Course Ware For Junior High

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 75

8 Technology for

Teaching and Learning 2

Edukasyon
Sa Pagpapkatao
IKALAWANG MARKAHAN – Modyul 5 :
Ang Pakikipagkapwa
Junior High School

ESP 8
IKALAWANG MARKAHAN – Modyul 1

Ang Pakikipagkapwa

Technology for
Teaching and Learning 2
TALAAN NG NILALAMAN

Paunang Salita………………………...……………………………………………………………….1
Alamin………………………………………………………………………………………………….3
Layunin………………………………………………..……………………………………………….3
Pangkalahatang Panuto……………………………………………………………………………….3

MODYUL 1:
• Kailangan Kita…Kailangan Mo Ako…Kapwa-Tao Tayo…
• Ang Tao Bilang Panlipunang Nilalang Panlipunang Nilalang
• Ang Pakikipagkapwa At Ang Golden Rule
Subukin……………………………………………….……………………………….4
Aralin……………………………………………….………………………………....5
Tuklasin……………………………………………….………………………………7
Suriin……………………………………………….………………………………….8
Pagyamanin……………………………………………...…………………………….8
Isaisip……………………………………………….…………………………………8
Isagawa……………………………………………….……………………………….9
Pagtatasa…………………………………………..….……………………………….9
Karagdagang Gawain……………………………………………………………….....9

Susi ng kasagutan……………………………………………….……...…………………………….11
Buod……………………………………………….………………………………………………….11
Sanggunian……………………………………………….………………….……………………….13
PAUNANG SALITA

Ang modyul na Edukasyon sa Pagpapakatao ay inilimbag upang matugunan ang


pangangailangan ng mga mag-aaral tungo sa matagumpay na edukasyon. Nililinang nito ang kakayahan
at mabuting kaugalian ng kabataan, lalo na sa pakikipagkapwa. Ang bawat aralin, babasahin, gawain,
at pagsasanay ay iniangkop sa kakayahan at interes ng mga kabataan upang magkaroon ng
makabuluhan, analitikal, kritikal, at mapanuring pag-iisip, na maghahanda sa kanila sa pagharap sa mga
hamon ng totoong buhay. Narito ang mga aralin sa pakikipagkapwa na tatalakayin sa buong pag-aaral.

Mga aralin sa Modyul 5 (Modyul 1 ng Ikalawang Markahan):


➢ Kailangan kita… Kailangan mo ako… Kapwa-tao tayo…
➢ Ang tao bilang Panlipunang Nilalang
➢ Ang Pakikipagkapwa at ang Golden Rule

Mga Icon ng Modyul na ito

Malalaman mo kung ano ang dapat mong


Alamin
matutuhan sa modyul na ito.

Isang pagsusulit kung saan makikita natin kung may


Subukin
kaalaman ka na sa aralin ng modyul na ito.

Isang maikling eksplenasyon ng paksa at mga


Aralin
konsepto ng paksa.

Tuklasin May bagong aralin ang ipakikilala sa iyo.

Maikling pagtalakay sa aralin upang matulungan ka


Suriin sa pagunawa ng mga bagong konsepto at mga
kasanayan.

Mga gawaing mapatnubay at malayang pagsasanay


Pagyamanin upang mapatibay ang iyong pag-unawa at mga
kasanayang sa paksa.

1
Naglalaman ng mga katanungan o pupunan ang
Isaisip patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo sa aralin.

Mga gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin


Isagawa
ang bagong kaalaman sa tunay na sitwasyon.

Gawain na naglalayong mataas o masukat ang antas


Pagtatasa
ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhan.

Mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa


Susi sa Pagwawasto
modyul.

2
MODYUL 5
MODYUL
➢ Kailangan Kita…Kailangan Mo Ako…Kapwa-Tao Tayo…

1 ➢ Ang Tao Bilang Panlipunang Nilalang Panlipunang Nilalang


➢ Ang Pakikipagkapwa At Ang Golden Rule

Alamin

Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang sumusunod nakaalaman, kakayahan, at pag-
unawa:
a) Natutukoy ang mga taong itinuturing na kapwa at ang kahalagahanng pakikipagkapwa,
b) Nasusuri ang mga impluwensya ng kapwa sa aspektong intelektwal, panlipunan,
pangkabuhayan, at political,
c) Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin, at
d) Naisasagawa ang isang gawaing tutugon sa pangangailangan ngmga mag-aaral o kabataan sa
paaralan o pamayanan sa aspektong intelektwal,panlipunan, pangkabuhayan, at political.

Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng awtput mo sa titik d:


1) Malinaw at makatotohanan ang pagkakagawa ng plano (action plan),
2) Naisagawa ang gawain ayon sa plano,
3) May mga patunay ng pagsasagawa, at
4) May kalakip na pagninilay tungkol sa iyong karanasan at epekto ng gawain sa iyong pagkatao
at pakikipagkapwa.

PANGKALAHATANG
PANUTO
Sa paghawak ng modyul na ito, dapat na gawin ang mga sumusunod:
1. Basahin at sundin ang panuto sa bawat paksa.
2. Itala ang mga kaukulang punto na nangangailangan ng masusingkasagutan.
3. Gawin ang mga Gawain sa Modyul nang may pag-unawa
4. Sagutin ang lahat ng mga katanungan sa bawat gawain.

3
Subukin

Upang subukin ang iyong sarili, ang paunang pagtataya sa modyul na ito ay iyong isasagawa
kung saan isusukat ang dati mong kaalaman, at iyong kasalukuyang kakayahan sa pakikipagkapwa.
Ang resulta nito ay hindi magiging bahagi ng iyong marka na magsisilbing batayan ng iyong pag-unlad.

GAWAIN 1: Paunang Pagtataya ng Kaalaman sa mga Konsepto ng


Pakikipagkapwa

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang letra ng pinakatamang sagot.

1) Ano ang pangunahing dahilan kung bakit nilikha ng Diyos ang tao na may kasama?
A. Upang masunod ang mga utos ng Diyos
B. Upang magkaroon ng kaagapay sa buhay
C. Upang magbigay ng sakripisyo sa Diyos
D. Upang mapalaganap ang kagustuhan ng Diyos

2) Ano ang kahalagahan ng pakikipagkapwa sa kulturang Pilipino?


A. Upang maging sikat at makilala
B. Upang makaiwas sa mga problem
C. Upang mapanatili ang magandang pakikipag-ugnayan at makatulong sa nangangailangan
D. Upang makuha ang gusto ng iba

3) Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga prinsipyo ng pakikipagkapwa?


A. Pag galang sa pagiging indibidwal ng kapwa
B. Pagpapahayag ng damdamin
C. Pagbibigay ng mga personal na impormasyon ng kapwa sa iba
D. Pagtanggap sa iyong kapwa

4) Bakit mahalaga ang malayang pagpapahayag ng damdamin?


A. Upang matuto ng higit sa buhay
B. Upang magkaroon ng maraming kaibigan
C. Upang maiwasan ang panghuhusga
D. Upang mapansin ng iba

5) Ano ang ibig sabihin ng paggalang sa pagiging indibidwal ng kapwa?


A. Pagkilala sa kanyang natatanging katangian at pangangailangan
B. Pagpapahayag ng sariling damdamin nang walang takot
C. Pagbabahagi ng personal na impormasyon ng iba
D. Pag-aalaga sa sarili lamang

6) Si Maria ay nakarinig ng sensitibong impormasyon mula sa kanyang kaibigan. Ano ang dapat
niyang gawin?
A. Ibahagi ito sa iba upang makakuha ng payo

4
B. Panatilihin ang impormasyon sa kanyang sarili at huwag ipagkalat
C. Gamitin ang impormasyon para makalamang sa iba
D. Ikuwento ito sa kanyang pamilya

7) May bagong miyembro sa inyong grupo na nahihirapang makibagay. Ano ang iyong gagawin?
A. Huwag pansinin dahil hindi siya bahagi ng iyong kaibigan
B. Tulungan siyang makibagay at tanggapin siya sa grupo
C. Pagtawanan siya dahil naiiba siya
D. Umiwas sa kanya upang hindi mabawasan ang oras mo

8) Kung ang iyong kapwa ay nagpakita ng kanyang kahinaan, ano ang nararapat na gawin?
A. Huwag pansinin at ituloy ang iyong ginagawa
B. Bigyan siya ng suporta at tulungan siyang pagtagumpayan ito
C. Sabihin sa kanya na mahina siya
D. Gamitin ang kanyang kahinaan para sa sariling kapakinabangan

9) Paano mo maipapakita ang paggalang sa pasya ng iyong kaibigan?


A. Pilitin siyang baguhin ang kanyang desisyon
B. Pakinggan at igalang ang kanyang pasya kahit hindi ka sang-ayon
C. Iwasan siya kapag hindi mo gusto ang kanyang desisyon
D. Ipakalat ang balita tungkol sa kanyang pasya

10) Ano ang pinakamahalagang prinsipyo ng pakikipag-ugnayan na dapat sundin kapag may
nagbahagi ng sensitibong impormasyon?
A. Isulat ang impormasyon sa iyong journal
B. Ibahagi ito sa mga taong pinagkakatiwalaan mo
C. Panatilihing lihim at hindi ipaalam sa iba
D. Gamitin ito bilang paksa ng usapan sa mga kaibigan

Aralin

Mula sa paglikha ng Diyos sa mundo, ipinamulat sa atin na ang tao kailanman ay hindi maaring
mapag-isa. Kaya't minabuti ng Diyos na lumikha ng makaksama niya upang mapalaganap ang
kagustuhan ng Diyos. At mula sa pagkakalikha sa sangkatauhan, naipamalas na ng bawat isa ang
pakikipagkapwa. Ito ay napaigting sa kulturang Pilipino ang mabuting pakikipagkapwa.

Bahagi rin ng kaugaliang ito ang pagpapanatili ng magandang pakikipag-ugnayan, kakayahan


sa malalim na pag-unawa, at pagbibigay-tulong hindi lamang sa mga kapamilya at kaibigan, kundi pati
na rin sa mga higit na nangangailangan.

5
Ang pakikipagugnayan sa kapuwa o pakikipagkapwa ay makahalaga, dahil dito mo mas
nakikilala ang iyong sarili, nabibigyan ka rin ng pagkakataon na kilalanin ang iba, at makatulong sa iba,
ito rin ang daan upang maibahagi mo sa iba kung ano ang meron ka.

Mga prinsipyo sa pagpapaunlad ng pakikipag ugnayan sa kapwa:

1. Pag galang sa pagiging indibidwal ng kapwa


Ang pagkilala sa pagiging bukod-tangi, kakanyahan, mga pangangailangan, at buong
pagkatao ng kapwa ay pagpapamalas ng paggalang.
Bilang isang tao at nilalang ng ating panginoon, mahalaga na ikaw ay mayroong paggalang
sa iba, marunong kang rumespeto sa iyong kapuwa, igalang mo ang kanyang mga pasya at mga
naiisin, bigyan ng laya ang iba na gawin ang nais niya.

2. Pagpapahayag ng damdamin
Ang malaya at mapanagutang pagpapahayag ng sariling damdamin, ideya, at
pangangailangan nang walang pangamba sa maaaring maging panghuhusga ng kapwa ay
mahalaga sa pagkakaroon ng maayos na pakikipag-ugnayan.
Bilang isang tao dapat ay marunong kang magpahayag ng iyong damdamin sa iba, huwag
mong pipigilan o lilimitahan ang iyong sarili na ihayag ang iyong damdamin o nararamdaman,
ng sa gayon ay maging bukas ka sa iba, kung ang taong marunong magpahayag ng kanyang
damdamin ay mas mataas ang posibilidad na mas maraming matutunan sa buhay.

3. Pagtanggap sa iyong kapwa


Lubos na makatutulong sa paggamit ng maayos na pakikipag-ugnayan ang pagtanggap sa
buong pagkatao ng kapwa, kabilang na ang kahinaan at kalakasan.
Dapat marunong tayong tumanggap sa ating kapuwa, walang perpektong tao, tingnan natin
ang kanilang kahinaan at lakas sa pantay na pagtingin huwag nating tingnan kung ano lang ang
kaya niyang ibigay sa atin bagkus tingnan din natin ang kanilang kahinaan at maging instrument
ka upang malinang ang kanilang mga kahinaan.

4. Pag iingat sa bagay na ibinabahagi ng kapwa


Ang mga bagay na ibinahagi o ikinuwento ng kapwa, lalo na ang mga bagay na personal
at sensitibo, ay nararapat na pakaingatan at hindi ipaalam sa iba. Ito ay isa sa mga
pinakamahalagang prinsipyo ng pakikipag- ugnayan sapagkat maari itong magdulot ng
kapahamakan ng kapwa at pagkasira ng ugnayan kapag ito ay nalabag.
Dapat tayo ay mapagkakatiwalaan, Kung ang isang tao ay nagsabi sa iyo ng kanyang mga
lihim o mga importanteng bagay matuto tayo na isekreto ito. Ang tiwala ng isang tao ay
mahalaga, at kung masisira ito ay napakahirap na muling ibalik, hindi naman magsasabi sa iyo
ang isang tao ng mahalagang bagay kung wala siyang tiwala sa iyo bilang isang tao na
pinagkatiwalaan niya pagsumikapan mo na ang tiwalang ito niya sa iyo ay huwag masira.

Ang pakikipagkapwa ay mahalaga sa ating buhay at kulturang Pilipino. Sa pamamagitan nito,


napapalaganap natin ang kagustuhan ng Diyos at napapanatili ang magandang relasyon sa iba. Ang mga
prinsipyo ng paggalang, pagpapahayag ng damdamin, pagtanggap, at pag-iingat sa mga ibinabahagi ng
kapwa ay nagtataguyod ng mas malalim na pag-unawa, respeto, at tiwala. Ang pagsunod sa mga
prinsipyong ito ay nagpapabuti ng ating relasyon sa iba at nagpapalago sa atin bilang indibidwal.

6
Tuklasin

Ano nga ba ang Pakikipagkapwa?

Ang "pakikipagkapwa" ay isang mahalagang konsepto sa kulturang Pilipino na nagpapakita ng


pagkilala at paggalang sa kapwa tao. Ito ay sumasaklaw sa pagiging makatao at pakikisama sa iba, at
mahalaga ito sa pagpapanatili ng magandang ugnayan, pag-unawa, at pagtulong hindi lamang sa mga
kapamilya at kaibigan, kundi pati na rin sa mga nangangailangan.

Ang pakikipagkapwa ay nagpapalakas ng pagkakaisa at pag-unlad ng lipunan. Sa pang-araw-


araw na pamumuhay ng mga Pilipino, ito ay makikita sa iba't ibang larangan ng buhay:

1. Pamilya: Ipinapakita ito sa pamamagitan ng malasakit at pag-aalaga sa bawat miyembro, lalo na


sa panahon ng karamdaman o kahirapan. (Nanay, Tatay, Kapatid, atbp.)

2. Komunidad: Makikita ito sa pagtutulungan sa panahon ng kalamidad, gaya ng "bayanihan" o ang


sama-samang pagtulong ng mga kapitbahay. (Doctor, Kaibigan, Kaaway, atbp.)

3. Trabaho at Edukasyon: Naipapamalas ito sa pagtutulungan ng mga mag-aaral o katrabaho, sa


pagbabahagi ng kaalaman at karanasan para sa ikabubuti ng lahat. (Guro, Kaklase, atbp.)

4. Relihiyon at Ritwal: Ipinapakita ito sa pagbabahagi ng biyaya at tulong sa mga nangangailangan,


tulad ng pagbibigay ng regalo sa Pasko o pagsasagawa ng mga feeding programs at medical
missions ng mga simbahan. (Pari, Madre, atbp.)

Ang konsepto ng pakikipagkapwa ay nagbibigay ng gabay at direksyon sa mga Pilipino sa


kanilang mga kilos at desisyon, na nagpapalakas ng ugnayan at pagkakaisa sa loob ng pamilya,
komunidad, at lipunan.

GAWAIN 2: Ako at Aking mga Kapwa

Gamit ang Canva o PosterMyWall, gumawa ng isang poster na may temang “Ako at Aking
mga Kapwa” kung saan ay ipapakita mo ang 5-10 mong maituturing kapwa sa iba’t-ibang uri ng
Pakikipagkapwa. Ipasa sa group chat.

7
Suriin

I-access ang link: https://ordialeslilian.blogspot.com/2016/08/ang-pakikipagkapwa-at-ang-


golden-rule.html basahin ang article at sagutan ang mga katanungan sa:
https://quizizz.com/join?gc=99259756

Pagyamanin

GAWAIN 3: Pagtulong sa Kapwa

Sagutin ang mga tanong. Ang bawat sagot ay igagawang slogan. Pagkatapos ay gumawa ng
slogan poster gamit ang Canva o PosterMyWall at ipasa gamit ang pag-send sa group chat.

❖ Ano ang iyong nararamdaman kapag tinulungan ka ng iba sa iyong pangangailangan?


❖ Ano ang iyong nararamdaman kapag nakatulong ka sa iba?
❖ Sino pa ang mga itinuturi mong kapwa at paano mo sila paglilingkuran?
❖ Sa paanong paraan ka makakatulong sa iba?

Isaisip

GAWAIN 4: Pag-iisipan ang puntong ito (REPLEKSYON)

Pagnilayan:
“Kaya ba ng tao na mabuhay nang mag-isa?”

Tumawag o kaya magchat o magtext ng ilang mga kaibigan upang magbahagi ng kanilang
pananaw. Gawin sa kahit na anong medium na komportable para sainyo (kapag hindi digital o kung
isusulat sa papel, siguraduhing malinaw ang pagkakakuha ng litrato ng iyong papel bago i-submitt sa
Google Classroom).

Google Classroom link:


https://classroom.google.com/c/NjY1ODcxMTQ3MTE1?cjc=decd2bs

8
Isagawa

GAWAIN 5.1: Journal (REPLEKSYON)

Gamit ang Google site, gumawa ng journal tungkol sa Pakikipagkapwa sa mga taong malalapit
o sa taong nagbibigay ng sakit ng iyong kalooban. Ito ay magpapatunay na ang Pakikipagkapwa tao ay
hindi namimili ng pakitutunguhan. Pumili ng aspektong nakapag-impluwensiya sa iyo sa aspektong
imtelektwal.Panlipunan, Pangkabuhayan at pulitikal. Kailangang mailalahad ang paggalang at
pagmamahal na isang birtud sa pakikipagkapwa. I-submitt sa Google Classroom.

Google Classroom link:


https://classroom.google.com/c/NjY1ODcxMTQ3MTE1?cjc=decd2bs

GAWAIN 5.2: Gawain sa Pakikipagkapwa (ACTION PLAN)

Gumawa ng action plan na nagpapakita ng iyong personal na gagawin sa kung paano ka


makakatulong sa inyong tahanan, paaralan, at sa komunidad. Kailangang mailalahad ang paggalang at
pagmamahal na isang birtud sa pakikipagkapwa. I-submitt sa Google Classroom.

Google Classroom link:


https://classroom.google.com/c/NjY1ODcxMTQ3MTE1?cjc=decd2bs

Pagtatasa

GAWAIN 6: Alamin ang Napagalaman

I-access ang link: https://quizizz.com/join?gc=67753511 at sagutan ang mga katanungan.

KARAGDAGANG GAWAIN: Pakikipagkapwa sa Komunidad

Gumawa ng mini photo album kung saan ang mga litrato ay nagpapakita ng pakikipagkapwa.
Maglibot sa inyong komunidad at doon maghanap ng photo subjects. Ang mga ilalagay na litrato ay
dapat na ikaw mismo ang kumuha. Kailangan ng lima hanggang sampung (5-10) litrato. Gumamit ng
kahit na anong materyales sa paggawa ng inyong mini photo album. Maging malikhain.

9
Susi sa Pagwawasto

10. c) Panatilihing lihim at hindi ipaalam sa iba


9. b) Pakinggan at igalang ang kanyang pasya kahit hindi ka sang-ayon
8. b) Bigyan siya ng suporta at tulungan siyang pagtagumpayan ito
7. b) Tulungan siyang makibagay at tanggapin siya sa grupo
6. b) Panatilihin ang impormasyon sa kanyang sarili at huwag ipagkalat
5. a) Pagkilala sa kanyang natatanging katangian at pangangailangan
4. a) Upang matuto ng higit sa buhay
3. c) Pagbibigay ng mga personal na impormasyon ng kapwa sa iba
2. c) Upang mapanatili ang magandang pakikipag-ugnayan at makatulong sa nangangailangan
1. d) Upang mapalaganap ang kagustuhan ng Diyos

GAWAIN 1: Paunang Pagtataya ng Kaalaman sa mga Konsepto ng Pakikipagkapwa

BUOD

Pakikipagkapwa: Isang Pangunahing Halaga ng Tao at Kulturang Pilipino


Ang tao ay likas na panlipunang nilalang na nilikha upang makipag-ugnayan at mamuhay
kasama ang iba. Ayon sa mga paniniwala sa relihiyon, ang Diyos ay lumikha sa tao ayon sa Kanyang
wangis upang mabuhay nang may kasama, hindi mag-isa. Kaya't ang ating kakayahan na makipag-
ugnayan sa kapwa ay likas na bahagi ng ating pagkatao.

Kahalagahan ng Pakikipagkapwa
Sa kulturang Pilipino, binibigyang-diin ang pakikipagkapwa dahil ito ay nagpapalakas ng:
✓ Magandang ugnayan
✓ Malalim na pag-unawa
✓ Pagbibigay-tulong sa pamilya, kaibigan, at mga nangangailangan

Mga Prinsipyo para sa Pagpapaunlad ng Pakikipag-ugnayan


✓ Paggalang sa Pagiging Indibidwal ng Kapwa: Pagkilala at paggalang sa pagiging bukod-tangi at
mga pasya ng iba.
✓ Pagpapahayag ng Damdamin: Malaya at mapanagutang pagpapahayag ng sariling damdamin at
pangangailangan nang walang pangamba sa panghuhusga.
✓ Pagtanggap sa Iyong Kapwa: Pagtanggap sa buong pagkatao ng iba, kabilang ang kanilang
kahinaan at kalakasan.
✓ Pag-iingat sa Mga Ibinabahagi ng Kapwa: Pag-iingat sa mga personal at sensitibong
impormasyon na ibinabahagi ng iba.

10
Ang Golden Rule
Ang Golden Rule, "Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo," ay
kinikilala sa iba't ibang relihiyon at kultura. Itinataguyod nito ang pagtrato sa iba nang may respeto,
pagmamahal, at malasakit.

Mga Birtud na Nagpapalakas ng Pakikipagkapwa


✓ Katarungan: Pagtiyak na ang mga karapatan at dignidad ng iba ay nirerespeto.
✓ Pagmamahal: Pagbibigay ng higit pa sa hinihingi ng katarungan upang magpakita ng malasakit
at pagmamahal.

Mga Praktikal na Halimbawa ng Pakikipagkapwa at Pagmamahal


✓ Pagbibigay ng Materyal: Pagbibigay ng regalo nang walang hinihintay na kapalit.
✓ Serbisyong Panlipunan: Kusang-loob na pagpapanatili ng kalinisan upang maiwasan ang mga
sakit.
✓ Pagtugon sa Kalamidad: Pag-donate o pag-boluntaryo upang tulungan ang mga biktima ng
kalamidad.

Buod na Konklusyon
Ang pakikipagkapwa ay mahalaga sa kulturang Pilipino, na nagpapalaganap ng kagustuhan ng
Diyos at nagpapanatili ng magandang relasyon sa iba. Ang pagsunod sa mga prinsipyo ng paggalang,
malayang pagpapahayag, pagtanggap, at pag-iingat sa mga ibinahagi ng kapwa ay nagpapabuti ng
ugnayan, paggalang, at tiwala, na nagpapalago sa ating mga indibidwal at sosyal na aspeto.

11
SANGUNIAN

Adobe Stock. (n.d.). #295110385.


https://as2.ftcdn.net/v2/jpg/02/95/11/03/1000_F_295110385_myXvWUvh0be4rrDYjolEs1DAs
Fqdd9fG.jpg\
Anonymous. (n.d.). Ang Pakikipagkapwa at ang Golden Rule.
https://ordialeslilian.blogspot.com/2016/08/ang-pakikipagkapwa-at-ang-golden-rule.html
Anonymous. (n.d.). Plants Sproud Icon | iOS 7 IconPack | ICons8.
https://www.iconarchive.com/show/ios7-icons-by-icons8/Plants-Sproud-icon.html
Anonymous. (n.d.). Redirect notice.
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.itdatarecovery.com%2Fservic
es%2Fdrive-not-detected-
inaccessible%2F&psig=AOvVaw3usMmIWTyYhHmJuA0DcXLm&ust=1716138592865000
&source=images&cd=vfe&opi=89978449&ved=2ahUKEwiO1fzK2JeGAxWbbmwGHf9gAp8
QjRx6BAgAEBY
Anonymous. (n.d.). Teaching [image]. Mind Fish. https://mindfish.com/wp-content/uploads/IRT-2-
768x567.png
Chaerlshelly. (2017). Pakikipagkapwa-tao. 10 Filipino Values.
https://chaerlshelly.wordpress.com/2017/09/17/pakikipagkapwa-tao/
Creative Stall Premium. (n.d.). Bullseye free icon. Flaticon. https://www.flaticon.com/free-
icon/bullseye_800634
DepEd Tambayan. (n.d.). Pagtatasa [image]. DepEd Tambayan.
https://images.app.goo.gl/9cTszp3DnWNyqTwV6
DepEd Tambayan. (n.d.). Susi sa Pagwawasto [image]. DepEd Tambayan.
https://images.app.goo.gl/XsNhZnj1tExxrEmV7
ImageCatalog. (2016). brain gears. The Noun Project. https://thenounproject.com/icon/brain-gears-
406785/
Limited, A. (n.d.). Diamond jewel gem vector icon in flat style. Diamond gemstone illustration on
isolated transparent background. Jewelry brilliant concept. Alamy Images.
https://www.alamy.com/diamond-jewel-gem-vector-icon-in-flat-style-diamond-gemstone-
illustration-on-isolated-transparent-background-jewelry-brilliant-concept-
image183649284.html
September, M. (n.d.). EsP8 Q2 Mod5 Ang-Pakikipagkapwa v3 100356. Scribd.
https://www.scribd.com/document/502873970/EsP8-Q2-Mod5-Ang-Pakikipagkapwa-v3-
100356
Vectoricons344. (2024). ABC Blocks vector icon Can be used for Kindergarten iconset. Freepik.
https://www.freepik.com/premium-vector/abc-blocks-vector-icon-can-be-used-kindergarten-
iconset_179325716.htm

12
8 Technology for
Teaching and Learning 2

Edukasyon
Sa Pagpapkatao
IKALAWANG MARKAHAN – Modyul 6 :
Pakikipagkaibigan
Junior High School

ESP 8
IKALAWANG MARKAHAN – Modyul 2

Pakikipagkapwa

Technology for
Teaching and Learning 2
TALAAN NG NILALAMAN

Paunang Salita………………………...……………………………………………………………….1
Alamin………………………………………………………………………………………………….3
Layunin………………………………………………..……………………………………………….3
Pangkalahatang Panuto……………………………………………………………………………….4

MODYUL 2:
• Kaibigan Kita…Kaibigan Mo Ako… Magkaibigan Tayo…
• Mga Uri ng Kaibigan
• Ang Pagpapaunlad ng Pakikipagkaibigan
Subukin……………………………………………….……………………………….4
Aralin……………………………………………….………………………………....5
Tuklasin……………………………………………….………………………………6
Suriin……………………………………………….………………………………….7
Pagyamanin……………………………………………...…………………………….7
Isaisip……………………………………………….…………………………………8
Isagawa……………………………………………….……………………………….9
Pagtatasa…………………………………………..….……………………………...10
Karagdagang Gawain……………………………...….……………………………...13

Susi ng kasagutan……………………………………………….……...…………………………….14
Buod……………………………………………….………………………………………………….14
Sanggunian……………………………………………….………………….……………………….17
PAUNANG SALITA

Ang modyul na Edukasyon sa Pagpapakatao ay inilimbag upang matugunan ang


pangangailangan ng mga mag-aaral tungo sa matagumpay na edukasyon. Nililinang nito ang kakayahan
at mabuting kaugalian ng kabataan, lalo na sa pakikipagkapwa. Ang bawat aralin, babasahin, gawain,
at pagsasanay ay iniangkop sa kakayahan at interes ng mga kabataan upang magkaroon ng
makabuluhan, analitikal, kritikal, at mapanuring pag-iisip, na maghahanda sa kanila sa pagharap sa mga
hamon ng totoong buhay. Narito ang mga aralin sa pakikipagkapwa na tatalakayin sa buong pag-aaral.

Mga aralin sa Modyul 6 (Modyul 2 ng Ikalawang Markahan):


➢ Kaibigan Kita…Kaibigan Mo Ako… Magkaibigan Tayo…
➢ Mga Uri ng Kaibigan
➢ Ang Pagpapaunlad ng Pakikipagkaibigan

Mga Icon ng Modyul na ito

Malalaman mo kung ano ang dapat mong


Alamin
matutuhan sa modyul na ito.

Isang pagsusulit kung saan makikita natin kung may


Subukin
kaalaman ka na sa aralin ng modyul na ito.

Isang maikling eksplenasyon ng paksa at mga


Aralin
konsepto ng paksa.

Tuklasin May bagong aralin ang ipakikilala sa iyo.

Maikling pagtalakay sa aralin upang matulungan ka


Suriin sa pagunawa ng mga bagong konsepto at mga
kasanayan.

Mga gawaing mapatnubay at malayang pagsasanay


Pagyamanin upang mapatibay ang iyong pag-unawa at mga
kasanayang sa paksa.

1
Naglalaman ng mga katanungan o pupunan ang
Isaisip patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo sa aralin.

Mga gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin


Isagawa
ang bagong kaalaman sa tunay na sitwasyon.

Gawain na naglalayong mataas o masukat ang antas


Pagtatasa
ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhan.

Mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa


Susi sa Pagwawasto
modyul.

2
MODYUL 6
MODYUL
➢ Kaibigan Kita…Kaibigan Mo Ako… Magkaibigan Tayo…

2 ➢ Mga Uri ng Kaibigan


➢ Ang Pagpapaunlad ng Pakikipagkaibigan

Alamin

Sa nakaraang aralin, natutunan natin ang tungkol sa iba't ibang uri ng pakikipagkaibigan at ang
kanilang kahalagahan sa ating buhay. Ang pakikipagkaibigan ay hindi nasusukat sa haba ng panahon o
kasiyahan kundi sa malalim na ugnayan batay sa pagmamahal at pagpapahalaga.

May tatlong uri ng kaibigan: batay sa pangangailangan, batay sa pansariling kasiyahan, at batay
sa kabutihan, kung saan ang huli ay nagtatampok ng tunay na paggalang at pagkagusto. Ang tunay na
kaibigan ay bihira ngunit mahalaga sa personal na paglago at pagkilala sa sarili.

Ang pakikipagkaibigan ay nagpapalalim ng ating pagkatao at nagpapalakas ng ating pagiging


panlipunang nilalang, na nagdudulot ng kasiyahan at pag-unlad. Sa pag-unawa ng kahalagahan nito,
natutulungan tayong makita kung paano nakakaapekto ang mga kaibigan sa ating buhay at personal na
pag-unlad.

Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang sumusunod nakaalaman, kakayahan, at pag-
unawa:
a) Nahihinuha na: Ang pakikipagkaibigan ay nakatutulong sa paghubog ngmatatag na
pagkakakilanlan at pakikisalamuha sa lipunan. Maramingkabutihang naidudulot ang
pagpapanatili ng mabuting pakikipagkaibigan:ang pagpapaunlad ng pakatao at pakikipagkapwa
at pagtatamo ngmapayapang lipunan/pamayanan. Ang pagpapatawad ay palatandaan
ngpakikipagkaibigang batay sa kabutihan at pagmamahal. Nakatutulong ito sapagtamo ng
integrasyong pansarili at pagpapaunlad ng pakikipagkapwa.
b) Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang mapaunlad angpakikipagkaibigan (hal.
Pagpapatawad)

3
PANGKALAHATANG
PANUTO
Sa paghawak ng modyul na ito, dapat na gawin ang mga sumusunod:
1. Basahin at sundin ang panuto sa bawat paksa.
2. Itala ang mga kaukulang punto na nangangailangan ng masusingkasagutan.
3. Gawin ang mga Gawain sa Modyul nang may pag-unawa
4. Sagutin ang lahat ng mga katanungan sa bawat gawain.

Subukin

Upang subukin ang iyong sarili, ang paunang pagtataya sa modyul na ito ay iyong isasagawa
kung saan isusukat ang dati mong kaalaman, at iyong kasalukuyang kakayahan sa pakikipagkaibigan.
Ang resulta nito ay hindi magiging bahagi ng iyong marka na magsisilbing batayan ng iyong pag-unlad.

GAWAIN 1: Pagkakaibigan

Panuto: Suriin ang larawan at sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

1. Ano ang pakikipagkaibigan para sa iyo?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
________________________________________

4
2. Ano ang napansin o nakikita mo sa larawan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
________________________________________

3. Ano ang relasyon nila sa isa’t- isa sa iyong palagay?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
________________________________________

Aralin

Pakikipagkaibigan Tungo Sa Matatag Na Pagkakakilanlan At Kaganapan


1. Nakalilikha ng mabuting pagtingin sa sarili
2. Natutuhan kung paano maging mabuting takapakinig
3. Natutukoy kung sino ang mabuti at di mabuting kaibigan sa pamamagitan ng mga tunay na
kaibigan.
4. Natutuhang pahalagahan ang mabuting ugnayan sa pakikipagkaibigan sa kabila ng ilang di
pagkakaintindihan.
5. Nagkakaroon ng mga bagong ideya at pananaw sa pakikipagkaibigan

Ano ba talaga ang kinakailangan upangmapagtagumpayan ng isang tao ang pagbuong


pagkakaibigan? Anu ba ang pangunahing sangkap sa pagkakaibigan? (Book: The Heart of
Friendship(1976), James at Savary)

Mga Sangkap Sapagkakaibigan


1. Presensiya
2. Paggawa ng bagay nang magkasama
3. Pag-aalaga
4. Katapatan
5. Kakayahang mag-alaga ng lihim (Confidentiality) at pagiging tapat (loyalty)
6. Pag-unawa sa nilalaman ng isip at damdamin ng iba(empathy)

Ang Tatlong uri ng Pakikipagkaibigan. Ayon kay Aristotle

1. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan.


Ito ay pagkakaibigang inilalaan sa isang tao dahil sa pangangailangan ng isang tao rito. “Kaibigan
kita dahil kailangan kita…”

5
2. Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan.
Ang ganitong uri ng pagkakaibigan ay nabubuo sa pagitan mo at ng isa o mahigit pang tao na
masaya kang kasama o kausap.
3. Pagkakaibigan na nakabatay sa kabutihan.
Ang ganitong uri ng pagkakaibigan ay nabubuo batay sa pagkagusto (admiration) at paggalang
sa isa’t isa. Hindi ito madaling mabuo, nangangailangan ito ng mas mahabang panahon kung
ikukumpara sa dalawang naunang natalakay na uri.

Ang mas malalim at makabuluhang pagkakaibigan ay nabubuo sa pagitanmabubuting tao na


kapwa nagtataglay ngmga birtud at pagpapahalaga.Ang paghahangad ng mabuti para sa isang kaibigan
at para sa kaniyang kapakanan ang pinakamataas na antas ng pagkakaibigan.

Tuklasin

Ano nga ba ang Pagkikipagkaibigan?

KAIBIGAN
✓ Maaasahan
✓ Masasandalan
✓ Takbuhan
✓ Maraming pwedeng mapag-uusapan at maramingmga hindi malilimutang karanasan mula sa
inyong pagsasama.

Ayon sa WEBSTER’S DICTIONARY, ang pagkakaibigan aynangagahulugan ng pagkakaroon


ngugnayan sa isang tao dahil sa pagmamahal (affection) o pagpapahalaga (esteem)

TANDAAN NATIN
1. Ang pagkakaibigan ay hindi isang damdamin, bagkus isang pasiya dahil ito ay nangangailangan
ngmalinaw na hangarin.
2. Hindi ibinabatay lamang sa simpleng pagkagusto at sakagalakan dahil sa presensiya ng isang tao.
3. Ang kaibigan ay hindi basta-basta mahahanap, hindimaaaring pagkakita mo sa isang tao ay
mararamdamanmo na magiging malapit kayo sa isa’t isa. Dumadaanito sa isang mahaba at
masalimoot na proseso.

Ayon naman kay Aristotle, “Ang tunay na pakikipagkaibigan aysumisibol mula sa pagmamahal
ng mgataong malalim na nakilala ang pagkataosa pananaw ng sarili at iba.”

At ayon naman kay Emerson, “Ang biyaya ng mabuting pakikipagkaibiganay hindi lamang
makakamit sa ngiti at saya ngisang pangkat ng magkakaibigan o ng tulong at pabor na maibibigay
nila. Kundi , ito’ymararamdaman sa inspirasyong nagmumula sataong naniniwala at nagtitiwala sa
atin.”

6
Ang pagkakaibigan ay nabubuo sa pamamagitan ng isang malalim na ugnayanng dalawa o higit
pang tao na hindinakabatay sa kanilang mga katangian kundisa mas malalim na aspekto ng kanilang
pagkatao. Likas sa tao ang maghanap ngtaong makakaugnayan dahil siya ay isang Panlipunang
Nilalang.

GAWAIN 2: Ako at Aking mga Kaibigan

Gamit ang Canva o PosterMyWall, gumawa ng isang photo mosaic o collage poster na may
temang “Ako at Aking mga Kaibigan” kung saan ay isho-showcase mo ang pagkakaibigan niyo ng
iyong kaibigan o friend squad. Maaaring gumamit ng totoong litrato. Ipasa sa group chat.

Suriin

Batayan ng kabutihan at pagmamahal?


Minsan, kahit iniingatan angmagandang ugnayan ng pagkakaibigandumadating sa punto ng
hindi pagkakaunawan.

Ayon kay George Washington, “Ang tunay na pagkakaibigan ay dumadaanmuna sa ilang


matitinding pagsubok bago itoganap na malinang sa malalim na antas ng pakikipag-ugnayan.”

Lahat nagkakamali, ang paghingi ng kapatawaran ay hindi kahinaan kundi kalakasan ng isang
tao. Kailangan ang lakasng loob sa pag-amin ng kamalian. Ang mabuting pagkakaibigan ay marunong
tumanggap sa katotohanan,handang ipakita ang kababaang-loob at magpatawad.

I-access ang link: https://www.verywellmind.com/the-importance-of-friendship-3024371


basahin ang article at sagutan ang mga katanungan sa: https://quizizz.com/join?gc=92408891

Pagyamanin

GAWAIN 3.1: Dahilan Kung bakit kita Kaibigan

Gumawa ng Timeline ng mga naging kaibigan at ilapat kung anong pangalan at taon mo siya
naging kaibigan. Ang pagtaas o pagbaba ng linya ay ibabatay sa antas o lalim ng iyong nabuong
pagkakaibigan sa kanila. Sagutan rin ang mga katanungan sa ibaba (ilalagay rin sa iyong site). Gawin
ito sa isang Google site at isubmit sa Google Classroom.

7
Google Classroom link:
https://classroom.google.com/c/NjY1ODcxMTQ3MTE1?cjc=decd2bs

❖ Ano ang magkakaibang dahilan na iyong naitala sa pagbuo ng iyong pagkakaibigan?


Ipaliwanag.
❖ Ano ang pinakamalalim at pinakamakabuluhang dahilan na iyong naitala? Ipaliwanag.

GAWAIN 3.2: Friendship Promise

Gumawa ng isang pangako ng pakikipagkaibigan. “Ako si (pangalan) ay nangangako (pangako)


simula sa araw na ito (Petsa) at sa loob ng paaralan ng Mulong National High School…” Sagutan rin
ang mga katanungan sa ibaba (ilalagay rin sa iyong site). Gawin ito sa isang Google site at isubmit sa
Google Classroom.

Google Classroom link:


https://classroom.google.com/c/NjY1ODcxMTQ3MTE1?cjc=decd2bs

❖ Alin sa mga itinalang mga dahilan ang nagpabago ng iyong pananaw tungkol sa pagkakaibigan?
Ipaliwanag.
❖ Ano ang pinakamababaw na dahilan na iyong naitala? Ipaliwanag.

Isaisip

GAWAIN 4: Pag-iisipan ang puntong ito (REPLEKSYON)

Ayon sa Kawikaan 18:24, "Ang nagpaparami ng mga kaibigan ay sa kanyang sariling


kapahamakan: nguni't may kaibigan na mahigit kaysa isang kapatid". Ang mga kaibigan ay
may malaking impluwensya sa ating pagkatao lalong lalo na sa ating pagkilos at pag-iisip.
Kaya napakahalaga na piliin nang maayos ang kakaibiganin upang mapalayo tayo sa
kapahamahakan. Ang pagkakaroon ng mabuti at tunay na kaibigan ay nakatutulong sa atin
upang mapaunlad ang ating pagkatao lalong lalo na aspektong pisikal, mental at ispiritwal.

Hindi natin kailangan ng maraming kaibigan para mabuo at makilala natin ang
ating sarili. Ang isa/dalawang kaibigan ay sapat na para matuklasan ang sariling kakayahan
at kahinaan, ang kabuluhan natin sa lipunan.

Sa pakikipagkaibigan binibigkis nito ang kaisahang kilos at damdamin ng tao sa


anumang ugnayan tulad ng ugnayan ng magulang sa anak, ng magkakapatid, magkatrabaho,
magkapitbahay at iba pa. Ang suportang ibinibigay ng kaibigan ay isang inspirasyon sa
panlipunang aspekto ng tao. Napataas ang pagpapahalaga sa sarili dahil sa mga kaibigang
tumatanggap at nagtitiwala sa potensyal at kakayahan ng isang tao. Sa pamamagitan ng mga
kaibigan mas madaling maisakatuparan ang pangarap at layunin sa buhay dahil suportang
handog ng mga kaibigan.

8
Mga Tanong:
1. Ano ang iyong layunin sa pakikipagkaibigan?
2. Bakit mahalagang bigyang pansin ang magandang pakikitungo sa kapwa? Sa lipunan?
3. Paano nakatutulong ang mabuting pagkakaibigan sa pagkilala ng iyong sarili?
4. Paano ninyo mabigyan ng pagpapahalaga ang mabuting pakikipag- ugnayan at malalim na
pagkakaibigan?
5. Paano mapapanatiling malusog at matatag ang maganda at malalim na ugnayan ninyo ng inyong
kaibigan?

Gawin sa kahit na anong medium na komportable para sainyo (kapag hindi digital o kung
isusulat sa papel, siguraduhing malinaw ang pagkakakuha ng litrato ng iyong papel bago i-submitt sa
Google Classroom).

Google Classroom link:


https://classroom.google.com/c/NjY1ODcxMTQ3MTE1?cjc=decd2bs

Isagawa

GAWAIN 5.1: Journal (REPLEKSYON)

Gamit ang Google site, gumawa ng journal tungkol sa mga matinding pagsubok na
napagdaanan ninyo ng iyong kaibigan. Paano ninyo ito nalampasan? Isinaalang-alang ba ninyo ang mga
sangkap sa pagkakaibigan? Magtala ng limang (5) pagsubok na napagdaanan ninyo ng inyong kaibigan
at ibahagi kung paano ninyo ito napagtagumpayang ayusin. Ibahagi sa patalatang paraan ang sariling
pag-unlad dahil sa pakikipagkaibigan. I-submitt sa Google Classroom.

Google Classroom link:


https://classroom.google.com/c/NjY1ODcxMTQ3MTE1?cjc=decd2bs

GAWAIN 5.2: Friendship Problems

I-access ang link: https://quizizz.com/join?gc=67270801 at sagutan ang mga katanungan.

9
Pagtatasa

GAWAIN 6.1: Alamin ang Napagalaman

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang letra ng pinakatamang sagot.

1. Anong uri ng kaibigan ang nagtatampok ng tunay na paggalang at pagkagusto?


a) Batay sa pangangailangan
b) Batay sa pansariling kasiyahan
c) Batay sa kabutihan
d) Lahat ng nabanggit

2. Ano ang isa sa mga katangian ng tunay na kaibigan, ayon sa aralin?


a) Madaling makahanap
b) Bihira ngunit mahalaga sa personal na paglago
c) Madaling makalimutan
d) Lahat ng nabanggit

3. Ano ang pangunahing layunin ng pagpapanatili ng mabuting pakikipagkaibigan?


a) Pagpapalakas ng ego
b) Pagpapalawak ng social network
c) Pagpapaunlad ng pakatao at pakikipagkapwa
d) Pagtamo ng mapayapang lipunan/pamayanan

4. Ano ang kahalagahan ng pagpapatawad sa pakikipagkaibigan?


a) Palatandaan ng hindi pagpapahalaga
b) Palatandaan ng pagiging mapanlikha
c) Palatandaan ng pakikipagkaibigang batay sa kabutihan at pagmamahal
d) Lahat ng nabanggit

5. Ano ang hindi isa sa mga sangkap ng pagkakaibigan?


a) Paggawa ng bagay nang magkasama
b) Pagtamo ng mapayapang lipunan/pamayanan
c) Kakayahang mag-alaga ng lihim at pagiging tapat
d) Lahat ng nabanggit

6. Anong uri ng pakikipagkaibigan ang nabubuo sa pagkagusto at paggalang sa isa't isa?


a) Batay sa pangangailangan
b) Batay sa pansariling kasiyahan
c) Batay sa kabutihan
d) Lahat ng nabanggit

10
7. Ano ang isa sa mga katangian ng mabuting kaibigan, ayon kay Aristotle?
a) Madaling makalimutan
b) Nagtatampok ng pagkagusto lamang
c) Nagtataglay ng mga birtud at pagpapahalaga
d) Lahat ng nabanggit

8. Ano ang pinakamataas na antas ng pagkakaibigan, ayon kay Aristotle?


a) Batay sa pangangailangan
b) Batay sa pansariling kasiyahan
c) Batay sa kabutihan
d) Hindi binanggit sa aralin

9. Ano ang kahulugan ng pagkakaibigan, ayon sa Webster's Dictionary?


a) Pagkakaroon ng matibay na ugnayan
b) Pagkakaroon ng malalim na pag-unawa
c) Pagkakaroon ng ugnayan dahil sa pagmamahal o pagpapahalaga
d) Lahat ng nabanggit

10. Ano ang hindi dapat maging batayan ng pagkakaibigan?


a) Damdamin
b) Pasensya
c) Hangarin at hangad
d) Lahat ng nabanggit

11. Ano ang kailangang gawin upang mapaunlad ang pakikipagkaibigan, ayon sa modyul?
a) Pagpapakumbaba
b) Pagpapatawad
c) Pagiging palakaibigan
d) Lahat ng nabanggit

12. Ano ang sinasabi ni George Washington tungkol sa tunay na pagkakaibigan?


a) Madaling makuha
b) Dumaan sa maraming pagsubok bago maging malalim
c) Hindi mahalaga sa personal na paglago
d) Lahat ng nabanggit

13. Ano ang hindi tama tungkol sa pagkakaibigan, ayon sa mga itinuro?
a) Ibinabatay sa simpleng pagkagusto
b) Madaling makahanap
c) Hindi isang damdamin kundi isang pasiya
d) Lahat ng nabanggit

14. Ano ang pinakamahalagang pangunahing sangkap sa pagkakaibigan?


a) Pag-aalaga
b) Presensiya
c) Paggawa ng bagay nang magkasama
d) Lahat ng nabanggit

11
15. Ano ang sinasabi ni Emerson tungkol sa biyaya ng mabuting pakikipagkaibigan?
a) Hindi lamang makakamit sa ngiti at saya ng isang pangkat ng magkakaibigan
b) Ito'y nagmumula sa inspirasyon ng isang naniniwala at nagtitiwala
c) Hindi importante sa personal na pag-unlad
d) Lahat

GAWAIN 6.2: Alamin ang Napagalaman

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat situasyon at tanong. Sagutan ng hindi hihigit sa limang
(5) pangungusap.

1. Si Maria at Anna ay magkaibigan mula pagkabata. Minsan, nalaman ni Maria na si Anna ay


nangangailangan ng tulong sa isang proyekto sa paaralan. Kahit busy si Maria sa kanyang sariling
gawain, inuna niya ang pagtulong kay Anna dahil alam niyang kailangan niya ito. Anong uri ng
pakikipagkaibigan ang ipinakita ni Maria kay Anna?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________...

2. Si Juan ay laging kasama si Pedro tuwing may pagkakataon dahil masaya siya kapag kasama si
Pedro. Sila ay laging magkasama tuwing naglalaro ng basketball at nanonood ng sine. Anong uri
ng pakikipagkaibigan ang meron si Juan at Pedro?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________...

3. Si Carlo ay may bagong kaklase na si Mark na bagong lipat mula sa ibang paaralan. Napansin ni
Carlo na walang gustong kumausap kay Mark. Kaya't nilapitan niya ito at inalok na sabay silang
kumain ng tanghalian. Anong angkop na kilos ang ipinakita ni Carlo upang mapaunlad ang
pakikipagkaibigan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________...

4. Si Lisa ay nagtiwala kay Betty at ipinagtapat ang isang lihim na matagal na niyang itinatago.
Ipinangako ni Betty na hindi niya ito isasabi kahit kanino. Ngunit isang araw, narinig ni Lisa ang
kanyang lihim mula sa ibang tao. Alin sa mga sangkap ng pagkakaibigan ang hindi natupad ni
Betty?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

12
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________...

5. Si Andrew at Tom ay naging magkaibigan dahil sa pangangailangan sa kanilang trabaho. Palaging


magkasama sila sa mga proyekto at madalas silang nagtutulungan para matapos ang mga ito.
Habang tumatagal, nakilala nila ang isa’t isa nang mas mabuti at naging matalik na magkaibigan.
Anong uri ng pakikipagkaibigan ang kanilang relasyon noong simula, at paano ito nagbago?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________...

KARAGDAGANG GAWAIN: Friendship Scrapbook

Gumawa ng friendship scratchbook kung saan naipapakita ang iyong mga kaibigan at tungkol
sa kanila (proprayl, biography, atbp.). Maglalagay ka rin ng mga litrato ng inyong mga ginawa (outings,
field trip, group projects, atbp.). At kung ano pa man ang iyong maisipan na nagpapakita ng inyong
pakikipagkaibigan. Kailangang mahigit sampu hanggang labing-limang (10-15) na pahina ang laman
ng friendship scrapbook. Gumamit ng kahit na anong materyales sa paggawa ng inyong mini photo
album. Maging malikhain.

13
14
at nagdudulot ng kasiyahan at pag-unlad.
Pakikipagkaibigan: Nagpapalalim ng pagkatao, nagpapalakas ng pagiging panlipunang nilalang,
personal na paglago at pagkilala sa sarili.
✓ Batay sa Kabutihan: Nagtatampok ng tunay na paggalang at pagkagusto; mahalaga para sa
✓ Batay sa Pansariling Kasiyahan: Nabubuo dahil sa kasiyahan sa presensya ng isa't isa.
✓ Batay sa Pangangailangan: Nagkakaibigan dahil may pangangailangan ang isa sa isa.
Uri ng Kaibigan
ugnayan batay sa pagmamahal at pagpapahalaga.
Pakikipagkaibigan: Hindi nasusukat sa haba ng panahon o kasiyahan kundi sa malalim na
Ang Kahalagahan ng Pakikipagkaibigan
BUOD
GAWAIN 6.2: Paunang Pagtataya ng Kaalaman sa mga Konsepto ng
Pakikipagkapwa GAWAIN 6.1:
Paunang
1. Ang ipinakita ni Maria ay isang uri ng pagkakaibigan na batay sa Pagtataya ng
kabutihan, dahil inilagay niya ang kapakanan ng kanyang kaibigan Kaalaman sa
kaysa sa kanyang sariling interes. mga Konsepto ng
Pakikipagkapwa
2. Ang kanilang pakikipagkaibigan ay batay sa pansariling kasiyahan
dahil nag-eenjoy sila sa presensya ng isa't isa at sa mga aktibidad na 1. c
ginagawa nila nang magkasama. 2. b
3. c
3. Ang kilos ni Carlo ay nagpapakita ng pagiging mabuting kaibigan at 4. c
pagsisimula ng ugnayan sa pamamagitan ng presensya at pagpapakita 5. b
ng malasakit sa bagong kaklase. 6. c
7. c
4. Hindi natupad ni Betty ang sangkap ng pagkakaibigan na pagiging 8. c
tapat at kakayahang mag-alaga ng lihim (confidentiality). 9. c
10. a
5. Noong simula, ang kanilang pakikipagkaibigan ay batay sa 11. d
pangangailangan dahil sila ay nagtutulungan sa trabaho. Habang 12. b
tumatagal, ito ay nagbago at naging pagkakaibigang batay sa 13. b
kabutihan, dahil mas lumalim ang kanilang ugnayan at pagkilala sa 14. a
isa’t isa. 15. b
Susi sa Pagwawasto
Pakikipagkaibigan Tungo sa Matatag na Pagkakakilanlan at Kaganapan
Benepisyo :
✓ Mabuting pagtingin sa sarili.
✓ Pagsasanay sa pagiging mabuting tagapakinig.
✓ Pagtukoy sa mabuti at di mabuting kaibigan.
✓ Pagpapahalaga sa mabuting ugnayan kahit may hindi pagkakaintindihan.
✓ Pagkakaroon ng bagong ideya at pananaw sa pakikipagkaibigan.

Mga Sangkap sa Pagbuo ng Pakikipagkaibigan (James at Savary, 1976)


✓ Presensiya
✓ Paggawa ng bagay nang magkasama
✓ Pag-aalaga
✓ Katapatan
✓ Kakayahang mag-alaga ng lihim at pagiging tapat
✓ Pag-unawa sa nilalaman ng isip at damdamin ng iba

Tatlong Uri ng Pakikipagkaibigan Ayon kay Aristotle


✓ Nakabatay sa Pangangailangan: Kaibigan dahil sa pangangailangan.
✓ Nakabatay sa Pansariling Kasiyahan: Kaibigan dahil sa kasiyahan sa kanilang presensya.
✓ Nakabatay sa Kabutihan: Kaibigan batay sa paggalang at pagkagusto sa isa't isa; pinakamatagal
at pinakamalalim na uri.

Mga Katangian ng Kaibigan


✓ Maaasahan
✓ Masasandalan
✓ Takbuhan
✓ Maraming pwedeng mapag-usapan at maraming hindi malilimutang karanasan

Paliwanag ng Mga Pilosopo


✓ Webster's Dictionary: Pakikipagkaibigan ay pagmamahal o pagpapahalaga.
✓ Aristotle: Tunay na pakikipagkaibigan ay nagmumula sa pagmamahal at malalim na
pagkakakilala sa pagkatao ng isa’t isa.
✓ Emerson: Biyaya ng mabuting pakikipagkaibigan ay nagmumula sa inspirasyon mula sa taong
naniniwala at nagtitiwala sa atin.
✓ George Washington: Tunay na pagkakaibigan ay dumadaan sa pagsubok bago maging malalim.

Konklusyon
✓ Pagkakaibigan: Nabubuo sa pamamagitan ng malalim na ugnayan, hindi lamang sa katangian
kundi sa mas malalim na aspekto ng pagkatao.
✓ Pagtanggap at Kapatawaran: Mahalaga sa mabuting pagkakaibigan ang pagtanggap sa
katotohanan, kababaang-loob, at pagpapatawad.

Buod na Konklusyon
Sa nakaraang aralin, natutunan natin ang iba't ibang uri ng pakikipagkaibigan at ang kanilang
kahalagahan sa ating buhay. Ang pakikipagkaibigan ay hindi nasusukat sa haba ng panahon o kasiyahan
kundi sa malalim na ugnayan batay sa pagmamahal at pagpapahalaga. May tatlong uri ng kaibigan ayon

15
kay Aristotle: batay sa pangangailangan, pansariling kasiyahan, at kabutihan. Ang tunay na kaibigan ay
bihira ngunit mahalaga sa personal na paglago at pagkilala sa sarili. Ang pakikipagkaibigan ay
nagpapalalim ng ating pagkatao at nagpapalakas ng ating pagiging panlipunang nilalang, na nagdudulot
ng kasiyahan at pag-unlad. Sa modyul na ito, natutunan natin ang kahalagahan ng presensya, paggawa
ng bagay nang magkasama, pag-aalaga, katapatan, at pag-unawa sa damdamin ng iba. Ang
pagkakaibigan ay isang malalim na ugnayan na likas sa tao bilang isang panlipunang nilalang. Ang
mabuting pagkakaibigan ay nakakatulong sa paghubog ng matatag na pagkakakilanlan at integrasyong
pansarili. Ayon kay George Washington, ang tunay na pagkakaibigan ay dumadaan sa pagsubok bago
maging malalim. Ang paghingi ng kapatawaran at pagtanggap sa kamalian ay mahalaga sa
pagpapanatili ng mabuting ugnayan sa pagkakaibigan.

16
SANGUNIAN

Adobe Stock. (n.d.). #295110385.


https://as2.ftcdn.net/v2/jpg/02/95/11/03/1000_F_295110385_myXvWUvh0be4rrDYjolEs1DAs
Fqdd9fG.jpg\
Anonymous. (n.d.). Plants Sproud Icon | iOS 7 IconPack | ICons8.
https://www.iconarchive.com/show/ios7-icons-by-icons8/Plants-Sproud-icon.html
Anonymous. (n.d.). Redirect notice.
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.itdatarecovery.com%2Fservic
es%2Fdrive-not-detected-
inaccessible%2F&psig=AOvVaw3usMmIWTyYhHmJuA0DcXLm&ust=1716138592865000
&source=images&cd=vfe&opi=89978449&ved=2ahUKEwiO1fzK2JeGAxWbbmwGHf9gAp8
QjRx6BAgAEBY
Anonymous. (n.d.). Teaching [image]. Mind Fish. https://mindfish.com/wp-content/uploads/IRT-2-
768x567.png
Creative Stall Premium. (n.d.). Bullseye free icon. Flaticon. https://www.flaticon.com/free-
icon/bullseye_800634
Cuncic, A., MA. (2024). 6 Benefits of Friendship and Why It's So Important to Stay Close. Verywell
Mind. https://www.verywellmind.com/the-importance-of-friendship-3024371
Danielle, R. (n.d.). Modyul-6-Ang-Pakikipagkaibigan. Scribd.
https://www.scribd.com/presentation/640883750/Modyul-6-Ang-Pakikipagkaibigan
DepEd Tambayan. (n.d.). Pagtatasa [image]. DepEd Tambayan.
https://images.app.goo.gl/9cTszp3DnWNyqTwV6
DepEd Tambayan. (n.d.). Susi sa Pagwawasto [image]. DepEd Tambayan.
https://images.app.goo.gl/XsNhZnj1tExxrEmV7
GAbriel, E. (n.d.). ESP8- Q2 Mod4of8 AngPakikiPagkaibigan. Scribd.
https://www.scribd.com/document/614799997/EsP8-Q2-Mod4of8-AngPakikipagkaibigan
Hibbs, T. S. (2019, August 20). Friendship is essential to a good life. So why are we losing it?. Dallas
News. https://www.dallasnews.com/opinion/2019/07/25/friendship-is-essential-to-a-good-life-
so-why-are-we-losing-it/
ImageCatalog. (2016). brain gears. The Noun Project. https://thenounproject.com/icon/brain-gears-
406785/
Limited, A. (n.d.). Diamond jewel gem vector icon in flat style. Diamond gemstone illustration on
isolated transparent background. Jewelry brilliant concept. Alamy Images.
https://www.alamy.com/diamond-jewel-gem-vector-icon-in-flat-style-diamond-gemstone-
illustration-on-isolated-transparent-background-jewelry-brilliant-concept-
image183649284.html
Pcc, E. C., JD. (2023). How to Tell a Friend You Don’t Want To Make Plans with Them. wikiHow.
https://www.wikihow.com/Tell-a-Friend-You-Don't-Want-To-Make-Plans-with-Them
Prezi, P. J. G. O. (n.d.). ESP 8 Modyul 06 Pakikipagkaibigan. prezi.com.
https://prezi.com/p/tvm4m6h12cle/esp-8-modyul-06-pakikipagkaibigan/
Vectoricons344. (2024). ABC Blocks vector icon Can be used for Kindergarten iconset. Freepik.
https://www.freepik.com/premium-vector/abc-blocks-vector-icon-can-be-used-kindergarten-
iconset_179325716.htm

17
8 Technology for
Teaching and Learning 2

Edukasyon
Sa Pagpapkatao
IKALAWANG MARKAHAN – Modyul 7 :
Emosyon
Junior High School

ESP 8
IKALAWANG MARKAHAN – Modyul 3

Emosyon

Technology for
Teaching and Learning 2
TALAAN NG NILALAMAN

Paunang Salita………………………...……………………………………………………………….1
Alamin………………………………………………………………………………………………….3
Layunin………………………………………………..……………………………………………….3
Pangkalahatang Panuto……………………………………………………………………………….4

MODYUL 3:
• Wasto at Hindi Wastong Pamamahala ng Emosyon sa Pagpapasiya
• Impluwensya ng Emosyon sa Pagpapasiya
• Pamamahala ng Emosyon
Subukin……………………………………………….……………………………….4
Aralin……………………………………………….………………………………....5
Tuklasin……………………………………………….………………………………6
Suriin……………………………………………….………………………………….8
Pagyamanin……………………………………………...…………………………….9
Isaisip……………………………………………….…………………………………9
Isagawa……………………………………………….……………………………...10
Pagtatasa…………………………………………..….……………………………...11
Karagdagang Gawain…………………………………………..….…………………13

Susi ng kasagutan……………………………………………….……...…………………………….14
Buod……………………………………………….………………………………………………….14
Sanggunian……………………………………………….………………….……………………….16
PAUNANG SALITA

Ang modyul na Edukasyon sa Pagpapakatao ay inilimbag upang matugunan ang


pangangailangan ng mga mag-aaral tungo sa matagumpay na edukasyon. Nililinang nito ang kakayahan
at mabuting kaugalian ng kabataan, lalo na sa pakikipagkapwa. Ang bawat aralin, babasahin, gawain,
at pagsasanay ay iniangkop sa kakayahan at interes ng mga kabataan upang magkaroon ng
makabuluhan, analitikal, kritikal, at mapanuring pag-iisip, na maghahanda sa kanila sa pagharap sa mga
hamon ng totoong buhay. Narito ang mga aralin sa pakikipagkapwa na tatalakayin sa buong pag-aaral.

Mga aralin sa Modyul 7 (Modyul 3 ng Ikalawang Markahan):


➢ Wasto at Hindi Wastong Pamamahala ng Emosyon sa Pagpapasiya
➢ Impluwensya ng Emosyon sa Pagpapasiya
➢ Pamamahala ng Emosyon

Mga Icon ng Modyul na ito

Malalaman mo kung ano ang dapat mong


Alamin
matutuhan sa modyul na ito.

Isang pagsusulit kung saan makikita natin kung may


Subukin
kaalaman ka na sa aralin ng modyul na ito.

Isang maikling eksplenasyon ng paksa at mga


Aralin
konsepto ng paksa.

Tuklasin May bagong aralin ang ipakikilala sa iyo.

Maikling pagtalakay sa aralin upang matulungan ka


Suriin sa pagunawa ng mga bagong konsepto at mga
kasanayan.

Mga gawaing mapatnubay at malayang pagsasanay


Pagyamanin upang mapatibay ang iyong pag-unawa at mga
kasanayan sa paksa.

1
Naglalaman ng mga katanungan o pupunan ang
Isaisip patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo sa aralin.

Mga gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin


Isagawa
ang bagong kaalaman sa tunay na sitwasyon.

Gawain na naglalayong mataas o masukat ang antas


Pagtatasa
ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhan.

Mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa


Susi sa Pagwawasto
modyul.

2
MODYUL 7
MODYUL
➢ Wasto at Hindi Wastong Pamamahala ng Emosyon sa Pagpapasiya

3 ➢ Impluwensya ng Emosyon sa Pagpapasiya


➢ Pamamahala ng Emosyon

Alamin

Sa nakaraang aralin, natutunan natin na ang pagkakaibigan ay isang pasiya na nangangailangan


ng malinaw na hangarin, at hindi ito ibinabatay lamang sa simpleng pagkagusto o kagalakan. Ang tunay
na kaibigan ay hindi basta-basta natatagpuan; ito ay nabubuo sa pamamagitan ng mahaba at masalimuot
na proseso. Sa bagong aralin, mas kilalanin natin ang ating sarili at ang ating emosyon. Mahalagang
malaman na ang ating emosyon ay nakakaapekto sa ating mga kilos at desisyon. Naranasan mo na bang
mas manaig ang iyong nararamdaman kaysa sa iyong kakayahang mag-isip? Tuklasin natin kung ano
ang dapat gawin sa mga ganitong sitwasyon.

Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang sumusunod nakaalaman, kakayahan, at pag-
unawa:
a) Natutukoy ang magiging epekto sa kilos at pagpapasiya ngwasto at hindi wastong pamamahala
ng pangunahingemosyon.
b) Nasusuri kung paano naiimpluwensyahan ng isang emosyonang pagpapasiya sa isang
sitwasyon na may krisis, suliranino pagkalito.
c) Napangangatwiranan na: (a). Ang pamamahala ng emosyon sa pamamagitan ng pagtataglay ng
mga birtud ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili at pakikipagkapwa; (b). Ang katatagan
(fortitude) at kahinahunan (prudence) ay nakatutulong upang harapinang matinding
pagkamuhi, matinding kalungkutan, takot at galit.
d) Naisasagawa ang mga angkop na kilos upangmapamahalaan nang wasto ang emosyon.

Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng awtput mo sa titik d:


1) Nasuri ang pamamahala sa mga pangunahing emosyon sa pagpapaunlad ng ating
pakikipagkapwa sa pamamagitan ng SWOT Analysis
2) Nakamungkahi ng pamamaraan upang mapamahalaan ang mga emosyong nagdudulot ng
suliranin sa sarili at pakikipagkapwa
3) May nabuong mga tiyak na hakbang upang mapamahalaan nang wasto ang emosyon.

3
PANGKALAHATANG
PANUTO
Sa paghawak ng modyul na ito, dapat na gawin ang mga sumusunod:
1. Basahin at sundin ang panuto sa bawat paksa.
2. Itala ang mga kaukulang punto na nangangailangan ng masusingkasagutan.
3. Gawin ang mga Gawain sa Modyul nang may pag-unawa
4. Sagutin ang lahat ng mga katanungan sa bawat gawain.

Subukin

Upang subukin ang iyong sarili, ang paunang pagtataya sa modyul na ito ay iyong isasagawa
kung saan isusukat ang dati mong kaalaman, at iyong kasalukuyang kakayahan sa paksang emosyon.
Ang resulta nito ay hindi magiging bahagi ng iyong marka na magsisilbing batayan ng iyong pag-unlad.

GAWAIN 1: Paunang Pagtataya ng Kaalaman sa mga Konsepto ng


Emosyon

Panuto: Ang bawat tao ay may iba’t ibang sitwasyong hinaharap. May sarili rin siyang paraan kung
paano niya ito haharapin at kung ano ang emosyong ipakikita. Tukuyin mo ang emosyon na angkop sa
bawat sitwasyon. Piliin ang sagot mula sa kahon sa ibaba. Isulat sa iyong kuwaderno ang iyong mga
sagot.

Sitwasyon Angkop na Emosyon


1. Si Ana ay tinulungan ng kanyang kaibigan na si Maria sa kanilang
proyekto sa paaralan. Sa kabila ng kanyang abalang iskedyul, naglaan
pa rin si Maria ng oras upang tulungan si Ana. Dahil dito, ipinakita ni
Ana ang kanyang pagmamahal at pagpapahalaga kay Maria sa
pamamagitan ng isang yakap at pasasalamat.
2. Nawala ang trabaho ni Mark dahil sa pagsasara ng kompanya. Sa kabila
ng hirap ng sitwasyon, pinilit ni Mark na manatiling matatag at
naghanap ng bagong trabaho upang masuportahan ang kanyang
pamilya.
3. Naglalakad si Liza pauwi ng gabi nang bigla siyang makaramdam na
may sumusunod sa kanya. Dahil dito, nakaramdam siya ng matinding
pagkatakot at agad na naghanap ng ligtas na lugar upang magtago.
4. Pumanaw ang pinakamatalik na kaibigan ni Sam dahil sa malubhang
sakit. Labis na pighati ang naramdaman ni Sam dahil sa pagkawala ng
kanyang mahal na kaibigan.

4
5. Kahit na maraming beses nang hindi nakapasa si Leo sa mga job
interview, hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa. Naniniwala siyang may
tamang trabaho na nakalaan para sa kanya.
6. Si Rosa ay paulit-ulit nang bumagsak sa kanyang mga pagsusulit sa
eskwela. Dahil dito, nakaramdam siya ng kawalan ng pag-asa at iniisip
na hindi na siya makakapagtapos.
7. Si Jake ay naghihintay ng resulta ng kanyang aplikasyon sa isang
prestihiyosong unibersidad. Punong-puno siya ng pag-asam na
makapasa at mapabilang sa mga estudyante ng nasabing unibersidad.
8. Alam ni Tom na ang kanyang mga kaibigan ay madalas uminom ng alak
tuwing Biyernes ng gabi. Dahil alam niyang hindi ito makakabuti para
sa kanya, nagpasya siyang umiwas at hindi sumama sa kanila.
9. Si Carla ay nalaman na niloko siya ng kanyang kasintahan sa loob ng
mahabang panahon. Dahil dito, nakaramdam siya ng matinding
pagkamuhi at agad na tinapos ang kanilang relasyon.
10. Nakatanggap ng balita si Ella na siya ay nakapasa sa board exam. Lubos
ang kanyang pagkagalak at agad niyang ibinahagi ang magandang balita
sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

MGA PANGUNAHING EMOSYON


Pagmamahal Kawalan ng pag-asa
Pagkamuhi
Katatagan Pag-iwas
Pagkagalit
Pagkatakot Pag-asa
Pagkagalak
Pag-asam Pighati

Aralin

Apat na Uri ng Damdamin


1. Pandama (sensory feelings) – tumutukoy sa limang
karamdamangpisikal o mga panlabas na pandama na
nagdudulot ng panandaliangkasiyahan o paghihirap ng tao.
Halimbawa ng mga ito angpagkagutom, pagkauhaw
kalasingan at kiliti.
2. Kalagayan ng damdamin (feeling state) – may
kinalaman sakasalukuyang kalagayan na nararamdaman ng
tao. Halimbaawa nitoay kasiglahan at katamlayan.
3. Sikikong damdami (psychical feelings) – pagtugon ng tao sa mgabagay sa kaniyang paligid ay
naiimpluwensyahan ng kasalukuyangkalagayan ng kanyang damdamin. Ilan lamang sa mga
halimbawa nitoay sobrang tuwa, kaligayahan, kalungkutan , kasiyahan o poot.
4. Ispiritwal na damdamin (spiritual feelings) – nakatuon sa paghubog ngpagpapahalaga sa
kananalan tulad ng pag-asa at pananampalataya.

5
Mga pangunahing Emosyon (Dr. Manuel B. Dy Jr.):
• Pagmamahal (love)
• Pagkamuhi (hatred)
• Paghahangad (desire)
• Pag-iwas (aversion)
• Pagkatuwa (joy)
• Pagdadalamhati (sorrow)
• Pag-asa (hope)
• Kawalan ng pag-asa (despair)
• Pagiging matatag (courage)
• Pagkatakot (fear)
• Pagkagalit (anger)

Ang mga emosyon sa unang hanay ay nakasisiya ngunitnangangailangan ng wastong


pamamahala, samantalang ang mgaemosyon sa ikalawang hanay ay nagpapahirap sa damdamin dahil
itoay nakatatakot, nakalulungkot at nagddudulot ng sakit sa kalooban.

Tuklasin

Ano nga ba ang Emosyon?

Ang mga emosyon ay nakakaapekto sa ating mga kilos at desisyon, kaya mahalaga ang wastong
pamamahala nito. Ang kasiyahan, tulad ng tuwa sa nakitang tsokolate, ay dapat mapigil kung alam
mong hindi ito sa iyo. Ang mahihirap na emosyon, tulad ng takot at lungkot, ay nagdudulot ng sakit sa
kalooban, tulad ng pag-aalala ng mga mag-aaral sa pag-aaral sa kolehiyo dahil sa pinansyal na hirap.
Sa ganitong mga pagkakataon, kailangan ang katatagan ng loob upang malampasan ang mga pagsubok
at tukso. Mahalagang pag-isipan nang maigi ang gagawin lalo na sa panahon ng krisis, tulad ng pag-
aaway ng magkaibigan, upang maiwasan ang pagsisisi. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, ang
matalinong paghusga ay ang kakayahang makagawa ng tamang pasiya sa napapanahong paraan, na
nagpapahintulot sa atin na malampasan ang kahirapan at mga balakid sa buhay.

MGA PANGUNAHING EMOSYON ayon kay Dr. Manuel B. Dy Jr.

Pagmamahal (love)
Pagmamahal ay isang positibong emosyon na nagpapakita ng malalim na pagkagusto,
pagkalinga, at malasakit sa isang tao o bagay. Ito ay kadalasang nagmumula sa pagkakaibigan, pamilya,
o romantikong relasyon.

Pagkamuhi (hatred)
Pagkamuhi ay isang negatibong emosyon na nagdudulot ng matinding pag-ayaw at galit sa isang
tao o bagay. Ito ay maaaring magresulta sa poot at kagustuhang maghiganti.

6
Paghahangad (desire)
Paghahangad ay isang emosyon na nagpapakita ng matinding kagustuhan o pagnanasa na
makamit ang isang bagay o karanasan. Ito ay maaaring tumukoy sa materyal na bagay, tagumpay, o
ibang tao.

Pag-iwas (aversion)
Pag-iwas ay isang emosyon na nagpapakita ng pag-ayaw o pagkasindak sa isang bagay o
sitwasyon. Ito ay nagdudulot ng paglayo o pag-iwas sa bagay na kinatatakutan o kinaiinisan.

Pagkatuwa (joy)
Pagkatuwa ay isang positibong emosyon na nagdudulot ng kasiyahan at kaligayahan. Ito ay
kadalasang nararanasan kapag ang isang tao ay nakamit ang isang layunin o nasa isang masayang
sitwasyon.

Pagdadalamhati (sorrow)
Pagdadalamhati ay isang negatibong emosyon na nagpapakita ng kalungkutan at pighati. Ito ay
kadalasang nararanasan kapag may pagkawala, kabiguan, o malungkot na pangyayari.

Pag-asa (hope)
Pag-asa ay isang positibong emosyon na nagdudulot ng pananabik at pagtitiwala na makakamit
ang isang bagay sa hinaharap. Ito ay nagbibigay ng lakas at inspirasyon upang magpatuloy sa kabila ng
mga pagsubok.

Kawalan ng pag-asa (despair)


Kawalan ng pag-asa ay isang negatibong emosyon na nagpapakita ng matinding kalungkutan at
kawalan ng tiwala sa hinaharap. Ito ay nararanasan kapag ang isang tao ay hindi na nakikita ang
solusyon o pag-asa sa kanilang sitwasyon.

Pagiging matatag (courage)


Pagiging matatag ay isang positibong emosyon na nagpapakita ng lakas ng loob at determinasyon
sa harap ng panganib o hamon. Ito ay nagbibigay ng kakayahan sa tao na harapin at lampasan ang takot
at pagsubok.

Pagkatakot (fear)
Pagkatakot ay isang negatibong emosyon na nagdudulot ng pag-aalala at pangamba sa isang
banta o panganib. Ito ay kadalasang nararanasan kapag ang isang tao ay nasa sitwasyon na may
posibilidad ng pagkasugat o kapahamakan.

Pagkagalit (anger)
Pagkagalit ay isang negatibong emosyon na nagpapakita ng iritasyon at galit. Ito ay kadalasang
nararanasan kapag ang isang tao ay nasaktan, naagrabyado, o nakakaranas ng hindi makatarungang
sitwasyon.

ANG EMOSYON ayon kay Feldman (2005, ph.346),

a. ang emosyon ay nagbibigay daan sa tao upang maunawaan ang mga pangyayari sa paligid at
bigyan ng kahulugan ang kanyang karanasan. Halimbawa, kapag binantaan ka ng isang kaklase

7
na sasaktan ka paglabas ng paaralan, ang takot na mararamdaman mo ay magtutulak sa iyo na
agad umalis upang iwasan ang posibleng panganib.
b. ang emosyon ay nakatutulong sa pagtukoy ng tamang kilos sa harap ng mga damdamin na
nararamdaman. Ito ay nagbibigay babala sa tao at nagbibigay inspirasyon sa kaniya na mag-ingat
at umiwas sa mga posibleng panganib. Halimbawa, kung muling maranasan mo ang takot, ang
emosyon na ito ay maaaring magtulak sa iyo na mag-ingat at umiwas sa mga sitwasyon na
maaaring magdulot ng panganib.
c. ang emosyon ay ginagamit sa pakikipagkomunikasyon at pakikipag-ugnayan sa iba. Ito ay
maaaring ipahayag nang marahan o malantad, tulad ng pagpapahayag ng emosyon sa
pamamagitan ng ekspresyon ng mukha, pag-iyak, o pagtawa. Sa pamamagitan ng emosyon,
nagagawang ipahayag ng tao ang tunay na nararamdaman at maipahiwatig ang kanyang mga
pangangailangan at inaasahan mula sa iba.

GAWAIN 2: Ako at Aking mga Damdamin

Gamit ang Canva o PosterMyWall, gumawa ng isang photo collage poster na may temang
“Ako at Aking mga Damdamin” kung saan ay ipapakita mo ang iyong iba’t-ibang emosyon, maaaring:
(a) litratuhan ang sarili na ginagawa ang iba’t-ibang emosyon, o (b) kahit na anong larawan na
nagpapahiwatig o nagpaparamdam ng isang emosyon para sa’yo. Lagyan ng label kung anong uri ng
emosyon ang bawat larawan. Ang gagamitin lamang larawan ay ang sariling kuha, huwag kumuha sa
internet. Ipasa sa group chat.

Suriin

Ang hindi napamamahalaang emosyon ay maaaring magdulot ng hindi magandang


impluwensiya sa ating mga kilos at desisyon, lalo na sa mga sitwasyon ng krisis o suliranin. Hindi lahat
ng tao ay may sapat na kakayahan upang mapamahalaan ang kanilang emosyon. Ito ay maaaring
magresulta sa mga hindi kanais-nais na reaksyon tulad ng pagkakasakit sa iba o pagmumukmok sa
bahay. Kaya't mahalaga ang literasiya sa emosyon, na tumutukoy sa kakayahan ng tao na maunawaan
at pakialaman ang kanyang sariling emosyon, pati na rin ang pagkilala at wastong pagtugon sa mga ito
ayon sa kinakaharap na sitwasyon. Ayon kay Seeburger (1997, ph.30), ang literasiya sa emosyon ay
naglalaman ng kakayahang alamin at unawain ang sariling emosyon, at ang pagkilala at pagsasagawa
ng tamang damdamin sa tamang panahon at sitwasyon.

Papano maipauunlad ang Emotional Quotient (EQ) o Emotional Intelligence (EI)?

Ang Emotional Quotient (EQ) o Emotional Intelligence (EI) ay nagpapahayag ng kasanayang


mapangasiwaan ang ating emosyon nang may katuwiran at maliwanag na pag-iisip, lalo na sa mga
sitwasyong may krisis, suliranin, o pagkalito. Ito ay mahalaga sa pagpapalago ng isang tao dahil sa
pamamagitan ng EQ, nakakamit ng isang indibidwal ang tamang pagpapasya at pagkilos sa gitna ng
mga pagsubok. Hindi lahat ay natural na may kakayahang pamahalaan ang kanilang emosyon, kaya't
ang pag-unlad ng EQ ay mahalaga upang magtagumpay sa buhay at sa pakikipagkapwa.

8
I-access ang link: https://sites.google.com/view/emotional-qoutientintelligence/home basahin
ang article at sagutan ang mga katanungan sa: https://quizizz.com/join?gc=85190443

Pagyamanin

GAWAIN 3: Paglinangin ang Emosyon at Pagpapasiya

I-access at basahin ang mga article sa mga link na https://www.rochemartin.com/blog/50-tips-


improving-emotional-intelligence at https://www.betterup.com/blog/how-to-improve-emotional-
intelligence. Pagkatapos, magtala ng mga paraan ng pagpapalinang ng Emotional Quotient (EQ) o
Emotional Intelligence (EI). Gawing poster gamit ang Canva o PosterMyWall at i-send sa group chat.

Isaisip

GAWAIN 4: Pag-iisipan ang puntong ito (REPLEKSYON)

Ang anumang uri ng emosyon ay nangangailangan ngwastong


pamamahala. Sa mga pagkakataong nakararanas kang mga emosyon
tulad ng takot, pagkabagabag opagkalungkot, ay kailangan mong maging
mahinahon.Magkaroon ng mapanuri at makatuwirang pag-iisip
upangmaging matatag at malampasan ang ano mang hirap
nanararamdaman. Ang maingat na paghuhusga ay mahalagangbirtud
upang mapamahalaan ng wasto ang ating emosyon.Dahil dito mas
nakakapag-isip ng maigi ang isang indibidwalkung ano ang kaniyang
gagawin sa panahon na nakararanassya ng suliranin o krisis sa buhay.
Nagiging mahinahon sila at masnapagninilayan kung ano ang mainam na
gawin sa bawatsitwasyon at maiwasan ang pagsisisi sa huli. Ang maingat
napaghuhusga ay katambal ng tamang pagdedesisyon namagdadala sa’yo
sa tamang aksiyon. Sa pamamahala ngwasto ng ating emosyon ay mas
napapaunlad pa natin angating sarili at ang ating ugnayan sa ating kapwa.

9
Mga Tanong:
1. Paano mo naipapakita ang mahinahon at mapanuri mong pag-iisip sa mga pagkakataong
nakararanas ka ng mga emosyon tulad ng takot, pagkabagabag, o pagkalungkot?
2. Ano ang mga konkretong hakbang na ginagawa mo upang mapamahalaan ng wasto ang iyong
emosyon sa panahon ng mga suliranin o krisis sa buhay?
3. Paano mo naipapatupad ang maingat na paghuhusga sa iyong pang-araw-araw na buhay upang
makapag-isip ng maigi at makapagdesisyon ng tama sa iba't ibang sitwasyon?

Gawin sa kahit na anong medium na komportable para sainyo (kapag hindi digital o kung
isusulat sa papel, siguraduhing malinaw ang pagkakakuha ng litrato ng iyong papel bago i-submitt sa
Google Classroom).

Google Classroom link:


https://classroom.google.com/c/NjY1ODcxMTQ3MTE1?cjc=decd2bs

Isagawa

GAWAIN 5: Paglinangin ang Emosyon at Pagpapasiya

Magsagawa ng Pagsusuri ng Kalakasan, Kahinaan, Oportunidad at Banta (SWOT Analysis)


tungkol sa epekto ng wastong pamamahala ng emosyon sa pagpapaunlad ng sarili at ng
pakikipagkapwa.

Strengths (Kalakasan) Weaknesses (Kahinaan)

Opportunities (Oportunidad) Threats (Banta)

10
Pagtatasa

GAWAIN 6.1: Alamin ang Napagalaman

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang letra ng pinakatamang sagot.

1. Ano ang kahulugan ng intrapersonal na kagalingan?


a) Kakayahang makipag-ugnayan sa ibang tao
b) Kakayahan sa pagsusuri ng sarili
c) Kakayahan sa pakikipagkomunikasyon
d) Kakayahang magkaroon ng malawakang kamalayan

2. Ano ang kahalagahan ng pamamahala sa emosyon sa buhay ng isang tao?


a) Mapanatili ang negatibong reaksyon
b) Pababain ang antas ng Emotional Quotient (EQ)
c) Makapagtagumpay sa mga hamon ng buhay
d) Pagkakaroon ng mas maraming kaaway

3. Ano ang tawag sa kakayahan na kumilala, umalam, at umunawa ng mga emosyong pansarili at
ng ibang tao?
a) Emotional Intelligence (EI)
b) Interpersonal na kagalingan
c) Intrapersonal na kagalingan
d) Pandama

4. Ano ang itinutukoy ng "sensory feelings" sa apat na uri ng damdamin?


a) Pagtugon sa mga pangyayari sa paligid
b) Pagkakaroon ng espiritwal na kapanatagan
c) Panandaliang kasiyahan o paghihirap na dulot ng pisikal na pakiramdam
d) Kakayahang magkaroon ng malinaw na pag-unawa sa ibang tao

5. Ano ang isang paraan upang mapamahalaan ng wasto ang mga emosyon?
a) Hindi pagpapahayag ng damdamin
b) Pagtanggi sa pagkilala sa sariling emosyon
c) Maingat na paghuhusga at pagpapasya
d) Pagpapalaki ng mga negatibong damdamin

6. Ano ang kahulugan ng "pagkilala sa sariling emosyon" sa mga elemento ng EQ?


a) Kakayahang suriin ang sarili at magkaroon ng mataas na kamalayan
b) Kakayahang magtagumpay sa anumang hamon ng buhay
c) Kakayahan sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao
d) Kakayahan sa pakikisalamuha sa lipunan

11
7. Sa pamamagitan ng anong aspeto ng EQ naipapahayag ng tao ang tunay niyang nararamdaman?
a) Motibasyon
b) Pamamahala sa sariling emosyon
c) Interpersonal na kagalingan
d) Pagkilala at pang-unawa sa damdamin ng iba

8. Ano ang pangunahing layunin ng literasiyang pandamdamin?


a) Pagtanggi sa pakikisalamuha sa iba
b) Kakayahang magtagumpay sa anumang hamon ng buhay
c) Kakayahang maunawaan at pamahalaan ang sariling emosyon
d) Pagpapalaki ng negatibong damdamin

9. Sa anong aspeto ng EQ mahalaga ang pag-unawa sa iba't ibang personalidad at motibasyon ng


mga tao?
a) Intrapersonal na kagalingan
b) Pagkilala sa sariling emosyon
c) Interpersonal na kagalingan
d) Pamamahala ng ugnayan

10. Anong kasanayan ang nagpapahayag ng kakayahan ng isang tao na malampasan ang kahirapan
at labanan ang mga tukso sa buhay?
a) Pag-asa
b) Pagiging matatag
c) Paghahangad
d) Pagkagalit

GAWAIN 6.2: Alamin ang Napagalaman

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang salaysay. Gumawa ng isang sanaysay.

Paano napauunlad ng EQ ang isang tao at bakit ito mahalaga sa kanyang buhay? Ilahad ang
mga epekto ng tamang pamamahala sa emosyon sa pag-unlad ng isang indibidwal at sa kanyang
pakikipagkapwa. Bigyan ng halimbawa mula sa iyong sariling karanasan o obserbasyon.

___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________...

___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
______________________________________...

___________________________________________________________________________
____________________________________________________________...

12
KARAGDAGANG GAWAIN: Mood Monitor

Gumawa ng mood monitor kagaya nang nasa ibaba. I-track ang iyong emosyon o mood sa loob
ng isang buwan o masmabuti’y ipagpatuloy pa. Maaaring disenyuhan, maging malikhain.

SUN MON TUE WED THU FRI SAT


1 2 3 4 5 6 7

8 9 10 11 12 13 14

15 16 17 18 19 20 21

22 23 24 25 26 27 28

29 30 31

*bibilugan o i-shade o i-cross-out ang naging kabuuang mood ng araw na iyon, pwede namang sa ibang
paraan depende sa disenyong iyong napili o naisip.*

13
Susi sa Pagwawasto

10. Pagkagalak 10. b. Pagiging matatag


9. Pagkamuhi 9. c. Interpersonal na kagalingan
8. Pag-iwas emosyon
7. Pag-asam 8. c. Kakayahang maunawaan at pamahalaan ang sariling
6. Kawalan ng Pag-asa 7. b. Pamamahala sa sariling emosyon
5. Pag-asa kamalayan
4. Pighati 6. a. Kakayahang suriin ang sarili at magkaroon ng mataas na
3. Pagkatakot 5. c. Maingat na paghuhusga at pagpapasya
2. Katatagan pakiramdam
1. Pagmamahal 4. c. Panandaliang kasiyahan o paghihirap na dulot ng pisikal na
Konsepto ng Emosyon 3. a. Emotional Intelligence (EI)
Kaalaman sa mga 2. c. Makapagtagumpay sa mga hamon ng buhay
Pagtataya ng 1. b. Kakayahan sa pagsusuri ng sarili
GAWAIN 1: Paunang GAWAIN 6.1: Alamin ang Napagalaman

BUOD

Ano ang Emosyon?

Ang emosyon ay mga damdamin o reaksyon ng tao sa iba't ibang karanasan. Mayroong apat na
uri ng damdamin ayon kay Dr. Manuel B. Dy Jr.:
✓ Pandama (Sensory Feelings): Tumutukoy sa limang pisikal na pandama tulad ng gutom, uhaw,
kalasingan, at kiliti.
✓ Kalagayan ng Damdamin (Feeling State): May kinalaman sa kasalukuyang nararamdaman ng
tao tulad ng kasiglahan o katamlayan.
✓ Sikikong Damdamin (Psychical Feelings): Pagtugon ng tao sa paligid na naaapektuhan ng
kasalukuyang emosyon tulad ng tuwa, kaligayahan, kalungkutan, at poot.
✓ Ispiritwal na Damdamin (Spiritual Feelings): Nakatutok sa mga pagpapahalaga tulad ng pag-
asa at pananampalataya.

Pangunahing Emosyon
✓ Positibo: Pagmamahal, Paghahangad, Pagkatuwa, Pag-asa, Pagiging Matatag
✓ Negatibo: Pagkamuhi, Pag-iwas, Pagdadalamhati, Kawalan ng Pag-asa, Pagkatakot, Pagkagalit

Kahalagahan ng Pamamahala sa Emosyon


✓ Ayon kay Feldman, ang emosyon ay nakatutulong sa pag-unawa ng paligid, pagkilos nang
angkop sa sitwasyon, at pakikipagkomunikasyon sa kapwa.
✓ Mahalaga ang literasiyang pandamdamin upang malaman at maunawaan ang sariling emosyon
at matukoy ang damdaming akma sa sitwasyon (Seeburger, 1997).

14
Emotional Quotient (EQ) o Emotional Intelligence (EI)
✓ EQ ay ang kakayahang mapangasiwaan ang emosyon nang may katuwiran at maliwanag na pag-
iisip.
✓ Intrapersonal na Kagalingan: Pagkilala at pag-unawa sa sariling emosyon.
✓ Interpersonal na Kagalingan: Pag-unawa at pakikisalamuha sa emosyon ng iba.

Pangunahing Elemento ng EQ (Goleman, 1986)


✓ Pagkilala sa sariling emosyon
✓ Pamamahala sa sariling emosyon
✓ Motibasyon
✓ Pagkilala at pang-unawa sa damdamin ng iba
✓ Pamamahala ng ugnayan

Mungkahing Paraan Upang Mapamahalaan ang Emosyon (Morato, Jr., 2007)


✓ Tanungin ang sarili
✓ Tanggapin ang takot at maging positibo
✓ Isaisip ang tunay na kahulugan ng tagumpay
✓ Tanggapin ang hangganan ng lahat ng bagay
✓ Magtiwala at humingi ng tulong sa iba

Ang wastong pamamahala sa emosyon ay mahalaga sa pagkakaroon ng maayos na pamumuhay


at relasyon sa kapwa. Ang mataas na EQ ay nagpapahiwatig ng kakayahang maunawaan at kontrolin
ang emosyon, na nagdudulot ng mas magandang pakikitungo sa sarili at sa iba.

Buod na Konklusyon
Ang emosyon ay mga damdamin o reaksyon ng tao sa iba't ibang karanasan na maaaring
positibo (pagmamahal, pag-asa, pagkatuwa) o negatibo (pagkamuhi, kawalan ng pag-asa, pagkagalit).
Mahalaga ang pamamahala sa emosyon upang magkaroon ng magandang relasyon sa sarili at sa iba, at
ito ay tinatawag na Emotional Quotient (EQ) o Emotional Intelligence (EI). Ayon kay Goleman (1986),
ang EQ ay binubuo ng pag-unawa sa sariling emosyon, pamamahala sa mga ito, motibasyon, pag-unawa
sa damdamin ng iba, at pamamahala ng ugnayan. Upang mapamahalaan ang emosyon, dapat tanungin
ang sarili, tanggapin at harapin ang takot, isaisip ang tunay na tagumpay, tanggapin ang hangganan ng
mga bagay, at magtiwala sa iba. Ang mataas na EQ ay nagpapahiwatig ng kakayahang kontrolin at
unawain ang emosyon, na nagdudulot ng mas maayos na pamumuhay at pakikisalamuha.

15
SANGUNIAN

Admin. (2023, August 22). Feelings chart. Reward Charts 4 Kids.


https://www.rewardcharts4kids.com/feelings-chart/
Adobe Stock. (n.d.). #295110385.
https://as2.ftcdn.net/v2/jpg/02/95/11/03/1000_F_295110385_myXvWUvh0be4rrDYjolEs1DAs
Fqdd9fG.jpg\
Anonymous. (n.d.). Plants Sproud Icon | iOS 7 IconPack | ICons8.
https://www.iconarchive.com/show/ios7-icons-by-icons8/Plants-Sproud-icon.html
Anonymous. (n.d.). Redirect notice.
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.itdatarecovery.com%2Fservic
es%2Fdrive-not-detected-
inaccessible%2F&psig=AOvVaw3usMmIWTyYhHmJuA0DcXLm&ust=1716138592865000
&source=images&cd=vfe&opi=89978449&ved=2ahUKEwiO1fzK2JeGAxWbbmwGHf9gAp8
QjRx6BAgAEBY
Anonymous. (n.d.). Teaching [image]. Mind Fish. https://mindfish.com/wp-content/uploads/IRT-2-
768x567.png
Creative Stall Premium. (n.d.). Bullseye free icon. Flaticon. https://www.flaticon.com/free-
icon/bullseye_800634
Cunanan, E. N. (n.d.-b). ESP 8 SIM Modyul 7 - Emosyon. Scribd.
https://www.scribd.com/document/531838754/ESP-8-SIM-Modyul-7-Emosyon
DepEd Tambayan. (n.d.). Pagtatasa [image]. DepEd Tambayan.
https://images.app.goo.gl/9cTszp3DnWNyqTwV6
DepEd Tambayan. (n.d.). Susi sa Pagwawasto [image]. DepEd Tambayan.
https://images.app.goo.gl/XsNhZnj1tExxrEmV7
Francisco, J. (2021, February 9). Emosyon esp 8 [Slide show]. SlideShare.
https://www.slideshare.net/missglamour/emosyon-esp-8
ImageCatalog. (2016). brain gears. The Noun Project. https://thenounproject.com/icon/brain-gears-
406785/
Kichikimi. (n.d.). Different emotions and moods drawing simple round vector image. VectorStock.
https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/different-emotions-and-moods-drawing-
simple-round-vector-43195406
Limited, A. (n.d.). Diamond jewel gem vector icon in flat style. Diamond gemstone illustration on
isolated transparent background. Jewelry brilliant concept. Alamy Images.
https://www.alamy.com/diamond-jewel-gem-vector-icon-in-flat-style-diamond-gemstone-
illustration-on-isolated-transparent-background-jewelry-brilliant-concept-
image183649284.html
Modyul 7 emosyon .pptx. (2023, February 12). [Slide show]. SlideShare.
https://www.slideshare.net/slideshow/modyul-7-emosyon-pptx/255820550
Timado, M. T. (n.d.). Modyul 7: Emosyon. Scribd. https://www.scribd.com/doc/285905284/Modyul-
7-Emosyon
Vectoricons344. (2024). ABC Blocks vector icon Can be used for Kindergarten iconset. Freepik.
https://www.freepik.com/premium-vector/abc-blocks-vector-icon-can-be-used-kindergarten-
iconset_179325716.htm

16
8 Technology for
Teaching and Learning 2

Edukasyon
Sa Pagpapkatao
IKALAWANG MARKAHAN – Modyul 8 :
Ang Mapanagutang Pamumuno at Pagiging Tagasunod
Junior High School

ESP 8
IKALAWANG MARKAHAN – Modyul 4

Ang Mapanagutang Pamumuno


at Pagiging Tagasunod

Technology for
Teaching and Learning 2
TALAAN NG NILALAMAN

Paunang Salita………………………...……………………………………………………………….1
Alamin………………………………………………………………………………………………….3
Layunin………………………………………………..……………………………………………….3
Pangkalahatang Panuto……………………………………………………………………………….3

MODYUL 4:
• Mapanagutang Lider at Tagasunod
• Mga Katangian ng Mapanagutang Lider at Tagasunod
• Kahalagahan ng Mapanagutang Pamumuno at Pagiging Tagasunod
Subukin……………………………………………….……………………………….4
Aralin……………………………………………….………………………………....5
Tuklasin……………………………………………….………………………………6
Suriin……………………………………………….………………………………….8
Pagyamanin……………………………………………...…………………………….8
Isaisip……………………………………………….…………………………………9
Isagawa……………………………………………….……………………………….9
Pagtatasa…………………………………………..….……………………………...10
Karagdagang Gawain…..….…………………………………………….…………...11

Susi ng kasagutan……………………………………………….……...…………………………….13
Buod……………………………………………….………………………………………………….13
Sanggunian……………………………………………….………………….……………………….16
PAUNANG SALITA

Ang modyul na Edukasyon sa Pagpapakatao ay inilimbag upang matugunan ang


pangangailangan ng mga mag-aaral tungo sa matagumpay na edukasyon. Nililinang nito ang kakayahan
at mabuting kaugalian ng kabataan, lalo na sa pakikipagkapwa. Ang bawat aralin, babasahin, gawain,
at pagsasanay ay iniangkop sa kakayahan at interes ng mga kabataan upang magkaroon ng
makabuluhan, analitikal, kritikal, at mapanuring pag-iisip, na maghahanda sa kanila sa pagharap sa mga
hamon ng totoong buhay. Narito ang mga aralin sa pakikipagkapwa na tatalakayin sa buong pag-aaral.

Mga aralin sa Modyul 8 (Modyul 4 ng Ikalawang Markahan):


➢ Mapanagutang Lider at Tagasunod
➢ Mga Katangian ng Mapanagutang Lider at Tagasunod
➢ Kahalagahan ng Mapanagutang Pamumuno at Pagiging Tagasunod

Mga Icon ng Modyul na ito

Malalaman mo kung ano ang dapat mong


Alamin
matutuhan sa modyul na ito.

Isang pagsusulit kung saan makikita natin kung may


Subukin
kaalaman ka na sa aralin ng modyul na ito.

Isang maikling eksplenasyon ng paksa at mga


Aralin
konsepto ng paksa.

Tuklasin May bagong aralin ang ipakikilala sa iyo.

Maikling pagtalakay sa aralin upang matulungan ka


Suriin sa pagunawa ng mga bagong konsepto at mga
kasanayan.

Mga gawaing mapatnubay at malayang pagsasanay


Pagyamanin upang mapatibay ang iyong pag-unawa at mga
kasanayang sa paksa.

1
Naglalaman ng mga katanungan o pupunan ang
Isaisip patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo sa aralin.

Mga gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin


Isagawa
ang bagong kaalaman sa tunay na sitwasyon.

Gawain na naglalayong mataas o masukat ang antas


Pagtatasa
ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhan.

Mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa


Susi sa Pagwawasto
modyul.

2
MODYUL 8
MODYUL
➢ Mapanagutang Lider at Tagasunod

4 ➢ Mga Katangian ng Mapanagutang Lider at Tagasunod


➢ Kahalagahan ng Mapanagutang Pamumuno at Pagiging Tagasunod

Alamin

Maraming pagkakataon sa buhay na tayo ay nalalagay sa isang sitwasyon kung saan


nangangailangan ng isang masusing pagpapasiya kung ano ang ilapat na mga kaukulang kilos. Sa
ating pakikiisa sa pangkat na kinabibilangan, nahahasa ang angking potensyal bilang isang
namumuno o tagasunod. Kadalasan, ang tagumpay o kabiguan sa pag-angkin sa isang adhikain
ay nakasalalay sa katangian ng isang lider at ng kanyang nasasakupan.

Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang sumusunod nakaalaman, kakayahan, at pag-
unawa:
a) Natutukoy ang kahalagahan ng pagiging mapanagutang lider at tagasunod.
b) Nailalarawan ang mga katangian ng isang mapanagutang lider at at tagasunod.
c) Naipahahayag ang natukoy na kahalagahan ng pagiging mapanagutang lider at tagasunod sa
pamamagitan ng isang Slogan.

PANGKALAHATANG
PANUTO
Sa paghawak ng modyul na ito, dapat na gawin ang mga sumusunod:
1. Basahin at sundin ang panuto sa bawat paksa.
2. Itala ang mga kaukulang punto na nangangailangan ng masusingkasagutan.
3. Gawin ang mga Gawain sa Modyul nang may pag-unawa
4. Sagutin ang lahat ng mga katanungan sa bawat gawain.

3
Subukin

Upang subukin ang iyong sarili, ang paunang pagtataya sa modyul na ito ay iyong isasagawa
kung saan isusukat ang dati mong kaalaman, at iyong kasalukuyang kakayahan sa paksang lider at
tagasunod. Ang resulta nito ay hindi magiging bahagi ng iyong marka na magsisilbing batayan ng iyong
pag-unlad.

GAWAIN 1: Ang Lider at Tagasunod

Panuto: Magtala ng mga salita o grupo ng mga salita na naiuugnay mo sa salitang LIDER at
TAGASUNOD.

LIDER

TAGASUNOD

4
Aralin

Ang kasabihang "ang ningning ng tagumpay ay nasa likuran ang luha ng sakripisyo" ay totoo
dahil ang bawat tagumpay ay bunga ng oras, husay, at wastong hakbang. Ang mga magagandang bagay
sa ating paligid, na ating hinahangaan, ay bunga ng masusing paggawa at sakripisyo. Ang pundasyon
ng tagumpay ay nakasalalay sa mabisang pamumuno at suporta ng mga tagasunod. Ang pagtatagumpay
o pagkabigo ay bunga ng pamumuno, at hindi magiging matagumpay ang pamumuno kung walang
suporta mula sa mga tagasunod. Kaya, mahalaga ang mabuting ugnayan upang makamit ang kabutihang
panlahat.

Wika ng mga nakakarami, ang isang maayos at matiwasay na pamayanan ay hindi lamang dahil
sa pagkakaroon ng isang magaling at matinong pinuno bagkus ay ang pagkakaroon din ng mga tapat at
maayos na mga mamamayan. Dahil dito makikita natin kung ano ang kahalagahan ng mapanagutang
pamumuno at pagiging tagasunod. Bago tayo magpatuloy, alamin kung ano ang mga katangian ng
mapanagutang tagasunod.

Mahalaga ang pagkakaroon ng isang mapanagutang pinuno at tagasunod dahil mas nagiging
disiplinado ang bawat isa. Mas lalo pang tumitibay at nagkakaroon ng mas malaking mga achievement
ang isang komunidad o lugar kung ang pinuno ay may pamumunong inspirasyonal. Dagdag na rito, ang
matapat na paggampan sa tungkulin ng tagasunod. Ang matiwasay na koneksyon ng dalawang ito ay
ang susi sa mga matatagumpay na proyekto, gawain, at mga pamahalaan.

Ilan sa mga katangian ng isang mapanagutang lider ay ang pagkakaroon ng mga sumusunod:
1. Pamumunong Inspirasyunal
2. Pamumunong Transpormasyonal
3. Pamumunong Adaptibo

Upang maging mapanagutan namana ang isang lider siya ay dapat mayroon ng mga sumusunod
na prinsipyo:
1. May sapat na kaalaman at kasanayan
2. May hangad na kilalanin pa at paunlarin ang sarili
3. Isang mabuting halimbawa
4. Tumatanggap at gumagampan ng tungkulin
5. Kilala ang mga tagasunod
6. May layunin at direksyong kongkreto
7. Kayang magpasya ng may katwiran at napapanahon
8. Nagpapasimuno sa paggampan ng sama-sama
9. Nagbibigay ng tama at nararapat na impormasyon sa mga kasama

5
Tuklasin

Ano nga ba ang isang Lider at Tagasunod?

Lider: Ang lider ay isang indibidwal na may kakayahang magbigay ng direksyon, mag-
impluwensya, at magbigay-inspirasyon sa iba upang makamit ang isang partikular na layunin. Ang lider
ay may responsibilidad sa paggawa ng desisyon, pag-aayos ng mga gawain, at pagtiyak na ang pangkat
o organisasyon ay gumagana nang maayos at epektibo. Ang mabisang lider ay nagpapakita ng
kakayahan sa pamumuno, pagiging modelo ng tamang asal, at pagkakaroon ng bisyon na maghahatid
sa tagumpay ng grupo.

Tagasunod: Ang tagasunod ay isang indibidwal na sumusunod at sumusuporta sa isang lider o


sa mga patakaran at layunin ng isang pangkat. Ang tagasunod ay may mahalagang papel sa
pagsasakatuparan ng mga plano at desisyon na ginagawa ng lider. Ang mga tagasunod ay nagbibigay
ng kooperasyon, kasanayan, at pagsisikap upang makamit ang mga kolektibong layunin. Ang mabuting
tagasunod ay nagpapakita ng dedikasyon, kakayahang magtrabaho nang maayos kasama ng iba, at
kahandaan na mag-ambag sa ikabubuti ng grupo.

Sa isang samahan, ang lider at tagasunod ay inaasahang magampananang kani-kanilang mga


tungkulin. Ang pagpapakita ng respeto, suporta, atpagtutulungan ay ilan lamang sa mga katangian na
dapat taglayin ng lider otagasunod upang maipamalas ang inaasahang mga kilos. Mga kilos na
magpapatunayna ikaw ay nagpakita ng kahusayan sa pamumuno o pagsunod sa mga tungkulin.Dapat
nating isaalang-alang na ang ating pag-unlad bilang isang mapanagutangtagasunod ay maaaring
magdulot ng malaking responsibilidad sa ating mga balikat
– ito ang pagiging isang lider.

Mga Katangian ng Mapanagutang Tagasunod

Ang pagiging isang mapanagutang tagasunod ay may mahalagang papel sa tagumpay ng isang
samahan. Narito ang mga katangian na dapat taglayin ng isang mapanagutang tagasunod:

1. Kakayahang Makinig: Mahalaga ang pakikinig sa mga tagubilin at payo ng lider. Ang isang
mabuting tagasunod ay marunong magbigay-pansin at unawain ang sinasabi ng iba.

2. Katapatan: Ang pagiging tapat sa lider at sa samahan ay nagpapakita ng dedikasyon at pagiging


mapagkakatiwalaan.

3. Pakikipagtulungan: Ang kakayahang makipagtulungan sa mga kasamahan ay nagpapakita ng


kahandaang magtrabaho nang sama-sama upang makamit ang mga layunin ng grupo.

4. Pagkamatiisin: Sa harap ng mga hamon at pagsubok, ang isang mabuting tagasunod ay


nagpapakita ng tiyaga at katatagan.

6
5. Kakayahang Tanggapin ang Puna: Ang pagiging bukas sa mga puna at payo ay mahalaga
upang mapabuti ang sariling kakayahan at pagganap sa trabaho.

6. Inisyatiba: Ang isang mapanagutang tagasunod ay hindi naghihintay na utusan; bagkus, kusa
siyang kumikilos at nag-iisip ng mga paraan upang makatulong sa samahan.

7. Pagiging Positibo: Ang pagkakaroon ng positibong pananaw ay nakakatulong upang mapanatili


ang magandang samahan at morale sa grupo.

8. Pagpapakita ng Respeto: Ang paggalang sa lider at sa mga kasamahan ay nagpapakita ng


mataas na antas ng propesyonalismo at pagkilala sa halaga ng bawat isa.

9. Integridad: Ang paggawa ng tama kahit walang nakatingin ay nagpapakita ng mataas na


moralidad at etika.

10. Pagiging Adaptable: Ang kakayahang mag-adjust sa mga pagbabago at bagong sitwasyon ay
mahalaga upang maging epektibong kasapi ng samahan.

Ang mga katangiang ito ay hindi lamang nakakatulong sa isang indibidwal na maging mahusay
na tagasunod, kundi nagbibigay-daan din upang siya ay maging handa sa mas malaking responsibilidad
ng pamumuno sa hinaharap.

Mga Katangian ng Mapanagutang Lider

1. Kakayahang Makakita at Makakilala ng Suliranin at Lutasin Ito: Ang isang mapanagutang


lider ay may kakayahang matukoy ang mga problema at humanap ng epektibong solusyon para
dito.

2. Nangunguna Lalo na sa Emergencies: Sa mga sitwasyong nangangailangan ng dagliang


aksyon, ang lider ay handang manguna at gawin ang kinakailangang hakbangin, madalas ay
kasama ang tulong ng iba.

3. Tibay at Lakas ng Loob sa Pagpapasya: Ang pagiging lider ay nangangailangan ng katatagan


at tapang, lalo na sa paggawa ng mahahalagang desisyon para sa ikabubuti ng pangkat na kanyang
pinamumunuan.

4. Instrumento Tungo sa Pagbabago: Ang isang mapanagutang lider ay nagiging susi sa


positibong pagbabago. Dahil sa kanyang kakayahan at dedikasyon, siya ay nagiging inspirasyon
sa iba na magtagumpay at magpatuloy sa mga adhikain.

5. Pagkakaroon ng Kalakasan ng Pangangatawan at Pagiisip: Bilang kabataan, ang kalakasan


sa pisikal at mental na aspeto ay isang malaking puhunan sa pagiging isang mapanagutang lider.
Ito ay nagbibigay sa iyo ng enerhiya at kakayahang harapin ang mga hamon ng pamumuno.

Ang mga katangiang ito ay mahalaga upang maging epektibong lider na kayang gabayan ang
kanyang pangkat tungo sa tagumpay at pag-unlad.

7
GAWAIN 2: Ang Lider Ko

Gamit ang Canva o PosterMyWall, gumawa ng isang word mosaic poster na may temang “Ang
Lider KO” kung saan ipapakita mo ang iyong ideal leader sa pamamagitan ng paglagay ng mga salita
at maari rin namang mga quotes. Maaaring gumamit ng mga larawan ng quotes sa internet (gumawa ng
isa pang pahina para sa mga sanggunian). Ipasa sa group chat.

Suriin

Sa isang samahan, ang lider at tagasunod ay may mahalagang mga tungkulin na dapat gampanan
upang maging matagumpay ang kanilang mga layunin. Ang pagpapakita ng respeto, suporta, at
pagtutulungan ay kritikal na katangian na dapat taglayin ng parehong lider at tagasunod. Ang mga ito
ay nagpapakita ng kahusayan sa pamumuno at pagsunod sa mga tungkulin. Ang lider ay inaasahang
magbigay ng malinaw na direksyon, inspirasyon, at magandang halimbawa para sa kanyang mga
tagasunod. Samantala, ang tagasunod ay inaasahang magbigay ng buong suporta, kooperasyon, at
aktibong paglahok sa mga gawain ng grupo.

Ang maayos na ugnayan at pakikipag-ugnayan sa isa't isa ay nagtataguyod ng isang masigla at


produktibong kapaligiran kung saan ang bawat isa ay nakikilahok at nagpapakita ng malasakit. Ang
pagpapakita ng respeto sa lider at sa kapwa tagasunod ay nagbubunga ng tiwala at pagkakaisa. Sa
ganitong paraan, nagiging mas madali ang pagkamit ng mga layunin ng samahan.

Ang pag-unlad bilang isang mapanagutang tagasunod ay isang hakbang patungo sa pagiging
isang mahusay na lider. Kapag ipinakita mo ang kahusayan sa iyong tungkulin bilang tagasunod,
makikita ng iba ang iyong dedikasyon, kakayahan, at integridad, na maaaring magdala sa iyo sa mas
malaking responsibilidad—ang pagiging isang lider. Ang mahusay na pamumuno ay nagmumula sa
mahusay na pagsunod, at ang matagumpay na lider ay yaong nakaranas at nakaunawa ng kahalagahan
ng bawat papel sa loob ng samahan.

I-access ang link at sagutan ang mga katanungan sa: https://quizizz.com/join?gc=96749414

Pagyamanin

GAWAIN 3: Ang Tagasunod

Gumawa ng isang comic strip kung saan ipinapakita ang kalakasan o kagitingan ng isang
tagasunod. Maaaring i-drawing at maaari namang gumamit ng applications gaya ng Canva o

8
PosterMyWall. Sagutan rin ang mga katanungan sa ibaba (ilalagay sa private comment sa Google
Class). Gawin ito sa isang Google site at isubmit sa Google Class.

Google Classroom link:


https://classroom.google.com/c/NjY1ODcxMTQ3MTE1?cjc=decd2bs

❖ Paano nakatutulong ang pagiging responsableng tagasunod sa tagumpay ng isang pangkat o


organisasyon?
❖ Ano ang mga hamon na maaaring harapin ng mga tagasunod sa pagpapakita ng inisyatiba at
pagtanggap ng responsibilidad?
❖ Paano magagampanan ng mga tagasunod ang pagkakabalanseng kailangan sa pagtupad sa mga
tagubilin at pagbibigay ng mahahalagang mungkahi sa mga lider?

Isaisip

GAWAIN 4: Pag-iisipan ang puntong ito (REPLEKSYON)

Pagnilayan:
“Bakit mahalagang maging mapanagutang lider at tagasunod?”

Gawin sa kahit na anong medium na komportable para sainyo (kapag hindi digital o kung
isusulat sa papel, siguraduhing malinaw ang pagkakakuha ng litrato ng iyong papel bago i-submitt sa
Google Classroom).

Google Classroom link:


https://classroom.google.com/c/NjY1ODcxMTQ3MTE1?cjc=decd2bs

Isagawa

GAWAIN 5.1: REPLEKSYON

I-access ang : https://sites.google.com/view/angpakikipag-ugnayanngpamumuno/home.


Basahin ang sanaysay at gumawa ng repleksyong papel.

9
GAWAIN 5.2: SLOGAN

Pagkatapos gumawa ng repleksyong papel. Gumawa ng Slogan na nagpapakita ng kahalagahan


ng pagiging mapanagutang lider at tagasunod.

Ang Gawain 5.1 at 5.2 ay parehong isusubmit sa Google Classroom.

Google Classroom link:


https://classroom.google.com/c/NjY1ODcxMTQ3MTE1?cjc=decd2bs

Pagtatasa

GAWAIN 6: Alamin ang Napagalaman

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat situasyon at tanong. Sagutin ang pinaka tamang sagot.

1. Ano ang isa sa mga katangian ng isang mapanagutang lider?


a) Kakayahang makarinig
b) Pagiging mapanuri
c) Pagiging palaging tama
d) Pagiging mahina ng loob

2. Ano ang kahulugan ng integridad sa konteksto ng pamumuno?


a) Pagiging malikhain at maparaan
b) Pagkakaroon ng tapat at makatotohanang pag-uugali
c) Pagkakaroon ng mataas na antas ng talino
d) Pagiging masunurin sa lahat ng oras

3. Ano ang tungkulin ng isang tagasunod sa isang samahan?


a. Manguna sa lahat ng pagkakataon
b. Sumunod sa utos ng lider
c. Mangatwiran laban sa mga desisyon ng lider
d. Iwanan ang samahan kapag may hamon

4. Ano ang dapat gawin ng isang mapanagutang lider sa harap ng mga hamon?
a. Magpatuloy sa pagtulak ng sarili at huwag umasa sa iba
b. Lumikha ng mga solusyon at magbigay ng tamang direksyon
c. Isuko ang responsibilidad sa ibang miyembro ng grupo
d. Manatili sa likod at panoorin ang pangyayari

5. Ano ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa isang samahan?

10
a. Walang halaga, basta ang mahalaga ay ang indibidwal na galing
b. Nagpapalakas ng samahan at nagpapabuti sa bawat isa
c. Humahadlang sa pag-unlad at pagkakaisa
d. Hindi mahalaga, basta't nakakamit ang personal na layunin

6. Ano ang tamang hakbang na gagawin ng isang lider kapag may di pagkakaunawaan sa grupo?
a. Pabayaan na lamang ito at hayaan ang grupo na mag-resolve
b. Mag-organisa ng pagpupulong upang pag-usapan ang mga isyu at maghanap ng solusyon
c. Piliin ang paboritong miyembro ng grupo at ipaglaban ang kanyang panig
d. Itakwil ang mga miyembro ng grupo na sang-ayon sa kanya at maghanap ng ibang kasapi

7. Ano ang dapat gawin ng isang tagasunod kapag hindi siya sang-ayon sa desisyon ng lider na may
malinaw na dahilan?
a. Sumunod na lamang kahit hindi sang-ayon
b. Ipaglaban ang sariling pananaw sa harap ng buong grupo
c. Lumabas at maghanap ng ibang samahan na masasang-ayon sa kanya
d. I-try na kontrolin ang lider at ang grupo

8. Ano ang magiging epekto sa samahan kung ang lider ay hindi nagbibigay ng tamang direksyon
at inspirasyon?
a. Magkakaroon ng masiglang diskusyon at debate sa grupo
b. Lalakas ang samahan at magiging mas produktibo
c. Magkakaroon ng kawalan ng tiwala at kumpiyansa sa lider
d. Magiging mas maayos at organisado ang mga gawain ng grupo

9. Ano ang maaaring gawin ng isang lider upang hikayatin ang mga tagasunod na magbahagi ng
kanilang mga ideya at opinyon?
a. Utusan ang mga tagasunod na magsalita
b. Punaan at babaan ang mga ideya ng mga tagasunod
c. Magbigay ng palagiang pagkilala sa mga tagasunod na nagbibigay ng kontribusyon
d. Ipakita ang kanyang superyoridad sa harap ng grupo upang gawing inspirasyon

10. Ano ang maaaring gawin ng isang tagasunod kapag ang lider ay hindi nagpapakita ng integridad
at tapat na pamumuno?
a. Iwanan ang grupo at maghanap ng ibang samahan
b. Tumulong sa pagpapalit ng lider sa pamamagitan ng pag-organisa ng protesta
c. Mangatuwiran laban sa lider sa harap ng buong grupo
d. Makipagtulungan sa lider upang matugunan ang mga isyu at baguhin ang kanyang
pamumuno

KARAGDAGANG GAWAIN: What Contains a Leader and a Follower?

Punan ng mga katangian ng isang lider at tagasunod ang outline of a body na nasa ibaba. Tignan
ang halimbawa na nasa ibaba rin.

11
LIDER TAGASUNOD

Halimbawa: What contains a Teacher?

TEACHER

12
Susi sa Pagwawasto

10. Sagot: c) Mangatuwiran laban sa lider sa harap ng buong grupo


9. Sagot: c) Magbigay ng palagiang pagkilala sa mga tagasunod na nagbibigay ng kontribusyon
8. Sagot: c) Magkakaroon ng kawalan ng tiwala at kumpiyansa sa lider
7. Sagot: b) Ipaglaban ang sariling pananaw sa harap ng buong grupo
solusyon
6. Sagot: b) Mag-organisa ng pagpupulong upang pag-usapan ang mga isyu at maghanap ng

Situational Items:

5. Sagot: b) Nagpapalakas ng samahan at nagpapabuti sa bawat isa


4. Sagot: b) Lumikha ng mga solusyon at magbigay ng tamang direksyon
3. Sagot: c) Mangatwiran laban sa mga desisyon ng lider
2. Sagot: b) Pagkakaroon ng tapat at makatotohanang pag-uugali
1. Sagot: a) Kakayahang makarinig

Non-Situational Items:

GAWAIN 6: Paunang Pagtataya ng Kaalaman sa mga Konsepto ng Pakikipagkapwa

BUOD

Ang kasabihang "ang ningning ng tagumpay ay nasa likuran ng mga luha ng sakripisyo" ay may
katotohanan, na nagpapahalaga sa katotohanang ang tagumpay ay nangangailangan ng oras, kasanayan,
at wastong mga hakbang. Ang tagumpay at ang magagandang bagay sa ating paligid ay bunga ng
maingat na paggawa at sakripisyo, na nakaugat sa epektibong pamumuno at suporta mula sa mga
tagasunod. Ang tagumpay o kabiguan ay nakasalalay sa pamumuno, at ang epektibong pamumuno ay
nangangailangan ng suporta mula sa mga tagasunod. Samakatuwid, mahalaga ang pagpapalakas ng
magandang ugnayan para sa kabuuang kaginhawaan.

Ang isang maayos na pamayanan ay hindi lamang nagmumula sa magaling na pamumuno kundi
pati na rin sa matapat at disenteng mga mamamayan. Mahalaga ang pag-unawa sa mga katangian ng
mapanagutang pamumuno at pagsunod. Ang mga mapanagutang lider ay dapat magkaroon ng mga
katangiang inspirasyonal, transpormasyonal, at adaptibo, kasama ng mga prinsipyong tulad ng
kaalaman, pagpapabuti sa sarili, at pagiging mabuting halimbawa. Dapat din nilang kilalanin ang
kanilang mga tagasunod at magbigay ng malinaw na mga layunin at desisyon sa tamang oras.

Ang pamumuno ay naglalaman ng pagbibigay ng direksyon, impluwensya, at inspirasyon upang


makamit ang tiyak na mga layunin, samantalang ang pagsunod ay nangangahulugan ng pagsuporta at
pagsunod sa mga direktiba ng lider. Parehong mahalaga ang papel ng respeto, suporta, at

13
pakikipagtulungan upang ipakita ang kahusayan sa tungkulin ng pamumuno o pagsunod. Mahalaga ring
tandaan na ang pag-unlad bilang isang mapanagutang tagasunod ay maaring humantong sa mas
malaking responsibilidad sa pamumuno.

Mahahalagang Katangian ng Mapanagutang Tagasunod:


1. Aktibong Pakikinig
2. Katapatan
3. Pakikipagtulungan
4. Pasensya
5. Pagtanggap ng Feedback
6. Inisyatiba
7. Positibong Pananaw
8. Respeto
9. Integridad
10. Kakayahang Mag-adjust

Mahahalagang Katangian ng Mapanagutang Lider:


1. Kakayahang Malutas ang Problema
2. Pamumuno sa mga Sitwasyong Emerhensiya
3. Tapang sa Paggawa ng Desisyon
4. Kasangkapan ng Pagbabago
5. Pisikal at Mental na Lakas
6. Pananaw sa Hinaharap

Ang parehong lider at tagasunod ay may mahahalagang papel sa pag-abot ng mga layunin ng
grupo. Ang respeto, suporta, at pakikipagtulungan ay mahalaga para sa epektibong pamumuno at
pagsunod. Ang pag-unlad bilang isang mapanagutang tagasunod ay isang hakbang tungo sa pagiging
isang kapaki-pakinabang na lider, sapagkat ang kahusayan sa pamumuno ay nagmumula sa maayos na
pagsunod.

Sa buong teksto, ipinapakita ang kahalagahan ng mutual na respeto, suporta, at kooperasyon sa


pagitan ng lider at tagasunod para sa tagumpay ng anumang organisasyon o komunidad.

Buod na Konklusyon

Ang kasabihang "ang ningning ng tagumpay ay nasa likuran ang luha ng sakripisyo" ay
nagpapahiwatig na ang bawat tagumpay ay may kaakibat na pagpapakahirap at pagsasakripisyo. Ang
pag-abot sa tagumpay ay hindi lamang bunga ng oras at kasanayan, kundi pati na rin ng wastong
pamumuno at suporta mula sa mga kasama. Mahalaga ang maayos na ugnayan at kooperasyon sa
pagitan ng lider at mga tagasunod upang makamit ang mga layunin ng isang samahan.

Ang isang mahusay na pamumuno at ang pagiging responsableng tagasunod ay naglalarawan


ng katangiang magtutulak sa tagumpay ng isang grupo. May mga tiyak na katangian at prinsipyo na
dapat taglayin ang isang lider at tagasunod upang maging epektibo sa kanilang mga tungkulin. Ang
magandang pamumuno ay nagbubunga ng tiwala at inspirasyon, habang ang maayos na pagtanggap at
pagtupad sa tungkulin ng bawat isa ay nagpapalakas sa samahan.

14
Sa kabuuan, ang pag-unlad bilang isang mapanagutang tagasunod ay nagbubunga ng mas
malaking responsibilidad at pagiging lider. Ang mahusay na pamumuno at pagsunod ay magkasamang
nagbubuo ng matatag at maayos na samahan na handang harapin ang anumang hamon sa hinaharap.

15
SANGUNIAN

Adobe Stock. (n.d.). #295110385.


https://as2.ftcdn.net/v2/jpg/02/95/11/03/1000_F_295110385_myXvWUvh0be4rrDYjolEs1DAs
Fqdd9fG.jpg\
Alta, X. Z. (n.d.). Final Esp 8 q2 Module 8. Scribd.
https://www.scribd.com/document/494124052/Final-Esp-8-q2-Module-8
Anonymous. (n.d.). Body Outline.
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.pinterest.com%2Fpin%2F973
90410682767980%2F&psig=AOvVaw2YUmcOA8VZWd8fW6-
1XrWI&ust=1716181376950000&source=images&cd=vfe&opi=89978449&ved=0CBIQjRxq
FwoTCJie4vz3mIYDFQAAAAAdAAAAABAE
Anonymous. (n.d.). Financial Express.
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.financialexpress.com%2Fopin
ion%2Fthe-lingua-franca-of-leading-and-
living%2F2080281%2F&psig=AOvVaw2AqD4DnnWan7QS6_M0DY5l&ust=1716181343286
000&source=images&cd=vfe&opi=89978449&ved=0CBIQjRxqFwoTCNj2tuz3mIYDFQAAA
AAdAAAAABAE
Anonymous. (n.d.). Plants Sproud Icon | iOS 7 IconPack | ICons8.
https://www.iconarchive.com/show/ios7-icons-by-icons8/Plants-Sproud-icon.html
Anonymous. (n.d.). Redirect notice.
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.itdatarecovery.com%2Fservic
es%2Fdrive-not-detected-
inaccessible%2F&psig=AOvVaw3usMmIWTyYhHmJuA0DcXLm&ust=1716138592865000
&source=images&cd=vfe&opi=89978449&ved=2ahUKEwiO1fzK2JeGAxWbbmwGHf9gAp8
QjRx6BAgAEBY
Anonymous. (n.d.). Teaching [image]. Mind Fish. https://mindfish.com/wp-content/uploads/IRT-2-
768x567.png
Azarcon, E. (2016, January 21). Es p 8 modyul 8 Ang Mapanagutang Pamumuno at Tagasunod [Slide
show]. SlideShare. https://www.slideshare.net/ednaazarcon7/es-p-8-modyul-8-ang-
mapanagutang-pamumuno-at
Bautista, H. (n.d.). Q2 ang mapanagutang pamumuno at pagiging tagasunod. Scribd.
https://www.scribd.com/presentation/619078028/Q2-Ang-Mapanagutang-Pamumuno-at-
Pagiging-Tagasunod
Creative Stall Premium. (n.d.). Bullseye free icon. Flaticon. https://www.flaticon.com/free-
icon/bullseye_800634
Delgado, F. M. (n.d.). ESP8_Q2_W5-8_Module-8. Scribd.
https://www.scribd.com/document/516551695/EsP8-Q2-W5-8-Module-8
DepEd Tambayan. (n.d.). Pagtatasa [image]. DepEd Tambayan.
https://images.app.goo.gl/9cTszp3DnWNyqTwV6
DepEd Tambayan. (n.d.). Susi sa Pagwawasto [image]. DepEd Tambayan.
https://images.app.goo.gl/XsNhZnj1tExxrEmV7
ImageCatalog. (2016). brain gears. The Noun Project. https://thenounproject.com/icon/brain-gears-
406785/
Limited, A. (n.d.). Diamond jewel gem vector icon in flat style. Diamond gemstone illustration on
isolated transparent background. Jewelry brilliant concept. Alamy Images.
https://www.alamy.com/diamond-jewel-gem-vector-icon-in-flat-style-diamond-gemstone-

16
illustration-on-isolated-transparent-background-jewelry-brilliant-concept-
image183649284.html
Studocu. (n.d.). Edukasyon sa Pagpakatao 8 Q~2 - ADM - Edukasyon sa Pagpapakatao Ikalawang
Markahan - Modyul 8. Studocu. https://www.studocu.com/ph/document/western-mindanao-
state-university/humanities/edukasyon-sa-pagpakatao-8-q2-adm/41651489
Vectoricons344. (2024). ABC Blocks vector icon Can be used for Kindergarten iconset. Freepik.
https://www.freepik.com/premium-vector/abc-blocks-vector-icon-can-be-used-kindergarten-
iconset_179325716.htm

17
DISCLAIMER!

THE GOOGLE CLASS LINK USED THROUGHT THE


COURSEWARE IS THE GOOGLE CLASS LINK OF
THIS COURSE.

IT’S NOT AN ACTUAL GOOGLE CLASS I MADE.

You might also like