Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Pari: Manalangin tayo. Basbasan Mo, + O Panginoon, ang iyong mga lingkod na sina N. at N.

, at pagkalooban
mo sila ng sapat na kabuhayan na sinasagisag ng mga aras na ito sa ikapagkakamit ng buhay na walang hanggan.
Inululuhog namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.
Babasbasan ng pari ang mga singsing at aras ng agua bendita.
Isusuot ng lalaki sa kinauukulang daliri ng babae ang singsing habang kanyang sinasabi:
Lalaki: N., isuot mo ang singsing na ito bilang tanda ng aking pag-ibig at katapatan. Sa ngalan ng Ama, at
ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.
(Isusuout ng babae sa kinauukulang daliri ng lalaki ang singsing habang sinasabi:)

Babae: N., isuot mo ang singsing na ito bilang tanda ng aking pag-ibig at katapatan. Sa ngalan ng Ama, at
ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen..
(Ilalagak ng lalaki ang mga barya/ aras upang ipagkatiwala sa babae habang kanyang sinasabi:)

Lalaki: N., Inilalagak ko sa iyo itong mga aras na tanda ng aking pagpapahalaga at pagkalinga sa
kapakanan mo. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen..
Babae: Tinatanggap ko ang mga ito at nangangako akong magiging iyong katuwang sa wastong paggamit
at pangangasiwa ng ating kabuhayan.
(Ilalagay ng babae ang mga aras sa lalagyang nakalaan para dito.)

Pari: Magsitayo ang lahat. Maaari nang bumalik sa kanilang upuan ang mga ninong at ninang.

Panalangin ng Bayan
Pari: Mga minamahal kong kapatid, tayo’y manalangin para sa Simbahan at sa mga bagong kasal na sa
pamamagitan ng kanilang pag-iisang dibdib ay lumalarawan ang pakikipag-isa ni Kristo at ng Simbahan.
Sa bawat panalangin ay ating itutugon:
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
Gabay: Ipanalangin natin sa Simbahan upang katulad na tapat na esposa ni Kristo ay manatiling itong
tagapagpahayag ng Mabuting Balita para sa kaligtasan at pag-ibig ni Kristo para sa atin. Manalangin tayo
sa Panginoon.
Bayan: Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
Gabay: Ipanalangin natin ang mga naglilingkod sa pamahalaan, nawa’y maging daan sila ng Diyos upang
mapangalagaan ang mga pamilya at ang buhay sa lahat ng paraan. Manalangin tayo sa Panginoon.
Bayan: Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.

Gabay: Ipanalangin natin ang lahat ng pangangailangan ng ating mga kapatid, higit sa lahat iyong mga maysakit,
mga may kapansanan, mga nasa kulang at mga pinabayaan ng kanilang magulang at kamag-anak. Nawa’y
maliwanagan sila upang mabuksan ang ating puso sa pagtugon sa kanilang pangangailangan. Manalangin
tayo sa Panginoon.
Bayan: Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
Gabay: Ipanalangin natin sina N. at N. na ngayon ay pinag-isa sa pag-ibig ng Diyoss. Nawa’y maging masigasig
sila sa pag-aaruga at tapat na mangalaga ng kanilang magiging mga anak. Manalangin tayo sa Panginoon.
Bayan: Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.

You might also like