Professional Documents
Culture Documents
Espq3 Modyul 10 Activities
Espq3 Modyul 10 Activities
Paggawa (kahulugan)
Ayon sa Laboram Exercens, ang paggawa ay mabuti sa tao dahil sa pamamagitan nito naisasakatuparan
niya ang kaniyang tungkulin sa sarili, kapuwa at sa Diyos. Ang kagustuhang maisabuhay ang layuning ito
ang nagtutulak sa kaniya upang magkaroon ng kagalingan sa paggawa.
2. Pagsubok ng Kaalaman Gamit ang Karanasan, Pagpupunyagi (Persistence) at ang Pagiging Bukas
na Matuto sa mga Pagkakamali (Dimostrazione)
- Pagkatuto mula sa mga hindi malilimutang karanasan sa buhay upang maging matagumpay at maiwasang
maulit ang anumang pagkakamali. Dahil sa mga karanasang ito, natututo ang isang tao na tumayo at muling
harapin ang hamon na gumawa muli.
3. Patuloy na Pagkatuto Gamit ang Panlabas na Pandama bilang Paraan Upang Mabigyang-buhay ang
Karanasan
- Tumutukoy sa tamang paggamit ng mga pandama sa pamamaraang kapaki-pakinabang sa tao.
Hal. Hindi hadlang ang kakulangan ng bahagi nang katawang upang maisakatuparan ang tunguhin.
TANDAAN: Ang pinakamahalaga sa lahat ng pagpapahalaga upang masabi na ang paggawa ay kakaiba, may
kalidad at kagalingan ay kung ito ay naaayon sa KALOOBAN NG DIYOS at iniaalay bilang paraan ng papuri at
pasasalamat mula sa Diyos.
ISULAT ANG SAGOT SA ESP NOTEBOOK. BASAHIN ANG MODYUL BAGO ITO SAGUTIN.
GAWAIN 1: IHANAY ANG COLUMN A SA COLUMN B, ISULAT ANG LETRA NG WASTONG SAGOT
COLUMN A COLUMN B
1.Pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang sa A.CURIOSITA
kaniyang paligid
2.pagbuo ng layunin B.DISIPLINA SA SARILI
3.ang taong mausisa ay may likas na inklinasyon na alamin ang C.PAGGAWA
mga bagay-bagay sa kaniyang paligid
4.pagkilala sa iba’t ibang estratehiya na maaaring gamitin upang D. PAGKATUTO BAGO ANG PAGGAWA
mapadali ang pagsasakatuparan ng mga tunguhin
5. Alam ang hangganan ng kaniyang ginagawa at mayroong E. TIYAGA
paggalang sa ibang tao
6. mabuti sa tao F. CORPORALITA
7. Pagiging bukas ng isip sa mga sitwasyong walang katiyakan G. CONNESSIONE
ng isang bagay
8. Pagkilala at pagbibigay-halaga na may kaugnayan lahat ng H. ARTE/SCIENZA
bagay at mga pangyayari sa isa’t isa.
9. Pagbibigay halaga nang may balanse paghahanap sa I.SFUMATO
kagandahan at katotohanan gamit ang sining at siyensiya
10. Tamang Pangangalaga sa katawan ng tao J. PAGKATUTO HABANG GINAGAWA
GAWAIN 2: Bigyang kahulugan ang “Ang mahusay na paggawa ay pagpapahayag ng pag-ibig sa bansa”-anonymous
GAWAIN 3: Magsulat ng tiglilimang positibo at negatibong ugali na makapagdudulot ng positibo at negatibong epekto
sa paggawa