1ST Quarter Test-Ap 5

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA

ARALING PANLIPUNAN – V

Pangalan: _________________________________________ Iskor: ______________________


Baitang: ___________________________________________ Petsa:
______________________

1. Alin sa mga sumusunod na ang nagsasabi ng katangian ng isang lugar para maituring na isang
bansa?
A. Pinamamahalaan ng iba pang bansa
B. May ibat-ibang wika, pamana, at lahi
C. May magkakaibang pananampalataya
D. May mga mamamayang naninirahan sa bansa

2. Saang bahagi ng Asya matatagpuan ang Pilipinas?


A. Timog-Kanluran C. Pinakatimog ng Mundo
B. Timog-Silangan D. Gitnang-Silangan

Gamit ang Mapa. Sagutin ang mga katanungan bilang 3 – 7.


3. Alin sa mga sumusunod na bansa ang nasa Hilagang bahagi ng Pilipinas?
A. Borneo C. Malaysia
B. Indonesia D. Taiwan

4. Saang direksyon ng Pilipinas matatagpuan ang Pacific Ocean?


A. Hilaga C. Silangan
B. Kanluran D. Timog

5. Saang bahagi ng Pilipinas matatagpuan ang Borneo?


A. Hilagang-Kanluran C. Timog-Kanluran
B. Hilagang-Silangan D. Timog-Silangan

6. Anong anyong tubig ang makikita sa Hilagang-Kanluran ng Pilipinas?


A. Java Sea C. Pacific Ocean
B. Indian Ocean D. South China Sea

7. Nasa Hilagang-Kanluran ng Pilipinas ang mga isla ng Hainan. Ano ang isinasaad ng
pangungusap?
A. Tama C. Hindi kapanipaniwala
B. Mali D. Minsan totoo
8. Ano ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas?
A. 4˚ - 20˚ H latitude at 116˚ - 127˚ S longhitud
B. 4˚ - 21˚ H latitude at 116˚ - 126˚ S longhitud
C. 4˚ - 20˚ H latitude at 116˚ - 127˚ S longhitud
D. 4˚ - 21˚ H latitude at 116˚ - 127˚ S longhitud

9. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang angkop na paglalarawan sa Pilipinas?


A. Ang Pilipinas ay kapuluang napapaligiran ng lupa.
B. Ang Pilipinas ay kapuluang napapaligiran ng tubig.
C. Sa Pilipinas matatagpuan ang lahat na uri ng hayop.
D. Ang Pilipinas ay ang may pinakamataas na populasyon.

Gamit ang mapa. Sagutin ang mag katanungan sa bilang 10 – 11.

10. Mula Pilipinas, paano mo mailalarawan ang distansya ng Estados Unidos?


A. malapit sa Pilipinas C. Napakalayo sa Pilipinas
B. katabi ng Pilipinas D. Napakalapit sa Pilipinas

11. Kung ihahambing mo sa kapuluan ng Indonesia, ano ang masasabi mo sa lawak ng teritoryo ng
Pilipinas?
A. kasinlaki C. Mas malaki
B. mas maliit D. Malaking-malaki

12. Ilarawan ang Pilipinas.


1) Malapit ito sa ekwador.
2) Nasa mababang latitude ito.
3) Nasa pagitan ito ng ekwador at Tropiko ng Kanser.
4) Pahilis ang natatanggap na sikat ng araw nito.

A. 1,2,3 B. 2,3,4 C. 1 at 2 D. 3 at 4

13. Malamig ang klima sa Baguio kaya maraming ________________.


A. lansones C. Strawberries
B. mansanas D. Ubas

14. Saang lungsod nakapagtala ng pinakamataas na temperatura?


A. Lungsod ng Tuguegarao C. Lungsod ng Baguio
B. Lungsod ng Tagaytay D. Metro Manila

15. Aling pangungusap ang maling paglalarawan tungkol sa temperatura ng isang lugar?
A. Kainaman ang temperatura sa Pilipinas.
B. Hindi magkatulad ang tindi ng init at lamig sa Pilipinas.
C. Malamig ang klima ng mga lugar na mataas ang kinaroroonan.
D. May kinalaman ang kinaroroonang latitude ng mga lugar sa temperatura.

16. Saang direksiyon sa Pilipinas naroroon ang kinaroroonan ng Dagat Kanlurang Pilipinas?
A. Timog at Kanluran C. Hilaga at Kanluran
B. Timog at Silangan D. Hilaga at Silangan

17. Ano ang tawag sa namumuno ng pamahalaang barangay ng mga sinaunang Pilipino?
A. Hari C. Sultan
B. Datu D. Kapitan

18. Ano ang ibig sabihin ng balangay na pinagmulan ng salitang barangay?


A. Malawak na Dagat C. Sasakyang pandagat
B. Maliit na Bangka D. Barko

19. Ano ang tawag sa tagapaghatid ng balita sa isang barangay?


A. Alipin C. Panglima
B. Lakan D. Umalohokan
20. Ano ang sistema ng pamamahala ng mga nasasakupan ayon sa relihiyong Islam?
A. Barangay C. Pamahalaan
B. Karadyaan D. Sultanato

21. Ano ang tawag sa lupon ng mga tagapayo ng Sultan?


A. Babaylan C. Muslim
B. Lupon ng Matatanda D. Ruma Bichara

22. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga katangian ng Sultanato at ng Barangay?
A. Isang Pamahalaan C. May teritoryo
B. May Nasasakupan D. May layang bumoto

23. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga punong tagapamahala at tagagawa ng batas
na kanila ring ipinatutupad sa mga nasasakupan?
A. Datu C. Raha
B. Lakan D. Konseho ng Matatanda

24. Ilang pamilya ang bumubuo ng sinaunang barangay?


A. 300 – 1000 C. 100 – 300
B. 200 – 500 D. 30 – 100

25. Alin sa mga sumusunod ang may pinakamataas na antas na pamumuhay sa sinaunang
lipunan?
A. Mabu-bangsa C. Mangangalakal
B. Maharlika D. Timawa

26.Paano naging alipin ang isang tao noong sinaunang panahon?


A. Kapag walang ikinabubuhay.
B. Kapag mahina at sakitin ang isang tao.
C. Kapag hindi nakabayad ng malaking pagkakautang.
D. Kapag siya ay mahirap at kailangan ng matutuluyan.

27. Anong uri ng alipin ang pinahihintulutang magkaroon ng sariling ari-arian, makapag-asawa at
hindi maaring ipagbili ng kanilang amo?
A. Aliping namamahay C. Aliping timawa
B. Aliping Saguiguilid D. Aliping malaya

28. Maari bang matanggal ang pagiging alipin?


A. Maari kung mapatay niya ang taong umalipin sa kanya.
B. Hindi, dahil ang isinilang na alipin hanggang kamatayan ay alipin.
C. Hindi, dahil kapag ipinagbili siya habambuhay na siyang magiging alipin.
D. Maari, kung makababayad siya sa pagkakautang o napagsilbihan na ang kanyang parusa.

29. Ano ang pinakamababang pangkat ng mga tao sa lipunan noong sinaunang panahon?
A. Timawa C. Kababaihan
B. Mandirigma D. Alipin

30. Ano ang unang tirahan ng mga sinaunang Pilipino?


A. Kugon C. Bangka
B. Kweba D. Bahay Kubo

31. Ano ang tawag sa bigay-kaya ng sinaunang kalalakihang Pilipino sa kanilang mapapangasawa?
A. Alay C. Dote
B. Aginaldo D. Handog

32. Ano ang tawag sa pang-itaas na kasuotan ng mga sinaunang kalalakihan?


A. Baro C. Kamisa-Tsino
B. Barong D. Kangan
33. Alin sa mga sumusunod ang hindi tungkulin ng isang babaylan o katalonan?
A. Tagapamuno sa mga ritwal.
B. Mamuno sa isang pangkat ng kababaihan na nais mag-alsa.
C. Manggamot sa mga maysakit at may di pangkaraniwang karamdaman.
D. Mapanatili ang tradisyong pasalita at mapasa nito sa susunod na lahi.

34. Ano ang alpabetong ginagamit ng mga sinaunang Pilipino sa pagsulat?


A. Abakada C. Baybayin
B. Alibata D. Daglat

35. Ang ginagamit ng mga sinaunang Pilipino sa pagsulat?


A. Kahoy at Putik C. Bato at Balat ng Hayop
B. Itak at Balat ng Hayop D. Matulis na bagay at dahon ng saging

36. Ano ang tawag sa paniniwala ng mga unang Pilipino tungkol sa pananahan ng mga ispirito sa
kalikasan?
A. Paganismo C. Kristiyanismo
B. Ispiritismo D. Animismo

37. Sino ang nagtatag ng relihiyong Islam?


A. Abu Bakr C. Sharif Kabungsuan
B. Muhammad D. Tuan Mashaika

38. Ano ang Diyos ng Sinaunang Tagalog?


A. Allah C. Kabunian
B. Bathala D. Laon

39. Ang mga sumusunod ay ang mga paniniwala ng mga sinaunang Pilipino sa Pagluluto at
Paghahanda ng pagkain MALIBAN sa:
A. Hindi dapat ibalik sa lalagyan ang hindi naubos na pagkain.
B. Sasakit ang tiyan mo kapag naligo ka ng Martes o Biyernes.
C. Lagyan ng asin ang takip ng kaserola upang mainam ang kanin.
D. Kung magpiprito, bahagyang pukpukin ang gilid ng kawali upang maiwasan ang
pagbula ng mantika.

40. Saan sa mga sumusunod ang paniniwala ng mga sinaunang Pilipino na may siyentipikong
batayan na nanatiling pinaniniwalaan hanggang sa ngayon sa Panganganak?
A. Hindi dapat maligo ang bagong panganak.
B. Kapag bilog ang tiyan, lalaki ang anak; kapag lapad, babae ang ipinagbubuntis.
C. Ipinagbabawal ang pagbisita pagkapanganak sa sanggol dahil mababansot ang paglaki ng bata.
D. Hindi dapat kumain ng malalamig na pagkaintulad ng saging, langka, buko, bayabas at
papaya ang bagong panganak.
TABLE OF SPECIFICATIONS
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
ARALING PANLIPUNAN 5

Total
Remembering Understanding Analysis Creativity
Competencies tr
23% 59% 4% 14%
100%
A. Ang Kinalalagyan ng Aking 2 6 1
15 0 9
Bansa (1 ,2) (3,4,5,6,7,8) (9)

B. Pinagmulan ng Pilipinas at 2 1
10 4 (12,13,14,15) 0 7
mga Sinaunang Kabihasnan (10,11) ( 16 )

C. Mga Sinaunang Lipunang 14


Pilipino 35 5 (22,23,24,25,26,27,28,29,3 2 3 24
(17,18,19,20,21) (36.,37) (38,39,40)
0,31,32,33,34,35)

60 days 9 24 2 5 40

Prepared by: Noted:

RODEL E. CAMINO PEDY C. CANAREJO


AP 5 Test Constructor Head Teacher - I

ANSWER’S KEY
AP 5 – 1ST QUARTER
1 D 11 B 21 D 31 C
2 B 12 D 22 D 32 D
3 D 13 C 23 D 33 A
4 C 14 A 24 D 34 C
5 C 15 A 25 B 35 D
6 D 16 C 26 C 36 D
7 A 17 B 27 A 37 A
8 D 18 B 28 D 38 B
9 B 19 D 29 D 39 B
10 C 20 D 30 B 40 A

You might also like