Filipino10 Q4 Ver4 Mod1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 68

10

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 1
(Kaligirang Pangkasaysayan)

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Kaligirang Kasaysayan ng El Filibusterismo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Mary Grace M. Digna-Madar
Editor: Rhea S. Taboada, Nenita M. Aboniawan, Elena G. Madria,
Delaila G. Cabahug, Precioso M. Dahe Jr.
Tagasuri: Amelia L. Tortola, EdD
Tagaguhit: Remuel B. dela Cruz
Tagapamahala:
Punong Tagapamahala: Arturo B. Bayocot PhD, CESO III
Rehiyunal na Director
Ikalawang Tagapamahala: Victor G. De Gracia Jr. PhD, CESO V
Pangalawang Rehiyunal na Direktor
Randolph B. Tortola, PhD, CESO IV
Tagapamanihalang Pansangay
Shambaeh, A. Usman, PhD.
Pangalawang Tagapamanihalang Pansangay
Mga Kasapi: Mala Epra B. Magnaong, PhD, Chief-CLMD
Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS
Bienvinido U. Tagalimot Jr., PhD, CESO IV
Elbert R. Francisco, PhD. Chief-CID
Amelia L. Tortola, EdD, EPS-Filipino
Rejynne Mary L. Ruiz, PhD, LRMS-Manager
Jeny B. Timbal, PDO II
Shella O. Bolasco, Division Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region X
Office Address: Fortich St. Sumpong, Malaybalay City, 8700 Bukidnon
Telephone: (088) 813-3634
E-mail Address: bukidnon@deped.gov.ph
10
Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 1
Kaligirang Pangkasaysayan ng
El Filibusterismo

KAHON NG KATUGUNAN

. Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador


sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa
larangan ng edukasyon na mag e-mail ng kanilang puna at mungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon sa bukidnon@deped.gov.ph.

Pinahahalagahan namin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

i
TALAAN NG NILALAMAN
Pahina

TAKIP NG PAHINA
PAHINA NG KARAPATANG-ARI
PAHINA NG PAMAGAT
TALAAN NG NILALAMAN
PAUNANG SALITA

Aralin 1: Kahulugan ng Salita Batay sa Kaligirang Pangkasaysayan

Alamin 1
Subukin 2
Balikan 3
Tuklasin 4
Suriin 5
Pagyamanin 6
Isaisip 7
Isagawa 8
Tayahin 9
Karagdagang Gawain 11

Aralin 2: Layunin at Pag-iral ng mga Kondisyon sa Panahong Isinulat ang Akda

Alamin 12
Subukin 13
Balikan 15
Tuklasin 16
Suriin 16
Pagyamanin 20
Isaisip 22
Isagawa 23
Tayahin 24
Karagdagang Gawain 27

Aralin 3: Magkakaugnay na mga Pangyayari sa Pagkakasulat ng El


Filibusterismo

Alamin 28
Subukin 29
Balikan 30
Tuklasin 31
Suriin 33
Pagyamanin 34
Isaisip 35
Isagawa 36

ii
Tayahin 37
Karagdagang Gawain 39

Aralin 4: Pagbubuod ng Kaligirang Pangkasaysayan Gamit ang Timeline

Alamin 40
Subukin 41
Balikan 42
Tuklasin 43
Suriin 44
Pagyamanin 45
Isaisip 47
Isagawa 48
Tayahin 49
Karagdagang Gawain 51

Aralin 5: Lingguhang Pangwakas na Gawain

Alamin 52
Tayahin 52

Susi sa Pagwawasto 54
Sanggunian 56

iii
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa Ikaapat na Markahan hinggil sa Kaligirang Pangkasaysayan ng El
Filibusterismo!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampublikong paaralan upang gabayan ka. Ang gurong tagapagdaloy ay handing
tumulong upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum
ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong
hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Para sa mga Guro at Tagapagdaloy:


Bilang gurong tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito
sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga
kaalaman, gawain, paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mga mag-aaral kahit sila ay nasa kanilang
sariling tahanan.

iv
Para sa mga Magulang:
Ang modyul na ito ay nilikha upang matugunan ang sitwasyong kinakaharap ng
ating mga mag-aaral. Ang magiging lugar ng kanilang kaalaman ay hindi lamang limitado
sa silid-aralan kundi maging sa inyong tahanan.

Inaasahan ang inyong pakikiisa, pakikipagtulungan at paggabay sa ating mga mag-


aaral upang mapatnubayan sa mga gawaing itinalaga sa kanila.

Para sa Mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o

v
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.

Tayahin Ito ay Gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Ang manunulat ay nagnanais na matutuhan mo ang tungkol sa kaligirang


pangkasaysayan ng El Filibusterismo na obra maestra ni Dr. Jose P. Rizal.
Tanggapin mo ang mainit na pagbati ng manunulat sa pagtanggap mo sa hamon sa gitna
ng pandemya na ipagpatuloy ang pagtuklas ng kaalaman at karunungan. Sapat na ito
upang maipakita mo ang kabayanihan sa iyong sariling kaparaanan.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong

vi
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay
na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

Ang modyul na ito ay dinisenyo at nilikha kung saan una sa isip ng manunulat ang
kaalamang malilikom mo bilang mag-aaral. Ito ay ginawa upang makatulong sa iyo na
matutunan ang tungkol sa Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo; at Lingguhang
Pangwakas na Gawain. Sinasaklaw ng modyul na ito na magamit ang iba’t ibang sitwasyong
pangkaalaman. Ang wikang ginamit ay kumikilala sa pagkakaiba ng antas ng talasalitaan ng
mga mag-aaral na katulad mo. Ang mga aralin ay inihanay upang makasunod sa istandard
na pagkakasunod-sunod sa asignatura. Ganoonpaman, ang pagkakasunod-sunod ng iyong
mga binasa ay maaaring mabago batay sa uri ng teksbuk o sanggunian na iyong ginagamit.

Ang modyul ay hinati gaya ng nakasaad sa ibaba:

 Aralin 1 – Kahulugan ng Salita Batay sa Kaligirang Pangkasaysayan


 Aralin 2 – Layunin at Pag-iral ng mga Kondisyon sa Panahong Isinulat ang Akda
 Aralin 3 – Magkakaugnay na mga Pangyayari sa Pagkakasulat ng El Filibusterismo
 Aralin 4 – Pagbubuod ng Kaligirang Pangkasaysayan Gamit ang Timeline
 Aralin 5 – Lingguhang Pangwakas na Gawain

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kaligirang pangkasaysayan nito. (F10PT-


IVb-c-83)
2. Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:
 pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda
 pagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyong ito sa kabuuan o ilang bahagi
ng akda
 pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda
(F10PB-IVa-b-86)
3. Naisasalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa pagkakasulat ng El
Filibusterismo. (F10PS-IVa-b-85)
4. Naisusulat ang buod ng kaligirang pangkasaysayan ng El Felibusterismo batay sa
ginawang timeline. (F10PU-IVa-b-85)

vii
Aralin Kahulugan ng Salita Batay sa
1 Kaligirang Pangkasaysayan

Alamin

Ang aralin 1 ay naglalaman ng ilang salitang ginamit sa kaligirang


pangkasaysayan ng nobelang El Filibusterismo. Ano-ano kaya ang mga salitang ito
na kailangan mong pag-aralan? Ang sagot ay malalaman mo sa mga sumusunod na
pahina. May mga gawain din na inilaan na makatulong sa iyo upang lubos mong
maunawaan ang mga ito.
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
 Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kaligirang pangkasaysayan
nito. (F10PT-IVb-c-83)

Bago tayo dumako sa ating tatalakayin tungkol sa


talasalitaan, nararapat na sagutin muna ang mga
sumusunod na katanungan upang masubok ang iyong
kaalaman sa paksang tatalakayin.
Handa ka na ba?

Mga Tala para sa Guro

Ilalahad dito ng guro ang kahulugan ng mga salitang


ginamit sa Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo.

1
Subukin

Panuto: Para sa bilang 1-7, tukuyin sa pagpipilian ang KASALUNGAT ng


sinalangguhitang salita sa loob ng bawat pangungusap. Para sa bilang 8-15, tukuyin
naman ang KASINGKAHULUGAN ng salita sa loob ng bawat pangungusap. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
1. Nasaksihan nila ang malagim at kalunos-lunos na pagbitay sa tatlong paring
martir.
A. kaawa-awa B. kahanga-hanga
C. kahapis-hapis D. kapalad-palad
2. Malinaw pa sa kanyang alaala ang matinding takot na hatid ng mensahe ng
salitang Filibusterismo dahil mahigpit na ipinagbabawal sa kanilang tahanan
ang pagsambit sa salitang ito.
A. pagbanggit B. pagbigkas
C. pagtahimik D. pagtikom
3. Tulad ng inaasahan, nagpuyos ang damdamin ng mga makapangyarihang
Espanyol matapos matunghayan ang nilalaman nito.
A. nagliyab B. nagngitngit
C. nagsaya D. nagtimpi
4. Palihim na tumalilis ng Pilipinas si Dr. Jose Rizal matapos siyang payuhan ng
gobernador-heneral.
A. kumaripas nang mabilis B. lumayas nang matulin
C. mabagal na umalis D. mabilis na umalis
5. Nagtalusira si Paulita sa katipang si Isagani at nagpakasal kay Juanito.
A. hindi tumupad sa pangako B. nakipagkalas sa pag-iibigan
C. tumupad sa pangako D. walang isang salita
6. Ilagan ang mga bombang nakatutok sa ulo mo.
A. dinaig B. harapin
C. iwasan D. nagtagumpay
7. Baka mapagkamalan ka’t humandusay d’yan sa tabi.
A. makahiga B. manirang-puri
C. manlait D. makatayo
8. Nagpahinuhod siya sa payo ng gobernador-heneral.
A. di nakinig B. pumayag
C. tumutol D. umiwas
9. Nasaksihan nila ang malagim at kalunos-lunos na pagbitay sa tatlong paring
martir.
A. kahabag-habag B. kahapis-hapis
C. kahindik-hindik D. kumaripas

2
10. Ginamit niya ang pinakamabisang sandata sa pagkakamit ang minimithing
pagbabago at kalayaan ng mga Pilipino.
A. adhikain B. pananaw
C. pangako D. pangitain
11. Totoong binagtas ni Dr. Jose Rizal ang napakatinik na daan tungo sa kanyang
adhikain subalit siya’y nagtagumpay.
A. napakadali B. napakaganda
C. napakahirap D. napaka-init
12. Nakarating sa pinagpalang mga kamay ang ikalawang obra maestrang El
Filibusterismo ni Jose Rizal.
A. mabuti B. mapalad
C. maramot D. masama
13. Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan.
A. baon B. nakita
C. napangaginipian D. narrating
14. Iligtas ang hininga ng kay raming mga tao.
A. buhay B. kanta
C. likha D. trabaho
15. Tulad ng dukha, na ilagay mo sa tuktok.
A. bukas-palad B. kabutihang-palad
C. kapus-palad D. kuyom na palad

Balikan

Bago mo umpisahan ang pagbabasa at pagsusuri sa nobelang ito ay mainam


na magbalik-tanaw muna tayo sa mahahalagang pangyayari at aral na iyong nakuha
sa Noli Me Tangere. Makatutulong kung isusulat mo ang dalawang pangunahing
tauhang naging daan upang mapalabas ang mga gintong aral na taglay ng nobela

Pangunahing Pangunahing
Tauhan NOLI ME Tauhan
TANGERE

Mga Gintong Aral na Aking Natutuhan sa Aklat na Ito

3
Tuklasin

Alam kong handa ka nang tuklasin ang mga karunungan na iyong matututuhan
sa araling ito. Ang gawaing inilaan ay makatutulong sa iyo upang maiugnay mo ang
kahulugan ng salita batay sa kaligirang pangkasaysayan nito.
Gawain 1. Tuklas-Awit
Basahin/Awitin ang liriko ng awiting “Tatsulok” ni Bamboo habang
pinapakinggan ang kanta. Pagkatapos ay gawin ang mga sumusunod na gawain sa
susunod na pahina.

“Tatsulok”
By: Bamboo

Totoy bilisan mo, bilisan mo ang takbo


1Ilagan ang mga bombang nakatutok sa ulo mo

Totoy tumalon ka, dumapa kung kailangan


At baka tamaan pa ng mga balang ligaw

Totoy makinig ka, wag kang magpagabi


Baka mapagkamalan ka’t 2.humandusay d’yan sa tabi
Totoy alam mo ba kung ano ang puno’t dulo
Ng di matapos-tapos na kaguluhang ito
[Refrain]
Hindi pula’t dilaw tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay di s’yang dahilan
Hangga’t marami ang 3.lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman
[Choros]
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Di matatapos itong gulo
Iligtas ang 4.hininga ng kay raming mga tao
At ang dating munting bukid, ngayo’y sementeryo
Totoy kumilos ka, baliktarin ang tatsulok
Tulad ng 5.dukha, na ilagay mo sa tuktok

[Repeat Refrain and Choros]

[Repeat Refrain and Choros]

Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok


Di matatapos itong gulo
Di matatapos itong gulo

4
Gawain A. Tala-Kahulugan
Piliin ang kasingkahulugan ng mga salitang sinalungguhitan sa kanta mula sa
pagpipilian na nasa loob ng kahon. Gawin sa iyong kuwaderno.

1. A. baon E. mahirap
2. B. buhay F. mayaman
3. C. iwasan G. nakahiga
4. D. laban H. salat
5.

Gawain B. Tala-Isyu
Itala ang mga isyung panlipunan na nabanggit mula sa awit.

1
.
.2
.
3
.

Suriin

Kung susuriin natin ang awiting “Tatsulok” ni Bamboo, makikita natin na


tumatalakay ito sa mga isyu ng lipunan ng ating bansa. Pangunahin na rito ang di-
pantay na istrukturang panlipunan ng bansa na tinatawag sa awit na tatsulok. Ang
hugis na tatsulok ay larawan ng pagkakahati-hati at hindi pagkakapantay-pantay ng
mga uri sa lipunan. Makikita rito ang pagkakaroon ng agwat ng mga mahirap at
mayayaman sa lipunan. Ipinapakita ng awit na ito ang kahirapang dulot ng maling
pamamahala ng mga nasa itaas ng tatsulok. Dahil dito ay nagsilabasan ang iba pang
problema sa lipunan tulad ng diskriminasyon, kahirapan, karahasan, kawalan ng
hustisya at iba.
Maiuugnay natin ang awiting ito sa nobelang El Filibusterismo ni Dr. Jose P.
Rizal na sumasalamin sa mga pangyayari sa ating lipunan noon na nangyayari pa rin
sa kasalukuyan. Kaya’t halika, gawin mo ang mga gawaing inilaan para sa iyo nang
madali mong maunawaan ang Kaligirang Pangkasaysayan ng nobelang El
Filibusterismo.

Handa ka na bang pagyamanin pa


ang iyong kaalaman?
Kung gayon ipakita ang iyong galing
sa susunod na gawain.

5
Pagyamanin

Gawain A: Karunungan sa Talasalitaan


May ilang salitang ginamit sa kaligirang pangkasaysayan ng nobela na
mababasa mo rin sa ibaba. Kilalanin ang kasingkahulugan ng mga salitang
nakasalungguhit sa mga parirala sa pamamagitan ng pagpili ng sagot sa loob ng
kahon. Pagkatapos, gamitin sa mahusay na pangungusap ang mga salita kaugnay ng
isyung kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong kuwaderno.

A. hinahabol ng batas F. nakuha


B. kinausap upang mapapayag G. natuwa; nasiyahan
C. kopya H. sagabal;hadlang
D. mawala, maalis, matanggal I. sumala
E. naging delikado J. umalis

1. nanganib sa mga prayle


Pangunguap: __________________________________________________
2. hinimok na umalis
Pangungusap: _________________________________________________
3. lumisan ng Pilipinas
Pangungusap: _________________________________________________
4. naaliw sa ganda ng Paris
Pangungusap: _________________________________________________
5. balakid sa pagsusulat
Pangungusap: _________________________________________________
6. pamilya’y pinag-uusig
Pangungusap: _________________________________________________
7. lumiban sa pagkain
Pangungusap: _________________________________________________
8. nasamsam na mga kopya
Pangungusap: _________________________________________________
9. sipi ng mga noble
Pangungusap: _________________________________________________
10. maiwaksi sa isip
Pangungusap: _________________________________________________

Madali lang di ba? Gusto mo bang


pagyamanin pa ang iyong kaalaman?
Tara, buksan mo pa ang kasunod na
pahina. Paghusayan mo ha.

6
Gawain B. Ipaliwanag Mo!
Ipaliwanag ang mga sumusunod na katanungan. Gawin sa iyong kuwaderno.

1. Bakit kinakailangan malaman at maunawaan ang kahulugan ng mga


salitang ginamit sa isang akda?

2. Paano nakatutulong ang kaalaman sa wastong kahulugan sa salita sa


pang-araw-araw na pamumuhay?

Isaisip

Punan ang patlang sa mga sumusunod na pangungusap sa ibaba para mabuo


ang diwa. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Gawin sa iyong kuwaderno.
A. Gabundok B. Lumisan C. Nagligtas D. Pihong E. Pinasakitan

1. matatapos ni Rizal ang nobela dahil dumating ang saklolo.


2. Ang marawisang si Valentin Ventura ang sa kanyang kagipitan.
3. Pinag-usig at ang pamilya ni Rizal dahil sa maling paratang.
4. Hinimok ni Gobernador Heneral Emilio Terrero si Rizal na muna.
5. Hindi inisip ni Dr. Jose Rizal ang na balakid sa kanyang nilalayon.

Napakagaling! Nagawa mo ng mga


mahusay ang mga gawain. Ipakita pa
iyong galing sa susunod na gawain.

7
Isagawa

Sumulat ng isang sanaysay tungkol pag-ibig sa bayan gamit ang mga


sumusunod na salita sa ibaba at salungguhitan ang mga ito. Isagawa ito sa isang
buong papel.

Hinimok Naaliw Nanganib Maiwaksi Balakid


Pamantayan sa Paggawa (Sa Sanaysay, Ako’y Mahusay)
Mga
5 4 3 2
Pamantayan
Kompleto ang May dalawang Isang istruktura Walang istruktura
istrukturang bahaging lamang ang ang sanaysay.
Istruktura ginamit sa ginamit sa ginamit sa
sanaysay. sanaysay. sanaysay.
Wasto ang Mayroong ilan Mayroong iilan Marami ang di
gramatikang/ na di wasto sa na di wasto sa wasto sa
Gramatika/ balarilang gramitikang/ gramitikang/ gramitikang/
Balarila ginamit sa balarilang balarilang balarilang
sanaysay. ginamit sa ginamit sa ginamit sa
sanaysay. sanaysay. sanaysay.
Angkop na Angkop ang Hindi gaanong Hindi angkop ang
Kaangkupan angkop ang mga kaisipan angkop kaisipan mga kaisipan sa
sa Paksa mga kaisipan sa sa paksa. sa paksa. paksa.
paksa.

8
Tayahin

Panuto: Para sa bilang 1-7, tukuyin sa pagpipilian ang KASALUNGAT ng


sinalangguhitang salita sa loob ng bawat pangungusap. Para sa bilang 8-15, tukuyin
naman ang KASINGKAHULUGAN ng salita sa loob ng bawat pangungusap. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

1. Tulad ng inaasahan, nagpuyos ang damdamin ng mga makapangyarihang


Espanyol matapos matunghayan ang nilalaman nito.
A. nagliyab B. nagngitngit
C. nagsaya D. nagtimpi
2. Nagtalusira si Paulita sa katipang si Isagani at nagpakasal kay Juanito.
A. hindi tumupad sa pangako B. nakipagkalas sa pag-iibigan
C. tumupad sa pangako D. walang isang salita
3. Malinaw pa sa kanyang alaala ang matinding takot na hatid ng mensahe ng
salitang Filibusterismo dahil mahigpit na ipinagbabawal sa kanilang tahanan
ang pagsambit sa salitang ito.
A. pagbanggit B. pagbigkas
C. pagtikom D. pagtahimik
4. Baka mapagkamalan ka’t humandusay d’yan sa tabi.
A. makahiga B. manirang-puri
C. manlait D. makatayo
5. Nasaksihan nila ang malagim at kalunos-lunos na pagbitay sa tatlong paring
martir.
A. kaawa-awa B. kahanga-hanga
C. kahapis-hapis D. kapalad-palad
6. Palihim na tumalilis ng Pilipinas si Dr. Jose Rizal matapos siyang payuhan ng
gobernador-heneral.
A. kumaripas nang mabilis B. lumayas nang matulin
C. mabagal na umalis D. mabilis na umalis
7. Ilagan ang mga bombang nakatutok sa ulo mo.
A. dinaig B. harapin
C. iwasan D. nagtagumpay
8. Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan.
A. baon B. nakita
C. napangaginipian D. narrating
9. Ginamit niya ang pinakamabisang sandata sa pagkakamit ang minimithing
pagbabago at kalayaan ng mga Pilipino.
A. adhikain B. pananaw
C. pangako D. pangitain

9
10. Tulad ng dukha, na ilagay mo sa tuktok.
A. bukas-palad B. kabutihang-palad
C. kapus-palad D. kuyom na palad
11. Iligtas ang hininga ng kay raming mga tao.
A. buhay B. kanta
C. likha D. trabaho
12. Nakarating sa pinagpalang mga kamay ang ikalawang obra maestrang El
Filibusterismo ni Jose Rizal.
A. mabuti B. mapalad
C. maramot D. masama
13. Totoong binagtas ni Dr. Jose Rizal ang napakatinik na daan tungo sa kanyang
adhikain subalit siya’y nagtagumpay.
A. napakadali B. napakaganda
C. napakahirap D. napaka-init
14. Nasaksihan nila ang malagim at kalunos-lunos na pagbitay sa tatlong paring
martir.
A. kahabag-habag B. kahapis-hapis
C. kahindik-hindik D. kumaripas
15. Nagpahinuhod siya sa payo ng gobernador-heneral.
A. di nakinig umiwas B. pumayag
C. tumutol D. umiwas

Napakahusay ng iyong ipinakitang galing.


Binabati kita!
Ngayon, paghusayan mo pang lalo ang susunod
na gawain.
Galingan mo!

10
Karagdagang Gawain

Gawain: Pakaisipin Bago Buuin


Buuin ang salita sa loob ng puzzle sa pamamagitan ng pagtukoy ng
kasingkahulugan nito. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

1. n n a i NAGING DELIKADO

2. i i m HINIKAYAT

3. a a i SAGABAL

4. s I KOPYA

5. n w a s NAWALA

Hanga ako at natapos mo nang buong husay ang


araling ito.
Binabati kita!
Ngayon ay may kaalaman ka na sa mga
talasalitaan na magagamit mo sa susunod na
aralin. Pagbutihan mo at ipagpatuloy pa ang iyong
kaalaman. Halika, buksan mo ang kasunod na
pahina.

11
Layunin at Pag-iral ng mga
Aralin
Kondisyon sa Panahong
2
Isinulat ang Akda

Alamin

Ang aralin 2 ay naglalaman ng mga kondisyon ng lipunan at layunin ng may-


akda sa panahong isinulat ang akda. Dito mo rin makikita ang mga patunay na umiral
na mga kondisyong makikita sa nobela.
Sa pagtatapos ng araling ito ikaw ay inaasahang:
 Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:
 pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda
 pagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyong ito sa kabuuan o ilang
bahagi ng akda
 pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda
(F10PB-IVa-b-86)

Ngayon ay may ideya ka na kung ano ang


nilalaman at mga maaari mong gawin sa
araling ito. Buksan ang kasunod na pahina
para masubok natin ang iyong kaalaman sa
araling ito.

Mga Tala para sa Guro


Ilalahad dito ng guro ang umiiral na kondisyon ng lipunan at
mga layunin sa pagkakasulat ng nobela.

12
Subukin

Panuto: Tukuyin ang mga kondisyon sa panahong isinulat ang El Filibusterismo


batay sa kaligirang pangkasaysayan nito, mga patunay sa pag-iral ng kondisyong ito
sa kabuoan ng akda at layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Ano ang nangyari sa pamilya ni Rizal habang isinusulat niya ang kanyang
nobela?
A. humanga B. masaya
C. nalungkot D. nanganib
2. Sa anong nobela mas maraming pahina ang tinanggal, nilagyan ng ekis, binura,
o hindi isinama ni Rizal sa akda?
A. El Filibusterismo B. Isang Libo’t Isang Gabi
C. Noli Me Tangere D. Walang Sugat
3. Saan siya mas nahirapan sa pagsulat sa dalawang nobela?
A. El Filibusterismo B. Hindi siya nahirapan.
C. Noli Me Tangere D. Parehong nahirapan
4. Ano ang ginawa ni Rizal sa mga bahagi ng nobela dahil sa tindi at bigat na
kanyang nadarama?
A. Ibinenta sa kakilala B. Inihagis sa apoy
C. Ipinatago sa kaibigan D. Itinapon sa basurahan
5. Ano ang ginawa ni Rizal upang matugunan ang kanyang pangangailagan
habang isinusulat ang nobela sa Brussels, Belgium?
A. Namasukan bilang katulong.
B. Nanggamot ng mga maysakit .
C. Nagbenta ng kanyang mga obra.
D. Naghugas ng pinggan sa mga karenderya.
6. Ang namumuno sa bansa nang sinimulan ni Rizal ang pagsusulat ng ikalawang
nobelang El Filibusterismo.
A. Gobernador Ferdinand Blumentritt
B. Gobernador- Heneral Emilio Terrero
C. Gobernador Maria Odulio de Guzman
D. Gobernador- Heneral Jose Alejandrino
7. Ano ang nagbigay-inspirasyon kay Rizal upang tapusin na ang kanyang nobela?
A. Ang kasiyahan ng kanyang ina.
B. Ang ganda at kabaitan ni Leonor Rivera.
C. Ang ganda at kasiyahang hatid ng Paris.
D. Ang kabaitan ng mga tao doon sa Brussels, Belgium.

8. Ang mga sumusunod ay ginagawa ni Rizal upang makatipid lamang at


matustusan ang pagsusulat MALIBAN sa?

13
A. Nagsangla ng alahas.
B. Halos lumiban sa pagkain.
C. Nanggamot ng mga maysakit.
D. Naghugas ng pinggan sa karenderya.
9. Anong pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng nobela ang pangyayari sa
ibaba na umiral sa bahagi ng El Filibusterismo?
Nagpakasal kay Juanito ang katipan ni Isaganing si Paulita Gomez.
A. Nagpakasal si Maria Clara sa ibang lalaki.
B. Nagpakasal si Leonor Rivera sa ibang lalaki.
C. Nagpakasal si Josephin Bracken sa ibang lalaki.
D. Nagpakasal si Segunda Katigbak sa ibang lalaki.
10. Anong pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng nobela ang pangyayari
sa ibaba na umiral sa bahagi ng El Filibusterismo?
Nakita ni Simoun ang nagdusang ama at si Elias sa kanyang pangitain.
A. Nagkaroon ng iba’t ibang pangitain si Jose Rizal.
B. Nagkaroon ng iba’t ibang pangitain si Jose Alejandrino.
C. Nagkaroon ng iba’t ibang pangitain ang kapatid ni Rizal.
D. Nagkaroon ng masamang pangitain ang ina ni Jose Rizal.
11. Ang mga sumusunod ay kabilang sa layunin sa pagsulat ni Rizal ng El
Filibusterismo MALIBAN sa?
A. Ilantad ang kabuktutan ng mga mananakop.
B. Imulat ang kaisipan at gisingin ang damdamin ng mga Pilipino.
C. Masalamin ng mga kabataan ang nakaraan ng ating mga ninuno.
D. Makamit ang minimithing pagbabago at kalayaan ng mga Pilipino.
12. Bakit pinagtibay ni Rizal ang kanyang loob upang ipagpatuloy at tapusin ang
nobela kahit kulang sa panustos mula sa pamilya?
A. Dahil sa pag-ibig ng taong-bayan kay Rizal.
B. Dahil sa inpirasyon mula sa kanyang pinakaiibig.
C. Dahil sa adhikaing imulat ang kaisipan ng mga Pilipino.
D. Dahil sa paghanga ng mga kababayan sa katapangan niya.
13. Anong pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng nobela ang pangyayari sa
ibaba na umiral sa bahagi ng El Filibusterismo?
Pagkaroon ng suliranin ni Kabesang Tales sa pangangamkam ng mga prayle
kahit walang katibayan.
A. Pinag-uusig ng Espanyol ang kaibigan dahil sa usapin sa lupa.
B. Pinag-uusig ng Espanyol ang kapitbahay dahil sa usapin sa lupa.
C. Pinag-uusig ng Espanyol ang kaaway ni Rizal dahil sa usapin sa lupa.
D. Pinag-uusig ng Espanyol ang pamilya ni Rizal dahil sa usapin sa lupa.

14. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit hindi agad natapos ni Rizal ang
pagpalimbag ng aklat MALIBAN sa?
A. Naubos ang salaping kanyang natipid.

14
B. Nilimot ang pangakong tulong sa paglimbag ng nobela.
C. Hindi dumating ang hinihintay na salapi mula sa kanyang pamilya .
D. Tinanggal ni Rizal ang ibang bahagi ng nobela dahil sa sama ng loob.
15. Ano ang naisabay gawin ni Rizal habang isinusulat niya ang El Filibusterismo?
A. Pagsulat ng mga tula at iba pang mga akda.
B. Pagtuturo sa mga bata na nakikita niya sa mga lansangan.
C. Pagbisita sa mga kaibigan at pamamasyal sa magagandang lugar.
D. Pagguhit ng iba’t ibang guhit tungkol sa kabuktutan ng mga Espanyol.

Nasagutan mo ba nang mahusay ang mga tanong


sa itaas?
Huwag kang mag-alala, ito’y pagsubok pa lamang
sa iyong kaalaman.

Balikan

Bago mo pag-aralan ang tungkol sa mga layunin at mga kondisyon sa pagsulat


ng El Filibusterismo ay kailangan mong magbalik-tanaw sa naunang aralin. Sagutin
ang mga tanong sa ibaba nang maiugnay mo ang susunod na aralin.
1. Tungkol saan ang tinalakay natin sa aralin 1?

2. Magbigay ng dalawang salitang naibigan mo at gamitin ito sa pangungusap.

Tuklasin

15
Gawain: Tuklas Kaalaman
Tukuyin ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng pagtukoy
sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda. Lagyan ng tsek (√) ang loob ng
kahon kung ang pangyayari ay tumutukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang
El Filibusterismo at ekis (x) naman kung hindi.

1. Si Gobernador-Heneral Emilio Terrero ang namumuno sa bansa nang


sinimulan ni Rizal ang pagsulat ng ikalawang nobelang El Filibusterismo.
2. Higit na naging madali para kay Rizal ang pagsulat ng El Filibusterismo
kaysa Noli Me Tangere.
3. Nalagay sa panganib ang pamilya at iba pang mahal sa buhay ni Rizal
habang isinulat niya ang nobelang ito.
4. Ang ganda at kasiyahang hatid ng Paris ay nagbigay-inspirasyon sa
kanyang tapusin na ang kanyang nobela sa lugar na ito.
5. Mas maraming pahina ang tinanggal, nilagyan ng ekis, binura, o hindi
isinama ni Rizal sa Noli Me Tangere kaysa sa mga pahinang hindi niya
isinama sa El Filibusterimo.

Suriin

Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo


Ang El Filibusterismo ay ang ikalawang obra maestra ng ating pambansang
bayaning si Dr. Jose Rizal. Ito ay karugtong ng Noli Me Tangere na una niyang isinulat.
Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang kaibigang si Dr. Ferdinand Blumentritt ang kahulugan
nito noong una hanggang masaksihan nila ang malagim at kalunos-lunos na pagbitay
sa tatlong paring martir. Malinaw pa sa kanyang alaala ang matinding takot na hatid
ng mensahe ng salitang Filibusterismo dahil mahigpit na ipinagbawal sa kanilang
tahanan ang pagsambit sa salitang ito. Labing-isang taong gulang pa lamang si Rizal
noon nang marinig niya ang salitang Filibustero. Sa murang edad ay naging saksi siya
sa mapapait, masasakit, at madidilim na bahagi ng buhay ng ating mga ninuno kaya
tumimo sa kanyang puso ang pagnanais na mailantad ang kabuktutan ng mga
mananakop. Ginamit niya ang pinakamabisang sandata sa pagkakamit nang
minimithing pagbabago at kalayaan ng mga Pilipino-ang kanyang panulat.
Gaya nang nabanggit, ang unang obra maestra ni Rizal ay ang Noli Me
Tangere na matagumpay na lumabas noong Marso 1887. Maraming makabayan ang
nagalak at humanga sa katapangan ni Rizal sa pagsulat sa mga kabuktutan at
pagmamalabis ng mga Espanyol subalit tulad ng inaasahan nagpuyos ang damdamin
ng mga makapangyarihang Espanyol ay matapos matunghayan ang nilalaman nito.
Bitbit ang kaba sa puso ay nagpasiya siyang bumalik sa Pilipinas kahit batid niyang
ito ay mapanganib. Noong Agosto 1887, muli niyang nasilayan ang kanyang pamilya.
Isinagawa niya ang kanyang mga layunin sa kanyang pagbabalik. Ginamot niya ang

16
mata ng kanyang ina; nakipag-usap kay Leonor Rivera, at inalam ang pagtanggap ng
mga Pilipino sa kanyang isinulat na nobela.
Nang ipagbawal ng pamahalaan sa Pilipinas ang pag-aangkat, pagpapalimbag,
at pagpapakalat ng nobela ay nakaramdam nang higit na panganib si Rizal. Hinimok
si Rizal ni Gobernador-Heneral Emillo Terrerong lisanin ang bansa upang maiiwas
siya at ang kanyang pamilya sa lalo pang kapahamakan at sa pagmamalupit ng mga
makapangyarihang prayle sa kanyang pamilya. Nagpahinuhod siya sa payo ng
gobernador-heneral at palihim na tumaliis ng Pilipinas noong Pebrero 1888. Nagtungo
siya sa ibat’t ibang bansa sa Asya, sa Amerika, at sa Europa. Napakarami niyang
natutuhan sa mga paglalakbay na iyon.
Sinimulang isulat ni Rizal ang El Filibusterismo sa London noong 1890. Ayon
kay Maria Odulio de Guzman, binalangkas ni Rizal ang pagkatha sa El Fili noong mga
huling buwan ng 1884 at mga unang buwan ng 1885 nang isinusulat pa niya ang Noli.
Habang isinusulat ni Rizal ang El Fili, naisasabay rin niya ang pagbisita sa mga
kaibigan at pamamasyal sa magagandang lugar sa Europa. Lubhang nasiyahan at
naaliw si Rizal sa ganda ng Paris kaya’t napag-isipan niyang lumipat muna sa
Brussels, Belgium upang matutukang mabuti at mapag-isipan nang lubusan ang
pagsulat ng nobela. Kasama ang kaibigang si Jose Alejandrino ay nanirahan sila roon.
Nanggamot din siya upang matugunan ang mga pangngailangan niya roon.
Patong-patong na suliranin ang kanyang naranasan habang isinulat niya ang
El Fili. Kung kinulang siya sa pananalapi nang isinulat niya ang Noli ay higit siyang
kinapos nang isinusulat na niya ang El Fili kaya sadya siyang naghigpit ng sinturon.
Halos lumiban siya sa pagkain makatipid lamang. Nakapagsanla rin siya ng kanyang
mga alahas upang matustusan ang pagsusulat. Matindi ang pagnanais niyang tapusin
na agad ang nobela dahil maging sa kanyang pagtulog ay napapanaginipan niyang
may namamatay sa kanyang mga mahal sa buhay. Iniwasan niyang kapusin ng
panahon sa pagsusulat. Batid niyang walang ibang makatatapos ng kanyang obra
kung hindi siya lamang.
Hindi lamang kawalan ng pondo ang kanyang naging suliranin upang matapos
ang nobela. Naging balakid din ang suliranin niya sa puso, sa pamilya, at sa mga
kaibigan. Nakarating sa kanyang kaalaman na ang kanyang pinakaiibig na si Leonor
Rivera ay ipinakasal ng magulang nito sa ibang lalaki. Mababakas ang pighati niya sa
pangyayaring ito sa El Fili sa bahaging nagtalusira si Paulita sa katipang si Isagani at
nagpakasal kay Juanito. Nabatid din niyang ang kanyang magulang at mga kapatid
ay pinasasakitan at pinag-uusig ng pamahalaang Espanyol dahil sa usapin sa lupa at
sa maling paratang. Labis siyang nag-alala sa mga mahal niya sa buhay sa Calamba,
Laguna. Maiuugnay ito kay Kabesang Tales sa El Fili na may ipinaglabang usapin
hinggil sa pangangamkam ng lupa ng mga prayle kahit wala silang katibayan ng pag-
aari bagkus ay nakuha pang manghingi ng buwis sa may-aring si Kabesang Tales. Sa
pagpapatuloy ng pagsusulat ni Rizal ng nobela ay nagkaroon siya ng iba’t ibang
pangitain. Ganito rin ang pangyayari sa buhay ni Simoun nang nag-urong-sulong
siyang isagawa ang katuparan ng kanyang plano. Nakita niya ang nagdusang ama at
si Elias sa kanyang pangitain. Lumayo rin kay Rizal ang mga kasama niya sa La
Solidaridad. Ikinalungkot din niya ang kawalan ng pagkakaisa ng mga Pilipinong
Ilustrado sa Espanya na sila sanang pag-asa ng nakalugmok na mamamayan ng
Pilipinas. Dahil sa samo’t saring suliraning naranasan, naisip ni Rizal na sunugin na

17
lamang ang kanyang mga isinulat. Sinasabing may bahagi sa nobela ang hindi niya
napigilang inihagis sa apoy sa bigat at tindi ng kanyang mga alalahanin.
Dahil sa adhikain ni Rizal na imulat ang kaisipan at gisingin ang damdamin ng
mga Pilipino laban sa pang-aapi at pang-aabuso ng pamahalaang Espanyol ay
pinagtibay niya ang kanyang kalooban upang ipagpatuloy at tapusin ang nobela kahit
kulang sa panustos mula sa pamilya. Nang matapos ito noong Marso 29, 1891, at
makahanap ng murang palimbagan, ang palimbagang F. Meyer van Loo sa Ghent,
Belgium ay ipinadala niya ang manuskrito sa kaibigang si Jose Alejandrino. Sa
kasamaang-palad, hindi natapos ang paglilimbag ng aklat. Mahigit na isandaang
pahina pa lamang ito nang maipahinto na dahil naubos na ang kanyang pambayad
mula sa salaping kanyang natipid at nang hindi dumating ang hinihintay na salapi mula
sa kanyang pamilya sa Pilipinas. Nilimot din ng ilang mayayamang kaibigang Pilipino
ang kanilang pangakong tulong sa paglilimbag ng nobela.
Sa oras ng pangngailangang ito ay himalang dumating ang saklolo ng
mayamang kaibigang si Valentin Ventura. Siya ang gumastos upang matuloy ang
nahintong paglilimbag ng nobela noong Setyembre 1891. Dahil mabuting kaibigan si
Rizal ay inialay niya ang isang panulat at ang orihinal na manuskrito ng El Fili kasama
ang isang nilimbag at nilagdaang sipi bilang pasasalamat at pagtanaw ng malaking
utang na loob sa kaibigang si Valentin Ventura. Ipinadala ni Rizal sa Hong Kong ang
karamihan ng mga aklat at ang ibang bahagi ng mga ito ay sa Pilipinas napunta
pagkatapos niyang mabigyan ng kopya ang mga kaibigang sina Juan Luna, Marcelo
H. del Pilar, Graciano Lopez Jaena, at Dr. Ferdinand Blumentritt. Sa kasamaang
palad, nasamsam sa Hong Kong ang mga aklat na ipinadala ni Rizal gayundin ang
mga kopyang ipinadala niya sa Pilipinas. Ipinasira ng Pamahalaang Espanyol ang
mga sipi ng nobela subalit may ilang nakalusot at nagbigay ng malaking inspirasyon
sa mga naghihimagsik. Patuloy nitong naantig at nagpaalab sa diwa at damdamin ng
mga Pilipino. Kung ang Noli ang gumising at nagpaalab sa diwa at damdamin ng mga
Pilipino ukol sa mga karapatan, nakatulong naman nang malaki ang El Fili kay Andres
Bonifacio at sa Katipunan upang maiwaksi ang mga balakid na nakasasagabal sa
paghihimagsik noong 1896.

Ang El Fili ay inialay ni Rizal bilang pagpupugay sa tatlong paring martir na


binitay sa Bagumbayan noong Pebrero 1872 na sina Padre Mariano Gomez, Padre
Jose Burgos, at Padre Jacinto Zamora dahil lamang sa maling hinala ng mga
Espanyol. Bilang paggalang at pag-alala sa kanilang sakit at hinagpis, inihandog niya
ang nobela. Wika niya:
“Sa di pagsang-ayon ng Relihiyon na alisin kayo ng karangalan sa pagkapari
ay inilagay sa alinlangan ang kasalanang ibinibintang sa inyo; sa pagbabalot ng
pagkakamaling nagawa sa isang masamang sandali, at ang buong Pilipinas, sa
paggalang sa inyong alaala at pagtawag na kayo’y mga pinagpala, ay hindi lubos na
kinikilala ang inyong pagkakasala.
Samantala ngang hindi maliwanag na naipakikilalang ang inyong
pagkakasangkot sa pagkakagulo sa Kabite, maging bayani man kayo o hindi,
nagkaroon man o hindi ng hilig sa kalayaan, ay may karapatan akong ihandog sa inyo,
bilang ginahis ng kasamaang ibig kong bakahin, ang aking akda. At habang hinihintay
namin na kilalanin ng Espanya balang araw ang inyong kabutihan at hindi

18
makipanagot sa pagkakapatay sa inyo, ay maging putong na dahong tuyo man
lamang ang inyong liblib na libingan ang mga dahon ng aklat, at lahat nang walang
katunayang maliwanag na umupasala sa inyong alaala ay mabahiran nawa ang
kanilang kamay ng inyong dugo.”
Ayon sa pag-aaral hindi napatunayan ang pagkakasangkot ng tatlong paring
martir sa pag-aalsa sa Cavite. Hindi rin pinayagang muli ng mga Espanyol na
mabuksan ang kanilang kaso upang hindi na lumabas pa ang katotohanan.
Inihambing naman ni Ginoong Ambeth Ocampo ang Noli sa El Fili. Ayon sa
kanya, mas maraming hindi isinama si Rizal sa El Fili. May halos apatnapu’t pitong
(47) pahina ang tinanggal, nilagyan ng ekis, binura, at binago. Samantalang sa Noli
Me Tangere ay ang kabanata lamang tungkol kina Elias at Salome ang hindi niya
naisama sa pag-imprenta subalit buo ito at maaring isalin at pag-aralan din. Ayon din
sa kanya, noong 1925, binili ng pamahalaan ang orihinal na kopya ng nobela mula
kay Valentin Ventura.
Totoong binagtas ni Dr. Jose Rizal ang napakatinik na daan tungo sa kanyang
adhikain subalit siya’y nagtagumpay. Nakarating sa pinagpalang mga kamay ang
ikalawang obra maestrang El Filibusterismo na nagsilbi at patuloy na nagsisilbing
inspirasyon ng lahat ng Pilipino sa bansa at maging sa mga Pilipinong nasa iba’t ibang
bahagi ng mundo. Nawa’y isapuso nating lahat ang mga mensaheng taglay nito.

Sanggunian: Marasigan, Emily V. Pinagyamang Pluma 10. Quezon City, Philippines:


Phoenix Publishing House, Inc., 2015.(433-437)

Ngayon ay alam mo na ang kaligirang


pangkasaysayan ng El Filibusterismo, handa ka
nang pagyamanin ang iyong kaalaman.
Paghusayan ang iyong galing sa mga gawain.

Pagyamanin

Gawain A. Modipikadong Tama o Mali

19
Panuto: Isulat ang Tama kung ang pangyayari ay tumutukoy sa mga kondisyon
sa panahong isinulat ang El Filibusterismo. Isulat naman ang Mali kung hindi wasto
at isulat sa linya ang magpapawasto sa pangyayari kung mali ito. Piliin ang sagot sa
loob ng kahon. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

A. Marami D. Nasa mabuting kalagayan


B. Mahirap E. Gobernador-Heneral Jose Alejandrin
C. Leonor Rivera

_______1. Si Gobernador-Heneral Emilio Terrero ang namumuno sa bansa nang


sinimulan ni Rizal ang pagsulat ng ikalawang nobelang El Filibusterismo.
______________________
_______ 2. Higit na naging madali para kay Rizal ang pagsulat ng El Filibusterismo.
______________________
_______ 3. Nalagay sa panganib ang pamilya at iba pang mahal sa buhay ni Rizal
habang isinusulat niya ang nobelang ito.
_______________________
_______ 4. Ang ganda at kasiyahang hatid ng Paris ay nagbigay-inspirasyon sa
kanyang tapusin na ang kanyang nobela sa lugar na ito.
_______________________
_______ 5. Iilang pahina ang tinanggal, nilagyan ng ekis, binura, o hindi
isinama ni Rizal sa El Fili kaysa sa mga pahinang hindi niya isinama sa
Noli.
_______________________

Nagustuhan mo ba ang gawain sa itaas? Madalai


lang diba. Buksan mo pa ang kasunod na pahina
nang yumaman pa ang iyong kaalaman.
Paghusayan mo!

Gawain B: Paruparo ng Pagkatuto.


Tiyakin ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng
pagpapatunay ng pag-iral ng kondisyong ito sa kabuuan o ilang bahagi ng akda.
Masasabi nga bang umiral ang mga pangayayari sa kaligirang pangkasaysayan ng
akda sa mismong kabuuan o bahagi ng nobela? Patunayan ito sa pamamagitan ng
pagpuno ng detalye na magpapakitang sinasalamin ng kaligirang pangkasaysayan
ang ilang bahagi ng nobela gamit ang paruparong makikita sa ibaba. Gawin ito sa
iyong kuwaderno.

20
Pangyayari sa Kaligirang Pangyayari sa Nobela
Pangkasaysayan ng Nobela

___________________________
___________________________
___________________________ 1. Nagkaroon ng suliranin sa
___________________________ mga prayle si Kabesang Tales
___________________________ nang kinamkam nila ang
E
___________________________ L lupang kanyang lupang
___________________________ F
pinagyaman.
___________________________ I
L
_ I
B
U
S
T
E
_________________________ R
I 2. Nagpakasal kay Juanito
_________________________ S
_________________________ M ang katipan ni Isaganing si
O
_________________________ Paulita Gomez.
_________________________
_________________________

Magaling at nasagutan mo nang mahusay


ang mga naunang gawain.
Buksan mo pa ang kasunod na pahina upang
lalo mong maintidihan ang araling ito.
Galingan mo!

21
Isaisip

Tiyakin ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng


pagpapatunay sa pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda.Dumaan sa
napakaraming pagsubok at paghihirap si Rizal para lang matapos at mailimbag ang
nobela subalit hindi siya sumuko dahil sa matitinding layunin niya sa pagsulat na ito.
Base sa mga nabasa mo sa kaligirang pangkasaysayan, ilahad ang mga layunin o
adhikain niyang ito.

Mga Layunin o Adhikain ni Rizal sa Pagsulat ng El


Filibusterismo

Gawain B:
Ipaliwanag ang mga sumusunod na katanungan. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.

1. Makatarungan ba ang mga kondisyon ng lipunan sa pagsulat ng nobela?


Ipaliwanag.

2. Makatwiran ba ang naging layunin ni Dr. Jose Rizal sa pagsulat ng nobela?


Bakit?

22
Isagawa

Gumawa ng isang slogan na nagpapakita ng mga layunin ni Dr. Jose Rizal sa


pagsulat ng nobela. Gawin ito sa isang band paper.
Pamantayan sa Paggawa (Slogan ng Karunungan)
Mga
Pamantayan 5 4 3 2
Lubos na Naging Hindi gaanong Walang
nagmamalas ng malikhain ang naging ipinamalas na
Pagkamalikhain pagkamalikhain paghahanda malikhain sa pagkamalikhain
sa paghahanda. paghahanda. sa paghahanda.
Angkop na Angkop ang Hindi gaanong Hindi angkop
angkop ang mga salita at angkop ang ang mga salita
Kaangkupan sa mga salita at larawan ng mga salita at at larawan sa
Paksa larawan sa paksa. larawan sa paksa.
paksa. paksa.
Wasto ang Mayroong Mayroong iilan Marami ang di
gramatikang/ ilan na di na di wasto sa wasto sa
balarilang wasto sa gramitikang/ gramitikang/
Gramatika/ ginamit sa gramitikang/ balarilang balarilang
Balarila sanaysay. balarilang ginamit sa ginamit sa
ginamit sa sanaysay. sanaysay.
sanaysay.

23
Tayahin

Panuto: Tukuyin ang mga kondisyon sa panahong isinulat ang El Filibusterismo


batay sa kaligirang pangkasaysayan nito, patunay sa pag-iral ng kondisyong ito sa
kabuoan ng akda at layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda. Isulat ang sagot sa
sagutang papel
1. Sa anong nobela mas maraming pahina ang tinanggal, nilagyan ng ekis,
binura, o hindi isinama ni Rizal sa akda?
A. El Filibusterismo B. Isang Libo’t Isang Gabi
C. Noli Me Tangere D. Walang Sugat
2. Ano ang nangyari sa pamilya ni Rizal habang isinusulat niya ang kanyang
nobela?
A. humanga B. masaya
C. nalungkot D. nanganib
3. Ano ang ginawa ni Rizal sa mga bahagi ng nobela dahil sa tindi at bigat na
kanyang nadarama?
A. Ibinenta sa kakilala B. Inihagis sa apoy
C. Ipinatago sa kaibigan D. Itinapon sa basurahan
4. Saan siya mas nahirapan sa pagsulat sa dalawang nobela?
A. El Filibusterismo B. Hindi siya nahirapan.
C. Noli Me Tangere D. Parehong nahirapan
5. Ang mga sumusunod ay ginagawa ni Rizal upang makatipid lamang at
matustusan ang pagsusulat MALIBAN sa?
A. Nagsangla ng alahas.
B. Halos lumiban sa pagkain.
C. Nanggamot ng mga maysakit.
D. Naghugas ng pinggan sa karenderya
6. Ano ang ginawa ni Rizal upang matugunan ang kanyang pangangailagan
habang isinusulat ang nobela sa Brussels, Belgium?
A. Namasukan bilang katulong.
B. Nanggamot ng mga maysakit .
C. Nagbenta ng kanyang mga obra.
D. Naghugas ng pinggan sa mga karenderya.
7. Ang namumuno sa bansa nang sinimulan ni Rizal ang pagsusulat ng
ikalawang nobelang El Filibusterismo.
A. Gobernador Ferdinand Blumentritt
B. Gobernador- Heneral Emilio Terrero
C. Gobernador Maria Odulio de Guzman
D. Gobernador- Heneral Jose Alejandrino

24
8. Ano ang nagbigay-inspirasyon kay Rizal upang tapusin na ang kanyang
nobela?
A. Ang kasiyahan ng kanyang ina.
B. Ang ganda at kabaitan ni Leonor Rivera.
C. Ang ganda at kasiyahang hatid ng Paris.
D. Ang kabaitan ng mga tao doon sa Brussels, Belgium

9. Anong pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng nobela ang pangyayari


sa ibaba na umiral sa bahagi ng El Filibusterismo?
Nagpakasal kay Juanito ang katipan ni Isaganing si Paulita Gomez.
A. Nagpakasal si Maria Clara sa ibang lalaki.
B. Nagpakasal si Leonor Rivera sa ibang lalaki.
C. Nagpakasal si Josephin Bracken sa ibang lalaki.
D. Nagpakasal si Segunda Katigbak sa ibang lalaki.
10. Ano ang naisabay gawin ni Rizal habang isinusulat niya ang El Filibusterismo?
A. Pagsulat ng mga tula at iba pang mga akda.
B. Pagtuturo sa mga bata na nakikita niya sa mga lansangan.
C. Pagbisita sa mga kaibigan at pamamasyal sa magagandang lugar.
D. Pagguhit ng iba’t ibang guhit tungkol sa kabuktutan ng mga Espanyol
11. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit hindi agad natapos ang
pagpapalimbag ng aklat MALIBAN sa?
A. Naubos ang salaping kanyang natipid.
B. Nilimot ang pangakong tulong sa paglimbag ng nobela.
C. Hindi dumating ang hinihintay na salapi mula sa kanyang pamilya .
D. Tinanggal ni Rizal ang ibang bahagi ng nobela dahil sa sama ng loob.
12. Anong pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng nobela ang pangyayari
sa ibaba na umiral sa bahagi ng El Filibusterismo?
Pagkaroon ng suliranin ni Kabesang Tales sa pangangamkam ng mga prayle
kahit walang katibayan.
A. Pinag-uusig ng Espanyol ang kaibigan dahil sa usapin sa lupa.
B. Pinag-uusig ng Espanyol ang kapitbahay dahil sa usapin sa lupa.
C. Pinag-uusig ng Espanyol ang kaaway ni Rizal dahil sa usapin sa lupa.
D. Pinag-uusig ng Espanyol ang pamilya ni Rizal dahil sa usapin sa lupa.
13. Anong pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng nobela ang pangyayari
sa ibaba na umiral sa bahagi ng El Filibusterismo?
Nakita ni Simoun ang nagdusang ama at si Elias sa kanyang pangitain.
A. Nagkaroon ng iba’t ibang pangitain si Jose Rizal.
B. Nagkaroon ng iba’t ibang pangitain si Jose Alejandrino.
C. Nagkaroon ng iba’t ibang pangitain ang kapatid ni Rizal.
D. Nagkaroon ng masamang pangitain ang ina ni Jose Rizal.

25
14. Bakit pinagtibay ni Rizal ang kanyang loob upang ipagpatuloy at tapusin ang
nobela kahit kulang sa panustos mula sa pamilya?
A. Dahil sa pag-ibig ng taong-bayan kay Rizal.
B. Dahil sa inpirasyon mula sa kanyang pinakaiibig.
C. Dahil sa adhikaing imulat ang kaisipan ng mga Pilipino.
D. Dahil sa paghanga ng mga kababayan sa katapangan niya.
15. Ang mga sumusunod ay kabilang sa layunin sa pagsulat ni Rizal ng El
Filibusterismo MALIBAN sa?
A. Ilantad ang kabuktutan ng mga mananakop.
B. Imulat ang kaisipan at gisingin ang damdamin ng mga Pilipino.
C. Masalamin ng mga kabataan ang nakaraan ng ating mga ninuno.
D. Makamit ang minimithing pagbabago at kalayaan ng mga Pilipino.

Kahang-hanga ang iyong ipinakitang galing!


Ipagpatuloy mo pa ang iyong kagalingan na ipinamamalas.
Binabati kita!

Ngayon ay dagdagan pa natin ang iyong kaalaman. Sagutin


ang karagdagang gawain na susunod na pahina.
Paghusayan mo!

26
Karagdagang Gawain

Gawain: Itala, Pag-unawa


Buuin ang T-chart sa iyong kuwaderno at isulat ang pagkakapareho at
pagkakaiba sa kalagayan ng lipunan noong isinulat ang nobela at sa kasalukuyang
panahon.

Noong isinulat ang Kasalukuyang panahon


nobela (Pagkakaiba)
(Pagkakaiba) Pagkakatulad

Dahil matagumpay mong natapos ang ikalawang


aralin, tanggapin mo ang aking maligayang pagbati
para sa iyo!
Ngayon buksan mo ang kasunod na pahina nang
mapalawak pa ang iyong kaalaman sa modyul na
ito.
Gabayan ka nawa ng Panginoon.

27
Magkakaugnay na mga
Aralin
Pangyayari sa Pagkakasulat ng
3
El Filibusterismo

Alamin

Ang aralin 3 ay naglalaman ng mga magkakaugnay na pangyayari sa pagkakasulat


ng nobela. Ipinapakita rito ang mga pangyayari sa pagkakasulat ng El Filibusterismo
kagaya ng mga balakid o suliraning kinaharap ni Dr. Jose P. Rizal at
pagpatatagumpay nito.
Sa pagtatapos ng araling ito ikaw ay inaasahang:
 Naisasalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa pagkakasulat ng
El Filibusterismo. (F10PS-IVa-b-85)

Ngayon ay may kaunting ideya ka na tungkol sa


kung ano ang nilalaman at mga gawain sa araling
ito.
Ihanda ang iyong sarili para matapos mo ang mga
gawain nang mabuti.

Mga Tala para sa Guro

Ilalahad ng guro rito ang magkakaugnay na mga


pangyayari sa pagkakasulat ng nobela .

28
Subukin

Panuto: Tukuyin ang mga kondisyon sa panahong isinulat ang El Filibusterismo


batay sa kaligirang pangkasaysayan nito, patunay sa pag-iral ng kondisyong ito sa
kabuoan ng akda at layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Alin sa pagpipilian ang hindi ipinagbabawal ng pamahalaan sa mga nobela?


A. pag-aangkat B. pagpapakalat
C. pagpapalimbag D. pagtatago
2. Ano ang naramdaman ni Rizal bago pa man siya magsimulang isulat ang El
Filibusterismo?
A. lungkot B. panganib
C. saya D. takot
3. Ano ang ginawa niya sa kanyang mga alahas?
A. ibinenta B. ipinamigay
C. isinangla D. itinapon
4. Ano ang ginawa ni Rizal upang malayo siya sa panganib at ang kanyang pamilya?
A. kinaibigan ang mga Espanyol B. lumisan sa Pilipinas
C. sumuko sa pamahalaan D. umanib sa pamahalaan
5. Ano ang ginawa ni Rizal upang makatipid?
A. lumiban sa pagkain B. nakipagpalitan ng kanyang obra
C. namasukan D. nanghingi ng pagkain
6. Kanino niya ibinigay ang orihinal na manuskrito at nilagdaang sipi ng aklat ng
nobelang El Filibusterismo?
A. Dr. Ferdinand Blumentritt B. Gobernador- Heneral Emilio Terrero
C. Jose Alejandrino D. Valentin Ventura
7. Ang taong nakatulong kay Rizal para matuloy ang paglilimbag.
A. Ambeth Ocampo B. Dr. Ferdinand Blumentritt
C. Jose Alejandrino D. Valentin Ventura
8. Bakit nagkaroon ng problema si Rizal sa kanyang pamilya?
A. Dahil namatay ang kanyang ina.
B. Dahil lumayas ang kanyang ama.
C. Dahil hinahabol ng batas ang pamilya.
D. Dahil nagkasakit ang kanyang kapatid.
9. Bakit nagkaroon ng problema si Rizal sa kanyang puso?
A. Dahil hindi makahinga.
B. Dahil nahihirapang huminga.
C. Dahil nagkaroon ng sakit sa puso.
D. Dahil nagpakasal ang kanyang iniibig sa iba.

10. Bakit iilan lang ang nakalusot na kopya ng nobela ni Rizal sa Pilipinas?

29
A. Itinago ito ng pamahalaang Espanyol.
B. Sinunog ito ng pamahalaang Espanyol.
C. Ipinasira ito ng pamahalaang Espanyol.
D. Hinarang ito ng pamahalaang Espanyol.
11. Paano nakatulong ang kanyang adhikain sa bigat ng kanyang damdamin?
A. Ipinagtibay nito ang kanyang kalooban.
B. Nakapagpahinga siya sa tindi ng damdamin.
C. Gumaan ang kanyang loob sa bigat na pinapasan.
D. Naging masaya siyang tapusin ang kanyang layunin.
12. Bakit nahinto ang pagpapalimbag ni Rizal sa kanyang nobela?
A. Dahil nalaman ito ng mga Kastila.
B. Dahil ipinasira ng mga Espanyol ay palimbagan.
C. Dahil kinapos ng pondo si Rizal sa pagpapalimbag.
D. Dahil hindi na tinaggap ng palimbagan ang nobela ni Rizal.
13. Bakit ikinalungkot ni Rizal ang kawalan ng pagkakaisa ng mga Pilipinong Ilustrado
sa Espanya?
A. Dahil unti-unting naging mahina ang mga Pilipino.
B. Dahil nagkawatak-watak tuloy ang mga Pilipinong Illustrado.
C. Dahil hindi naging matibay ang mga Pilipino laban sa mga Espanyol.
D. Dahil sila sana ang pag-asa ng nakalugmok na mamamayang Pilipino.
14. Paano nakatulong kina Andres Bonifacio at sa kanyang kilusan ang akdang ito ni
Rizal?
A. Nakakuha sila ng ideya kung paano maghimagsik.
B. Gumaan ang kanilang loob laban sa mga Espanyol.
C. Nakita nila ang kabuktutan ng pamahalaang Espanyol.
D. Naiwaksi nito ang mga balakid na nakasagabal sa paghihimagsik.
15. Bakit nagkaroon ng problema si Rizal sa kanyang mga kaibigan?
A. Dahil trinaidor siya ng kanyang mga kaibigan.
B. Dahil nag-aaway-away ang kanyang mga kaibigan.
C. Dahil ipinasara ng kanyang kaibigan ang La Solidaridad.
D. Dahil lumayo ang kanyang kasamahan sa La Solidaridad.

Nasagot mo ba ng mahusay ang mga katangungan


sa itaas?
Huwag kang mag-alala, sapagkat ito’y pagsubok pa
lamang sa iyog kaalaman.
Halika, buksan ang kasunod na pahina nang
lumawak ang kaalaman mo.

30
Balikan

Bago mo simulang tuklasin at suriin ang mga magkakaugnay na pangyayari sa


pagkasulat ng El Filibusterismo ay mas mabuti na magbalik-tanaw tayo sa nakaraang
aralin. Sagutin ang tanong sa ibaba nang matulungan kang maalala ang mga
pangyayari.
Bakit isa sa mga naging daan ng pagsulat ni Dr. Jose Rizal ng nobela ay
ang pagpatay sa tatlong paring martir?

Tuklasin

Gawain: Kwentutunan
Basahin ang maikling kwento sa ibaba na nagpapakita ng mga pangyayari na
may pagkakatulad sa pagkakasulat ng El Filibusterismo. Pagkatapos ay buuin ang
grapikong pantulong matapos mong mabasa ang kuwento at isulat ang sagot sa loob
nito. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Laban ni Pedring
ni Mary Grace D. Madar

Si Pedring ay isang manunulat sa panitikan. Siya ay may isinusulat na


kwento tungkol sa mga maling pamamalakad ng pamahalaan, ngunit sa
kasamaang palad ay maraming mga namumuno ang hindi nagustuhan ang
kanyang isinulat kaya nagalit sila sa kanya at sinamsam nila ang aklat kung saan
dito nakasulat ang kuwento.
Nanganib ang buhay niya at ng kanyang pamilya, ngunit maraming tao ang
nagbigay ng suporta sa kanya. Ito ang dahilan kung bakit hindi pinanghinaan ng
loob si Pedring.
Ang tanging nais lamang niya ay magkaroon ng magandang sistema ang
pamahalaan. Di inalintana ni Pedring ang daan na kanyang tinatahak, gaano man
ito kahirap.

31
Sa kabila ng mga pangyayari, hindi tumigil sa Pedring sa pagsulat ng mga
kuwento upang ipabatid sa mga mamamayan ang baluktot na sistema at
pamamalakad ng mga nasa kapangyarihan.
Sa huli, nagtagumpay siya at napabagsak niya ang mga gahaman sa
kapangyarihan at simula noon nagbago na ang sistema ng kanilang pamahalaan.
Naging malaking tulong si Pedring sa pag-unlad at pagbabago sa kanilang bayan.
Kaya nararapat lamang nating ipaglaban ang ating karapatan lalo na kapag
alam natin na tama ang ating ginagawa dahil kung tayo ay magbubulag-bulagan
lamang ay walang magandang maidudulot sa ating at sa bayan.

Anong pangyayari sa kwentong binasa ang may pagkakatulad sa mga pangyayari


sa pagkakasulat ng nobela?

Pangyayari sa Kuwentong Pangyayari sa Kaligirang


binasa Pangkasaysayan ng
El Filibusterismo

32
Suriin

Ang kuwento sa naunang pahina ay may malaking kaugnayan sa Kaligirang


Pangkasaysayan sa araling ito. Hindi makaila na sa pagsusulat ng nobelang El
Felibusterismo ay kailangang pagdaanan ni Rizal ang napakadilim at napakatinik na
daan bago niya marating ang rurok ng tagumpay.
Bago pa man sinimulan ni Rizal ang pagsulat ng nobela ay ramdam na niya
ang panganib sapagkat ipinagbawal ng pamahalaan sa Pilipinas ang pag-aangkat,
pagpapalimbag, at pagpapakalat ng nobela. Subalit, dahil sa kanyang mithiin o
layunin, nilisan ni Rizal ang bansa upang maiwas siya at ang kanyang pamilya sa
kapahamakan at masimulang isulat ang nobelang El Filibusterismo. Sa pagsulat ng
nobela ay naranasan niya ang sari’t saring balakid. Kinulang siya ng pondo kaya’t
halos lumiban sa pagkain upang makatipid. Nagsangla siya ng kanyang mga alahas
upang matustusan ang pagsulat. Bukod dito, hadlang din sa kanya ang problema sa
puso, sa pamilya at sa mga kaibigan. Nabalitaan niya na ipinakasal ng magulang ang
kanyang iniirog sa iba. Inuusig ang kanyang pamilya ng pamahalaan dahil sa usapin
sa lupa at maling paratang. Nagkaroon siya ng iba’t ibang pangitain. Lumayo ang
kanyang kasamahan sa La Solidaridad at nawalan ng pagkakaisa ang mga Pilipinong
Ilustrado. Dahil sa bigat na pinapasan at tindi ng alalahanin, naisipan niyang sunugin
na lamang ang kanyang mga isinulat. Ngunit dahil sa layunin niyang imulat ang
kaisipan at gisingin ang damdamin ng mga Pilipino laban sa pang-aapi at pang-
aabuso ng pamahalaang Espanyol ay pinagtibay niya ang kanyang kalooban upang
ipagpatuloy at tapusin ang nobela. Nagkaroon man ulit ng problema dahil hindi
natapos ang paglilimbag ng aklat dahil kapos sa pambayad naging hulog ng langit
naman sa kanya ang kaibigang sa Valentin Ventura. Dumating ang tulong ng kaibigan
kaya’t natuloy ang nahintong paglilimbag. Natapos ang aklat at ipinadala ito sa
Hongkong at sa Pilipinas. Sa kasawiang palad ay nakuha ito sa Hongkong at ipinasira
ng pamahalaan ang mga sipi ng nobela. Ganoon paman, may ilang nakalusot na
nagbigay ng malaking tulong sa mga naghihimagsik lalong lalo na kay Andres
Bonifacio at sa Katipunan upang maiwaksi ang mga balakid sa paghihimagsik.
Mahirap man ang pinagdaanan ni Rizal subalit nagtagumpay naman siya sa
kanyang minimithi. Totoo nga ang kasabihang, “ Kailangan mong magsumikap upang
maabot ang pangarap.”

Paunlarin pa natin ngayon ang iyong


kaalaman.
Handa ka na ba? Buksan ang kasunod
na pahina.

33
Pagyamanin

Gawain A: Tama o Mali


Tukuyin ang mga sumusunod na salaysay batay sa magkakaugnay na
pangyayari sa El Filibusterismo. Isulat ang T kung Tama at M naman kung Mali.
_____1. Bago pa man simulan ang pagsulat ng El Filibusterismo ay ramdam na ni
Rizal ang kasiyahan sapagkat pinaunlakan ng pamahalaan ang paglimbag
ng nobela.
_____2. Nilisan ni Rizal ang bansa upang maiwas sa kapahamakan.
_____3. Dumating ang tulong mula sa kaibigan kaya natuloy ang pagpalimbag ng
nobela.
_____4. Ipinadala sa Pilipinas ang mga kopya ng aklat ngunit hindi ito nakalusot.
_____5. Ang nobela ni Rizal ay nagbigay tulong sa mga naghihimagsik.

Gawain B: Paglalayag sa Pagsusulat


Isalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa pagkakasulat ng El
Filibusterismo.
Magsalaysay o maglahad ng magkakaugnay na pangyayari sa pagkakasulat
ng El Filibusterismo base sa sumusunod na sitwasyon o pangyayari gamit ang
larawan sa ibaba. Gawin sa iyong kuwaderno.

Mga Balakid na Naranasan ni Rizal sa Pagsusulat


ng El Filibusterismo

34
Isaisip

Ipaliwanag ang magkakaugnay na pangyayari sa Kaligirang Pangkasaysayan


ng ElFilibusterismo. Isulat sa loob ng kahon ang sagot. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
1. Ano ang kaugnayan ng nobela sa pagpatay kay Dr. Jose Rizal?

2. Ano ang kaugnayan ng tatlong paring martir sa pagkasulat ng nobela?

3. Ano-anong mga pangyayari ang may kaugnayan sa pagkakasulat ni Dr. Jose Rizal
ng nobela?

35
Isagawa

Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng mga magkakaugnay na


pangyayari sa pagkakasulat ng nobela. Gawin ito sa bond paper.
Pamantayan sa Paggawa (Larawan ng Karunungan)
Mga
5 4 3 2
Pamantayan
Lubos na Naging Hindi gaanong Walang
Malikhaing nagmamalas ng malikhain ang naging ipinamalas na
Paggawa pagkamalikhain paghahanda. malikhain sa pagkamalikhain
sa paghahanda. paghahanda. sa paghahanda.

Angkop na Angkop ang Hindi gaanong Hindi angkop


angkop ang mga salita at angkop ang ang mga salita
Kaangkupan
mga salita at larawan ng mga salita at at larawan sa
sa Paksa
larawan sa paksa. larawan sa paksa.
paksa. paksa.

Wasto ang Mayroong ilan Mayroong Marami ang di


gramatikang/ na di wasto sa iilan na di wasto sa
Gramatika/ balarilang gramitikang/ wasto sa gramitikang/
Balarila ginamit. balarilang gramitikang/ balarilang
ginamit. balarilang ginamit.
ginamit.

36
Tayahin

Panuto: Tukuyin ang mga kondisyon sa panahong isinulat ang El


Filibusterismo batay sa kaligirang pangkasaysayan nito, patunay sa pag-iral ng
kondisyong ito sa kabuoan ng akda at layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang ginawa ni Rizal upang makatipid?


A. lumiban sa pagkain B. nakipagpalitan ng kanyang obra
C. namasukan D. nanghingi ng pagkain
2. Ano ang ginawa niya sa kanyang mga alahas?
A. ibinenta B. ipinamigay
C. isinangla D. itinapon
3. Ano ang naramdaman ni Rizal bago pa man siya magsimulang isulat ang El
Filibusterismo?
A. lungkot B. panganib
C. saya D. takot
4. Alin sa pagpipilian ang hindi ipinagbabawal ng pamahalaan sa mga nobela?
A. pag-aangkat B. pagpapakalat
C. pagpapalimbag D. pagtatago
5. Ano ang ginawa ni Rizal upang malayo siya sa panganib at ang kanyang pamilya?
A. kinaibigan ang mga Espanyol B. lumisan sa Pilipinas
C. sumuko sa pamahalaan D. umanib sa pamahalaan
6. Kanino niya ibinigay ang orihinal na manuskrito at nilagdaang sipi ng aklat ng
nobelang El Filibusterismo?
A. Dr. Ferdinand Blumentritt B. Gobernador-Heneral Emilio Terrero
C. Jose Alejandrino D. Valentin Ventura
7. Ang taong nakatulong kay Rizal para matuloy ang paglilimbag.
A. Ambeth Ocampo B. Dr. Ferdinand Blumentritt
C. Jose Alejandrino D. Valentin Ventura
8. Bakit iilan lang ang nakalusot na kopya ng nobela ni Rizal sa Pilipinas?
A. Itinago ito ng pamahalaang Espanyol.
B. Sinunog ito ng pamahalaang Espanyol.
C. Ipinasira ito ng pamahalaang Espanyol.
D. Hinarang ito ng pamahalaang Espanyol.
9. Bakit nagkaroon ng problema si Rizal sa kanyang puso?
A. Dahil hindi makahinga.
B. Dahil nahihirapang huminga.
C. Dahil nagkaroon ng sakit sa puso.
D. Dahil nagpakasal ang kanyang iniibig sa iba.

10. Bakit nahinto ang pagpapalimbag ni Rizal sa kanyang nobela?

37
A. Dahil nalaman ito ng mga Kastila.
B. Dahil ipinasira ng mga Espanyol ang palimbagan.
C. Dahil kinapos ng pondo si Rizal sa pagpapalimbag.
D. Dahil hindi na tinaggap ng palimbagan ang nobela ni Rizal.
11. Bakit nagkaroon ng problema si Rizal sa kanyang pamilya?
A. Dahil namatay ang kanyang ina.
B. Dahil lumayas ang kanyang ama.
C. Dahil hinahabol ng batas ang pamilya.
D. Dahil nagkasakit ang kanyang kapatid.
12. Paano nakatulong kina Andres Bonifacio at sa kanyang kilusan ang akdang ito ni
Rizal?
A. Nakakuha sila ng ideya kung paano maghimagsik.
B. Gumaan ang kanilang loob laban sa mga Espanyol.
C. Nakita nila ang kabuktutan ng pamahalaang Espanyol.
D. Naiwaksi nito ang mga balakid na nakasagabal sa paghihimagsik.
13. Bakit nagkaroon ng problema si Rizal sa kanyang mga kaibigan?
A. Dahil trinaidor siya ng kanyang mga kaibigan.
B. Dahil nag-aaway-away ang kanyang mga kaibigan.
C. Dahil ipinasira ng kanyang kaibigan ang La Solidaridad.
D. Dahil lumayo ang kanyang kasamahan sa La Solidaridad.
14. Paano nakatulong ang kanyang adhikain sa bigat ng kanyang damdamin?
A. Ipinagtibay nito ang kanyang kalooban.
B. Nakapagpahinga siya sa tindi ng damdamin.
C. Gumaan ang kanyang loob sa bigat na pinapasan.
D. Naging masaya siyang tapusin ang kanyang layunin.
15. Bakit ikinalungkot ni Rizal ang kawalan ng pagkakaisa ng mga Pilipinong illustrado
sa Espanya?
A. Dahil unti-unting naging mahina ang mga Pilipino.
B. Dahil nagkawatak-watak ang mga Pilipinong Illustrado.
C. Dahil hindi naging matibay ang mga Pilipino laban sa mga Espanyol.
D. Dahil sila sana ang pag-asa ng nakalugmok na mamamayang Pilipino.

Napakagaling ng iyong ipinakita sa araling


ito.
Binabati kita!
Ngayon, paghusayan mo pang lalo ang
susunod na gawain.

38
Karagdagang Gawain

Gawain: Tala Hanayan


Isulat sa loob ng kahon ang mga pangyayari sa bawat hanay. Gawin sa
iyong kuwaderno.

Pangyayari Upang
Pagsulat ng Iyong Pag-aaral
Matagumpayan
El Filibusterismo

Mahusay at nalagpasan mo ang lahat ng gawain sa


araling ito. Kapuri-puri ang iyong ginawa!
Ngayon ay lakasan mo pa ang iyong loob para
mapagtagumpayan mo ang kasunod na aralin. Laban
lang!

39
Pagbubuod ng Kaligirang
Aralin
Pangkasaysayan Gamit
4
ang Timeline

Alamin

Ang aralin 1.4 ay naglalaman ng timeline ng kaligirang pangkasaysayan ng


nobelang El Filibusterismo. Mababasa mo sa timeline na ito ang mga mahahalagang
petsa at pangyayari sa pagbuo ni Dr. Jose P. Rizal ng nobelang ito.
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
 Naisusulat ang buod ng kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo
batay sa ginawang timeline. (F10PU-IVa-b-85)

May ideya ka na ngayon sa maaaring nilalaman at


gawain sa aralin 4. Alam kong magagawa mo nang
mahusay ang mga gawain sa araling ito sapagkat,
ako’y may tiwala sa galing na taglay mo.
Buksan mo ang kasunod na pahina nang masimulan
natin ang araling ito.

Mga Tala para sa Guro

Ilalahad dito ng guro ang kaligirang pangkasaysayan ng El


Filibusterismo batay sa timeline.

40
Subukin

Panuto: Para sa bilang 1-5, tukuyin ang pagkasunod-sunod ng pangyayari sa


pagsulat ni Rizal ng nobelang El Filibusterismo. Isulat ang sagot sa sagutang papel
1. Sinimulan ang pagsulat ng El Filibusterismo sa London, England.
A. ikalawa B. ikalima
C. ikatlo D. una
2. Binalangkas ni Rizal ang El Filibusterismo.
A. ikaapat B. ikalima
C. ikatlo D. una
3. Ipinadala at sinamsam ang El Filibusterismo sa Honkong.
A. ikaapat B. ikalawa
C. ikalima D. ikatlo
4. Natapos ang sulat-kamay na nobelang El Filibusterismo.
A. ikaapat B. ikalawa
C. ikatlo D. una
5. Naipalimbag ang sulat-kamay ng El Filibusterismo.
A. ikaapat B. ikalawa
C. ikalima D. ikatlo

Panuto: Tukuyin ang panahon at pangyayari sa pagsulat ni Rizal ng nobelang El


Filibusterismo.
6. Kailan binalangkas ni Rizal ang El Filibusterismo?
A. 1875 B. 1885
C. 1895 D. 1985
7. Kailan naman natapos ang sulat-kamay ng nobelang El Filibusterismo?
A. Marso 1891 B. Abril 1891
C. Setyembre 1891 D. Marso 1892
8. Anong taon sinimulan ni Rizal ang pagsulat ng El Filibusterismo?
A. 1885 B. 1890
C. 1895 D. 1980
9. Anong taon ipinadala at nasamsam ang El Filibusterismo sa Hongkong?
A. 1885 B. 1890
C. 1891 D. 1980
10. Anong taon ipinuslit at naipasara ng pamahalaan ang mga nakumpiskang
nobela?
A. 1885 B. 1891
C. 1896 D. 1980

41
11. Anong pangyayari ang nangyari noong Setyembre 1891?
A. Ipinadala at nasamsam ang El Filibusterismo sa Hongkong.
B. Sinimulan ang pagsulat ng El Filibusterismo sa London, England.
C. Naipalimbag ang sulat-kamay ng El Filibusterismo sa Ghent, Belgium.
D. Ipinuslit at naipasara ng pamahalaan ang mga nakumpiskang nobela.
12. Anong pangyayari ang nangyari noong 1890?
A. Ipinadala at nasamsam ang El Filibusterismo sa Hongkong.
B. Sinimulan ang pagsulat ng El Filibusterismo sa London, England.
C. Natapos ang sulat-kamay na nobelang El Filibusterismo sa Brussels.
D. Naipalimbag ang sulat-kamay ng El Filibusterismo sa Ghent, Belgium.
13. Anong pangyayari ang nangyari noong Marso 1891?
A. Ipinadala at nasamsam ang El Filibusterismo sa Hongkong.
B. Sinimulan ang pagsulat ng El Filibusterismo sa London, England.
C. Natapos ang sulat-kamay na nobelang El Filibusterismo sa Brussels.
D. Naipalimbag ang sulat-kamay ng El Filibusterismo sa Ghent, Belgium.
14. Anong pangyayari ang nangyari noong taong 1885?
A. Binalangkas ang El Filibusterismo.
B. Ipinadala at nasamsam ang El Filibusterismo sa Hongkong.
C. Natapos ang sulat-kamay na nobelang El Filibusterismo sa Brussels.
D. Naipalimbag ang sulat-kamay ng El Filibusterismo sa Ghent, Belgium.
15. Anong pangyayari ang nangyari noong taong 1891?
A. Binalangkas ang El Filibusterismo.
B. Ipinadala at nasamsam ang El Filibusterismo sa Hongkong.
C. Natapos ang sulat-kamay na nobelang El Filibusterismo sa Brussels.
D. Naipalimbag ang sulat-kamay ng El Filibusterismo sa Ghent, Belgium.

Balikan

Bago natin tatalakayin ang araling ito ay magbalik-aral muna tayo sa nakaraan
nating aralin. Makatutulong sa iyong pagbabalik-tanaw ang pagsasaayos ng ginulong
mga titik na tumutukoy sa nakaraang aralin. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
U Y N M A A A G K G -

1. M ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ Y


I P N G A Y Y A A R

2. P ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ I


P G A K A L S U A T

3. P ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ T

42
Tuklasin

Gawain: Kuwentutunan
Basahin ang maikling kwento sa ibaba na nagpapakita ng pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari at bumuo ng timeline gamit ang kuwento.

Ang Paglalakbay ni Bai


ni Mary Grace D. Madar

Si Bai ay mahilig maglakbay. Noong Desyembre 25, 2016, ang kanyang


buong pamilya ay nagtungo sa Japan upang doon magdiwang ng kapaskuhan.
Doon ay natunghayan ng loon pamilya ang nakakabighaning ganda ng pamusong
cherry blossom at Mt. Fuji. Natikman din nila ang masasarap na pagkain ng mga
Hapon. Naging masaya ang buong pamilya. Sa taon 2017 naman ipinagdiwang ni
Bai ang kanyang kaarawan sa malaparaisong ganda ng bansang Iceland kung saan
niregaluhan siya ng kanyang ina ng mamahaling relo. Doon ay namangha sila sa
naggagandahang tanawin na animo'y ibang dimensyon ng daigdig. Doon din nila
naranasan ang mamangka sa naggagandang lawa ng Iceland.
Noong naging binata na siya ay naglakbay siyang mag-isa sa South Korea
na tinaguriang "The Land of Morning Calm" upang makita ang kanyang mga
iniidulong K-POP artist. Ito ay naganap noong ikalabing isa ng Marso taong 2019.
Punong-puno ng kagalakan si Bai dahil unang karanasan niya iyon na maglakbay
mag-isa lang. Sa una ay nahihirapn siya dahil hindi siya sanay na maglakbay mag-
isa dahil nasanay siyang kasama palagi ang buong pamilya ngunit di ito inalintana
ni Bai sa halip ang nilibang ang sarili sa bagong kultura na kanyang matututunan at
karanasan na kanyang mararanasan. Napag-isipan niyang mag-aral ng kolehiyo
sa Amerika noong Enero 2020 sa kursong engineering at doon na rin siya
nakapagtapos ng pag-aaral.
Hindi nagtapos ang kanyang paglalakbay sa pagtatapos niya sa kolehiyo.
Mas marami pang mga bansa ang nilakbay ni Bai. Ang paglalakbay ng tao ay
nagpapalawak sa kanyang kaalaman lalong-lalo na sa kultura ng iba't ibang bansa.
Ito rin ay nagbibigay ng masasayang alaala at karanasan.
Kaya tayo ng maglakbay at alamin ang natatanging ganda ng ating mundo.

43
Naibigan mo ba ang kuwentong ginawa
ko para sa iyo?
Kung gayon pag-isipan ang gawaing ito.

Gawain: Tren ni Bai sa Paglalakbay


Panuto: Gumawa ng timeline tungkol sa paglalakbay ni Bai. Isulat ang sagot sa
loob ng bawat kahon sa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Petsa Petsa Petsa Petsa Petsa

Timeline
ni Bai

Suriin

Ang kuwento sa naunag pahina ay may pagkaka-ugnay sa araling ito na kung


saan ay tumatalakay sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa pagbuo ni Rizal
ng kanyang nobelang El FIlibusterismo. Suriin kung paano nabuo ni Rizal ang
nobelang ito.
Sinimulang isulat ni Rizal ang El FIlibusterismo sa London noong 1890. Ayon
kay Maria Adulio de Guzman, binalangkas ni Rizal ang pagkatha nito noong mga
huling buwan ng 1884 at mga unang buwan ng 1885 nang isinusulat pa niya ang Noli.
Nang matapos ito noong Marso 29, 1891 sa Brussels, Belgium at makahanap ng
murang palimbagan, ang palimbagang F. Meyer van Loo sa Ghent, Belgium ay
ipinadala niya ang manuskrito sa kaibigang si Jose Alejandrino. Hindi natapos ang
paglilimbag dahil kinapos siya sa pera. Dumating ang tulong mula sa kaibigang si
Valentin Ventura. Natuloy at natapos ang paglilimbag noong Setyembre 1891. Sa
parehong taon ay ipinadala niya ang karamihan ng mga aklat sa Hongkong ngunit
nasamsam ito. Ipinasara naman ng Pamahalaang Espanyol ang mga sipi ng nobela
sa Pilipinas ngunit may ilang nakalusot na nagbigay inspirasyon sa mga Pilipinong
naghihimagsik.

44
Pagyamanin

Gawain A: Isunod-sunod
Sa pagkakataong ito ay punan mo ng tamang petsa ang inihandang timeline sa
ibaba. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

A. 1881 C. 1887 E. 1891 G. Marso 1891


B. 1885 D. 1890 F. !895 H. Setyembre 1891

1. ___________ 3. ___________ 5. ____________


-nang binalangkas -Brussels, Belgium, Hongkong, ipinadala at
ni Rizal ang El natapos ang sulat- nasamsam ang El
Filibusterismo kamay na Filibusterismo.
nobelang El Pilipinas, ipinuslit at
Filibusterismo naipasara ng
pamahalaan ang mga
nakumpiskang nobela

2. ____________ 4. _____________
-London, England, -Ghent, Belgium,
sinimulan ang naipalimbag ang
pagsulat ng El sulat-kamay ng El
Filibusterismo Filibusterismo

Nagawa mo ba nang maayos ang gawain sa itaas? Kung


ganoon, limang bagsak para sa iyo!
Ngayon ay handang-handa ka ng gawin ang isa pang
gawain na tutulong lubos kang mahasa sa nilalaman ng
aralng ito.

mo.

45
Gawain B. Hagdan-Hagdan ng Karunungan
Pagkatapos mong mapag-aralan ang kaligirang pangkasaysayan ng nobela ay
gawan mo ito ng buod batay sa timeline. Gamitin ang story ladder sa pagbuo nito.
Gawin sa iyong kuwaderno.

46
Isaisip

Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa ibaba. Gawin sa iyong kuwaderno.

1. Kung ikaw si Dr. Jose P. Rizal, ipagpapatuloy mo pa ba ang pagsulat ng nobela sa


kabila ng mga panganib na kinakaharap? Ipaliwanag ang sagot.

2. Ano-anong mga balakid ang kinaharap ni Dr. Jose Rizal sa pagsulat ng nobela?
Patunayan ito.

3. Nakatulong ba kay Dr. Jose Rizal ang kanyang paglalakbay upang


mapagtagumpayan ang nobela?

47
Isagawa

Bumuo ng isang travelog ayon sa nabuong timeline.


Pamantayan sa Paggawa (Karunungan! Itravelog Ko ‘Yan)
Mga
5 4 3 2
Pamantayan

Pagkakasunod- Wasto ang Mayroong ilan Mayroong iilan Marami ang di


sunod ng pagkakasunod- na di wastong na di wastong wastong
pangyayari sunod ng mga pagkakasunod- pagkakasunod- pagkakasunod-
pangyayari. sunod ng mga sunod ng mga sunod ng mga
pangyayari. pangyayari. pangyayari.
Wasto ang Mayroong ilan Mayroong iilan Marami ang di
gramatikang/ na di wasto sa na di wasto sa wasto sa
Gramatika/
balarilang gramitikang/ gramitikang/ gramitikang/
Balarilang
ginamit sa balarilang balarilang balarilang
katha. ginamit sa ginamit sa ginamit sa
katha. katha. katha.
Angkop na Angkop ang Hindi gaanong Hindi angkop
angkop ang mga angkop ang ang mga
Kaangkupan sa
mga pangyayari sa mga pangyayari sa
Paksa
pangyayari sa paksa. pangyayari sa paksa.
paksa. paksa.

48
Tayahin

Panuto: Tukuyin ang pagkasunod-sunod ng pangyayari sa pagsulat ni Rizal ng


nobelang El Filibusterismo. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ipinadala at sinamsam ang El Filibusterismo sa Honkong.


A. ikaapat B. ikalawa
C. ikalima D. ikatlo
2. Binalangkas ni Rizal ang El Filibusterismo.
A. ikaapat B. ikalima
C. ikatlo D. una
3. Naipalimbag ang sulat-kamay ng El Filibusterismo.
A. ikaapat B. ikalawa
C. ikalima D. ikatlo
4. Natapos ang sulat-kamay na nobelang El Filibusterismo.
A. ikaapat B. ikalawa
C. ikatlo D. una
5. Sinimulan ang pagsulat ng El Filibusterismo sa London, England.
A. ikalawa B. ikalima
C. ikatlo D. una

Panuto: Tukuyin ang panahon at pangyayari sa pagsulat ni Rizal ng nobelang


El Filibusterismo.
6. Anong taon ipinadala at nasamsam ang El Filibusterismo sa Hongkong?
A. 1885 B. 1890
C. 1891 D. 1980
7. Kailan naman natapos ang sulat-kamay ng nobelang El Filibusterismo?
A. Marso 1891 B. Abril 1891
C. Setyembre 1891 D. Marso 1892
8. Anong taon ipinuslit at naipasara ng pamahalaan ang mga nakumpiskang nobela?
A. 1885 B. 1891
C. 1896 D. 1980
9. Anong taon sinimulan ni Rizal ang pagsulat ng El Filibusterismo?
A. 1885 B. 1890
C. 1895 D. 1980
10. Kailan binalangkas ni Rizal ang El Filibusterismo?
A. 1875 B. 1885
C. 1895 D. 1985

49
11. Anong pangyayari ang nangyari noong Setyembre 1891?
A. Ipinadala at nasamsam ang El Filibusterismo sa Hongkong.
B. Sinimulan ang pagsulat ng El Filibusterismo sa London, England.
C. Ipinuslit at naipasara ng pamahalaan ang mga nakumpiskang nobela.
D. Naipalimbag ang sulat-kamay ng El Filibusterismo sa Ghent, Belgium
12. Anong pangyayari ang nangyari noong 1890?
A. Ipinadala at nasamsam ang El Filibusterismo sa Hongkong.
B. Sinimulan ang pagsulat ng El Filibusterismo sa London, England.
C. Natapos ang sulat-kamay na nobelang El Filibusterismo sa Brussels.
D. Naipalimbag ang sulat-kamay ng El Filibusterismo sa Ghent, Belgium.
13. Anong pangyayari ang nangyari noong taong 1891?
A. Binalangkas ang El Filibusterismo.
B. Ipinadala at nasamsam ang El Filibusterismo sa Hongkong.
C. Natapos ang sulat-kamay na nobelang El Filibusterismo sa Brussels.
D. Naipalimbag ang sulat-kamay ng El Filibusterismo sa Ghent, Belgium.
14. Anong pangyayari ang nangyari noong taong 1885?
A. Binalangkas ang El Filibusterismo.
B. Ipinadala at nasamsam ang El Filibusterismo sa Hongkong.
C. Natapos ang sulat-kamay na nobelang El Filibusterismo sa Brussels.
D. Naipalimbag ang sulat-kamay ng El Filibusterismo sa Ghent, Belgium.
15. Anong pangyayari ang nangyari noong Marso 1891?
A. Ipinadala at nasamsam ang El Filibusterismo sa Hongkong.
B. Sinimulan ang pagsulat ng El Filibusterismo sa London, England.
C. Natapos ang sulat-kamay na nobelang El Filibusterismo sa Brussels.
D. Naipalimbag ang sulat-kamay ng El Filibusterismo sa Ghent, Belgium.

Napakahusay! Natapos mo nang mahinusay ang


gawaing ito. Madali lang diba?
Buksan mo pa ang kasunod na pahina upang
matapos mo na ang araling ito. Siguradong
makakatulong ito sa plano mo sa buhay.

50
Karagdagang Gawain

Kagaya ni Rizal sa pagsusulat niya ng kanyang nobelang El Filibusterismo,


siya’y dumaan sa maraming pagsubok bago makamit ang adhikain. Ilang taon din
ang dumaan bago niya natapos ang kanyang nobela. Ngayon ay ikaw naman ang
gumawa ng timeline ng iyong buhay. Dalawampong taon (20 years) mula ngayon,
magiging ano kana sa iyong buhay?

2035 2020

2030 2025

Sa wakas natapos mo nang matagumpay ang araling


ito. Bilib ako sa husay mo. Kahanga- hanga ka!
Ngayong natapos mo na ang araling ito, sigurado
akong punong-puno ka na ng karunungan na
magagamit mo sa susunod na aralin.

51
Aralin Lingguhang Pangwakas na
5 Gawain

Alamin

Ang aralin 5 ay naglalaman ng ilang salitang ginamit sa kaligirang


pangkasaysayan ng nobelang El Filibusterismo. Kabilang din dito ang mga kondisyon
ng lipunan sa panahong isinulat ang akda. Dito mo rin makikita ang mga patunay sa
umiral na mga kondisyon na makikita sa nobela. Ang mga magkakaugnay na
pangyayari sa pagkakasulat ng nobela. Nagpapakita rin ito ng mga pangyayari sa
pagkakasulat ng El Filibusterismo kagaya ng mga balakid o suliraning kinaharap ni
Dr. Jose P. Rizal at pagpatatagumpay nito.

Tayahin

Sumulat ng isang sanaysay na nagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyon ng


lipunan sa panahong isinulat ang akda at mga magkakaugnay na mga pangyayari sa
pagkakasulat ng nobela. Gamitin ang sumusunod na salita sa ibaba at salungguhitan
ito.Gawin ito sa sagutang papel.
 himagsik
 panganib
 pang-aalipin
 kinamkam
 malantad

Sa pagkakataong ito ay handang-handa ka na


para sa pangwakas na gawain.
Ipakita ang iyong galing sa araling ito.

52
Pamantayan sa Paggawa (Sa Sanaysay, Ako’y Mahusay)
Mga
25 20 15 10
Pamantayan
Kompleto ang May dalawang Isang istraktura Walang
istrakturang istrakturang lamang ang istraktura ang
Istraktura ginamit sa ginamit sa ginamit sa sanaysay.
sanaysay. sanaysay. sanaysay.

Wasto ang Mayroong ilan Mayroong iilan Marami ang di


gramatikang/ na di wasto sa na di wasto sa wasto sa
balarilang gramitikang/ gramitikang/ gramitikang/
Gramatika/ ginamit sa balarilang bararilang balarilang
Balarila sanaysay. ginamit sa ginamit sa ginamit sa
at Angkop na sanaysay. sanaysay. sanaysay.
Kaangkupan angkop ang Angkop ang Hindi gaanong Hindi angkop
sa Paksa mga kaisipan mga kaisipan angkop ang ang mga
sa paksa. sa paksa. kaisipan sa kaisipan sa
paksa. paksa.

Mabuhay! Ikaw ay nagtagumpay. Napakahusay ng iyong angking


galing sa pagsagot at paggawa ng iba't ibang gawain sa modyul
na ito.
Nawa ay nakatulong ang modyul na ito upang mas lalo pang
mapaunlad ang iyong kaalaman tungo sa iyong ikatatagumpay sa
buhay.
Isang masayang pagbati sa iyo at ipagpatuloy mo pa ang
kagalingan sa susunod na mga modyul.
Nawa ay patnubayan ka ng Poong Lumikha.

53
54
ARALIN 2 ARALIN 1
Subukin Tayahin Subukin Isaisip
1. D 1. A 1. D 1. D
2. A 2. D 2. C 2. C
3. A 3. B 3. D 3. E
4. B 4. A 4. C 4. B
5. B 5. C 5. C 5. A
6. B 6. B 6. B
7. C 7. B 7. D Tayahin
8. D 8. C 8. B 1. D
9. B 9. B 9. C 2. C
10. A 10. C 10. A 3. C
11. C 11. D 11. C 4. D
12. C 12. D 12. B 5. D
13. D 13. A 13. A 6. C
14. D 14. C 14. A 7. B
15. C 15. C 15. C 8. A
9. A
Tuklasin Tuklasin 10. C
1. / 1. C 11. A
2. x 2. G 12. B
3. / 3. A 13. C
4. / 4. B 14. C
5. x 5. E 15. B
Pagyamanin Pagyamanin
1. Tama 1. E
2. Mali (B) 2. B Karagdagang Gawain
3. Tama 3. J 1. nanganganib
4. Tama 4. G 2. hinimok
5. Mali (A) 5. H 3. balakid
6. A 4. sipi
7. I 5. nawaksi
Ang ibang gawain sa modyul ay 8. F
naaayon sa sagot ng guro. 9. C
10. D
Ang ibang gawain sa modyul
ay naaayon sa sagot ng guro.
Susi sa Pagwawasto
55
ARALIN 4 ARALIN 3
Subukin Pagyamanin Subukin Pagyamanin
1. A 1. B 1. D 1. M
2. D 2. D 2. B 2. T
3. C 3. G 3. C 3. T
4. C 4. H 4. B 4. M
5. A 5. E 5. A 5. T
6. B 6. D
7. A 7. D
8. B 8. C
9. C 9. D
10. B 10. C
11. C 11. A
12. B 12. C
13. C 13. D
14. A 14. D
15. B 15. D
Tayahin Tayahin
1. C 1. A
2. D 2. A
3. A 3. B
4. C 4. D
5. A 5. B
6. C 6. D
7. A 7. D
8. B 8. C
9. B 9. D
10. B 10. C
11. C 11. C
12. B 12. D
13. B 13. D
14. A 14. A
15. C 15. D
Ang ibang gawain sa modyul Ang ibang gawain sa modyul
ay naaayon sa sagot ng guro. ay naaayon sa sagot ng guro.
Sanggunian

Aklat

Marasigan, Emily V. Pinagyamang Pluma 10. Quezon City, Philippines: Phoenix


Publishing House, Inc., 2015.

Internet

“Tatsulok-Bamboo.” SongLyrics.com.Accessed July 2, 2020.


http://www.songlyrics.com/bamboo/tatsulok-lyrics/.6

56
Liham na Nagbibigay Pahintulot

Hunyo 19, 2020

Binigyan ko ng pahintulot si Gng. Mary Grace M. Digna-Madar ng Mataas na


Paaralang Pambansa ng Kalilangan, Ninoy Aquino, Bukidnon na gamitin ang aking
guhit sa kanyang Alternative Delivery Mode sa Ikaapat na Markahan; Kaligirang
Pangkasaysayan ng El Filibusterismo- Modyul 1 para sa Filipino 10.

REMUEL B. DELA CRUZ

57
58
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like