Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

2nd Monthly Examination

S.Y. 2022-2023
ESP 6

Name: Date:

Grade & Section: Score:

Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang nararapat gawinkapag kinakailangangmagbigay ng desisyon?


A. Madaliin ito
B. Alamin muna ang sitwasyon
C. Ipaubaya ang pagdedesisyon sa nakakaalam
D. Iwasang magdesisyon upang hindi masisi kapag nagkamali

2. Bakit kinakailangang maintindihan nang mabuti ang mga pangyayari bago magpasya?
A. Upang maging sikat
B. Upang hangaan ng iba
C. Upang maging magaling na mananaliksik
D. Upang makapagbigay ng angkop na pasya

3. Umalis ang iyong mga magulang at naiwan kayong magkakapatid sa bahay. Gumagabi na at
nagugutom.
A. Piliting magluto kahit na hindi ka marunong.
B. Hintayin na lamang ang pagdating ng magulang
C. Makiusap sa kapitbahay na tulungan ka na magluto
D. Udyukan ang mga kapatid na umiyak nang malakas hangang sa may tumulong sa inyo

4. Isang hapon ay niyaya ka ng iyong mga kaibigan na pumunta sa mall at napagkasunduang


dadaanan ka nila kinagabihan. Habang nasa bahay, naalala mo na kailangan mo palang mag-aral
para sa panahunang pagsusulit kinabukasan. Ano ang gagawin mo pagdaan nilasa bahay nyo?
A. Hindi na lang magpapakita sa kanila
B. Magdadahilan na lamang na masama ang pakiramdam
C. Haharapin nang maayos ang mga kaibigan at sasabihing kailangan mong mag-aral
D. Agad na sasama sa kanila dahil kailangan mong tuparin ang inyong napagkasunduan

5. Kaarawan ni Julia ngunit nagkataon namang namatay ang kapitbahay nila atdahil dito ay hindi
na lang itinuloy ang plano nilang handaan dahil sa pangyayari. Ano ang masasabi mo sa ginawang
desisyon ng pamilya ni Julia?
A. Mabuti, dahil makakatipid sila.
B. Mabuti, dahil dapat silang makiramay.
C. Mali, dahil karapatan din nilang sumaya
D. Mali, dahil hindi naman sila ang namatayan.

Piliin ang Tama kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at Mali kung di wasto.

6. Nais ng Panginoon na magmalasakit tayo sa isa’t isa, sapagkat lahat tayo ay magkakapatid sa
Diyos.
Tama
Mali

7. Bago ko iisipin ang iba ay uunahin ko muna ang aking sarili dahil mahirap ang maghanapbuhay.
Tama
Mali

8. Sa panahong may COVID-19, may gobyerno na siyang bahala sa lahat ng pangangailangan ng


ating bansa, kaya pananagutan lamang ni Pangulong Duterte kung maraming magkasakit at
magutom.
Tama
Mali

9. Mas mapadadali ang paglutas sa bawat suliranin, kapag may pagmamahal at paglilingkod sa
aking pamilya lamang.
Tama
Mali

10. May pananagutan man sa akin ang aking kapwa, ay nararapat lamang na hindi ko iasa sa iba
ang aking pamumuhay at kahihinatnan.
Tama
Mali

11. Napagkasunduan ninyong magkakaibigan na magvivideo call kayo gamit ang Zoom App
upang pag-usapan ang inyong mga takdang-aralin. Itinakda ninyo ito ng ika-6 ng gabi. Biglang
nagkaroon ng pagbabago at nais ninyong isagawa ito ng mas maaga na lamang ngunit isang
kaibigan ninyo ang hindi nakakaalam sapagkat hindi na siya online. Ano ang nararapat niyong
gawin?
a. Susundin namin ang ika-6 ng gabi sapagkat iyon ang napagkasunduan naming lahat.
b. Itutuloy namin ang bagong iskedyul at sasabihan na lang namin siya kung ano ang aming
natalakay kapag nakaonline na sya.
c. Magbotohan na lamang kami kung ano ang masusunod na iskedyul.

12. Humiram ka ng aklat ng kaibigan mo sa Matematika, Ipinangako mong isasauli iyon pagkaraan
ng dalawang oras. Matagal siyang naghintay pero hindi mo naibalik. Ano ang gagawin mo?
a. Isasauli ko na lang kinabukasan at sasabihin kong katatapos ko lang magbasa
b. Ililibre ko na lamang siya ng miryenda bilang kabayaran sa hindi ko pagtupad sa aking
pangako.
c. Magpapaliwanag ako sa kanya at hihingi ako ng tawad upang di masira ang tiwala niya sa
akin
13. Nais mong bumili ng milktea sa SM ngunit ubos na ang iyong baon. Nakita mo ang inyong
ingat-yaman na maraming koleksiyon. Ano ang gagawin mo?
a. Uutang ako at mangangakong ibabayad ko naman ang baon ko sa dalawang araw.
b. Hindi ako mangungutang dahil mahirap mangako nang walang kasiguraduhan.
c. Uutang ako pero hindi na lang ako mangangako dahil hindi mabuti kapag hindi rin naman
matutupad. Makikiusap na lang ako na babayaran ko paunti-unti.

Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Bakante sa
iskedyul ng klase niyo kaya ikaw at ang iyong 3 kaibigan ay pinahintulutan ng inyong guro na
gumamit ng kanyang laptop at internet para sa pagsasaliksik ng inyong takdang-aralin. Binigyan
niya lamang kayo ng 30 minuto na magsaliksik habang siya naman ay nagrerecess. Narinig kayo
ng isa niyong kaklase kaya nakiusap siya sa inyong magkakaibigan na makigamit din kahit ilang
minuto lamang.

14. Ano ang inyong gagawin, pagbibiyan niyo ba ang inyong kaklase? Bakit?

15. Kung patas ang hatian, tag-iilang minuto dapat kayong magkakaibigan sa paggamit ng laptop?

16. Kung pagbibigyan niyo ang inyong kaklase na makigamit din ng laptop, ilang minuto ang
dapat niyong ibigay sa kanya upang magkaroon kayong magkakaibigan ng tag-7 minuto?

17. Napagdesisyonan niyong magkakaibigan na maging patas na lamang sa inyong kaklase ukol sa
hatian ng oras. Kung gayon, mayroon na kayong tag-iilang minuto?

18. Sa palagay mo, ano kaya ang magiging reaksiyon ng inyong kaklase kapag pinagbigyan niyo at
naging patas kayo sa kanya?
Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Isulat ang Tama kung ito ay nagpapakita ng magandang
suhestiyon ang Mali king hindi naman.

19. Hinikayat ni Melissa ang kaniyang kamag-aral na makilahok sa pagpupulong tungkol sa


bagong proyekto na isasagawa sa kanilang paaralan.
Tama
Mali

20. Itinanong ni Jade sa kaniyang mga kasama kung handa na ang lahat bago sinimulan ang pag-
uulat sa klase ni Gng. Mateo.
Tama
Mali

21. Pinalitan nina Jose at Marco ang suhestiyon ni Angela ukol sa gagamiting kagamitan sa pagbuo
ng dyornal ng walang paalam.
Tama
Mali

22. Lumipat sa ibang grupo si Danny dahil hindi niya gusto ang suhestiyon ni Janela na ipagbigay
alam ang kanilang plano na pupunta sa parke.
Tama
Mali

23. Nakiisa ang mga magsasaka ng lungsod ng Cauayan sa programang inilunsad ng gobernador sa
lalawigan.
Tama
Mali

24. Inayunan ni G. Martinez ang ideya ni Maria na isali ang mga mag-aaral sa ika-anim na baitang
sa paglilinis tuwing Biyernes sa mga hardin sa paaralan.
Tama
Mali

25. Nagpakita ng galit si Berto nang malaman niya na ang kaniyang kasama sa proyekto sa
Filipino ay si Janice.
Tama
Mali

Umisip ng isang sitwasyon na kung saan naipakita mo ang paggalang sa suhestiyon ng iyong
kapwa. Isulat ang impormasyong kinakailangan sa ibaba. Bawat sa sagot ay may katumbas na 2
puntos.

26. Patungkol saan ang suhestiyon?

27. Kanino galing ang suhestiyon?

28. Kailan ito nangyari?

29. Ano ang iyong naramdaman at paano mo ito tinanggap?


Basahin ang sumusunod na mga pahayag. Isulat sa patlang ang TAMA kung ito ay nagpapakita ng
paggalang sa suhestiyon at MALI kung hindi.

30. “Ano ba iyan! laging ikaw na lang ang nagsasalita!

31. “Salamat sa iyong pakikilahok sa ating pagpupulong.”

-END-

You might also like