Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

REVIEWER

 WIKA - kasangkapan para sa materyal na pag-unlad.


 buod o synopsis ay isang uri na pinaikling bersyon ngisang panulat
 FILIPINO - ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika
ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.
 sintesis ay pagsusuma ng mga mahahalagang paksang tinalakay saisang akda
 Ang wika ay kasama sa pagsulong ng teknolohiya at komunikasyon. - Ayon kay, Servillano T
Marquez Jr.
 Biyolohiya - nakatuon sa pag-aaral ng buhay at mga nabubuhay na organismo kabilang ang
kanilang estruktura, mga tungkulin, paglago, ebolusyon, distribusyon at taksonomiya.
 Pisika - nakatuon ito sa mga property at interaksyon ng panahon, espasyo, enerhiya at matter.
 “Ang wikang Filipino ay wikangmapagpalaya. Ito ang magiging wika ng tunay na Pilipino” -
Constantino
 Marami sa mga ito ay isinasaaklat, iniialagay sa mga dyornal at report (maging siyentipiko o
teknikal) upang mabasa at maging bahagi ng tinatawag na TECHNOLOGY TRANSFER
 Taong 1937, sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong Quezon,
ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog
 Agosto 25, 1988, ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 ay ipinalabas at nilagdaan ni
Pangulong Corazon Aquino na nagtatadhana ng paglikha ng Komisyong Pangwika na siyang
magpapatuloy ng pag-aaral ng Filipino.
 Hanguang primarya - pinagmumulan ng mga raw data,‘ikanga, upang masulit ang haypotesis
at masuportahan ang mga haka.
 pagbabalangkas ay pagbuo ng sistematikong paghahanay ng mga ideya upangmalinaw ang
kanilang ugnayan.
 binigyang-diin ni Virgilio Almario, Pambansang Alagad ng Sining, na mas magiging epektibo
ang saliksik kung ito ay nasa wikang Filipino
 Ayon kay Flores (2015) sa aklat ni San Juan (2019), may dalawang antas ang pagpaplanong
pangwika.
 Ayon kay Constantino 2015 ang kahalagahan ng intelektwalisasyon ay ang paggamit ng Filipino
sa iba’t ibang larangan tungo sa pagpapaunlad hindi lamang ng wikang Filipino kundi ng
kaisipang Filipino.
 presi ay higit na maikli kaysa sa original nang may 5 porsyento hanggang 40porsyento ng haba
ng orihinal na akda.
 SIKOLOHIYA - pag-aaral mga kilos, pag-iisip at gawi ng tao, gumagamit ng empirikal na
obserbasyon.
 PAGSASALIN - Ito ay ang gawain ng pagpapaunawa ng mga kahulugan ng panitik (teksto), at
ng kinalabasang paglikha ng katumbas na teksto

Batayang Kaalaman sa Mga Teorya sa Pananaliksik na Akma o Buhat sa Lipunang


Pilipino

 Mga Diskurso sa Nasyonalismo


 • Marxismo at Kritikal na Diskurso sa Globalisasyon
 • Teoryang Dependensiya
 • Pagbaklas/Pagbagtas
 • Pantayong Pananaw
 • Sikolohiyang Pilipino
 • Pantawang Pananaw
 • Bakod, Bukod, Buklod

IPALILIWANAG: PAG-ARALAN/TANDAAN ANG PAGKAKAIBA


TEORYANG BAKOD, BUKOD, BUKLOD
a.Bakod
Ang bakod ay isang patayong istraktura na nakapaligid sa isang sukat ng lupa. Ito ay maaring gawa sa
bato, kahoy, tabla, kawayan, halaman, o punong-kahoy.
b.Bukod
Nangangahulugang “tangi, tangi sa rito, nakahiwalay, at hiwalay” ; “nag-iisa, hindi kasama o tiwalag”
Ito ay maaring mangahulugan na layo o nakalayo
c.Buklod
Ang depinisyon ng buklod ay bangkat, balangkat, kalupkop, bigkis, tali, tangkas, at bitling. Bilang
patalinghaga, ang ibig sabihin ng buklod ay alyansa o pagkakaisa.
Sa Ingles, ang translasyon ng pagkakabuklod buklod ay unification bond.

PUMILI LAMANG NG LIMA (5) NA GUSTONG TANDAAN. SIGURADUHIN NA ANG


KAHULUGAN AY NATATANDAAN
Mga Disiplina sa Larangan ng Agham Panlipunan
1. Sosyolohiya
- pag-aaral ng kilos, pag-iisip at gawi ng tao sa lipunan at gumagamit ng emperikalna
obserbasyon, kuwalitatibo at kuwantitatibong metodo.
2. Sikolohiya
- pag-aaral mga kilos, pag-iisip at gawi ng tao, gumagamit ng empirikal na obserbasyon.
3. Lingguwistika
- pag-aaral ng wika bilang sistema kaugnay ng kalikasan, anyo, estruktura at baryasyon nito. Bahagi ng
pag-aaral ang ponetika, ponolohiya,morpolohiya, sintaks at gramatika at gumagamit ng lapit na
deskriptibo o pagpapaliwanag sa pag-aaral ng katangian ng wika, gayundin ng historikal na lapit o
pinagdaanang pagbabago ng wika.
4. Antropolohiya
- pag-aaral ng mga tao sa iba’t ibang panahong ng pag-iral upang maunawaan ang kompleksidad ng
mga kultura at gumagamit ng participant-observation o ekspiryensiyal na imersyon sa pananaliksik.
5. Kasaysayan
- pag-aaral ng nakaraan o pinagdaanang pag-iral ng mga grupo,komunidad, lipunan
at ng mga pangyayari upang maiugnay ito sa kasalukuyan,ginagamit ang lapit-naratibo upang mailahad
ang mga pangyayaring ito.
6. Heograpiya
- pag-aaral sa mga lipunang sakop ng mundo upang maunawaan ang masalimuot na mga bagay
kaugnay ng katangian, kalikasan at pagbabago rito kasama na ang epekto nito sa tao, metodong
kuwantitatibo at kuwalitatibo ang ginagamit sa mga pananaliksik dito.
7. Agham Pampolitika
- pag-aaral sa bansa, gobyerno, politika at mga patakaran, proseso at sistema ng
mga gobyerno, gayundin ang kilos-politikal ng mga institusyon, gumagamit ito nganalisis at empirikal
na pag-aaral.
8. Ekonomiks
- pag-aaral sa mga gawaing kaugnay ng mga proseso ng produksyon, distribusyon at paggamit ng mga
serbisyo at produkto sa ekonomiya ng isang bansa.
9. Area Studies
- interdisiplinaryong pag-aaral, kaugnay ng isang bansa, rehiyon, at heyograpikong
lugar, kuwalitatibo, kuwantitatibo, at empirikal na obserbasyon at imbestigasyon ang lapit sa
pananaliksik dito.
10. Arkeolohiya
- pag-aaral ng mga relikya, labi, artifact at monument kaugnay ng nakaraang pamumuhay at gawain ng
tao.
11. Relihiyon
- pag-aaral ng organisadong koleksiyon ng mga paniniwala, sistemang kultural at mga pananaw sa
mundo kaugnay ng sangkatauhan at sangkamunduhan (uniberdo) bilang nilikha ng isang superyor at
superhuman na kaayusan.

You might also like