Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

MODULE 6

FILIPINO SA PILING LARANGAN

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay

inaasahang:
1. Naipaliliwanag ang layon ng Humanidades sa larangan ng pagsulat;
2. Natutukoy ang mga disiplinang kabilang sa larangan ng Humanidades.

PANIMULANG PAGTATAYA
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat kung ano
ang kahulugan sa iyong palagay ng nakasalungguhit na salita.
Pagkatapos, alamin sa diksiyonaryo ang kahulugan ng salita at isulat ito
sa ibabang bahagi. Ikompara ito sa naunang hinulaang kahulugan. Isulat
din kung sa anong larangan ginagamit ang salita.

1. “…Kapag may binubuong komposisyon si Maestro ay itinitipa niya ito sa piano,

isinusulat sa papel, itinitipang muli, binabago, at pinapaulit-ulit ito hanggang sa mabuo
ang kaniyang obra.”
L.G.T. Rubin, “Ang Kapitbahay Kong Higante ng Sining”
Diliman Review,2001
a. Kahulugan: ____________________________
b. Kahulugan sa diksiyonaryo: ______________________________
c. Larangan: __________________________________

2. “… dahil si Plato ay itinuturing na pinakadakilang mapag-isip, hindi lamang ng mga

Griyego kundit pati ng buong kanluran.”
M. Heidegger, What is Called Thinking?, 2004
a. Kahulugan: ____________________________
b. Kahulugan sa diksiyonaryo: ______________________________
c. Larangan: __________________________________

This is intellectual property of Divine Grace Montessori and High School (DGMHS) System. Any
unauthorized reproduction in any form without the consent of DGMHS is punishable by existing laws of
the Republic of the Philippines.
ARALIN 6: PAGSULAT SA LARANGAN NG HUMANIDADES

Ayon kay J. Irwin Miller, “Ang layon ng Humanidades ay ang gawin tayong tunay na tao
sa pinakamataas na kahulugan nito.”

“Hindi kung ano ang gagawin ng tao, kundi kung paano maging tao.” Ito ang
pangunahing layunin ng larangan ng Humanidades. Tao- ang kaniyang kaisipan, kalagayan at
kultura ang binibigyang-tuon sa pag-aaral ng larangang ito.

Binubuo ng mga sumusunod na disiplina ang larangan:

Humanidades

- Panitikan - Pagdidisenyo
- Pilosopiya - Arkitektura
- Sining - Sayaw
- Wika - Palakasan/Isports
- Musika - Relihiyon

Gumagamiit ng lapit na analitikal, kritikal at ispekulatibo ang Humanidades. Sa mga ito

nabibigyan ng pagkakataong suriin ang isang teksto sa paraang sistematiko at organisado.
Analitikal na lapit ang ginagamit sa pag-organisa ng mga impormasyon sa mga kategorya,
bahagi, grupo, uri at mga pag-uugnay-ugnay ng mga ito sa isa’t-isa. Kritikal na lapit naman
kung ginagawan ng interpretasyon, argumento, ebalwasyon at pagbibigay ng sariling opinyon
sa ideya. Gayundin, ispekulatibong lapit naman ang pagkilala ng mga senaryo, mga estratehiya
o pamamaraan ng pagsusuri, pag-iisip at pagsulat.

Ang larangan ng Humanidades ay nagbibigay ng kasanayan sa masining na paggamit ng

wika, ng karanasan sa pagtatasa ng opinyon ng ibang tao, ng kakayahang suriin hindi lamang
ang mensahe ng akda kundi ang nakapailalim nitong kahulugan .

PAGSULAT SA HUMANIDADES
1. Impormasyonal – maaari itong isagawa sa pamamagitan ng mga sumusunod:
➢ Paktuwal na impormasyon bilang background
➢ Paglalarawan – nagbibigay ito ng detalye, mga imahe na dinedetalye sa isipan ng
mambabasa
➢ Proseso – binubuo ito ng paliwanag kaugnay ng teknik
2. Imahinatibo – binubuo ito ng mga malikhaing akda gaya ng piksyon sa larangan ng
panitikan, gayundin ang pagsusuri dito.
Ang pagsusuri ng malikhaing akda ay nagbibigay-tuon sa kung ano ang
mensaheng ipinahahayag at paano nila ito ipinahahayag.

This is intellectual property of Divine Grace Montessori and High School (DGMHS) System. Any
unauthorized reproduction in any form without the consent of DGMHS is punishable by existing laws of
the Republic of the Philippines.
3. Pangungumbinse – pangganyak ito upang mapaniwala o di-mapapaniwalaang
bumabasa, nakikinig at nanonood sa teksto o akda.

PANAPOS NA PAGTATAYA
I. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang metodolohiya at estratehiya ang sa tingin mo ay pinakamadaling

gamiting lapit sa pagsulat sa larangan ng Humanidades? Bakit?
_______________________________________________________________

2. Kung papipiliin ka sa tatlong anyo, batay sa layunin (impormasyonal,

imahinatibo,pamgungumbinse),ano ang pipiliin mo sa iyong pagsulat sa larangan
ng Hmanidades? Bakit?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

II. Maglista ng 5 termino sa disiplinang napili sa larangan ng Humanidades.

Ilagay rin ang kahulugan ng mga ito.
1.
2.
3.
4.
5.

This is intellectual property of Divine Grace Montessori and High School (DGMHS) System. Any
unauthorized reproduction in any form without the consent of DGMHS is punishable by existing laws of
the Republic of the Philippines.

You might also like