Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

PHILRICE CENTRAL EXPERIMENT STATION

1 Iwasan ang DAMO


2
3 Ang mga damo ang siyang nakikipag-agawan sa mga halamang palay
4 ng sinag-araw, hamog, at sustansiya ng lupa.
5
6 Itinuturing na isa sa pinakamapaminsalang damo sa palayan ang
7 mutha o purple nut sedge. Kaya ng damong ito na kuhanin ang halos
8 60% na pagkain na para dapat sa palay.
9
10 Kung ang palayan ay pinamugaran na ng napakaraming damo,
11 maaaring mabawasan ang iyong ani mula 40-90 porsyente!
12 Madaragdagan din ang iyong gastusin sakali mang uupa ka ng tao
13 para bunutin ang mga ito. Hindi lamang yan, bumababa din ang
14 kalidad ng aanihing palay dahil sa kontaminasyon ng mga buto nito.
15 Sayang hindi ba?
16
17 Upang maiwasan ang damo, ipinapayo ni G. Dindo King Donayre ng
18 PhilRice na gumamit ng malinis na binhi ng palay na walang
19 kontaminasyon ng buto ng damo. Siguraduhin din na maayos ang
20 paghahanda ng lupa at maayos na pagpapatubig. Alisin din ang mga
21 uhay ng mga damo na maaaring pagmulan ng mga buto ng damo,
22 dagdag pa ni G. Donayre.
23
24 Halimbawa naman na may damo na ang palayan ngunit kakaunti
25 lamang ay ipinapayong hayaan na lamang ang mga ito. Ngunit, kung
26 umabot na sa sobra sa 5% ang mga ito kada metro kwadrado at mas
27 mataas na ang tindig ng sobra sa 20% kaysa sa palay, ipinapayo ng
28 mga eksperto na kontrolin na ang mga ito.
29
30 Bukod sa paraang mekanikal o ang pagbubunot ng damo, maaari ring
31 gumamit ng mga kaibigang insekto, amag,o kuhol upang mapuksa
32 ang mga ito.
33
34 Ipinapayo na gumamit lamang ng kemikal o herbicide bilang
35 panghuling opsyon na panlaban sa damo.
36
37 Para sa karagdagang impormasyon, magtext sa PhilRice text center
38 bilang 0920 911 1398.

You might also like