Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 94

10

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 3
(Si Basilio)

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Si Basilio
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Arrold Jay P. Montemayor


Editor: Rhea S. Taboada, Nenita M. Aboniawan, Elena G. Madria,
Delaila G. Cabahug, Precioso M. Dahe Jr.
Tagasuri: Amelia L. Tortola, EdD
Tagaguhit: Remuel B. dela Cruz
Tagapamahala:
Punong Tagapamahala: Arturo B. Bayocot PhD, CESO III
Rehiyunal na Direktor
Ikalawang Tagapamahala: Victor G. De Gracia Jr. PhD, CESO V
Pangalawang Rehiyunal na Direktor
Randolph B. Tortola, PhD, CESO IV
Tagapamanihalang Pansangay
Shambaeh, A. Usman, PhD.
Pangalawang Tagapamanihalang
Pansangay
Mga Kasapi: Mala Epra B. Magnaong, PhD, Chief-CLMD
Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS
Bienvinido U. Tagalimot Jr., PhD,
CESO IV
Elbert R. Francisco, PhD. Chief-CID
Amelia L. Tortola, EdD, EPS-Filipino
Rejynne Mary L. Ruiz, PhD, LRMS-
Manager
Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region X
Office Address: Fortich St. Sumpong, Malaybalay City, 8700 Bukidnon
Telephone: (088) 813-3634
E-mail Address: bukidnon@deped.gov.ph
10
Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 3
(Si Basilio)

KAHON NG KATUGUNAN

Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador


sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang
nasa larangan ng edukasyon na mag e-mail ng kanilang puna at mungkahi
sa Kagawaran ng Edukasyon sa bukidnon@deped.gov.ph.

Pinahahalagahan namin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

i
TALAAN NG NILALAMAN
Pahina

TAKIP NG PAHINA
PAHINA NG KARAPATANG-ARI
PAHINA NG PAMAGAT
TALAAN NG NILALAMAN
PAUNANG SALITA

Aralin 1: Kabanata 6: Si Basilio at Kabanata 7: Si Simoun

Alamin 1
Subukin 2
Balikan 4
Tuklasin 4
Suriin 7
Pagyamanin 19
Isaisip 20
Isagawa 21
Tayahin 22
Karagdagang Gawain 24

Aralin 2: Kabanata 23: Isang Bangkay at Kabanata 26: Ang Paskin

Alamin 25
Subukin 26
Balikan 27
Tuklasin 28
Suriin 29
Pagyamanin 38
Isaisip 39
Isagawa 40
Tayahin 41
Karagdagang Gawain 43

Aralin 3: Kabanata 31: Ang Mataas na Kawani at Kabanata 33: Ang Huling
Matuwid

Alamin 44
Subukin 45
Balikan 46
Tuklasin 47
Suriin 47
Pagyamanin 56
Isaisip 58
Isagawa 59
Tayahin 60
Karagdagang Gawain 62

Aralin 4: Kabanata 34: Ang Kasal

Alamin 63
Subukin 64
Balikan 65
Tuklasin 66
Suriin 68
Pagyamanin 71
Isaisip 72
Isagawa 73
Tayahin 74
Karagdagang Gawain 76

Aralin 5: Lingguhang Pangwakas na Gawain

Alamin 77
Tayahin 77

Susi sa Pagwawasto 79
Sanggunian 81

3
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul para sa Ikaapat na Markahan hinggil sa Si Basilio!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampublikong paaralan upang gabayan ka. Ang gurong
tagapagdaloy ay handang tumulong upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Para sa mga Guro at Tagapagdaloy:


Bilang gurong tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman
ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang
kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga
kaalaman, gawain, paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mga mag-aaral kahit sila ay nasa
kanilang sariling tahanan.

4
Para sa mga Magulang:
Ang modyul na ito ay nilikha upang matugunan ang sitwasyong
kinakaharap ng ating mga mag-aaral. Ang magiging lugar ng kanilang kaalaman
ay hindi lamang limitado sa silid-aralan kundi maging sa inyong tahanan.
Inaasahan ang inyong pakikiisa, pakikipagtulungan at paggabay sa ating
mga mag-aaral upang mapatnubayan sa mga gawaing itinalaga sa kanila.
Para sa Mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


Subukin na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa

5
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
Isagawa sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang panibagong gawain upang pagyamanin ang
Gawain
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
Susi sa Pagwawasto lahat ng mga gawain sa modyul.

Ang manunulat ay nagnanais na matutuhan mo ang tungkol sa buhay ni


Basilio sa El Filibusterismo na obra maestra ni Dr. Jose P. Rizal. Tanggapin mo
ang mainit na pagbati ng manunulat sa pagtanggap mo sa hamon sa gitna ng
pandemya na ipagpatuloy ang pagtuklas ng kaalaman at karunungan. Sapat na
ito upang maipakita mo ang kabayanihan sa iyong sariling kaparaanan.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Ang modyul na ito ay dinisenyo at nilikha kung saan una sa isip ng manunulat
ang kaalamang malilikom mo bilang mag-aaral. Ito ay ginawa upang makatulong sa
iyo na matutuhan ang tungkol sa buhay ni Basilo sa El Filibusterismo; at Lingguhang
Pangwakas na Gawain. Sinasaklaw ng modyul na ito na magamit ang iba't ibang
sitwasyong pangkaalaman. Ang wikang ginamit ay kumikilala sa pagkakaiba ng
antas ng talasalitaan ng mga mag-aaral na katulad mo. Ang mga aralin ay inihanay
upang makasunod sa istandard na pagkakasunod-sunod sa asignatura. Ganoon
paman, ang pagkakasunod-sunod ng iyong mga binasa ay maaaring mabago batay
sa uri ng teksbuk o sanggunian na iyong ginagamit.

Ang modyul ay hinati gaya ng nakasaad sa ibaba:

● Aralin 1 – Kabanata 6: Si Basilio at Kabanata 7: Si Simoun

● Aralin 2 – Kabanata 23: Isang Bangkay at Kabanata 26: Mga Paskin

● Aralin 3 – Kabanata 31: Ang Mataas na Kawani at Kabanata 33: Ang Huling
Matuwid
● Aralin 4 – Kabanata 34: Ang Kasal

● Aralin 5 – Lingguhang Pangwakas na Gawain

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Naiuugnay sa kasalukuyang mga pangyayaring napanood sa video clip ang
pangyayari sa panahon ng pagkakasulat ng akda. (F10PD-IVb-c-82)
2. Nabibigyang kahulugan ang matatalinghagang pahayag na ginamit sa
binasang kabanata ng nobela. (F10PT-IVb-c-83)
3. Natutukoy ang papel na ginampanan ng mga tauhan sa akda sa
pamamagitan ng:
o pagtunton sa mga pangyayari
o pagtukoy sa mga tunggaliang naganap
o pagtiyak sa tagpuan
o pagtukoy sa wakas
(F10PB-IVb-c-87)

7
Arali
Kabanata 6: Si Basilio at
n
Kabanata 7: Si Simoun
1

Alamin

Ang aralin 1 ay nagpapakita ng mga pangyayari sa lipunan o bayan sa


panahon ng pagkakasulat ng nobela.

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:


✔ Naiuugnay sa kasalukuyang mga pangyayaring napanood sa video clip
ang pangyayari sa panahon ng pagkakasulat ng akda.
(F10PD-IVb-c-82)

Mga Tala para sa Guro

Ilalahad dito ng guro ang mga pangyayari sa lipunan o


bayan sa panahon ng pagkakasulat ng nobela. Gamit ang isang
video clip na may kaugnayan sa mga pangyayari sa lipunan sa
panahon ng pagkakasulat ng nobela. Ang video clip ay makikita
sa link na ito https://www.youtube.com/watch?v=4xBsScHEtBw at
awitin ni Gloc-9 na "Upuan" sa link na ito
https://www.lyricsbox.com/gloc-9-upuan-lyrics-cplg9kp.html.

Bago ka dumako sa tatalakayin tungkol sa kabanata,


nararapat na sagutin muna ang mga sumusunod na
katanungan upang masubok ang iyong kaalaman sa
paksang tatalakayin.
Handa ka na ba?
Paghusayan mo!

1
Subukin

Panuto: Tukuyin ang mga pangyayari, kaisipan at tauhan. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Tauhan na nilunok ang pangmamaliit sa kanya ng kapwa mag-aaral at ng
mga guro.
A. Basilio B. Isagani
C. Kapitan Tiago D. Makaraig
2. Tauhan sa nobela na nalampasan niya ang mga hilahil ng buhay dahil
nagpaalipin siya kay Kapitan Tiago.
A. Basilio B. Isagani
C. Kapitan Tiago D. Makaraig
3. Tauhan na napakamayamang mag-aalahas, kaibigang matalik at tagapayo ng
Kapitan Heneral.
A. Basilio B. Isagani
C. Kapitan Tiago D. Simoun
4. Tauhan na tumulong kay Basilio na makapag-aral.
A. Basilio B. Isagani
C. Kapitan Tiago D. Simoun
5. Paano natulungan ni Kapitan Tiago si Basilio na makapagsimula ng bagong
buhay?
A. Inampon niya si Basilio. B. Kinupkop niya si Basilio.
C. Pinag-aral niya si Basilio. D. Pinakain niya si Basilio.
6. Ano ang naging pakikitungo kay Basilio ng kanyang mga kaklase at guro sa
paaralan?
A. Kasundo niya ang lahat. B. Parati siyang nilalait.
C. Tinutulungan siya sa klase. D. Walang pakialam sa kanyan.
7. Anong kasawian ang naranasan ni Basilio?
A. Kawalan ng hanap-buhay. B. Kawalan ng tahanan.
C. Ulila sa kaibigan. D. Ulila sa pamilya.
8. Paano natuklasan ni Basilio ang lihim ni Simoun?
A. Sa pamamagitan ng kaibigan.
B. Sa pamamagitan ng pag-iimbestiga.
C. Sa pamamagitan ng bulong-bulungan sa bayan.
D. Sa pamamagitan ng di sinasadyang pagtatagpo sa gubat.
9. Bakit hindi magiging wikang pambansa kailanman ang Kastila?
A. Dahil hindi ito galing sa ating bansa.
B. Dahil hindi ito sasalitain ng mga tao.
C. Dahil bawal itong gamitin ng mga Indio.
D. Dahil para lamang ito sa mga mayayaman.

2
10. Ano ang ibig sabihin ng "Walang manlulupig kung walang magpapaalipin."?
A. Walang sino man ang dapat na lupigin.
B. Walang karapatan ang tao na mabuhay.
C. Walang mayaman o mahirap sa lipunan.
D. Walang mang-aapi kung walang magpapaapi.
11. Bakit hindi itinuloy ni Simoun ang nakaambang pagbaril sa binata?
A. Dahil may dumaan na guardia civil.
B. Dahil nakaramdam siya ng awa kay Basilio.
C. Dahil mayroon siyang ibang balak kay Basilio.
D. Dahil nabatid niyang hindi siya ipapahamak nito.
12. Bakit hindi nagising ni Simoun ang damdaming makabayan ni Basilio?
A. Dahil ayaw lang talaga ni Basilio.
B. Dahil hindi siya mahilig sa politika.
C. Dahil wala siyang pagmamahal sa bayan.
D. Dahil hindi niya gusto ang ugali ni Simoun.
13. Ano sa palagay ni Basilio si Simoun noong nagkita sila sa gubat?
A. Isang mamamatay tao.
B. Isang tulisan na dumating sa bayan.
C. Isang bagong salta sa kanilang bayan.
D. Isang taong ipinalalagay niyang napakadakila.
14. Paano nagbago ang kapalaran ni Basilio nang malipat siya sa Ateneo?
A. Sa pamamagitan ng buong paaralan.
B. Sa pamamagitan ng bagong kaibigan.
C. Sa pamamagitan ng bagong sistema ng pagtuturo.
D. Sa pamamagitan ng pagtamo ng matataas na marka.
15. Aling bahagi ng buhay ni Basilio ang nakapanlulumo o nakapagpabagabag?
A. Noong siya ay nag-aaral.
B. Noong pumanaw ang kanyang ina.
C. Noong panahon na wala siyang makain.
D. Noong wala siyang bahay na masisilungan.

Napakahusay ng iyong ipinakitang


kakayahan.
Binabati kita!
Ngayon, paghusayan mo pang lalo ang
susunod na gawain.

3
Balikan

Bago mo umpisahan ang pagbabasa at pagsusuri sa mga


kabanata ng nobelang ito, mainam na magbalik-tanaw ka
muna sa mahahalagang pangyayaring naganap sa kaligirang
pangkasaysayan ng El Filibusterismo.

Magbigay ng mahahalagang pangyayari sa Kaligirang Pangkasaysayan ng El


Filibusterismo. Kopyahin ang talahanayan sa iyong kuwaderno at sagutin ito.

Mahalagang Pangyayari
1.

2.

3.

4.

5.

4
Tuklasin

Alam kong handa ka nang tuklasin ang mga karunungan na iyong


matututuhan sa araling ito. Ang gawaing inilaan ay makatutulong sa iyo upang lubos
na maunawaan ang mga magkakatulad o magkakaugnay na pangyayari sa
kasalukuyan at sa panahong naisulat ang akda.
Gawain: Tuklas-Awit
Basahin/Awitin ang liriko ng awiting "Upuan" ni Gloc-9 habang pinapakinggan
ang kanta. Pagkatapos ay gawin ang gawain sa ibaba. Kopyahin ang tanong sa
iyong kuwaderno at sagutin ito.

"Upuan"
ni Gloc-9

Kayo po na naka upo,


Subukan nyo naming tumayo
Baka matanaw, at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko.
Ganito kasi yan eh…….

Verse 1:
Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng
Malaking bahay at malawak na bakuran
Mataas na pader na pinapaligiran
At naka pilang mamahaling sasakyan
Mga bantay na laging bulong ng bulong
Wala namang kasal pero marami ang naka barong
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong
At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon
At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan
Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan
Kaya naman hindi niya pinakakawalan
Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan

Chorus:
Kayo po na naka upo,
Subukan nyo namang tumayo,
Baka matanaw, at baka matanaw na nyo

5
Ang tunay na kalagayan ko.

Verse 2:
Mawalang galang na po
Sa taong naka upo,
Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno
Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero
Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo
Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin
Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling
Gamit lang panggatong na inanod lamang sa estero
Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo
Ang aking inay na may kayamanan isang kaldero
Na nagagamit kapag ang aking ama ay sumweldo
Pero kulang parin,
Ulam na tuyo'y asin
Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin
Di ko alam kung talagang maraming harang
O mataas lang ang bakod
O nagbubulag-bulagan lamang po kayo
Kahit sa dami ng pera niyo
Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo
Kaya…….

Wag kang masyadong halata


Bato-bato sa langit
Ang matamaay wag magalit
O bato-bato sa langit
Ang matamaan ay
Wag masyadong halata
Wag kang masyadong halata
Heyey, (Wag kang masyadong halata)
(Wag kang masyadong halata)
Yeahhey…….

1. Anong mga pangyayari ang may kaugnayan sa panahon kung kailan


isinulat ang nobela na makikita sa awitin?

2. Anong isyu ng lipunan ang makikita sa awitin?

6
Napakagaling ng iyong ipinamalas na
kakayahan sa gawaing ito. Kaya alam ko na
handa ka na sa susunod na gawain.
Ipagpatuloy ang iyong kahusayan.
Ngayon ay alamin natin ang iba't ibang
kaganapan sa susunod na mga kabanata. Ito'y
makikita sa susunod na pahina.
Paghusayan mo!

Suriin

Ngayon ay alamin mo ang mga pangyayari sa


kabanata.
Handa ka na bang malaman ito?

Kabanata 6
Si Basilio

7
Nang magsimulang patugtugin ang kampana para sa misa de gallo, ang mga
nagpapahalaga sa mahimbing na tulog kaysa sa mga pista at kasayahan at
nangagising na bubulong-buIong dahil sa kaingayan at kaguluhan. Si Basilio ay
maingat na nanaog, nagpaliko-liko ng dalawa o tatlong ulit sa mga daanan, at nang
matiyak na walang nakakikita o sumusunod sa kanya ay tinalunton ang Iandas na di-
gawing daanan ng mga tao at tumungo sa matandang kagubatan ng mga Ibarra, na
nabili ni Kapitan Tiago nang samsamin at ipagbili ang ari-arian ni Ibarra.
Ang Pasko nang taong iyon ay natapat sa pagliit ng buwan kaya ubod ng
dilim sa kagubatan. Ang tugtog ng kampana ay tumigil na at wala nang maririnig
kundi ang mangisa-ngisang huling dupikal na umaalingawngaw sa katahimikan ng
gabi. Walang mauulinigan maliban sa lagitik ng mga sanga ng kahoy na gumagalaw
sa ihip ng hangin, at sa hampas ng mga alon sa kalapit na lawa na animo'y hilik ng
isang natutulog nang mahimbing.
Dahil sa alaala ng lugar at sandaling iyon, yuko ang ulong inaaninag ni Basilio
ang tinatahak na landas sa pusikit na kadilimang iyon. Panaka-naka ay nagtataas
siya ng ulo upang apuhaping makita ang mga bituin sa pagitan ng mga sanga ng
punungkahoy. Patuloy niyang tinatalunton ang kagubatan, hinahawi ang
madadawag na sanga, at hinihila ang mga nakasasagabal na baging. Minsa'y
napapabalik siya dahil sa nasasalabid ang paa sa mga siit na matitinik o kaya'y
natitisod sa nakalimbutod na mga ugat ng mga buwal na puno. Pagkaraan ng
kalahating oras narating niya ang isang maliit na batis na sa kabilang pampang ay
may isang tila gulod, isang madilim at walang hugis na burol na sa kadiliman ay tila
isang mataas na bundok. Tinawid ni Basilio ang batis sa pamamagitan ng
paglundag-lundag sa mga batong wari'y itim sa kinang ng tubig. Umakyat siya sa
burol at tumungo sa isang munting pook na nakakulong sa matanda't sira-sirang
moog. Tinungo ang baliting malaki, mahiwaga, at pinatanda ng panahon na nasa
kalagitnaan na ang mga ugat ay umakyat-bumaba sa maraming sangang
nakapulupot.
Tumigil siya sa harap ng bunton ng mga bato, nag-alis ng sumbrero, at wari'y
nananalangin. Doon nakalibing ang kanyang ina, kaya't tuwing magtutungo siya sa
San Diego ay una niyang dinadalaw ang di-kilala at walang palamuting libingang
iyon. Dahil dadalaw siya sa mag-anak ni Kabesang Tales kinabukasan kaya
sinamantala niya ang gabing iyon para gawin ang kanyang tungkulin.
Naupo siya sa isang bato at nag-isip nang malalim. Nagbalik sa kanyang
alaala ang lumipas nang tulad sa isang mahabang laso. Nang una'y kulay rosas,
pagkatapos ay dumilim at natigmak sa dugo, naging itim, napakaitim, pumusyaw ang
kulay, naging abuhin, naging mas mapusyaw. Hindi niya makita ang kabilang dulo
na nakakubli sa likod ng ulap na pinaglalagusan ng liwanag at unang sinag ng
namimitak na araw.
Ganap nang labintatlong taon ang lumipas buhat nang mamatay ang kanyang
ina. Namatay sa pook na iyon. Namatay ang kanyang ina sa gitna ng malabis na
pagdadalamhati at karalitaan isang gabing maliwanag ang buwan, habang ang mga
Kristiyano sa buong daigdig ay masayang nagdiriwang. Sugatan at pipilay-pilay
siyang nakarating doon sa pagsunod sa kanyang baliw na ina. Siya ay hindi
nakakikilala at kinatatakutan pa ang nagpapakilalang anak. Doon siya namatay.
Isang di-kilalang lalaki ang nakatagpo sa kanya at nag-utos na gumawa siya ng siga.
Parang wala sa sarili siyang sumunod at nagbalik na may dalang mga kahoy.
Natagpuan niya ang isang lalaki sa tabi ng bangkay ng nauna. Ang di-kilalang tao ay
tumulong sa kanyang sumunog ng bangkay ng lalaki at maglibing sa kanyang ina.
Pagkatapos ay binigyan siya ng pera at siya'y pinaalis. Noon lamang niya nakita ang

8
lalaking iyon. Matangkad, namumula ang mga mata, mapuputla ang mga labi at
matangos ang ilong.
Ulila nang lubos, walang magulang at kapatid, at takot na takot sa
maykapangyarihan, si Basilio ay lumisan sa San Diego at lumuwas ng Maynila.
Naisip niyang manilbihan bilang utusan sa bahay ng isang mayaman at makapag-
aral tuloy gaya ng ginagawa nang marami. Ang kanyang paglalakbay ay puno ng
ligalig, gutom, at di pagtulog. Pinawi niya ang kanyang gutom sa pamamagitan ng
pagkain ng bungangkahoy sa gubat na pinapasok niya kapag nakakakita ng guardia
civil na siyang puno't dulo ng lahat ng kanyang mga kasawian. Nang marating niya
ang Maynila, may sakit at gula-gulanit ang damit, nagtungo siya sa bahay-bahay
upang maghandog ng kanyang paglilingkod. Isang batang tagalalawigan na walang
nawawatasan ni isang salitang Kastila at may karamdaman pa nga, lumaboy-laboy
siya sa mga lansangan, nawalan ng pag-asa, nagugutom, at nalulungkot. Madalas
na kinaawaan dahil sa kanyang hitsura at gula-gulanit na damit. Makailang beses
niyang naisip na pasagasa sa mabibilis tumakbong kabayo na may mga hilang
karwaheng nagkikislapan. Sa pilak at barnis upang matapos nang lahat ang kanyang
mga paghihirap. Sa kabutihang-palad ay nakita niyang nagdaraan sina Kapitan
Tiago at Tiya Isabel. Sila'y kilala niya noon pa sa San Diego. Sa malaking katuwaan
ay halos ipalagay niyang siya'y nakatagpo ng mga tunay na kababayan. Sinundan
niya ang karwahe ngunit nawala sa paningin. Sa wakas ay natunton niya ang
kanilang bahay. Palibhasa'y kapapasok lamang ng araw na iyon ni Maria Clara sa
beateryo kaya si Kapitan Tiago'y lubhang namimighati. Dahil dito'y natanggap siya
bilang utusan na walang bayad subalit pinahintulutan siyang makapag-aral sa San
Juan de Letran kung kailan niya ibigin.
Makalipas ang ilang buwang pananatili sa Maynila, siya ay nag-aral ng unang
taon sa Latin. Siya ay marumi, walang kaayusan, at nakabakya. Kaya nilalayuan
siya ng mga kaklase. Hindi siya tinatawag sa klase ng propesor na isang makisig na
Dominiko at tuwing makikita siya ay napapakunot-noo. Sa loob ng walong buwang
pag-aaral ay walang narinig na pag-uusap ang guro at si Basilio maliban sa pagbasa
ng kanyang pangalan at pagsagot naman niya ng adsum sa araw-araw. Nahuhulaan
na ni Basilio kung bakit ganoon ang pakikitungo sa kanya ng lahat. Sa kapaitan ng
loob ay dumadaloy ang di mabilang na luha sa mga pisngi at naghihimagsik ang
loob. Kapag sumusunod siya kay Kapitan Tiago sa San Diego kung kapaskuhan ay
umiiyak siya sa harap ng puntod ng ina. Isinusumbong niya ng kanyang mga
dalamhati at kahihiyang tinitiis. Sa kabila nito'y isinaulo niyang mabuti ang kanyang
leksiyon. Pati kuwit ay memoryado niya. Kahit wala siyang maintindihan sa mga
iyon. Ngunit tinanggap niya ang kanyang kapalaran lalo na nang makitang sa tatlo o
apatnaraang mag-aaral sa klase, mga apatnapu lamang ang natatawag at ang mga
ito ay ang mga tipo ng propesor. Mga taong may natatanging kakayahan, magaling
mambola, o mga taong may kapansin-pansing personalidad. Subalit maraming
nagbubunyi dahil hindi na nila kailangang mag-isip at umunawa. Pumapasok sila sa
kolehiyo hindi upang matuto at mag-aral kundi upang makompleto ang
pangangailangan ng kurso. Kung maisasaulo nila ang aklat, wala nang itatanong pa
sa kanila at makatitiyak silang papasa sa susunod na baitang.
Naipasa ni Basilio ang pasalitang pagsusulit sa pamamagitan ng pagsagot sa
kaisa-isang tanong tulad sa isang makinang hindi tumitigil at humihinga.
Nagkakatuwaang ipinasa siya ng mga nagbigay ng pagsusulit. Ang siyam niyang
kasama, dahil sampu-sampu kung bigyan sila ng pagsusulit, ay lumagpak at umulit
ng isang taon pa.

9
Nang siya'y nasa ikalawang taon nanalo nang malaki ang tandang ni Kapitan
Tiago na alaga niya. Binalatuhan siya nito nang malaki-laki. Ibinili niya kaagad ito ng
isang paris ng sapatos at sumbrerong piyeltro. Sa tulong ng mga ito at ng damit na
galing kay Kapitan Tiago na kanyang ipinaayos ay unti-unting naging disente ang
hitsura niya. Subalit hanggang doon na lamang. Sa isang napakalaking klase, ang
sinumang mag-aaral sa unang taon na hindi napansin ng propesor dahil sa kawalan
ng natatanging kakayahan o ugaling kapansin-pansin ay mahirap nang makilala
hanggang matapos mag-aral. Ngunit talagang masigasig si Basilio.
Nagbago nang kaunti ang kanyang kapalaran nang magsimula siya sa
ikatlong taon. Pinalad siyang maging guro ang isang mayamang Dominiko na
mahilig manudyo at magpatawa. Laging ang mga paborito niyang mag-aaral ang
pinagpapaliwanag ng leksiyon dahil mayroon siyang katamaran. Hindi siya
masyadong mahigpit. Sa pagkakataong ito ay nakapagsuot na si Basilio ng bota at
kamisandentro na laging malinis at plantsado. Napuna ng propesor na si Basilio ay
hindi tumatawa sa kanyang mga biro at parang laging nagtatanong ang mga mata
kaya ipinalagay niyang ito ay hangal. Isang araw ay ipinasiya niyang hiyain ito sa
harap ng klase. Walang gatol o kamaliang binigkas ni Basilio mula una hanggang
huli ang leksiyon pagkat saulado niya. Binansagan siya ng propesor na loro at
nagsalaysay ng kuwentong hinalakhakan ng buong klase upang maragdagan ang
katuwaan at mapangatwiranan ang pagbabansag ng loro kay Basilio ay
pinagtatanong siya sabay kindat sa mga paborito niyang mag-aaral na para bang
ang ibig sabihi'y "Tingnan ninyo at magkatuwaan tayo."
Ngunit marunong na noong mangastila si Basilio kaya nasagot na lahat nang
mabuti ang mga tanong at walang naging katatawanan. Lahat ay nabigo sa
inaasahang katuwaan. Hindi napatawad ng prayle sa pangyayaring ito si Basilio.
Binigo niya ang pag-asa ng buong klase at nagkabula ang hula ng propesor. Subalit
anong katalinuhan ang maaasahan sa gugol na buhok ng isang Indiong gusgusin na
tinaguriang isang lorong hindi alam ang sinasabi? Sa ibang institusyon ng
karunungan na talagang may layuning magturo ay ikatutuwa ng propesor ang
pagkatuklas ng matatalinong mag-aaral. Sa kabilang dako, sa institusyong
naniniwala na ang karunungan ay pinagmumulan ng kasamaan, ang nangyari kay
Basilio ay magbubunga ng di kanais-nais. Hindi na siya tinanong hanggang
katapusan ng taon.
Nagpatuloy si Basilio sa ikaapat na taon na sira ang loob at parang ibig nang
tumigil sa pag-aaral. Bakit pa siya magsisikap na mag-aral? Bakit hindi na lamang
siya matulog at iasa ang lahat sa kapalaran?
Isa sa mga propesor niya sa klase ay kilalang-kilala at naiibigan ng lahat.
Kilala siyang isang paham, magaling na manunulat, at may progresibong kaisipan.
Isang araw na sinasamahan niya sa pamamasyal ang mga mag-aaral ay nakipagtalo
siya sa ilang kadete. Ito'y humantong sa paghahamunan. Ang propesor na maaaring
naaalala pa ang kanyang mapusok na kabataan ay nangalap ng mga mag-aaral na
sasama sa labanan sa susunod na linggo. Naging maganda ang labanang iyon.
Kung ilang ulit nagkaroon ng paglalaban ng tungkod at espada at si Basilio ay
napatanyag sa isa sa mga ito.
Pinasan siya sa balikat ng mga mag-aaral at iniharap sa propesor. Dahil dito
at sa kasipagan sa pag-aaral ay nakakuha siya ng matataas na marka nang taong
iyon at nabigyan pa ng medalya. Si Kapitan Tiago, na may sama ng loob sa mga
prayle buhat nang magmadre ang anak, sa bugso ng damdamin ay hinimok si
Basilio na lumipat sa Ateneo na katanyagan noong panahong iyon.

10
Sa paaralan ng mga Heswita ay natagpuan niya ang sistema ng pagtuturo na
hindi niya akalaing kanyang matatagpuan. Isang bagong daigdig ang sumilang sa
kanyang paningin. Maliban sa ilang bagay na hindi makabuluhan, hinangaan ni
Basilio ang pagtuturo roon at ang pagiging masigasig ng mga propesor ay labis
niyang pinasalamatan. Nangilid ang luha sa kanyang mga mata nang maalala ang
apat na taong sinayang niya dahil walang maitustos sa sarili. Kinailangang pag-
ibayuhin niya ang pagsisikap upang makaabot siya sa mga mag-aaral na may
magandang simula at sa isang taong iyon ay nasabi niya sa sarili na natutuhan niya
ang buong limang taong kurso sa kursong Bachiller en Artes. Nagtapos siya sa
malaking kasiyahan ng mga propesor. Ipinagmamalaki siya nang gayon na lamang
sa mga bisitang Dominiko na sumusuri sa pamantayan ng paaralan. Ang isa sa mga
ito ang pagmamapuri ng mga Heswita ay nagtanong kung saan nag-aral ng Latin
ang binata noong unang taon.
"Sa San Juan de Letran po, padre," tugon ni Basilio.
"A," ang sabi ng Dominikong bahagyang nangingiti. "Hindi naman kasamaan
ang kanyang Latin."
Dahil sa kanyang hilig ay pinili niya ang medisina. Ibig sana ni Kapitan Tiago
na ang kanyang kunin ay abogasya, ngunit sa Pilipinas ay hindi sapat ang kaalaman
sa mga batas para magkaroon ng kliyente. Ang kailangan ay magpanalo ng mga
kaso at para magkagayon ay kailangan ang mga kaibigan, impluwensiya, at dulas ng
dila. Sa huli ay napahinuhod din si Kapitan Tiago nang maalalang ang mga mag-
aaral sa medisina ay tumitistis ng mga bangkay para mag-aral. Matagal na siyang
naghahanap ng lason na ilalagay sa tari ng kanyang mga tandang at ang
pinakamabuting alam niya ay ang dugo ng Instik na namatay sa sipilis.
Matagumpay na nag-aral ng medisina si Basilio. Nang nasa ikatlong taon siya
ay nagsimula nang makapanggamot, bagay na maituturing na paghahanda para sa
isang magandang kinabukasan at isang paraan para kumita siya ng pera at makabili
ng mainam na kasuotan at makapagtabi nang kaunti.
Ito ang huli niyang taon sa kanyang kurso at sa loob ng dalawang buwan ay
ganap na doktor na siya. Magbabalik siya sa sariling bayan upang magpakasal kay
Juli at mamuhay nang maligaya. Natitiyak na niya ang kanyang tagumpay at
inaasahan niyang ang kanyang pagtatapos ay siyang pinakamakabuluhang sandali
sa kanyang buhay. Siya ang napiling bumigkas ng talumpati ng nangunguna sa mga
magsisipagtapos. Parang nakikita na niya ang kanyang sarili sa gitna ng bulwagan,
sa harap ng mga propesor, at ng madlang manonood. Ang mga kilalang siyentipiko
sa Maynila, ang mga babaing dadalo upang magmasid na noong mga nakaraang
taon ay humamak at hindi pumansin sa kanya, ang mga ginoong ang karwahe ay
muntik nang makasagasa sa kanya noong bata pa siya na para bang siya ay isang
aso. Lahat sila ay makikinig sa kanya at ang pahatid na bibigkasin niya ay hindi
maliit na bagay, kundi isang pahatid na hindi pa naririnig. Kalilimutan niya ang
kanyang sarili upang maalala niya ang mahihirap na mag-aaral sa hinaharap, at ang
talumpating iyon ang magpapakilala sa kanya sa lipunan.

Sanggunian: Marasigan, Emily V. Pinagyamang Pluma 10. Quezon City,


Philippines: Phoenix Publishing House, Inc., 2015. (521-527)

Kabanata 7
Si Simoun

11
Ang mga bagay na ito ay naglalaro sa isip ni Basilio nang dalawin ang puntod
ng ina. Pabalik na sana siya sa bayan nang makabanaag siya ng liwanag sa gitna
ng kakahuyan at makarinig ng lagitik ng mga sanga, yabag ng paa, at kaluskos ng
mga dahon. Nawala ang liwanag, ngunit may papalapit na mga yabag at hindi
nagtagal ay nakakita siya ng isang anino sa gitnang pook na iyon na ang tinutungo
ay ang kinaroroonan niya.
Talagang hindi mapamahiin si Basilio lalo na nang makapagtistis na ng
bangkay at makasaksi sa naghihingalo. Ngunit maraming alamat na bumabalot sa
gubat na iyon. Ang oras, ang dilim, ang ihip ng hangin na parang nananaghoy, at
ang mga kuwentong narinig niya noong bata pa siya ay pumukaw sa kanyang
guniguni. Napansin niyang bumilis ang tahip ng kanyang dibdib.
Nabanaagan ni Basilio, sa pagitan ng dalawang ugat na sa tinagal-tagal ng
panahon ay lumaking tulad ng maliit na puno, na huminto ang anino sa kabila ng
punong baliti. Kinuha ng anino sa loob ng damit ang isang maliwanag na ilawan.
Inilapag ito sa lupa, kaya natanglawan ang isang pares ng botang pangabayo. Ang
kabilang panig ng katawan ay natatago sa kadiliman. May hinagilap siya sa mga
bulsa, pagkatapos ay yumuko upang ikabit ang talim ng isang asarol at ikinama sa
dulo ng kanyang baston. Gulilat na namukhaan ni Basilio ang mag-aalahas na si
Simoun. Siya nga, si Simoun!
Naghukay ang mag-aalahas at paminsan-minsang naliliwanagan ng ilawan
ang kanyang mukha, na walang suot na salaming asul na labis na
nagpapabalatkayo sa kanya. Kinilabutan si Basilio; iyon din ang taong humukay ng
libingan ng kanyang ina, may labintatlong taon na ang nakararaan. Ngayon ay tila
may higit nang gulang, may puti na ang buhok, may bigote at balbas, ngunit ang
mga mata ay hindi nagbabago, dati ring malungkot, dati ring kunot ang noo,
malalakas ang bisig ngunit payat na nang kaunti. Ang mga alaala ng lumipas ay
nagbalik sa kanya. Tila nararamdaman ang init ng siga, ang matinding gutom, ang
panghihina ng katawan, at ang amoy ng lupang hinuhukay. Nangilabot siya sa
natuklasan. Si Simoun na pinagkakamalang Indiong Ingles, Portuges, Amerikano,
Mulato, Kardinal Moreno, ang kagalang-galang na itim at espiritung masama ng
kapitan heneral, ay walang iba kundi ang mahiwagang lalaking ang pagsipot at
pagkawala ay nataon sa pagkamatay ng tagapagmana ng mga lupaing iyon. Ngunit
sa dalawang lalaking nakita niya noon ay alin kaya ang Ibarra?
Ang katanungang ito ang lagi niyang nagugunita tuwing mapag-uusapan ang
pagkamatay ni Ibarra at siya na namang naaalala sa harap ng mahiwagang taong
kanyang namamalas dito.
Ang patay na tao ay may dalawang tama marahil ng baril ayon sa kanyang
napag-alaman nang lumaon. Natamaan marahil ito nang barilin sa lawa. Maaaring
ito si Ibarra na nagtungo sa libingan ng mga ninuno upang doon mamatay. At ang
kahilingan nitong magpasunog ay bunga ng pagkatira nang matagal sa Europa na
ang pagsunog ng bangkay ay karaniwang ginagawa. Kung gayon sino pa ang isang
lalaki, ang buhay, si Simoun na mag-aalahas na noon ay mukhang kaawa-awa
datapwat ngayon ay ubod ng yaman at kaibigan ng may kapangyarihan? May
hiwagang bumabalot dito. Naipasiya ng mahinahong mag-aaral na tuklasin ito pero
kailangang maghintay ng magandang pagkakataon. Samantalang si Simoun ay
patuloy sa kahuhukay, nakita ni Basilio na wala na ang dating lakas nito. Humihingal
na ito ngayon at nahihirapang huminga. Panaka-naka ay tumitigil siya para
magpahinga upang mapawi ang pagkahapo.
Sa takot na matuklasan pa siya ay ipinasiya ni Basiliong lumantad at
magpakita na. Siya ay tumindig sa kinauupuan at mahinahong nagsalita.

12
"Hindi ko po kaya kayo matutulungan, ginoo?"
Napaunat si Simoun at animo'y tigreng napakislot at humandang
dumaluhong, nakapasok ang kamay sa bulsa ng damit at namumutla. Walang
kangiti-ngiting tumingin sa mag-aaral.
"Labintatlong taon na ginoo, ang nakararaan nang gawan ninyo ako ng
malaking tulong," patuloy ni Basilio na walang katakot-takot. "Sa lugar ding ito,
inilibing ninyo ang aking ina at ikaliligaya ko kung ako'y makatutulong sa inyo."
Walang alis ang tingin kay Basilio na binunot ang rebolber sa kanyang bulsa.
Narinig ang pagkasa ng rebolber.
"Sa palagay mo ay sino ako?" tanong ni Simoun na nakadalawang hakbang
paurong.
"Isang taong ipinalalagay kong napakadakila," ang tugon ni Basilio na
kinikilabutan at nag-aakalang dumating na ang kanyang huling sandali. "Isang tao na
ipinalalagay ng lahat, maliban sa akin, na patay na at ang tinamong kasawian ay
labis kong ipinagdaramdam."
Lubos na katahimikan ang sumunod sa mga pananatiling ito. Katahimikang
parang sa binata ay hindi na matatapos. Ngunit si Simoun, matapos ang pag-
aalinlangan, ay lumapit sa kanya, ipinatong ang kamay sa kanyang mga balikat, at
nagsalita ng nanginginig ang tinig, "Basilio, nabatid mo ang isang lihim na maaaring
maging dahilan ng aking kasawian at ngayon ay natuklasan mo ang isa pa na kapag
nabunyag ay sisira sa aking mga balak. Para sa aking kaligtasan at alang-alang sa
dakila kong layunin ay dapat kitang patayin dahil ano ang kabuluhan ng isang buhay
kung ihahambing sa ibig kong maisakatuparan? Ayos na ayos ang pagkakataon,
walang nakababatid na naririto ako. Ako'y may sandata kaya wala kang magagawa.
Ang iyong kamatayan ay maaaring ibintang sa mga tulisang naglisaw rito. Ngunit
pababayaan kitang mabuhay at inaasahan kong hindi ako magsisisi. Ikaw ay
nagtiyaga at nagsikap at katulad ko rin ay mayroon kang mga pautang na dapat
singilin sa lipunan-pinatay ang iyong kapatid, nabaliw ang iyong ina, ngunit hindi
inusig ng lipunan ang salarin. Ikaw at ako ay nabibilang sa mga taong uhaw sa
katarungan. Kaya't sa halip na ipahamak natin ang isa't isa ay dapat tayong
magtulungan."
Huminto sa pagsasalita si Simoun, nagbuntung-hininga saka malumanay na
nagpatuloy. "Totoo nga. Ako ang taong naparito labintatlong taon na ang
nakararaan, may sakit at kaawa-awa ang anyo, upang bigyan ng huling pitagan ang
isang dakilang kaluluwang sadyang namatay para sa akin. Biktima ng isang tiwaling
pamahalaan. Naglagalag ako at nagpunyaging makaipon ng malaking halaga upang
maisakatuparan ang aking mga balak. Ngayo'y nagbalik ako upang wasakin ang
tiwaling pamahalaan sa pamamagitan ng pag-uudyok sa sarili nitong kabulukan at
pagtutulak dito sa hukay na siyang matuling kababagsakan. Sukdulang gumamit ng
luha at dugo. Hinatulan na ang kanyang sarili, tapos na, ayokong mamatay nang
hindi ko nakikitang lasog-lasog ito sa ilalim ng bangin."
Nag-unat si Simoun ng mga bisig na para bagang sa gayong anyo ay ibig
manumpa sa mga duwag na kalansay na doon ay natatabunan. Kakila-kilabot ang
kanyang tinig na nakapanginginig sa mag-aaral.
"Dahil sa matinding katiwalian ng mga nagsisipamahala kaya ako nagbalik sa
kapuluan. Sa ilalim ng balatkayong mangangalakal, ang lahat ng lugar ay aking
nalilibot." Naitanong ko sa sarili, "Bakit hindi sumisigid sa bituka ng masibang ibon
ang kamandag, ang lasong natatago sa mga libingan? Dinayaan ng bangkay na siya
ay lasugin, nabundat ang ibon, at sapagkat hindi ko maaaring ibalik ang buhay noon
upang lumaban sa kumakain sa kanya, at sa dahilang mabagal ang pagkaagnas ay

13
pinalala ko ang kasamaan, sinang-ayunan ko, kaya't ang pagsasamantala at
kabuktutan ay dumami at nag-ibayo. Pinasigla ko ang kabuhungan at ang mga
malulupit na gawain upang masanay ang bayan sa anino ng kamatayan; pinamalagi
ko ang mga hilahil upang sa pag-iwas dito ay humanap ng kahit na anong
kalunasan. Hinadlangan ko ang pagbuti ng kabuhayan upang kung maghirap at
maging pulubi na ang mamamayan ay wala nang sukat ipanganib. Tinitisan ko ang
pangangabig upang magsalat sa kayamanan ang bayan, at dahil hindi pa lubos ang
aking kaligayahan, ginising ko ang paghihimagsik at sinaktan ko ang bayan sa lalong
masakit na bahagi; ginawa kong ang ibon ay lumait sa bangkay na nagbigay-buhay
sa kanya at siyang umagnas.
"Subalit nang magagawa ko na nang lubusan ang kabulukan, nang sa
pagkakahalo-halo ng mga kasamaan ay tumindi ang lason, nang ang
pagkagahaman ay hayok na hayok na at nagkakanggagahol sa pagsunggab ng
kahit na anong mahila ng kamay - katulad ng isang matandang babaing nagigipit sa
sunog - siya naman ninyong paglitaw na sumisigaw ng pagsuri sa Kastila at
paghahayag ng pagtitiwala sa pamahalaan, at sa isang bagay na hindi darating!
Heto kayo ngayon na parang iisang kumikilos, may buhay at dugo, malinis, malusog,
masigla na biglang tumindig at humandang tila bagong pagkain."
"Ay! Ang mga kabataan ay salat sa karanasan at mapangarapin; laging
sumusunod sa lipad ng paruparo at halimuyak ng bulaklak. Nagbubuklod kayo sa
pag-aakalang mapag-isa ninyo ang Pilipinas at Espanya sa kuwintas na rosas,
ngunit ang katotohanan ay kinakadenahan kayo ng matigas pa sa bakal. Humihingi
kayo ng pantay-pantay na karapatan, ang pagsunod sa mga kaugaliang Kastila,
ngunit hindi ninyo naiisip na ang hinihingi ninyo ay kamatayan, pagkasira ng inyong
pambansang pagkakakilanlan, pagkawala ng inyong bayang tinubuan, pagbibigay-
daan sa pagpapaalipin - anong mangyayari sa inyo? Isang lahing walang
pagkakakilanlan, isang bansang walang kalayaan. Buo ninyong pagkatao ay
magiging hiram pati na ang inyong kapintasan. Ibig ninyong maging bahagi ng
Espanya at ni hindi man lang kayo napapahiya kung ipagkait ito sa inyo. At kahit na
ito ay ibigay sa inyo, anong gagawin ninyo rito? Anong pakikinabangan ninyo?
Maging bansa na laging may madugong himagsikan. Bansang niyayanig ng
pansariling digmaan. Republika ng mga gahaman at ng mga salat sa
pangangailangan tulad ng ilan sa mga republika sa Timog-Amerika. Ngayon ay
hinihingi ninyo ang pagtuturo ng Kastila, isang hangaring katawa-tawa dahil sa
kasakit-sakit na ibubunga. Daragdagan pa ninyo ng isang wika ang mahigit sa
apatnapung sinasalita ng buong kapuluan. Walang pag-aalinlangan, lalong
magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan."
"Hindi ako sumasang-ayon," ang tanggi ni Basilio, "kung ang pagkaalam ng
wikang Kastila ay maglalapit sa atin sa pamahalaan, mabibigkis din nito ang buong
kapuluan."
"Isang malaking kamalian," putol ni Simoun. "Napaloloko kayo sa kanilang
mga salita at hindi ninyo nililimi ang pailalim na kahulugan, at pinag-aaralan ang
kahihinatnan. Hindi magiging wikang pambansa kailanman ang Kastila, dahil hindi
ito sasalitain ng mga tao. Ang wikang iyan ay hindi makapagpapahayag kailanman
ng kanilang iniisip at saloobin. Ang bawat tao ay may sariling paraan ng pagsasalita
na tulad ng pagkakaroon nila ng sariling damdamin. Ano ang gagawin ninyo sa
Kastila, kayong ilan na makagagamit nito? Papatayin ninyo lamang ang inyong
pansariling katauhan at ilalantad ang inisip sa ibang kaisipan. Sa halip na gawing
malaya ang inyong sarili, ay gagawin n'yo lamang itong tunay na alipin. Siyam sa
sampu sa inyo ay mag-aakalang siya'y may pinag-aralan at magtatanggi sa sarili

14
ninyong bayan. Sinuman sa inyong makapagsalita ng Kastila ay magbabago ng
damdamin sa sariling wika kaya hindi na makapagsusulat o makauunawa nito.
Marami na akong nakita na nagkukunwaring hindi nakaaalam ng kahit isang salita sa
kanyang sariling wika. Mapalad kayo at kulang ng kaalaman ang inyong
pamahalaan. Habang ipinagkakait ng Ruso sa mga Polo na gamitin ang kanilang
wika para sila ay maalipin, habang ang Aleman ay nagbabawal sa paggamit ng
Pranses sa mga lalawigang kanyang nasakop sa Alemanya, habang
ipinakikipaglaban ng iyong pamahalaan ang paggamit ng sariling wika, kayo naman
sa kabilang dako ay ipinakikipaglaban na mawala ang inyong pagkakakilanlan.
Kapwa kayo nakalimot na habang ang mga tao ay may sariling wika ay mayroon
kayong kalayaan, tulad ng mga tao na malaya habang nakapag-iisip sa kanyang
sarili. Ang wika ang paraan ng pag-iisip ng tao. Mabuti na lang at ang kalayaan ninyo
ay panatag. Binabantayan ito ng damdamin ng tao."
Huminto si Simoun at tinutop ang noo. Ang liwanag ng buwan ay
pumapakabila sa mga siwang ng sanga. Puti na ang buhok, at ang matigas na
mukha ay naliliwanagan mula sa ibaba ng ilawan. Ang mag-aalahas ay parang isang
espiritu sa gubat na may di mabuting hinaharap at may masamang binabalak.
Tahimik na nakaupo at nakikinig si Basilio. Nagpatuloy si Simoun.
"Ilang gabi na akong nag-iisip simula nang makita ko ang simula ng inyong
kilusang maka-Kastila, dahil alam kong mayroon sa inyong mga kabataang may
bihirang katalinuhan at may mabuting kalooban na maghahandog ng sarili para sa
layuning sa palagay nila ay mabuti, kahit sa katotohanan ay gagawa sila ng laban sa
kanilang bayan. Madalas na ibig kitang makausap, hubarin ang aking balatkayo at
piliting wasakin ang iyong guniguni. Ngunit mahirap ang aking kalagayan, anumang
aking masabi ay maaaring hindi maunawaan at maaari pang magkaroon ng ibang
bunga. Ilang ulit ko nang ibig makausap si Makaraig, ang inyong si Isagani! May
mga pagkakataong inisip kong patayin sila!"
Nahinto si Simoun.
"lyan ang dahilan, Basilio, kung hahayaan kita ngayon, gayong magiging
mapanganib sa akin dahil maaaring ipagkanulo mo ako sa pamamagitan ng iyong di-
maingat na pananalita. Alam mo kung sino at paano ako nagdusa. Naniniwala ka sa
akin. Hindi ka nakikiisa sa paniniwalang hinihimok ang mga maykapangyarihan na
magsamantala upang ang kanilang mga napagsamantalahan ay bumili ng aking
mga paninda bilang panregalo upang mailigtas ang sarili. Ako ang hukom na
magpaparusa sa sistemang panlipunan sa kanyang sariling mga pagkakasala.
Kailangan ko ang iyong tulong. Ibig kong gamitin mo ang iyong impluwensiya sa
mga kabataan upang labanan ang pagnanasa sa Kastila, at sa Kastilang pamaraan
ng pamumuhay, ang pagkakapantay-pantay ng karapatan… dahil ang kapupuntahan
lamang niyan ay mababang uri ng panggagaya at ang ating mga mamamayan ay
dapat magkaroon ng higit na mataas na mga adhikain. Kalokohan lamang ang
isiping maiimpluwensiyahan natin ang mga namumuno. May sarili silang mga balak
at pikit ang mga mata nila sa iba pa. Hindi lamang kayo magsasayang ng panahon
kundi lolokohin pa ninyo ang mga tao sa walang kabuluhang pag-asa at tutulong sa
pagyukod sa mga namamanginoon. Ang dapat ninyong gawin ay samantalahin ang
maling paghatol ng mga namumuno. Upang tanggihan nila ang Pilipinas na maging
bahagi ng bansang Espanya. Lalong magaling. Manguna sa paghubog ng sariling
pagkakakilanlan. Sikaping maitayo ang saligan ng bansang Pilipinas. Hindi sila
nagbibigay ng pag-asa. Umasa lamang sa sarili at sa iyong magagawa. Ipinagkait
nila ang pagkakaroon ng kinatawan sa Cortez ng Espanya. Mabuti sa iyo! Kahit na
makapili kayo ng sarili ninyong kinatawan, ano ang magagawa ninyo roon kundi ang

15
malunod sa marami nilang mga tinig at maging bahagi, dahil sa pananalita roon, ng
kanilang pagmamalabis, mga kamalian, na maaari nilang magawa pagkatapos? Sa
kakaunting karapatang makikita sa iyo, higit na karapatan ang makukuha mo pag
nagtagal upang ibalik ang masama sa masama. Kung tanggihan ka nilang turuan ng
kanilang wika, payabungin mo ang sa iyo, palaganapin, panatilihing buhay ang ating
sariling kalinangan para sa ating mga kababayan, at sa halip na nasain ang pagiging
bahagi ng Espanya, nasaing maging isang nasyon, hubugin ang isipang malaya at
hindi kolonyal. Upang sa ganoon, sa karapatan, ugali, at wika man, ang mga Kastila
ay hindi makadama ng lapat na loob dito. At hindi sila titingnan ng mga Pilipino
bilang kababayan kundi lagi na ay bilang mananakop, dayuhan, at darating din ang
panahon na ikaw ay magiging malaya. Iyan ang dahilan kaya ibig kitang mabuhay."
Napabuntung-hininga si Basilio na para bang nabawasan ng pasanin. At ilang
sandali pa ay tumugon.
"Ginoo, isang karangalan ang ginawa ninyo na pagpapaalam sa akin ng
inyong mga layunin. Magiging tapat ako sa inyo. Ang ipinagagawa ninyo sa akin ay
hindi ko kaya. Hindi ako mahilig sa politika. Kaya lamang ako lumagda sa kahilingan
ukol sa pagtuturo ng wikang Kastila ay dahil sa aking paniniwala na makatutulong ito
sa aming pag-aaral. Wala nang iba pang dahilan. May iba akong layunin sa buhay.
Ang tangi kong hangarin ay ang mapawi ang pisikal na karamdaman ng aking
kababayan."
Ang mag-aalahas ay pormal na nagtanong:
"Ano na ang pisikal kung ihahambing sa sakit na pangmoral? Ano na ang
pagkamatay ng isa kung ihahambing sa kamatayan ng pamayanan? Maaaring
dumating ang panahon na maging matagumpay kang manggagamot kung hindi ka
nila panghihimasukan. Ngunit higit na magaling ang manggagamot na
makapagbibigay ng bagong buhay sa kanyang nanlulumong mga kababayan. Ano
ang ginagawa mo para sa iyong bayan na nagdala sa iyo sa iyong kinalalagyan
ngayon, na nagbigay sa iyo ng buhay at kaalaman? Hindi mo ba naiisip na ang
buhay na hindi ginugol sa dakilang kaisipan ay walang kabuluhan? Ito ay maliit na
batong nawala sa halip na nabuo sa pagtatayo ng gusali."
"Subalit hindi ako naghihintay nang nakahalukipkip," paglaban ni Basilio. "Ako
ay gumagawa tulad ng lahat para sa pagbubuo ng guhong lumipas ng isang
bansang ang mga mamamayan ay magiging nagkakaisa, na ang bawat isa ay
bahagi ng kalahatan. Ngunit gaano man kasigasig ang aking mga kapanahon,
natatanto namin na sa dakilang pagawaan ng lipunan ay mayroong dapat na
paghahati-hati ng mga gawain. Napili ko na ang ibig kong gawin, ang ihandog ang
aking sarili sa agham."
"Ang agham ay hindi kalahatan ng tao," ang pagmamasid ni Simoun.
"Ito ang layunin ng pinakamaunlad na bansa."
"Oo, subalit upang matamo lamang ang kaligayahan."
"Higit na matagal ang ipananatili ng politika," masigasig na tugon ng
nakababatang ginoo, "dahil ito ay higit na makatao, higit na pansanlibutan. Sa
darating na ilang siglo, kapag ang katawan ay nabahiran na ng kaalaman, kapag
ang pagkakaiba-iba sa lahi ay napawi na, kapag ang lahat ng tao ay malaya na,
kapag wala nang nanlulupig at nagpaaalipin, kolonya at imperyo, kapag mayroon
nang sinusunod na batas ng katarungan, kapag ang mga tao ay mamamayan na ng
daigdig, ang tanging malalabi ay ang pagtuklas ng agham. Ang salitang
pagkamakabayan ay parang di magiging makatotohanan kung pakikinggan at kung
sino man ang magmamapuri sa bayan ay ikukulong na parang may mapanganib na
pagnanasa, mapanghadlang sa mabuting pagsasamahan sa lipunan."

16
Mabalasik na napangiti si Simoun, tumango ang ulo, at nagsalita.
"Siyempre, walang pag-aalinlangan. Subalit upang marating ang kalagayan
na iyon ay kailangang alisin ang mga mapaniil at mga alipin sa bansa. Kailangang
matutuhan ng tao kahit saan siya tumungo na igalang ng iba ang kanyang sariling
mga karapatan. At ukol dito kailangan ang madugong labanan. Ang
pakikipagsapalaran ay hindi maiiwasan. Bago magapi ang matandang
kapanatikuhan na lumupig sa konsiyensiya, marami ang kinailangang magbuwis ng
buhay at ito'y tumakot sa konsiyensiya ng lipunan upang palayain ang konsiyensiya
ng tao. Kapareho ito ng pangangailangan sa kasalukuyan ng lahat upang sagutin
ang itinatanong ng bansa nang magtaas ng kamay upang lumaban. Ang
pagkamakabayan ay pagkakasala sa mga imperyalistang bansa dahil ito ay
magandang salita lamang na sinasamantala. Gaano man kasakdal ang
sangkatauhan, ang pagmamahal sa bayan ay laging magiging katangian ng mga
taong api dahil lagi na itong nangangahulugan ng pagmamahal sa katarungan,
kalayaan, at paggalang sa sarili."
Tumigil si Simoun. Dahil napagtanto na hindi niya nagising ang damdamin ng
mag-aaral kaya binago niya ang argumento at nagtanong sa kakaibang tono.
"At ano ang ginagawa mo para sa iyong namatay na ina at kapatid? Sapat na
ba ang tumungo ka rito minsan isang taon at lumuha sa harap ng kanilang mga
bangkay na parang babae?" nanunudyo siyang tumawa.
Nakapukaw siya ng damdamin. Namula si Basilio at humakbang papalapit.
"Ano ang ibig ninyong gawin ko?" pagalit niyang tanong. "Ako ay nasa
pinakamababang antas ng lipunan at walang mapagkukunan. Sa akala ninyo ba'y
madadala ko ang mga mamamatay-tao sa harap ng katarungan? Ako ay
makadaragdag lamang sa kanilang mga biktima at magpaparang isang pirasong
salamin na ipinukol sa bato. Mali kayo sa pagpapaalala sa akin sa kanila. Muli
ninyong pinakirot ang aking sugat nang walang dahilan."
"At kung ialok ko sa iyo ang aking tulong?"
Napailing si Basilio at nagwika:
"Ang hatol ng mga hukuman, ang paghihiganti ay hindi makapagbabalik kahit
isang buhok ng aking ina o ngiti sa labi ng aking kapatid. Hayaan mo na silang
maging mapayapa sa kanilang pamamahinga. Ano naman ang mapapala ko sa
paghihiganti?"
"Mapipigilan mong maranasan pa ng iba ang iyong naranasan. Maililigtas mo
ang iba pang mga anak na lalaki na mapapatay, ang ibang ina na masiraan ng bait.
Ang pag-urong ay hindi makabubuti, ito ay pagkakasala kung humihimok sa pang-
aalipin. Walang manlulupig kung walang magpapaalipin. Likas sa tao ang kasamaan
kaya madali siyang magmalabis kapag may pagkakataon. Iniisip ko ang kalagayan
mo ngayon at alam mo ang nangyari sa akin. Ang mga naging sanhi ng iyong
kasawian ay nakamasid sa iyo araw at gabi, naghihinala sila na naghihintay ka
lamang ng magandang pagkakataon; nakamasid sila sa iyong kauhawan sa
karunungan, sa iyong pagmamahal sa pag-aaral, kahit sa iyong pananahimik, ang
iyong nag-aalab na pagnanasa upang maghiganti. Sa araw na magkaroon sila ng
pagkakataon, gagawin nila sa iyo ang ginawa nila sa akin. Hindi nila hahayaang
maging ganap ang iyong pagkatuto. Sila ay natatakot at napopoot sa iyo."
"Napopoot sa akin? Napopoot matapos ang kanilang mga ginawa sa akin?"
pakli ni Basilio na nabibiglaanan.
Napatawa si Simoun.
"Natural lamang sa taong nakasakit ang mapoot sa kanyang nasaktan, sabi ni
Tacitus, na sinigurado ni Seneca. Kung ibig mong masukat ang kabutihan o

17
kasamaang nagawa ng isang bansa sa kapwa bansa, tingnan mo lamang kung
gusto o ayaw niya rito. Kaya ang mga nagpayaman dito dahil sa kanilang mataas na
katungkulan ay naninira at nang-iinsulto sa kanilang mga sinalitan pagbalik sa
Espanya. Inuulit ko na natural lamang sa isang tao ang kapootan ang kanyang
nasaktan."
"Subalit may pagkakataon para sa lahat. Malaya silang magpakaligaya sa
kanilang kapangyarihan. Ang hinihingi ko ay hayaan lamang akong gumawa, at
mabuhay sa aking sarili."
"At magpalaki ng mga anak na lalaki na yuyukod na lamang sa mga
manlulupig," dagdag ni Simoun na ginagaya ang tinig ni Basilio. "Talagang
pinaghahandaan mo sila ng magandang kinabukasan. Ikaw ay kanilang
pasasalamatan dahil sa buhay nilang puno ng pagpapakumbaba at paghihirap.
Binabati kita, binata! Kapag ang tao ay patay na, mahirap itong gisingin.
Dalawampung taon ng pagkakaalipin, ng pagkakapahiya, ng madalas na kabiguan
ay magiging dahilan ng takot na kaluluwa na nangangailangan ng pag-amo.
Namamana ng mga anak ang paraan ng pag-iisip, mabuti man o masama.
Magkatotoo sana ang iyong kaisipan ukol sa masayang buhay, mabuhay nawa ang
panaginip ng alipin na humingi lamang ng basahan para maipambalot sa kadena
niya para hindi makalikha ng ingay o masaktan ang balat. Ang hangarin mo ay
payapang tahanan: kabiyak at kaunting bigas. Tingalain ang huwarang Pilipino!
Mapalad ka kung makamtam mo ang iyong ibig."
Si Basilio na hirati sa pagsunod at pagtitiis sa sumpong ni Kapitan Tiago, at
sa ngayon ay napapangibabawan ni Simoun, ay nagtangkang magpaliwanag. Hindi
niya inisip na nababagay siya sa politika; hindi pa siya nakabubuo ng pagpapasiya
ukol dito, dahil hindi pa niya ito napag-aaralan. Dahil sa lahat nang ito, lagi siyang
handang maglingkod kapag kinakailangan; ngunit sa pansamantala isa lamang ang
nakikita niyang kailangan, ang karunungan ng mga tao. Pinigil siya ni Simoun. Halos
mag-uumaga na.
"Binata, hindi ko hinihiling na itago mo ang aking lihim. Alam ko ang mga
katangian mo. Kahit ibigin mo na ako'y isuplong, ang salita ni Simoun na mag-
aalahas, ang kaibigan ng mga maykapangyarihan at mga prayle ang higit na
pakikinggan kaysa kay Basilio, na isa lamang mag-aaral, na pinaghihinalaan na
mapanghimagsik dahil sa katotohanang kahit siya ay isang Indio, siya ay naging
namumukod at napatanyag, at pinaghihinalaan din dahil sa mga kaagaw sa
propesyon na mga kilala sa lipunan. Kahit hindi ko nakita ang aking mga inaasahan,
anumang oras na magbago ang iyong isip pumasyal ka lamang sa aking tahanan sa
Escolta at lagi akong nakahandang maglingkod."
"Mali kaya ang aking naging pagdulog?" nawika ni Simoun nang siya ay nag-
iisa na. "Wala kaya siyang tiwala sa akin, at nagpaplano siya ng sarili niyang
paghihiganti? O ang mahabang panahon ng paglilingkod ay nagpatigas ng kanyang
puso kaya para na siyang hayop na ang iniisip lamang ay ang mabuhay magparami.
Kung ganoon ang panukat ay hindi wasto at nangangailangang baguhin, malaking
pagtitiis. Bayaang ang hindi nararapat ay mawala at ang pinakamalakas ang matira."
Idinagdag niyang parang may kinakausap.
"Maging matiyaga, kayong nag-iwan ng pangalan at tahanan, magtiyaga! Isa-
isa itong nawala sa akin; bayan, kinabukasan, kasiyahan, ang inyong mga puntod,
subalit magtiyaga! At ikaw banal na espiritu, dakilang kaluluwa, mapagbigay na puso
na nabubuhay dahil lamang sa isang hangarin at nagpakasakit ng iyong buhay nang
walang hinihintay na paghanga, magtiyaga, magtiyaga. Malapit na ang araw at

18
kapag nagdapit-hapon, ako ang magbibigay ng munting balita. Magtiyaga,
maghintay!"

Sanggunian: Marasigan, Emily V. Pinagyamang Pluma 10. Quezon City,


Philippines: Phoenix Publishing House, Inc., 2015. (530-540)

Naibigan mo ba ang mga kaganapan sa


kabanata?
Ngayon, pag-isipan ang mga gawain sa
Pagyamanin. Ito'y makikita sa susunod
na pahina.
Handa ka na ba?

Pagyamanin

Gawain A: Hanay, Husay


Tukuyin kung anong isyu ng lipunan ang mga pangyayari na nabasa sa mga
kabanata. Ang hanay A ay ang mga pangyayari sa kabanata at ang hanay B naman
ay ang isyu ng lipunan. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
Hanay A Hanay B
1. Pinagtatawanan si Basilio ng mga kaklase. A. Pananakop
2. Pinawi niya ang gutom sa pagkain ng bungankahoy. B. Kawalan ng tirahan
3. Hindi na kulong ang pumatay sa kanyang ina. C. Bullying
4. Ipinagkait ng Ruso sa mga Polo ang sarili nilang D. Kahirapan
wika.
5. Si Basilio ay palaboy-laboy sa lansangan. E. Kawalan ng hustisya

Gawain B: Panuurin at Suriin

19
May mga isyung tinalakay sa kabanata na sa kasalukuyan ay nangyayari pa
rin gaya ng pagtatagumpay dahil sa kasipagan, pagmamalabis sa katungkulan at
kapangyarihan, at iba pa. Iugnay ang mga pangyayaring ito na pumukaw sa iyong
kaisipan sa isang kahawig o kaugnay na palabas sa video o sa YouTube. Isulat ang
sariling kaisipan mula sa mensahe ng nabasa at napanood. Kopyahin ang
talahanayan sa iyong kuwaderno at gawin ito.

Pangyayari sa akda Aking napanood sa YouTube na katulad nito.


Pag-unlad at Video: The Henry Sy Story - the Father of Philippine Retail
pagbabago Link: https://www.youtube.com/watch?v=4xBsScHEtBw
ng buhay dahil sa Kaisipan:
kasipagan.

Pagkamkam ng mga Video:


taong mayaman o Link:
makapangyarihan sa Kaisipan:
lupang pag-aari o
pinaghirapang linangin
ng iba.

Isaisip

Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang tanong sa iyong


kuwaderno at sagutin ito.

1. Anong pangyayari sa panahon ng pagkakasulat ng akda ang may hawig sa


kasalukuyan?

20
2. Nakita mo ba ang katangian ni Ibarra ng Noli Me Tangere sa katauhan ni
Basilio? Magbigay ng mga patunay.

Napakagaling ng iyong ipinamalas na


kakayahan sa gawaing ito. Kaya alam ko na
handa ka na sa susunod na gawain.
Ipagpatuloy ang iyong kahusayan.
Ngayon ay paunlarin pa natin ang iyong
kaalaman sa gawaing Isagawa. Ito'y makikita
sa susunod na pahina.
Paghusayan mo!

Isagawa

Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa napapanahong isyu ng bayan na may


pagkakatulad sa mga pangyayari sa panahon ng pagkakasulat ng akda. Isulat ang
ginawang sanaysay sa iyong kuwaderno.
Pamantayan sa Paggawa (Sa Sanaysay, Ako'y Mahusay)
Mga
5 4 3 2
Pamantayan
Kompleto ang May dalawang Isang Walang
istrakturang istrakturang istraktura istraktura ang
Istraktura ginamit sa ginamit sa lamang ang sanaysay.
sanaysay. sanaysay. ginamit sa
sanaysay.

21
Wasto ang Mayroong ilan Mayroong iilan Marami ang di
gramatikang/ na di wasto sa na di wasto sa wasto sa
Gramatika/ balarilang gramitikang/ gramitikang/ gramitikang/
Balarila ginamit sa balarilang bararilang balarilang
sanaysay. ginamit sa ginamit sa ginamit sa
sanaysay. sanaysay. sanaysay.
Angkop na Angkop ang Hindi gaanong Hindi angkop
Kaangkupan angkop ang mga kaisipan angkop ang ang mga
sa Paksa mga kaisipan sa paksa. kaisipan sa kaisipan sa
sa paksa. paksa. paksa.

Tayahin

Panuto: Tukuyin ang mga pangyayari, kaisipan at tauhan. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Tauhan na napakamayamang mag-aalahas, kaibigang matalik at tagapayo ng
Kapitan Heneral.
A. Basilio B. Isagani
C. Kapitan Tiago D. Simoun
2. Tauhan na nilunok ang pangmamaliit sa kanya ng kapwa mag-aaral at ng
mga guro.
A. Basilio B. Isagani
C. Kapitan Tiago D. Makaraig
3. Tauhan na tumulong kay Basilio na makapag-aral.
A. Basilio B. Isagani
C. Kapitan Tiago D. Simoun
4. Tauhan sa nobela na nalampasan niya ang mga hilahil ng buhay dahil
nagpaalipin siya kay Kapitan Tiago.
A. Basilio B. Isagani

22
C. Kapitan Tiago D. Makaraig
5. Ano ang naging pakikitungo kay Basilio ng kanyang mga kaklase at guro sa
paaralan?
A. Kasundo niya ang lahat. B. Parati siyang nilalait.
C. Tinutulungan siya sa klase. D. Walang pakialam sa kanyan.
6. Anong kasawian ang naranasan ni Basilio?
A. Kawalan ng hanap-buhay. B. Kawalan ng tahanan.
C. Ulila sa kaibigan. D. Ulila sa pamilya.
7. Paano natuklasan ni Basilio ang lihim ni Simoun?
A. Sa pamamagitan ng kaibigan.
B. Sa pamamagitan ng pag-iimbestiga.
C. Sa pamamagitan ng bulong-bulungan sa bayan.
D. Sa pamamagitan ng di sinasadyang pagtatagpo sa gubat.
8. Bakit hindi magiging wikang pambansa kailanman ang Kastila?
A. Dahil hindi ito galing sa ating bansa.
B. Dahil hindi ito sasalitain ng mga tao.
C. Dahil bawal itong gamitin ng mga Indio.
D. Dahil para lamang ito sa mga mayayaman.
9. Paano natulungan ni Kapitan Tiago si Basilio na makapagsimula ng bagong
buhay?
A. Inampon niya si Basilio. B. Kinupkop niya si Basilio.
C. Pinag-aral niya si Basilio. D. Pinakain niya si Basilio.

10. Ano ang ibig sabihin ng "Walang manlulupig kung walang magpapaalipin."?
A. Walang sino man ang dapat na lupigin.
B. Walang karapatan ang tao na mabuhay.
C. Walang mayaman o mahirap sa lipunan.
D. Walang mang-aapi kung walang magpapaapi.
11. Aling bahagi ng buhay ni Basilio ang nakapanlulumo o nakapagpabagabag?
A. Noong siya ay nag-aaral.
B. Noong pumanaw ang kanyang ina.
C. Noong panahon na wala siyang makain.
D. Noong wala siyang bahay na masisilungan.

12. Bakit hindi nagising ni Simoun ang damdaming makabayan ni Basilio?


A. Dahil ayaw lang talaga ni Basilio.
B. Dahil hindi siya mahilig sa politika.
C. Dahil wala siyang pagmamahal sa bayan.
D. Dahil hindi niya gusto ang ugali ni Simoun.
13. Ano sa palagay ni Basilio si Simoun noong nagkita sila sa gubat?
A. Isang mamamatay tao.
B. Isang tulisan na dumating sa bayan.
C. Isang bagong salta sa kanilang bayan.
D. Isang taong ipinalalagay niyang napakadakila.
14. Paano nagbago ang kapalaran ni Basilio nang malipat siya sa Ateneo?

23
A. Sa pamamagitan ng buong paaralan.
B. Sa pamamagitan ng bagong kaibigan.
C. Sa pamamagitan ng bagong sistema ng pagtuturo.
D. Sa pamamagitan ng pagtamo ng matataas na marka.
15. Bakit hindi itinuloy ni Simoun ang nakaambang pagbaril sa binata?
A. Dahil may dumaan na guardia civil.
B. Dahil nakaramdam siya ng awa kay Basilio.
C. Dahil mayroon siyang ibang balak kay Basilio.
D. Dahil nabatid niyang hindi siya ipapahamak nito.

Napakahusay ng iyong ipinakitang kakayahan.


Binabati kita!
Ngayon, paghusayan mo pang lalo ang susunod
na gawain.

Karagdagang Gawain

Gawain: Itala, Pag-unawa


Buuin ang T-chart sa ibaba. Isulat ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
katangian nina Simoun at Basilio. Kopyahin ang T-chart sa iyong kuwaderno at
gawin ito.

Simoun (Pagkakatulad) Basilio


(Pagkakaiba) (Pagkakaiba)

24
Napakagaling ng iyong ipinamalas na kakayahan sa araling ito. Kaya alam ko na
handa ka na sa susunod na aralin. Ipagpatuloy ang iyong kahusayan.
Binabati kita dahil napagtagumpayan mo ang unang aralin.
Napakahusay!

Arali
Kabanata 23: Isang Bangkay at
n
Kabanata 26: Mga Paskin
2

Alamin

Ang aralin 2 ay nabibigyang linaw ang nakakubling kahulugan ng


matatalinghagang pahayag na ginamit sa nobela.

Sa pagtatapos ng araling ito ikaw ay inaasahang:


✔ Nabibigyang kahulugan ang matatalinghagang pahayag na ginamit sa
binasang kabanata ng nobela. (F10PT-IVb-c-83)

25
Mga Tala para sa Guro

Ilalahad dito ng guro ang matalinghagang pahayag na


ginamit sa kabanata at ang kahulugang nakapaloob dito.

Bago ka dumako sa tatalakayin tungkol sa kabanata ng


nobela, nararapat na sagutin muna ang mga
sumusunod na katanungan upang masubok ang iyong
kaalaman sa paksang tatalakayin. Ito'y makikita sa
susunod na pahina.
Handa ka na ba?
Kung handa ka na maaari ka ng mag-umpisa.
Galingan mo!

Subukin

Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng matalinghagang pahayag. Isulat ang sagot sa


sagutang papel.
1. Nakikita niyang umaagos ang dugo sa mga lansangan.
A. Kulay dugo ang tubig. B. Kulay pula ang lansangan.
C. Marami ang namatay. D. Marami ang nag-agaw buhay.
2. "Madali," ang sabi ni Simoun na nagliwanag ang pag-asa sa mukha.
A. Nag-aliwalas ang mukha. B. Nagliwanag ang mukha.
C. Nakadama ng pag-asa. D. Nakakita ng liwanag.
3. "Patay!" ang mahinang bulong na wari'y isang anino ang nagsasalita.
A. Nag-aalala B. Nagluluksa
C. Natatakot D. Natutuwa
4. Nagngangalit na kulog at buhawi kahit wala ni isang patak ng ulan.
A. Nagbabadya ng dahas. B. Nagbabadya ng galit.
C. Nagbabadya ng ulan. D. Nagbabadya ng unos.

26
5. Kinakausap niya sa malakas na tinig ang ilang kamag-aral na wari'y hindi
alintana kung marinig siya ng buong daigdig.
A. Mahina ang pandinig ng kausap. B. Mahinahon na nagsalita.
C. Malakas ang kanyang boses. D. Malumanay ang kanyang boses.
Panuto: Tukuyin kung anong salita o mga salita ang nagpapahayag ng matalinghaga
sa pangungusap.
6. Nakikita niyang umaagos ang dugo sa mga lansangan.
A. Dugo sa mga lansangan B. Mga lansangan
C. Nakikita niyang umaagos D. Umaagos ang dugo
7. "Madali," ang sabi ni Simoun na nagliwanag ang pag-asa sa mukha.
A. "Madali," ang sabi ni Simoun B. Nagliwanag ang pag-asa
C. Sabi ni Simoun na nagliwanag D. Simoun na nagliwanag
8. "Patay!" ang mahinang bulong na wari'y isang anino ang nagsasalita.
A. Ang nagsasalita B. Isang anino ang nagsasalita
C. Mahinang bulong D. "Patay!" ang mahinang bulong
9. Nagngangalit na kulog at buhawi kahit wala ni isang patak ng ulan.
A. Buhawi kahit wala B. Kahit wala ni isang patak
C. Nagngangalit na kulog at buhawi D. Wala ni isang patak ng ulan
10. Kinakausap niya sa malakas na tinig ang ilang kamag-aral na wari'y hindi
alintana kung marinig siya ng buong daigdig.
A. Kinausap niya sa malakas B. Malakas na tinig ang ilang
C. Marinig siya ng buong daigdig D. Tinig ang ilang kamag-aral

Panuto: Tukuyin kung anong damdamin ang nakapaloob sa pahayag.


11. "E, ano ba sa akin," ang ulit ni Camaroncocido. "Ano ang mapapala ko kung
balaan ko ang mga tao?"
A. Kawalan ng galang B. Kawalan ng galit
C. Kawalan ng malasakit D. Kawalan ng pangarap
12. "Gawin mo ang inyong tungkulin, binata," ang laging sabi ni Padre Irene.
A. Pagpapaalala B. Pagsasawalang-bahala
C. Pagsesermon D. Pananabik
13. "Bahagya na ang tibok ng puso. Mahinang-mahina ang pulso. Nawalan na
siya ng gana sa pagkain," ang bulong ni Basilio. Malungkot ang kanyang ngiti.
"Pinagpapawisan siyang mabuti sa madaling araw."
A. Pag-aalala B. Pagkadismaya
C. Pagkapagod D. Pagmamahal
14. "Basilio, naparito ako upang ihandog sa iyo ang dalawang bagay: ang iyong
kamatayan o ang iyong hinaharap!"
A. Pagpapaalala B. Pananakit
C. Pananamantala D. Pangigipit

27
15. "Basilio," ang bulong niya, "makinig ka sanang mabuti. Mahalaga ang bawat
sandali. Nakita kong hindi mo binubuksan ang mga aklat na ipinadadala ko sa
iyo. Wala kang malasakit sa iyong bayan."
A. Pag-aagam-agam na may galit.
B. Pagsesermong puno ng hinanakit.
C. Pagmamadali na may panunumbat.
D. Pagpapaalala nang may pagmamahal.

Balikan

Magbalik-tanaw ka muna sa nakaraang aralin. Kopyahin ang tanong sa iyong


kuwaderno at sagutin ito.
Ano ang katangian ni Basilio bilang isang mag-aaral?

Tuklasin

Handa ka na bang tuklasin ang mga


matalinghagang pahayag at ang kahulugan nito?
Kung gayon, pag-isipan mo ang kahulugang
nakapaloob dito.

Gawain: Isip-isipin, Salawikain

28
Basahin ang salawikain at isulat sa kabilang kahon ang pagpapaliwanag ng
nakatagong kahulugan sa likod ng matalinghagang pahayag. Kopyahin ang
talahanayan sa iyong kuwaderno at sagutin ito.

Salawikain Pagpapakahulugan

"Ang maniwala sa sabi-sabi'y


walang bait sa sarili"

"Madali ang maging tao,


Mahirap magpakatao"

"Pag di ukol,
Ay di bubukol"

"Anuman ang tibay ng abaka,


Wala ring lakas kapag nag-iisa"

Suriin

29
Ngayon ay alamin mo ang mga pangyayari sa
kabanata.
Handa ka na bang malaman ito?

Kabanata 23
Isang Bangkay

Hindi nga nagtungo sa dulaan si Simoun. Umalis siya ng bahay sa ganap na


ikapito ng gabi na balisa at malungkot. Makalawa siyang nakita ng mga utusan niya
na bumalik at may kasamang kung sino-sinong tao. Nang ikawalo ng gabi, habang
tinutugtog ang mga kampana ng simbahan, namataan siya ni Makaraig sa pali-
paligid ng kalye Ospital, malapit sa kumbento ng Santa Clara. Nang ikasiyam ng
gabi, nakita siyang muli ni Camaroncocido sa paligid ng dulaan. May kausap siya na
tila isang mag-aaral. Pumasok siya at muling lumabas saka nawala sa kakapalan ng
mga punungkanoy.
"E, ano ba sa akin," ang ulit ni Camaroncocido. Ano ang mapapala ko kung
balaan ko ang mga tao?
Ayon kay Makaraig, hindi rin nagtungo sa dulaan si Basilio. Mula nang
manggaling sa San Diego ang kaawa-awang mag-aaral upang tubusin ang katipang
si Juli sa pagpapaalila ay muling iniukol ang panahon sa kanyang mga aklat.
Namalagi siya sa ospital. Inaalagaan niya si Kapitan Tiago at sinisikap malunasan
ang kanyang karamdaman.
Naging masungit at laging bugnutin ang maysakit. Kapag sinisikap bawasan
ni Basilio ang gamit ng opyum, nakararamdam siya ng panghihina ng katawan.
Sinusumbatan, sinasaktan, at minumura niya si Basilio. Nagtitiis naman si Basilio,
dahil sa alam niyang para iyon sa ikabubuti ng pinagkakautangan niya nang malaki.
At kaya lamang siya pumapayag kapag talagang hindi na siya makaiwas. Kapag
napayapa ng bisyo ang masidhing pangangailangan ni Kapitan Tiago ay lalamig ang
ulo nito, magiging magiliw, tatawaging anak si Basilio, pahikbi-hikbi gugunitain ang
paglilingkod ng binata, maayos na pamamahala ng binata sa kanyang mga ari-arian.
At pagkatapos, sasabihing si Basilio ang gagawin niyang tagapagmana. Malungkot
na nangingiti si Basilio at maiisip na sa buhay na ito, higit na ginagantimpalaan ang
pagpapaunlak sa masamang hilig kaysa sa pagtupad sa tungkulin. Hindi miminsang
naisip tuloy niya na pabayaan nang lumubha ang karamdaman ng tagapagtangkilik
at akayin sa kanyang libingan sa daang mabulaklak at magagandang pangarap,
kaysa pahabain ang buhay nito sa malabis na paghihirap.
"Napakahangal ko," ang madalas niyang mawika sa sarili. "Maaaring
nagkakamali siya, ngunit siya ang nagbabayad..."
Mapapailing siya. Pagkatapos maiisip si Juli, ang magandang kinabukasang
naghihintay sa kanya. Ibig niyang mabuhay nang walang dungis ang kanyang budhi.
Ipinagpatuloy niya ang pag-aalaga at pagbabantay nang mabuti.
Gayunman, parang lumulubha araw-araw ang maysakit sa kabila ng
paminsan-minsang pagbuti ng kanyang kalagayan. Ipinasiya ni Basilio na bawasang
unti-unti ang gamit ng opyum o kaya'y huwag pahintulutang humitit si Kapitan Tiago

30
nang higit kaysa rati. Ngunit pagbalik niya mula sa pagbisita sa ospital o sa mga
pasyente ang maysakit ay mapapansin niyang nakakatulog nang mabigat gawa ng
opyum, naglalaway, at namumutlang parang patay na. Hindi matukoy ng binata kung
saan nanggagaling ang opyum. Ang tanging nagsisidalaw sa bahay ay si Simoun at
si Padre Irene. Bihira lamang dumalaw ang mag-aalahas at ang isa'y walang lubay
sa pagbibilin na higpitan at ipagpatuloy ang pag-aalaga nang mabuti at huwag
pansinin ang pagkamuhi ng maysakit. Ang dapat niyang isaisip mailigtas ang buhay
ng maysakit.
"Gawin mo ang iyong tungkulin, binata," ang laging sabi ni Padre Irene.
"Gawin mo ang iyong tungkulin."
At magsesermon si Padre lrene tungkol sa paksang ito sa paraang kapani-
paniwala at may kasiglahan. Kaya't parang nakagiliwan siya ni Basilio. Pinangakuan
pa siya ni Padre Irene ng isang mabuting mapapasukan sa isang mayamang
lalawigan at maaaring mahirang pang isang propesor. Hindi napadala sa mga
balighong pangarap si Basilio. Nagkunwari siyang naniniwala sa sinasabi ng prayle
at nagpatuloy sa ipinag-uutos ng kanyang budhi.
Nang gabing iyon, habang itinatanghal ang Les Cloches de Corneville, nag-
aaral si Basilio sa isang matandang mesa sa tulong ng liwanag ng isang ilawang
langis na may malabong pantalyong salamin. Nagbibigay ito ng malamlanm na
liwanag sa malungkot na mukha ng binata. Isang lumang kalansay, ilang buto ng
tao, ilang aklat na maayos na nakasalansan ang nasa ibabaw ng mesa. At mayroon
pang isang palanggana at isang espongha. Ang amoy ng opyum mula sa karatig na
silid ang gumugupo sa paligid at nakapagpapaantok sa binata. Ngunit
pinaglalabanan ito ng binata. Binabasa niya paminsan-minsan ang kanyang noo at
kanyang mga mata upang huwag makatulog hanggang sa matapos niya ang aklat.
Ang binabasa niyang aklat ay Medicina Legal y Toxricologia ni Dr. Mata. Hiniram
lamang niya ito at kailangang maisauli agad. Mapilit ang propesor ni Basilio na
gamitin ang aklat na ito. Wala namang sapat na salapi ang binata upang makabili ng
sariling aklat. Malaking halaga ang hinihingi ng mga nagbibili ng aklat. Kinakailangan
nilang suhulan ang maraming kawani upang maipasok ang aklat na ito na
ipinagbabawal ng mga tagasuri ng Maynila. Buhos na buhos sa pag-aaral si Basilio
kaya't hindi man lamang mabigyang-pansin ang mga mumunting aklat ukol sa
Pilipinas na ipinapadala sa kanya mula sa ibang bansa. Ngunit walang nakaaalam
kung saan talaga nanggagaling ang mga mumunting aklat na ito. Ang ilan ay
nakapukaw sa damdamin ng marami dahil sa masama at kalait-lait na pagpapalagay
sa mga mamamayan ng bansa. Walang kapana-panahon si Basilio na mabuksan
ang mga ito. Marahil nakapipigil din sa kanya ang pag-alala na hindi niya
matatanggap ang paghamak at paghamon nang hindi makasasagot o
makapagtatanggol sa sarili man lamang. Pinahintulutan ng mga nagsusuri ang mga
lathalain ng paghamak sa mga mamamayan, ngunit ipinagbabawal ang pagsagot sa
mga ito.
Sa gitna ng katahimikang naghahari sa bahay na nabubulahaw lamang ng
paminsan-minsang paghihilik mula sa karatig na silid ay nakarinig ng mararahang
yabag sa hagdanan, mga yabag na papalapit nang papalapit sa kinaroroonan niya.
Itinaas ng binata ang kanyang ulo. Nabuksan ang pinto. Buong pagkamangha
niyang nakita ang mabagsik na anyo ng mag-aalahas na si Simoun. Mula nang
magkatagpo sila sa San Diego, hindi na nakipagkita si Simoun kay Basilio; ni kay
Kapitan Tiago.
"Kamusta ang maysakit?" ang tanong ni Simoun. Pagkatapos, hinagod ng
tingin ang silid at napansin ang mga aklat na hindi pa nabubuksan.

31
"Bahagya na ang tibok ng puso. Mahinang-mahina ang pulso. Nawalan na
siya ng gana sa pagkain," ang bulong ni Basilio. Malungkot ang kanyang ngiti.
"Pinagpapawisan siyang mabuti sa madaling araw…."
Nang makitang nakatuon ang mga mata ni Simoun sa mga mumunting aklat
at sa pangambang baka maungkat ang pinag-usapan at pagtatalo nila sa gubat ay
nagpatuloy si Basilio:
"Talamak na ang lason sa buong katawan. Bukas o makalawa ay maaaring
namatay na parang tinamaan ng lintik. Isang munting dahilan, isang walang
kabuluhang bagay, isang sulak ng kalooban ay maaaring makamatay sa kanya."
"Katulad ng Pilipinas!" ang malungkot na puna ni Simoun.
Hindi napigilan ni Basilio ang pagkabigla. Ngunit sinikap niya na huwag nang
maungkat ang pagtatalo tungkol sa mga bagay na iyon kaya nagpatuloy nang
parang walang naririnig:
"Ang lalo pang nakapanghihina sa kanya ay ang mga bangungot at kanyang
mga takot."
"Katulad ng pamahalaan!" ang sabi ni Simoun.
"May ilang gabi na siyang nagigising. Ang akala niya'y nabulag na siya.
Nagpalahaw, at tinangisan niya ang kanyang kapalaran. Pinaratangan niya akong
dinukot ang kanyang mga mata. Nang ako'y pumasok na may dalang ilaw,
napagkamalan akong si Padre Irene at tinawag akong kanyang tagapagligtas."
"Wala ngang iniwan sa pamahalaan!"
"Kagabi" ang patuloy ni Basilio na nagbibingi-bingihan, "bumangon siya at
hinihingi ang kanyang sasabunging manok na may tatlong taon nang namatay. Ang
ibinigay ko ay isang imahen. Gayon na lang ang pagpuri niya sa akin at pinangakuan
na bibigyan ng libo-libong piso."
Nang mga sandaling iyon, inihudyat ng orasan ang ikasampu at kalahati ng
gabi.
Nangatal si Simoun at pinigil ang pagsasalita ng binata.
"Basilio" ang bulong niya, "makinig ka sanang mabuti. Mahalaga ang bawat
sandali. Nakita kong hindi mo binubuksan ang mga aklat na ipinadadala ko sa iyo.
Wala kang malasakit sa iyong bayan."
Ibig tumutol ng binata.
"Wala nang kabuluhan," ang tuyot na wika ni Simoun. "Sa loob ng isang oras,
magsisimula na ang himagsikan sa isang hudyat ko. Bukas ay wala nang pag-aaral,
wala nang unibersidad, walang makikita kundi labanan at patayan. Inihanda ko ang
lahat at natitiyak ko ang aking tagumpay. Kapag kami'y nagtagumpay, ang lahat
nang hindi tumulong sa amin bagaman may kayang dumamay ay ituturing naming
kaaway. Basilio, naparito ako upang ihandog sa iyo ang dalawang bagay: ang iyong
kamatayan o ang iyong hinaharap!"
"Ang aking kamatayan o ang aking hinaharap?" ang nagugulumihanang ulit
ng binata.
"Sa panig ng pamahalaan o sa amin" ang patuloy ni Simoun. "Sa piling ng
mga maniniil o sa piling ng iyong bayan. Magpasiya ka. Wala nang panahon.
Naparito ako upang iligtas ka dahil sa mga alaalang bumibigkis sa atin."
"Sa panig ng mga maninil o ng aking bayan," ang ulit ni Basilio sa marahang
tinig.
Litong-lito ang binata. Nakatingin sa mag-aalahas at ang mga mata'y
kakikitaan ng takot. Naramdaman niyang nanlalamig ang mga paa't mga kamay
niya. Isang libo't isang masalimuot na isipin ang gumuhit sa isip niya. Nakikita niyang
umaagos ang dugo sa mga lansangan. Naririnig niya ang putukan. Nakikita niya ang

32
sarili na kasama ng mga patay at sugatan. At palibhasa ay udyok ng kanyang hilig,
nakikita niya ang sarili na nakasuot ng damit na panggagamot na pumuputol ng mga
hita at nag-aalis ng mga bala.
"Nasa kamay ko ang kalooban ng pamahalaan," ang patuloy ni Simoun.
Napagpasiyahan kong gugulin ang kakaunti niyang lakas at salapi sa mga walang
kabuluhang ekspedisyon. Pinapaniwala ko siya sa kapakinabangang matatamo.
Ngayon, nasa dulaan ang mga pinuno na nangalilibang at ang iniisip ay isang gabi
ng aliw. Ngunit wala ni isa man sa kanila na mahihimlay pa ang ulo sa unan. May
sarili akong hukbo at mga taong pinamamahalaan. Pinapaniwala ko ang iba na ibig
ng heneral ang himagsikan at ito'y pakana ng mga prayle. Nabili ko ang iba sa
pamamagitan ng mga pangako ng mapapasukan at ng salapi. Ang lalong marami ay
nagsikilos upang makapaghiganti, sapagkat sila'y inapi. Walang nalalabi sa kanila
kundi mamatay o pumatay. Nasa ibaba si Kabesang Tales at sinamahan ako rito.
Inuulit ko sa iyo. Sasama ka ba sa amin o pipiliin mo pang mapahamak sa kamay ng
aking mga kabig? Sa mga sandaling tulad nito, ang di pagkampi kanino man ay
paglalagay ng sarili sa panganib ng dalawang magkalabang lakas."
Nahaplos ni Basilio nang ilang ulit ang kanyang noo na parang ibig nitong
magising mula sa isang panaginip. Nanlalamig ang kanyang noo.
"Magpasiya ka", ang ulit ni Simoun.
"At ano... ang kailangan kong gawin?" ang tanong ng binata sa basag at
nanghihinang tinig.
"Madali," ang sabi ni Simoun na nagliwanag ang pag-asa sa mukha.
"Sapagkat ako ang namumuno sa buong kilusan, hindi ko mahaharap ang iisang
labanan. Kailangan ako sa lahat. Pamumunuan mo ang isang pangkat. At habang
nakatuon ang kaguluhan sa iba't ibang pook sa siyudad, buksan mo nang sapilitan
ang pinto ng kumbento ng Santa Clara, at kunin mo ang isang tao maliban sa iyo, sa
akin, at kay Kapitan Tiago ay walang nakakikilala. Hindi malalagay sa panganib ang
buhay mo.
"Si Maria Clara!" ang bulalas ni Basilio.
"Oo, si Maria Clara," ang ulit ni Simoun, at sa unang pagkakataon ay naging
malumanay at malungkot ang tinig. "Ibig ko siyang iligtas. Inibig kong mabuhay
upang mailigtas siya. Bumalik ako... ninasa ko ang isang himagsikan, sapagkat
tanging isang himagsikan ang makapagbubukas sa akin ng pinto ng mga
kumbento."
"Ay!" ang buntung-hininga ni Basilio na pinagdaop ang palad. "Nahuli na
kayo."
"At, bakit?" ang napakunot na tanong ni Simoun.
"Patay na si Maria Clara."
Napatindig si Simoun at dinaluhong ang binata.
"Patay na?" ang tanong niya sa nakasisindak na tinig.
"Kasinungalingan!" ang sigaw ni Simoun na namumutla at parang
pinanghihinaan ng loob. "Hindi maaaring magkatotoo iyan! Buhay si Maria Clara.
Kailangang mabuhay siya. Naduduwag ka lang, kaya mo sinasabi iyan. Hindi siya
patay at ngayong gabi, ililigtas ko siya o bukas, ikaw ang mamamatay."
Nagkibit ng balikat si Basilio.
"May ilang araw na siyang may sakit. At pumupunta ako sa kumbento para
makibalita. Heto ang liham ni Padre Salvi na dala ni Padre Irene. Magdamag na
umiyak si Kapitan Tiago. Hinahagkan niya ang larawan ng anak at humihingi ng
tawad dito. Dahil dito lumabis ang paghitit niya ng opyum. Kaninang hapon, tinugtog
ang agunyas para sa kanya."

33
"A!" ang bulalas ni Simoun na hawak-hawak ang ulo at nananatiling di
tumitinag.
"Patay!" ang mahinang bulong na wari'y isang anino ang nagsasalita. "Patay
na! Namatay nang hindi ko man lamang nakita. Namatay nang hindi nalalamang
nabubuhay ako para sa kanya. Namatay nang nagdurusa…."
Sapagkat nararamdaman niya ang isang kahindik-hindik na unos,
nagngangalit na kulog at buhawi kahit wala ni isang patak ng ulan, ang pag- iyak
nang walang salita, ni luha na parang sasabog sa kanyang dibdib, at nagtatangkang
umapaw, na wari'y buga ng bulkang malaong natimpi, mabilis na nilisan ni Simoun
ang silid. Narinig ni Basilio ang pagragasa nitong pagbaba, ang mabibigat niyang
hakbang, ang isang impit na iyak na wari'y nagbababala ng nalalapit na kamatayan.
Matindi at puspos ang pagdadalamhati. Kaya't napatayo ang binata sa kanyang
kinauupuan, namumutla, at nanginginig ngunit narinig niyang palayo na ang mga
yabag at ang pinto ng tarangkahan ay nasarhan nang malakas.
"Kaawa-awang tao," ang bulong ni Basilio. Namuo ang luha sa kanyang mga
mata.
Nakalimutan nito ang pag-aaral. Malayo ang tingin. Iniisip-isip ang kapalaran
ng dalawang taong iyon. Ang isa ay binatang mayaman, may pinag- aralan, malaya,
nakapagpapasiya sa sariling kabuhayan, at may magandang kinabukasan. Ang
dalaga ay kasingganda ng isang pangarap, dalisay, lipos na pananalig, at walang
kamalayan sa lakad ng kamunduhan. Pinalaki siya sa gitna ng pagmamahal, sa mga
pangarap, at pag-asa. Ang lalaki'y itinaboy ng sawing kapalaran na maglagalag sa
buong daigdig. Natangay siya ng ipu-ipong dugo at luha. Naghasik siya ng
kasamaan sa halip na kabutihan. Pinasigla niya ang masasamang bisyo. Habang
ang babae ay naglaho sa mahiwagang klaustro na kanyang pinasukan sa paghanap
ng kapayapaan. Ngunit mga pagtitiis ang natagpuan niya roon. Malinis at walang
bahid dungis nang siya'y pumasok. At namatay siya roon tulad ng isang lagas na
bulaklak.
Humimlay kang mapayapa, kaawa-awang anak ng aking sawimpalad na
Inang Bayan! Ibaon mo sa libingan ang mga pang-akit ng iyong kabataan na nalanta
sa gitna ng kanyang kalusugan. Kapag ang isang bayan ay hindi makapaghahandog
sa kanyang walang dungis na mga babae ng isang payapang tahanan sa ilalim ng
tungkulin ng banal na kalayaan, kapag ang tanging maipamamana ng lalaki sa
kanyang kabiyak ay kahihiyan, luha sa kanyang ina, at pagkaalipin sa kanyang mga
anak, mabuti pa nga ang iyong ginawa na mamalagi sa pagkadalaga upang inisin sa
iyong sinapupunan ang binhi ng darating na salinlahing isinumpa! A, mapalad ka
pagkat di ka na mangingilabot sa iyong libingan kapag narinig mo ang daing ng mga
naghihingalo sa karimlan, ng mga may pakpak, ngunit nangakatanikala, ang mga
sinisikil, dahil sa kawalan ng kalayaan.
Tumungo ka na akbay ng mga pangarap ng makata sa pook ng kawalang
hanggan, anino ng isang babaing nananaog sa isang sinag ng buwan at ibinubulong
ng nahuhutok na kawayanan. Mapalad ang mamatay na tinatangisan, na nag-iiwan
sa puso ng sa kanya'y umiibig nang malinis na gunita, isang banal na alaala na hindi
nadungisan ng kamunduhang nag-uulol sa pagdaraan ng mga taon. Yumao ka't
aalalahanin ka namin! Sa dalisay na hangin ng ating Inang Bayan, sa ilalim ng
kanyang bughaw na langit, sa mga alon ng lawang napapaligiran ng mga sapirong
bundok at esmeraldang baybayin; sa kanyang malilinaw na batisang nalililiman ng
mga punong kawayan, nahihiyasan sa baybayin ng mga bulaklak, at pinasasaya ng
mga tutubi at paruparo na wari'y nanunudyo sa hangin; sa katahimikan ng ating mga
gubat, sa awit ng ating mga batisan, sa makinang na liwanag ng ating buwan, sa

34
mga pagbubuntung hininga ng hangin sa gabi, at sa lanat ng nagpapagunita ng
larawan ng isang inibig, makikita ka naming lagi tulad ng aming pinapangarap,
maganda, nakangiting katulad ng pag-asa, dalisay gaya ng liwanag, ngunit
malungkot at namimighating tinutunghayan ang aming mga kasawian.

Sanggunian: Marasigan, Emily V. Pinagyamang Pluma 10. Quezon City,


Philippines: Phoenix Publishing House, Inc., 2015. (715-721)

Kabanata 26
Mga Paskin

Kinabukasan, maagang-maagang nagising si Basilio. Magtutungo siya sa


ospital. Nakatakda na ang lahat ng kanyang gagawin. Bibisitahin niya ang kanyang
mga pasyente. Pagkatapos, tutungo siya sa unibersidad upang alamin ang ilang
mga bagay tungkol sa kanyang pagtatapos at makikipagkita siya kay Makaraig
tungkol sa mga gugugulin dito. Halos naubos ang natitipon niya sa pagtubos kay Juli
at pagpapatayo ng isang bahay na matitirhan nito at ng kanyang ingkong. Hindi siya
nangahas na lumapit kay Kapitan Tiago. Nangingilag siya na mawika nito na
humihingi siya ng paunang bayad sa mamanahing lagi nang ipinangangako sa
kanya.
Gulong-gulo ang kanyang isip sa mga alalahaning ito, kaya't hindi niya
napansin ang mga pulu-pulutong na mga mag-aaral. Maaga pa ay pabalik na sila
mula sa unibersidad. Hindi rin niya napuna ang pagkabahala sa mukha ng ilan, ang
paanas nilang usapan, ang mahihiwagang hudyatan nila, kaya nang makarating siya
sa ospital ng San Juan de Dios at tanungin ng kanyang mga kaibigan ukol sa isang
pakana, nagitla si Basilio. Naalaala niya ang balak ni Simoun na hindi natuloy dahil
sa mahiwagang nangyari sa mag-aalahas. Sinakmal siya ng takot. Nanginginig ang
tinig na nagtanong at nagkukunwaring walang nalalaman.
"Ang pakana! Anong pakana?"
"Ang natuklasan," ang sabi ng isa, "at tila marami ang nasasangkot."
Gayon na lamang ang pagpipigil ni Basilio sa sarili.
"Maraming nasasangkot?" ang ulit ni Basilio na pinipilit basahin ang
nalalaman sa mukha ng iba. "At sino-sino?"
Minabuti ni Basilio na huwag nang magtatanong. Baka maibunyag pa niya
ang kanyang sarili. Nagdahilan na lang siya na may dadalawing mga pasyente. At
nilisan niya ang umpukang iyon. Isang propesor sa klinika na kaibigan niya ang
nasalubong niya. Makahulugang ipinatong ng propesor ang kamay sa balikat ni
Basilio at marahang nagtanong:
"Nasa piging ka ba kagabi?"
Sa pagkalito ni Basilio sa mga sandaling iyon, ang dinig niya ay noong isang
gabi pa, noong gabing nakipag-usap sa kanya si Simoun. Nagtangka siyang
magpaliwanag.
"Ganito po ang nangyari," ang napapautal na sagot ni Basilio. "Masama ang
lagay ni Kapitan Tiago at saka kailangan kong matapos ang Mata…"
"Mabuti nga at hindi ka pumaroon," ang sabi ng propesor. "Ngunit ikaw ba ay
kasapi sa kapisanan ng mga mag-aaral?"
"Nagbabayad po ako ng butaw."
"Kung gayon, ipinapayo ko sa iyong tumiwalag agad. Punitin at itapon ang
lahat ng papeles na magpapahamak sa iyo."

35
Nagkibit ng balikat si Basilio. Wala siyang papeles kundi mga talang
pangklinika at wala nang iba pa.
"Si Ginoong Simoun ba ay...?"
"Walang kinalaman si Simoun sa nangyari. Salamat sa Diyos!" ang sabi ng
doktor.
"Sinugatan siya ng isang taong di-kilala at ngayon ay nahihiga. Hindi siya.
Ibang kamay ang kumikilos ngunit kakila-kilabot."
Nakahinga si Basilio. Si Simoun lamang ang maaaring makapagsangkot sa
kanya. Ngunit naalaala niya si Kabesang Tales.
"May mga tulisan ba?"
"Wala, mga mag-aaral lamang."
Nagbalik na ang hinahon ni Basilio, kaya naitanong ang "Ano ang nangyari
pagkatapos?"
"Hindi mo ba alam? Nakakuha ng mga pasking masasama."
"Saan?"
"Putris! Sa unibersidad!"
"Wala na kundi iyon?"
"Putris! ano pa ba ang gusto mo?" ang tanong ng propesor na ibig nang
magalit. "Ang pinagbibintangan na siyang may kagagawan ng mga paskin ay mga
mag-aaral na kasapi ng samahan. Mag-ingat ka ngayon!"
Dumarating noon ang propesor sa Patolohia, na mukhang sakristan kaysa
isang medico. Nahalal siya sa tulong ng makapangyarihang biserektor. Hindi na siya
hiningan ng anumang titulo maliban sa katapatan sa korporasyon. Ginawa siyang
tiktik na tagapagsumbong ng mga propesor.
Malamig ang itinugong pagbati ng unang propesor dito. Kumindat siya kay
Basilio at nagwika nang malakas:
"Alam kong mamamatay na si Kapitan Tiago. Dinadalaw na siya ng mga uwak
at buwitre."
At pumasok na siya sa silid ng mga propesor.
Si Basilio ay naglakas-loob na magtanong-tanong ng iba pang bagay. Ang
napag-alaman lamang niya ay ang pagkakatuklas ng mga paskin sa mga pinto ng
unibersidad. Iniutos ng biserektor na alisin ang mga ito at ipadala sa tanggapan ng
pamahalaang-sibil. Ang mga paskin raw ay puno ng pagbabanta ng maraming
pagpatay, pagsalakay, at iba pang pagyayabang.
Maraming mga pala-palagay ang ipinahayag ng mga mag-aaral tungkol dito.
Ang mga balita nila ay nanggaling sa diyanitor na nakibalita naman sa isang utusang
nakasagap sa isang capista (mag-aaral sa unibersidad na katulong ng mga prayle).
Hinuhulaan nila na marami ang matitiwalag sa paaralan huhulihin, at mabibilanggo.
Hinuhulaan din na ang mapapahamak ay pawang mga kasapi ng kapisanan.
Naalaala ni Basilio ang sinabi ni Simoun "Sa araw na kayo'y alisin nila hindi
mo na maipagpapatuloy ang iyong pag-aaral…."
Mayroon kayang nalalaman si Simoun tungkol dito? Makikita nila kung sino
ang magwawagi sa katapusan.
At nang manumbalik ang hinahon ni Basilio, nagpasya siyang tumungo sa
unibersidad upang alamin ang kanyang kalagayan at ang tungkol sa kanyang
pagtatapos. Nagdaan siya sa kalye Legaspi, nagtuloy sa kalye Beaterio, at
pagdating sa kanto ng kalyeng ito at ng kalye Solano, napuna niyang may nangyari
nga. Sa halip na masisigla at maiingay na pulutong ng mag-aaral ang makikita, mga
guardia civil ang naroong nagtataboy sa mga mag-aaral na lumalabas ng
unibersidad. Ang iba'y tahimik at malungkot. Ang iba'y galit na nangatayo sa di-

36
kalayuan sa pook na iyon. Samantala ang iba'y nagsiuwi na sa kani-kanilang bahay.
Ang una niyang nasalubong ay si Sandoval. Kahit anong tawag niya rito ay hindi siya
naririnig. Mukhang nabingi na si Sandoval.
"Ang nagagawa ng takot sa katas ng bituka," ang naisip ni Basilio.
Pagkatapos, nasalubong niya si Tadeo. Masayang-masaya ang kanyang
mukha na parang pasko na. Tila magkakatotoo yata ang walang katapusang
bakasyon.
"Ano ang balita, Tadeo?"
"Walang klase! Isang linggong walang klase!"
At nasisiyahang pinagkiskis ang mga kamay.
"Ngunit ano ba ang nangyari?"
"Ipinabibilanggo tayong mga kasapi ng kapisanan."
"Ikinatutuwa mo pa ba iyon?"
"Walang klase! Walang klase!" at lumakad na papalayo na di-mailarawan ang
kagalakan.
Nakita ni Basilio na dumarating si Juanito Pelaez. Namumutla at kahina-
hinala dahil sa lalong naging ganap ang pagkakuba nito sa pagmamadaling
makatakas. Isa siya sa pinakamasigasig na tagapagtaguyod ng samahan noong
maayos pa ang takbo ng lahat.
"O, ano, Pelaez. Ano ang nangyari?"
"Wala! Wala akong nalalaman. Wala akong kinalaman sa nangyari" ang
parang takot na sagot nito. "Sinabi ko na sa kanila na iyon ay kaululan. Hindi ba
gayon ang sabi ko sa iyo?"
Hindi alam ni Basilio kung sinabi nga iyon ni Pelaez. Ngunit bilang
pagbibigay-loob sa kanya ay sumagot:
"Oo na. Ngunit ano ang nangyayari?"
"Tunay nga, hindi ba? Ikaw ang saksi ko. Huwag mong kalilimutan."
"Oo na, oo. Ngunit ano ang nangyayari?"
"Makinig ka. Ikaw ang aking saksi. Wala akong kinalaman sa mga kasapi ng
kapisanan maliban sa pagpayuhan sila...Huwag mong ipagkaila pagkatapos. Mag-
ingat ka, ha?"
"Hindi, hindi ko ipagkakaila. Ngunit Diyos ko, ano ang nangyari?"
Si Juanito ay lumayo na. Namataan niyang may pulis na papalapit at
natatakot na baka siya hulihin.
Nagtuloy si Basilio sa unibersidad. Tiningnan niya kung bukas kahit na ang
tanggapan ng kalihim at nang makapagtanong ng iba pang balita. Nakapinid ang
tanggapan. Ngunit may di-karaniwang nangyayari sa gusali. Manhik-manaog ang
mga prayle, mga militar, ang iba't ibang ginoo, mga batikang manananggol, at
manggagamot. Naghahandog sila ng tulong kung kinakailangan.
Mula sa malayo, namataan niya ang kanyang kaibigang si Isagani.
Namumutla ang binata, ngunit sagana sa kisig ng kabataan. Kinakausap niya sa
malakas na tinig ang ilang kamag-aral na wari'y hindi alintana kung marinig siya ng
buong daigdig.
"Hindi kapani-paniwala, mga ginoo. Totoong hindi kapani-paniwala na dahil sa
maliit na pangyayari na walang kabagay-bagay ay magkakawatak tayo na parang
mga maya sa harap ng isang panakot-ibon. Ngayon lamang ba nangyaring ang
kabataan ay nabilanggo sa ngalan ng kalayaan? Nasaan ang mga patay? Ang mga
nabaril? Bakit tayo tatalikod sa ating mga paninindigan?"
"Ngunit sinong hangal ang sumulat ng mga paskin?" ang galit na galit na
tanong ng isa.

37
"Ano ang pakialam natin?" ang sagot ni Isagani. "Hindi tayo ang dapat
magsiyasat niyon. Hayaan ninyo sila. Bago alamin kung ano ang nakasulat sa mga
paskin, hindi kailangang magpamalas ng pagpanig sa kanila sa mga sandaling
katulad ngayon. Kung nasaan ang panganib, doon tayo pumaroon. Sapagkat doon
naroon ang karangalan. Kung ang nasasaad sa mga paskin ay kasang-ayon ng
ating mga damdamin at mithiin, sino man ang sumulat, mabuti ang ginawa. Dapat
nating pasalamatan siya at idagdag ang ating mga lagda sa kanya. Kung hindi
naman naaayon sa ating mga layunin ang nilalaman ng mga iyon, ang ating iniuugali
at ang ating budhi ang tututol at magsasanggalang sa atin laban sa ano mang
paratang.
Nang marinig ni Basilio ang gayong pananalita, bagaman kinagigiliwan niya si
Isagani ay tumalikod siya at umalis. Kailangan niyang magtungo sa bahay ni
Makaraig upang kausapin ito tungkol sa hihiramin niyang pera.
Nang malapit na siya sa bahay ng mayamang mag-aaral, napansin niya ang
pagbubulungan at paghuhudyatan ng mga kapitbahay. Dahil sa hindi alam ni Basilio
ang kanilang pinag-uusapan ay palagay ang loob na nagpatuloy sa paglakad.
Pumasok siya sa bahay. Dalawang bantay ang pumigil sa kanya at tinanong kung
ano ang ibig. Huli na nang makuro niyang hindi siya naging maingat.
"Ibig kong makausap ang kaibigan kong si Makaraig," ang malamig niyang
sagot. Nagkatinginan ang mga bantay.
"Maghintay ka rito," ang sabi ng isa. "Hintayin mong bumaba ang kabo."
Napakagat-labi si Basilio. Muling umalingawngaw sa kanyang pandinig ang sinabi ni
Simoun. Huhulihin kaya nila si Makaraig? Ngunit hindi siya nakapangahas na
magtanong.
Hindi naghintay nang matagal si Basilio. Nang sandaling iyon, pababa na si
Makaraig. Masigla siyang nakikipag-usap sa kabo. Pinangungunahan sila ng isang
alguasil.
"Ano, pati ikaw, Basilio?" ang tanong ni Makaraig.
"Narito ako upang kayo'y kausapin."
"Kahanga-hanga!" ang natatawag sabi ni Makaraig. "Sa oras ng kapayapaan,
iniiwasan mo kami…"
Itinanong ng kabo kay Basilio ang kanyang pangalan. At tiningnan ang
kanyang talaan.
"Isang mag-aaral ng medisina? Nakatira sa kalye Anloague?" ang tanong ng
kabo.
Napakagat-labing muli si Basilio.
"Nakatipid kami ng isang lakad," ang sabi ng kabo. Inilagay ang kamay sa
balikat ni Basilio at ang wika'y, "Kayo'y aming dinarakip."
"Ano? Pati ba ako."
Humahalakhak si Makaraig.
"Huwag kang matakot, kaibigan. Lumulan na tayo sa karwahe. Ibabalita ko sa
iyo ang nangyari sa piging kagabi."
Sa pamamagitan ng isang magiliw na kilos, inanyayahan niya ang alguasil at
ang kabo na lumulan sa karwahe.
"Sa tanggapan ng Pamahalaang Sibil!" ang utos ni Makaraig.
Isinalaysay ni Basilio, na noon ay mahinahon na, ang sanhi ng pagdalaw niya
kay Makaraig. Hindi na siya binayaang matapos ng mayamang mag-aral at
kinamayan siya nang mahigpit.

38
"Maaasahan mo ako. Aanyayahan natin ang mga ginoong ito," ang dagdag
niya na tumatango sa kabo at alguasil, "na maging panauhin natin sa iyong
pagtatapos."

Sanggunian: Marasigan, Emily V. Pinagyamang Pluma 10. Quezon City,


Philippines: Phoenix Publishing House, Inc., 2015. (760-765)

Pagyamanin

Gawain A: Punan ng Karunungan


Gamit ang matalinghagang pahayag tukuyin kung alin ang tamang gamitin
upang mabuo ang pangungusap. Kopyahin ang pangungusap sa iyong kuwaderno
at sagutin ito.
A. anino ang nagsasalita B. pag-asa sa mukha C. nangangalit na
kulog
D. marinig siya ng buong daigdig E. umaagos ang dugo
1. Mababakas mo ang ni Simoun noong pumayag si Basilio.
2. Sumigaw siya na di alintana na .
3. sa araw na darating kung saan sasabog ang dinamita.
4. Nakita ni Basilio sa kanyang pangitain na sa pag-aaklas.
5. Mala noong nagsalita si Basilio na wala na si Maria Clara.

Gawain B: Kaalaman sa Nakatagong Kahulugan


Upang higit na mag-isip ang mga mambabasa, gumamit si Rizal ng mga
imahen at matatalinghagang salita. Bigyang kahulugan ito sa tulong ng gabay na
pahayag. Isulat ang pahayag sa iyong kuwaderno at sagutin ito.

1. "Ang nagagawa ng takot sa katas ng bituka," ang naisip ni Basilio.


Kahulugan:
c

Isaisip

Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang tanong sa iyong kuwaderno at
sagutin ito.

39
1. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Simoun, ano kaya ang iyong mararamdaman
o gagawin sa nalamang balita?

2. Sa iyong palagay, ano kaya ang mangyayari sa plano ni Simoun matapos ang
kanilang pag-uusap ni Basilio?

3. Anong damdamin ang nanaig sa iyong puso nang mabihag si Makaraig at


madamay rin si Basilio? Magbahagi.

Isagawa

Bumuo ng isang tula gamit ang matalinghagang salita sa ibaba at


salungguhitan ito. Isulat ang ginawang tula sa iyong kuwaderno.

40
Matalinghagang Salita Kahulugan
luha ng buwaya hindi totoo ang pag-iyak
ahas-bahay hindi mabuting kasambahay
anak-dalita mahirap
kumukulo ang dugo naiinis
mapanglubid ng buhangin sinungaling

Pamantayan sa Paggawa (Kaalaman Ko, Tula Ko)


Mga
5 4 3 2
Pamantayan
Angkop ang May ilang May iilang Walang
mga angkop na angkop na angkop na
elementong mga elementong elementong
Pagkakabuo ginamit sa elementong ginamit sa ginamit sa
pagbuo. ginamit sa pagbuo. pagbuo.
pagbuo.
Mabisang- Mabisang Hindi gaanong Hindi
mabisang naipahayag mabisang mabisang
Nilalaman naipahayag ang mensahe naipahayag naipahayag
ang mensahe ng tula. ang mensahe ang mensahe
ng tula. ng tula. ng tula.
Wasto ang Mayroong ilan Mayroong iilan Marami ang di
gramatikang/ na di wasto sa na di wasto sa wasto sa
Gramatika/ balarilang gramitikang/
gramitikang/ gramitikang/
Balarila ginamit. balarilang
balarilang balarilang
ginamit. ginamit. ginamit.

sagutang papel.

Tayahin

41
Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng matalinghagang pahayag. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. "Patay!" ang mahinang bulong na wari'y isang anino ang nagsasalita.
A. Nag-aalala B. Nagluluksa
C. Natatakot D. Natutuwa
2. Kinakausap niya sa malakas na tinig ang ilang kamag-aral na wari'y hindi
alintana kung marinig siya ng buong daigdig.
A. Mahina ang pandinig ng kausap. B. Mahinahon na nagsalita.
C. Malakas ang kanyang boses. D. Malumanay ang kanyang boses.
3. Nagngangalit na kulog at buhawi kahit wala ni isang patak ng ulan.
A. Nagbabadya ng dahas. B. Nagbabadya ng galit.
C. Nagbabadya ng ulan. D. Nagbabadya ng unos.
4. Nakikita niyang umaagos ang dugo sa mga lansangan.
A. Kulay dugo ang tubig. B. Kulay pula ang lansangan.
C. Marami ang namatay. D. Mayroong ang mag-agaw buhay.
5. "Madali," ang sabi ni Simoun na nagliwanag ang pag-asa sa mukha.
A. Nag-aliwalas ang mukha. B. Nagliwanag ang mukha.
C. Nakadama ng pag-asa. D. Nakakita ng liwanag.
Panuto: Tukuyin kung anong salita o mga salita ang nagpapahayag ng matalinghaga
sa pangungusap.
6. Kinakausap niya sa malakas na tinig ang ilang kamag-aral na wari'y hindi
alintana kung marinig siya ng buong daigdig.
A. Kinausap niya sa malakas B. Malakas na tinig ang ilan
C. Marinig siya ng buong daigdig D. Tinig ang ilang kamag-aral
7. Nakikita niyang umaagos ang dugo sa mga lansangan.
A. Dugo sa mga lansangan B. Mga lansangan
C. Nakikita niyang umaagos D. Umaagos ang dugo
8. Nagngangalit na kulog at buhawi kahit wala ni isang patak ng ulan.
A. Buhawi kahit wala B. Kahit wala ni isang patak
C. Nagngangalit na kulog at buhawi D. Wala ni isang patak ng ulan
9. "Madali," ang sabi ni Simoun na nagliwanag ang pag-asa sa mukha.
A. "Madali," ang sabi ni Simoun B. Nagliwanag ang pag-asa
C. Sabi ni Simoun na nagliwanag D. Simoun na nagliwanag
10. "Patay!" ang mahinang bulong na wari'y isang anino ang nagsasalita.
A. Ang nagsasalita B. Isang anino ang nagsasalita
C. Mahinang bulong D. "Patay!" ang mahinang bulong

Panuto: Tukuyin kung anong damdamin ang nakapaloob sa pahayag.


11. "Bahagya na ang tibok ng puso. Mahinang-mahina ang pulso. Nawalan na
siya ng gana sa pagkain," ang bulong ni Basilio. Malungkot ang kanyang ngiti.
"Pinagpapawisan siyang mabuti sa madaling araw."

42
A. Pag-aalala B. Pagkadismaya
C. Pagkapagod D. Pagmamahal
12. "Gawin mo ang inyong tungkulin, binata," ang laging sabi ni Padre Irene.
A. Pagpapaalala B. Pagsasawalang-bahala
C. Pagsesermon D. Pananabik
13. "Basilio, naparito ako upang ihandog sa iyo ang dalawang bagay: ang iyong
kamatayan o ang iyong hinaharap!"
A. Pagpapaalala B. Pananakit
C. Pananamantala D. Pangigipit
14. "E, ano ba sa akin," ang ulit ni Camaroncocido. "Ano ang mapapala ko kung
balaan ko ang mga tao?"
A. Kawalan ng galang B. Kawalan ng galit
C. Kawalan ng malasakit D. Kawalan ng pangarap
15. "Basilio," ang bulong niya, "makinig ka sanang mabuti. Mahalaga ang bawat
sandali. Nakita kong hindi mo binubuksan ang mga aklat na ipinadadala ko sa
iyo. Wala kang malasakit sa iyong bayan."
A. Pag-aagam-agam na may galit.
B. Pagsesermong puno ng hinanakit.
C. Pagmamadali na may panunumbat.
D. Pagpapaalala nang may pagmamahal.

Napakagaling ng iyong ipinamalas na


kakayahan sa gawaing ito. Kaya alam ko na
handa ka na sa susunod na gawain.
Ipagpatuloy ang iyong kahusayan.
Ngayon ay paunlarin pa natin ang iyong
kaalaman sa Karagdagang Gawain. Ito'y
makikita sa susunod na pahina.
Galingan mo!

Karagdagang Gawain

Gawain: Pangungusap na Nangungusap

43
Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na matalinghagang salita. Isulat
ang pangungusap sa iyong kuwaderno.

Matalinghaga Ginawang Pangungusap


balat-sibuyas
agaw-buhay
nagdidilang anghel
bahag ang buntot
basa ang papel
hawak sa ilong
basag ang pula
itaga sa bato
bukal sa loob
anak-pawis

Napakagaling ng iyong ipinamalas na kakayahan sa araling ito. Kaya alam


ko na handa ka na sa susunod na aralin. Ipagpatuloy ang iyong kahusayan.
Binabati kita dahil napagtagumpayan mo ang ikalawang aralin.
Napakahusay!

Arali Kabanata 31: Ang Mataas na


n Kawani at Kabanata 33:
3 Ang Huling Matuwid

44
Alamin

Ang aralin 3 ay nagpapakita ng mga gampanin ng mga tauhan sa nobela,


mga pagtunton sa pangyayari, tunggalian ng mga tauhan, iba't ibang tagpuan at
kung paano nagwakas ang bawat kabanata.

Sa pagtatapos ng araling ito ikaw ay inaasahang:


✔ Natutukoy ang papel na ginampanan ng mga tauhan sa akda sa
pamamagitan ng:
o pagtunton sa mga pangyayari
o pagtukoy sa mga tunggaliang naganap
o pagtiyak sa tagpuan
o pagtukoy sa wakas
(F10PB-IVb-c-87)

Mga Tala para sa Guro

Ilalahad dito ng guro ang mga ginampanang papel ng mga


tauhan sa nobela ayon sa pagtunton sa mga pangyayari,
tunggaliang naganap, tagpuan at wakas.

Subukin

Panuto: Tukuyin ang tauhang nagpahayag ng pangungusap. Isulat ang sagot sa


sagutang papel.
1. "May nakapagsabi sa akin na ang binatang ito ay isang mag-aaral ng
medisina at pinupuring mabuti ng kanyang guro."
A. Basilio B. Kapitan Heneral

45
C. Mataas na Kawani D. Simoun
2. "Hindi ba ako'y may kapangyarihang magpasiya?"
A. Basilio B. Kapitan Heneral
C. Mataas na Kawani D. Simoun
3. "Ginoong Simoun, ako po'y naging masamang anak, at masama pang
kapatid."
A. Basilio B. Kapitan Heneral
C. Mataas na Kawani D. Simoun
4. "Iniwan ako ng marami, sapagkat nakita nila ako sa aking kawalang pag-asa."
A. Basilio B. Kapitan Heneral
C. Mataas na Kawani D. Simoun
5. "Hindi ko ba magagawa ang naisin ko para sa ikabubuti ng pamahalaan ng
kapuluang ito?"
A. Basilio B. Kapitan Heneral
C. Mataas na Kawani D. Simoun
Panuto: Tukuyin kung saan ang tiyak na tagpuan ng pangyayari.
6. Ang tanging hindi nakalaya ay ang kaawa-awang si Basilio. Pinaratangan pa
siyang nag-iingat ng mga ipinagbabawal na mga aklat.
A. Bilangguan B. Paaralan
C. Palengke D. Plaza
7. Gayon na lamang ang pagtitimpi ng mataas na kawani. Hindi niya pinansin
ang mga pasaring ng heneral at umisip siya ng ibang kaparaanan.
A. Bilangguan B. Paaralan
C. Palengke D. Plaza
8. Si Basilio ang dumating. Kay laki ng kanyang ipinagbago. Kung malaki ang
ipinagbago ni Simoun sa loob ng dalawang buwan, ang sa binatang mag-
aaral ay kagulat-gulat.
A. Tahanan ni Basilio. B. Tahanan ni Isagani.
C. Tahanan ni Kabesang Tales. D. Tahanan ni Simoun.
9. "Hintayin mo ako sa ganap na ikasampu, para sa mga huling tagubilin."
A. Azotea B. Liwasang bayan
C. Paaralan D. Simbahan ng San Sebastian

10. "Sa ganap na ikasiyam, nararapat na malayo, malayong-malayo ka."


A. Bilangguan B. Daang Anloague
C. Tanggapan ng bayan D. Simbahan ng San Sebastian
Panuto: Tukuyin ang pagtunton sa mga pangyayari sa kabanata.
11. Ano ang pormulang "Nitro-glicerina" na ibinulong ni Simoun kay Basilio?
A. Dinamita B. Gamot
C. Inumin D. Lason
12. Ano ang kinuha ni Simoun sa kahon ng mesa at ibinigay kay Basilio?
A. Baril B. Bomba

46
C. Gulok D. Itak
13. Ano ang tungkuling iniatang ni Simoun kay Basilio kapag sumabog na ang
bomba?
A. Dalhin ang mga baril sa bodega ni Quiroga.
B. Itago ang mga baril upang walang ebidensya.
C. Linlangin ang mga guardia civil papuntang kagubatan.
D. Dalhin ang mga tao sa bodega na pinagtataguan ng mga baril.
14. Anong di matiyak na ipinagbabawal na mga aklat ang ipinaratangan na
iniigatan ni Basilio?
A. Medicina Legal y Toxicologia
B. Medicina Illegal y Toxicologia
C. Medicina El Espanya y Legal
D. Medicina El Espanya y Illegal

15. Bakit inalis lang si Padre Carmorra sa bayan ng Tiani?


A. Iyon ang pinag-uutos sa kanya ng prayle.
B. Iyon ang pinag-uutos sa kanya ng Kapitan Heneral.
C. Upang takasan ang kanyang mga kasalanan sa bayan.
D. Upang malipat ng ibang bayan o mamalagi muna sa kumbento.

Balikan

Magbalik-tanaw ka muna sa nakaraang aralin. Kopyahin ang tanong sa iyong


kuwaderno at sagutin ito.
Bakit pinaghuhuli ang mga estudyante sa unibersidad?

Tuklasin

Gawain: Kilala Ko, Idolo Ko


Kilalanin ang ginampanan papel ng iba't ibang sikat na personalidad sa
showbiz sa kanilang sikat na teleserye o telenobela. Kopyahin ang talahanayan sa
iyong kuwaderno at gawin ito

47
Tauhan sa kilalang teleserye Ginampanang Papel
Ang Probinsyano
Coco Martin bilang Cardo Dalisay

Kadenang Ginto
Dimples Romana bilang Daniela
Mondragon

Descendants of the Sun


Dingdong Dantes bilang Lucas Manalo

Anak ni Waray vs. Anak ni Biday


Barbie Forteza bilang Ginalyn
Malatamban

Suriin

Ngayon ay alamin mo ang mga pangyayari sa


kabanata.
Handa ka na bang malaman ito?

Kabanata 31
Ang Mataas na Kawani

48
Ang pahayagan sa Maynila ay abala sa paglalathala ng isang kahindik-hindik
na patayan sa Europa, sa pagpuri at pagbibigay karangalan sa mga predikador sa
lunsod, at sa lalo pangpag-aning tagumpay ng operetang Pranses. Dahil dito, halos
di makuhang maglathala ng tungkol sa pangungulimbat at panggugulo sa lalawigan
ng isang pangkat ng mga tulisang pinamumunuan ng isang kakila-kilabot at
mabangis na pinunong kilala sa taguring Matanglawin. Ngunit kung ang napinsala ay
isang prayle o Kastila, mahahabang lathalaing naglalarawan ng kakila-kilabot na
pangyayari ang lalabas, kaya hihingin nang sapilitan ang pagpapahayag ng
tinatawag na estado de sitio at mabibisang hakbang sa pagsugpo ng kaguluhan.
Hindi nailathala sa mga pahayagan ang nangyari sa bayan ng Tiani. Hindi rin
nagkaroon ng usap-usapan tungkol dito. Nagkaroon ng bulong-bulungan sa piling
umpukan ngunit ang lahat ay walang katiyakan, pawang kaguluhan, paiba-iba kaya
kahit na ang pangalan ng nasawi ay hindi nabatid. At ang mga nagkaroon ng
malaking pagkawili sa pangyayaring ito ay madaling nakalimot sa pag-aakalang
nagkaroon ng pakikipag-ayos sa kamag-anakan ng nasawi. Ang tanging tiyak
lamang ay ang paglisan ni Padre Camorra sa Tiani upang malipat ng ibang bayan o
mamalagi munang pansamantala sa kumbento ng kanilang orden sa Maynila.
"Kaawa-awang Padre Camorra!" ang bulalas ni Ben Zayb na nag-aanyong
may magandang loob. Siya ay isang taong masaya. Siya ay may mabuting
kalooban."
Totoong nakalaya na ang mga mag-aaral. Salamat sa pagsusumikap ng
kanilang mga magulang na hindi inalintana ang magugugol na mga handog at mga
paghihirap. At gaya ng inaasahan, ang unang nakalabas ay si Makaraig at ang huli'y
si Isagani, sapagkat kinailangan ni Padre Florentino ang isang linggo bago
makarating sa Maynila. Dahil sa di mabilang na pinatawad, napabantog ang heneral
sa pagiging matulungin at mahabagin. Dali-dali namang idinagdag ni Ben Zay ang
mga katangiang ito sa talaan ng mga papuri niya sa kanyang kamahalan.
Ang tanging hindi nakalaya ay ang kaawa-awang si Basilio. Pinaratangan pa
siyang nag-iingat ng mga ipinagbabawal na mga aklat. Hindi matiyak kung tinutukoy
ay ang Medicina Legal y Toxicologia ni Dr. Mata o ang ilang polyetong natagpuan sa
kanyang silid na may kinalaman sa Pilipinas o lihim na nagbibili ng mga aklat na
bawal. Nabuhos na lahat sa kulang-palad na si Basilio ang bigat ng katarungan.
Sinasabing may nakapagpayo sa heneral na: "Kinakailangan pang may
maiwang isa sa bilangguan upang mapanatili ang karangalan ng mga namumuno. At
kung hindi, maaaring masabi na gumawa tayo ng katakot-takot na ingay gayong
wala namang anumang nangyari. Kapangyarihan muna bago ang lahat. Kailangang
may maiwan."
"May isang naiwan na ayon kay Padre Irene ay dating utusan ni Kapitan
Tiago. Walang maghahabol sa kanya."
"Isang katulong at isang mag-aaral!" ang bulalas ng kapitan heneral. "Kung
gayon, iyan na ang maiwan."
"Ipagpatawad po ng kanyang kamahalan," ang puna ng mataas na kawaning
nagkataon ay naroon. "May nakapagsabi sa akin na ang binatang ito ay isang mag-
aaral ng medisina at pinupuring mabuti ng kanyang guro. Kung mananatili siya sa
bilangguan, masasayang naman ang isang taon. Ngayon pa naman ang huling taon
niya."
Ang pakikialam ng mataas na kawani para kay Basilio ay nakasama sa halip
na nakabuti. Matagal nang may iringan ang mataas na kawani at ang kanyang
kamahalan - di mabuting pagsasamahan at pagkakaunawaan na pinalala ng mga di

49
kanais-nais na bulong-bulungan. Palibak na ngumiti ang kanyang kamahalan at
sumagot.
"Siya nga ba? Kung gayon, lalong dapat siyang maiwan sa bilangguan. Ang
isa pang taon ng pag-aaral ay di makasasama sa kanya, sa halip ay makabubuti pa
sa kanya at lahat na kanyang mapaglilingkuran. Ang labis na pagsasanay ay hindi
nakapagpapasama sa isang manggagamot. Lalo pa siyang dapat maiwan! At
pagkatapos," ang dagdag ng kanyang kamahalan na pakutyang tumawa, "sasabihin
ng mga di-nasisiyahang repormista na di natin pinangangalagaan ang ating bansa."
Napaghulo ng mataas na kawani ang kanyang pagkakamali. Lalo pa siyang
naging masigasig sa pagmamalasakit kay Basilio.
"Ngunit sa aking palagay ang binatang iyon ang walang kasalanan sa lahat,"
ang maingat na pagtutol ng kawani.
"Nakasama ang mga aklat sa kanya," ang pakli ng kalihim.
"Oo nga, mga aklat ng medisina at mga polyetong sinulat ng mga Kastila, na
ang mga pahina'y hindi pa nagugupit. Ano ang ibig sabihin nito? Bukod dito, ang
binata ay wala sa piging sa pansiterya ng Intsik at hindi nakialam sa kahit anuman.
Gaya ng sabi ko, siya ang walang kasalanan sa lahat."
"Lalong mabuti!" ang masiglang bulalas ng kanyang kamahalan. "Sa ganyang
paraan ang kaparusahan ay magiging makabuluhan. At pagbabala upang katakutan
ng iba. Ganyan ang paraan ng pamamahala, mahal kong kaibigan. Madalas
ipinagpapakasakit ang kabutihan ng isa para sa kabutihan ng nakararami. Ngunit
higit pa riyan ang aking ginagawa. Sa kagalingan ng isa ay natatamo ko ang
kagalingan ng lahat. Napapanatili ko ang nanganganib na batas ng kapangyarihan.
Naitataas at napaparangalan ko ang karangalan ng pamahalaan sa ginagawa kong
ito, naitutuwid ko ang kamalian ng ating mga pinuno at ng iba."
Gayon na lamang ang pagtitimpi ng mataas na kawani. Hindi niya pinansin
ang mga pasaring ng heneral at umisip siya ng ibang kaparaanan.
"Ngunit hindi ba natatakot ang inyong kamahalan na mapagbintangan?"
"Ano ang ikatatakot ko?" ang nayayamot na sabad ng heneral. "Hindi ba ako'y
may kapangyarihang magpasiya? Hindi ko ba magagawa ang naisin ko para sa
ikabubuti ng pamahalaan ng kapuluang ito? Ano ang dapat kong ikatakot? Maaari ba
akong usigin sa hukuman ng isang alila at pananagutin? Hindi maaari! At kahit na
may magagawa siya, kinakailangan niyang magdaan pa muna sa Ministerio at ang
ministro ay...
Napakumpas ito ng kamay at bumulalas ng tawa.
"Ang demonyo lamang ang nakaaalam kung nasaan ngayon ang ministrong
humirang sa akin. Lubha niyang ikararangal ang bumati sa akin kung ako'y bumalik.
Hindi ko iniintindi ang kasalukuyang ministro. Tatangayin din siya ng demonyo. At
ang papalit sa kanya ay magiging abalang-abala naman sa kanyang bagong
tungkulin at hindi magkakaroon ng panahon para sa maliliit na bagay. Ang aking
budhi, ginoo, ang aking tagasubaybay. Gumagawa ako ayon sa iniuutos ng aking
budhi. Malinis ang aking budhi. At hindi ko pinapansin ang sasabihin ng sinuman.
Ang aking budhi, ginoo, ang aking budhi!"
"Tunay nga po, heneral, ngunit ang bayan..."
"Ano ang dapat kong gawin sa bayan? May pananagutan ba ako rito? Utang
ko ba sa bayan ang aking tungkulin? Siya ba ang naghalal sa akin?"
Namayani ang sandaling katahimikan. Ang mataas na kawani ay tumayong
nakayuko. At nang tila nakapagpasiya na ay nagtaas ng ulo, tumitig sa heneral at
namumutla na wari'y nangangatal, at pigil na pigil na nagwika:

50
"Hindi iyan ang mahalaga, heneral, hindi lubhang mahalaga. Ang inyong
kamahalan ay hindi hinirang ng sambayang Pilipino kundi ng Espanya. Ito'y isang
dahilan kung bakit dapat ninyong tingnang mabuti ang mga Pilipino upang huwag
maparatangan ang Espanya. Opo, heneral, lalong dapat pagpakitaan nang mabuti!
Ang inyong kamahalan ay nangako sa inyong pagdating na mamamahala nang may
katarungan, magsisikap para sa ikabubuti..."
"At hindi ba iyan ang ginagawa ko?" ang tanong ng kanyang kamahalan na
lubhang nayayamot na at humakbang pa na palapit sa kausap. "Hindi ba sinabi ko
sa iyo na natatamo ang kagalingan ng lahat sa kagalingan ng isa? Ako ba'y tuturuan
ninyo sa aking tungkulin? Kasalanan ko ba kung hindi ninyo maunawaan ang aking
ginagawa? Pinipilit ko ba kayong makihati sa aking pananagutan?"
"Hindi nga po, ang matigas na sagot ng mataas na kawani." Ang inyong
kamahalan ay hindi namimilit at hindi mapipilit na makibahagi sa kanyang
pananagutan. May sarili akong pagkaunawa sa aking pananagutan at sasabihin ko
ang mga ito. Matagal na panahon din akong nagsawalang-kibo. Ang inyong
kamahalan ay hindi dapat magpamalas ng ganyan, sapagkat hindi dahil sa ako'y
naparito na may hawak ng gayon at ganitong tungkulin ay isusuko ko na ang aking
mga karapatan at magmimistulang alipin na walang tinig, ni karangalan. Ayaw kong
mawala sa Espanya ang magandang lupaing ito, ang mga nasasakop na walong
milyong mamamayang masunurin at matiisin, na nabubuhay sa kanilang pag-asa at
mga kabiguan. Ayaw ko ring dungisan ang aking kamay sa pamamagitan ng di-
makataong pagsasamantala sa kanila. Ayaw kong masabi kailanman, na bagaman
hindi na ginagawa ang pagbibili ng mga alipin, ay patuloy pa rin ang Espanya sa
paggawa nito, na ang panakip ay ang kanyang bandila at pinaunlad pa sa
pamamagitan ng kapisanan. Hindi! Ang Espanya ay hindi kailangang maging
mapanil upang maging dakila! Ang Espanya ay makatatayo nang mag-isa. Lalo pang
dakila ang Espanya noong wala pa itong nasasakop kundi ang sariling lupaing
naagaw nito sa mga Moro. Ako ma'y Kastila rin. Ngunit bago ang pagka-Kastila, ako
ay isang tao at sa ibabaw ng lahat, ang Espanya ay may sariling karangalan,
matatayog na simulain ng kagandahang-asal, at walang kupas na simulain ng
katarungan! Nagulat kayo na ako'y mag-isip nang gayon, sapagkat hindi ninyo
nauunawaan ang kadakilaan ng pangalang Kastila. Hinding-hindi! Iniuugnay ninyo
ito sa mga tao, sa mga pag-aari. Sa ganang inyo, ang Kastila ay maaaring maging
pirata, mamamatay-tao, mapagbalatkayo, taksil, o kahit ano, huwag lamang mawala
ang kanyang pag-aari. Ngunit sa ganang akin, dapat na handang iwaksi ng Kastila
ang lahat, ang nasasakop, kapangyarihan, kayamanan, at sa lahat na, huwag
lamang ang karangalan! Ginoo, nasusuklam tayo kapag ang kapangyarihan ay
nangingibabaw sa katwiran, ngunit sa katotohanan, pinupuri natin ang paggamit ng
kapangyarihang nagbabalatkayong baluktutin ang katwiran upang magtagumpay.
Mahal ko ang Espanya, kaya ako'y nagsasalita ngayon. Hindi ako nababahala kung
magalit kayo. Hindi ko nais na sa hinaharap ay maparatangan. Siyang ina-inahan ng
mga bansa, maninipsip ng dugo ng mga tao, mananakop ng maliliit na pulo! Iyan ay
kakila-kilabot na pagyurak sa mararangal na adhikain ng ating mga unang hari.
Paano tayo makatutupad sa kanilang banal na habilin? Pinangakuan nila ang mga
pulong ito ng pagkalinga at katarungan, ngunit pinaglaruan natin ang kanilang buhay
at kalayaan. Pinangakuan sila ng kabihasnan ngunit pinagkaitan natin sa takot na
baka maghangad ang mga katutubo ng lalong marangal na kalagayan sa buhay.
Pinangakuan sila ng liwanag, ngunit nilagyan natin ng piring ang kanilang mga mata,
upang huwag makita ang ating mga kalaswaan. Pinangakuan silang tuturuan ng
kabaitan, ngunit pinalago natin ang kanilang masasamang hilig. Sa halip na

51
kapayapaan, kaunlaran, at karunungan, namayani ang kaligaligan at pag-
aalinlangan. Ang pangangalakal ay namamatay. Nawawalan ng pananalig ang mga
taong bayan. Lumagay tayo sa kalagayan ng mga Pilipino. Itanong natin sa ating
sarili kung ano ang ating gagawin. A! sa inyong di pag-imik ay nababasa ko ang
kanilang karapatang maghimagsik. Kapag hindi nagbago ang pamamalakad,
maghihimagsik sila balang araw. Ang katarungan ay malalagay sa kanilang panig,
kasama na ang pagsang-ayon ng mga mararangal na tao at ng mga bayani sa
buong daigdig. Kapag ipinagkait sa isang bayan ang liwanag, ang mga tahanan, ang
pag-aaral, kalayaan, katarungan, mga biyayang kung wala ay hindi maaaring
mabuhay, na siyang pamana sa sangkatauhan, ang bayan ay may karapatang
ituring ang sinumang mapagsamantala sa kanila na magnanakaw na humarang sa
daan. Walang ibibigay na pagtatangi o pagkakaiba. Iisa ang kasalanan, ang
kalapastanganan ng mga karapatan. Ang sinumang taong hindi kumampi sa
pinaslang ay kasabwat at dinudungisan ang sariling budhi. Hindi ako isang militar.
Namamatay na ang kaunting apoy na nag-aalab sa aking dugo. Ngunit mamatamisin
kong magkagutay-gutay ang aking katawan, maipagtanggol ko lamang ang
karangalan ng Espanya laban sa mga dayuhang mananakop o laban sa walang
katarungang paggalaw ng kanyang mga lalawigan. Tinitiyak ko sa inyo na papanigan
ko ang mga Pilipino kapag sila'y naaapi, sapagkat pipiliin ko pa ang mamatay para
sa niyuyurakang karapatan ng sangkatauhan, kaysa magtagumpay kapanig ng isang
bansa, na ang hangarin ay ikagagaling lamang ng kanyang sarili, kahit na ang
bansang iyon, ay ang bansang Espanya."
"Alam ba ninyo kung kailan aalis ang susunod na barkong pang-koreo?" ang
malamig na tanong ng kanyang kamahalan pagkatapos makapagsalita ang mataas
na kawani.
Tinitigan lamang siya ng mataas na kawani, iniyuko ang ulo, at tahimik na
lumisan ng palasyo.
Naghihintay na sa kanya ang karwahe sa halamanan.
"Kung balang araw ay nakapagsarili na kayo," ang sabi niya sa Indiong lacay
na nagbukas ng pintuan ng karwahe, "alalahanin ninyo na sa Espanya ay may mga
pusong tumibok nang dahil sa inyo at nagtanggol sa inyong mga karapatan!"
"Saan po, ginoo?" ang tanong ng lacay na hindi siya naunawaang mabuti.
Pagkaraan ng daawang oras, nagharap ng pagbibitiw sa katungkulan ang
mataas na kawani at ipinabatid ang kanyang pagbabalik sa Espanya sa susunod na
pag-alis ng barkong pang-koreo.

Sanggunian: Marasigan, Emily V. Pinagyamang Pluma 10. Quezon City,


Philippines: Phoenix Publishing House, Inc., 2015. (809-814)

Kabanata 33
Ang Huling Matuwid

Sa wakas, dumating din ang pinakahihintay na araw. Hindi na umalis ng


bahay si Simoun nang buong umaga. Siya ay abalang-abala sa pag-aayos ng
kanyang mga armas at mga alahas. Nakatago ang kanyang di-kapani-paniwalang
kayamanan sa isang maletang aserong may balot na lona. Iilan na lamang ang mga
kahitang may lamang mga pulseras at alpiler na nakalabas na tila siyang ibibigay na
regalo. Sa wakas, lilisan na ang kapitan heneral. Lubusan niyang tinanggihang
ipagpatuloy ang kanyang panunungkulan sa takot na mapulaan ng mga tao.
Ipinahihiwatig ng mga mapang-uyam na si Simoun ay hindi mangangahas na

52
maiwang nag-iisa na walang tagatangkilik. Ayaw niyang mahantad ang sarili sa
paghihiganti ng mga sawimpalad na kanyang pinagsamantalahan, lalo na't ang
papalit na heneral ay huwaran ng katapatan at maaaring ipasauli ang kanyang mga
kinita. Ang mga mapamahiing Indio ay naniniwalang si Simoun ay isang demonyong
ayaw humiwalay sa kanyang huli. Ang mga mapag-isip ay makahulugang
nagkindatan at nagwika:
"Hubad na sa mga pananim ang parang. Lilipat na sa ibang dako ang
balang."
Iilan lamang ang ngumiti at hindi umimik.
Kinahapunan, nagbilin si Simoun sa kanyang katulong na kapag dumating
ang isang binatang nagngangalang Basilio ay papasukin kaagad. Pagkaraa'y
nagkulong siya sa kanyang silid na wari'y may mahalagang bagay na dinidili-dili.
Mula nang magkasakit ang mag-aalahas, lalo pang tumigas at pumanglaw ang
kanyang mukha. Lumalim ang guhit sa pagitan ng kanyang dalawang kilay. Tila
nahukot siya. At ang ulo'y hindi na tayong-tayo. Gayon na lamang ang pagkawili sa
pagdidili-dili, kaya hindi niya narinig ang katok sa pintuan.
Nagulat siya nang maulit ito.
"Tuloy." ang tawag niya.
Si Basilio ang dumating. Kay laki ng kanyang ipinagbago. Kung malaki ang
ipinagbago ni Simoun sa loob ng dalawang buwan, ang sa binatang mag-aaral ay
kagulat-gulat. Humpak ang kanyang mga pisngi. Gusot-gusot ang kanyang mga
buhok. Ang dating malulungkot na mga mata ay nagkaroon ng kakaibang kislap.
Masasabing at muling nabuhay sa pagkasindak sa mga bagay na nakita sa kabilang
buhay. Kundi man ang krimen, ang anino nito ang nababakas sa kanyang katauhan.
Namangha at nabagbag si Simoun sa sawimpalad na binata.
Pumasok si Basilio na hindi na nakaalaalang bumati. Nagsalita siya sa tinig
na nakapangingilabot sa mag-aalahas.
"Ginoong Simoun, ako po'y naging masamang anak, at masama pang
kapatid. Nalimot ko ang pagkakapatay sa aking kapatid at paghihirap na dinanas ng
aking sariling ina at pinarusahan ako ng Diyos. Ngayon ay wala nang nalalabi kundi
ang hangad na gantihan ng sama ang sama, ng krimen ang krimen, ng karahasan
ang karahasan!"
Tahimik na nakinig si Simoun.
"May apat na buwan na ang nakaraan nang kausapin ninyo ako tungkol sa
inyong mga balak. Tumanggi akong makianib at nagkamali ako. Tama kayo. Nitong
nakaraang tatlo't kalahating buwan, bago magsimula ang himagsikan, hindi rin ako
nakiisa. Nang mabigo ang kilusan, ang kabayaran sa aking ginawa ay
pagkabilanggo. At utang ko ang aking kalayaan sa inyo. Kayo'y may matuwid noon.
Ngayo'y naparito ako upang humingi ng sandata. Hayaang magsiklab ang
himagsikan. Nahahanda akong maglingkod kasama ng lahat ng mga sawimpalad."
Nawala ang pangungunot ng noo ni Simoun. Nangislap ang kanyang mga
mata na may pag-asa ng tagumpay. Parang natagpuan na niya ang kanyang
hinahanap.
"Oo, may katwiran ako. Totoong may katwiran ako. Ang katotohanan at
katarungan ay nasa panig ko, sapagkat ang ipinagtatanggol ko ay ang kapakanan
ng mga sawimpalad. Salamat, binata, salamat! Pinawi mo ang aking mga pangamba
at pag-aalinlangan."
Napatindig si Simoun. Nagniningning ang kanyang mukha. Ang kasiglahang
naghahari sa kanya, may apat na buwan na ang nakakaraan, noong ipinaliwanag
niya kay Basilio ang kanyang mga balak sa gubat ng kanyang ninuno ay muling

53
nasisinag sa kanyang mukha, katulad ng namumulang dapithapon paglipas ng isang
maulap na araw.
"Nabigo ang kilusan," ang patuloy niya. "Iniwan ako ng marami, sapagkat
nakita nila ako sa aking kawalang pag-asa. Nag-urong-sulong ako nang sumapit ang
lalong mapanganib na sandali. May iniingatan pa ako sa aking puso. Hindi ako ang
may-ari ng lahat ng aking damdamin. Umiibig pa ako. Ngayon, patay na ang lahat sa
aking puso at wala na ang banal na bangkay na kailangan kong igalang sa
pagkakahimlay. Wala nang pag-aalinlangan. Ikaw, isang huwarang binata, ang
kalapating walang masamang hangarin ay nakauunawa ng pangangailangan.
Naparito ka upang gisingin akong kumilos. Nahuli ang pagmumulat mo ng iyong mga
mata. Ikaw at ako'y nagkatulong sana upang maisagawa ang kahanga-hangang
mga balak. Ako na nasa mataas na lipunan ay nagsasabog ng kamatayan sa gitna
ng karingalan at kayamanan, pananaigin ang masasama o pinasama at susugpuin
ang ilan-ilang mabuti. At ikaw na nasa ibaba, kasama ng bayan, ng mga kabataan at
gigisingin ang isang bagong buhay sa gitna ng dugo at luha! Ang ating gawain, sa
halip na maging madugo at marahas ay naging banal, tunay na masining, at ang
tagumpay ay tiyak na naging putong sa ating paghihirap. Ngunit walang
matatalinong tao ang nagbigay ng kanilang tulong. Natagpuan ko na takot na parang
mga babae ang mga may pinag-aralan, makasarili ang mayayaman, at walang
muwang ang mga kabataan. Natagpuan ko lamang sa kabundukan, sa mga
ipinatatapon, at sa mga hamak na mahihirap ang aking mga tauhan. Ngunit walang
kailangan! Kung hindi tayo makalilok ng isang estatwa na makinis at malinis sa lahat
ng mga kasiraan mula sa isang batong magaspang, ang mga susunod sa atin ang
gagawa nito."
Nakikinig si Basilio na di lubusang nauunawaan ang lahat. Hinawakan siya sa
bisig ni Simoun at isinama sa kanyang laboratoryo o pinagtataguan ng mga kimika.
Sa isang mesa ay may isang malaking kahon na yari sa maitim na katad na
tulad ng lalagyan ng mga kasangkapang pilak na panregalo ng mga hari at
milyonaryo. Binuksan iyon ni Simoun. Nalantad sa pulang pelus ang isang ilawang
kakaiba ang hugis. Ang sisidlan ay parang isang granada na kasinlaki ng ulo ng
isang tao, may maliit na bitak, na may maliit na butil sa loob, na kahugis ng mga
malalaking cornalina. Ang balat ay ginto. Kuhang-kuha pati sa mga kulubot ng
bungangkahoy.
Maingat na iniangat ni Simoun ang lampara at hinugot ang mitsa at nalantad
ang loob ng sisidlan. Ang deposito ay yari sa asero na ang kapal ay may dalawang
sentimetro at maaaring maglaman ng higit sa isang litro. Tumingin si Basilio kay
Simoun na nagtatanong. Wala siyang nawawatasan.
Maingat na kinuha ni Simoun ang isang prasko sa isang lalagyan nang hindi
maipaliwanag. Ipinakita niya kay Basilio ang pormulang nakasulat sa ibabaw. "Nitro-
glicerina!" ang bulong ni Basilio na biglang napaurong. "Nitro- glicerina! Dinamita!"
Naisip niya na naliliwanagan na niya ang kakila-kilabot na balak ni Simoun.
"Oo, nitro-glicerina!" ang banayad na ulit ni Simoun na ang ngiti ay malungkot.
Nasisiyahang pinagmasdan niya ang prasko.
Ito'y higit pa sa nitro-glicerina. Ito ang mga luhang naipon, mga sinisikil na
poot, kawalang-katarungan, at mga pang-aapi. Ito ang huling matuwid ng mga
mahihina, lakas laban sa lakas, dahas laban sa dahas! Kanina'y nag-aatubili akong
gamitin ito, ngunit dumating ka at nahikayat mo ako. Ngayong gabi, ilandang at
magkakadurog-durog ang mga mapanganib na mapaniil, ang walang pananagutang
mapaniil na ginagawang kanlungan ang Diyos at pamahalaan. Ang kanilang
pagmamalabis ay hindi napaparusahan, sapagkat walang magtangkang umusig sa

54
kanila. Ngayong gabi, maririnig sa buong Pilipinas ang pagsabog na sa wakas ay
sisira sa bulok na balangkas na pinadali ko ang kasamaan.
Nangilabot si Basilio. Gumalaw ang kanyang mga labi, ngunit walang
namulas na mga salita. Hindi siya makapagsalita. Nanunuyo ang kanyang
lalamunan. Ngayon lamang niya nakita ang mabisang likidong ito na madalas niyang
marinig na dinadalisay sa kadiliman ng mga masasamang taong kalaban ng lipunan.
Nasa harap niya ngayon ito, malinaw at manilaw-nilaw. Maingat na isinalin ito sa
marikit na lamparang hugis-granada. Ang tingin niya kay Simoun ay tila isang genio
ng kuwentong "Isang Libo at Isang Gabi" na nagbuhat sa ilalim ng dagat, lumaki na
parang higante, umabot ang ulo hanggang sa langit lumabas sa kanyang
kinalalagyan at sa munting kibot ng kanyang balikat ay nagpayanig sa buong
siyudad. Ang granadang lampara ay nag-anyong isang malaking daigdig, na ang
bitak sa balot ay ngisi ng demonyo na nilalabasan ng mga apoy at baga. Nasindak si
Basilio. Sa unang pagkakataon sa kanyang buhay, nawala ang kanyang
kahinahunan.
Samantala'y itinuturnilyo ni Simoun ang kakatwang mekanismo. Inilagay, niya
ang tubong kristal at ipinatong ang isang magarang panabing sa ilawan.
Pagkatapos, lumayo siya upang tingnan ang ayos ng lampara. Pakiling-kiling pa ang
kanyang ulo habang minamasdan ang napakagarang anyo nito.
Nakatingin sa kanya si Basilio na ang mata’y nagtatanong at naghihinala.
Kaya't nagpaliwanag si Simoun.
"Magdaraos ng isang malaking piging ngayong gabi. Ilalagay ang lamparang
ito sa gitna ng kiyoskong pagkakainan na ipinasadya ko para sa pagkakataong iyon.
Ang lampara ay magbibigay ng isang maningning na liwanag, kaya hindi na
kinakailangang buksan ang ibang ilaw. Ngunit pagkaraan ng dalawangpung minuto,
ang liwanag ay lalamlam. Kapag itinaas ang mitsa, puputok ang isang kapsulang
fuiminato de mercurio at sasabog ang bomba, kasama ang silid-kainan, na sa
bubong at sahig nito'y itinago ko ang mga sako-sakong pulbura ng baril kaya't
walang makaliligtas."
Naghari ang saglit na katahimikan habang pinag-iisipang mabuti ni Simoun
ang nakatagong bomba. Si Basilio ay halos hindi humihinga.
"Kung gayon, hindi na po kinakailangan ang tulong ko," ang puna ng binata.
"Hindi," ang sagot ni Simoun na nag-iisip. "Ikaw ay may ibang tungkuling
gagampanan. Sa ganap na ikasiyam ng gabi ang bomba ay di sasalang nakaputok
na. Ang pagsabog ay maririnig sa kanugnog na bayan, sa mga bundok, at mga
yungib. Nabigo ang kilusang binalak ko kasama ang mga artilyero sapagkat kulang
sa pamamahala at walang kaugnayan. Sa pagkakataong ito, hindi na mauulit ang
gayon. Kapag narinig ang pagsabog, ang mga kulang-palad at naaapi at mga pinag-
uusig ng batas ay magsisilabas na sandatahan at magtitipon-tipon kasama si
Kabesang Tales sa labas ng bayan ng Santa Mesa upang lusubin ang siyudad. Sa
kabilang dako, ang mga militar ay pinaniwala kong ang heneral ang nagpapakana ng
kunwa'y isang himagsikan upang magkaroon ng dahilan ang kanyang pananatili sa
kanyang tungkulin. Magsisilabas sila sa kani-kanilang kuwartel at handang
paputukan ang sinumang ituro ko. Samantala ang mga tao na lubusang takot na
takot at naniniwala na ipinag-uutos ang pagpatay sa kanila ay mag-aalsa na rin
upang harapin ang kamatayan. Sapagkat wala silang sandata at kaayusan, ikaw at
ang ilan pa ang mamumuno sa kanila. Dalhin mo sila sa bodega ni Quiroga na
pinagtaguan ko ng aking mga baril. Magtatagpo kami ni Kabesang Tales sa siyudad.
Aagawin namin ito habang sinasakop ninyo ang mga tulay sa kanugnog bayan.
Magtipun-tipon kayo upang maging handang tumulong sa amin. Pagpapatayin hindi

55
lamang yaong kasangkot sa pakikipaglaban kundi lahat ng lalaking tumangging
makipaglaban."
"Lahat?" ang paos na tanong ni Basilio.
"Lahat!" ang marahas na ulit ni Simoun. "Lahat, mga Indio, Mestiso, Intsik,
Kastila. Lahat na walang lakas ng loob at matibay na pananalig. Kailangang
mapalitan ng bagong dugo ang lipi. Ang mga duwag ay magbubunga lamang ng
mga alipin. Hindi makabuluhan ang magwasak, kung bubuo rin lang mula sa mga
bulok na kagamitan. Bakit? Nangingilabot ka? Nanginginig ka at natatakot na
pumatay? Ano ang kamatayan? Ano ang kabuluhan ng kamatayan ng dalawampung
libong mga kahabag-habag na sawimpalad? Dalawampung ibong kasawian ang
mababawas at angaw-angaw ang maililigtas mula sa kahirapan. Ang pinakakiming
pinuno ay hindi nag-aatubiling magtakda ng batas na lilikha ng kasawian at unti
unting paghihirap ng libo-libong nasasakupan niya na maaaring dati'y maririwasa,
masisipag, at maliligaya upang mabigyang kasiyahan ang kapritso, kagustuhan,
karangyaan. O, nangingilabot ka, sapagkat magwawakas sa isang gabi ang
paghihirap ng napakaraming alipin, sapagkat mamamatay ang isang bayang lumpo
at nahilig sa masama upang magbigay-daan sa isang bago, bata, masigasig, at
puno ng lakas! Ano ang kamatayan? Ang kawalan o isang panaginip! Maipapantay
ba ang mga panagimpang ito sa mga paghihirap na tiniis ng isang abang salin ng
lahi? Kailangang lipulin ang kasamaan, patayin ang dragon at ipaligo ang kanyang
dugo sa bagong bayan upang maging matatag at di-magagahis! Ano pa ang di-
nababagong batas ng kalikasan, ang batas ng pakikibaka, na ang walang
kakayahan ay dapat mamatay upang huwag mabuhay ang masamang lipi at
mabago ang paglikha? Iwaksi ang mga alalahaning nararapat lamang sa mga
babae. Hayaang maisakatuparan ang walang kupas na mga batas. Makipagtulungan
tayo. At ang yamang lupa ay lalong tumataba kapag nadidilig ng dugo, at ang
pamahalaan ay nagiging matatag kapag nasasalalay sa mga krimen at pagpatay,
hindi tayo dapat mag-atubili, hindi dapat mag-alinlangan! Ano ang sakit ng
kamatayan? Sandaling pagkabalisa, na di mawari marahil, o kaya’y higit na kasiya-
siya gaya ng pagtulog mula sa mahabang paglalamay. Ano ang mawawasak?
Kasamaan, pagtitiis, at masasamang damo upang palitan ng malulusog na butil.
Matatawag mo ba itong pagwawasak? Matatawag ko itong paglikha, paggawa,
pagbibigay ng kabuluhan, pagbibigay ng buhay!"
Ang walang habag na pagmamatuwid na ito na inilahad nang buong
pananalig ay nakapagpasindak kay Basilio. Ang mahigit na tatlong buwang
pagkakabilanggo ay nakapagpahina sa kanyang pag-iisip at bumulag sa kanya dahil
sa pagkauhaw na makapaghiganti. Hindi siya nahahandang magsuri ng kaligaligang
pinagbabatayan ng mga bagay-bagay. Naitugon niya na sana ang pinakamasama o
pinakaduwag na tao ay nakahihigit pa rin sa halimaw. May kaluluwa at pag-iisp siya,
na gaano mang kasama o kalupit, ay maililigtas pa rin. Walang tao ang may
karapatang mapasiyang kumitil ng buhay ng sinuman sa kapakinabangan ng kahit
sino. Ang karapatang mabuhay ay bahagi ng katauhan ng bawat tao, gaya ng
karapatan sa kalayaan at kaliwanagan. Kung isang pagkakamali sa panig ng
pamahalaan na parusahan ang pagkakasala o krimen ng isang salarin, na sila na rin
ang may kagagawan dahil sa kanilang kapabayaan at kahangalan, higit na isang
pagkakamali para sa isang tao, gaano mang kalaki ang kasawiang dinanas niya, na
parusahan ang kaawa-awang buong bayan dahil sa pagkukulang ng kanilang
pamahalaan at ng kanilang mga ninuno. Ang Diyos lamang ang tanging
makagagawa nito. Ang Diyos ang makapagwawasak, sapagkat siya ang nakalilikha.
Ang Diyos ang may hawak ng gantimpala, ng walang katapusan, at ng kinabukasan

56
upang mabigyang katwiran ang kanyang gawa. Ang tao ay walang karapatan
magpakailanman. Sa halip na mangatwiran ng ganito si Basilio, nakapagbitiw
lamang siya ng pangkaraniwang puna.
"Ano ang sasabihin ng daigdig sa ganoong pagpatay?"
"Papupurihan ito ng daigdig. Gaya ng dati, laging kinikilala ang karapatan ng
malalakas, ng pinakamalupit," ang sagot ni Simoun na may ngiting nang-uuyam.
"Ang Europa ay pumapalakpak nang ang mga bansa sa Kanluran ay pumatay ng
angaw-angaw na Indio ng Amerika, ngunit hindi upang makapagtatag ng bansang
may mabuting kaasalan at mapayapa. Nariyan ang Hilagang Amerika, na makasarili
ang kalayaang taglay nito, may batas ni Lynch at mga pandaraya sa politika. Nariyan
ang Timog Amerika na may maligalig na republika, may mga mararahas na pag
aalsa, mga giyera sibil, at paghahari ng militar katulad ng kanilang Inang Espanya.
Pumalakpak ang Europa nang hubdan ng Portugal ang Moluccas. Pumalakpak ang
Europa nang wasakin ng makapangyarihang Inglatera ang mga matatandang lipi sa
Pasipiko upang mabigyan ng tirahan ang mga nandayuhan sa kanila. At
papalakpakan din tayo ng Europa tulad ng pagpalakpak pagkatapos ng isang dula
kahit ito ay isang trahedya. Hindi lubhang pinapansin ng mga karaniwang tao ang
sanhi. Tinitingnan lamang nila ang kaanyuan. Gawing maayos ang kabuktutan.
Hahangaan ito at magkakaroon ng higit na tagapagtaguyod kaysa sa mga
mabubuting gawaing isinasagawa nang may pagpapakumbaba at mabanayad."
"Sang-ayon po ako" ang sagot ni Basilio. "Ano ang halaga sa akin kung
pumalakpak o tumuligsa ang daigdig? Ang daigdig na iyon na walang pagtingin
mahihirap, at mga mahihina? Bakit ko pagmamalasakitan ang lipunang walang
pagmamalasakit sa akin?"
"Iyan ang ibig kong marinig sa iyo," ang matagumpay na wika ni Simoun.
Kinuha niya ang isang rebolber sa kahon ng mesa at ibinigay kay Basilio.
"Hintayin mo ako sa ganap na ikasampu, sa harap ng Simbahan ng San
Sebastian para sa mga huling tagubilin. A! sa ganap na ikasiyam, nararapat na
malayo, malayong-malayo ka na sa Daang Anloague!"
Siniyasat ni Basilio ang baril. Nilagyan ito ng punlo at itinago sa loob ng
kanyang tsaketa.
"Sa muling pagkikita!" ang pamamaalam ni Basilio at mabilis siyang umalis.

Sanggunian: Marasigan, Emily V. Pinagyamang Pluma 10. Quezon City,


Philippines: Phoenix Publishing House, Inc., 2015. (834-841)

Pagyamanin

Gawain A: Malaman ang Tunggalian


Tukuyin ang tunggaliang naganap sa sumusunod na mga pangyayari. Isulat
ang sagot sa iyong kuwaderno.

A. Tauhan laban sa Tauhan B. Tauhan laban sa Sarili


C. Tauhan laban sa Lipunan D Tauhan laban sa Kalikasan
.

57
1. Nagtimpi sa galit ang Mataas na Kawani laban sa Kapitan Heneral.
2. Nadamay lamang si Basilio kaya siya na kulong.
3. Maraming kalalakihan ang di tumulong sa kilusan.
4. Nag-alab ang damdamin ni Basilio na makapaghiganti.
5. Ang mga mapamahiing Indio ay naniniwalang si Simoun isang demonyo.

Gawain B: Si Basilio sa Kabanatang Ito?


Ilahad ang mga pangyayari sa buhay ni Basilio sa kabanata 31 "Ang Mataas
na Kawani". Gamit ang kaganapan na ibinigay sa ibaba bilang gabay sa pagtukoy ng
mga pangyayari sa kabanata.
Gamit ang ladder organizer ay ilapat ang mga ito rito upang mailarawan mo
ang buhay ni Basilio at mahulaan mo sa huli ang mangyayari sa kanyang buhay.
Kopyahin ang ladder organizer sa iyong kuwaderno at gawin ito.

WAKAS Si Basilio at Kapitan Heneral

GITNA Ang Mataas na Kawani at Kapitan Heneral.

Ang Mataas Kawani kay Basilio.

UNA Si Basilio sa bilangguan.

Makaraig at Isagani.

58
Isaisip

Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang tanong sa iyong


kuwaderno at sagutin ito.

1. Bakit kaya naging matapang na ang kawani sa pakikipagtuos sa heneral tungkol


sa kanyang mali o balikong paraan ng pamumuno?

2. Anong katangian ng Mataas na Kawani ang lumutang sa nobelang ito?

3. Bakit nais ni Simoun na paslangin hindi lamang yaong kasangkot sa


pakikipaglaban kundi ang lahat ng lalaking tumangging makipaglaban?

59
Isagawa

Sumulat ng isang maikling kuwento na nagpapakita ng tunggalian kagaya sa


tinalakay na kabanata. Isulat ang ginawang maikling kuwento sa iyong kuwaderno.
Pamantayan sa Paggawa (Matuto sa Maikling Kuwento)
Mga
5 4 3 2
Pamantayan
Wasto ang mga May ilang May iilang Walang wastong
elementong wastong mga wastong mga mga elementong
Pagkakabuo ginamit sa elementong elementong ginamit sa
pagbuo. ginamit sa ginamit sa pagbuo.
pagbuo. pagbuo.
Angkop na Angkop ang Hindi gaanong Hindi angkop
angkop ang mga mga angkop ang ang mga
Kaangkupan pangyayari sa pangyayari sa mga pangyayari sa
sa Paksa paksa. paksa. pangyayari sa paksa.
paksa.

Wasto ang Mayroong ilan Mayroong iilan Marami ang di


gramatikang/ na di wasto sa na di wasto sa wasto sa
Gramatika/ balarilang gramitikang/ gramitikang/ gramitikang/
Balarila ginamit. balarilang balarilang balarilang
ginamit. ginamit. ginamit.

60
Tayahin

Panuto: Tukuyin kung saan ang tiyak na tagpuan ng pangyayari. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Ang tanging hindi nakalaya ay ang kaawa-awang si Basilio. Pinaratangan pa
siyang nag-iingat ng mga ipinagbabawal na mga aklat.
A. Bilangguan B. Paaralan
C. Palengke D. Plaza
2. Gayon na lamang ang pagtitimpi ng mataas na kawani. Hindi niya pinansin
ang mga pasaring ng heneral at umisip siya ng ibang kaparaanan.
A. Bilangguan B. Paaralan
C. Palengke D. Plaza
3. Si Basilio ang dumating. Kay laki ng kanyang ipinagbago. Kung malaki ang
ipinagbago ni Simoun sa loob ng dalawang buwan, ang sa binatang mag-
aaral ay kagulat-gulat.
A. Tahanan ni Basilio. B. Tahanan ni Isagani.
C. Tahanan ni Kabesang Tales. D. Tahanan ni Simoun.
4. "Hintayin mo ako sa ganap na ikasampu", para sa mga huling tagubilin.
A. Azotea B. Liwasang bayan
C. Paaralan D. Simbahan ng San Sebastian
5. "Sa ganap na ikasiyam, nararapat na malayo, malayong-malayo ka."
A. Bilangguan B. Daang Anloague
C. Tanggapan ng bayan D. Simbahan ng San Sebastian
Panuto: Tukuyin ang tauhang nagpahayag ng pangungusap.
6. "May nakapagsabi sa akin na ang binatang ito ay isang mag-aaral ng
medisina at pinupuring mabuti ng kanyang guro."
A. Basilio B. Kapitan Heneral
C. Mataas na Kawani D. Simoun
7. "Hindi ba ako'y may kapangyarihang magpasiya?"
A. Basilio B. Kapitan Heneral
C. Mataas na Kawani D. Simoun
8. "Ginoong Simoun, ako po'y naging masamang anak, at masama pang
kapatid."
A. Basilio B. Kapitan Heneral
C. Mataas na Kawani D. Simoun
9. "Iniwan ako ng marami, sapagkat nakita nila ako sa aking kawalang pag-asa."
A. Basilio B. Kapitan Heneral
C. Mataas na Kawani D. Simoun

61
10. "Hindi ko ba magagawa ang naisin ko para sa ikabubuti ng pamahalaan ng
kapuluang ito?"
A. Basilio B. Kapitan Heneral
C. Mataas na Kawani D. Simoun
Panuto: Tukuyin ang pagtunton sa mga pangyayari sa kabanata.
11. Ano ang pormulang "Nitro-glicerina" na ibinulong ni Simoun kay Basilio?
A. Dinamita B. Gamot
C. Inumin D. Lason
12. Ano ang kinuha ni Simoun sa kahon ng mesa at ibnigay kay Basilio?
A. Baril B. Bomba
C. Gulok D. Itak
13. Anong di matiyak na ipinagbabawal na mga aklat ang ipinaratangan na
iniigatan ni Basilio?
A. Medicina Legal y Toxicologia
B. Medicina Illegal y Toxicologia
C. Medicina El Espanya y Legal
D. Medicina El Espanya y Illegal

14. Ano ang tungkuling iniatang ni Simoun kay Basilio kapag sumabog na ang
bomba?
A. Dalhin ang mga baril sa bodega ni Quiroga.
B. Itago ang mga baril upang walang ebidensya.
C. Linlangin ang mga guardia civil papuntang kagubatan.
D. Dalhin ang mga tao sa bodega na pinagtataguan ng mga baril.

15. Bakit inalis lang si Padre Carmorra sa bayan ng Tiani?


A. Iyon ang pinag-uutos sa kanya ng prayle.
B. Iyon ang pinag-uutos sa kanya ng Kapitan Heneral.
C. Upang takasan ang kanyang mga kasalanan sa bayan.
D. Upang malipat ng ibang bayan o mamalagi muna sa kumbento.

Napakagaling ng iyong ipinamalas na


kakayahan sa gawaing ito. Kaya alam ko na
handa ka na sa susunod na gawain.
Ipagpatuloy ang iyong kahusayan.
Ngayon ay pagyamanin pa natin ang iyong
kaalaman. Ito'y makikita sa susunod na pahina.
Galingan mo!

62
Karagdagang Gawain

Gawain: Puno ng Kaalaman


Tuntunin ang iba't ibang mga pangyayari na naganap sa buhay ni Basilio sa
tinalakay na mga kabanata. Kopyahin ang dayagram sa iyong kuwaderno at gawin
ito.

Pangyayari sa buhay ni
Basilio

Napakagaling ng iyong ipinamalas na kakayahan sa araling


ito. Kaya alam ko na handa ka na sa susunod na aralin.
Ipagpatuloy ang iyong kahusayan.
Binabati kita dahil napagtagumpayan mo ang ikatlong aralin.
Napakahusay!

63
Arali
n Kabanata 34: Ang Kasal
4

Alamin

Ang aralin 4 ay nagpapakita ng mga gampanin ng mga tauhan sa nobela,


mga pagtunton sa pangyayari, tunggalian ng mga tauhan, iba't ibang tagpuan at
kung paano nagwakas ang bawat kabanata.

Sa pagtatapos ng araling ito ikaw ay inaasahang:

✔ Natutukoy ang papel na ginampanan ng mga tauhan sa akda sa


pamamagitan ng:
o pagtunton sa mga pangyayari
o pagtukoy sa mga tunggaliang naganap
o pagtiyak sa tagpuan
o pagtukoy sa wakas
(F10PB-IVb-c-87)

Mga Tala para sa Guro

Ilalahad dito ng guro ang mga ginampanang papel ng mga


tauhan sa nobela ayon sa pagtunton sa mga pangyayari,
tunggaliang naganap, tagpuan at wakas.

64
Subukin

Panuto: Tukuyin ang tauhang pinapahayag o nagpahayag ng pangungusap. Isulat


ang sagot sa sagutang papel.
1. "Dumating na si Psyche at Kupido sa bundok ng Olimpo!"
A. Basilio B. Ben Zayb
C. Don Timoteo D. Isagani
2. "Kung gayo'y matupad nawa ang itinadhana."
A. Basilio B. Ben Zayb
C. Don Timoteo D. Isagani
3. "Halika na, Isagani! Lumayo tayo sa bahay na iyon. Halika na!"
A. Basilio B. Ben Zayb
C. Don Timoteo D. Isagani
4. "Nakarurumi sa mga dingding!"
A. Basilio B. Ben Zayb
C. Don Timoteo D. Isagani
5. "Ibig kong manatili rito. Ibig ko siyang makita sa huling pagkakataon. Bukas
ay iba na siya!"
A. Basilio B. Ben Zayb
C. Don Timoteo D. Isagani
6. Punong-abala sa gagawing piging.
A. Basilio B. Ben Zayb
C. Don Timoteo D. Isagani
7. Lumagay sa tahimik ng araw na iyon.
A. Basilio at Juli B. Juanito at Juanita
C. Juanito at Paulita D. Isagani at Paulita
Panuto: Tukuyin kung saan ang tiyak na tagpuan ng pangyayari.
8. Ang malaking sala na pinaluwang pang lalo ng mga naglalakihang salaming
nagpaparami sa ilaw ng aranya, ay naglatagan ng alpombra na tulad ng mga
salon sa Europa.

65
A. Dating bahay ni Basilio. B. Dating bahay ni Don Timoteo.
C. Dating bahay ni Kapitan Tiago. D. Dating bahay ni Simoun.
9. Saan patungo ang mahabang hanay ng mga sasakyang dumaraan sa
karapan ni Basilio. Lulan ng mga ito ang mga dalaga't binata na masayang
nag-uusap.
A. Daang Anloague B. Daang del Rosario
C. Daang Escolta D. Daang Libo
10. Magiging tagpuan ng madugong pangyayari.
A. Daang Anloague B. Daang del Rosario
C. Daang Escolta D. Daang Libo
Panuto: Tukuyin ang angkop na hinuha para sa sumusunod na mga pangyayari.
11. Nagtungo si Basilio sa dating tinirhan nang makalaya at nakita niya itong
ayos na ayos na napakaganda.
A. Nakita ni Basilio na wala na siyang gamit.
B. Naalala ni Basilio ang masasayang sandali.
C. Nagugutom si Basilio at nais niyang kumain.
D. Nalaman ni Basilo na may mahalagang pagtitipon.
12. Nakaramdam ng matinding kasiyahan si Basilio nang sumagi sa kanyang
isipan ang mangyayari sa piging hanggang mapahalakhak pa ito.
A. Nababaliw na sa gutom at pagod si Basilio.
B. Nasisiyahan ni Basilio sa mga sandaling iyon.
C. Naliligayahan si Basilio para sa ikakasal na nag-iibigan.
D. Nadama niyang magbabayad ang may pakana ng kanyang kasawian.
13. Naalala ni Basilio si Isagani kung dapat niyang sabihan ang kaibigan hinggil
sa madugong balak ni Simoun subalit naisip din niyang di siya sasali sa
patayan dahil iba ang karanasan niya sa kanya.
A. Magaganda ang karanasan ni Isagan sa buhay.
B. Ayaw niyang madamay ang kanyang kaibigang.
C. Gustong isama ni Basilio sa kilusan ang kaibigang.
D. Batid niyang tatanggi si Isagani kung isasali niya sa kilusan.
14. Pinalitan ni Don Timoteo ang mga inukit na antigong palamuti at mga santo
ni Kapitan Tiago sa tahanan nito.
A. Ayaw ni Don Timoteo ng gawang Pilipino.
B. Mas gusto niya ang gawa ng mga Pilipino.
C. Mataas ang panlasa ni Don Timoteo sa mga palamuti.
D. Galit siya kay Kapitan Tiago kaya ayaw niyang makita ito.
15. Pinakamasarap at pinakamahal ang mga pagkain at inuming inihanda sa
isang espesyal na lugar ng kasalan.
A. May bayad ang pinaka-espesyal na lugar.
B. Maseselan ang mga panauhin sa pagkain at inumin.
C. Matataas at kilalang panauhin ang uupo at magsasalo-salo.
D. Mayaman ang naghanda dahil nakapili siya ng pinakamasarap.

66
Balikan

Magbalik-tanaw ka muna sa nakaraang aralin. Kopyahin ang tanong sa iyong


kuwaderno at sagutin ito.
Bakit nagpasya si Basilio na umanib sa kilusan o makiisa sa pagsasagawa ng
himagsikan?

Tuklasin

Basahin at unawain ang kuwento. Kopyahin ang talahanayan sa iyong


kuwaderno at gawin ito.

Inutang na Kasal
ni Arrold Jay P. Montemayor

Sina Paula at Juancho ay magkasintahan ngunit sa di inaasahang


pagkakataon ay hindi sila nagkatuluyan. Si David ang naging kabiyak ni Paula.
Noong malapit na silang ikasal, gusto ng ama ni David na si Don Noel na
magkaroon ng magarbong handaan, kaya nangutang siya ng napakalaking halaga sa
kanyang mayamang kaibigan. Ginawa niya ito dahil mula sa mayamang angkan ang
mapapangasawa ng kanyang anak. Sa araw ng kasal imbitado ang lahat ng tao sa
bayan lalong-lalo na ang mayayamang pamilya. Namangha ang lahat ng bisita sa
ganda ng piging. Ang pinagdausan ng piging ay dating lumang bahay na inayos at
pinagkagastusan para lamang sa kasal.
Masayang-masaya ang lahat sa nag-uumapaw na handa ngunit hindi maipinta
sa mukha ni Don Noel ang pag-aalala kung papaano niya mababayaran ang
pagkakautang.

Naibigan mo ba ang kuwentong ginawa


ko para sa iyo?
Kung gayon, pag-isipan ang gawaing ito.

67
Kilalanin ang mga tauhan.

Tukuyin ang tuntunin ang mga pangyayari sa binasang kuwento.

Tukuyin ang tunggaliang naganap.

Tiyakin ang tagpuan ng kuwento.

Isipin kung ano ang magiging wakas.

Aral ng buhay na mapupulot sa kuwento.

Kulturang makikita sa kuwento.

68
Napakahusay ng iyong ipinakitang
kakayahan.
Binabati kita!
Ngayon, paghusayan mo pang lalo ang
susunod na gawain.

Suriin

Ngayon ay alamin mo ang mga pangyayari sa


kabanata.
Handa ka na bang malaman ito?

Kabanata 34
Ang Kasal

69
Nasa daan si Basilio, nag-iisip siya kung ano ang maaari niyang gawin bago
sumapit ang itinakdang sandali ni Simoun. Ikapito pa lamang ng gabi. Bakasyon
noon, kaya't nakauwi na ang mga mag-aaral sa kani-kanilang lalawigan. Tanging si
Isagani ang hindi umuwi sa kanyang lalawigan, ngunit hindi matagpuan nang
umagang iyon. Walang nakaalam kung saan siya naparoon. Ito ang sinabi kay
Basilio nang makalaya mula sa bilangguan at dalawin ang kaibigan upang makituloy.
Hindi malaman ni Basilio kung saan siya tutungo. Wala siyang kuwalta o kahit
anuman maliban sa rebolber. Ang lampara ang gumigiit sa kanyang guniguni. Sa
loob ng dalawang oras, magaganap ang isang malaking kapahamakan. At kung
naiisip niya iyon, parang nakikita niya ang mga taong nagdaraan na pugot ang mga
ulo. Nakaramdam siya ng matinding kasiyahan. Bagama't nagugutom, magiging
kakila-kilabot siya sa gabing iyon. Mula sa pagiging hamak na mag-aaral at katulong,
magigisnan niya ang araw sa ayos na kakila-kilabot at kahindik-hindik sa bunton ng
mga bangkay at nag-uutos sa lahat ng lulan ng kanilang magagarang sasakyan. Di
niya mapigilang humalakhak at sinalat ang puluhan ng rebolber. Nasa kanyang
bulsa ang mga kaha ng punlo.
Nag-isip si Basilio kung saan magsisimula ang dula. Dahil sa kabiglaan, hindi
na niya naitanong kay Simoun. Ngunit nagbabala si Simoun sa kanya na lumayo
siya sa daang Anloague.
Iyon ang nagpahiwatig sa kanya ng katotohanan. Pagkagaling niya sa
bilangguan nang hapong iyon, nagsadya siya sa dating bahay ni Kapitan Tiago
upang kunin ang ilang kagamitan niya. Nakita niya na ayos na ayos na ang bahay.
Inihanda ito upang pagdausan ng isang piging, ang kasal ni Juanito Pelaez. At may
nabanggit si Simoun na isang piging.
Isang mahabang hanay ng mga sasakyan ang dumaraan sa kanyang
harapan. Lulan ng mga ito ang mga dalaga't binata na masayang nag-uusap. Tila
namataan niya ang malalaking pumpon ng mga bulaklak, ngunit hindi niya pinansin
ang mga ito. Patungo ang mga sasakyan sa daang del Rosario. Dahan-dahan ang
mga ito at pahinto-hinto dahil sa trapiko sa tulay ng Espanya. Sa isang sasakyan,
nakita niya si Juanito na katabi ng isang babaing nakasuot ng puti at manipis na
belo. Nakilala niya si Paulita Gomez. Siya nga ang nakasuot ng pangkasal at parang
galing sa simbahan na kasama si Juanito Pelaez.
Nagunita niya ang kaawa-awang Isagani, ang kanyang kaibigan na marangal
at mapagbigay at ano ang maaaring nangyari sa kanya? Naitanong niya sa sarili na
hindi kaya mabuting malaman niya ang balak ni Simoun. Ngunit hindi lalahok sa
gayong patayan si Isagani. Ang nangyari sa kanya ay hindi dinanas ni Isagani.
Malungkot niyang naisip na kung hindi siya nabilanggo, marahil isa siya sa
ikakasal o isang may asawa na, isang manggagamot na naglilingkod sa mga
maysakit sa isang sulok ng kanilang lalawigan. Ang larawan ni Juli na nagkalasog-
lasog sa pagkahulog ay sumagi sa kanyang isip. Nasinag sa kanyang mata ang
matinding poot. At muli niyang sinalat ang puluhan ng rebolber na di-mapalagay sa
paghihintay sa kakila-kilabot na oras. Pagkatapos, nakita niyang lumabas ng
kanyang bahay si Simoun na dala ang kahon ng lampara, na buong ingat na
nababalutan. Sumakay siya sa kanyang sasakyan at sumunod sa bagong kasal.
Ayaw ni Basilio na mawaglit sa kanyang paningin ang sasakyan ni Simoun. Kinilala
niya ang kutsero. Di niya akalaing makita ang sawimpalad na si Sinong, ang
kutserong naghatid sa kanya sa San Diego at binugbog ng guardia civil. At
pagkatapos ay bumisita sa kanya sa bilangguan upang balitaan siya ng lahat ng
pangyayari sa Tiani.

70
Nang mapaghulo niya na ang Daang Anloague ang magiging tagpuan ng
madulang pangyayari, nagmamadaling tumungo roon si Basilio at naunahan pa ang
mababagal na sasakyan. At tama siya. Ang lahat ay patungo sa dating bahay ni
Kapitan Tiago. Magkakatipon-tipon sila roon dahilan sa isang piging na
magwawakas sa isang sayawan sa himpapawid! Napatawa si Basilio sa sarili nang
makita ang mga nagbabantay na mga guardia civil. Dahil sa dami ng mga tao,
mahuhulaan ang kahalagahan ng piging at ng mga panauhin. Punong-puno ng tao
ang bahay. Bumabaha sa liwanag ang mga bintana. Nalalatagan ng alpombra ang
pasukan at napapalamutian ng mga bulaklak. At sa itaas, sa isang hiwalay na
lumang silid, ay tumutugtog ang isang orkestra ng masayang tugtugin na di
malunod-lunod ang mga di-mawatasang ingay ng halakhak at usapan.
Halos nasa tugatog ng mabuting kapalaran si Don Timoteo at ang kanyang
natamo ay higit pa sa kanyang pinapangarap. Sa wakas ay naipakasal din ang
kanyang anak sa isang tanging tagapagmana ng mga Gomez. Salamat sa
ipinautang sa kanya ni Simoun at nagayakan ng gayong karangya ang bahay na
nabili niya sa kalahati lamang ng halaga niyon. Ngayon, ito'y nababagay na tirhan ng
isang hari. Maghahandog si Don Timoteo ng isang maringal na piging at ang mga
pangunahing diyos ng Olimpo ng Maynila ang magiging panauhin niya upang
magbigay-ningning sa kanyang kabantugan. Umaga pa lamang ay laman na ng
kanyang isip ang ilang bahagi ng kilalang awitin: "Dumating na ang mapalad na
araw! Nalalapit na ang maliligayang sandali! Nabubuhay ako, ngunit hindi ako,
pagkat ang kapitan heneral ang nabubuhay sa akin..." Ang kapitan heneral ang
inaama ng kanyang anak! Totoong hindi siya nakadalo sa kasal. Si Don Custodio
ang kumakatawan sa kanya, ngunit dadalo siya sa piging at magdadala ng isang
regalo sa kasal, isang lamparang hindi mapapantayan kahit ng kay Aladin. Lihim na
ibinigay ito ni Simoun - "Timoteo, ano pa ang hihilingin mo?"
Napakalaki ng ginawang pagbabago sa bahay ni Kapitan Tiago. Dinikitang
muli ng maririkit na papel ang mga dingding. Ang amoy ng apyan ay nawalang
lubusan. Ang malaking sala na pinaluwang pang lalo ng mga naglalakihang
salaming nagpaparami sa mga ilaw ng aranya, ay nalatagan ng alpombra na tulad
ng mga salon sa Europa. Bagaman makintab na makintab ang malalapad na sahig
ay nilagyan pa rin ng mga alpombra. Kinailangang magkaroon din ng alpombra ang
salon ni Don Timoteo. Ang maadornong kasangkapan ni Kapitan Tiago ay pinalitan
ng iba na may estilong Louis XV. Nakabitin sa pinto ang malalaking kurtinang pulang
pelus na nabuburdahan ng mga gintong titik ng pangalan ng mga bagong kasal at
natatalian ng mga artipisyal na bulaklak ng suha at asusena. Sumasayad sa lapag
ang malalapad na laylayang ginintuan din. Makikita sa mga sulok ang mga
malalaking plorerang galing sa Hapon at may kasalit na ibang yari sa Seres na may
dalisay na kulay bughaw. Nakapatong ang mga ito sa mga kuwadradong pedestal
na yari sa kahoy na inukit. Ang tanging hindi mainam ay ang mga kromong Intsik na
ipinalit ni Don Timoteo sa matatandang palamuting inukit at mga larawang santo ni
Kapitan Tiago. Hindi siya napahinuhod ni Simoun. Ayaw ng mangangalakal ng mga
larawang guhit sa Oleo. Baka raw hinalain ng iba na yao'y yari ng mga pintor sa
Pilipinas. Ano? Tangkilikin ang mga pintor na Pilipino! Hindi! Ang kanyang
katiwasayan at sampu ng kanyang buhay ay mapanganib. Alam niya kung paano
makibagay sa Pilipinas. Tunay na narinig na niya ang mga pintor na dayuhan, tulad
nina Rafael Murillo, Velasquez, ngunit hindi niya alam kung saan makikita ang mga
ito, at baka lumabas na mauunlad pa sila... Hindi niya inaalala ang kromo, hindi
gawa ng mga Pilipino ang mga iyon, mas mura, ngunit para kay Don Timoteo gayon

71
din naman ang anyo kundi man mas mahusay. Matitingkad ang kulay at mas
mainam ang pagkakayari. Alam ni Don Timoteo kung paano mamuhay sa Pilipinas.
Ang daang papasok sa malaking bulwagan na napapalamutian ng mga
bulaklak ay ginawang silid-kainan. Isang malaking mesa na para sa tatlumpung
katao ang nasa gitna. Nakahanay sa tabi ng dingding ang maliliit na mesang para sa
dalawa o tatlong katao. Napapalamutian ng mga bulaklak, maraming prutas, laso, at
ilaw ang mga ito. May tanda ng mga pumpon ng mga rosas ang lugar ng ikakasal na
lalaki, at bulaklak ng dalandan at liryo ang lugar ng babae. Sa gayong karingal at
kaydaming bulaklak, maguguniguni ang mga nimpang may iba't ibang kulay na
pakpak. Sila ang magsisilbi sa mga panauhin ng mga nektar at ambrosia sa saliw ng
mga kudyapi at lira.
Gayon man, ang mesa para sa mga diyus-diyusan ay wala roon. Nakalagay
ito sa gitna ng malapad na azotea sa isang magandang kiyosko na sadyang
ipinagawa para sa pagkakataong iyon. Isang sala-salang kahoy na durado na may
gumagapang na mabangong halaman ang nagkakanlong sa loob upang huwag
matanaw ng balana. Malayang nakapaglalagos ang hangin kaya hindi
maaalinsanganan ang mga panauhin. Isang plataporma ang kinapapatungan ng
mesa upang tumaas kaysa ibang kakanan ng mga pangkaraniwang tao. Ang kubol
na pinalamutian ng pinakamahusay na mga artista ang magsasanggalang sa mga
kamahal-mahalan sa mga nainggit, na mga bituin.
Ang mesa ay inihanda lamang para sa pitong katao. Lantay na pilak ang mga
kubyertos. Mga pawang de ilo ang mga mantel at serbilyeta. Ang alak ay yaong
pinakamasarap at pinakamahal na mabibili. Hinanap ni Don Timoteo ang lalong mga
pambihirang pagkain at hindi ito mag-aalinlangang gumawa ng isang krimen kung
sinabi sa kanyang kumakain ng laman ng tao ang kapitan heneral.

Sanggunian: Marasigan, Emily V. Pinagyamang Pluma 10. Quezon City,


Philippines: Phoenix Publishing House, Inc., 2015. (844-847)

Pagyamanin

Gawain A: Kilala Ko Sila


Tukuyin kung sinong tauhan ang nakapaloob sa pahayag. Isulat ang sagot sa
iyong kuwaderno.
A. Simoun B. Don Timoteo C. Isagani D. Basilio E. Paulita
1. Mas gusto niya ang gawa ng dayuhan kay sa Pilipino.
2. Pinagamaganda sa araw ng kasal.
3. Sawimpalad sa pag-ibig.
4. Nagbabala kay Basilio na dapat malayo siya sa daang Anloague.
5. May dala-dalang rebolber.

Gawain B: Tala Tauhan

72
Kilalanin ang isang tauhan sa kabanata ng nobela. Kopyahin ang dayagram
at isulat ang kasagutan sa mga hinihinging detalye sa iyong kuwaderno.

Napiling
tauhan at
kanyang
katangian.

Mahalagang
pangyayari sa
buhay ng
tauhan.

Tunggaliang
nangyayari sa
buhay ng tauhan
upang matunton
ang pangyayari sa
kanyang buhay.

Posibleng wakas o
kinahinatnan ng tauhan.

Isaisip

Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang tanong sa iyong


kuwaderno at sagutin ito.

1. Paano nakapaghanda nang magarbong kasalan si Don Timoteo para sa anak?

73
2. Ano-anong kaugaliang Pilipino ang masasalamin sa handaang ito?

3. Bakit nais ni Simoun na paslangin hindi lamang yaong kasangkot sa


pakikipaglaban kundi ang lahat ng lalaking tumangging makipaglaban?

Isagawa

Gumawa ng isang panunuring telenobela ng iyong napanood. Isulat ang


ginawang pagsusuri sa iyong kuwaderno.
Pamantayan sa Paggawa (Panoorin at Suriin)
Mga
5 4 3 2
Pamantayan
Wasto ang Mayroong ilan Mayroong iilan Marami ang di
pagkaugna- na di wastong na di wastong wastong
Pagkakasulat ugnay ng mga pagkaugnay- pagkaugnay- pagkaugnay-
pangyayari. ugnay ng mga ugnay ng mga ugnay ng mga
pangyayari. pangyayari. pangyayari.

74
Wasto ang Mayroong ilan Mayroong iilan Marami ang di
gramatikang/ na di wasto sa na di wasto sa wasto sa
Gramatika/ balarilang gramitikang/ gramitikang/ gramitikang/
Balarila ginamit. balarilang balarilang balarilang
ginamit. ginamit. ginamit.

Angkop na Angkop ang Hindi gaanong Hindi angkop


angkop ang mga angkop ang ang mga
Kaangkupan mga pangyayari sa mga pangyayari pangyayari sa
sa Paksa pangyayari sa paksa. sa paksa. paksa.
paksa.

Tayahin

Panuto: Tukuyin ang tauhang pinapahayag o nagpahayag ng pangungusap. Isulat


ang sagot sa sagutang papel.
1. "Kung gayo'y matupad nawa ang itinadhana."
A. Basilio B. Ben Zayb
C. Don Timoteo D. Isagani
2. "Dumating na si Psyche at Kupido sa bundok ng Olimpo!"
A. Basilio B. Ben Zayb
C. Don Timoteo D. Isagani
3. "Nakarurumi sa mga dingding!"
A. Basilio B. Ben Zayb
C. Don Timoteo D. Isagani

75
4. "Ibig kong manatili rito. Ibig ko siyang makita sa huling pagkakataon. Bukas
ay iba na siya!"
A. Basilio B. Ben Zayb
C. Don Timoteo D. Isagani
5. "Halika na, Isagani! Lumayo tayo sa bahay na iyon. Halika na!"
A. Basilio B. Ben Zayb
C. Don Timoteo D. Isagani
6. Punong-abala sa gagawing piging.
A. Basilio B. Ben Zayb
C. Don Timoteo D. Isagani
7. Lumagay sa tahimik ng araw na iyon.
A. Basilio at Juli B. Juanito at Juanita
C. Juanito at Paulita D. Isagani at Paulita
Panuto: Tukuyin kung saan ang tiyak na tagpuan ng pangyayari.
8. Saan patungo ang mahabang hanay ng mga sasakyang dumaraan sa
karapan ni Basilio. Lulan ng mga ito ang mga dalaga't binata na masayang
nag-uusap.
A. Daang Anloague B. Daang del Rosario
C. Daang Escolta D. Daang Libo
9. Magiging tagpuan ng madugong pangyayari.
A. Daang Anloague B. Daang del Rosario
C. Daang Escolta D. Daang Libo
10. Ang malaking sala na pinaluwang pang lalo ng mga naglalakihang salaming
nagpaparami sa ilaw ng aranya, ay naglatagan ng alpombra na tulad ng mga
salon sa Europa.
A. Dating bahay ni Basilio. B. Dating bahay ni Don Timoteo.
C. Dating bahay ni Kapitan Tiago. D. Dating bahay ni Isagani.
Panuto: Tukuyin ang angkop na hinuha para sa sumusunod na mga pangyayari.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
11. Pinakamasarap at pinakamahal ang mga pagkain at inuming inihanda sa
isang espesyal na lugar ng kasalan.
A. May bayad ang pinaka-espesyal na lugar.
B. Maseselan ang mga panauhin sa pagkain at inumin.
C. Matataas at kilalang panauhin ang uupo at magsasalo-salo.
D. Mayaman ang naghanda dahil nakapili siya ng pinakamasarap.
12. Pinalitan ni Don Timoteo ang mga inukit na antigong palamuti at mga santo
ni Kapitan Tiago sa tahanan nito.
A. Ayaw ni Don Timoteo ng gawang Pilipino.
B. Mas gusto niya ang gawa ng mga Pilipino.
C. Mataas ang panlasa ni Don Timoteo sa mga palamuti.
D. Galit siya kay Kapitan Tiago kaya ayaw niyang makita ito.
13. Nakaramdam ng matinding kasiyahan si Basilio nang sumagi sa kanyang
isipan ang mangyayari sa piging hanggang mapahalakhak pa ito.

76
A. Nababaliw na sa gutom at pagod si Basilio.
B. Sadyang nasisiyahan ni Basilio sa mga sandaling iyon.
C. Naliligayahan si Basilio para sa ikakasal na nag-iibigan.
D. Magbabayad na ang mga taong dahilan ng mga kasawian niya.
14. Naalala ni Basilio si Isagani kung dapat niyang sabihan ang kaibigan hinggil
sa madugong balak ni Simoun subalit naisip din niyang di siya sasali sa
patayan dahil iba ang karanasan niya sa kanya.
A. Magaganda ang karanasan ni Isagan sa buhay.
B. Ayaw niyang madamay ang kanyang kaibigang.
C. Gustong isama ni Basilio sa kilusan ang kaibigang.
D. Batid niyang tatanggi si Isagani kung isasali niya sa kilusan.
15. Nagtungo si Basilio sa dating tinirhan nang makalaya at nakita niya itong
ayos na ayos na napakaganda.
A. Nakita ni Basilio na wala na siyang gamit.
B. Naalala ni Basilio ang masasayang sandali.
C. Nagugutom si Basilio at nais niyang kumain.
D. Nalaman ni Basilo na may mahalagang pagtitipon.

Napakahusay ng iyong ipinakitang


kakayahan.
Binabati kita!
Ngayon, paghusayan mo pang lalo ang
susunod na gawain.

Karagdagang Gawain

Gawain: Si Uod Buod


Isulat ang buod ng kabanata ayon sa pagtunton o pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari mula sa panimula hanggang wakas. Kopyahin ang dayagram sa
iyong kuwaderno at gawin ito.

77
WAKAS
WAKAS

GITNA

PANIMULA
PANIMULA

Napakagaling ng iyong ipinamalas na kakayahan sa araling


ito. Kaya alam ko na handa ka na sa susunod na aralin.
Ipagpatuloy ang iyong kahusayan.
Binabati kita dahil napagtagumpayan mo ang ikaapat na
aralin.
Napakahusay!

Arali
Lingguhang Pangwakas na
n
Gawain
5

Alamin

Ang aralin 5 ay naglalaman ng mga kasalukuyang pangyayari sa lipunan sa


panahon ng pagkakasulat ng nobela. Matalinghagang salita na kung saan gagamitin
sa paggawa ng gawain at ang kahulugan nito. Ginampanang papel ng mga iba't
ibang tauhan sa nobela ayon sa pagtunton sa pangyayari, tunggalian naganap,
tagpuan at wakas.

78
Tayahin

Gumawa ng isang maikling kuwento na nagpapakita ng mga kasalukuyang


mga pangyayaring katulad ng mga pangyayari sa panahon ng pagkakasulat ng akda
na naglalaman ng iba't ibang tunggalian at gumagamit ng matalinghagang salita o
pahayag. Gamitin ang sumusunod na matalinghagang salita at salungguhitan ito.
Isulat ang ginawang kuwento sa iyong kuwaderno.
Matalinghagang Salita Kahulugan
alilang-kanin utusang walang sahod
balat-kalabaw walang hiya
sukat ang bulsa marunong gumamit ng pera
balik-harap kaibigan sa harapan
itaga sa bato tandaan

Ang pamantayan sa paggawa ay makikita


sa susunod na pahina.
Kaya ihanda na ang sarili sa huling
gawain sa modyul na ito. Ipakita ang
iyong natutuhan sa mga nakaraang aralin.
Handa ka na ba?

Pamantayan sa Paggawa (Matuto sa Maikling Kwento)


Mga
25 20 15 10
Pamantayan
Wasto ang mga May ilang May iilang Walang
elemento at wastong mga wastong mga wastong mga
gramatikang elemento at elemento at elemento at
Pagkakabuo ginamit sa gramatikang gramikang gramatikang
pagbuo. ginamit sa ginamit sa ginamit sa
pagbuo. pagbuo. pagbuo.
Angkop na Angkop ang Hindi gaanong Hindi angkop
angkop ang mga angkop ang ang mga
Kaangkupan
mga pangyayari pangyayari sa mga pangyayari sa
sa Paksa
sa paksa. paksa. pangyayari sa paksa.
paksa.

79
Napakahusay ng iyong angking galing sa pagsagot at paggawa ng iba't ibang
gawain sa modyul na ito.
Nawa ay nakatulong ang modyul na ito upang mas lalo pang mapaunlad ang
iyong kaalaman tungo sa iyong ikatatagumpay sa buhay.
Isang masayang pagbati sa iyo at ipagpatuloy mo pa ang kagalingan sa susunod
na mga modyul.
Nawa ay patnubayan ka ng Poong Lumikha.

Susi sa Pagwawasto

Aralin 1 Aralin 2
Subukin Pagyamanin Subukin Pagyamanin
1. a Gawain A 1. c Gawain A
2. a 1. c 2. c 1. b
3. d 2. d 3. b 2. d
4. c 3. e 4. d 3. c
5. c 4. a 5. c 4. e
6. b 5. b 6. d 5. a
7. d 7. b
8. d 8. b
9. b 9. c
10. d 10. c
11. d 11. c
12. b 80 12. c
13. d 13. a
14. c 14. d
Aralin 4
Subukin Pagyamanin
Aralin 3 1. b Gawain A
Subukin Pagyamanin 2. d 1. b
1. c Gawain A 3. a 2. e
2. b 1. a 4. c 3. c
3. a 2. c 5. d 4. a
4. d 3. c 6. c 5. d
5. b 4. b 7. c
6. a 5. a 8. d
7. a 9. b
8. d 10. a
9. d 11. d
10. b 12. d
11. a 13. d
12. a 14. a
13. d 15. c
14. a Tayahin
15. d 1. d
Tayahin 2. b
1. a 3. c
2. a 4. d
3. d 5. d
4. d 6. c
5. b 7. c
6. c Susi sa Pagwawasto 8. b
7. b 9. a
8. a 10. c
9. d 11. c
10. b 12. a
11. a 13. d
12. a 14. d
13. a 15. d
14. d Ang ibang gawain sa
15. d modyul ay nakabatay sa
Ang ibang gawain sa sagot ng guro.
modyul ay nakabatay sa
sagot ng guro.

81
Sanggunian

Aklat

Marasigan, Emily V. Pinagyamang Pluma 10. Quezon City, Philippines: Phoenix


Publishing House, Inc., 2015.

Internet

“Gloc 9 Lyrics’Upuan.’’’ LyricsBox. Accessed June 20, 2020.


https://www.lyricsbox.com/gloc-9-upuan-lyrics-cplg9kp.html.

Philippines News.2020. Mga Matalinghagang Salita At Ang Ibig Sabihin Nila. [online]
Availabe at: https://philnews.ph/2019/07/18/matalinghagang-salita-at-kahulugan/>
[Accessed 20 June 2020].

82
MGA SALAWIKAIN Accessed June 20, 2020.
http://angelfire.com/hero/iskulbukul/mgasalawikain.html.

The Henry Sy Story - the Father of Philippine Retail. Accesses 20 June 2020.
https://www.youtube.com/watch?v=4xBsScHEtBw

Liham na Nagbibigay Pahintulot

Hunyo 19, 2020

Binigyan ko ng pahintulot si G. Arrold Jay P. Montemayor ng Mataas na


Paaralang Pambansa ng Kalilangan, Ninoy Aquino, Kalilangan, Bukidnon na gamitin
ang aking guhit sa kanyang Alternative Delivery Mode sa Ikaapat na Markahan; Si
Basilio - Modyul 3 para sa Filipino 10.

83
REMUEL B. DELA CRUZ

84
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph *


blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like