Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7

Ikatlong Markahan
I.Nilalaman ng Kurikulum, Pamantayan, at mga Kasanayan sa Aralin
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang kasanayang kumunikatibo, pagiging malikhain at kritikal na pag-unawa at
pagsusuri ng mga tekstong pampanitikan sa Panahon ng Pananakop ng Espanya, tekstong impormasyonal
(ekspositori) at balita para sa paghubog ng kaakuhan at pagpapahalagang Pilipino at pagbuo ng teksto sa iba’t
ibang paraan (multimodal) pra sa tiyak na layunin, pagpapakahulugan at target na babasa o awdiyens.
B. Pamantayang sa Pagganap Nakabubuo ng comic book brochure para sa bayograpikal na sanaysay ng isang tauhan sa binasang akda na
isinaalang-alang ang mga element ng biswal at multimodal na may paglalapat ng kasanayang komunikatibo at
etikal na kasanayan at pananagutan.
C. Mga Kasanayan at Layuning Pampagkatuto SUB-DOMEYN: Pag-unawa at Pagsusuri sa mga Tekstong Nasusulat
A. Tekstong Pampanitikan
 Nasusuri ang mga detalye ng teksto para sa kritikal na pag-unawa (PARABULA)
a. Natutukoy ang mahalagang elemento ng parabula;
b. Naiuugnay ang mahalagang kaisipan ng panitikang parabula batay sa karanasan ng tao; at
c. Naisasagawa ang mga gawaing inihanda ng guro gaya ng monologo, tableau at poster-slogan.
D.Nilalaman Tekstong Pampanitikan:
 Parabula (Ang Pulubi)
 Elemento ng Parabula
E.Integrasyon Pagmamalasakit sa kapwa/ Values Education
II.Batayang Sanggunian sa Pagkatuto Grade 7 Filipino Exemplar
www.google.com
www.youtube.com
III.Mga Hakbang sa Pagtuturo at Pagkatuto
A.Pagkuha ng Dating Kaalaman SALITA KO, PUNAN MO!
Sa tulong ng graphic organizer ay itatala ng mga mag-aaral ang mga impormasyong natutuhan batay sa salitang
nasa loob ng kahon.

PANITIKAN

B.Gawaing Paglalahad ng Layunin 1. Panghikayat na Gawain


(Basahin at unawain ang kasabihan na may kaugnayan sa paksang tatalakayin)

“Kung ano ang itinanim , siya ring aanihin”


Gabay na tanong :
1. Ano ang nais ipabatid ng kasabihan ?
2. Anong sitwasyon sa iyong buhay na maiuugnay mo sa kasabihan ?

( Pag-uugnay ng guro sa aktibidad na ginawa sa kasalukuyang aralin)

2. Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Punan ang nawawalang salita sa pamamagitan ng numero katumbas a22y letra upang makabuo ng
kaparehong kahulugan.

1. 9-1- 12- 1-25 = ihandog


2. 11-1-21-14-20-9= piraso
3. 20-18-9-7-15= butil
4. 19-1-12-1-16-9= pera
5. 4-21-11-8-1 = mahirap
Inaasahang sagot:

1. Ialay
2. Kaunti
3. Trigo
4. Salapi
5. Dukha

C.Paglinang at Pagpapalalim Panonoorin ng mga mag-aaral ang parabula na “Ang Pulubi”

Ang Pulubi (PARABULA)

Minsan may dalawang pulubi na nasa lansangan na namamalimos ng barya sa mga nagdaraan. Isang gabi, sila'y
ginising mula sa pagkakahimbing ng isang nakasisilaw na liwanag. At mula sa liwanag na iyon ay may namataan
silang isang pambihirang nilalang.

Maganda ang damit at gawa sa mamahaling bato ang kasuotan nito. Natuwa ang dalawang pulubi. "Ito na
marahil ang hari ang mga hari," ang sabi ng isa. "Tama! Pagkakalooban niya tayo ng kayamanan, at hindi na uli
tayo kailangan pang mamalimos!"

Lumapit nga sa kanila ang hari at sila'y kinausap. "Ano ang maaari ninyong ihandog sa akin?" ang tanong nito.
Nagtaka and isang pulubi. Bakit sila pa ang magbibigay? Ang naisaloob niya.

Samantalang ang ikalawang pulubi ay nagmamadaling nagbukas ng kanyang sako at kumuha ng


pinakamalaking piraso ng tinapay na mayroon siya. "Anong gagawin mo?" ang tanong ng naunang pulubi dito.
"Iaalay ko sa kanya ang pinakamalaki kong tinapay." "Nababaliw ka na ba? At papaano ka?" "Karapat-dapat
lamang ipagkaloob sa hari ang nararapat para sa kanya at ito ang aking gagawin!"

Inalay nga ng pulubing yaon ang malaking piraso ng tinapay. "Ito lang po ang aking maipagkakaloob," ang sabi
pa nito sa hari." Ngunit ito na po ang pinakamalaking bagay sa buhay ko. Nawa'y tanggapin ninyo." Tinanggap
ng hari ang tinapay na alay ng pulubi.

Nang balingan nito ang isa pang pulubi ay nakita nitong nagkukumahog ng naghahagilap ang pulubing iyon sa
paghahanap ng maipagkakaloob. Sa wakas, nakakita rin ito ng pinakamaliit na butil ng mais. Inalay nito sa hari
ang naturang butil ng mais. "Heto lang ang maaari kong ipagkaloob sa inyo," ang sabi pa nito. Iyon lang at
tinanggap iyon ng hari. At bigla ngang naglaho ang liwanag at nawala na rin ang hari. Maya-maya'y may
napansin ang isang pulubi sa buhat-buhat niyang sako. Animo bumigat iyon. Nang buksan niya iyon, laking
gulat niya sa nakita! Sa loob ng sako ay may nakalagay na ginto! Isang malaking piraso ng ginto na 'sing laki ng
tinapay na ipinagkaloob niya sa hari! Napalunok ang isa pang pulubi nang makita iyon. Nang bisitahin din niya
ang kanyang sako, hindi siya nagulat nang makita niyang nakalagay na ginto doon. Gintong 'sing liit ng isang
butil ng mais na ipinagkaloob niya.

MENSAHE:
Kung ano ang itinanim, siyang aanihin. Kung ano ang ipinagkaloob natin sa Diyos ay siya rin nating tatanggapin.
Mga gabay na tanong?
1.) Saan naganap ang kuwento?
2.) Ilarawan ang mga tauhan sa binasang parabula. Isa-isahin ang kanilang katangian.
3.) Paano nagkakaiba ang mga tauhan sa akdang binasa?
4.) Ano ang sinisimbolo ng tinapay sa akda ?Saan mo ito maikukumpara?
5.) Ano ang mensaheng nais iparating ng may akda sa mga mambabasa ?
6. )Nangyayari ba sa tunay na buhay ang mga nagging karanasan ng mga pulubi sa akda? Pangatuwiranan.
Angkop ba ng kinahinatnan ng mga pangyayari sa akda? Bakit?

Pagbibigay input ng Guro

DAGDAG KAALAMAN (FOR YOUR INFORMATION)


ELEMENTO NG PARABULA

TAUHAN –mga taong gumaganap sa mga pangyayari na hango sa banal na bibliya.


TAGPUAN- lugar o ito ang pinangyarihan ng isang kuwento.
BANGHAY- ito ang paglalahad ng pagkasunod-sunod ng mga pangyayari.
ARAL – ito ay ang matutunan ng isang tao matapos mabasa ang kuwento.

Pangkatang Gawain:
Panuto: Pipili ang bawat pangkat ng paksang kanilang tatalakayin tungkol sa parabola “ANG PULUBI” sa tulong
ng mga mungkahing estratehiya.

Paksa: Tauhan at ang kanilang Paksa: Tagpuan sa akda Paksa:Aral ng Akda


katangian Mungkahing estratehiya: Mungkahing estratehiya:
Mungkahing estratehiya : TABLEAU POSTER SLOGAN
MONOLOGO

(Pagtatanghal ng Monologo na (Pagpapakita ng tagpuan sa akda (Paglikha ng Poster Slogan ng


nagpapakita ng mga tauhan at sa pamamagitan ng TABLEAU) aral na nais ipabatid ng akda
kanilang katangian)
Rubrik para sa pangkatang gawain:
Mga Pamantayan 5 3 1
Presentasyon(60%) Napalulutang nang May kakulangan Maraming kakulangan
buong husay ang sa mensaheng sa mensaheng nais
mensahe ng awitin nais ipaabot sa ipaabot sa
sa isinagawang isinagawang isinagawang
presentasyon presentasyon presentasyon
Kooperasyon(30%) Naipamamalas ng Naipamamalas Naipamamalas ng
buong miyembro ng halos lahat iilang miyembro ang
ang pagkakaisa sa ng miyembro pagkakaisa sa
pangkatang gawain ang pagkakaisa paggawa ng
sa pangkatang pangkatang gawain
Gawain
Takdang Oras(10%) Natapos ang Natapos ang Di natapos ang
pangkatang gawain pangkatang pangkatang gawain
nang buong husay gawain ngunit
sa loob ng lumagpas sa
itinakdang oras itinakdang oras

Pagtatanghal ng pangkatang Gawain


Pagbibigay feedback ng gurp sa itinanghal na pangkatang Gawain
Pagbibigay ng iskor sa natatanging pangkat na nagpapakita ng kahusayan sa ginawang pangkatang batay sa
rubriks na ibinigay ng guro.
D.Paglalahat WORD HUNT
Hahanapin ng mga mag-aaral sa loob ng kahon ang mga salitang kukumpleto sa pangkalahatang kaisipan ng aralin
P A R A B U L A F E F A
D G F R D F T H F E G D
G A G A D G Q J H A F W
H F H L D H R J H E F W
J F K Q D K R G D F J T
K F L Q D L N A V W F T
L F Q Q D I K F H E D T
D J L Q L Q L A J F D E
G K L A D W H G K G G E
J L T Q D E T W K F G W
O A L Q G R T W K F G W
M Q A W E R R T D W W E

Ang ____ay isang uri ng panitikang pagsasalaysay na may layuning magbigay ____ sa mga mambabasa sa
pamamagitan ng paggamit ng kwentong ma_______.
Sagot:
1. Ang __ PARABULA__ay isang uri ng panitikang pagsasalaysay na may layuning magbigay _ ARAL sa mga
mambabasa sa pamamagitan ng paggamit ng kwentong MATALINGHAGA.

E.Pagtataya I. EBALWASYON:
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sino ang namamalimos ng barya sa kalsada?


a. Matandang lalaki
b. Matandang babae
c. Bata
d. Pulubi
2. Ang sumusunod ay mga elemento ng parabula, MALIBAN sa:
a. Tauhan
b. Banghay
c. Pelikula
d. Kasukdulan
3. Isang gabi, ginising na paghahambing ng isang nakasisilaw na liwanag, mula sa liwanag ay natamaan ang
isang pambihirang nilalang. Ano ang kasingkahulugan sa pahayag na nakaitalisado?
a. Nilikha
b. Bantog
c. Hamon
d. Dukha
4. Kung ang pabula ay kumakatawan sa mga hayop, ang parabula naman ay mga kuwentong hango sa ________
a. Bibliya
b. Aklat
c. Kuwaderno
d. Laptop
5. Kung may itinanim, may aanihin. Ano ang nais ipakahulugan sa pahayag na nakaitalisado?
a. Pagbabanat ng buto.
b. Maghihintay ng biyaya.
c. Matulog nang mahimbing.
d.Umaasa lamang sa magulang
Inihanda ni: Iniobsebahan ni:

LYCA MIA A. CUANAN FAIDA M. BARILLA


Guro sa Filipino Master Teacher-1

Iniwasto ni: Inilathala ni:

JENYLYN M. CHIONG ULPIANO L. MORALES, JR


Master Teacher-1 Principal-2

You might also like