Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

ARALING PANLIPUNAN 7

Pangalan: Linggo: 3

Seksyon: Modyul: 2

Paksa: Nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya

Layunin: (Most Essential Learning Competencies)

*Nasusuri ang mga salik, pangyayaring at kahalagahan ng nasyonalismo


sa pagbuo ng mga bansa sa Silangan at Timog- Silangang Asya

Panimula (Susing Konsepto)


Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Silangang Asya

Mao Zedong Sun Yat Sen Emperador


Mutsuhito

(https://int.search.myway.com/search/AJimage.jhtml?&n=78684a65&p2=%5E0D%5Echr999%5EBETA02%5E&pg=AJimage&pn=1&ptb=0201C571-7F53-
4364-8A4C-E86DC4DF3835&qs=&searchfor=nationalism+in+east+asia&si=&ss=sub&st=tab&tpr=sbt&trs=wtt&imgs=1p&filter=on&imgDetail=true)
Hindi man tuwirang nasakop ng mga kanluranin, dumanas ng maigting
na imperyalismo ang Silangang Asya lalo na noong ika-8 siglo. Patunay nito ang
ang pagpapatupad ng sphere of influence sa China at ang Open Door Policy
ng Amerika sa Japan. Ang imperyalismong kanluranin sa Silangang Asya ay
nagdulot ng epekto sa kabuhayan, pamahalaan, lipunan, at kultura ng mga
Asyano. Sinikap ng mga Tsino at Hapones na labanan ang imperyalismong
kanluranin dahil sa masamang naging epekto nito sa kanilang pamumuhay.
Ang mithiin nila na maging malaya ang nagbunsod sa pag-usbong ng
nasyonalismo sa Silangang Asya.

Pag-unlad ng Nasyonalismo sa China


Nang matalo ng Great Britain ang China sa Unang Digmaang Opyo
noong 1839-1842 at sa France noong Ikalawang Digmaang Opyo noong 1856-
1860, nawalan ng kontrol ang China sa kanyang bansa. Bunga nito, nilagdaan
ang Kasunduang Nanking (1843) at Kasunduang Tiensin (1858) na naglalaman
ng mga probisyon na hindi patas para sa mga Tsino.
Upang ipahayag ang kanilang pagtutol mula sa panghihimasok ng mga
dayuhan, nagsagawa ng dalawang rebelyon ang mga Tsino. Ito ay ang
Rebelyong Taiping (Taiping Rebellion) noong 1850 at Rebelyong Boxer (Boxer
Rebellion) noong 1900.

Rebelyong Taiping

(http://www.battle-of-qurman.com.cn/e/hist.htm)
Pinamunuan ni Hung Hsiu Ch’uan (Hong Xiuquan) ang Rebelyong Taiping laban
sa dinastiyang Qing na pinamumunuan ng mga dayuhang Manchu. Layunin ng
rebelyong ito na mapabagsak ang dinastiyang Qing upang mapahinto na ang
pamumuno ng mga dayuhan sa kanilang bansa. Hangad din ng rebelyon na
mabago ang lipunang Tsino tulad ng pagkakapantay-pantay ng Karapatan
para sa kababaihan at pagpapalit ng mga relihiyong Confucianismo at
Buddhism sa relihiyong Kristiyanismo.
Napahinto ang rebelyon nang magapi ito ng Dinastiyang Qing sa tulong
ng mga British at French. Ang Rebelyong Taiping ay itinuturing na isa sa mga
madugong rebelyon sa kasaysayan ng China kung saan mahigit sa 20 miyong
Tsino ang namatay.

Rebelyong Boxer

(Beijing Castle Boxer Rebellion 1900 FINAL courtesy copy.jpg)


Ang Rebelyong Boxer ay nagsimula noong 1899 dahil sa paghihimagsik
ng mga miyembro ng samahang I-Ho Ch’uan o Righteous and Harmonious Fists
na may kasanayan sa gymnastic exercise. Bukod sa pagtuligsa sa korapsyon,
layunin ng rebelyon na patalsikin ang lahat ng mga dayuhang nasa China.
Pinaslang nila ang misyonerong Kristiyano at mga Tsino na naging deboto
ng relihiyong Kristiyanismo. Mula sa probinsya, kumalat ang rebelyon hanggang
sa Peking sa Beijing. Upang maprotektahan ang kani-kanilang mga
mamamayan at masupil ang rebelyon, nagpadala ng mahigit 2,100 na mga
sundalo ang Amerika, Britanya, Russia, France, Italy at Japan. Nagapi ang mga
boxers at nabawi ng mga imperyalista ang Peking noong Agosto 14, 1900.
Dahil sa pagkabigo ng Rebelyong Taiping at Boxer, nagpatuloy ang
pamamahala ng mga dayuhan sa China. Nang mamatay si Empress Dowager
Tzu Hsi noong 1908, lalong lumala ang sitwasyon ng kahirapan sa China. Si Henry
Puyi ay itinuturing ng mga kanluranin na huling emperador ng dinastiyang Qing
(Manchu) at itinuturing din na huling emperador ng China ng reporma.

Mga Ideolohiya sa China


Demokrasya sa China
Ang pagbagsak ng dinastiyang Manchu ang nagwakas sa paghahari ng
mga dinastiya sa China. Naging malaking hamon sa mga Tsino ang pagpili sa
mga mamumuno kahalili ng mga emperador.
Sa panahong ito ng kaguluhang pampolitika at kawalan ng pagkakaisa
nakilala si Sun Yat Sen na nakapag-aral sa Hawaii at Hongkong Medical School.
Isinulong niya ang tatlong prinsipyo:
1. San min-chu-I (nasyonalismo)
2. Min-tsu-chu-I (demokrasya)

3. Min-sheng-chu-I (kabuhayang pantao)


Binigyan-diin ni Sun na ang pagkakaisa ng mga Tsino ang susi sa tagumpay
laban sa mga imperyalistang dayuhan. Naging ganap ang pamumuno ni
Sun nang pamunuan niya ang mga Tsino sa pagpapatalsik sa mga Manchu
sa naganap na Double Ten Revolution noong Oktubre 10, 1911. Tinawag
itong Double Ten dahil naganap ito sa ikasampung araw ng ikasampung
buwan ng taon. Sa araw na ito din naitatag ang bagong Republika ng
China. Dahil sa tagumpay na ito, itinalaga si Sun bilang pangulo ng bansa
noong Oktubre 29, 1911 kung saan tinagurian siyang “Ama ng Republikang
Tsino”. Itinitag ni Sun ang Partido Kuomintang o Nationalist Party. Naging
batayan ng pamumuno ni Sun ang paggamit ng konsiliasyon (conciliation)
at pagkakasundo (compromise) upang maiwasan ang alitan at maisulong
ang kaunlaran ng bansa. Naniniwala rin siya na dapat pagtuunan ng pansin
ang regulasyon ng puhunan (regulation of capital) at pantay-pantay na
pag-aari ng lupa (equalization of land ownership). Hindi naniniwala si Sun na
kailangan ang tunggalian ng mga uri o class struggle upang makamit ang
pagkakaisa, kaayusang panlipunan, at kaunlarang pang-ekonomiya.
Nang mamatay si Sun Yat Sen noong Marso 12, 1925, humalili si Heneral
Chiang Kai-Shek bilang pinuno ng Partido Kuomintang kung saan
ipinagpatuloy ng Kuomintang ang pagkikipaglaban sa mga warlords
(nagmamay-ari ng lupa na may sariling sandatahang lakas). Matapos
magapi ang mga warlords, hinarap ng Kuomintang ang isa pang kalaban –
ang pagpasok ng katunggaling ideolohiya sa China-ang komunismo na
ipinalaganap ni Mao Zedong.

Ideolohiyang Komunismo sa China

Pangalan: Sun Yat-Sen Pangalan: Mao Zedong


Araw ng Kapanganakan: Araw ng Kapanganakan: Disyembre
Nobyembre 12, 1886 26, 1893
Lugar: Guangdong Lugar: Hunan
Edukasyon: Medicine, Edukasyon:
Hongkong Medical School Education, Fourth Normal School of
Ideolohiya: Demokrasya Changsa
Partido: Kuomintang Ideolohiya: Komunismo
Taguri o Pagkakakilanlan: Partido: Kunchantang
Ama ng Republikang Tsino Taguri o Pagkakakilanlan: Ama ng
Araw ng kamatayan: March Komunismo sa Tsina
12, 1925 Araw ng kamatayan: March 12, 1925
Ideolohiyang Komunismo sa China
Ang pagpasok ng ideolohiyang komunismo sa China ay nagsimula noong 1918.
Naging tanyag ang komunismo sa China sa pamumuno ni Mao Zedong. Galing
sa pamilya ng magbubukid sa probinsiya ng Hunan. Isinulong niya ang prinsipyo
ng komunismo tulad ng tunggalian ng uring manggagawa o proletariat laban
sa uri ng kapitalista o bourgeois. Sa tunggalian na ito, naniniwala ang mga
komunista na mananaig ang mga manggagawa at maitatag ang isang
lipunang sosyalista. Sa lipunang ito, ang estado ang siyang hahawak sa lahat
ng pag-aari ng bansa.
Upang ganap na maisulong ang kanilang ideolohiya, itinatag ni Mao
Zedong kasama ang iba pang komunistang Tsino ang Partido Kunchantang
noong 1921. Lalo pang lumakas ang komunistang Tsino sa pagdating ng Russia
advisers sa Canton. Lumalaganap ang ideolohiya hindi lamang sa mga
pangkaraniwang mga magsasaka at mangagawa kundi pati na rin sa mga
opisyal ng pamahalaan at sa grupo ng mga edukadong Tsino. Maraming Tsino
ang yumakap sa komunismo. Sa mga panahong pumasok ang ideolohiyang ito
ay unti-unti nang nawawala ang tiwala nila sa pamumuno ni Chiang Kai-Shek
dahil sa laganap na katiwalian sa pamahalaan at malawakang kahirapan na
dinaranas sa bansa. Nabahala si Chiang kai-Shek sa lumalakas na impluwensiya
ng komunismo sa China. Iniutos niya ang paglulunsad ng kampanyang militar
laban sa mga komunista. Maraming komunista ang hinuli, pinahirapan at
napatay. Hindi lahat ng mga komunista ay nahuli. Pinamunuan ni Mao Zedong
ang mga nakaligtas ng Red Army, tawag sa mga komunistang sundalong Tsino,
at sila ay tumakas patungo sa Jiangxi. Tinawag itong long march dahil sa
kanilang nilakbay na may layong 6,000 milya. Umabot ito ng isang taon kung
saan marami ang namatay dahil sa hirap, gutom, at patuloy na pagtugis ng
mga sundalo ni Chiang Kai-Shek. Pansamantalang natigil ang puwersa nina
Chiang Kai-Shek at Mao Zedong dahil sa banta ng pananakop ng mga
Hapones.
1931 1936 1942 1949 1949 1949
Ikalawang nabuo ang
Digmaang United Front. nagwakas nagwagi ang
China-Japan. nagkaisa ang ang mga tumakas ang dahil sa
binomba ng mga Ikalawang komunista mga pagtatatag ng
mga komunista at Digmaang laban sa mga nasyonalista People's
Hapones ang nasyonalista Pandaigdig. nasyonalista. sa Republic of
China. upang nahinto na itinatag ni pamumuno China,
nasakop ng harapin ang rin ang Mao Zedong ni Chiang
pananakop
napalayas ng
Japan ang pananakop ang People's Kai-Shek sa
malaking ng mga mga
ng mga Republic of Taiwan at komunista
teritoryo ng Hapones. Hapones sa China noong itinayo ang
China. China. ang mga
Oktubre 1, Republic oif kanluranin at
1949 China muli ay
nakamit ng
China ang
kaniyang
kalayaan

Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Japan


Magkatulad at magkaiba ang naging pakikitungo ng mga Tsino at
Hapones sa mga kanluranin. Magkatulad dahil noong una parehas nilang
isinara ang kanilang bansa at daungan mula sa mga kanluranin. Subalit
nagkaiba ang naging pagtugon ng dalawang bansa sa banta ng
imperyalismo. Patuloy na naging sarado ang China na nagresulta sa sapilitang
pagpasok ng mga kanluranin sa pamamagitan ng digmaan. Sa kabilang
banda, tinanggap ng Japan ang mga kanluranin nang hilingin nito na
ipatupad ang Open Door Policy noong 1853. Sa panahon na ito umusbong ang
damdaming nasyonalismo ng mga Hapones. Ipinakita ito ng mga Hapones sa
kabila ng pananatili ng mga kanluranin sa kanilang teritoryo. Ito ay pinasimulan
ni Emperador Mutsuhito na siyang namuno sa panahon na kilala bilang Meiji
restoration.

Ang Modernisasyon ng Japan: Panahon ng Meiji Restoration


Nakita ni Emperador Mutsuhito ang maaaring maging epekto sa Japan
kung patuloy silang magpumilit na isara ang bansa mula sa mga kanluranin.
Natuto siya mula sa karanasan ng China sa pakikidigma nito sa mga kanluranin.
Bagama’t handang lumaban para sa kanilang bansa, maraming mga
inosenteng mamamayan ang madadamay. Bukod pa dito, batid nilang
mahihirapan silang Manalo sa digmaan dahil sa lakas ng puwersang pandigma
ng mga kanluranin.
Nang tanggapin ng mga Hapones ang mga kanluranin sa bisa ng
kasunduang Kanagawa ay naging pinuno ng Japan si Emperador Mutsuhito.
Tumagal ang kaniyang pamumuno mula 1867 hanggang 1912. Siya ang
naglilipat ng kabisera ng Japan sa Edo (Tokyo) . Bukod sa paglilipat ng kabisera,
nakilala si Matsuhito dahil sa kaniyang pagyakap sa impluwensiya ng mga
kanluranin na kaniyang ginamit upang mapaunlad ang Japan. Ilan sa mga ito
ay ang sumusunod:
1. Edukasyon – nagpatupad ng compulsory (sapilitang) edukasyon sa
elementary; nag-imbita ng mga mahuhusay na guro mula sa ibang
bansa; at ipinadala ang mga iskolar na Hapones sa ibang bansa.
2. Ekonomiya – nagtungo sa United States at Europe upang matutuhan
ang paraan ng pagnenegosyo at pagpapaunlad ng ibat ibang
industriya. Nagpagawa ng mga kalsada, tulay, linya ng kuryente na
nagpaunlad sa Sistema ng komunikasyon at transportasyon.
3. Sandatahang Lakas – pinalakas ang sandatahang lakas sa
pamamagitan ng pagpapagawa ng makabagong barko at
kagamitang pandigma. Isinaayos ang pagsasanay ng mga sundalong
Hapones.

Modernisasyon ng Japan
Tinularan ng mga Hapones ang paraan ng pamumuhay ng mga
kanluranin na makakatulong sa kaniyang pag-unlad. Ilan sa mga ito
ay sumusunod:

Bansa Natutuhan
Germany Sentralisadong pamahalaan, ginawang modelo ang
konstitusyon nito
England Kahusayan at pagsasanay ng mga sundalong British
United States Sistema ng edukasyon

Ipinadala ng pamahalaan ng Japan ang kaniyang mga iskolar sa Europa


at Amerika upang matuto ng makabagong kaalaman at kaisipan sa
pamamahala, kalakalan at pakikidigma. Tinularan din ng Japan ang
pagpapaunlad ng industriya na ginawa ng Estados Unidos at mga kanluraning
bansa. Hindi naglaon naging isang maunlad at makapangyarihang bansa ang
Japan. Nagsimula na rin siyang manakop ng ibang lupain upang matugunan
ang kaniyang mga pangangailangan. Ilan sa kaniyang mga nasakop ay ang
Korea, bahagi ng Russia, China at Pilipinas.

Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Timog-Silangang Asya

Rizal Bonifacio

Ho Chi Minh

Sukarno

Nasyonalismo sa Indonesia

Umunlad ang nasyonalismong Indones dahil sa paghahangad na matigil


ang mga hindi makatarungang patakaran ng mga mananakop na Dutch.
Nagsimula ang pakikibaka ng mga Indones noong 1825. Sa taong ito, ay
pinamunuan ni Diponegoro ng Java ang isang malawakang pag-aalsa. Noong
1930 nalupig ng mga Dutch ang puwersa ni Diponegoro.

Mga Makabayang Samahan sa Indonesia


Samahan Taon ng Kilalang Layunin
Pagkaka Pinuno
tatag

Budi 1908 Mas Layunin nitong maipakilala ang


Utomo Wahidin mayamang kultura ng Java at mabigyang
Sudirohus Karapatan sa edukasyong kanluranin ang
odo mga Indones.
Sarekat 1911 Omar Itinatag upang maisulong ang kabuhayan
Islam Said ng mga Indones. Binibigyang-diin ang
Tjokroami political na kalagayan ng Indonesia.
noto

Indonesia 1920 Naghangad ng Kalayaan mula sa mga


n Dutch. Namuno sa pag-aalsa noong 1926
Communi at 1927. Parehong nabigo ang pag-aalsa
ts Party na makamit ang Kalayaan ng kanilang
bansa.

Indonesia 1919 Sukarno Paglaban sa mga mapaniil na patakaran


n ng mga Dutch. Naniniwala sila na matitigil
Nationalis ang mga patakaran na nagpapahirap sa
t Party kanilang kababayan kung makakamit ang
Kalayaan mula sa mga Dutch.

Ang mga nabanggit na samahan ang nanguna sa pagpapamalas ng


nasyonalismong Indonesian. Kinakailangan nilang makipaglaban sa
pamamagitan ng paghihimagsik upang makamit ang Kalayaan. Maraming
Indones ang namatay dahil na rin sa malakas na puwersa ng mga Dutch.
Ganap na nakamit ng mga Indonesian ang kalayaan dahil sa isang
matagumpay na rebolusyon na kanilang inilunsad matapos ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Nagpalabas si Sukarno ng dektrito noong Agosto 17,
1945 na nagdedeklara ng kasarinlan ng Indonesia.

Nasyonalismo sa Burma
Tulad ng China, nagsimulang mawala ang Kalayaan ng Burma bunga ng
pagkatalo nito sa digmaan laban sa mga British. Nilagdaan ang Kasunduang
Yandabo na naging dahilan ng tuluyang pagkontrol ng Great Britain sa teritoryo
ng Burma. Isa sa mga hindi matanggap ng mga Burmese ay nang gawing
lalawigan lamang ng India ang Burma. Hinangad ng maraming Burmese na
maihiwalay ang kanilang bansa mula sa India. Magaganap lamang ito kung
sila ay lalaya mula sa pananakop ng mga British. Ang paghahangad na
lumaya ang nagtulak sa mga Burmese na ipahayag ang kanilang damdaming
nasyonalismo.
Ang pagpapahayag ng damdaming nasyonalismo sa Burma ay
nagsimula noong 1900s sa pamumuno ng mga edukadong Burmese na
nakapag-aral sa loob at labas ng bansa. Bagamat binigyan ng pagkakataon
ng mga British na maging bahagi ng lehislatura ang mga Burmese, hindi ito
naging sapat upang maisulong ang kapakanan ng Burma. Nagpatuloy ang
pakikibaka ng mga Burmese sa pamamagitan ng rebelyon at pagtatatag ng
mga makabayang samahan.

Nasyonalismo sa Indochina
Bunga ng pagkakaiba ng kanilang lahi at kultura, hindi nakamit ng mga
taga-Indochina ang pagkakaisa upang labanan ang mga mananakop na
kanluranin. Ang mga Vietnamese ay nagpakita ng damdaming nasyonalismo
sa pamamagitan ng pakikidigma sa mga kanluranin. Nagkaroon ng malaking
epekto sa Kalayaan ng Indochina ang Ikalawang Digmaan Pandaigdig dahil
sa pagkakasangkot ng France na siyang nakasakop sa bansa.

Indochina Bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig


 Nasakop ng Japan ang Indo-China dahil sa pagkatalo ng France sa
Germany.
 Hinimok ng Japan ang mga namumuno sa Indo-China na ideklara ang
Kalayaan
 Idineklara ang Kalayaan ng Indo-China nina Emperador Bao Dai ng
Vietnam, Haring Norodom Sihanouk ng Cambodia at Haring
sisavang Vong ng Louangphrabang.

Indo-China Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig


 Nakipaglaban si Ho Chi Mihn sa Hilagang Vietnam laban sa mga Tsino
at British
 Nahati ang Vietnam sa 17th parallel. Nabuo ang Hilagang Vietnam na
pinamunuan ni Ho Chi Minh at ang timog Vietnam sa pamumuno ni Bao
Dai. Naging magkatunggali ang dalawang Vietnam dahil sa
pagkakaiba ng ideolohiya. Ang Hilagang Vietnam ay sumusuporta sa
komunismo samantalang ang Timog naman ay naniniwala sa
demokrasya. Nauwi ang hidwaan sa digmaan na kilala bilang Vietnam
War na nagsimula noong 1945. Sinuportahan ng USA ang Timog Vietnam
subalit naging madugo at magastos ito para sa Amerika. Nagwagi ang
Hilagang Vietnam at naging isang bansa na lamang ito noong 1975.
 Ipinahayag ng Laos ang isang malayang bansa

Pagkamit ng Kalayaan ng Burma


1. Rebelyong Saya-San

Si Saya-San ay isang monghe at physician na naghangad ng mas


maayos na pamumuhay para sa kaniyang mga kababayan. Pinamunuan niya
ang serye ng rebelyon laban sa mga British mula 1930 hanggang 1932. Nagapi
ng malakas na puwersa ng mga British ang rebelyon.

2. All Burma Students’ Union


Tulad ng Rebelyong Saya-San hangad din ng All Burma Students’ Union
na makamit ang Kalayaan ng Burma. Tinatawag na thankin ang mga
miyembro ng samahang ito na ang ibig sabihin ay master. Isinulong nila
ang kanilang mga hangarin sa pamamagitan ng demonstrasyon at rally.

3. Anti-Facist People’s Freedom


Nang masakop ng Japan ang Burma noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, sinamantala nila ito na ideklara nila ang kanilang kalayaan
mula sa Great Britain. Muli silang nakipaglaban upang mapalayas ang
mga Hapones. Itinatag ni Auing San ang Anti-Facist People’s Freedom
League. Nakipagtulungan ang samahan sa hukbo ng allied Powers at
napatalsik ang mga Hapones. Itinalaga si Auing San bilang punong
ministro ng Burma noong 1947 subalit hindi niya nasilayan ang bunga ng
kanyang pakikipaglaban para sa kalayaan dahil siya ay namatay noong
Hulyo 19, 1947 bago ideklara ang kasarinlan ng Burma. Ang kanyang
kasamahan na si U Nu ang pumalit sa kaniya bilang punong ministro.
Noong 1951, nahalal si U Nu bilang pangulo ng bansa at naulit ito noong
1956.

Nasyonalismo sa Pilipinas
Nasakop ng Espanya ang Pilipinas sa loob ng 333 taon. Sa pamamagitan
ng mga patakarang pangkabuhayan, pampolitika at pangkultura,
naapektuhan ang pamumuhay ng mga Pilipino. Marami ang naghirap dahil sa
mga hindi makatarungang pagpapataw ng buwis at pagkamkam sa mga ari-
arian at mga aning produkto ng mga Pilipino. Nabago rin ang kultura ng mga
Pilipino dahil sa pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo. Naging laganap
din ang racial discrimination sa pagitan ng mga Kastila at mga Pilipino na
tinawag na mga Indio. Nawalan ng karapatan at kalayaan ang mga Pilipino na
pamunuan ang sariling bansa at naging sunud-sunuran na lamang sa mga
Kastila.
Nagkaroon ng mga pag-aalsa sa pagitan ng Ika-16 hanggang sa unang
bahagi ng ika-19 na siglo subalit lahat ay nabigo. Ilan sa mga naging dahilan ay
ang mas malakas na armas ng mga Kastila, kawalan ng damdaming
makabansa na mag-uugnay at mag-iisa laban sa mga mananakop, at ang
pagtataksil ng ilang Pilipino.
Sa pagpasok ng ika-19 na siglo, nagkaroon ng malaking pagbabago sa
ekonomiya at lipunang Pilipino ng mabuksan ang Pilipinas sa pandaigdigang
kalakalan sa pamamagitan ng Galleon Trade. Pumasok ang mga produktong
kanluranin at nakarating sa Europa ang mga produkto galing sa silangan tulad
ng pampalasa, asukal, kopra, trabako at iba pa. Dahil dito, umusbong ang
panggitnang uri na galing sa mga mayayamang Pilipino, mestisong Tsino at
Kastila. Karamihan sa mga anak ng mayayamang Pilipino ay nakapag-aral sa
mga kilalang unibersidad sa PIlipinas at maging sa Espanya. Ang grupong ito ay
tinawag na mga ilustrado. Pinasimulan ng mga ilustrado ang pagpapamalas
ng nasyonalismong Pilipino sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga kilusan
tulad ng Kilusang Propaganda. Umusbong ang damdaming makabansa
hanggang maitatag ni Andres Bonifacio ang isang sekretong samahan, ang
Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Nang mabunyag ito, nagsimula ang
himagsikan laban sa mga Kastila hanggang noong Hunyo 12, 1898, idineklara ni
Aguinaldo ang Kalayaan ang Pilipinas at siya ang nahalal na unang pangulo
nito. Subalit nang masakop ang bansa ng mga Amerikano, nagpatuloy ang
digmaan hanggang malapit nang mapasakamay ng mga Pilipino ang
pamumuno ng bansa ay sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Pinamunuan ng mg Hapones ng ilang taon ang bansa hanggang mabawi ito
ng mga pinagsanib na puwersa ng mga Amerikano at mga Pilipino.

Gawain 1:
Panuto: Punan ng angkop na datos ang dayagram tungkol sa Pag-unlad ng
Nasyonalismo sa Silangang Asya.
Bansa Mga Salik sa Pag- Paraan ng pagpapamalas
unlad ng ng Nasyonalismo
Nasyonalismo

China

Silangang
Asya

China

Gawain 2
Panuto: punan ng mga impormasyon ang talahanayan. Gawin ito sa sagutang
papel.
Nasyonalismo sa Timog Silangang Asya

Bansa Mga salik na Paraan ng


Nagpaunlad sa Pagpapamalas ng
Nasyonalismo Nasyonalismo

Pilipinas
Indonesia
Indo-China
Burma (Myanmar)
Gawain 3
Panuto: Ihambing ang pagkakatulad at pagkakaiba ng paraan ng
pagpapakita ng nasyonalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya.
Punan ng tamang impormasyon ang talahanayan.

Nasyonalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya


Rehiyon Pagkakatulad Pagkakaiba
Silangang Asya

Timog-Silangang Asya

You might also like