Banghay Aralin Sa Filipino 3 Ikatlong Markahan NC

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Filipino 3

Ikatlong Markahan

I. Layunin:
Natutukoy ang mga salitang magkatugma o magkasintunog.
II. Paksa:
Pagtukoy sa mga salitang magkatugma.
Sanggunian: Filipino 3
Kagamitan : Plaskard, mga larawan, pocket chart.
Pagpapahalaga: Pasasalamat sa biyayang natanggap
Stratehiya: Cooperative Learning

III. Pamamaran
A. Balik Aral
B. Pagganyak:
 Ano ang mararamdaman ninyo kung kayo ay bibigyan ng regalo?
 Ano ang iyong sasabihin sa taong nagbibigay nito?
C. Paglalahad
Ipabasa sa mga bata ang tula

“Ang Relo ni Miko”


Si Miko ay mayroong relo.
Bigay ito ni Lolo
Upang siya ay matuto
Sa oras at minuto
Ang kulay nito ay dilaw
Tuwing gabi ay umiilaw

D. Pagtatalakay
Mga tanong:
1. Tungkol saan ang tula?
2. Sino ang nagbigay nito?
3. Para saan ang relo na ibinigay ni Lolo?
4. Ano ang kulay nito?
5. Ano ang nangyari sa relo tuwing gabi?
6. Ano ang dapat sabihin ni Miko sa kanyang Lolo?

Anu- anong mga salita ang may salungguhit?

Ang mga salitang ito ay mga salitang magkatugma.

Ipabasa sa mga bata ang mga halimbawa sa mga salitang magkatugma.


E. Pagsasanay
A. Pitasin sa puno ang mga salitang katugma sa mga salitang nasa pocket chart.
B. Itaas ang kamay kung ang nakasulat sa plaskard ay magkatugma at X kung
hindi.
C. Hatiin sa dalawang pangkat ang klase at bigyan ng pagsubok ang bawat
pangkat.

IV. Pagtataya

Lagyan ng kahon ang salitang magkatugma o magkasintunog sa salitang nasa


kaliwa.

1. Lobo ( tabo, aso, lata )


2. Tasa ( pato, polo, lasa )
3. Kuting ( manok, pusa, gunting )
4. Araw ( ilaw, papel, lapis)
5. Aklat ( dahoon, maalat, upuan )
6. Payong ( sapa,tasa,talong)
7. Itlog (suklay, bahay, bilog )
8. Pato ( toyo, bato, kama)
9. Kamatis (maasin, matamis, maalat)
10. Pawis ( damit, walis, aklat)

V. Takdang Aralin

Sumulat ng sampung magkatugmang salita.

Prepared by:

MARILYN Q. GARGAR
T-1
Observed by:

JENNY-VI S. AGPALZA CONCEPCION P. PAELMAO


MT-1 MT-1

ERLINDA G. VALDEVIESO
SP-1

You might also like