Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

REGIONAL ASSESSMENT TEST


Araling Panlipunan 7

Pangalan: _______________________________ Petsa:___________________


Baitang/Seksiyon: _____________________ Iskor : __________________

Panuto: Basahin nang may pang-unawa ang mga tanong sa


ibaba. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod na grupo ng mga bansa ang kabilang sa Silangang


Asya?
A. Afghanistan, Bangladesh, India, Nepal, Pakistan
B. China, Japan, North Korea, South Korea, Taiwan
C. Malaysia, Myanmar, Philippines, Thailand, Singapore
D. Azerbaijan, Kazakhstan, Mongolia, Tajikistan, Turkmenistan

2. Ang Asya ay binubuo ng limang rehiyon batay sa paghahating heograpikal.


Paano isinasagawa ang paghahating ito?
A. Isinasaalang ang sukat at lawak.
B. Depende sa antas ng pagsulong at pag-unlad ng bansa.
C. Gamit ang batayang pisikal,kultural,historikal at politikal.
D. Ayon sa klima at behetasyon na nararanasan ng bansa.

3. Ang Hilagang Asya ay may pisikal na katangian na malalawak na damuhan o


grassland. Alin sa mga sumusunod na uri ng damuhan ang pinagsamang
damuhan at kagubatan?
A. Prairie C. Steppe
B. Savanna D. Taiga

4. Ang mga rehiyon sa Asya ay may magkakaibang uri ng klima bunsod ng iba-
ibang salik. Ang mga lugar sa Kanlurang Asya ay bihira ang ulan at sa Hilagang
Asya ay may mahabang taglamig at maikli ang tag-init. Ano naman ang
katangian ng klima mayroon sa Timog Asya?
A. Iba-iba ang klima sa loob ng isang taon
B. Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao.
C. Ang mga bansa sa rehiyon ay nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw
at tag-ulan.
To send feedback
regarding any of
our services,
kindly scan the
QR Code.

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 Email Address: region3@deped.gov.ph
Website: https://region3.deped.gov.ph/
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

D. May mainit na panahon sa mga lugar na nasa mababang latitude at may


mga bahagi ng rehiyon na nababalutang ng yelo

5. Sa hilagang bahagi ng hangganan ng Asya matatagpuan ang Arctic Ocean, sa


silangan naman ang Pacific Ocean, at sa timog naman ang Indian Ocean. Ano
ang pinatutunayan ng katangiang ito ng Asya?
A. napaliligiran ng apoy C. napalilibutan ng anyong lupa
B. napalilibutan ng hangin D. napaliligiran ng anyong tubig

Para sa mga bilang 6-8, suriin ang talahanayan sa ibaba tungkol


sa mga likas na yaman ng mga rehiyon sa Asya.

Rehiyon sa Asya Mga Likas na Yaman


Hilagang Asya ginto, natural gas, langis, phosphate, trigo,
palay,
barley, bulak, baka, tupa
Kanlurang Asya Langis, petrolyo, natural gas, tanso, bauxite,
zinc,
magnesium, phosphate, trigo, barley, palay,
bulak, mais, tabako, dates, dalandan
Silangang Asya Palay, mais, mulberry, antimony, magnesium,
tungsten, karbon
Timog Asya palay, mais, trigo, jute, tubo, gulay, bakal,
karbon, batong apog, natural gas, langis, tanso,
asin, gypsum, mahogany, palm, punong
ebony,
satinwood,
Timog-Silangang apitong, teak, yakal, lauan, kamagong, ipil,
Asya pulang narra, mayapis, langis ng niyog, kopra,
palay, bulak, mais, kalabaw, baka, baboy,
kabayo, kambing,
manok, langis, natural gas, liquefied gas

6. Ayon sa mga datos sa talahanayan, ano ang dalawang pangunahing yamang


mineral ng mga rehiyon?
A. Ginto at langis C. Langis at natural gas
B. Ginto at natural gas D. Langis at petrolyo
7. Batay sa talahanayan, ano ang pangunahingpananim ng bawat
rehiyon?
A. Palay at barley C. Palay at mais To send feedback
regarding any of
B. Palay at bulak D. Palay at trigo our services,
kindly scan the
QR Code.

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 Email Address: region3@deped.gov.ph
Website: https://region3.deped.gov.ph/
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

8. Mula sa talahanayan sa itaas, sa rehiyon na ito matatagpuan ang


pinakamaraming punong teak sa buong mundo.
A. Hilagang Asya C. Timog Asya
B. Silangang Asya D. Timog-Silangang Asya
9. Alin sa mga sumusunod na konsepto ang aangkop sa kahalagahan ng ecological
balance o balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may buhay at ang
kanilang kapaligiran?
A. Anoman ang gawin ng mga tao wala itong kaugnayan sa ating
kapaligiran.
B. Ang patuloy na pagsira sa ating kalikasan ay nakatutulong sa pag-unlad
ng bansa.
C. Ang ugnayan ng mga bagay na may buhay at kapaligiran ay walang
kinalaman sa tao.
D. Ang wastong laki ng populasyon ay nakapagpapababa ng antas ng
suliraning pangkapaligiran at ekolohikal.

Para sa bilang 10-12, suriin ang talahanayan sa ibaba tungkol sa ilang datos sa
populasyon ng mga ilang bansa sa Asya. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat
sa sagutang papel.

Bilis ng Bahagdan Ayon sa Edad


Bansa Populasyon Paglaki ng
Populasyon 0-14 15-64 65+
India 1,198,003,272 1.38 29.3 65.2 5.6
Indonesia 229,964,723 1.10 27 66.6 6.4
Japan 127,156,225 -0.24 13.5 62.6 23.9
Laos 6,320,429 2.29 36.1 60.1 3.7
Sri Lanka 20,237,730 0.86 24.9 67 8.1

10. Ano ang pagkakasunod-sunod ng mga bansa ayon sa laki ng populasyon?


A. Laos, Sri Lanka, Japan, Indonesia at India
B. India, Indonesia, Japan, Sri Lanka at Laos
C. Indonesia, India, Sri Lanka, Japan at Laos
D. Sri Lanka, Laos, India, Japan at Indonesia

11. Batay sa talahanayan, alin sa mga bansa ang may mabilis na paglaki ng
populasyon?
A. India C. Laos
B. Indonesia D. Sri Lanka

To send feedback
regarding any of
our services,
12. Ayon sa datos, anong bansa ang may pinakamataas na bahagdan sa edad na kindly scan the
65 pataas? QR Code.

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 Email Address: region3@deped.gov.ph
Website: https://region3.deped.gov.ph/
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

A. India C. Japan
B. B. Indonesia D. Sri Lanka

13. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang sumasaklaw sa kahulugan ng


kabihasnan?
A. Nabago ng kapaligiran ang pamumuhay.
B. May maunlad na pamumuhay gamit ang bagong teknolohiya.
C. Maraming nakagawian bunga ng pagtira sa lambak at ilog.
D. Nakagawian na ang pamumuhay na pinaunlad ng maraming pangkat ng
tao.

14. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang HINDI naganap sa panahong


Paleolitiko?
A. Nakagawa ang tao ng mga kasangkapang yari sa matulis na bato.
B. Natutong magtanim at mag-alaga ng hayop ang mga tao.
C. Nakadepende ang tao sa kanyang kapaligiran.
D. Nomadiko ang uri ng pamumuhay.

15. Bakit kinilala ng mga arkeologo ang kabihasnang Indus na isang organisado at
planadong lipunan?
A. Dahil maayos ang labi ng mga taong nahukay sa lugar na ito.
B. Dahil hindi nagkaroon ng anumang bakas ng pag-aagaw sa lugar na ito.
C. Dahil maayos at mabilis na natagpuan ang mga labi ng kabihasnan.
D. Dahil sa natuklasang dalawang lungsod na may parehong sukat ng bloke
ng kabahayan.

16. Napakahalaga ng kultura sa isang bansa. Walang makabagong kultura kung


walang tradisyunal na kultura at mahihirapan ang mga tao na panatilihin ito
kung hindi aangkop sa makabagong lipunan. Ano ang ibig ipahiwatig ng
pahayag?
A. Ang lumang kultura at tradisyon ay pahalagahan at pagyamanin at ariin
itong haligi ng bansa.
B. Dapat pahalagahan ang mga kulturang naaayon lamang sa kagustuhan
ng tao.
C. Isabuhay at ibahagi ang magagandang kultura at tradisyon lamang ng
bansa.
D. Ibagay ang kultura at tradisyon sa mga kaganapang panlipunan.

To send feedback
17. Ano ang tawag sa lupain sa pagitan ng dalawang ilog na kinilala bilang “cradle
regarding any of
of civilization”? our services,
kindly scan the
A. China C. India QR Code.

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 Email Address: region3@deped.gov.ph
Website: https://region3.deped.gov.ph/
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

B. Egypt D. Mesopotamia

18. Bakit kinilala ng mga arkeologo ang kabihasnang Indus na isang organisado at
planadong lipunan?
A. Maayos ang labi ng mga taong nahukay sa lugar na ito.
B. Maayos at mabilis na natagpuan ang mga labi ng kabihasnan.
C. Hindi nagkaroon ng anumang bakas ng pag-aagaw sa lugar na ito.
D. Natuklasan ang dalawang lungsod na may parehong sukat ng bloke ng
kabahayan.

19. Akkadian : Haring Sargon ; Babylonian : ______________?


A. Haring Hammurabi
B. Haring Nebuchadnezzar
C. Haring Rehoboam
D. Haring Solomon

Para sa bilang 20-23, suriin ang talahanayan ng mga relihiyon sa Asya.

Mga Relihiyon Tagapagtatag Aral/Paniniwala/Dotrina


Buddhism Sidharta Gautama Apat na Dakilang Katotohanan, Walong
Dakilang Daan
Jainismo Vhardamana Muling pagkabuhay, bawal kumain ng
karne, bawal ang pumatay ng insekto,
bawal ang magnakaw, bawal
magkaroon ng ari-arian, karma,
ahimsa
Sikhismo Guru Nanak Paniniwala sa isang Diyos,
reinkarnasyon, nirvana
Kristiyanismo Kristo Hesus Paniniwala sa iisang Diyos, Sampung
utos ng Diyos, Bibliya
Islam Muhammad Limang haligi, paniniwala sa iisang
Diyos si Allah, Koran
20. Batay sa talahanayan, anong relihiyon ang may Sampung Utos ng Diyos?
A. Jainismo C. Sikhismo
B. Buddhism D. Kristiyanismo

21. Suriin ang talahanayan, alin sa mga relihiyon ang naniniwala sa


reinkarnasyon?
A. Jainismo C. Sikhismo
B. Buddhism D. Kristiyanismo
22. Batay sa talahanayan, ano-anong mga relihiyon ang naniniwala saToiisang
send feedback
Diyos? regarding any of
our services,
A. Buddhism, Islam at Jainismo kindly scan the
B. Kristiyanismo, Islam at Sikhismo QR Code.

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 Email Address: region3@deped.gov.ph
Website: https://region3.deped.gov.ph/
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

C. Jainismo, Kristiyanismo at Sikhismo


D. Buddhism, Kristiyanismo at Sikhismo

23. Ang suttee o sati ay isa sa mga sinaunang paniniwala ng mga kababaihan sa
bansang India. Paano ito isinasagawa?
A. Isinasama ang sarili sa labi ng namatay na asawa bilang tanda ng
kanyang pagmamahal.
B. Tumatalon ang babae sa apoy habang sinusunog ang bangkay ng
kanyang asawa.
C. Sa araw ng kamatayan ng asawang babae,inililibing ito sa puntod ng
kanyang asawang namatay.
D. Huinihiling ng asawang babae na ilibing ito sa puntod ng asawang lalaki
para makasama.

24. Ikaw ay pangulo ng AP Club sa inyong paaralan at naatasan gumawa ng


proyekto sa kahalagahan ng mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan
sa Asya. Sa paanong paraan mo ibabahagi ang iyong proyekto para makita at
makilala ng lahat ang mga nasabing kontribusyon? Ang sumusunod ay mga
paraan MALIBAN sa isa.
A. Pagbibigay ng phamplet ng mga larawan.
B. Pagtatakda ng paligsahan sa pagsulat ng sanaysay
C. Pagsasagawa ng poster making contest at iba pang timpalak
D. Bisitahin ang mga lugar na pinagmulan ng sinaunang kabihasnan.

25. Ito ay nagmula sa salitang Latin na Imperium na ang ibig sabihin ay command.
Isang salitang Latin na nagsimulang gamitin sa panahon ng pananakop ng
Imperyong Roma.
A. Imperyalismo C. Kolonyalismo
B. Kapitalismo D. Nasyonalismo
26. Alin sa mga sumusunod ang naging masamang epekto ng kolonyalismo sa
rehiyon ng Timog at Kanlurang Asya?
A. Pag-unlad ng kalakalan.
B. Pagkamulat sa kanluraning panimula.
C. Pagkakaroon ng mga kaalyadong bansa.
D. Paggalugad at pakikinabang ng mga kanluranin sa mga yamang likas.

27. Ano ang naging epekto ng kolonyalismo sa mga rehiyon sa Asya?


A. Natutuhan ng mga Asyano ang manakop ng ibang lupain.
B. Naging mapagbigay ang mga Asyano sa naisin
ng mga dayuhang bansa.
C. Naging masidhi ang pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo ng mga
To send feedback
Asyano. regarding any of
D. Natutong magtiis ang mga Asyano alang-alang sa kapayapaan ng
our services,
kindly scan the
kanilang bansa. QR Code.

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 Email Address: region3@deped.gov.ph
Website: https://region3.deped.gov.ph/
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

28. Ano ang pamamaraang ginamit ng mga Hindu sa pamumuno ni Mohandas


Gandhi upang ipakita ang kanilang pagtutol sa mga Ingles?
A. Passive resistance
B. Armadong pakikipaglaban
C. Pagbabago ng pamahalaan
D. Pagtatayo ng mga partido politikal

29. Ang India ay isa lamang sa mga bansa sa Asya na nasakop ng bansang
England. Sa ilalim ng mga Ingles, nagkaroon ng pagbabago sa India na hindi
katanggap-tanggap sa mga mamamayan nito. Alin sa mga sumusunod na
pahayag ang hindi nila matanggap?
A. Pagpapahusay ng mga transportasyon at komunikasyon.
B. Paglilipat ng mga sentro ng gawaing pangkabuhayan sa mga baybaying-
dagat.
C. Pagkakaroon ng racial discrimination sa pagbibigay ng posisyon sa
pamahalaan.
D. Pagpapalaganap ng isang sistema ng edukasyon na ayon sa
pamantayang Ingles.

30. Noong Unang Digmaang Pandaigdig nabuo ang isang alyansa sa Europa na
tinawag na Central Powers. Ano-ano ang mga bansang bumubuo dito?
A. China, Japan at Korea
B. France, Italy at Russia
C. Germany, Austria-Hungary
D. United States of America, France at England

31. Ang mga sumusunod na pahayag ay tumutukoy sa ideolohiya MALIBAN sa isa.


Ano ang hindi sumusuporta dito?
A. Ito ay lipon ng mga kaisipan at paniniwala.
B. Ito ay instrumento para isulong ang anumang naisin o plano.
C. Ito ay tumutukoy din sa pag-aaral sa mga nilalang sa labas ng planeta.
D. Ito ay mataas na uri ng pagpapahalaga at mga kasagutan sa mga
suliranin at pangangailangan ng mga mamamayan.

32. Alin sa mga sumusunod na kilusang pangkababaihan ang hindi itinatag sa


Timog Asya?
A. Arab Women Connect
B. Women’s Indian Forum
C. Women’s Indian Association
D. All India Women’s Conference
To send feedback
regarding any of
Para sa bilang 33-34, suriin ang talahanayan tungkol sa literacy rate ng mga bansaour services,
kindly scan the
sa Timog Asya QR Code.

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 Email Address: region3@deped.gov.ph
Website: https://region3.deped.gov.ph/
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

BANSA LITERACY RATE


Bangladesh 40.0%
Bhutan 42.2%
Maldives 96.9%
Nepal 41.7%
Pakistan 43.2%
Sri Lanka 91.6%

33. Mula sa talahanayan, anong bansa ang may pinakamataas na literacy rate?
A. Maldives C. Pakistan
B. Nepal D. Sri Lanka

34. Batay sa talahanayan, anong bansa ang may pinakamababang literacy rate?
A. Bangladesh C. Nepal
B. Bhutan D. Pakistan

35. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tumutukoy sa Neokolonyalismong


Kultural?
A. Awit C. Pananalapi
B. Pagkain D. sayaw

36. Kung ikaw ay pangulo ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Araling Panlipunan at


naatasang magbahagi ng mga aral sa kasalukuyan tungkol sa imperyalismo at
kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya at kung paano ito mapagyayaman
hanggang sa hinaharap, alin ang mas angkop na gamitin sa isang video
conferencing?
A. Debate C. Cinema Viewing
B. Pagbabasa ng teksto D. Multimedia presentation at pagtalakay

37. Ang kolonyalismo at imperyalismo sa Silangan at Timog silangang-Asya ay


patuloy na lumalaganap. Alin sa sumusunod na pangkat ng mga bansa ang
pinalawak ang kapangyarihan sa mga nasabing rehiyon sa Asya?
A. China, Japan, Korea at Taiwan
B. Australia, Canada, Mexico at US
C. England, Netherlands, Portugal at Spain
D. Malaysia, Philippines, Thailand at Vietnam

38. Alin sa sumusunod ang dalawang bansa na nauna sa pananakop ng mga


To send feedback
lupain sa Silangan at Timog-Silangang Asya? regarding any of
A. England at France C. Spain at U.S our services,
kindly scan the
B. England at Germany D. Portugal at Spain QR Code.

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 Email Address: region3@deped.gov.ph
Website: https://region3.deped.gov.ph/
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

39. Alin sa sumusunod na mga epekto ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas


ang maituturing na MABUTI?
A. Naging laganap ang racial discrimination.
B. Nawalan ng karapatan ang mga Pilipino sa sariling bansa.
C. Umusbong at tumindi ang damdaming makabansa ng mga Pilipino.
D. Marami ang naghirap dahil sa hindi makatarungang pagpataw ng buwis,
pagkamkam sa mga ari-arian at mga produktong Pilipino.

40. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa tatlong uri ng nasyonalismong
nabuo sa China?
A. Nasyonalismong tradisyunal
B. Nasyonalismong teknolohikal
C. Nasyonalismong may impluwensiya ng dayuhan
D. Nasyonalismong may impluwensiya ng komunismo

41. Alin sa mga sumusunod na katangian ang HINDI nagpapakilala sa isang


pamahalaang demokratiko?
A. Malayang pamamahayag at pag-oorganisa
B. Mababang antas ng kamulatan ng mamamayan
C. Pagkilala sa karapatang pantao at katarungang panlipunan
D. Pagkakaroon ng malawak na representasyon sa pamahalaan ng iba’t
ibang sektor ng lipunan

42. Anong samahan ang naitatag pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig


upang hindi na muling sumiklab ang anomang kaguluhan?
A. United Nations
B. League of Nations
C. European Nations
D. Organization of American State

43. Paano nakaapekto ang ideolohiya ng bansa sa pag-unlad ng kabuhayan ng


mga tao?
A. Maraming mga tao ang maghihirap kapag naisagawa ang mga
kabuhayan.
B. Magkakaroon ng di pantay-pantay na oportunidad at pamumuhay sa
bawat tao.
C. Mas uunahin ng mga namumuno sa gobyerno ang kanilang mga
kapakanan kaysa sa mga tao.
D. Mas magiging maunlad ang isang bansa ngunit magdudulot ito ng
kaguluhan sa isipan ng mga mamamayan.
To send feedback
regarding any of
our services,
kindly scan the
QR Code.

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 Email Address: region3@deped.gov.ph
Website: https://region3.deped.gov.ph/
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

44. Ano ang naging epekto ng mga samahang pangkababaihan at ng mga


kalagayang panlipunan tungo sa pagkakapantay-pantay sa Timog at
Kanlurang Asya?
A. Nagkaroon ng karapatan ang mga kababaihan sa lipunang kanilang
ginagalawan.
B. Naging balakid ang mga kababaihan sa pagtamo ng kalayaan ng mga
bansa na nagdulot ng takot sa bansa.
C. Mas nawalan ng kalayaan at karapatan ang mga kababaihan kaya
naisipan nilang magkaisa at lumaban.
D. Dumami ang suliraning kinakaharap ng mga kababaihan kabilang ang
pagiging sakit nila sa lipunan.

45. Alin sa mga sumusunod ang samahan na naitatag ng mga kababaihan sa


Timog Asya?
A. Womens League
B. Rights of Women
C. Assembly of Women
D. National Council of Indian Women

46. Alin sa mga makabayang samahan sa Indonesia ang pinamunuan ni Sukarno


laban sa mga mapaniil na patakaran ng mga Dutch?
A. Budi Utomo
B. Sarekat Islam
C. Indonesian Nationalist Party
D. Indonesian Communist Party

47. Isa ang Pilipinas sa mga bansang nakaranas ng pananakop ng mga


kanluranin. Magkakaiba ang pamamaraan at layunin ng mga Pilipino na
nakipaglaban para makamit ang kalayaan. Pagsunud-sunurin ang mga
pangyayari na may kaugnayan sa pagpapakita ng mga Pilipino ng damdaming
nasyonalismo.

I. Pakikipaglaban ni Lapulapu sa mga Espanyol


II. Pamumuno ni Andres Bonifacio sa rebolusyon
III. Pagbitay kina Padre Gomez, Burgos, at Zamora
IV. Pagsulat ni Rizal ng nobelang Noli Me Tangere

A) I, II, III, IV C) I, III, IV, II


B) I, II, IV, III D) I, IV, II, III

To send feedback
regarding any of
48. Ano ang pangunahing naglalarawan sa dalawang pahayag kaugnay ng our services,
kindly scan the
neokolonyalismo? QR Code.

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 Email Address: region3@deped.gov.ph
Website: https://region3.deped.gov.ph/
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

Unang Pahayag: Ang mga mayayamang bansa ay nagkakaloob ng tulong


pinansiyal at militar sa mga dating kolonya na kalimitan ay nasa Asya at
Africa.
Ikalawang Pahayag: Nagiging instrumento ng mga kapitalistang bansa ang
mga institusyon gaya ng International Monetary Fund (IMF) at World Bank
(WB) sa pagtataguyod ng neokolonyalismo.
A. Tama ang una at ikalawang pahayag
B. Mali ang una at ikalawang pahayag
C. Tama ang unang pahayag samantalang mali naman ang ikalawa
D. Mali ang unang pahayag samantalang tama naman ang ikalawa

Suriin ang Timeline upang masagutan ang mga tanong sa aytem 49-50.

49. Paano nakamit ng mga Tsino ang kanilang kalayaan mula sa kamay ng mga
kanluranin?
A. Nagwakas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig na nagbigay-daan sa
paglaya ng China.
B. Nagkaisa ang mga komunista at nasyonalistang Tsino upang harapin
ang mga mananakop.
C. Binuo ang United Front bilang paghahanda ng mga Tsino sa
pakikipaglaban sa kanila.
D. Itinatag ng mga komunista ang People’s Republic of China sa
To pamumuno
send feedback
ni Mao Zedong. regarding any of
our services,
kindly scan the
QR Code.
50. Ano ang pangunahing naglalarawan sa dalawang pahayag?

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 Email Address: region3@deped.gov.ph
Website: https://region3.deped.gov.ph/
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

Pahayag 1:Nagtulungan ang mga komunista at nasyonalistang Tsino laban sa


mga Hapones
Pahayag 2: Natalo ni Mao Zedong si Chiang Kai-Shek.
A. Pahayag 1 ay tama, pahayag 2 ay mali
B. Pahayag 1 ay mali, pahayag 2 ay tama
C. Parehong pahayag ay tama
D. Parehong pahayag ay mali

To send feedback
regarding any of
our services,
kindly scan the
QR Code.

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 Email Address: region3@deped.gov.ph
Website: https://region3.deped.gov.ph/

You might also like