Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

PHILRICE CENTRAL EXPERIMENT STATION

1 Iwasan ma-Hopperburn!
2
3 Karamihan sa ating palayan ay malapit nang anihin. Ngunit, ilan sa
4 ating mga magsasaka ay nangangamba dahil nakikitaan nila ng
5 panunuyo ang ilang bahagi ng kanilang palayan. Napapansin rin nila
6 na maraming maliliit na insekto na umaatake sa puno ng mga palay.
7
8 Ang mga insektong ito ay tinatawag na planthopper na tinatawag din
9 na ngusong kabayo o hanip. Sinisipsip ng mga ngusong kabayo ang
10 katas ng palay kung kaya’t ang mga palay ay natutuyo o mas kilala sa
11 tawag na hopperburn.
12
13 Ipinapayo ng mga eksperto na hawi-hawiin ang puno ng palay upang
14 maarawan, mabulabog, at lumayas ang mga peste bago sila dumami.
15 Maaari rin na patuyuan ng 3-4 araw ang pinitak na may madami ng
16 populasyon ng ngusong kabayo.
17
18 Maaari ring hatiin ang paglalagay ng nitroheno sa 3 bahagi sa
19 panahon ng paglaki ng taniman. Ang sobrang pataba ay maaaring
20 magdulot ng sobrang pagyabong ng dahon na siyang umaakit sa mga
21 peste.
22
23 Samantala, mainam din na magtanim ng mga barayti ng palay na
24 matibay sa ngusong kabayo. Ilan sa mga barayting matibay sa
25 ngusong kabayo ay NSIC Rc308, Rc300, Rc298, Rc226, Rc224, at
26 Rc222. Ngunit, siguraduhing magpalit ng barayti ng palay tuwing
27 ikalawang taniman. Ito ay upang hindi makapag-debelop ng
28 resistance ang mga peste.
29
PHILRICE CENTRAL EXPERIMENT STATION

30 Mainam din na magsagawa ng sabayang pagtatanim matapos


31 pagpahingahin ang lupa. Sa pamamagitan nito, mahihinto ang
32 mapagkukuhanan ng pagkain ng mga pesteng kulisap na siya
33 namang maghihinto ng inog ng kanilang buhay.
34
35 Paalala rin ng mga eksperto na gumamit lamang ng pestisidyo kung
36 kinakailangan. Kung sobrang dami na ng mga ngusong kabayo,
37 ipinapayong mag-spray sa pinakapuno ng halaman at hindi sa dahon
38 nito. Tandaan, ang ngusong kabayo ay naninirahan sa puno ng
39 halaman at hindi sa mga dahon nito.
40
41 Ang maling paggamit ng pestisidyo ay nakamamatay sa mga
42 kaibigang organismo sa palayan.
43
44 Para sa karagdagang impormasyon, magtext sa PhilRice text center
45 bilang 0920 911 1398.

You might also like