sya in 2 months. Desidido na sila, Yrene." sabi ko.

"But still--"

"Okay lang talaga Yrene." hinawakan ko ang kamay ni Yrene.

"Okay lang po tito, tita. Pumunta lang po ako para magpaalam." bumaling ako kila
tita at ngumiti.
"Hay nako. Ma-mimiss kita." niyakap ako ni tita.

"Kakauwi ko lang, aalis ka naman." nagtatampong sabi ni tito.

"Group hug!" sabi ni Yrene.

Niyakap ako nila akong lahat.

"Ate naman eh. Why do you have to go?" sabi ni Yrene habang nakayakap parin sila
sakin.

"Sinong aalis?" tumindig ang balihibo

ko ng marinig ko ang boses nya.

Lumayo sila sakin sa pagkakayakap.

"Si ate Jaja." sagot ni Yrene.

Lumingon ako kay Xander na nakaawang ang bibig. Nakakapit sa braso nya si Rhea na
nakayuko.

"Aalis din ako Xander. I didnt mean na bumalik dito sa inyo. Nagpaalam lang ako."
sabi ko at bumaling ulit kila tito.

"Sige po. Alis na po ako. Baka po malate sa flight." nakangiting sabi ko.

Niyakap nila ko isa-isa.

"Mag-ingat ka dun ah?" sabi ni tita.

Tumango ako at ngumiti.


"Sundan kaya kita dun? Pag umalis ulit ako ng bansa, mag-stop by kaya ako tapos
picture tayo, iinggitin natin tita mo at si Yrene." sabi ni tito.

"Tito naman eh." natatawang sabi ko.

"Syempre sasama ako kay dadi kung ganon." sabi ni Yrene at kumapit kay tito.

"Ako rin noh. Mamimiss ko tong anak kong to." sabi ni tita at kumapit sakin.

"Sige na po. Mamimiss ko po kayong lahat. Bye po." sabi ko at ngumiti.

Lahat sila slay nagpaalam. Naglakad ako papunta sa nakatayo paring si Xander at
Rhea.

"Best, bye. Wish you happiness with Xander." baling ko kay Rhea.

"Bye." matipid kong sabi kay Xander.

Nilagpasan ko na sila at lumabas na ng bahay pero hindi pa ko nakakalabas ng gate


ay may humablot sakin at niyakap ako.

"Ja, dont go.." sabi ni Xander.

"Yan din ang sinabi ko sayo noon, but you choose to leave me." naiiyak kong sabi.

"Xander!" narinig kong tawag ni Rhea.

Pinilit kong makaalis sa pagkakayakap ni Xander.

"Nandyan na si Rhea. Aalis na ko." umalis na ko sa yakap nya at lumabas na ng gate.


"Ja! Ja!" sinusundan nya pa rin ako.

Buti nalang at hinablot na ko ni Joaqui at pinapasok sa kotse.

"I knew this would happen." ani ni Joaqui.

"Why? Bakit?" nag-aalalang tanong ni mami.

Umiling ako saka humarap kay mami at ngumiti.

"Anak.." hinawakan ni mami ang braso ko.

"Ma, wala na po yun. Ayos na po. Aalis na po ako oh." sabi ko at ngumiti.

"Si Xander tita, papaikutin nya ulit si Jaja." anya ni Joaqui.

"Joaqui!" untas ko kay Joaqui.

"Totoo naman eh. Plano ka nyang pigilang umalis. Pwede ba yun? Gusto nyang patay na
patay ka pa rin sa kanya habang sya, move-on na at may iba." inis na sabi ni
Joaqui.

Napatahimik ako sa sinabi ni Joaqui. He's right. Tama lahat ng sinabi nya..

Umandar na ang kotse at napalingon ako sa bintana sa likod na hinahabol ni Xander


ang kotse. Nakita ko sa likod nito na bigla syang niyakap ni Rhea at napaluhod
silang dalawa.

You belong to her Xander. You belong to her.


=================

Chapter 9

Chapter 9

Black.

"Goodmorning, mam. What can we do for you?" tanong sakin ng receptionist sa resort
na sinabi ni Joaqui.

"Reservation for Justine Michaella Manansala." nakangiti kong sabi.

"I'm sorry mam, but there's only Justine Michaella Rivera that is reserved." sabi
nung receptionist.

Hay Joaqui Lee Rivera! Ikaw nanaman ang may pakana nito. Why didnt I ever think of
that?

"Ahmm that one miss. I never knew that he changed my surname." natatawang sabi ko.

Natawa din yung receptionist. "Okay mam, room 8. Here's your key. Whenever you need
something you can call on the telephone." anya.

"Thanks." nakangiting sabi ko at kinuha na ang susi.

Lumabas na ko ng lobby at nandito na ko ngayon sa mga rooms. Magkakahiwalay ang mga


room dito na nakatayo pa sa ibabaw ng dagat. Pumasok na ko sa room ko at ang ganda
ng view. Parang simpleng cottage lang sa labas pero ang luxurious sa loob. May
veranda rin na pwede mo ng talunin para makapagswimming na.

Magkano kaya ang bayad ni Joaaui dito? Maybe I should pay him. I bet, mahal to.

"Yes, Mrs. Rivera?" ani ni Joaqui sakin pagkasagot sa phone nya.

"Che! Rivera ka dyan!" sabi ko.


Natawa naman sya.

"Magkano ba tong room na to? Dinaig pa condo ah." tanong ko.

"Dahil 1 month kang mags-stay. I paid for 250 thousand. May supplies ka na dyan at
kapag naubusan ka, just ask the stuff and say your name with my surname." anya at
tumawa.

"250 thousand at natatawa ka pa?!" sigaw ko.

"If it's for you kahit ubusin ko pera ko, I wouldn't mind." sabi nya.

"Sira! Hati tayo ah? Babayaran

kita pag uwi ko." sabi ko.

"No way, I wont accept your money." anya.

"But--"

"Sir, you have to attend a meeting in a week at Davao then the next day meeting
here in Manila. After another week you need to check the company at States. Then
you have to have a deal with Mr. Fredichi at France. You're fully booked for a
month sir, na-cancel ko na po yung hindi masyadong importante pero hectic parin po
ang sched nyo. Hindi po natin maisisingit yung vacation nyo for a week sa New
Caledonia." sabi ata ng secretary nya.

"Shit!" I heard Joaqui cussed. "Wala na ba talagang pwedeng i-cancel?" untas nya.

"Sir, wala na po talaga. May tumatawag pa nga po but I told them that you're not
available." sagot ng secretary nya.

"Ugh! This can't be. Shall I just cancel other investments--"


"Joaqui, hindi! You wont cancel anything." sumingit na ko.

"Pero hindi ako makakapunta dyan." malungkot na sabi nya.

"It's okay. I'm fine. Wala namang gugulo sakin dito eh. I promise you, kaya ko na
ang sarili ko dito at kapag bumalik ako dyan, buong-buo na ko." sabi ko.

"Are you really sure? I can cancel if--"

"I already told you Joaqui. Ayos lang okay? Now fix your schedule. Ibalik na ang
dating tinanggal okay? Tawag nalang ako later, you're busy. Bye." binaba ko na ang
tawag.

Hay. Ewan ko ba dyan kay Joaqui. He's really willing to sacrifice for me.

Tinignan ko ang ref at punong-puno nga ng pagkain. Kompleto ang room ko. Talagang
all he wants is what's the best for

me.

"Mam, the one who reserves your room wants us to give it to you when you arrive."
sabi nung kumatok na lalaki sa pintuan ko.

Worker sya ata dito.

"Thank you." nakangiting sabi ko.

Tinanggap ko yung bouquet at tinignan yung note.

Love the room? Specialized for you. :) Love the bouquet? I'm the one who picked it.
:)

Love me? Please do. :')

I love you, Justine Michaella Dantez Manansala-Rivera. :*


-Joaqui♡

Naglalakad ako sa beach ng makita kong tinatawagan ako ni Yrene. Sinend ko kasi sa
kanya yung number na gamit ko dito for a month.

"Hello?" sagot ko.

"Ate Ja! You have to go home. You have to stop kuya Xander. Umiyak at lumuhod samin
si Rhea kagabi kaya napapayag sila dadi na magpakasal na sila. They're already
finalizing the wedding. Tuloy na tuloy na." nagpapanik na sabi ni Yrene.

"A-Ano pumayag na sila tita?"

"Hindi naman ganon katigas ang puso ni mami kaya ng makita nyang umiiyak si Rhea ay
pumayag nalang sya kahit hindi nya kagustuhan. Ito namang si Rhea kala mo welcome
na welcome samin eh hindi naman!" inis na sabi nito.

Ngumiti nalang ako at pinipigilang tumulo ang luha ko.

"Just accept Rhea, Yrene. Wala na tayong magagawa. I'm already moving on."
nangingiyak kong sabi.

"Ate, I know you can do something. Just admit to kuya that you still have feelings
for him." sabi nito.

Umiling ako at umiyak na.

"I-I cant..I cant hurt my bestfriend. Hindi ko kayang saktan si Rhea. At alam kung
sasaya si Xander sa kanya." sabi ko nalang.

"Ate Ja--"
"Stop calling her Yrene!" rinig kong boses ni Xander.

"Pero kuya--"

"She left. Can't you just accept the fact na hindi na magiging kami kahit kailan?!
Ikakasal na ko Yrene! Suportahan mo naman ako!" sigaw nito kay Yrene.

"A-Ate.." nangingiyak na sabi ni Yrene.

"Masaya na sya. I told you. J-Just accept it. Bye." binaba ko na ang tawag.

Napaupo ako sa buhangin at umiyak ng umiyak.

Tuloy na tuloy na. May blessing na sila nila tita. Siguro dapat na talaga akong
magmove-on. Kailangan ko nalang rin tanggapin. I love him that's why I'm letting
him go. Mahal ko rin si Rhea kaya hindi ko kayang agawin sa kanya si Xander.
Kailangan ko ng malaman ang lugar ko.

Iniyak ko lang. Nahihirapan ulit akong huminga.

Napahawak ulit ako sa dibdib ko.

Iyak pa rin ako ng iyak until everything turns black..

=================

Chapter 10

Chapter 10

Palayain.

After 1 month, umuwi na ko ng Pilipinas.


Kung tinatanong nyo sa utak ko tungkol sa nahimatay ako, I've been hospitalized at
alam ko na ang dahilan. Nalaman pa nga ni Joaqui kaya nagpanic pero sabi ko, wag
nalang syang mag-alala.

"Ja! I missed you so much." yakap sakin ni Joaqui pagkalabas ko ng airport.

"Are you fine? What did the doctor really said about your health?" nag-aalalang
tanong nya.

"Okay nga lang ako. Wala yun. Stressed nga lang daw." sabi ko at pinilit kong
ngumiti.

Kumalma sya at hinawakan ang kamay ko.

"Just tell me if you feel something bad ah?" anya.

"I will. Dont worry." sabi ko at ngumiti.

"Sige na, tara na. Nag-out of the country mami mo. She'll be out for 3 months with
your dad." sabi nya at sumakay na kami sa kotse.

Driver ni Joaqui ang nagd-drive ng kotse para katabi nya ko dito sa likuran.

"Where did they go?" tanong ko.

"Paris, I think. Sabi ko since na nakabalik ka na, they should hang out more."
nakangising sabi ni Joaqui.

Tumango ako at ngumiti. "You're definitely right."

"At ahmm here.." sabi nya at may inabot na invitation.

Kinuha ko naman ito at tinignan.


"Bridal shower?" basa ko ss nakasulat.

Huminga ng malalim si Joaqui.

"Rhea gave me that yesterday. It will happen tomorrow, Saturday. Sabi nya, I can
invite anyone I wanna be with basta pumunta lang daw ako. And.."

"And you

picked me?" tanong ko.

"Of course." sabi nya. "I know that it's hard for you to face them--"

"No, Joaqui. I'm okay now. It's been a month. I've recover." ngumiti ako at nilagay
sa bag ko ang inivitation saka tumingin sa bintana.

"Then should I pick you up at 6?" anya pagkababa ko ng kotse.

"Sure." nakangiting sabi ko.

"Sige na, I better go now. May meeting pa ko." pagpapaalam nya.

"Okay lang sige. Ingat ka." kumaway ako.

Ngumiti sa at sumakay na sa kotse. Tumalikod ako at pumunta sa front door habang


hila-hila ang luggage ko. Nag-doorbell ako at masayang sinalubong ako ni manang.

"Nako! Ang alaga ko. Nakauwi na! At mas gumanda." sabi nito saka pinabuhat sa
katulong ang gamit ko.

Umupo kami ni manang sa sala at nagkwentuhan.


"Ikakasal na pala si Xander ano?" biglang tanong ni manang.

Napatigil ako sa pag-inom ng juice at nilapag ito sa coffee table.

"Kay Rhea.." dagdag nito.

Ngumiti ako ng mapait at diniretso ang tingin saka pinagsalikop ang mga daliri ko.

"Opo. October 8." sagot ko.

"Ayos ka lang ba?" sunod na tanong nito.

Ngumiti ako at pinigilan ang luha kong tumulo.

"Ayos lang po." I lied.

Kahit sa 1 month na nandun ako sa New Caledonia, wala pa rin akong ginawa kundi
isipin sya. Walang nagbago, sya pa rin.

"Kilala kita hija, at alam kong nasasaktan ka." mahinahon na sabi nito.

"Hindi ko na po kasi alam ang gagawin ko eh..I want to forget him but I can't.
Kahit anong gawin ko, wala! Sayang lang po ang pagod ko sa kakakalimot sa kanya eh
wala naman pong nangyayari.." at hindi

ko na napigilan sa pagtulo ang luha ko.

Niyakap ako ni manang at hinamas ang likod ko.

"All I can do now is to pretend that I dont feel anything from now on. That I'm
happy for them. Na ayos lang sakin ang lahat. That I dont love him anymore.." mas
lalo akong umiyak.
Hinahabol ko nanaman ang hininga ko. Sumisikip ulit. Sumasakit ang dibdib ko. Ugh!
Ja, please stop crying..

Naubo ako sa kakaiyak at hinawakan ang dibdib ko. Agad namang tumayo si manang at
kumuha ng tubig saka pina-inom sakin.

"Ayos ka lang ba? May sakit ka ba?" nag-aalalang tanong ni manang.

Ngumiti ako at umiling. "Wala po. Sa kakaiyak lang po to." sabi ko at pinilit
patahanin ang sarili.

"Hindi ko sana sasabihin to sayo pero noong nakaraang dalawang linggo, pagkaalis ng
mami mo eh pumupunta si Xander dito at pumapasok sa kwarto mo. Lagi syang
nagtatagal dun ng mga dalawang oras. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nya pero
hinahayaan ko nalang sya." kwento ni manang.

Hinawakan ni manang ang kamay ko at tumingin sakin mata sa mata.

"Nararamdaman kong mahal ka pa ni Xander, hija. Ramdam na ramdam ko." mariin na


sabi ni manang.

Umiling ako at tinanggal ang kamay saka ako naman ang humawak sa kamay ni manang.

"Ayoko na po umasa manang. Tatanggapin ko nalang po na hindi na ako." ngumiti ako.

"Akyat na po ako. Pagod po ako." tumayo ako at dumiretso sa kwarto ko.

Ito nanaman ako at hindi mapigilan ang pagdaloy ng luha ko. Kailan ba ko titigil ng
kakaiyak nang dahil sa kanya? Sawang-sawa na ko. Pagod na pagod na ko.

Hinawakan ko ulit ang dibdib ko at kumuha ng tubig sa mini ref ko sa kwarto.

Kumuha ako ng tablet sa shoulder bag ko ay ininom.


Umupo ako sa kama at huminga ng malalim ng ilang beses.

Kinuha ko ang invitation at tinignan.

"Tuloy na tuloy na talaga. Wala ng urungan. Ipapaalam na nila sa public na ikakasal


na sila.." sabi ko sa sarili ko habang nakatingin dito.

Kinuha ko ang picture namin ni Xander na nakapicture frame sa ibabaw ng lamp desk
ko. Tinignan ko ito..

"Ikaw ah. Tama na Xander ah?..Palayain mo na ko.."

=================

Chapter 11

Chapter 11

Moved on.

"Thanks doc." sabi ko sa doctor ko.

"You sure na sa bahay ka mags-stay? I can get you a room here sa ospital." sabi
nito.

"I'm fine doc. No need po." ngumiti ako at lumabas na ng office nya.

Kumuha lang ako ng gamot ko dahil ubos na. Diba nga kasi nahihirapan akong huminga?

Umuwi na ko at nag-ayos na para sa bridal shower mamaya.

Sakto naman ang pagdating ni Joaqui at tumungo na kami doon. Naka-white cocktail
dress ako at hindi ko na inayos ang buhok ko. Nakalugay lang ito, wavy naman ito.
Light lang din ang make-up ko. Hindi na ko masyadong nag-ayos.

"Pasok na tayo." sabi ni Joaqui at inalay sakin ang braso nya.

Ngumiti ako at kumapit dito.

Iniabot ko sa nagbabantay sa labas ang invitation at agad naman kami nitong


pinapasok. Private kasi itong party na to kaya dito ginanap sa hotel.

Start acting Jaja.

Lahat ay napatingin sakin ng kami'y pumasok. Kitang-kita ko ang paglaki ng mata ni


Yrene na agad tumakbo papunta sakin.

Niyakap ako nito kaya napabitaw ako kay joaqui.

"Oh my gosh! You're already home ate!" masayang sabi nito.

"Na-miss kita! May pasalubong ako sa inyo dun sa bahay." nakangiting sabi ko.

"Yay! Tara dun tayo kila mama at papa." sabi nito at hinila ko.

Sinenyasan ko si Joaqui na wait lang at tumango naman ito sakin.

Napatayo si tita at tito ng makita ako at niyakap nila ako kaagad.

"Mas gumanda ka ah. Nakakaganda ba ang New Caledonia."

nakangiting sabi ni tita.

"Nako tita. Hindi po. Pero nakakarelax po talaga dun." sabi ko.
"Punta kaya tayo dun. Baka mas pumogi pa ko." sabi ni tito.

"Ew pa. Dont joke around." sabi ni Yrene.

Napatawa kami.

"J-Justine?" napalingon ako sa likod ko at nakita ko si tita, ang mami ni Rhea.

"Oh my tita! Umuwi na rin po pala kayo." niyakap ko si tita.

"Syempre. Malapit na ang kasal ng bestfriend mo." sabi ni tita.

"Si tito po?" tanong ko.

"Hindi pa sya makakauwi. May inaasikaso pa eh." sagot nito at tumingin kila Yrene.
"Close ka pala sa pamilya ni Xander?"

Kumabog nanaman ng mabilis ang puso ko pagkabanggit ng pangalan ni Xander.

Ugh Ja! Acting nga diba? Just keep acting.

"Opo. Kapitbahay ko po kasi." nakangiti kong sabi.

"Nandun sila Rhea. Puntahan mo na." masayang sabi ni tita.

"Hmm sige po." tumango ako at ngumiti.

Hinawakan naman ni tita ang kamay ko at hinila papunta kila Rhea at Xander.
Halatang nagulat si Rhea ng makita ako. Pero si Xander, tumingin lang sya at inalis
din kaagad ang tingin.
"J-Ja.." napatayo si Rhea at lumapit samin.

"Oh sige na. Maiwan ko na kayong magbestfriend." sabi ni tita at umalis na.

Ngumiti ako at inabot kay Rhea ang regalo ko.

"Binili ko yan dun sa New Caledonia and uhmm, nice Bridal Shower. Ganda ng venue."
nakangiting sabi ko.

Kinuha nya ito at ngumiti rin.

"Thank you ah?" sabi nya lumingon sya kay Xander. "Xander.." tawag nya kay Xander.

Lumingon naman sa kanya si Xander.

"Come here for a while, baby.."

malambing na sabi ni Rhea.

Ewan ko pero parang kinurot ang puso ko ng marinig ko kung pano tawagin ni Rhea si
Xander na baby. I used to call him that way too.

Pero diba nga? Just keep smiling Ja. Dont act like you're getting affected.

"Nice party." ngumiti ako at inalok kay Xander ang kamay ko.

Tinignan nya lang to at hindi pinansin.

"Baby.." untas ni Rhea kay Xander.

Lumunok ako at ngumiti. Binaba ko nalang ang kamay ko at kinuyom ito.


This is it! I need to talk to him.

"Rhea, can I talk to Xander for a while?" nakangiting tanong ko.

"Uhmm.." hindi nya alam ang isasagot nya.

"Dont worry. It wouldn't take long. May sasabihin lang ako." dagdag ko.

Tumango sya at ngumiti. "Of course. I trust you."

Tama Ja! Your bestfriend trust you. Hindi mo pwedeng sirain yun.

"Xander.." baling ko dito.

Hindi ako pinansin nito at naglakad palayo. Sinundan ko nalang sya hanggang sa
makarating kami sa garden ng hotel.

"Xander--"

"Explain everything to me! Why did you leave just like that?!" inis na sigaw nya.

Huminga ako ng malalim.

"Eh ikaw? Sinabi mo ba sakin ang totoong dahilan kung bakit mo ko iniwan ng ganon
dati? Nawala lang ako for a month Xander! Pero ikaw 5 years! 5 years kang nawala at
pagbalik mo meron ka ng iba at ikakasal ka pa!" sigaw ko pabalik.

Napatigil sya at napaiwas ng tingin sakin.

"Alam mo ba kung gaano kasakit nung iniwan mo ko?" huminga ako ng malalim. "It
hurts like hell. Para akong pinapatay ng paulet-ulet."

Tumulo na ang luho ko at agad ko naman itong pinunasan.

"Oo inaamin ko, pagkabalik mo dito after 5 years at bago ako umalis last month ay
mahal na mahal parin kita. Pero sa pagbalik ko dito, iniwanan ko na dun ang.
Iniwanan ko na ang nararamdaman ko para sayo." hinayaan ko nalang tumulo ng tumulo
ang luha ko.

"Sobrang sakit na kasi eh..Alam mo yung naghintay ako sayo ng limang taon dahil
umaasa akong magkakabalikan pa tayo pero hindi pala. Hindi mo na ko binalikan. May
iba ka ng kasama." umupo ako sa gilid ng fountain.

"You should be happy with Rhea. Mabait syang babae at mapagmahal. Alam kong
mamahalin ka nya ng buong-buo. Dont hurt her." tumayo na ko at akmang lalayo na sa
kanya pero niyakap nya ko.

"Alam kong mahal mo pa rin ako Jaja. And I want to tell you na ikaw pa rin hanggang
ngayon. My feelings for you never change too. Ikaw pa rin hanggang ngayon.."
nangingiyak na sabi ni Xander.

Umiling ako at umiyak.

Hinarap nya ko sa kanya at tinignan ako mata sa mata.

"Just tell me to stop all of this then I will. Just tell me to run away with you
then I will. Just tell me that you still love me then I'll choose you." anya.

"Ayokong saktan ang bestfriend ko Xander..Ayokong saktan si Rhea. Kung totoo mang
hindi mo sya mahal at ako parin, I know that you'll learn how to love her. She's
good for you. Para sa kanya ka." sabi ko at tumalikod.

Hinawakan nya ang braso ko.

"I know you still love me..Just say it. Sabihin mo lang."
Napapikit ako. Ayokong saktan si Rhea. Sinabi ko sa sarili ko na tatapusin ko na
to. Ayokong sirain ang tiwalang binigay sakin ni Rhea. Alam kong sa oras na ito ay
natatakot na syang mawala sa kanya si Xander. And I wouldnt let that happen.

"I dont love you anymore. I've moved on."

=================

Chapter 12

Chapter 12

Used to be.

"Tingin ko, mas maganda kung magtayo rin tayo ng mga village sa mga medyo malapit
sa provincial area. Maraming tao ngayon ang gustong manirahan sa mga pronbisya
because they want to relax. But problem is, they dont have a lot and house. With
this project, I think we can help them in some ways dont you think?" nakangiting
sabi ko.

"Yes, we absolutely agree." sabi ng mga board members.

Napatingin ako kay Xander na wala pa ring imik at nakatingin lang sakin. Ja, just
act okay?

"How about you Mr. Sarmiento? Are you okay with the project that I'm proposing?"
sabi ko at ngumiti.

Suminghap sya at umupo ng maayos.

"Then let's start that project." pagsang-ayon nya.

Ngumiti ako ng malaki dahil approved na ang project.

"Okay. So, get the team ready sa makalawa. We will go to Nueva Ecija to check on
the location. It will be a 3 days and 2 nights trip." sabi ko.
Tumango naman silang lahat at ngumiti.

"Okay then. It's settled! Meeting adjourned." nakangiti kong sabi.

Lumabas na agad sila. Inayos ko pa ang laptop at ibang gamit ko.

"Can I bring along someone?" nagulat ako sa biglang pagtanong ni Xander sa gilid
ko.

"Sinabi ko kasi kay Rhea and she wants to come along." pag-eexplain nya.

"Of course! Walang problema." ngumiti ako at binitbit na ang gamit ko. "Is that
all?"

Tumango sya na parang naguguluhan.

"Sige. Balik na ko sa office ko." nakangiting sabi ko at umalis na.

Huminga ako ng malalim pagkapasok ko sa office ko. Umupo ako sa sofa dito at uminom
ng gamot ko.

Twing kinakabahan ako

ay nagiging ganito ako lalo na kapag sya ang kaharap ko.

"Ja, sabay ka na samin dito sa kotse ni Xander." nakangiting aya ni Rhea sakin
habang tinuturo ang kotse ni Xander.

Nakita ko namang tumingin rin sakin si Xander.

Ngumiti ako at umiling. "Wag na. Baka makaabala pa ko sa inyo."


"Ano ka ba! Hindi. Tara na bilis." hinila na ko ni Rhea papasok sa back seat ng
kotse ni Xander at agad itong sinara.

Nakita ko naman na pinagbuksan pa sya ng pinto ni Xander bago ito umikot sa


driver's seat.

"Yiee! Na-miss ko to. Remember nung mga bata pa tayo? We're always going on a trip.
But si Xander ang pumalit kay Joaqui kasi laging tayong tatlo nun eh." masayang
sabi ni Rhea.

"Hmm oo." nakangiting sabi ko.

"Wait baby. You drink water first." sabi ni Rhea at pinainom si Xander.

Umiwas nalang ako ng tingin para hindi na makita. Mas naaalagaan ni Rhea si Xander
kesa sakin.

"Want some water, Ja?" alok sakin ni Rhea ng tubig.

Umiling ako at ngumiti.

"Baby, want some pizza? I made this." tanong ni Rhea.

"No thanks, I'm not hungry." sagot ni Xander.

Nagpout si Rhea at bumaling sakin.

"Here Ja, have some." nakangiting alok sakin ni Rhea.

Nang makita kong hindi hawaiian flavor ito ay tatanggi na ko kaso naunahan ako ni
Xander.
"Hindi hawaiian flavor ang ginawa mo. Ayaw ni Jaja nyan." biglang sabi ni Xander.

Unti-unting binalik ni Rhea ang pizza sa lalagyan nya.

"Hanggang ngayon pala, hawaiian flavor lang ang kinakain mong pizza. Sorry, I
forgot." paumanhin ni Rhea.

"Okay lang noh. Dont mind about me." sabi ko at ngumiti.

"Okay then." nakangiting sabi ni Rhea at lumingon ulit sa harapan.

Nakita ko namang hinawakan ni Rhea ang kamay ni Xander at ngumiti. Nilingon ni


Xander si Rhea at ngumiti rin. Hinigpitan pa lalo ni Rhea ang hawak sa kamay ni
Xander.

Gumilid nalang ako lalo sa tabi ng pintuan para hindi ko makita ang paghahawak nila
ng kamay. Pero kitang-kita ko naman dito si Xander na biglang hinalikan ni Rhea sa
pisngi. Halatang nagulat si Xander pero parang natural nalang sa kanya.

Lumingon nalang ako sa labas ng maramdaman ko ang pag-init ng mata ko. We used to
be like that.

Naramdaman ko kaagad ang paninikip ng dibdib ko kaya agad kong nilabas ang mga
gamot ko.

"Ahmm excuse me Rhea, pengeng tubig." hirap na sabi ko.

Nagpanik naman si Rhea at agad akong binigyan ng bottled water.

"Here you go." sabi nya.

"Salamat." sabi ko.


Agad kong ininom ang mga gamot ko at huminga ng malalim.

"Are you fine Ja?" nag-aalalang tanong ni Rhea sakin.

"W-Wala to. Sumakit lang ulo ko." sabi ko at ngumiti.

"Masakit lang ang ulo mo pero tatlo pa ang ininom mong gamot?" nagtatakang tanong
nya.

"Para mas safe." nakangiting sabi ko.

Ngumiti nalang si Rhea at tumingin na ulit sa harap. Napatingin naman ako sa front
mirror ng makita kong nakatingin si Xander sakin na mukhang nagtataka sa inasta ko.

Umiwas nalang ako ng paningin at nagpahinga nalang.

=================

Chapter 13

Chapter 13

Ulan.

Nagising nalang ako at nasa isang room na ko. Pagbangon ko ay naaninag ko kaagad si
Xander sa gilid ng kama ko na tulog.

Tinignan ko sya ng mariin at ngumiti.

"I miss you so much Xander. I miss us." bulong ko.

Hinamas ko ang buhok nya pero ng maramdaman kong magigising na sya ay agad akong
umayos ng upo.
"G-Gising ka na pala." sabi nya at humigab.

"Nasan ba ako?" tanong ko.

"Dinala na kita sa kwarto mo dito sa hotel nung nakatulog ka sa kotse at nilalagnat


ka rin kanina." sabi nya.

Hinawakan ko ang noo ko at hindi na ko mainit. Wala na kong lagnat.

"Thank you." pagpapasalamat ko at umayos ng upo sa kama.

"Sana sinabi mong masama na pala ang pakiramdam mo para na-move natin yung pagpunta
dito." nag-aalalang sabi nya.

Tumayo ako at tinali ang buhok ko saka umupo sa sofa ng kwarto.

"No need. Mawawala din naman to agad." kinuha ko ang phone ko at binasa ang message
ni Joaqui.

From: Joaqui. :)

Nakarating na ba kayo? I'm missing you just within a few hours. What more if it's
a day already? I think I'm gonna be crazy. Can I go there? :))

Halos matawa ako sa sinabi nya. Kung anu-ano talagang kalokohan ang sinasabi ni
Joaqui.

"Mukhang okay ka na nga ah." sarcastic na sabi ni Xander.

Nagreply muna ko bago magrespond kay Xander.

To: Joaqui. :)
Loko ka talaga! :)) Wag na. Dalawang araw na lang naman. :)

Message sent!

"I told you." ngumiti ako. "Ahmm si Rhea?" bigla kong tanong.

"Nasa kwarto nya. Tulog na sya. Inalagaan pa kita kaya nandito ako." sabi nya.

Napatigil ako sa ginagawa ko. Sya ang nag-alaga sakin? Kala ko si Rhea ang nag-
alaga sakin at lumabas lang sandali kaya sya ang nagbabantay sakin ngayon.

"Buti nalang at nakatulog sya agad kaya naalagaan kita agad." dagdag nya.

Napatingin ako sa kanya.

"Hindi alam ni Rhea na inaalagaan mo ko?" tanong ko.

"Nope. Kasama ko sya nung dinala kita dito at umalis na kami agad hut she doesnt
know na bumalik ako sayo." seryosong sagot nya.

Ewan ko pero ang lakas ng impact ng huling sinabi nya sakin. Parang gusto kong
maging double meaning ito. Kaso wala na talaga. Hindi na talaga pwede. I already
gave him up to Rhea at dapat kong panindigan to.

"Okay na ko so..pwede ka ng umalis. Magpahinga ka na rin." sabi ko habang


nakatalikod sa kanya.

Narinig kong huminga sya ng malalim.

"Sige. I'll go now." at lumabas na sya ng kwarto.


Umupo ako sa kama.

"Joaqui..." tinawagan ko si Joaqui.

"Y-Yeahh?...Why did you call so late?.." tanong nya gamit ang bagong gising nyang
boses.

"Sorry. Did I wake you up?" pagpapaumanhin ko.

"No. It's fine. Bakit ba?" naging normal na ang boses nya.

"Can't sleep. Can you sing for me until I fell asleep?" tanong ko.

"Of course. Let me get my guitar." anya.

Ilang sandali

lang ay bumalik din sya at nagsimula ng magstrum ng gitara. Ako naman ay humiga na
at tinapat sa tenga ko ang phone.

"Your hand fits in mine like it's made just for me.." pagkanta nya.

Ang lamig talaga ng boses nya.

Napangiti nalang ako then I fell asleep..

"Ja! Could you take a picture of us?" masayang tanong sakin ni Rhea at inaalok
sakin ang dslr nya.

Kakatapos lang kasi namin tignan ang landscape kaya maglilibot nalang kami hanggang
bukas. Ang mga architect nalang ang bahala sa pagdedevelop nito at ipapakita samin
ni Xander pag tapos na ang planning.
"A-Ahmm sure." ngumiti ako at kinuha ang camera.

"Thankie!" masayang sabi nya at tumakbo papunta kay Xander.

Nagcling sya sa braso nito at ngumiti. Si Xander naman ay naka-serious face pero
hindi mo maitatangging nakakaakit ito.

"1..2..3!" bilang ko at clinick ang camera.

Tumakbo si Rhea papalapit sakin.

"Pwede bang picturan mo kami habang naglilibot? Yung mga stolen and such? Please.
Gagamitin ko kasi to para sa video na ipapakita sa reception ng kasal. Wala pa kasi
kaming picture ni Xander ng magkasama eh. First picture palang namin yung kinuha
mo." sabi nya sakin.

Halos magulat ako sa sinabi nya pero hindi ko nalang pinahalata. First picture
palang nila to? Matagal narin silang magkasama pero bakit wala pa ni isang picture?
Samantalang kami dati ay tadtad ng picture. Nasa phone nga lang halos lahat at yung
mga memorable lang ang pinadevelop namin. Sa katunayan nga si Xander pa ang madalas
nag-iinsist na magpicture kaya mas marami sa phone nya ng pictures namin.

Pero bakit ko nga ba pinagkukumpara? Syempre, nag-iba na si Xander. Hay..

"Sure." pinilit kong ngumiti at tanggapin nalang kahit masakit sa kalooban ko.

Ako naman ang nagsimula nito eh. Papanindigan ko nalang. I'll just act na okay lang
sakin.

Sinundan ko lang sila sa pag-iikot. May ilang nakuhanan pa ko na ang sweet talaga
nila sa isa't-isa, meron pa na naka-piggy back si Rhea sa likod ni Xander. Madalas
ay nakaholding hands sila at nakakapit si Rhea sa braso ni Xander.

Kinuha ni Rhea ang camera nya sakin.

"Is it full of pictures?" tanong nya habang chinecheck ang gallery ng camera nya.
"Lots of it." nakangiting sagot ko.

Syempre alam nyo namang pekeng-peke ang ngiti na yun at gusto ng sumabog ng mga
luhang nagbabadya ng tumulo dahil sa inggit at sakit na nararamdaman ko ngayon.

Inggit dahil na kay Rhea si Xander at sakit dahil nakikita kong masaya sila sa
isa't-isa. I guess Xander really took my advice. He really learned how to love
Rhea. It's not hard away. Pero para akong nagsisisi. Ugh! I hate this.

"Thanks Ja!" niyakap nya ko at bumalik ulit kay Xander.

Nabigla naman ako sa biglang pagbuhos ng ulan. Perfect timing to let my tears out.

Nakita kong agad tinalukbungan ni Xander ng sweater si Rhea at isinilong ito sa


puno. Nakayakap lang si Rhea kay Xander ng mahigpit. Naalala kong takot nga pala sa
kulog at kidlat si Rhea.

Pumikit ako at hinayaan kong tumulo ang mga luha ko. Sana mawala na sila bago
huminto ang ulan. Pero feeling ko ay magpapatuloy pa ito sa pagtulo.

Nahagip ako ng mga mata ni Xander.

"Ja! Sumilong ka nga!" sigaw nya sakin.

Umiling ako at ngumiti. I dont want to. Pagsumilong ako ay malalaman mong umiiyak
ako.

Nakita kong kinausap nya si Rhea pero umiling lang ito at mas yumakap ng mahigpit
kay Xander saka binaon ang kanyang mukha sa dibdib nito.

Tumalikod ako at humagulgol. I dont want to see them like this. Please Lord,
tapusin nyo na po ang paghihirap kong to. I want to be happy again.
Nagulat ako ng may biglang humawak sa balikat ko.

"Ja.." sambit nito.

Agad akong napalingon sa kanya.

"X-Xander.." hinawakan ko ang pisngi nya.

Ngumiti ako then it all turned black..

=================

Chapter 14

Chapter 14

Alagaan.

Nagising nalang ako na nasa ospital na ko. Nakita ko kaagad si Xander na umiiyak at
nakatingin sakin.

"J-Ja.." nangingiyak na sabi nya.

Tumingin ako sa paligid at nakitang wala si Rhea.

"Wala si Rhea. Bumalik muna sya sa Manila." anya.

Tumango ako at umupo ng maayos.

"A-Anong nangyari?" nauutal tanong ko.

"You fainted! Ano bang nangyayari sayo? Sabi mo, okay ka na. Kakagaling mo lang sa
lagnat tapos magpapaulan ka. Gusto mo na bang mamatay?!" galit na untas sya.

Ngumiti nalang ako. "Pano kung sabihin kong oo?"

"You wont do that and I wont let you." mariin na sabi nya.

"Umalis ka na. Okay na ko." sabi ko at umiwas ng tingin.

"I wont leave you here." matigas nyang sabi.

Sasagot na sana ako ng biglang pumasok ang doctor.

"Eto na ang results kung bakit sya nahimatay." pambungad ng doctor.

Tumayo naman si Xander at agad lumapit sa doctor.

"What is it doc?" tanong nito.

"I'm sorry but--"

"Doc! Pwede po bang sakin nyo nalang sabihin?! Please po. Please." sabat ko para
matigil sa pagsasalita ang doctor.

Hindi pwedeng malaman ni Xander to. Hindi pwede. Not now.

"No doc! I wanna know about it." anya ni Xander.

"Doc, please! I'm the patient and that's my request." sabi ko.

Huminga ng malalim ang doctor. "Okay. Susundin ko kung ano ang gusto ng pasyente."
"Lumabas ka muna Xander." baling ko kay Xander.

"I wont." sabi nya at sumandal pa sa pader.

"Lalabas ka o hindi ka na makakapasoo dito kahit kailan." tinaasan ko sya ng kilay.

"Fine.

Just call me when you're done." anya at lumabas na ng kwarto.

Lumapit naman yung doctor sakin.

"I guess that you already know your condition?" pambungad nya.

Tumango ako at ngumiti.

"Kaya ba ayaw mong malaman nya?" tanong nito.

"Opo doc." tumango-tango ako.

"Are you taking proper medication?" tanong ulit nito.

"Iniinom ko lang po yung tatlong gamot na binigay sakin ng doctor ko para po pag
umaatake po sya." sagot ko.

"You mean, you're not getting a proper medication from your doctor? I'm mean, set
aside the medicines you're taking kapag umaatake sya. I bet those medicines are for
some time only. Only for a few hours. Am I right?" sabi nya at nagcrossed arms.

"Opo. Ganun nga po." ngumiti ako.


"You need to get the proper medication Ms. Manansala. Mahihirapan ka." anya.

"Dont worry po doc. I'm the one who suggested my doctor not to give some kind of
treatment. I can perfectly handle my self." sabi ko.

"But at this point you need to be hospitalize." umupo ang doctor sa upuan sa tabi
ng kama.

Umiling ako at ngumiti. "No doc. I want to be discharge. Kung pwede nga po ay
ngayon na mismo."

"But it will get--"

"I know doc. But this is what I want. At kapag po tinanong kayo ni Xander, yung
lalaki po kanina, tell him na madidischarge na po ako and I'm perfectly fine."
request ko.

Tumayo ang doctor. "If that's what you want. I'll get you discharge."

"Thank you doc." ngumiti ako.

Lumabas na sya at tama ang hinala ko. Mukhang tinanong nga muna ni Xander si doc
dahil

hindi agad ito pumasok.

Ilang sandali lang din ay pumasok na sya ng nakangiti.

"I thought you're going to be hospitalize. It's a good thing na pwede ka ng ma-
discharge." sabi nya.

"Ito ang damit mo, magpalit ka na. Babayaran ko lang yung bills mo." nakangiting
sabi nya at inabot sakin ang damit ko.

Lumabas na rin sya ng kwarto. Agad naman rin akong nagbihis at mabilis na uminom ng
gamot ko.

"Let's go." ngumiti sya at kinuha ang bag ko.

Sumakay na kami sa kotse nya at bumalik sa tinutuluyan namin ngayon. Inalalayan nya
pa rin ako sa pagbaba ng kotse.

"Ja!" rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses.

Lumingon ako at nakita ko si Joaqui na papalapit samin. Agad akong lumayo sa


pagkakahawak ni Xander at yumakap kay Joaqui.

"I heard about what happened. Are you fine? Are you okay already? Ugh! I'm so
worried about you." nag-aalalang sabi nya.

Minsan talaga, naiisip ko na no one cares for me like Joaqui do.

"I'm fine now. Punong-puno na talaga ko ng stress. Low blood pressure. I just need
to eat more calories and sweets then ayos na ko." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Shall I occupy your fridge with meats and chocolates?" natatawang sabi nya.

"Well, I like chocolates more." ngumiti ako.

"Name the chocolate then I will get it for you." anya.

"Tetext ko lahat para hindi mo makalimutan." sabi ko at kumindat.

Nagtawanan kami. Bigla namang lumapit si Xander. Naalala kong dala-dala nya nga
pala ang bag ko.

"Ikaw nanaman ba ang dahilan?" umambang k-kwelyuhan ni Joaqui si Xander pero


pinigilan ko sya.
"Relax Joaqui. Sya ang nagdala sakin sa ospital." sabi ko kay Joaqui.

"Akin na. Thanks." baling ko kay Xander at kinuha ang bag ko sa kanya.

"Let me." kinuha sakin ni Joaqui ang bag ko.

Bumaling naman sya kay Xander.

"Thank you sa pag-alaga sa kanya pare. I owe you this one." nakangiting sabi ni
Joaqui kay Xander.

"Dont need to thank me dahil aalagaan ko talaga sya kahit anong mangyari. Pero your
welcome na rin. Excuse me." sabi ni Xander at tumuloy na sa loob.

"Alagaan ka? Hindi nya nga nagawa yun this past years eh." sabay sabi ni Joaqui
pagkaalis ni Xander.

"Okay na yun Joaqui. Tigil na okay?" sabi ko at hinila na sya papunta sa kwarto ko
dito.

"May opening ng bar bukas. Club979. I've got 2 tickets. Wanna go with me?" aya nya
sakin habang inaayos nya ang gamit ko.

Go clubbing? It's been a long time.

"Of course! I think it will be fun!" masayang sabi ko.

Lumabas na kami at sumakay na sa kotse nya on the way sa Manila.

"Pero syempre, babantayan kita okay? No hard drinks for you tomorrow." paalala nya.
"As you wish." sabi ko.

"Pahinga ka muna. Medyo malayo din byahe." sabi nya at inabot sakin ang small
cushion sa likod.

"Thanks." nakangiting sabi ko at nagpahinga na.

=================

Chapter 15

Chapter 15

Goodbye, I love you.

Nandito na kami ngayon sa bagong bukas na club. Amoy na amoy ko na kaagad ang
kalasingan ng mga tao dito. Medyo late na rin kaming nakarating ni Joaqui.
Pinarangalan nya pa kasi ako.

"No hard drinks okay?" ulet nya ulit sakin.

Kanina nya pa ko sinabihan nyan. Paulet-ulet.

"Oo nga po." sabi ko at umupo na stool chair sa tapat ng counter.

"Tequila three shots!" sigaw ko sa bartender.

Agad namang binigay sakin ng bartender. Agad ko itong nilagok isa-isa ng walang
hinto at nakita ko nalang na nakatingin sakin ng masama si Joaqui.

Natawa ako. "Come on, Joaqui. It's not that hard right?"

Ang totoo nyan ay gusto ko talagang magpakalasing kaya ako sumama dito. I want to
forget everything. I want to forget him completely.

"Not hard? For a pro, I guess. But for a beginner like you, you'll just take
juice." sabi nito at umupo sa tabi ko.

"Eh di sana sa bahay nalang ako at nagpatimpla ng Tang diba? Maraming flavor pa."
humalakhak ako.

Nakakahilo na kaagad ang tatlong tequila para sakin. Ang hina ko naman. Nakakainis.
Pano bako makakainom ng nakabantay tong si Joaqui? Tss. I want to be totally drunk
so that I can sleep at least one night without anything to worry. Without thinking
about him!

"I can see na tumama na ang tatlong shots ng tequila sayo. Will just stay for a few
minutes at iuuwi na kita." ani Joaqui.

"Ang kill joy mo naman. Get a life Joaqui. Hindi pwedeng lagi mo akong

binabantayan at kinukulong okay? Let me have this night!" sabi ko at agad na


tumungo sa dance floor.

Agad namang may lumapit sakin na lalaking hindi ko kilala at nakisayaw sakin.
Sumunod nalang din ako sa galaw nya. Nawawala na rin ako sa sarili ko. I want to
party all night!

Inalok nya ko ng inumin at agad ko itong kinuha at nilagok.

"Wow!" pagsinghap nya at tumawa.

Napatawa nalang din ako at kumapit sa batok nya. Binigay nya sa nag-iikot na
bartender ang basong ininom ko.

Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang pagdampi ng mainit nyang labi sa leeg ko.
Tumawa nalang ako sa kiliti na hatid nito. Nang palapit na sya sa paghalik sa aking
labi ay may naglayo dito at sinuntok.

Natigil ang tugtog at lahat ng tao ay napatungo samin.


Nakita ko nalang ang nag-aalab sa galit na si Xander.

"Dont you dare touch her again!" sigaw nito sa lalaking kasayaw ko kanina.

Tumingin si Xander sakin at pinunasan ng panyo nya ang parteng nahalikan sakin ng
lalaki. Bumalik naman ang tugtog at ang pagsasayaw ng mga tao na parang walang
nangyari pagkatapos ng sigaw ni Xander.

"X-Xander, nandito ka pala. Ang saya dito diba?" natatawa at nauutal kong sabi.

Napatigil sya sa pagpunas at kinuyom ang kanyang kamao saka itinago ang kanyang
panyo.

Hindi sya nagsalita at hinawakan ng mahigpit ang aking braso saka ako inilabas sa
club. Nakarating kami sa parking lot kung saan nakapark ang kotse nya.

"Ano ba Xander ang sakit na ah!" paulet-ulet na daing ko sa sobrang higpit ng


pagkakahawak nya sakin.

Binitawan nya ko at hinarap ng puno ng galit ang mata.

"Magiging ganito ka nalang

ba?!" sigaw nya sakin.

Tinignan ko lang sya at hinintay na magsalita ulit.

"Are you going to make your life miserable?! Kailan ka pa naging ganito ha Ja?!"
galit na galit nyang sabi.

"Look, my life is already miserable 5 years ago. And right now, it's just another
level of being miserable. But dont worry, it's not yet in the climax. Darating tayo
dun." natatawang sabi ko.
Sumigaw si Xander sa sobrang galit sa narinig nya galing sakin.

"You're not going to be like this Ja! Itigil mo na to. Just live your life and go
with the flow!" sigaw nya sakin.

Naiyak na ko. "I already lost the flow of life when you left me."

"Ano ba talaga Ja ha?! Last time you told me to forget about you completely and
just nurture what I feel for Rhea. I did it as you say, natutunan ko na syang
mahalin. Pero bakit ka nagkakaganito ngayon?!" anya.

"Because I'm a fool." pumiyok ang boses ko.

"Alam kong hindi ka magiging masaya sakin kapag pinabalik pa kita sakin ulit.
Masasaktan ka lang. Ayokong mangyari yun." umiling ako at umiyak.

"What are you talking about?" naguguluhan nyang tanong.

Fuck Ja! You've messed it up again! Now go find an excuse!

"I-I planned on to revenge on you. Na kapag bumalil ka sakin ay iiwanan din kita at
sasama na kay Joaqui. Na iiwanan kitang luhaan." excuse ko.

Tumingin ako sa mga mata nya.

"I want you to feel the pain when you left me with no words to say. That you left
me without even making things right between us. That you left me for a new girl."

humagulgol ako.

"Everyday I wished and prayed that if you come back, you'll turn to me...but it
didn't came true. Yes, you did came back but with another girl." kinagat ko ang
labi ko.
"Lahat ginawa ko para kalimutan ka, para pigilan ang sarili ko sa pagmamahal sayo
pero..pero hindi ko kaya Xander. Hindi ko kaya." umiling ako at napaupo.

"Sorry.." rinig kong sabi nya.

Inangat ko ang tingin ko sa kanya. Umiiyak rin sya.

"Pero hindi ko kayang saktan si Rhea. She became important to me too. She did
everything to make me fall. I guess she succeeded." anya at sumakay na sa kotse nya
saka humarurot paalis.

Tumuloy nalang ako sa pag-iyak hanggang sa makaramdam ako ng pagyakap sakin.


Napatingin ako at nakita ko si Joaqui. Napayakap nalang din ako sa kanya.

Nang humupa na ang mga luha ko ay inihatid na nya ko pauwi. Walang nagsalita saming
dalawa.

"S-Salamat.." sabi ko ng makababa na ko ng kotse.

Akmang papasok na ko ng gate ng bigla syang nagsalita.

"I heard everything.." anya.

Tumingin ako sa kanya at nakikita kong namumula na ang kanyang mga mata.

"I did everything that I can to make you forget him. Para mabaling ang pagmamahal
mo ulit sakin." ani Joaqui.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang pisngi.

"Of course. You did everything for me." sabi ko at ngumiti sa gitna ng luhang
tumutulo galing sa aking mga mata.
"But it didn't work.." dagdag nya.

Tumingin sya sakin.

"If you really love him, I'll set you free. But if you think that you can let go of
him, marry me Ja.." anya.

Nanlaki ang

mga mata ko sa sinabi nya. Is he serious? Hindi ako pwedeng sumagot.

Parehas ko silang masasaktan kaya ayokong pumili sa kanilang dalawa. Kaya hindi ko
hinayaang bumalik sakin si Xander dahil masasaktan ko sya, ganon na rin si Joaqui.
Kahit gusto ko rin syang pakasalan dahil alam kong he's the one who can make me
happy when I'm always down, I cant. I just really can't.

Pumikit ako at umiling. "I-I'm so sorry Joaqui..I can't."

Nakita kong tumulo ang luha nya at ngumiti. Kinagat nya ang kanyang labi at inayos
ang tingin sa akin.

"I'll let you go but can I ask something?" anya.

"Anything.." sabi ko at ngumiti.

"Can I kiss you?" sabi nya.

Napaisip ako kung pagbibigyan ko ba sya. But I think this is the way para
mapasalamatan ko na rin sya.

Tumango ako at ngumiti.

Unti-unti nyang nilapit ang kanyang labi sa aking labi. Ilang sandali ang ay
inilapat nya na ang labi nya sa labi ko. Tumugon ako sa mga halik nyang
nakakalasing.

Unti-unti rin syang lumayo sakin at ngumiti habang nakapikit.

"Goodbye, I love you.." anya at tinalikuran na ko saka umalis.

Napahawak ako sa dibdib ko na kumikirot nanaman. Pumasok ako ng bahay para kunin
ang gamot ko sa kwarto pero hindi na ko umabot at bumagsak.

Nagising nalang ako na nasa ospital na ko at nakitang umiiyak si manang sa gilid


ko.

"Lintek kang bata ka! Bakit hindi mo sinabi sa akin?" hindi ko malaman ang
nararamdaman ni manang.

Siguro nga alam na nya.

"Wag nyo nalang pong sabihin kahit kanino manang." nakangiting sabi ko.

"Kailan mo pa nalaman?" tanong nito.

"Nung nasa New Caledonia pa po ako." sagot ko.

"Jusmiyo!

At wala ka talagang balak sabihin sa amin? Sa mga magulang mo?" galit na tanong
nito.

Tumango ako ng wala sa sarili.

"Dito ka lang. Lagi ka daw nilang titignan." sabi ni manang.

Napabangon ako at umiling.


"Hindi manang. Gusto ko na pong makalabas ng ospital. Ngayon mismo. Ayos na po ako
oh." sabi ko at itinaas-taas pa ang mga kamay ko.

"Nasisiraan ka na ba ha Jaja?!" galit na galit na si manang.

"Manang please po..Babalik nalang po ako dito para magpacheck-up. Promise po. Gusto
ko lang po maglibot, ayoko pong magkulong dito." sabi ko.

Huminga ng malalim si manang at pinakalma ang sarili.

"Sige. Basta bibisita ka rito lagi. Gusto ko bawat ikalawang araw ay pupunta ka
dito para magpacheck-up." anya.

Ngumiti ako at tumango. "Opo manang. Promise po."

Nang makarating kami sa bahay ay agad akong naligo at nagbihis saka pumunta sa
office.

Nakasalubong ko si Xander sa kompanya pero dinaan nya lang ako. Umiling nalang ako
sa sarili ko at dumiretso na sa office ko.

Pagkarating ko doon ay may bouquet at chocolates. Yung mga paborito kong tsokolate.
May note din ito na agad ko namang binasa.

Jaja,

If only I could turn back time. Nung mga panahong nasa highschool pa tayo. Nung
mga panahong parehas pa tayong in love sa isa't-isa. I would take risk na umamin na
sayo. Kaso hindi eh. Siguro, it is really meant to happen. Siguro nga hindi ka
talaga para sakin. Siguro, kaya nangyari to ay dahil para ka talaga kay Xander.

Sorry kung nagulo ko man kayo last 5 years. Alam ko namang ako ang pinakadahilan
kung bakit sya umalis. Kung bakit kayo nagkahiwalay. Kung sana, pinagpatuloy ko
nalang ang pagpapanggap na may amnesia ako at hindi nalang ulit kita kinausap eh di
sana, masaya kayo ngayon sa piling ng isa't-isa. Pero thank you kasi hindi mo ko
sinisi sa mga nangyaring iyon. And thank you kasi you gave meaning to my life.
Tinuruan mo ko kung paano magmahal ng totoo. I'm very thankful to have you as my
bestfriend at sana naging girlfriend rin..Haha. Dont worry. I'll take everything in
a positive way. I wont put my self in risk. Alam kong magagalit ka kapag ginawa ko
yun. :)

Siguro habang binabasa mo to, nakasakay na ko sa eroplano. Pinahatid ko lang to sa


secretary ko. Nagbook na pala ako ng flight kagabi papuntang States. Babalik ako
dun to find my self, maybe to find another love? But dont worry, you are still my
greatest love kahit anong mangyari. Ang martyr ko kaya sayo!

Well, farewell for now my lady. I love you so much and I'll miss you. :)

-Joaqui :*

Napaiyak ako sa pagbabasa ng letter ni Joaqui.

"I'll miss you too.." sabi ko nalang.

=================

Chapter 16

Chapter 16

Your everything.

"What do you think? This dress or this one?" ani Rhea.

Tinuro nya yung dalawang gown. Dalawa kasi ang pinagawa nya dahil hindi sya
makapamili sa dalawa.

Inaarrange na namin yung magiging gown nya, mga dress ng mga abay, kulay ng barong,
mga cake, yung mga pagkain sa reception. Lahat inaaoyos namin. Tinulungan ko na si
Rhea dahil nagleave din naman ako for 3 days sa trabaho.

"Para sakin ito. Medyo may pagka-unique kasi sa details." nakangiting sabi ko at
tinuro ang wedding gown sa kanan.
Tumango naman sya at ngumuso. "Ano sa tingin mong magandang kulay ng dress at
barong ng mga abay?"

"Hmm I prefer green with a touch of yellow kapag dress ng abay. Pag barong naman,
siguro let's go to the normal one. Yung native." ngumiti ako.

"Okay then." ngumiti sya at kinuha yung gown na tinuro ko kanina.

Niyakap nya ito at umikot-ikot habang nakangiti ng todo.

"I can feel it! Tuloy na tuloy na talaga ang wedding ko." anya at umupo sa upuan.

Simula venue ng simbahan at hanggang reception ay si Xander na ang nagplano.


Nakakainis nga dahil kung saan ko gusto magpakasal at magreception ay dun nya mismo
ginawa. Manila cathedral tapos sa beach ang reception.

In short, their wedding is my dream wedding.

"Oo nga at masaya ako para sayo." nakangiting sabi ko at hinawakan ang kamay nya.

Ngumiti rin sya at hinawakan din ang kamay ko.

"Baby." napabaling kami kay Xander na kakadating lang.

Bumitaw naman si Rhea sakin at agad yumakap saka humalik sa pisngi ni Xander.

"Look baby, we've already arranged everything. Okay na okay na.

Wala na tayong problema." masayang sabi nito kay Xander.

"Good!" nakangiting sabi ni Xander at ginulo ang buhok ni Rhea.

"Ay! Jaja helped me!" nakangiting lumapit si Rhea at itinayo ako saka kumapit sa
balikat ko.

Tumingin sakin si Xander pero agad din bumaling kay Rhea at ngumiti.

"Keep it up." sabi nya at tumalikod na.

Tinikman nya yung mga piniling pagkain ni Rhea kanina. Napatigil naman sya ng
matikman nya ang isang dish.

Lumingon sya kay Rhea at tumikhim.

"Why? Dont you like the taste of that one?" lumapit si Rhea at tinikman ulit ito.

Tumango-tango si Rhea. "Masarap naman ah."

Lumingon sakin si Rhea at pinalapit ako.

"Ja, taste it. Masarap naman diba?" nakangiti nyang inabot sakin ang kutsara.

Kinuha ko ang kutsara. Akmang isusubo ko na ito ng biglang agawin sakin ni Xander
at natapon sa damit ko.

"Xander!" sigaw ni Rhea at agad kumuha ng tissue at pinunasan ako.

"You shouldn't eat that! It has shrimps!" galit nyang untas sakin.

Tinignan ko sya ng mariin.

"You should have just told me nicely. Hindi yung tatabigin mo ng ganon." inirapan
ko sya.
Bigay sakin ni Joaqui itong dress na to kaya pinapahalagahan ko. Kung may galit sya
sakin, wag nya sanang idaan sa actions. Sabihin nya nalang.

"Ako na nga ang nagmalasakit eh. Eh di sana ngayon inaatake ka na ng allergy." ani
Xander at humalukipkip.

"Thanks for the concern then but I dont need it." masungit na sabi ko.

Pinigilan ko si Rhea sa pagpunas sa damit ko.

"Ako na. Thank you." ngumiti ako at umalis papuntang washroom.

Naghilamos ako at itinali ang buhok ko. Pinunasan ko ng maigi ang damit ako at
itinapat sa hand blower. Buti nalang at mabilis matuyo.

Lumabas ako ng banyo at nakita kong nagpatuloy na sila sa pagtikim ng mga pagkain
maging ang cake.

"Ayos ka na?" nakangiting salubong sakin ni Rhea.

Tumango ako at ngumiti. Hindi na nag-abala pa si Xander na lingunin ako at patuloy


parin sa pagtikim.

"Ahmm yung invitations pa pala! Ipagpipili nalang kita ng design." nakangiting sabi
ko at tumalikod na.

Pero hindi pa ko nakakalayo ay narinig ko ang boses ni Xander.

"I like everything except this one with shrimps. Let's change it." sabi ni Xander.

"Hindi mo ba talaga nagustuhan?" rinig kong sabi ni Rhea.

"Let's just change it. Excuse me." sabi nito naramdaman ko namang papalapit sya
sakin kaya nagmadali na kong maglakad papunta sa mga invitations.

Umupo ako sa sofa. Kunwaring tumingin-tingin ako at namimili ng magandang designs.

"Thank you for helping out today." sabi nya.

Hindi ba ako tumingin sa kanya at nagpatuloy nalang sa pagpili.

"For Rhea, I'll do anything." simpleng sabi ko.

Umupo naman sya sa katapat na sofa.

"And I'm sorry. Hindi ko intensyong matapon yun sayo." ani Xander.

Hindi pa rin ako tumingin sa kanya.

"Wala yon." sabi ko.

"Believe me, hindi ko intensyong matapon yun sayo--"

"Wala nga iyon." tumaas na ang tono ng boses ko kaya napatigil sya sa pagsasalita.

Bumalik ang tingin ko sa mga invitations.

"Balik ka na kay Rhea. You should stay away from me as much

as you can. At ganon din ako." ngumiti ako at binitbit lahat ng invitations saka
nag-iba ng pwesto.

Huminga ako ng malalim at tumingin ulit sa loob. Glass walls kasi at kitang-kita
kong nakaupo pa rin si Xander doon. Nakatingin lang sya sa lamesa ng biglang
dumating si Rhea at niyakap sya galing sa likod. Nakita ko ang pag ngiti nya at
hinalikan si Rhea sa pisngi nito.
Agad akong umiwas ng tingin at pinakiramdamang uminit ulit ang gilid ng aking mata.

"Kanta ka baby! Hindi pa kita naririnig kumanta eh." sabi ni Rhea ng nasa karaoke
na kami.

Nakaupo lang ako sa kabila habang sila ay magkatabi naman.

Umiling si Xander at ngumiti.

Naalala ko nung high school ay kinantahan nya rin ako. Napangiti nalang ako habang
inaalala ang mga sandaling iyon. Habang naalala ko ulit ang tunog ng kanyang
malamig na boses.

Nag-angat ako ng tingin kay Xander at nakita kong nakatingin ito sa akin. Agad
akong nag-iwas ng tingin.

"Please baby..for your baby? Please?" nagpout si Rhea.

"Sure. For my baby." ani Xander at sumilip ng tingin sa akin.

Pumalakpak at humiyaw si Rhea habang pumipindot si Xander ng kanyang kakantahin.

Nagsimula ang kanta.

Four letter word

But I don't have the guts to say it

Smile til it hurts

Let's not make it complicated

Ito ang pipakinggan ko kagabi habang iniisip sya. Pinost ko pa ito sa twitter.
We got a story

But I'm about to change the ending

Kung pwede nga lang nating mabago ang

ending natin, gagawin ko rin. Pero hindi na eh. Malabong-malabo na. Sobrang labo.

You're perfect for me

More than just a friend so we can just stop pretending now

Gotta let you know somehow

If only I can stop pretending that I'm not in love with you anymore. If only I can
stop pretending that you being with another girl is fine with me. If only I can,
but I cant. I really cant.

I'll be your shelter

I'll be your storm

I'll make you shiver

I'll keep you warm

Whatever weather

Baby I'm yours

Be your forever, Be your fling

Baby, I will be your everything

Sinenyas ni Rhea kay Xander na umupo sa tabi nya. Umupo naman ito habang patuloy sa
pagkanta. Nakapikit si Xander habang kumakanta.

We used to say

That we would always stay together

But who's to say

That we could never last forever


Pumikit ng nakangiti si Rhea at humilig kay Xander. Isinandal nya ang kanyang ulo
sa balikat nito kasabay ng pagkurot ng puso ko.

Girl, got a question

Could you see yourself with somebody else?

Cause I'm on a mission

And I don't wanna share, I want you all to myself right now

I just wanna scream it out

Tumulo ang luha ko at nagulat ako sa pagdilat ng kanyang mga mata. Agad kong
pinunasan ang luha ko at umiwas ng tingin.

I'll be your shelter

I'll be your storm

I'll

make you shiver

I'll keep you warm

Whatever weather

Baby I'm yours

Be your forever, Be your fling

Baby, I will be your everything

Lumingon ulit ako sa kanya na hanggang ngayon ay nakatingin sa akin. Hindi ko alam
kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na makipagtitigan sa kanya ngayon. Napagtanto
ko rin na naluluha din sya. Hindi ko alam kung lumalabo lang ang mata ko dahil sa
luha na nambabadyang bumuhos at nadadamay ang sa kanya o naiiyak na rin sya.

No matter what you do

I'll be there for you

And every time you close your eyes

I will be by your side


'Cause every time you make me sing

Baby, I will be your everything

Pumikit sya at hindi ako nagkakamaling may mga luhang gusto ng tumulo dahil nag-
uunahan sila sa pag-agos sa pisngi ni Xander. Mas lalo akong naiyak kaya agad kong
kinuha ang panyo ko at pinunasan paulet-ulet ang pisngi ko.

I'll be your shelter

I'll be your storm

I'll make you shiver

I'll keep you warm

Whatever weather

Baby I'm yours

Be your forever, Be your fling

Dumilat sya at tumitig sa mga mata ko kasabay ng huling linya sa kanta.

Baby, I will be your everything.

He smiled faintly at yumuko.

Ilang sandali din ay dumilat si Rhea at sinulyapan si Xander. Nagulat sya ng makita
nitong basa ang pisngi ni Xander. Kinuha nya ang panyo nya at pinunasan ang luha ni
Xander.

"W-Why are you crying baby?" nauutal na tanong ni Rhea

na halatang nag-aalala.

Pinag-igihan ko naman ang pagpunas sa pisngi ko para hindi mahalata ang ginawa ko
ring pag-iyak habang pinapanood silang dalawa.

Nag-angat ng tingin si Xander kay Rhea ng nakangiti. Napalingon naman sya sakin
bago magsalita kaya umiwas ako ng tingin at nagkunwaring may hinahanap sa bag ko.
"I'm just happy that I get to say everything I wanna say to my baby." anya.

Napatingin ako sa kanya na ngayo'y nakangiti at nakatingin sa lamesa. Si Rhea ay


halatang kinikilig sa gilid.

"Aww so sweet." malambing na sabi ni Rhea at humilig kay Xander. "I'll be your
everything too, baby.."

Kung ako ang nasa pwesto ni Rhea ay magsasalita din ako. Hindi katulad ng sinabi
nya kundi, 'Yes baby, you're my everything.' para malaman nya how much he means to
me. Na I'm thankul because I have him in my life. But too late, I cant.

"Pano ka uuwi? Susunduin ka ba ni Joaqui?" tanong ni Rhea.

Nasa parking lot kami. Inihatid ko na silang dalawa ni Xander dito kahit hindi
naman kailangan.

"Umalis na si Joaqui patungong States. I'll just take a cab." nakangiting sabi ko.

"Umalis si Joaqui?! How come na hindi ko alam?" gulat na tanong ni Rhea.

Napatingin ako kay Xander na nabigla din sa sinabi ko.

"At mas nakakagulat pa ay iniwan ka nya or hindi ka sumama sa kanya." dagdag ni


Rhea.

Ngumiti ako. "It's all my fault."

Huminga ako ng malalim.

"Iwanan siguro talaga ako. Siguro I'm really destined to live alone till death."
natatawa kong sabi.
"Sumabay ka na." matabang

na sabat ni Xander at sumakay na sa front seat.

"Oo nga tara na! Kung anu-anong pinagsasasabi mo dyan." pinalo ako ni Rhea.

Tumawa ako. "Sige na. Sakay ka na. Magco-commute nalang ako."

"Are you sure?" paninigurado nya.

Tumango ako. "Yup. Sige. Ingat." ngumiti ako at tumalikod na.

Narinig ko ang pagsara ni Rhea sa pinto ng kotse habang naglalakad ako palayo.
Malapit lang naman dito ang bahay ni Rhea. Kayang-kaya kong lakarin ng 5 minutes
kung tutuusin. Malapit lang subdivision nila dito at bungad pa.

Umupo ako sa waiting shed habang nag-aantay ng dadaan na taxi. Kaso mukhang na-
endagered sa lugar na to ang taxi lalo na at hating gabi na rin.

Nagulat ako sa pagtigil ng isang pamilyar na sasakyan sa harap ko. Iniluwa nito ang
taong mahal ko.

"Sumakay ka na. I'll drive you home." ani Xander.

Sinilip ko ang passenger seat at nakitang wala na dito si Rhea. Nahatid na nya
siguro.

Umiling ako at ngumiti. "Wag na. Kaya ko namang umuwi."

"Wala kang dalang kotse. Wala ng taxi na dumadaan dito na walang sakay lalo na't
ganitong oras." anya.
"Okay lang. Maghihintay pa rin ako." ngumiti ako at pumadikwatro pa.

Sinara nya ang pintuan ng kanyang kotse at sumandal sa gilid ng waiting shed.
Tinignan ko sya at nakitang nakatingin ito sakin ng mariin. Umiwas ako ng tingin.

"Umalis ka na nga." untas ko.

"I wont leave hanggat nakasakay ka na ng taxi." sabi nya at humalukipkip.

Inirapan ko nalang sya at tumingin-tingin sa mga nagdadaang sasakyan. Pinalo-palo


ko ang aking braso at binti dahil sa pagkagat ng lamok saking balat.

Narinig ko namang suminghap si Xander at isang iglap ay buhat na nya ko papasok sa


kanyang kotse.

"Baba mo nga ako!" pagpalag ko.

"Ayan! Nababa na kita!" anya ng mapasok nya ako sa loob ng kotse saka sinarado ng
pagkalakas ang pinto.

Patakbo syang pumunta sa driver's seat at agad pinatakbo ang kanyang kotse. Hindi
nalang ako kumibo at tumingin nalang sa labas.

Binuksan nya ang radyo at bumungad sa amin ang kantang kinanta nya kanina na
pinakinggan ko rin kagabi.

"Ang ingay." daing ko at pinatay ang radyo.

Ayokong magreminisce ng wala sa oras lalo na at kasama ko sya. Tumingin sya sakin
saka suminghap at nagpatuloy nalang sa pagmamaneho.

Bumaba ako ng kotse at akmang papasok na ng gate nang hindi man lang lumilingon sa
kanya.
"Ehem!" untas nya.

Lumingon ako ng walang gana. "Thanks." sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"Ja, I just wanted to say--"

Hinarap ko sya.

"Ito na ang huling beses na ihahatid mo ko. At simula sayo hanggang sa gate namin
ang magiging pinakamalapit na distansya natin. Kapag tungkol sa kasal nyo ni Rhea
ang pag-uusapan saka ka nalang lumapit sakin." walang prenong sabi ko.

"May sasabihin ka pa?" tumaas ang kilay ko.

Natahimik ata sya at hindi na nagsalita.

"Okay. Bye. Night." sabi ko at nagmadaling pumasok sa bahay.

=================

Chapter 17

Guys! Gusto ko lang ipaalam na hanggang 20 chapters lang ito at epilogue. Yun lang.
:) Thank you.

-------------------------------

Chapter 17

Ampon.

"What's your name?" tanong ko sa batang lalaking nakasalubong ko sa bahay ampunan.


Ang cute saka gwapo nya at mukhang matalino. Sayang naman at iniwanan lang sya dito
ng mga magulang nya.

"Alex po." sagot nito.

"Ilang taon ka na?" nakangiting tanong ko.

"5 years old daw po." sagot nya.

Ngumiwi ako. Bakit may daw?

"Daw?" tumaas ang kilay ko.

"Baby palang daw po ako nung iniwan dito at may kasamang sulat kung ano po ang
pangalan ko at edad. 1 year old daw po ako nun. Kaya po 5 na ko ngayon kasi po apat
na taon na po ako dito." dire-diretsong sagot nya.

Umupo ako sa harap nya at tinignan sya.

"Gusto mo ba akong maging mommy?" nakangiting tanong ko.

Lumawak ang ngiti nya. "Opo."

"Kaso wala kang daddy kasi wala akong asawa." natatawang sabi ko.

"Okay lang po." ngumiti ito.

"Tara. Ayusin ko na papeles mo." humawak sya agad sa kamay ko.

Pumunta na kami sa office ng madreng namamahala dito.


"Sige po. Ako na po bahala sa ibang aasikasuhin sa adoption papers nya." nakangiti
kong sabi.

"Salamat sa pag-ampon sa kanya. Nawa'y maging mabuti kang ina sa kanya." sabi nito.

"Oo naman po. Sige po. Salamat rin." ngumiti ako.

Umalis na kami sa bahay ampunan at papunta na ngayon

sa munisipyo. Tuwang-tuwa sya pagsakay palang ng kotse. Hindi pa daw kasi sya
nakakasakay.

"Malapit ng maging sayo tong kotse na to." sabi ko.

"Talaga po?" nakangiting tanong nito.

"Oo naman." sabi ko at pinark na ang kotse ko sa harap ng musipyo.

Naging madali lang ang proseso ng paglalagay ng apilido kay Alex. Ang birthday nya
ay ginawa kong birthday ni Xander pero yung year nya ng pinanganak ay sinakto ko sa
age nya ngayon.

"Alexander Dantez Manansala." binasa nya ang bagong nyang pangalan.

"Yan ang full name mo tapos nickname mo Alex. Kaya itatawag ko sayo, Alex or Lex.
Yun naman yung pangalan mo talaga diba?" sabi ko.

"Mommy, pwede po bang Xander nalang? Ang ganda po kasing pakinggan." sabi nya.

Napangiti ako dahil tinawag nya kong mommy kahit hindi ko na sinabi sa kanya. Ang
kaso naman ay Xander pa ang gusto nyang itawag ko sa kanya. Pero anong magagawa ko?
He wants that name and all I want is to make him happy.

"If that's what you want." nakangiting sabi ko at pinark na ang kotse sa garahe.
Pinagbuksan ko sya ng kotse at lumabas sya. Tiningala nya ang malaki at matayog
naming bahay.

"Ang laki po." manghang-manghang sabi nya.

Natawa nalang ako. "Masanay ka na. Diyan ka na titira."

Nakita ko ang malawak na ngiti nya.

"Tara akyat tayo sa kwarto mo." sabi ko.

Sa guest room na ang magiging kwarto nya. Medyo may pagkalalaki naman ang kulay
nito at dahil dito rin madalas natutulog si Joaqui nung mga bata kami dati ay
nabahiran na rin ng pagkalalaki ang guest room namin.

"Wow! Ang laki po!" sabi nya at

tumalon-talon sa kama.

Tinignan ko ang kwarto at ang dami kong gustong baguhan. Pinatawag ko ang katulog
namin.

"Ate, patulong naman po. Palabas na po nitong kama na to. Bibili po kami ng bago."
pakiusap ko.

"Sige po mam." sunod nito at bumaba muna.

"Alex, let's go to the mall. Bibili kita ng mga gamit mo." sabi ko.

"Sige po." masayang sabi nito.

Nandito kami ngayon department store. Kakabili lang namin ng kama nya at
pinadeliver na agad sa bahay. Ang mga bagong gadgets ay pinalagay ko muna sa driver
sa kotse. Nagdala na ko ng driver dahil alam kong maraming bibilin.

"Mamili ka ng mga shirts, pantalon at shorts mo. Maghanap ka rin ng gusto mong
pambahay tapos sukatin mo then lagay mo lang sa basket tapos punta na tayo sa
shoes." sabi ko.

Tumango ito at sinunod ang sinabi ko. Matalino nga ito at marunong sumunod. Tama
ang pag-ampon ko sa kanya.

Binayaran na namin lahat ng kinuha nya. Pinapunta ko na rin yung driver at


pinabuhat sa kanya ang ibang plastik ng mga pinamili namin. Pumunta kami ng
havaianas at bumili sya ng tatlong pares ng tsinelas. Sumunod naman ay pumunta kami
ng Nike store para bumili ng sapatos nya.

"Mommy, may size po ba nun?" tanong nya sakin habang tinuturo ang sapatos na
nagustuhan nya.

"Wait lang baby ah? Tatanong natin." nakangiting sabi ko.

Hinanap ko yung clerk at pinalapit ito.

"May size po ba kayo nito para sa kanya?" sabay turo ko sa sapatos at sa anak ko.

Ewan ko pero napapangiti ako pag iniisip kong anak ko nga sya.

"Ano po bang size nya mam?" tanong sakin

nung clerk.

Tinignan ko ang paa ng anak ko. At tinantsa. Medyo may pagkahaba na rin pala ang
paa nito kahit limang taon pa lamang sya.

"Ahmm pa-try ng size 7 or 7.5." sabi ko.

"Sige po. Wait lang po." sabi nito at umalis.


Nilingon ko ulit si Alexander na tumitingin pa rin sa ibang sapatos.

"Pili ka pa anak." nakangiting sabi ko.

Tumango sya at ngumiti saka tumingin ulit ng mga sapatos.

"Ja?!" tawag ng isang babae sakin.

Nakita ko naman si Rhea na nakakapit sa braso ni Xander. Lumapit sila sakin pero
agad huminto si Xander at si Rhea nalang ang tumuloy ng mas malapit sakin.

"Anong ginagawa mo dito? Sinong reregaluhan mo ng men's shoes?" nakangising tanong


nya.

Nakita ko namang napatingin si Xander pero agad ding umiwas ng tingin.

Ngumiti ako. "Wala noh!"

"Weh? Eh ba't ka nandito--"

"Mommy, can I also buy that po?" hinawakan ng anak ko ang kamay ko at tinuro ang
isa pang sapatos.

"Sure. Pag balik nung kumuha ng size mo, sasabihin natin okay?" nakangiting sabi
ko.

"Sige po." ngumiti sya ng malaki.

Napatingin naman ako kay Xander na napalapit na samin na mukhang gulat na gulat
maging si Rhea.
"Anak mo?!" gulat na tanong ni Rhea.

Napatawa ako sa reaksyon ni Rhea.

"Yup. Inampon ko sya kanina. Pinapasyal ko lang at binibili ng mga gamit nya."
nakangiting sabi ko at hinawakan ang balikat ng anak ko.

Bumaling ako sa anak ko.

"Anak, this is your tita Rhea." nakangiting pagpapakilala ko kay Rhea.

"Hello po." ngumiti ang anak ko.

"Hello, little boy. What's your name?" malambing

na tanong ni Rhea.

"Alexander Dantez Manansala. Pero Xander nalang po tawag nyo sakin tita." magalang
na sagot ng anak ko.

Napansin kong medyo nag-iba ang atmosphere ng paligid nang banggitin ni Alexander
ang pangalan nya.

"Ahmm, pwede bang Alex nalang ang itawag namin sayo? Mas maganda yun." sabi ni
Rhea.

Tumingin sakin ang anak ko.

"Mommy, maganda po ba talaga ang Alex?" curious na tanong nito.

"Ikaw bahala anak. Kung ano talaga gusto mo." nakangiting sagot ko.
Ngumiti ito at lumingon ulit kay Rhea.

"Sige po, tita. Alex nalang po." magalang na sabi nito.

"Yun. Alex. Cute naman." nakagiting sabi ni Rhea.

Lumingon naman si Alex kay Xander.

"Is he my daddy, mommy?" tanong nito sabay turo kay Xander.

Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Xander na napangiti. Nakita ko naman na


biglang kumapit si Rhea kay Xander.

"He's my--" magsasalita sana si Rhea pero napigilan ni Xander.

"Yes. I can be your dad. I'm your daddy Xander." nakangiting sabi ni Xander at
lumuhod sa harap ni Alex.

"Xander? Ang galing po. Alex-Xander." tuwang sabi ng anak ko.

Napangiti nalang ako ng ginulo ni Xander ang buhok ni Alex. Pangarap ko to, ang
magkaroon ng masayang pamilya kasama si Xander. Yung aalagaan namin ng masaya ang
magiging anak namin.

"Ito na po yung size." sabay dating nung clerk.

Kukunin ko na dapat ng inagaw ni Xander ito sakin.

"Let me do this for him." ani Xander at sinukat na ang dalawang size ng sapatos.

"7.5 fits him." sabi nya pagkatapos sukatin.


Lumingon ako sa clerk.

"Pati yun po. 7.5 rin." tinuro ko yung isa pang tinuro ng anak ko.

Agad naman nitong kinuha. Pumunta na kami sa counter para bayaran.

"15, 600 pesos mam." ani ng babaeng nasa cashier. "Credit or cash?" dagdag na
tanong nito.

"Cre--"

"Credit." aabot ko na sana ang card ko pero naunahan na ko ni Xander.

"I'll pay for it." baling ni Xander sakin.

"T-Thank you." nauutal na sabi ko.

Nakita ko naman si Rhea na nakatulala lang sa ginawa ni Xander.

"Yay! Thanks po daddy." pagpapasalamat ni Alex nang iabot sa kanya ni Xander ang
paper bag.

"Your welcome." ginulo ulit nito ang buhok ni Alex.

"Ahm, una na kami ah? Gabi na rin. Pagod na siguro si Alex." pagpapaalam ko kay
Rhea at hinawakan ang kamay ni Alex.

"Xander, thanks." baling ko kay Xander.

"Wala yon." ani nito at ngumiti.


Umiwas ako ng tingin at bumaling sa anak ko.

"Tara na baby, magpaalam ka na sa kanila." sabi ko kay Alex.

"Babay po, tita." kumaway si Alex kay Rhea.

Tumakbo naman ito kay Xander. Binuhat ito ni Xander at yumakap.

"Bye po daddy." masayang sabi ng anak ko.

Hinalikan ni Xander ang ulo ni Alex.

"Sige na. Bye. Uwi na kayo ng mommy mo." nakangiting sabi nito kay Alex.

Lumipat naman ang tingin ni Xander sakin. "Mag-ingat kayo, Ja."

Ngumiti nalang ako at tumango saka nagmadaling pumunta sa parking lot para makauwi
na kami.

=================

Chapter 18

Chapter 18

Basketball.

"Alex. Anak." kinatok ko ang kwarto nya.

Walang sumasagot kaya pumasok na ko. Nakita ko syang mahimbing na natutulog habang
balot na balot sa kumot.
Hininaan ko ang aircon at umumupo sa gilid ng kama nya. Pinasadahan ng palad ko ang
kanyang buhok at ngumiti.

"Anak. Gising ka na. Kakain na tayo." sabi ko at ginising na sya.

Unti-unti naman itong namulat at nag-inat. Ngumiti sya ng makita ako.

"Mommy?" tawag nya sakin habang kinukusot ang kanyang mata.

"Maligo ka na tapos magtoothbrush ka. Bumaba ka pagkatapos, kakain na tayo okay?"


nakangiting sabi ko.

"Opo." tumango-tango ito at tumungo na sa walk-in closet nya saka pumuntang banyo.

Agad naman akong bumaba para ayusin na ang hapagkainan.

"Manang, pakilagay na lang po dyan yung mga pagkain." sabi ko at ngumiti.

Agad namang nilagay ni manang lahat ng pinaluto ko para sa umagahan namin ng anak
ko.

"Natutuwa ako at bumabalik ang pagngiti mo ng ganyan. Si Alex lang pala ang sagot
sa lahat." sabi ni manang.

"Oo nga po eh. Ang sarap po pala sa pakiramdam ng maging nanay. Sobrang saya po.
Minsan nga po iniisip ko, pano kaya kung totoong anak ko talaga sya? Siguro walang
katapusan ang kasiyahan ko." nakangiting sabi ko.

"Alam na ba ng mga mama mo ang ginawa mong pag-ampon?" tanong ni manang.

"Opo. Tinawagan ko na po sila kagabi. Hindi daw po nila alam kung nababaliw na daw
po ako o kung ano pero excited na rin

daw po silang makilala ang apo nila." natatawang sabi ko.


"Mabuti naman kung ganon." ngumiti si manang.

Narinig ko namang huminga ng malalim si manang kaya lumingon ako sa kanya.

"Nakabalik ka na ba sa doctor mo?" tanong nito.

"Ahm, oo naman po." I lied.

Wala na kong oras para bumalik sa doctor. Pero it-try kong bumalik dito mamaya para
magpa-check up.

"Mommy." narinig ko ang boses ng anak ko.

"Anak, upo ka na. Kain na tayo." umupo sya sa tabi ko.

"Ang dami naman pong pagkain." masayang sabi ni Alex.

"Of course. Para sa anak ko." nakangiting sabi ko.

Kumain na kami at naglaro ang anak ko sa kwarto nya.

"Alex, aalis lang si mommy sandali ah. Kapag may gusto or kailangan ka, tawagin mo
lang si manang." sabi ko.

Lumingon naman sya sakin at ngumiti. "Opo mommy."

Ngumiti ako at pumunta ng ospital. Pinakita nya sakin ang resulta ng check-up ko.

"Alam kong alam mo na ang ibig sabihin nyan." sabi ng doktor ko.
Tumango ako at ngumiti.

"Ayaw mo pa rin bang--"

"Doc, ayoko po talaga. Wala na rin po naman. Why waste time po diba?" sabi ko.

"Hay nako. Ewan ko sayo. Bahala ka. Pumunta ka nalang ulit dito para matignan
ulit." sabi ng doktor.

Natawa ako. "Sige po. Salamat."

Umalis na ko ng ospital at dumiretso sa office.

"Ja.." boses ni Xander.

Tinigil ko ang pagpipirma ng mga papeles at nag-angat ng tingin sa kanya.

"Bakit?" sabi ko.

"Pakibigay kay Alex." naglapag sya sa table ko ng tatlong paper bag at bola ng
basketball.

"Sige. Salamat." tipid kong sabi at nagbalik na sa pagpipirma ng mga papeles.

"Ahmm, pwede rin bang makasama ko bukas si Alex? Maglalaro lang kami ng basketball
samin. Malapit lang naman." ani Xander.

"Anong oras ba?" tanong ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"Mga hapon. 2:30 or 3. Kung anong oras kayo dumating. Hindi naman ako aalis ng
bahay. Nag-out of town si Rhea." anya.
Tumingin ako at ngumiti. "Sige. Bukas nalang."

"Are you okay?" tanong nya.

"Oo naman. Bakit mo natanong?" sabi ko.

"Namumutla ka." lalapit sana sya pero agad akong nagsalita.

"Wala to. Makakalabas ka na." sabi ko at nagbalik sa pagt-trabaho.

Nakita kong kinuyom nya ang kanyang palad na dapat ay titignan ang temperatura ko.

"S-Sige." anya at lumabas na ng office ko.

Kinuha ko ang salamin ko at nakita kong namumutla nga ako. This is bad.

Kinuha ko ang mga gamot ko at uminom. Agad na rin akong umuwi pagkapirma ko ng mga
papeles na kailangang pirmahan. Dumiretso ako sa kwarto ng anak ko na nakatulog sa
sofa na hawak ang controller ng kanyang PS3.

Ginising ko sya at inalalayan papunta sa kama nya. Agad din syang nakatulog sa
antok. Hinalikan ko ang noo nito. Nilapag ko sa table sa gilid ng kama nya ang
pinabibigay ni Xander sa kanya bago ko lumabas ng kwarto.

Kinabukasan, nagulat ako sa tumatalon-talon sa kama ko. Dumilat ako at nakita ko si


Alex hawak-hawak ang mga paperbag na bigay ni Xander.

"Mommy, pasalubong nyo po?" masayang tanong nya.

Umiling ako. "Pasalubong yan ng daddy Xander mo."


"Si daddy?" masayang sabi nya at binuklat ang mga paperbag.

Merong playing jersey at kung anu-anong pambasketball.

"Pupunta pala

tayo mamaya sa daddy mo. Maglalaro daw kayo ng basketball." nakangiting sabi ko.

"Yay!" tumalon-talon sya sa tuwa at lumabas na ng kwarto ko.

Nang maghapon na ay pumunta na kami kila Xander. Agad sumalubong si Yrene na


niyakap kaagad si Alex.

"Ang cute mo naman! You must be Alex right?" masayang sabi ni Yrene.

Tumango ang anak ko at ngumiti. Lumipat ng tingin sakin si Yrene.

"Ang cute naman ng anak nyo ni kuya!" sabi nito sakin.

Feeling ko ay namula ang pisngi ko sa sinabi ni Yrene. Anak namin ni Xander? Hindi
ko mapigilang mapangiti kapag iniisip kong totoong anak nga namin si Alex.

"Alex! Anak!" napatingin ako sa sumigaw na si Xander na kakababa lang ng hagdan.

"Daddy!" masayang tumakbo si Alex patungo kay Xander.

Binuhat ito ni Xander at ginulo ang buhok nito.

"Namamayat ka ata ate?" baling sakin ni Yrene.

"Stress sa work." pagdadahilan ko.


"Mag-leave ka kaya muna." suggest ni Yrene.

"Malapit na kong leave." ngumiti ako at tinignan ulit sila Xander.

Tumungo sila sa garden. May half basketball court si Xander dun, paniguradong
magbabasketball na sila.

"Sundan ko lang sila ah?" nakangiting sabi ko kay Yrene.

"Sige lang. Maghahanda ako ng meryenda nyo." anya.

"Salamat." sabi ko at ngumiti saka sumunod kila Xander.

Magkaparehas sila ng suot ngayon ni Alex. Nakakatuwa silang tignan. Para silang
totoong mag-ama. Tinuturuan ni Xander na mag-shoot at drible ng maayos si Alex.
Mabilis naman itong nakukuha ng anak ko.

Lumingon at lumapit sakin ang anak ko. "Mommy, let's play."

Hinila ako nito at binigay sakin ang bola. Naglaro kaming tatlo. Takbo dito, takbo
doon. Hinahabol kami ni Xander dahil na samin ni Alex ang bola. Ang saya-saya ko
ngayon. It's like what I've always wanted. I will cherish this moment kasama silang
dalawa. Si Alex at si Xander.

Ilang sandali lang din ay agad akong nakaramdam ng paghirap sa paghinga. Napaupo
ako ng sumama ang pakiramdam ko.

Agad tumakbo sakin si Alex at si Xander.

"Mommy, namumutla ka po.." natatakot na sabi ng anak ko.

"Ja, may sakit ka ba ha?" dinama ng palad nito ang noo ko.
"Wala ka namang lagnat eh!" untas nito na punong-puno ng pag-aalala.

Pinilit kong tumayo ng maayos saka ngumiti.

"Sige na. Ituloy nyo na yan. Uwi muna ko." sabi ko at lumuhod sa harap ng anak ko.

"Dito ka muna kay daddy Xander ah? Uwi muna si mommy. Masakit ulo eh." sabi ko.

Tumango ang anak ko at ngumit.

"Ikaw muna bahala kay Alex." bumaling ako kay Xander at nagmadali na kaagad umalis
bago pa nya ko pigilan.

Agad akong pumunta sa bahay at kinuha ang mga gamot ko saka ininom iyon. Para akong
asong naghahabol ng hininga.

"Jusko kang bata ka, namumutla ka!" halos mapatalon ako sa gulat ng magsalita si
manang.

Lumapit ito sakin at hinawakan ang pisngi ko.

"Nanlalamig ka, Ja." sabi nito.

"Manang, pakisundo nalang po mamaya si Alex kila Xander. Magpapahinga lang po ako.
Excuse me po." sabi ko at umakyat na sa kwarto ko.

Tinignan ko ang picture namin ni Xander na naka frame sa gilid ng kama ko.

"Atleast I get to be happy with you and Alex kahit napagod ako ng ganito." sabi ko
at ngumiti.
=================

Chapter 19

Chapter 19

Pretending.

"1 week, Justine." sabi nito.

Tumayo ako at ngumiti.

"Salamat po sa lahat." sabi ko saka umalis.

Within 1 week rin ay October 8 na. Kasal na nila Xander at Rhea. Wala na talagang
urungan. Nabigay na ang invitations.

Umuwi na ako sa bahay at nakita kong naroon si Xander at Alex na naglalaro ng PS3
sa kwarto ni Alex. Lumingon si Alex sakin at ngumiti.

"Hi mommy!" masayang bati sakin ng anak ko.

Ngumiti ako at umupo sa kama ng anak ko.

"Look mommy, I almost defeated daddy but he still won." sabi ni Alex at ngumuso.

Sa two and a half weeks nyang na sa akin ay tinuturuan at sinasanay ko na syang


mag-English. Ang swerte ko talaga at mabilis syang matuto.

"Maybe your daddy used a cheat." biro ko.

"Hindi ako nandadaya ah." sabi sakin ni Xander. "Wag kang makinig sa mommy mo,
Alex. Hindi kita dinadaya." baling ni Xander kay Alex.
Natawa naman si Alex.

"Defensive si daddy, mommy oh!" tumatawang sabi ni Alex.

Napagdesisyunan na rin namin ni Xander na tanggalin na ang alitan at ilangan naming


dalawa para kay Alex.

"Oo. Defensive talaga yan!" naki-inis na ako kay Xander.

"Pinagtutulungan nyo ko ah!" lumapit si Xander samin at pinagkikiliti kami.

Hindi nanaman ako makahinga sa sobrang tuwa at sa kakatawa. Humiwalay ako sa


kanilang dalawa at hinabol pa rin ang hininga ko.

Lumapit naman sila saking dalawa nang mapansin nila ang paghirap ko sa paghinga.

"Mommy, are you fine?" nag-aalalang tanong ng anak ko.

Tumango ako at ngumiti. I patted his head. Ngumiti

rin naman ito.

"I'll get you water." ani Xander at kumuha ng tubig sa mini ref sa kwarto ni Alex.

Binigay nito sakin kaagad. Ininom ko naman ito.

"Salamat." sabi ko at inabot sa kanya ang baso.

Itinabi nya naman ito kaagad.

"Alex, can you play there muna? May pag-uusapan lang kami ng daddy mo." sabi ko kay
Alex.
"Why mommy? Are you going to make a baby sister?" tanong nito.

Napatawa nalang kaming dalawa ni Xander.

"No, baby. Just go there first and play." sabi ko.

Sumunod naman ito kaagad. Umupo sa gilid ko si Xander.

"Ano ba iyon?" tanong nito.

"I think we should tell Alex about Rhea. Sa kasal mo, malalaman nya rin naman ang
totoo na hindi talaga ikaw ang pwedeng tumayong tatay nya." sabi ko.

Naramdaman kong tumingin sya sakin.

"Bakit naman bigla mong naisipang sabihin yun kay Alex? Pwede namang hindi nalang
kayo pumunta sa kasal para hindi malaman ni Alex." ani Xander.

Tumingin ako sa kanya. Nagulat ako sa sobrang lapit ng mukha namin kaya lumayo ako
bahagya.

"Are you crazy? Kay Rhea ka ikakasal. Ang bestfriend ko. At isa pa, bride's maid
ako kaya hindi pwedeng hindi ako pumunta." sabi ko.

"Eh di iwanan mo nalang si Alex sa bahay." anya.

"Xander, think of it. Malalaman din ito ni Alex sooner or later. Besides,
magkakaroon ka rin ng pamilya with Rhea. Balang araw, hindi mo na rin sya
maaasikaso. I'm planning to call Joaqui para sya na ang tumayong tatay kay Alex.
I'm already thinking of an explanation kay Alex kaya wala na tayong dapat
ikabahala--"

"No! Kahit magkapamilya ako, I'll still put you two, first. Kayo pa rin ang uunahin
ko." untas

nya.

Natigilan ako sa sinabi nya. Is he dumb? Mas pipiliin nya si Alex kesa sa magiging
pamilya nya.

"Hindi ako papayag Xander. I'll tell Alex about it." tumayo ako at tumungo kay Alex
na masayang naglalaro.

Lumuhod ako sa harap nito kaya napatigil ito sa paglalaro.

"Anak, mommy wants to tell you something. But mommy wants you to accept it happily
okay?" panimula ko.

Tumango naman ito. Napatingin ako kay Xander na umiiling.

Huminga ako ng malalim. "Ikakasal kasi si daddy."

Sumaya ang anak ko.

"Ikakasal na po kayo ni daddy?" masayang tanong nito.

Umiling ako. "Hindi sakin. Ang tita Rhea at ang daddy mo ang ikakasal. Not us."

Nakita ko naman ang pagbuo ng luha nito sa mga mata. Agad ko namang niyakap ang
anak ko.

"Shh. Dont cry baby.." pinatahan ko sya.

Yumakap ito pabalik sakin.

"Mommy, I thought daddy loves you. I thought we will be a happy family. I thought
you love each other." umiiyak na sabi nito.

Lumapit naman si Xander at lumuhod din sa harap ni Alex katabi ko.

"I'm sorry anak.." naiiyak na sambit ni Xander.

Alam kong kahit hindi totoong anak ni Xander si Alex ay napalapit na rin ito sa
kanya. Ganon din naman ako. Tinuring na naming parang tunay na anak si Alex.

"Daddy do you know how much mommy loves you? I bet you dont know because you can
hurt her like this and just marry someone." tumakbo ang anak ko pagkalabas ng
kwarto.

Nakalimutan kong kwinento

ko nga pala sa kanya ang failed love story namin ni Xander. At nang tinanong nya
kong mahal ko pa ba ang daddy nya ay hindi na ko nagsinungaling. Alex told me then
na nararamdaman nyang mahal din ako ng daddy nya the way he says my name daw.
Syempre, tumango-tango nalang ako at kunwaring naniwala kahit alam ko ang
katotohanang hindi na.

"I-Is that true? Y-You still love me?" napatingin ako kay Xander na nagsalita.

Tumayo ako at pinilit ngumiti.

"Of course, not." ngumiti ako.

Inayos ko ang laruan ni Alex. Kunti lang naman ang kinalat nya habang nakaluhod pa
rin doon si Xander at hindi nagsasalita.

"Sige na. Uwi ka na. Ako na bahala kay Alex. I'll explain everything to him."
ngumiti ako at lumabas na rin ng kwarto.

Agad kong nakita si Alex sa swing sa garden malapit sa pool. Umupo ako sa tabi
nito. Humihikbi pa rin ito.
"Mommy.." sambit nito.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Yes, baby?" nakangiting sabi ko.

"Kailan po ang kasal ni daddy?" tanong nito.

"Sa Friday. October 8." sagot ko.

"Diba po, it's your anniversary together?" tanong ulit nito.

Natandaan nya pala lahat ng kwinento ko sa kanya.

"Yup. But it will be erased because it will be their wedding anniversary. Magiging
kanila na yung date na yan. It will not be ours anymore." ngumiti ako.

"Mommy, how can you smile when you're in pain? Diba dapat po umiiyak kayo?" nagulat
ako sa tanong nito.

Napaisip ako sa sinabi nya. "I'm good at smiling when I'm in pain. I'm good at
pretending."

"Bakit po kayo nagp-pretend?" ngumiwi sya.

"Kasi mas maganda ng magpanggap ka nalang na masaya para hindi na maging malala ang
problema. Mas magandang kalimutan nalang lahat. At mas maganda kung hindi mo
ipapakitang nasasaktan ka sa taong nakakasakit sayo. Meron kasing instances na
kapag pinakita mong nasasaktan ka, babalik sila sayo kasi naaawa sila sayo. Sino ba
naman may gustong kinaawaan ka kaya ka binalikan diba? Wala naman." ngumiti ako.

"Kung hindi mo na talaga kaya, hold back your tears at magtago ka saka mo ibuhos
ang lahat. Then find someone who can make you happy but dont use them." naalala ko
lang si Joaqui.
"It's the best way, baby. Pretending is the best way."

=================

Chapter 20

Chapter 20

Blank.

October 7. Bukas na ang kasal nila Xander at Rhea.

Pagkatapos kong kausapin so attorney ay wala na akong ginawa kundi umiyak buong
maghapon. Kinakatok na ko ni Alex na umiiyak na rin dahil naririnig nya daw ang
aking paghikbi.

Hinayaan ko nalang ang paghihirap ko sa paghinga. Nasanay na kong ganito ako.

"Joaqui.." tinawagan ko si Joaqui.

"You're still crying till now?" anya sa telepono.

"I'm sorry for everything, Joaqui." humihikbing sabi ko.

"I told you, Ja. Wala kang dapat ipagsorry sa akin." sabi nya.

"Thank you for loving me, Joaqui. I hope you find the real one for you. I love you
so much Joaqui. Thank you for always being here for me. Mahal na mahal kitang
pagong ka. You're my most love friend. Bye." and with that binaba ko na ang tawag.

Ngumiti ako at kinuha ang video cam. Nagvideo ako ng lahat ng gusto kong sabihin
kay Xander na hindi ko kayang sabihin sa kanya ng personal. Buti nalang at may
blank cd ako saka ko binurn ang video ko.
Pinunasan ko ang luha ko at naghilamos. Binuksan ko ang pintuan ko at nakita ko sa
gilid na tumayo ang anak kong nakaupo saka yumakap ng mahigpit sakin.

"Mommy, why are you crying?.." naiiyak na tanong nito.

Lumuhod ako sa harap nito.

"Diba mommy told you na if you cant hold back your tears, make sure that you cried
with no one seeing it? That's what mommy did, she cried with no one seeing her
because

she cant keep the pain anymore." ngumiti ako at pinunasan ang luhang tumulo sa
pisngi ng anak ko.

"Mommy, I dont want to hear you crying anymore.." malungkot nasabi nya.

"This is the last time that mommy will cry like that, baby. Dont worry." sabi ko.

Ngumiti naman ang anak ko.

"Can I ask my baby a favor?" nakangiting sabi ko.

"Opo mommy." tumango-tango sya.

"Can you give this to your daddy Xander after his wedding?" sabay abot ko sa kanya
nung cd.

"Sure mommy." ngumiti sya at kinuha sakin ang cd.

"Another favor." ngumiti ako.

"Ano po yun?" anya.


"Can I sleep with my baby tonight?" ngumisi.

"Yay! Let's go na po to my room." masayang hinila nya ko papunta sa kwarto nya.

Nilagay nya sa study table nya ang cd. Humiga na kami sa kama at pinatulog ko sya.
Nang makatulog sya ay hinalikan ko sya na noo.

"I love you Alexander Dantez Manansala. I'm very happy to be your mom. And I'm
lucky to have you as my son." ngumiti ako and a tear fell from my eyes.

Agad ko itong pinunasan. Humiga na ko at niyakap ang anak ko saka nakatulog.

Kinabukasan, October 8.

The day has finally come. It's now or never.

Maaga akong nag-ayos dahil 8 ng umaga ang kasal nila. Medyo kinapakan ko ang make-
up para hindi masyadong mapansin ang pamumutla ko. Inayusan ko na rin si Alex. Sya
na ang ginawang ring bearer ng daddy nya para sa kanyang kasal. Una'y ayaw pang
pumayag ni Alex pero napapayag ko rin.

"Did you brought the cd with you?" tanong ko.

"Yes mom. It's in my backpack." anya at tumalikod na pinakita pa ang bag nya.

"Good boy." sabi ko.

Bago umalis ay niyakap ko si manang. "Thank you po sa lahat manang." bulong ko at


umalis na kami agad ni Alex.

Nagdala na ko ng driver para makapagbonding kami ng anak ko sa likod. Naglaro lang


kami ng kung anu-ano habang papunta sa simbahan.
Pagkarating namin dun ay ilang sandali rin ay nagsimula na dahil dumating na si
Rhea.

Kapartner ko ngayon si Troy dahil umalis si Juniel sa Singapore para sa trabaho


nito pero sila pa rin ni Troy.

Naglakad na patungo sa harapan ang anak ko. Ilang tao rin ang dumaan bago kami ni
Troy. Kumapit ako sa braso nya at nagsimula na kaming maglakad. Hinigpitan ko ang
pagkahawak ko sa kanya nang makaramdam ako ng pagkahilo. Mahaba rin kasi ang
lalakarin sa laki ng simbahan.

Nakita ko si Xander na naghahantay sa altar. Nakatuon ang tingin nya sakin.


Pangarap ko to, ang maglakad sa aisle at makita sya sa harap ng altar na
naghihintay. Pero hindi ko pinangarap na ibang babae ang hintayin nya. Nagsimula na
akong makaramdam ng kung anu-ano. Nakita ko ang pagtataka nya sa kanyang mukha.

Ngumiti ako and mouthed. "I love you."

Alam kong naintindihan nya dahil sa pagkabigla ng mukha nya. I saw him shed a tear.

Nahirapan ulit ako sa paghinga at sumakit ang puso ko.

Kasabay nito ang pagtulo ng luha ko and everything turns completely blank.

=================

EPILOGUE

EPILOGUE

Nandito na ko sa altar na nagdadalawang-isip kung tatakbo ba ko at isasama sa


pagtakbo si Jaja o itutuloy ko. Nauna kong makitang maglakad ang anak namin, si
Alex. We he came, nagkaroon ulit kami ng closure ni Jaja. I'm so thankful dahil
nangyari yun. All these years, I kept my feelings for her. Yun ang gusto nya, ang
lumayo ako. Wala akong ginawa kundi ipakita sa kanyang masaya ako kasama si Rhea
kahit hindi naman talaga. Alam ni Rhea ang tungkol samin ni Jaja but she pretended
na wala syang alam. All about Rhea and me is a shit. I should marry her for our
company dahil makakabuti ang pamilya nila pero sinabi naman ni papa na pwede akong
magback-out kung gusto ko. Hindi naman daw malaki ang mawawala sakin kung uurong
ako. But still, I taked the risk. Nung sa bridal shower, I meant what I said. If
she said those words, ititigil ko na ang lahat but she refuses to say those words
that I wanted to hear. And still, I pretend.

Sya na ang nakita kong naglalakad papunta rito. She's partnered with my bestfriend,
si Troy. Nasa ibang bansa kasi si Juniel for her work. I saw her na parang nahihilo
or what kaya nag-alala ako bigla. Nagulat ako ng ngumiti sya and she mouthed the
words that I wanted to hear from her. Hindi ko mapigilang maluha. I saw a tear fell
from her eyes to then she collapsed!

"Ja!" sigaw ko at tumakbo kaagad sa kanya.

"Mommy!" narinig ko ring iyak na sambit ni Alex na lumapit sa amin.

"Someone call a fucking ambulance!" sigaw ko.

"I'm on it, Xander."

sabi ni Troy na tumatawag na.

Agad ring dumating ang ambulance.

"Baby, what happened--" hindi ko na pinansin si Rhea at sumakay na kami sa kotse na


dala ni Jaja papunta dito.

Kinuha ko sa driver nila ang susi at sumabay na sakin si Alex na ngayo'y umiiyak.
Hinawakan ko ang kamay ng anak ko.

"You're mommy will be fine. She wont leave us." naiiyak na sambit ko.

Mas umiyak lang si Alex at kinagat ang kanyang labi.

Nang makarating na kami ay agad kaming tumakbo patungo sa emergency room. After 10
minutes ay lumabas naman ang doctor mula rito.
"Relatives of the woman who had a heart attack?" tanong ng doctor.

Napatulala ako sa tanong nya. Heart attack? What is he talking about.

"Pardon, doc?" ngumiwi ako.

"Yung babaeng nakadress na white na kakasugod lang dito. Is she your relative?" mas
klarong sabi nito.

Tumango ako ng mapagtantong si Jaja nga ang tinutukoy nito. Pero heart attack? Pano
sya nagkaheart attack?

"Opo, doc pero heart attack?" nagtataka kong tanong.

"Yes and I'm sad to say that she's already dead.." ani doctor.

Parang sumabog ang buong pagkatao ko pagkarinig ko ng sinabi ng doctor. Si Alex


naman ay yumakap sakin at mas umiyak.

"Daddy...mommy's already dead..." hagulgol nito.

"I'm sorry sir nandahil sa nangyari sa misis nyo. Nagkaroon sya ng, Takotsubo
cardiomyopathy in which there is a sudden temporary weakening of the myocardium.
Because this weakening can be triggered by emotional stress, such

as the death of a loved one, a break-up, or constant anxiety, it is also known as


broken heart syndrome. Stress cardiomyopathy is a well-recognized cause of acute
heart failure, lethal ventricular arrhythmias, and ventricular rupture. Matagal na
syang meron nito but sa nakikita namin ay hindi sya nagpapatreatment that's why her
heart already gave-up." explain nito.

"Again, I'm sorry. We did everything we can." anya at umalis na.

"HINDI PWEDE! HINDI PWEDE!" sigaw ako ng sigaw! Iyak ako ng iyak!
Wala akong nagawa. Napakatanga ko. Dapat ay nung nakikita ko syang nahihirapang
huminga ay pinatignan ko na sya. I'm such a fool.

"Daddy.." niyakap ako ng mas mahigpit ni Alex.

Inuwi ko muna si Alex sa bahay nila. Habang inaayos pa ang burol ni Jaja.

"Daddy, mommy wants me to give it to you when your wedding ends but I think hindi
po tuloy kaya ibibigay ko na." humihikbi pang sabi nito at ibinigay sakin ang cd.

Pinilit kong ngumiti. "Sige na. Go to sleep. Magpahinga ka na."

Niyakap ako nito. "Daddy, dont cry anymore. I know mommy dont want you to be
lonely. That's why I'm not crying anymore because mommy wants me to be always
happy. Goodnight po. I love you." hinalikan ako nito sa pisngi at saka tumungo sa
kama nya.

Plinay ko na ang cd na bigay ni Alex na pinabibigay ni Jaja.

Pinanood ko to at agad bumungad sakin ang nakangiti nyang mukha pero halata ang
pamumula ng mata nito.

"Xander! Baby ko? Mahal ko? Ngayong pinapanood mo to, hindi ko alam kung nandito pa
ba ako sa mundong ito. Gusto ko lang sabihin sayo na mahal na mahal kita at hindi
nagbago yun." nagsimula na syang umiyak.

"Sorry if I

hide about my feelings. Ayoko lang sumingit sa inyo ni Rhea. Ayokong masaktan ang
bestfriend ko. At alam ko na rin ang tungkol sa sakit ko kaya kita pinakawalan.
Alam kong mawawala na rin ako at hindi na ako magtatagal kaya I chose to set you
free. Dahil hindi kita mapapasaya dahil mawawala na rin naman ako.." humagulgol
sya.

Pati ako ay hindi na napigilang umiyak.

"Alagaan mo si Alex ah? Alagaan mo sya. Mahal na mahal ko rin yang si Alex.
Pakisabi na rin sa kanya na sorry kasi agad syang iniwan ng mommy nya. Pakisabi sa
kanyang wag na syang malungkot. Na lagi syang maging masaya at ganon ka na rin! Wag
kang iiyak kundi, mumultuhin kita!"

Napatingin ako kay Alex na mahimbing ng natutulog.

"I love you baby. Happy Anniversary. Goodbye." sabi nya at ngumiti.

With that, namatay na ang video.

"Daddy! Daddy! Wake-up na please! Sabi nyo po, aalis na tayo!" nagising ako sa
batang tumatalon-talon sa kama.

Bumangon ako at nag-inat.

"Wait lang.." humikab ako.

"Bumangon ka na dyan. Kanina ka pa ginigising ng anak natin. Napasarap ata ang


tulog mo." natatawang sabi ng pinakamamahal at napakagandang misis ko.

Walang iba kundi si Justine Michaella Dantez Manansala-Sarmiento.

Saka ko lang napagtantong panaginip lang ang lahat. 11 years ago ay umalis ako at
after 5 years na pananatili ko dun ay umuwi na ko. Si Jaja kaagad ang hinanap ko
pag-uwi ko. Agad ko namang itong natagpuan.

"X-Xander?" maiyak-iyak nyang sambit ng makita nya ako.

"Ja.." sambit ko.

Agad nya akong niyakap at hindi nya mapigilang umiyak.

"I thought hindi mo na ako babalikan. I thought


tuluyan mo na kong iniwan.." umiiyak na sabi nya.

"I will never leave you." sabi ko.

"I'm sorry about what I've done. Ikaw ang pinipili ko Xander. Sa simula pa lang,
ikaw na ang pinili ko..Joaqui's just my bestfriend and he already accepted the
situation na ikaw talaga ang pipiliin ko at ikaw ang mahal ko." anya.

Tumango ako at ngumiti. Pinunasan ko ang luha nyang tumulo sa pisngi.

Kinabukasan nun ay inaya ko sya sa isang resort. Dun ako nagpropose sa kanya.

"Look up." nakangiting sabi ko.

Tumingin naman sya at saktong nakita nya ang fireworks na hinanda ko na


nagsasabing:

Will you marry me, Justine?

Napatingin naman sya sakin na naiiyak.

"Is this true? Magiging Sarmiento na ko?" naiiyak nyang sabi na nakangiti.

Natawa ako sa sinabi nya. "Just say yes. Magiging Sarmiento ka na."

"Ano ka ba?! Tinatanong pa ba yan? Syempre, oo! Yes!" niyakap nya ko.

"Yes!" masayang sigaw ko habang buhat-buhat sya.

After a month ay kinasal na kami. Her dream wedding. Sa Manila Cathedral at


reception ay sa beach. Nag-honeymoon kami sa New Caledonia. Ang ganda pa nga doon.
After 2 months ay nalaman naming 1 month ng buntis si Jaja. Ang saya-saya ko nun
dahil nalaman kong magkakaanak na kami. Bumisita pa nga kaming Baguio para sabihin
kila Troy at Juniel ang balita. Nilibot namin ang school at nagreminisce pa kami.
Binalita naman samin ni Troy na ikakasal na rin sila ni Juniel pagkatapos ng
trabaho ni Juniel sa Singapore.

After 8 months, nanganak na si Jaja. It's a baby boy. Tapos ay umuwi ang bestfriend

nyang si Rhea sa bansa para sa binyag ng anak namin ni Jaja. Nalaman kong kilala
pala ako ni Rhea dahil parehas kami ng university na pinasukan sa States.

Tumungo rin naman ng States si Joaqui at di kalaunan ay umuwi na rin si Rhea. After
a year ay nalaman naming nagkatuluyan na rin pala si Rhea at Joaqui. Tuwang-tuwa si
Jaja ng malaman nyang nagkatuluyan ang dalawang bestfriend nya.

And our life goes on happily. No problems o kung ano man.

"Grabe naman ang misis ko! Goodmorning, baby." hinalikan ko ito sa pisngi.

"Daddy, mamaya mo na lambingin si mommy. We need to go na po!" singit naman ng anak


ko.

Natawa nalang si Jaja.

"Ay nako Alexander Manansala Sarmiento! Lagi ka nalang singit samin ng mami mo."
sabi ko.

"Eh daddy, we need to go na po. Papacheck-up na si mommy diba? I'm so excited na


po!" tumatalon-talon na sabi ni Alex.

"Okay na. Maliligo na si daddy then aalis tayo." sabi ko.

Agad na kong naligo at tumungo na kami sa ob-gyne.

"It's positive Mrs. Sarmiento. You are 2 months pregnant."


"Yay! Mommy is pregnant!" masayang tumatalon-talon si Alex.

"Thank you po doc! Thank you talaga!" hinawakan ni Xander ang kamay ng doctor at
inalog-alog sa sobrang tuwa.

Natatawa nalang ang doctor sa reaksyon ng mag-ama ko.

"Thank you po doc." magalang na sabi ko.

Pumunta kami sa beach house na binili ni Xander. Kasalukuyang naglalaro si Alex sa


mga buhangin.

Niyakap naman ako ng mainit at matipunong katawan ni Xander.

"I never thought na sa lahat ng pagdadaanan natin ay magiging ganito tayo. Na


magkakaroon ng masayang pamilya." sabi ko sa kanya.

"Ako din. I've always dream to have a family like this with you. At ngayon, masaya
tayo. May isang matalino at poging anak na lalaki. At ngayon, nadagdagan pa ng
isa." hinawakan nya ang tiyan nya.

Hinawakan ko rin ang kamay nya para pakiramdaman ang tiyan nya. Parehas kaming
nagkatinginan at ngumiti.

"I love you, baby." anya.

"I love you too, baby." hinalikan ko sya ng isang mabilis na halik.

Sinandal nya ang kanyang ulo saking balikat at masaya naming pinagmasadan ang anak
naming masayang naglalaro.

Kahit anong mangyari at kahit anong problema ang dumaan samin ni Jaja ay may rason
pala talaga kung bakit kami pinagtagpo. Kung bakit sya nasaktan ko dati at napunta
sakin. Dahil kaming dalawa ang para sa isa't-isa.

Lumapit samin ang anak namin at niyakap kaming dalawa ni Jaja.

"I love you mommy, daddy and little baby." sabi ni Alex.

Ngumiti naman si Jaja at hinalikan ang pisngi ni Alex. Napangiti ako dahil
napakaswerte ko sa pamilyang meron ako ngayon.

"No matter what happens, baby. I will always love you and our family. It will
always be you. Still you."

Niyakap ko silang mag-ina ng may malaking ngiti sa labi ko.

-------------------------------

I will now closed this book.

Still You (A Girl In Love Book 2) is now closed.

Thank you sa mga nagbasa. I love you all. Lalo na kay @YellowRanger09. :)

(c) nininininaaa

You might also like