2ND Monthly Exam Esp 10

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

2nd Monthly Examination

S.Y. 2022-2023
Filipino 10

Name: Date:

Grade & Section: Score:

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ang mga hindi mo namamalayang galaw ng iyong katawan gaya ng paghikab, reaksiyon sa
pagkagulat o pagkurap ng mata ay mga halimbawa ng .
a. Kilos ng tao
b. Di kusang-loob
c. Kusang-loob
d. Nakasanayang kilos

2. Paano mailalarawan ang kusang-loob na kilos ayon kay Aristotle?


a. Ang kilos ay nagpapakita ng kaalaman tungkol sa gawain at pagsang ayon
b. Ang kilos ay hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan
c. Ang kilos ay walang pagsang-ayon dahil walang kaalaman ang taong nagsasagawa dito
d. Ang kilos ay resulta ng bulong ng konsensiya

3. Nakapulot si Elsa ng bag na naglalaman ng pera. Alam niyang hindi niya dapat buksan ito dahil
hindi niya pag-aari pero nagbabasakali siyang makakita ng pagkakakilanlan ng may-ari ng bag. Sa
sitwasyong ito, alin ang maituturing na makataong kilos?
a. Ang pagkapulot niya ng bag na naglalaman ng pera
b. Ang pagbukas niya sa bag para malaman ang pagkakakilanlan ng may-ari
c. Alam niyang mali na buksan ang bag na hindi niya pag-aari
d. Nagbabasakaling makilala ang ma-ari ng bag

4. Buong husay na ginagawa ni Elmer ang kaniyang mga proyekto sa lahat ng kaniyang asignatura.
Alam niyang mataas na grado ang katumbas nito at tiyak na ikatutuwa ng kaniyang mga magulang.
Bakit kusang-loob na uri ng kilos ang nasa sitwasyon?
a. Maliwanag sa halimbawa na kusa at may lubos na kaalaman si Elmer sa ginagawa niya
b. Maliwanag na hindi niya namamalayang nagagawa pala niya nang maayos ang kaniyang
proyekto
c. Maliwanag na hindi niya ginusto ang kaniyang ginagawa dahil lamang sa kagustuhan niyang
matuwa ang kaniyang mga magulang
d. Ang sitwasyon ay hindi nagpapakita ng kusang-loob na uri ng kilos kundi ito ay walang
kusang-loob
5. Ikaw ay laging tumutugon sa tawag ng komunidad sa panahon ng pangangailangan, sinisiguro
mong kahit na maliit na bagay ay may maitutulong ka sa inyong lugar. Sa gawaing tulad nito, may
kapanagutan ka ba sa kahihinatnan ng iyong kilos? Bakit?
a. Wala, dahil hindi masama ang layunin o intensiyon ng pagtulong
b. Wala, dahil kusa kong ginawa ito at walang pumilit
c. Oo, dahil mayroon akong lubos na pagkaunawa sa kalikasan ng aking gagawin at
kahihinatnan nito
d. Oo, kung may masamang magiging bunga ng aking ginawa

6. Bakit hindi mapanagot ang taong nagsagawa ng kilos sa walang kusang-loob na uri ng kilos?
a. May depektibo sa intensiyon at pagsang-ayon ng taong nagsagawa sa kilos
b. Ang tao ay walang alam kaya’t walang pagkukusa sa kilos
c. Ang tao ay may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan pero hindi isinagawa
d. Ang tao ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan ng kilos

7. Sa tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan ni Aristotle, alin ang karapat-dapat panagutan?
a. Walang kusang- loob
b. Di kusang-loob
c. Kusang-loob
d. Kilos ng tao

8. Alam mong bawal at labag sa iyong kalooban ang “dagdag timbang” pero ginawa mo pa rin
dahil katwiran mo, ginagawa naman ito ng lahat ng nagtitinda sa palengke. Anong uri ito ng kilos
ayon sa kapanagutan?
a. Walang kusang- loob
b. Di kusang-loob
c. Kusang-loob
d. Kilos ng tao

Para sa bilang 9-15. Punan ng wastong salita ang mga patlang upang mabuo ang konsepto. Piliin
ang sagot sa mga pagpipilian sa kahon. Isulat ang bilang at sagot sa loob ng kahon.

a. Kung 9. ___________ ang kilos, ito ay katanggap-tanggap at dapat ipagpatuloy. At kung 10.
____________ ang kilos, ito naman ay kahiya-hiya at dapat pagsisihan.

b. Ang tao ay may kapanagutan kung ang kilos ay malayang pinili mula sa paghuhusga at
pagsusuri ng 11. _____________

c. Kailangang maging maingat ang tao sa paggawa ng makataong kilos sapagkat sa bawat kilos na
ginawa nang may pang-unawa ay may 12. ___________

d. Ang taong gumawa sa kilos ay walang pananagutan kung ang kilos ay ayon sa kaniyang
kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng 13. ____________ at 14. _____________.

e. Ang 15. ___________ ang nagbibigay patunay kung ang isang tao ay may kontrol at
pananagutan sa sarili.
Punan ng wastong salita ang bawat patlang upang mabuo bawat pahayag.

16. Ayon kay Aristoteles, saan nakasalalay ang pagiging mabuti at masama ng isang kilos?
a. intensiyon kung bakit ginawa ang kilos
b. paraan upang maisagawa ang kilos
c. obligasyong gawin ang kilos
d. pagkakataon kung kailan ginawa ang kilos

17. Sa mata ng tao, ang pagtulong sa kapwa ay laging mabuting kilos, kailan ito nagiging masama?
a. kung hindi ito kaaya-aya sa tumanggap ng tulong
b. kung ang nilalayon sa pagtulong ay para sa pansariling kabutihan lamang
c. kung walang layunin ang taong nagbibigay ng tulong
d. kung walang kaalaman at malayang pagtanggap sa tumatanggap ng tulong

18. Ayon kay Sto. Tomas, kailan obligado ang taong gawin ang isang kilos?
a. kung mas nakakatulong ang kilos sa kapwa kaysa sa sarili
b. kung maganda ang magiging bunga o kahihinatnan ng isang kilos
c. kung magdadala ito ng kapanatagan ng loob
d. kung ang hindi pagtuloy na gawin ito ay magdudulot ng masamang bunga

Piliin ang titik ng tamang sagot.

Isa isang pinuntahan ni Ginoong Tang ang mga kabahayang nasalanta ng bagyo sa kanilang lugar
upang ipaabot ang kaniyang tulong pinansyal. Malinaw sa sitwasyon na mabuti ang kaniyang
ginagawa. Pero kapansinpansin sa mga ibinigay na envelope, may nakasulat na paalala ng
kaniyang pangalan para sa darating na halalan. Pagkatapos ng kaniyang pagkatalo ay hindi na siya
nakikitang tumutulong sa mga nangangailangan sa kanilang lugar.

19. Ayon kay Aristotle, masasabi bang mabuti ang kilos na pagtulong ni Ginoong Tang? Bakit?
a. Mabuti ang kilos dahil kusa niyang ibinigay ang tulong at hindi hiningi sa kaniya
b. Mabuti ang kilos dahil kahit natalo siya sa halalan ay hindi niya nagawang bawiin ang mga
ibinigay
c. Masama ang kilos dahil kung titingnan ang kaniyang intensiyon sa pagtulong ay para
makakuha ng boto mula sa mga tinulungan
d. Masama ang kilos dahil masama ang loob noong natalo sa halalan

20. Pinili ba ni Ginoong Tang ang mas mataas na kabutihan sa kaniyang ginawang pagbibigay ng
tulong? Patunayan.
a. Hindi. Malinaw na pansariling interes ang intensiyon sa pagtulong
b. Hindi. Hindi isinaalang-alang ang magandang paraan sa pagpapaabot ng tulong
c. Oo. Nakatulong pa rin naman kahit na may mali sa intensiyon
d. Oo. Natugunan niya ang pangangailangan ng kaniyang kapwa.

Suriin ang bawat sitwasyon at tukuyin ang kamalian sa kilos ng tauhan na dapat niyang panagutan.
Ikaw ay mabibigyan ng limang puntos sa bawat aytem. Isulat ang sagot sa ilalim ng bawat
sitwasyon. 5 puntos ang bawat bilang.

21. Lumayas ang iyong matalik na kaibigan sa kanilang bahay at sinabi nito na titira na sa bahay
ng kaniyang kasintahan. Lagi na lang daw siyang pinagagalitan ng kaniyang mga magulang.
Mabuti pa daw ang mga magulang ng kaniyang kasintahan dahil sila ay mababait.
22. Sinabi ng iyong mga magulang na ang kursong kukunin mo ay ang gusto nila dahil ayaw nila
sa napili mong kurso. Wala kang nagawa kundi sumunod, lingid sa kaalaman ng iyong mga
magulang na sa tambayan ng iyong mga barkada ang pinupuntahan mo at hindi sa paaralan.
Katwiran mo, hindi ka masaya sa kurso mo kaya kahit na mabagsak ka sa lahat ng subjects mo.

23. Nakalimutan mong dalhin ang iyong ballpen sa araw pa naman ng inyong pagsusulit. Kinuha
mo ang ballpen na nasa isang upuan kahit alam mong gagamitin ito ng may- ari. Katwiran mo
hindi maaaring ikaw ang hindi makakuha ng pagsusulit sa araw na iyon.

24. Sumama ka sa iyong mga barkada para maglaro ng basketball at iyon ang paalam mo sa iyong
mga magulang pero iba pala ang pinuntahan ninyo. Sa isang party dumiritso ang iyong mga
kaibigan. Hindi mo rin inaasahan na sila ay mag-inuman at manigarilyo. Wala ka ng magagawa
kundi sumama at makisama sa ginagawa nila kahit na alam mong nakasasama ito sa katawan.

-END-

You might also like