Noli Me Tangere Reviewer

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

Noli me Tangere Reviewer

FILIPINO 4TH QUARTER REVIEWER:

Noli Me Tangere Kabanata 30: Sa Simbahan


Sa kabanatang ito, makikita ang dami ng taong pumunta sa simbahan upang makinig sa misa, sa
kabila ng tulakan at gitgitan. Ang misa sa araw ng kapistahan ay nagkakahalaga ng dalawang
daan at limampung piso, na halos kapareho ng binabayad sa komedya na nagtatanghal ng tatlong
araw. Ayon sa maestro ng kapatiran ni San Francisco, mas mainam pang gumastos sa sermon
kaysa sa komedya dahil ang mga nakikinig sa sermon ay napupunta sa langit habang ang mga
nanonood ng komedya ay napupunta sa impyerno.
Hindi agad nagsimula ang misa dahil wala pa ang alkalde mayor na sinadyang magpahuli upang
mapansin ang kanyang pagdating. Nang dumating siya, sinimulan na agad ang misa. Ang pari ay
tumindig sa pulpito na parang sinasabing siya ay isang Franciscano na dapat sundin.

Tagpuan: Sa simbahan, sa araw ng kapistahan.

Buod:

Maraming tao ang pumunta sa simbahan para makinig ng misa, kaya’t nagkakaroon ng
tulakan at gitgitan.

Bali-balitang nagkakahalaga ng PHP 250 ang misa sa araw na iyon, na halos kapareho
ng presyo ng komedya na tumatagal ng tatlong araw.

Ayon sa maestro ng kapatiran ni San Francisco, mas mainam gumastos sa sermon kaysa
komedya dahil ang mga nakikinig sa sermon ay mapupunta sa langit samantalang ang
mga nanonood ng komedya ay sa impyerno.

Naantala ang misa dahil wala pa ang alkalde mayor, na sadyang nagpa-late upang
mapansin ang kanyang pagdating.

Nang dumating ang alkalde, nagsimula agad ang misa. Ang pari ay Franciscano na tila
nag-aangking dapat sundin.

Noli me Tangere Reviewer 1


Noli Me Tangere Kabanata 31: Ang Sermon
Si Padre Damaso ay nagsimula ng kanyang sermon sa harap ng mga tao, nagsisimula sa isang
salita mula sa Bibliya. Namangha sina Padre Sibyla at Padre Martin sa magandang simula ng
sermon ni Padre Damaso. Ang kanyang sermon ay tungkol sa salita ng Diyos na dapat
magkaroon ng bunga sa bayan na iyon. Nabanggit niya ang mga dapat tinitingala sa
pananampalataya tulad nina David, Roland, at ang mga gwardiya sibil ng kalangitan.
Gayunpaman, hindi naiintindihan ng mga Indio ang sermon sa wikang Kastila, maliban sa ilang
mga salita tulad ng tulisan, gwardiya sibil, San Francisco, at San Diego. Marami sa mga
nakikinig ay inaantok na. Si Kapitan Tiago ay naghihikab na at si Maria Clara ay sinusulyapan si
Ibarra. Sa kanyang sermon, pinatamaan ni Padre Damaso si Ibarra, dahilan upang magalit ang
binata.
Samantala, walang nakapansin na nakapasok si Elias sa simbahan. Lumapit siya kay Ibarra at
binalaan ito na mag-ingat sa seremonya ng pagbabasbas na gaganapin kinabukasan. Aniya,
huwag lalapit si Ibarra sa pundasyong bato dahil maaari niyang ikamatay ito. Biglang nawala si
Elias nang lingunin siya muli ni Ibarra.

Tagpuan: Sa loob ng simbahan.

Buod:

Sinimulan ni Padre Damaso ang sermon matapos makuha ang atensyon ng lahat.

Ang sermon ay tungkol sa salita ng Diyos na dapat magbunga at hindi dapat itanim sa
mabatong lupa.

Nabanggit ni Padre Damaso ang mga dakilang tao sa pananampalataya tulad nina
David, Roland, at mga gwardiya sibil ng kalangitan.

Hindi maintindihan ng mga Indio ang sermon sa wikang Kastila, maliban sa ilang salita.

Marami ang inaantok, kabilang si Kapitan Tiago, habang sinusulyapan ni Maria Clara si
Ibarra.

Pinatamaan ni Padre Damaso si Ibarra sa sermon, na nagdulot ng galit sa binata.

Pumasok si Elias sa simbahan at binalaan si Ibarra na mag-ingat sa seremonya ng


pagbabasbas kinabukasan. Sinabi ni Elias na huwag lalapit si Ibarra sa pundasyong bato
dahil maaari itong ikamatay niya.

Noli me Tangere Reviewer 2


Noli Me Tangere Kabanata 32: Ang Paghugos
Nagtayo ang taong madilaw ng isang makinarya na siyang nagtataas at nagbababa ng mabibigat
na bagay. Si Don Saturnino, lolo ni Ibarra, ang nagturo sa kanya kung paano gamitin ito.
Pinaghandaan ni Ibarra ang okasyon, nagpaluto siya ng masasarap na pagkain at nagdaos ng mga
palaro katulad ng palosebo, pabitin, at pukpok sa palayok. Naroroon ang banda at mga
panauhing inanyayahan ni Ibarra, kabilang si Maria Clara.
Tumigil na ang banda bilang hudyat ng pagsisimula ng seremonya. Habang nagsisimula si Padre
Salvi sa kanyang sermon, napansin ni Ibarra ang taong madilaw na nakangisi. Naalala niya ang
babala ni Elias. Nabuhayan siya ng loob nang makita si Elias malapit sa taong madilaw.
Sinimulan ang seremonya at inialok kay Ibarra na maglagay ng ukang bato, ngunit tumanggi siya
at iminungkahi ang eskribano na lang. Nagpatuloy ang ritwal ng paglalagay ng simyento.
Habang bumababa si Padre Salvi, tumingin ito sa umuugang bato. Nang mapilitan si Ibarra na
magpalitada, kumawata ang mga lubid na humahawak sa malaking bato. Nagulantang ang lahat
at nakita nila ang duguang katawan ng taong madilaw sa paanan ni Ibarra.

Tagpuan: Sa lugar ng pagtatayo ng paaralan.

Buod:

Nagtayo ang taong madilaw ng makinarya para sa pagtatayo ng paaralan, na itinuro sa


kanya ni Don Saturnino.

Pinaghandaan ni Ibarra ang okasyon, nagpaluto ng masasarap na pagkain at nagdaos ng


mga palaro.

Masayang tugtugan at mga panauhin, kabilang sina Maria Clara, ang alkalde, Kapitan
Tiago, alperes, at si Padre Salvi.

Tumigil ang banda bilang hudyat ng pagsisimula ng seremonya.

Napansin ni Ibarra ang taong madilaw na nakangisi at naalala ang babala ni Elias.

Nagsimula ang sermon ni Padre Salvi, na halatang nangangatal ang boses.

Kabanata 32: Ang Paghugos


Tagpuan: Lugar ng pagtatayo ng paaralan.

Buod:

Noli me Tangere Reviewer 3


Nagtayo ang taong madilaw ng makinarya para magtaas at magbaba ng mabibigat na
bagay, na natutunan niya mula kay Don Saturnino, ang lolo ni Ibarra.

Pinaghandaan ni Ibarra ang okasyon ng pagpapatayo ng paaralan. Nagpaluto siya ng


masasarap na pagkain at nagdaos ng mga palaro tulad ng palosebo, pabitin, at pukpok sa
palayok.

Masaya ang tugtugan mula sa banda at marami ang panauhin, kabilang ang alkalde,
Kapitan Tiago, alperes, Padre Salvi, at mga dalagang tulad ni Maria Clara.

Tumigil ang banda bilang hudyat ng pagsisimula ng seremonya. Nakita ni Ibarra ang
taong madilaw na nakangisi at naalala ang babala ni Elias.

Nagsimula ang sermon ni Padre Salvi, ngunit halatang nangangatal ang kanyang boses.

Ipinasok ang kahong kristal sa tinggang bumbong. Iminungkahi ng alkalde na si Ibarra


ang maglagay sa ukang bato ngunit tumanggi ito, kaya't ang eskribano ang nagsagawa
nito.

Sunud-sunod na bumaba ang mga panauhin at nagsimula ang ritwal ng paglalagay ng


simyento, pinangunahan ng alkalde at sinundan ni Padre Salvi.

Napansin ni Padre Salvi na hindi pa nagpapalitada si Ibarra kaya't napilitan siyang


kunin ang pala, ikinatuwa ito ng mga panauhin.

Biglang kumawata ang mga lubid na humahawak sa malaking bato, nagulantang ang
lahat, at natagpuan ang duguang katawan ng taong madilaw sa paanan ni Ibarra habang
hawak ang pala.

Mga Mahalagang Tauhan


Ibarra: Ang pangunahing karakter na may adhikain para sa bayan, ngunit palaging
hinaharap ang mga panganib.

Padre Salvi: Isang pari na halatang kinakabahan sa mga pangyayari.

Elias: Nagbigay ng mahalagang babala kay Ibarra tungkol sa nalalapit na panganib.

Taong Madilaw: Isa sa mga tauhan na nagplano ng masamang gawain laban kay Ibarra.

Kabanata 34: Ang Pananghalian

Noli me Tangere Reviewer 4


Nakapwesto sa magkabilang dulo ng lamesa si Ibarra at ang alkalde. Habang kumakain ay may
dumating na telegrama para kay Kapitan Tiago na nagsasabing darating ang Kapitan Heneral at
ito ay tutuloy sa bahay nila.

Iba’t-ibang reaksyon ang narinig mula sa mga panauhin. Malaking sampal kila Padre Salvi at
Padre Sibyla nang piliin ng Kapitan Heneral na tumuloy sa bahay ni Kapitan Tiago kaysa
tumuloy sa kumbento.

Maya-maya ay napatigil ang lahat sa pagkain nang makitang parating si Padre Damaso na
nakangiti. Nagsimula na namang paringgan ni Padre Damaso si Ibarra.

Iniba ng alkalde ang usapan ngunit hindi parin nagpapatinag ang pari. Pilit namang nagtitimpi
ang binata sa kabila ng mga naririnig nito. Patuloy parin sa pagsasalita ang pari hanggang sa
mapunta ang usapan tungkol sa ama ni Ibarra na si Don Rafael.

Doon ay hindi na niya kinaya ni Ibarra ang sarili. Sa galit ay kamuntikan na nitong saksakin ang
pari. Mabuti nalang at napigilan siya ni Maria Clara. Muli itong huminahon at piniling umalis na
lamang.

Tagpuan: Bahay ni Kapitan Tiago.

Buod:

Salo-salo ng mga prominenteng tao sa San Diego kasama sina Ibarra, alkalde, Maria
Clara, Kapitan Tiago, Padre Salvi, Padre Sibyla, alperes, tinyente, eskribano, at mga
dalaga.

Dumating ang telegrama kay Kapitan Tiago na nagsasabing darating ang Kapitan
Heneral at tutuloy sa kanilang bahay.

Dumating si Padre Damaso at nagsimulang paringgan si Ibarra, na humantong sa


muntikang pananaksak ng binata sa pari. Napigilan ito ni Maria Clara.

Kabanata 35: Ang Usap-usapan


Tagpuan: Bayan ng San Diego.

Buod:

Nagkalat ang balita tungkol sa nangyari sa tanghalian. Marami ang pumanig sa pari.

Ipinagtanggol ni Don Filipo si Ibarra laban sa mga paninisi.

Nag-aalala ang bayan na baka hindi na matuloy ang pagpapatayo ng paaralan.

Noli me Tangere Reviewer 5


Kabanata 36: Ang Unang Suliranin
Tagpuan: Bahay ni Kapitan Tiago at kwarto ni Maria Clara.

Buod:

Nalaman ni Maria Clara na ekskomunikado si Ibarra. Kahit anong gawin nina Tiya
Isabel at Andeng, hindi siya sumasaya.

Sinabi ni Kapitan Tiago na ipinag-utos ng simbahan na putulin na ang relasyon ni Maria


Clara kay Ibarra, at darating ang pinsan ni Padre Damaso mula Espanya na siyang
itinalagang maging kasintahan ni Maria Clara.

Dumating ang Kapitan Heneral at pinatawag si Maria Clara, ngunit nagdasal at umiyak
na lamang siya sa kanyang silid.

Kabanata 37: Ang Kapitan-Heneral


Tagpuan: Bulwagan sa San Diego

Buod:

May binatang nais makausap si Kapitan-Heneral, naniniwalang mahalaga ang oras


ng mga lider para sa karunungan.

Dumating ang mga pari, sinundan ni Kapitan Santiago kasama si Maria Clara.

Sinabi ni Padre Salvi na ekskomunikado si Ibarra.

Dumating si Ibarra at Maria Clara sa bulwagan, nagkatinginan ngunit hindi nag-


usap.

Kinausap ni Kapitan-Heneral si Ibarra at nais siyang tulungan.

PAG-UUSAP NI KAPITAN-HENERAL AT IBARRA:

Kumampi si Kapitan-Heneral kay Ibarra, pinuri ang kanyang malasakit sa


kapwa at malawak na pag-iisip.

Inaya ni Kapitan-Heneral si Ibarra na mag-aral na lamang sa Espanya.

Narinig ni Ibarra ang tinig ni Maria Clara ngunit pinigilan siyang makipag-usap,
iminumungkahi ng kaibigan ni Maria Clara na sulatan na lamang siya.

Noli me Tangere Reviewer 6


Mga Tema at Mensahe
Pagtulong ng Makapangyarihan: Ipinakita ang kahalagahan ng suporta mula sa mga
nasa kapangyarihan sa mga adhikain ng mga tao.

Pagtitiis at Pagsasakripisyo: Ang ekskomunikasyon ni Ibarra ay nagpapakita ng


pagsasakripisyo para sa kanyang mga layunin.

Mga Mahalagang Tauhan


Ibarra: Ang pangunahing karakter na hinaharap ang mga pagsubok na dala ng kanyang
mga kaaway.

Kapitan-Heneral: Isang lider na may malasakit at handang tumulong kay Ibarra.

Padre Salvi: Ang pari na nagpahayag ng ekskomunikasyon ni Ibarra.

Maria Clara: Ang kasintahan ni Ibarra na hindi nagkaroon ng pagkakataong makausap


siya.

Kabanata 38: Ang Prusisyon


Tagpuan: Kalsada ng San Diego

Buod:

Nanood sina Ibarra, mga prayle, at Kapitan-Heneral ng prusisyon.

Ang parada ni San Juan Bautista ay isang malungkot na paglalakbay, may mga
taong nilalatigo.

Tinanong ni Ibarra kung ang pagpapalo ba ay nagpaparusa sa kasalanan o para


lamang sa sariling kasiyahan.

Nang tumapat ang karosa ng Birhen sa bahay ni Kapitan Tiago, umawit si Maria
Clara ng "Ave Maria" ni Gounod.

Mga Tema at Mensahe


Pagdurusa at Penitensya: Ang paglalatigo sa prusisyon ay simbolo ng penitensya at
pagdurusa.

Noli me Tangere Reviewer 7


Pananalig at Pagpapakumbaba: Ang awit ni Maria Clara ay nagpapakita ng kanyang
pananalig at pagpapakumbaba sa harap ng Birhen.

Mga Mahalagang Tauhan


Ibarra: Patuloy na nagmamasid at nagtatanong tungkol sa mga nangyayari sa paligid.

Maria Clara: Nagpakita ng kanyang debosyon sa pamamagitan ng kanyang pag-awit.

Kabanata 39: Donya Consolacion


Tagpuan: Bahay ni Donya Consolacion

Buod:

Araw ng pista, hindi nagsimba si Donya Consolacion.

Pananaw ni Consolacion sa kanyang sarili:

Maganda, kaakit-akit, at may tipo ng isang reyna.

Naniniwalang mas maganda siya kay Maria Clara.

Sinisira ang wikang Tagalog, nagpapanggap na hindi marunong upang


magmukhang Europeo.

Isang dating labandera.

Inutos ni Consolacion sa guardia civil na isara ang mga bintana para hindi marinig
ang kasayahan sa labas.

SI SISA AT CONCOLACION:

Dinakip si Sisa dahil sa panggugulo sa pista at dinala sa kwartel.

Inutos ni Consolacion na iharap si Sisa sa kanya, pinakanta at pinasayaw.

Habang sumasayaw si Sisa, hinahampas siya ni Consolacion.

Dumating ang alperes at nahuli ang panghahampas ni Consolacion kay Sisa,


nagalit at nag-away sila.

Mga Tema at Mensahe


Pagmamalupit at Pang-aabuso: Ipinakita ang pagmamalupit ni Donya Consolacion
kay Sisa.

Noli me Tangere Reviewer 8


Pagkukunwari at Pagtatago ng Tunay na Sarili: Ang pagpapanggap ni Donya
Consolacion na Europeo ay nagpapakita ng kanyang insecurities.

Mga Mahalagang Tauhan


Donya Consolacion: Isang mapagpanggap at malupit na karakter.

Sisa: Ang inaapi at pinahihirapan ni Donya Consolacion.

Alperes: Ang asawa ni Donya Consolacion na nagagalit sa kanyang pagmamalupit kay


Sisa.

Kabanata 40: Karapatan at Kapangyarihan


Tagpuan: San Diego

Buod:

Mayroong pagdiriwang at orkestra, na nasa harap ang mga awtoridad ng munisipyo


at mga Kastila, habang ang mga mahihirap ay nasa likod.

Don Filipo: Tenyente Mayor

Dapat mamahala sa palabas ngunit mas pinili ang pagsusugal kaysa dumalo.

ANG PALABAS:

Ang atensyon ng mga tao ay nasa palabas maliban kay Padre Salvi na dumalo
para makita si Maria Clara.

Dumating si Ibarra at nagkaroon ng bulong-bulungan, kaya nagalit si Padre


Salvi at sinabing paalisin siya.

Dahilan ni Don Filipo kung bakit di pinaalis si Ibarra:

1. May malaking kontribusyon si Ibarra sa palabas.

2. Kinakausap siya ng Kapitan-Heneral.

Sinabi ni Padre Damaso na kung hindi palalayasin si Ibarra, sila ang aalis.

Mas pinili ni Don Filipo na umalis ang mga prayle.

Noli me Tangere Reviewer 9


Dumating ang dalawang guardia civil at pinapahinto ang palabas dahil sa away
ng alperes at ng kanyang asawa.

Nagkagulo sa palabas, nagkaroon ng sapakan at barilan.

Hinahanap ni Ibarra si Maria Clara.

Inutos ni Don Filipo na hulihin ang mga tulisan at wag pabayaang makaalis.

Mga Mahalagang Tauhan


Don Filipo: Isang lider na pumapanig sa katarungan at kapakanan ng bayan.

Padre Salvi: Isang pari na nagpakita ng kapangyarihan laban kay Ibarra.

Ibarra: Ang pangunahing karakter na patuloy na hinaharap ang mga pagsubok sa


kanyang adhikain.

Maria Clara: Ang inspirasyon ni Ibarra na patuloy niyang hinahanap sa kabila ng mga
kaguluhan.

Kabanata 41: Dalawang Panauhin


Buod:

Elias at Ibarra:

Dumating si Elias upang itanong kay Ibarra kung may ipagbibilin ba siya sa
Batangas.

Nakibalita si Elias at tinanong kung paano napigil ang gulo kagabi.

Lucas at Ibarra:

Nagpakilala si Lucas kay Ibarra bilang kapatid ng lalaking namatay noong may
kaguluhan.

Hiningi ni Lucas ang abuloy para sa pamilya ng kanyang kapatid.

Dahil abala si Ibarra sa pag-aalaga kay Maria Clara, sinabi niyang saka na lang
aasikasuhin iyon.

Nainis si Lucas dahil mas mahalaga pa ang kalagayan ni Maria Clara kaysa sa
kanyang kapatid.

Noli me Tangere Reviewer 10


Nagalit si Lucas kay Ibarra dahil sa pahirap ng ama ni Ibarra sa buhay ng kanilang
pamilya.

Mga Tema at Mensahe:

Pagkakaiba ng Pribilehiyo: Ipinakita ang agwat sa pagitan ng mayayaman at


mahihirap sa pakikitungo ni Ibarra kay Lucas.

Paghihiganti: Ang galit ni Lucas ay nagmula sa mga paghihirap na dinanas ng kanilang


pamilya mula sa ama ni Ibarra.

Mga Mahalagang Tauhan:

Ibarra: Patuloy na nakikisalamuha sa mga taong naapektuhan ng kanyang pamilya.

Elias: Ang tagapagtanong at tagapagbalita.

Lucas: Ang nagpakilala bilang kapatid ng lalaking namatay at may hinanakit kay
Ibarra.

Kabanata 42: Ang Mag-asawang De Espadaña


Buod:

May sakit si Maria Clara at iniisip ni Kapitan Santiago kung sino ang dapat hingan ng
dasal.

Dumating ang mag-asawang Espadaña kasama si Linares mula sa Espanya.

Ipinakilala ni Doña Victorina si Linares kina Kapitan Santiago.

Don at Doña Espadaña:

Donya Victorina, 45 taong gulang ngunit sinasabing 32.

Don Tiburcio, 35 taong gulang, dating nagtatrabaho sa barko.

Nagpakasal at nanirahan sa Sta. Ana.

Nagpakilala bilang 'de Espadaña' para magmukhang marangal.

Si Linares ay itinuring nilang anak dahil hindi sila magkaanak.

Tiningnan ni Don Tiburcio si Maria Clara at sinabing gagaling siya.

Naakit si Linares kay Maria Clara.

Noli me Tangere Reviewer 11


Dumating si Padre Damaso na galing sa sakit at unang dinalaw si Maria Clara.

Mga Mahalagang Tauhan:

Donya Victorina: Mapagpanggap at may hangaring magmukhang marangal.

Don Tiburcio: Ang asawa ni Donya Victorina na tumayong doktor.

Linares: Naakit kay Maria Clara at itinuring na anak ng mag-asawang Espadaña.

Maria Clara: Ang may sakit na pangunahing karakter.

Padre Damaso: Nagpakita ng malasakit kay Maria Clara.

KABANATA 43: Mga Balak o Panukala

Sa kabanatang ito, kitang-kita ang pag-aalala ni Padre Damaso kay Maria Clara. Pinuntahan niya
ang dalaga sa kanyang silid at nanangis na sinabing hindi ito mamamatay. Nagulat ang mga tao
sa pagsasabuhay ng pari ng kanyang malambot na puso, na ipinapakita ang kanyang pagmamahal
kay Maria Clara.
Pagkatapos ay lumabas si Padre Damaso para managhoy sa silong ng balag. Nagkaroon naman
ng pagkakataon si Donya Victorina na ipakilala si Linares sa pari. Ipinakita ni Linares ang sulat
kung saan sinasabing naghahanap siya ng trabaho at asawa. Ayon kay Padre Damaso, mabilis na
matatanggap si Linares sa trabaho dahil abogado ito sa Universidad Central.

Paghahanap ng trabaho at paghahanap ng asawa ni linares

Si Linares ang gustong mapangasawa ni Padre damaso kay Maria Clara

Lucas: Lalakeng madilaw (Kapatid nya) (Binigayan siya ni Ibarra ng limang daan piso)

Si Linares ay isang Abogado

KABANATA 44: Pagsusuri ng Budhi


Sa kabila ng matinding lagnat at deliryo ni Maria Clara, patuloy siyang inaalagaan nina Tiya
Isabel at ng mga kaibigan nito. Ginagawa rin naman ni Kapitan Tiago ang kanyang makakaya,
tulad ng pagpapamisa at pag-aabuloy sa simbahan. Sa wakas, gumaling ang lagnat ni Maria
Clara dahil sa gamot na nireseta ni Don Tiburcio.

Pagbibigay ng tungkod na ginto sa birhen ng Antipolo

Noli me Tangere Reviewer 12


Si Padre Damaso ay lilipat ng ibang parokya

Dahilan bakit nagkasakit si Maria Clara: Iniisip nya ang ipaparusa o pagrurusa kay Ibarra

Ipinayo kay Maria clara na sya ay mangumpisal

Si Padre Salvi ang mangumipsal sakanya

Lumabas si Padre Salvi na pawis na pawis at pagod na pagod pagkatapos ng


pangungumipsal ni Maria Clara

KABANATA 45: Ang mga Pinag-uusig


Sa kabanatang ito, natagpuan ni Elias si Kapitan Pablo sa isang yungib matapos ang anim na
buwan na hindi pagkikita. Sinubukan ni Elias na kumbinsihin si Kapitan Pablo na sumama sa
kanya sa lupain ng katutubo upang makapamuhay ng payapa. Ngunit, tinanggihan ito ng Kapitan
dahil nais niyang ipaghiganti ang sinapit ng kanyang mga anak sa kamay ng mga dayuhan.
Kwento ni Kapitan Pablo, ang kanyang anak na dalaga ay pinagsamantalahan ng isang alagad ng
simbahan. Ang isa naman niyang anak na lalaki ay pinagbintangan sa isang nakawan sa
kumbento, hinuli, at ibinitin. Ang isa pa niyang anak na lalaki ay pinahirapan dahil
pinaghinalaang maghihiganti at sa huli ay kumitil ng sariling buhay. Dahil dito, nais ni Kapitan
Pablo na gumanti sa mga taong nagdulot ng sakit sa kanyang pamilya.

May Bagong Karakter: Matandang pablo

Anim na buwan na hindi nagkikita si Matandang Palbo at si Elias

May mga pinaglalaban ang mga Rebelde at tulisan sa San diego

Sa bayan ng SAN DIEGO may mga rason ang rebelde kung ano ang pinaglalaban nila

May tatlong anak si Matandang Palbo: Dalawang LALAKI at Isang Babae

Pinagsamatalahan ang anak na babae at kinulong sa kumbento ang isang anak ni matandang
pablo

Ang isang anak niyang lalake ay pinaghihinilaan na naghihiganti at siya ay hinuli ng


guwardiya sibil at siya at pinahirapan at nag pakamatay ang anak niya.

Kinewento ni Elias Si Ibarra kay Matandang Pablo Kasi aayain ni Elias si Ibarra sa kanilang
samahan na paghihiganti

Pumayag na sumama si Ibarra na sumama sa kanilang samahan Si Matandang Pablo

Noli me Tangere Reviewer 13


Kabanata 53:Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga
Sa pulpito, binigyang diin naman ng kura sa kanyang sermon ang tungkol sa kaluluwa sa
purgartoryo. Ang usapan ay hindi nakaligtas sa matalas na paningin nina Don Filipo at
Pilosopong Tasyo na ilang araw na ilang araw ngt naghihina.

Kumalat na sa Bayang San diego ang mga kumakalat na tulisya

=Bagong Chracter: Pilosopong tasyo, Don Filipo

Nag bitiw na ng posisyon si Don Filipo

Hihiling si Pilosopong tasyo kay Don Filipo

Ang Hiling ni Pilosopong tasyo ay ang pakiusap sakanya si Crisostomo Ibarra

Kabanata 46: Ang Sabungan


Buod:

Pagpupulong sa Sabungan:

Dumalo ang alkalde, Kapitan Pablo, Kapitan Basilio, at Lucas sa sabungan.

Nakilala sina Tarsilo at Bruno, dalawang lalaki na nawalan ng ama dahil sa isang daang
palo ng mga sundalo araw-araw.

Mga Tema at Mensahe:

Karahasan ng mga Kolonyal na Awtoridad: Ipinakita ang kalupitan ng mga sundalo sa


karanasan nina Tarsilo at Bruno.

Paghihiganti at Katarungan: Ang pagkakaroon ng galit at paghihiganti dulot ng kalupitan.

Mga Mahalagang Tauhan:

Tarsilo at Bruno: Mga anak ng lalaking namatay dahil sa kalupitan ng mga sundalo.

Alkalde, Kapitan Pablo, Kapitan Basilio, at Lucas: Mga tauhang dumalo sa sabungan.

Kabanata 47: Ang Dalawang Donya


Buod:

Noli me Tangere Reviewer 14


Donya Victorina at Donya Consolacion:

Habang iniikot ni Donya Victorina ang kanyang lupa, nakasalubong nila si Donya
Consolacion.

Nagalit si Donya Victorina dahil hindi namangha si Donya Consolacion sa kanyang


suot.

Nagkaalitan sila at dumating ang tenyente upang itigil ang kanilang away.

Sinabi ni Donya Victorina kay Tiburcio na hamunin ang tenyente, ngunit tumanggi ito.

Dinurog ni Donya Victorina ang pustiso ni Tiburcio sa kalsada.

Bumalik si Tiburcio at Donya Victorina sa bahay ni Maria Clara at sinabing hamunin ni


Linares ang tenyente.

Nagbabala si Donya Victorina kay Maria Clara na huwag magpakasal sa duwag.

Mga Mahalagang Tauhan:

Donya Victorina: Mapagmataas at mapagkunwari.

Donya Consolacion: Katunggali ni Donya Victorina.

Tiburcio: Asawa ni Donya Victorina na inutusan na hamunin ang tenyente.

Kabanata 48: Isang Talinhaga


Buod:

Pagbisita ni Ibarra kay Maria Clara:

Hindi na ekskomunikado si Ibarra at nagdala siya ng sulat mula sa arsobispo na


nagrerekomenda para sa kanyang paaralan.

Nakita ni Ibarra sina Maria Clara at Linares na gumagawa ng koronang bulaklak, kaya't
nawala ang kanyang ngiti.

Inisip ni Ibarra kung pagtataksil ba ang kanyang nakita.

Bumalik si Ibarra upang asikasuhin ang kanyang paaralan at pinuntahan si Maestro Juan
upang hilingin ang listahan ng mga trabahador.

Mga Tema at Mensahe:

Noli me Tangere Reviewer 15


Pagtataksil at Pag-aalinlangan: Ipinakita ang pagdududa ni Ibarra sa nakita niyang kilos
nina Maria Clara at Linares.

Edukasyon at Pag-asa: Ang patuloy na pagsusumikap ni Ibarra sa pagtatayo ng paaralan.

Mga Mahalagang Tauhan:

Ibarra: Nagpapakita ng patuloy na pagsusumikap kahit may pag-aalinlangan.

Maria Clara at Linares: Ang ipinakita nilang kilos ay nagdulot ng pagdududa kay Ibarra.

Maestro Juan: Arkitekto ng eskwela.

Kabanata 49: Tagapagbalita ng mga Api


Buod:

Pag-uusap nina Ibarra at Elias:

Sumakay si Ibarra sa bangka ni Elias at napansin niyang mukhang inis si Elias.

Sinabi ni Elias na siya ang tagapagbalita ng mga sawing palad at ibinahagi ang kanilang
mga plano kay Ibarra.

Nagdebate sina Ibarra at Elias tungkol sa mga buti at di-butinh naidudulot ng simbahan
at mga sanhi ng panunulisan.

Sa huli, hindi napapayag ni Elias si Ibarra sa kanyang pakiusap at sinabing magtitiwala


na lang sa Diyos.

Mga Tema at Mensahe:

Pananaw at Paniniwala: Ipinakita ang magkaibang pananaw nina Ibarra at Elias tungkol sa
pagbabago at katarungan.

Pakikipagtulungan at Pagtitiwala: Ang hirap sa pagkakaroon ng pagkakaisa sa layunin.

Mga Mahalagang Tauhan:

Ibarra: Nagpapakita ng pag-aalinlangan sa mga plano ni Elias.

Elias: Tagapagbalita ng mga sawing palad at nagtatangkang magpalit ng pananaw ni Ibarra.

Kabanata 50: Ang Kasaysayan ni Elias


Buod:

Noli me Tangere Reviewer 16


Kasaysayan ng Pamilya ni Elias:

Ang lolo ni Elias ay isang bookkeeper sa isang negosyanteng Kastila sa Maynila.

Nasunog ang bodega ng negosyante at sinisi sa lolo ni Elias.

Nilatigo ang lolo ni Elias ng paulit-ulit bilang parusa.

Nanganak ang lola ni Elias ng isang may diperensyang sanggol na namatay agad, kaya't
nagpakamatay ang lolo.

Tumakas ang lola kasama ang kanilang dalawang anak na lalaki.

Ang nakatatandang kapatid ay naging tulisan, habang ang nakababatang kapatid ay


naging mabuting tao.

Naging obrero ang nakababatang kapatid at nagkaroon ng kambal na sina Elias at


Concordia.

Si Concordia ay nawala at natagpuang patay, kaya't si Elias ay nagpalaboy-laboy sa iba't


ibang lugar.

Mga Tema at Mensahe:

Kawalang-Katarungan at Kalupitan: Ipinakita ang kalupitan at kawalang-katarungan na


dinanas ng pamilya ni Elias.

Paghihiganti at Kalungkutan: Ang trahedya sa buhay ng pamilya ni Elias ay nagdulot ng


paghihiganti at kalungkutan.

Mga Mahalagang Tauhan:

Elias: Ang pangunahing karakter na nagkaroon ng trahedya sa buhay.

Pamilya ni Elias: Ang kanilang trahedya ay nagbigay ng konteksto sa buhay ni Elias.

Kabanata 51: Ang Mga Pagbabago


Buod:

Sulat para kay Linares:

Nakareceive si Linares ng sulat mula kay Donya Victorina na sinasabing


makikipaghamon siya sa Alperes.

Noli me Tangere Reviewer 17


Dumating si Padre Salvi sa bahay ni Kapitan Tiago at binalita na tinanggal na ang
ekskomunikasyon ni Ibarra.

Si Padre Damaso na lamang ang hadlang sa pagpapatawad kay Ibarra.

Tinungo ni Ibarra ang bahay ni Maria Clara at tinanong si Sinang kung may galit sa
kanya si Maria Clara.

Sinabi ni Sinang na pinapasabi ni Maria Clara na limutin na siya ni Ibarra.

Umalis na si Ibarra pagkatapos nito.

Mga Tema at Mensahe:

Pagbabago at Kapatawaran: Ipinakita ang pag-aalis ng ekskomunikasyon ni Ibarra at ang


pagbabago sa kanyang sitwasyon.

Paglimot at Pagpapatawad: Ang pakiusap ni Maria Clara na limutin na siya ni Ibarra.

Kabanata 52: Ang Malapad na Bato


Buod:

Pag-uusap ng Tatlong Tao:

Tatlong tao ang nag-uusap sa labas at pinag-uusapan si Elias.

Mga Tema at Mensahe:

Tsismis at Pag-uusapan: Ipinakita ang epekto ng mga pangyayari sa buhay ni Elias sa mga
tao sa paligid.

Mga Mahalagang Tauhan:

Tatlong Tao: Ang kanilang pag-uusap ay nagpapakita ng epekto ni Elias sa komunidad.

Kabanata 54: Walang Lihim ang Hindi Nabubunyag


Ang katotohanan ay laging lumalabas sa bandang huli – Tulad ng pagbubunyag ng lihim na
pag-aalsa sa kabanatang ito, wala talagang sikreto na hindi nabubunyag. Mahalaga ang
pagiging tapat at bukas sa ating mga gawain upang maiwasan ang anumang gulo o problema
sa hinaharap.

Noli me Tangere Reviewer 18


Ang pagkakaroon ng matalik na kaibigan ay mahalaga sa panahon ng kagipitan – Sa
pagdating ni Elias upang ipaalam kay Ibarra ang nalalapit na panganib, ipinakita dito ang
tunay na pagkakaibigan at pagsuporta sa isa’t isa. Kailangan natin ng mga kaibigang
handang tumulong at suportahan tayo sa oras ng kagipitan.

Ang pag-unawa sa ating pinagmulan at kasaysayan ay makakatulong upang matutunan ang


mga aral mula sa nakaraan – Sa pagbasa ni Elias tungkol kay Don Pedro Eibarramendia,
natuklasan nila ang kanilang koneksyon sa nakaraan at ang epekto nito sa kanilang
kasalukuyang buhay. Ang pagkilala sa ating pinagmulan ay makakatulong upang magsilbing
paalala sa atin na huwag ulitin ang mga pagkakamali ng nakaraan.

Kumalat sa bayang san diego na mag kakaroon ng kaguluhan

Kaya natakot ang lahat ng tao dahil may nangumpisal kay Padre Salvi na may mangyayari
daw na kaguluhan at pagsabog sa San Diego.

Pupuntahan ni Elias si Ibarra

Huhulihin na si Ibarra ng Guwardiya Sibil

Maleta ni Ibarra: Itak (Balaraw), Reborbe, Larawan ni Maria Clara, Kinukuha niya ang
mga liham ni Maria Clara

Nakita ni Ibarra ang Sobres galing sa kanyang lolo

Ang Lolo or ninuno ni Ibarra ang nangbintang sa Lolo ni Elias na nagletse letse ang buhay
ng pamilya nila.

Nalaman ni Elias na ang gumawa nun sa kanyang pamilya ay ang Angkan ng kanyang
Kaibigan na si Ibarra

Kabanata 55: Ang pagkakagulo:


Nagtipon-tipon sina Kapitan Tiago, Tiya Isabel, at Linares para sa hapunan habang si Maria
Clara at Sinang ay nasa harap ng piano. Naghihintay si Maria Clara kay Ibarra. Pagsapit ng
ikawalo ng gabi, narinig ang batingaw ng simbahan at nagsimulang magdasal ang mga tao sa
pangunguna ni Padre Salvi. Biglang pumasok si Ibarra at narinig ang mga putok ng baril sa
labas. Nagtago si Padre Salvi habang kalmado si Ibarra. Dumating ang alperes at pinababa si
Padre Salvi. Nagtaguan sina Maria Clara at Sinang sa kwarto habang umalis si Ibarra. Pag-uwi ni

Noli me Tangere Reviewer 19


Ibarra, nag-impake siya at nagdala ng pera, alahas, at sandata. Inaresto siya ng mga gwardiya
sibil.
Samantala, naguguluhan si Elias at nagpunta sa bahay ni Ibarra, ngunit nakita niyang wala ito.
Kinuha niya ang mga salapi, alahas, larawan ni Maria Clara, at mga sandata ni Ibarra. Nang
dumating ang mga gwardiya sibil, sinunog ni Elias ang bahay bago tumakas. Sinubukan ng mga
gwardiya sibil na pasukin ang bahay, ngunit wala silang nakita kundi usok at apoy.

May nag kumpisal kay Padre salvi na may mangyayare na pagsabog

Si Padre Salvi ay kasama si Maria Clara at Linares

Alas otso ng gabi magaganap ang pagsabog

Si Ibarra ay nasa tahanan ni Maria Clara

Pagtapos ng pagsabog kinuha ni Ibarra ang Kanyang Kabayo kaso sya ay nahuli at nadakip
ng Guwardiya Sibil

Bumalik si Elias sa bahay ni Ibarra

Sinunog ni Elias ang mga papales

Mga Mahalagang Pangyayari sa Kabanata 55

1. Pagdating ni Ibarra: Pumasok si Ibarra habang nagdadasal sina Kapitan Tiago at narinig
ang mga putok ng baril sa labas.

2. Pag-aresto kay Ibarra: Inaresto ng mga gwardiya sibil si Ibarra kahit hindi alam ang
dahilan ng kanyang pagkakadakip.

3. Pagtakas ni Elias: Kinuha ni Elias ang mga gamit ni Ibarra at sinunog ang bahay upang
hindi makita ng mga gwardiya sibil ang ebidensya.

Kabanata 56: Ang mga sabi at kuro-kuro:


Buod ng Kabanata:
Kinabukasan, takot at katahimikan ang bumalot sa bayan ng San Diego. Isang batang lalaki ang
naglakas-loob na magbukas ng bintana, at dahil dito ay nagsimula nang magbukas din ang ibang
mga bintana ng mga magkakapit-bahay. Ang katahimikan ay napalitan ng ingay ng iba't ibang

Noli me Tangere Reviewer 20


kwento at haka-haka. May nagsabing grupo ni Kapitan Pablo ang lumusob, habang ang iba'y
nagsabi na nagkaengkwentro ang mga pulis at konstabularyo.
May mga bali-balita na nagtangka si Ibarra na itanan si Maria Clara at pinigilan ito ni Kapitan
Tiago sa tulong ng mga gwardiya sibil. Samantala, isang lalaki ang nagkuwento kay Hermana
Pute na nagtapat si Bruno tungkol sa relasyon nina Maria Clara at Ibarra. Bukod dito, isang
babae ang nagsabing nakita niya si Lucas na nakabitin sa ilalim ng puno ng santol.

Ang sabing kuro kuro na ang dahilan ng pagsabog ay si Kapitan Pablo

Ang sinabi ng iba ang kuwaldereyo ang kumakip kay Ibarra

Tinangkang itanan ni Ibarra si Maria Clara

Si Bruno daw ang nangunguna sa pag sabog

Ang Sibil daw ang nagsunog ng bahay ni Ibarra

Mga Mahalagang Pangyayari sa Kabanata 56


1. Pagkakalat ng Tsismis: Lumaganap ang iba't ibang bersyon ng mga pangyayari sa bayan ng
San Diego.

2. Pagbubukas ng Bintana: Isang batang lalaki ang nagbukas ng bintana at sinundan ng mga
kapitbahay, na nagpakita ng kanilang tapang sa kabila ng takot.

3. Balita kay Lucas: Isang babae ang nagsabing nakita si Lucas na nakabitin sa ilalim ng puno
ng santol.

Kabanata 57: Vae Victus (Mga Talunan)


Buod ng Kabanata:
Sa harap ng tribunal, nagbabantay ang mga gwardiya sibil at nagbabanta sa mga batang sumisilip
sa rehas. Ang tribunal ay malungkot at nagtipon ang mga konstabularyo at mga pulis. Dumating
si Padre Salvi at isang batang babae na umiiyak at duguan ang salawal. Hinaharap ni Padre Salvi
ang mga bihag ng gwardiya sibil, kabilang sina Tarsilo Alasigan at Andong.

Itinanong kay Tarsilo kung may kinalaman si Ibarra sa paglusob, ngunit iginiit niya na wala itong
kinalaman at gusto lang nilang ipaghiganti ang kanilang amang pinatay ng mga gwardiya sibil.
Sa kabila ng pagpapahirap, nanatili siyang tahimik at sa huli ay namatay. Sunod na binalingan si

Noli me Tangere Reviewer 21


Andong, isang sintu-sinto, na inusisa ngunit walang makuhang impormasyon sa kanya. Ipinag-
utos ng alperes na ibalik si Andong sa kapitolyo at doon ibilanggo.

Nakita ni Padre Salvi si Tarsilo

Si Bruno ay nakitang patay pinatadtad ng saksak

Bangkay nalang na nakita si Pedro

Nakita rin Si Lucas na patay

Mga Mahalagang Pangyayari sa Kabanata 57


1. Interogasyon kay Tarsilo: Pinahirapan si Tarsilo ngunit nanatili siyang tahimik at hindi
nagsalita laban kay Ibarra.

2. Kamatayan ni Tarsilo: Pinatay si Tarsilo matapos siyang malunod at magdugo.

3. Pag-imbestiga kay Andong: Inimbestigahan si Andong ngunit wala siyang kinalaman sa


paglusob.

Kabanata 58: Ang Sinumpa


Buod:
Nababalitaang dadalhin na sa kapitolyo ang mga bilanggo, kabilang si Ibarra. Nagkakagulo ang
mga kamag-anak ng mga bilanggo sa kwartel. Si Don Filipo, Antonio, Andong, Albina, at si
Ibarra ay kabilang sa mga ipapadala. Habang tinutulungan ng kanilang mga mahal sa buhay ang
mga bilanggo, si Ibarra ay walang dumamay sa kanya, at ang kalungkutan ng lahat ay nauwi sa
galit at pang-aalipusta laban kay Ibarra. Habang nangyayari ito, si Pilosopo Tasyo ay
nagmamasid mula sa talampas, at kinabukasan, natagpuan siyang patay sa pintuan ng kanyang
bahay.

1. Tauhan:

Crisostomo Ibarra: Nananatiling kalmado sa kabila ng pang-aalipusta ng mga tao.

Pilosopo Tasyo: Namahinga na sa kanyang tahanan.

Don Filipo, Antonio, Andong, Albina: Kabilang sa mga bilanggo.

2. Pangyayari:

Noli me Tangere Reviewer 22


Pagdadala ng mga bilanggo sa kapitolyo.

Kalungkutan at galit ng mga tao laban kay Ibarra.

Pagkamatay ni Pilosopo Tasyo.

Kabanata 59: Pagmamahal sa Bayan


Buod:
Nailathala sa pahayagan ang mga pangyayari, at naging iba-iba ang interpretasyon ng mga tao. Si
Kapitan Tinong, na minsang naging malapit kay Ibarra, ay natatakot at pinayuhan ni Don
Primitivo na magbigay ng regalo sa Kapitan Heneral. Nang gabi, nagkaroon ng pagtitipon ang
mga Espanyol at mestiso na nag-usap tungkol kay Ibarra, at ang mga gwardiya sibil ay dumating
sa bahay ni Kapitan Tinong na nanginig sa takot.

1. Tauhan:

Kapitan Tinong: Natatakot sa pagkakadawit kay Ibarra.

Don Primitivo: Nagpayo kay Kapitan Tinong.

Kapitana Tinchang: Nangamba sa sitwasyon ng asawa.

2. Pangyayari:

Balita tungkol kay Ibarra sa pahayagan.

Pagkatakot ni Kapitan Tinong at payo ni Don Primitivo.

Pagtitipon ng mga Espanyol at mestiso.

Kabanata 60: Ang Kasal ni Maria Clara


Buod:
Si Kapitan Tiago ay umuwi na may latay sa katawan. Si Kapitan Tiago naman ay masaya sa
nalalapit na kasal ni Maria Clara at Linares. Habang abala ang lahat, nagtungo si Maria Clara sa
asotea at nakita si Ibarra sa bangka. Ibinigay ni Ibarra ang kanyang kalayaan kay Maria Clara at
ipinahayag ang kanyang pagmamahal. Inamin ni Maria Clara na si Padre Damaso ang kanyang
tunay na ama at hindi pumayag sa kasal nila ni Ibarra.

1. Tauhan:

Kapitan Tiago: Masaya sa nalalapit na kasal.

Noli me Tangere Reviewer 23


Maria Clara: Nalaman ang tunay na pinagmulan.

Padre Damaso: Tunay na ama ni Maria Clara.

2. Pangyayari:

Kasal ni Maria Clara at Linares.

Pagkikita nina Ibarra at Maria Clara sa asotea.

Pag-amin ni Maria Clara tungkol sa kanyang ama.

Kabanata 61: Ang Habulan sa Lawa


Buod:
Plano ni Elias na itago si Ibarra sa Mandaluyong. Habang naglalakbay sa lawa, nakaharap sila sa
mga gwardiya sibil. Si Elias ay tumalon sa tubig upang iligaw ang mga humahabol. Sa kabila ng
pagsisikap ni Elias, nakarinig ng putok ng baril si Ibarra at nakita ang dugo sa tubig ngunit
walang bangkay.

1. Tauhan:

Elias: Sinakripisyo ang sarili para kay Ibarra.

Crisostomo Ibarra: Nagtago sa bangka habang tumatakas.

2. Pangyayari:

Pagtakas ni Ibarra kasama si Elias.

Paghahabol ng mga gwardiya sibil.

Pagkawala ni Elias sa lawa.

Kabanata 62: Ang Paliwanag ni Padre Damaso


Buod:
Nagsadya si Maria Clara kay Padre Damaso at hiniling na ipahinto ang kasal kay Linares.
Nangako si Padre Damaso na gagawin ang lahat para matupad ang hiling ni Maria Clara.
Pumayag siya na magmadre na lamang si Maria Clara kaysa magpakamatay. Humingi ng tawad
si Padre Damaso sa Diyos sa nangyari sa kanyang anak.

1. Tauhan:

Maria Clara: Nagsabi ng kanyang saloobin kay Padre Damaso.

Noli me Tangere Reviewer 24


Padre Damaso: Humingi ng tawad sa Diyos para kay Maria Clara.

2. Pangyayari:

Pakiusap ni Maria Clara kay Padre Damaso.

Pagpayag ni Padre Damaso na magmadre si Maria Clara.

Kabanata 63: Noche Buena


Buod:
Nagpatuloy si Basilio sa kanyang paglalakbay para makasama ang kanyang ina at kapatid. Sa
kanyang pagdating, nalaman niyang baliw na ang kanyang ina. Sinundan ni Basilio ang kanyang
ina hanggang sa natagpuan niya ito at niyakap. Subalit, namatay si Sisa sa kanyang mga bisig.
Dumating si Elias, sugatan at humihingal, at binilin kay Basilio na sunugin ang kanilang mga
bangkay at gamitin ang kayamanang inilibing sa ilalim ng puno ng balite para sa kanyang pag-
aaral.

1. Tauhan:

Basilio: Patuloy sa paglalakbay upang makasama ang pamilya.

Sisa: Baliw na ina ni Basilio.

Elias: Sugatan na tumulong kay Basilio.

2. Pangyayari:

Pagkikita ni Basilio at Sisa.

Pagkamatay ni Sisa.

Pagdating ni Elias at kanyang habilin kay Basilio.

Kabanata 64: Katapusan


Buod:
Pumasok si Maria Clara sa kumbento upang maging madre. Si Padre Damaso ay natagpuang
patay sa kanyang higaan, habang si Padre Salvi ay patuloy na naghintay na maging obispo. Si
Kapitan Tiago ay nangayayat sa sobrang pagdadalamhati at nalulong sa bisyo. Si Donya
Victorina ay naging kutsero habang si Linares ay namatay sa sakit. Si Donya Consolacion ay
nalulong sa alak at iniwan ng alperes.

Noli me Tangere Reviewer 25


1. Tauhan:

Maria Clara: Pumasok sa kumbento.

Padre Damaso: Natagpuang patay.

Padre Salvi: Patuloy na naghintay na maging obispo.

Kapitan Tiago: Nangayayat at nalulong sa bisyo.

Donya Victorina: Naging kutsero.

Linares: Namatay sa sakit.

Donya Consolacion: Nalulong sa alak at iniwan ng alperes.

2. Pangyayari:

Pagpasok ni Maria Clara sa kumbento.

Pagkamatay ni Padre Damaso.

Pagbabago sa buhay ni Kapitan Tiago at iba pang tauhan.

Noli me Tangere Reviewer 26

You might also like