Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

The Borrowed Hopes

Reflection paper mula sa “DUE DATE” Dokomentaryo ni Atom Araullo

https://www.inquirer.net

Ang buhay ay tulad ng gulong na patuloy na umiikot. May mga sandali tayo'y nasa taas,
kung saan ang hangin ay sariwa at masaganang sumasalubong sa atin, malayo sa bigat ng mga
suliranin. Subalit sa paglipas ng panahon, mararanasan natin ang mga katotohanang 'bittersweet'
ng buhay. Sa ibaba ng gulong, naroon ang mga sandaling mapait, marumi, at malungkot. Parang
wala nang saysay, wala nang liwanag na nakikita sa dilim. Ngunit kahit sa pinakamabigat na
pag-ikot, may pag-asa pa ring bumangon at magpatuloy.

Mapapanood sa documentary na ang Pilipinas ay isa sa mga bansang labis na


naapektuhan ng kahirapan, may populasyon na humigit-kumulang sa 114M katao. Sa ilalim ng
pangangailangan at kawalan ng sapat na oportunidad, maraming mamamayan ang nagpupursigi
sa kabila ng kahirapan. Ngunit ang pagsisikap ay nagiging hindi sapat para tustusan ang pang-
araw-araw na pangangailangan ng pamilya. Dito pumapasok ang mapait na katotohanan ng
pangungutang, isang paraiso ng ilan ngunit semento ng labis na pahirap sa karamihan. Ito ang
daan patungo sa lubog na kalagayan, kung saan ang pag-asa ay tila naglalaho sa kabila ng
patuloy na pagtitiis.

Ang mga kumpanya ng pautang at ang mga online lending applications (OLA) ay
naglalaro ng malaking papel sa buhay ng mga Pilipino na kadalasang nahihirapan sa pinansyal na
aspeto. Sa pamamagitan ng utang, nagiging posible ang pagtugon sa mga pangangailangan ng
maraming tao, kahit na madalas, ang perang hiniram ay ginagamit upang matugunan ang mga
dating utang na kailangan nang bayaran. Ito ang nagsisilbing simula ng isang tila walang
katapusang siklo ng pangungutang na nagdudulot ng di-mabilang na pagkabahala at problema sa
maraming pamilya. Ang patuloy na paglikom ng utang upang mabayaran ang naunang mga
obligasyon ay nagiging parang kadena na walang katapusan, isang siklo ng panandaliang lunas
na nagiging sanhi ng pangmatagalang suliranin.

Ang konsepto ng utang, bagaman maaring maging solusyon sa madalian, ay madalas na


nagreresulta sa mas malalim na pagkakautang at pagsasadlak sa kahirapan. Hindi lamang ito
nagdudulot ng financilal burden, kundi nagbibigay din ito ng emosyonal at mental na stress sa
mga indibidwal at pamilya. Upang maputol ang walang katapusang kadena ng utang,
kinakailangan ang masusing pagpaplano, edukasyon sa pinansyal, at pagsuporta mula sa mga
ahensya ng pamahalaan at iba pang institusyon upang matiyak na ang mga mamamayan ay may
sapat na kaalaman at kakayahan sa pag-handle ng kanilang pinansyal na sitwasyon.

Sa panonod ng dokumentaryo napag alaman ko na sa kabila ng mga milyong milyong


Pilipino na lubog sa utang ay tila’y isang pirasong barya kung ikokompara sa mismong utang ng
bansa kung saan ay umabot na ng trilones ang halaga. Ang utang na ito ay ginamit o ginagamit
para sa mga infrastructure projects, budget deficits, at external debt ng bansa. Paano nga ba
masusulosyunan ng mga mamayan ang kani-kanilang mga pinansiyal na problema kung ang
sariling bansa natin at ang namumuno ay tila’y nakararanas rin ng mas malaki at mas
nakakabahalang suliranin?
Ngunit sa kabila ng lahat, ang Pilipino ay hindi sumusoko sa anumang suliranin sa buhay
maging ano paman iyon. Bilang isang teenager at responsableng mag-aaral Nararapat lamang na
makabagi sa pagresulba ng mga mga napapanahong isyu. Narito ang ilan sa mga solusyong
aking maibabahagi:

1. Pagpapatatag ng edukasyon at programa tungkol sa pinansiyal na literasi.

https://www.pna.gov.ph/
2. Pagpapalawak ng kasanayang entrepreneurship.

https://www.borgenmagazine.com/

3. Access sa dekalidad na edukasyon para sa lahat ng mga mamamayang Pilipino.

www.globalcitizen.org
Sa pamamagitan ng kolektibong pagkilos at pagsusulong ng kaalaman at kasanayan,
maaaringmaging bahagi ang kabataan ng solusyon sa mga suliranin ng utang at pinansyal na
problema ng Pilipinas.

Sa aking pananaw, ang utang ay tila ba’y isang sugal kung saan ikay bibigyan ng aliw
ngunit di mo na mamamalayang nahihila ka na pababa at iiwanang butas ang bulsa. Ngunit may
pagkakataon rin naman kung saan ito ay makakabuti sa’tin. Makakamtan lamang iyan kung
pagninilayan natin ang ating mga aksiyon at desisyon. Magkaroon ng pagkaunawa sa
responsabilidad at matalinong pagkonsumo ng pera. Sa mundong walang kasiguraduhan at puno
ng kahirapan ang tangi lamang magagawa ng ating mga kababayan ay magsumikap at mag dasal
na sanay pagsikat ng araw, ang lahat ng problema’y maglaho at kailanma’y hindi na
manumabalik at matuto sa mga desisyon at karanasan.

You might also like