Little Mermaid

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

LITTLE MERMAID

CAST:

Ari: Ira

Ursel: Jaycee

King Triton: Ralph

Sebastian: Charles

Oceana: Althea

Narrator: Angela

---START OF THE STORY---

[BM: https://youtu.be/6FssN9TAUAY?si=oilgJ4QmG83ohCjj]

Narrator: Sa kailaliman ng karagatan, sa silong ng alon, matatagpuan ang isang kaharian na mistulang paraiso at
puno ng ganda't hiyas. Ang kaharian na ito ay hindi ordinaryo, ito ay puno ng kababalaghan at kagandahan na
kakaiba sa mga mata ng sinumang makakakita. May mga lumot na kumikislap na parang mga bituin sa kalangitan,
ang mga puno ng kelp na sumasayaw sa agos ng tubig at ang mga isda ay naglalakihang tila mga pambihirang ibon.

Narrator: sa loob ng mahiwaga at napakalaking kaharian na ito makikita sa kasukluksukan ang isang
napakagandang sirena. Ang kanyang mga mata ay parang mga perlas na kumikinang, naglalabas ng liwanag at
kagandahan. Sa bawat hampas ng kanyang buntot, kanyang pinapaypay ang tubig na gumagawa ng mga alon na
parang musika.

[Change BM: https://youtu.be/_7b0g-yWygc?si=mK8pPW-vfUwDYLsB]

[Sebastian following Ari (habang nagpupulot sya ng mga gamit sa floor)]

Sebastian: Ano na naman ba ang kumuha sa atensyon mo at napadpad na naman tayo sa lugar na ito? alam mo
namang pag nalaman ito ng iyong ama ay tiyak na hindi nya ito magugustuhan.

Ari: shhh kaya nga tayo ay palihim na umalis sa palasyo. May nakita akong kumikintab kanina na tila’y
nakakabighaning tignan. Huwag kang magalala Sebastian, hindi tayo magtatagal dito

Sebastian: haaayy hindi ko na alam ang gagawin ko saiyo mahal na prinsesa

[Tawa ka lang dito Ira]

Narrator: Pagkatapos masiguro ni Sebastian na bumalik na ang Prinsesa sakanyang silid-tulugan, ay dumiretso na
ito upang ilahad sa Hari ang mga kaganapan na nangyari sa araw iyon.

[King Ralph will enter the scene] [BM:https://www.youtube.com/watch?

v=8jVC4h0VWX0&list=PL97D506D1D832E2CD&index=3] [Sebastian will take a bow as a sign of respect]

Sebastian: Binabati ko ang Hari ng Karagatan

King Triton: Kamusta ang iyong araw Sebastian?

[lalapit si Sebastian kay triton]

Sebastian: Katulad pa rin ng dati kamahalan, Malaki ang interes ng mahal na prinsesa sa mga nasa ibabaw ng
karagatan. Pagpaumanhin mo kamahalan at kahit anong payo ang ibigay ko sakanya ay tila ba umaakto ang prinsesa
na parang hindi nya ako naririnig.

King Triton: Mukhang kahit ako ay wala ng magagawa para sa aking anak, ngunit hanggat hindi nya sinusubukan
na lumayo sa aking palasyo at pumunta sa mundong ibabaw ay pansamantala muna natin syang hayaan sakanyang
ginagawa. Pero kahit ganoon ay kailangan ko parin ang iyong tulong na gabayan sya sa araw–araw Sebastian.

Sebastian: Ito po ay masusunod kamahalan. [Take a bow, then alis k n]


Narrator: Tila nga ba’y kakaiba ang pananaw ng munting prinsesa kumpera sakanyang mga kapatid na walang
interes sa mga bagay na nahuhulog mula sa ibabaw ng karagatan. Kaya naman minabuti ni Haring Triton na ibilin
ang kanyang bunsong anak na si Ari sakanyang tagapayo na si Sebastian.

Narrator: Hanggang sa isang araw, patagong umalis ang prinsesa palayo sa palasyo upang muling tumingin ng mga
gamit sa abandonadong barko na lumubog nung nakaraang araw. Ngunit hindi alam ng prinsesa na malapit na ito
sa baybayin kung saan matatagpuan ang mga nakatira sa ibabaw ng karagatan.

[Ursel will Enter the scene pero sa gilid ka lang muna]

Ursel: Mukhang may bisita tayo sa araw na ito (Tawa ka nyan after ng line na to)

Narrator: Habang magsasayang naglalakabay si Ari na tilay hindi nararamdaman ang panganib na maaari nyang
sapitin sa abandonadong barko, Si Ursel naman ay patuloy na nagmamasid at inaalam ang interes ng prinsesa upang
mabuo nya ng maayos ang kanyang plano.

--- Sing Acapella: Part of Your world --- [while nagkakanta nag llook around ka sa mga things around the stage]

Lyrics:

I wanna be where the people are


I wanna see, wanna see 'em dancin'
Walking around on those, what do you call 'em?
Oh, feet
Flippin' your fins, you don't get too far
Legs are required for jumping, dancing
Strolling along down a, what's that word again?
Street
Up where they walk, up where they run
Up where they stay all day in the sun
Wanderin' free, wish I could be
Part of that world.

[Change BM: https://youtu.be/zU0JBlib4CQ?si=wESFPgSomM4-_RSW] [Rey sa music, pag umabot sya ng


0:35 stop mo muna sya non]

[Ikot ikot k lang here Ira habang tumitingin tingin para ka lang nag iikot sa mall ganern] [tas Jaycee, mag hand
gesture ka na parang nagiisip k habang naka tingin ka kay ira]

Ursel: Psstt Narito ako

Ari: [tingin ka sa likod mo] Mali lang ba ako ng pagkakarinig? [balik ka ulit sa window-shopping mode]

Ursel: Ariel, puntahan mo ako [mas malalim sana ang tone ng voice here]

Ari: Sino ka? At bakit alam mo ang pangalan ko? Magpakita ka ngayon din

Ursel: Nandito ako Ariel, Ipagpaumanhin mo at tila ba ang lagay ko ngayon ay wala sa kondisyon upang puntahan
ang iyong lokasyon. Sundan mo ang boses ko at mahahanap mo ako [Naglalakad ka na dito Ira papunta kay Jaycee]

Ari: Malapit na ba ako? Ano ang pangalan mo at bakit ka narito?

Ursel: Ang dahilan at nandito ako ay kapareho ng dahilan kung bakit ka nandito, Ariel. Nandito ako.

[Magkikita na kayo dito]

Ari: [Act na parang nagulat ka] Ikaw ay isang Pugita…..

Ursel: [Tawa ka dito nyan] Hindi ka nagkakamali riyan. Mukhang interesado ang munting prinsesa sa mga bagay na
galing sa mundong ibabaw. Alam ba ng hari ng karagatan na ang lugar na pinuntahan ng kanyang mahal na anak ay
malapit sa baybayin na abot kamay ang mundong ibabaw?

Ari: Ikaw ba ay nagbabanta dahil gusto mo akong paalisin sa lugar na ito?


Ursel: Hindi sa ganoon mahal na prinsesa, Pinapunta kita rito upang bigyan ka ng pagkakataon na makapunta sa
mundong ibabaw.

Ari: Hindi ko gusto ang iyong biro

Ursel: Ngunit hindi ako nagbibiro

Ari: Kung ganoon ay sabihin mo sa akin ang iyong nais makamit. Nasisiguro ko na hindi mo ko pagkakalooban ng
magandang regalo kung wala itong kapalit.

Ursel: [Tawa ka yung malakas] Anak ka nga ni Triton. Ngunit ang tanging pinagkaiba niyo lamang ay
Kinakasuklaman ng iyong ama ang mundong ibabaw.

Ari: Kilala mo ang aking ama? At bakit ganyan mo sya tawagin?

Ursel: Kung ganoon ay ang tanging gusto ko lamang ay ang iyong boses kapalit ng pagbibigay ko sayo ng paa upang
makatapak ka sa lupang ibabaw.

Ari: Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko

Ursel: Ipagpaumanhin mo mahal na prinsesa ngunit malapit na ang oras ng aking paglisan kaya naman kailangan ko
ng makuha ang iyong desisyon.

Ari: Papaano ko mababalik ang aking boses???

Ursel: Kapag nahanap mo nawawalang sirena na may boses na kayang pagalingin ang lahat

Ari: Pumapayag ako saiyong alok.

[Rey sa part na to ih continue mo yung music kanina start ng


0:36 https://youtu.be/zU0JBlib4CQ?si=wESFPgSomM4-_RSW]

Narrator: At nagtagumpay nga si Ursel na Kapatid ni Triton sa pagkuha sa boses ni Ariel. Binigyan nya ng Paa si
Ariel at tinulungan nya itong makarating sa baybayin na kung saan magsisimula ang kanyang paglalakbay upang
hanapin ang manggagamot na sirena upang maibalik ang boses na kinuha sakanya.

[Alisin mo ung tail here. Then look amaze sa dalawa mong paa. Then dahan dahan kang tumayo. Tas dapat kunwari
matutumba ka pa jan. and pagapang ka mageexit sa stage]

Narrator: Sa kabilang banda, puno ng pangambang naglalakad si Sebastian habang hinahagilap nya ang lokasyon
ng kanilang mahal na prinsesa.

Sebastian: Impossible! Ngayon ko lang hiniling na sana ay mali ang iniisip ko

Narrator: Nagpasya si Sebastian na lumisan sa palasyo at puntahan ang abandonadong barko na manghang
pinakatitigan ni Ariel bago ito nagpasya na tumakas nung kinagabihan.

Sebastian: Mahal na Prinsesa! (ikot ikot ka sa stage kunwari naghahanap ka) Ariel! Saan ka ba tumungo mahal na
prinsesa!

Narrator: Habang naghahanap si Sebastian ay napansin nya ang maliit na salamin na palaging dala dal ani Ariel
malapit sa baybayin kung saan makikita ang mga nilalang sa mundong ibabaw.

Sebastian: Hindi ito maaari, kailangan ko syang maibalik sa palasyo bago pa ito malaman ni haring triton.

Narrator: At doon nagpasya si Sebastian na sundan at hanapin si Ariel sa mundong ibabaw.

[Change BM: https://youtu.be/JZs9R0haI_s?si=T7acy_NHFRmWRffk]

[Nakadapa si ira dito (nasa dalampasigan na sya) di nya alam how mag lakad]

Extra 1(Ralph): Ano iyon? Bakit parang may tao na nakahiga sa parteng iyon?

[E1 lalapitan si Ira]

Extra 1: Binibini! Gumising ka! Ayos ka lang ba????

Ari: [tignan mo lang sya]

Extra 1: Hindi mo ba naalala ang nangyari saiyo??


Ari: [iling ka lang]

Extra 1: Halika at dadalhin kita sa makakatulong saiyo

Ari: [tango ka here]

[BM: https://www.youtube.com/watch?v=Y_xB_maPsF8]

Narrator: At tinulungan ng isang mamamayan si Arielle patungo sa isa sa napakagaling na manggagamot sa


Kaharian ng Rimundo. Kilala rin ito sakanyang ugali na matulingin sa kanyang kapwa mamamayan.

[Oceana will enter the scene]

Oceana: Batid ko na hindi mo raw maalala ang mga nangyari bago ka dumayo sa lugar na ito. Ako nga pala si
Oceana. Maaari ko bang malaman kung natatandaan mo ba ang iyong pangalan?

Ari: [tignan mo lang si oceana]

Oceana: Ikaw ba ay nahihirapan magsalita binibini?

Ari: [tango ka here]

Oceana: Maari mo bang ih sulat kung ano ang iyong pangalan?

Ari: [Write your name “Ari” ha wag Ira HAHA]

Oceana: Maari mo bang isulat kung saan ka nakatira?

Ari: [iling ka]

Oceana: Hindi mo ba maalala ang iyong tahanan?

Ari: [iwas ka ng tingin, tas iling]

Oceana: kung ganoon ay gusto mo bang tumira muna dito hanggang sa bumalik ang lahat ng Nawala mong
memorya? Maari mo rin akong tulungan sa aking trabaho pag bumuti na iyong karamdaman.

Ari: [ tingin k ulit kay oceana, then dahan dahan k mag slight. Tas tango ka ng medyo aggressive]

Oceana: [tawa k here (para kong kausap sarili ko pero sige)] Natutuwa ako na handa kang tanggapin ang tulong ko
Ari. Ikaw ay magpahinga muna dito at mangongolekta muna ako ng mga herbal na maaaring makatulong upang
bumuti ang pakiramdam mo.

Ari: (gently smile here, tas tango ka)

[Sa scene na to gagawin niyo lang yung ninanarrate ni narrator]

Narrator: Noong bumuti na ang kalagayan ni Ari ay unti unti syang tinulungan ni Oceana upang matuto syang
maglakad. Hindi alam ni Oceana na nagpapanggap lamang si Ari na nalimot nya ang kanyang mga memorya.
Lumipas ang ilang linggo, natutunan ni Ari mamuhay at makisalamuha sa mundo ng mga tao. Bagaman hirap pa rin
syang makipag salamuha sa iba dahil sakanyang nawawalang boses, nagpursigi parin syang gawin ang kanyang
makakaya upang makatulong sa pangaraw-araw na gawain ni oceana.

[BM: https://youtu.be/KgEQNlR4A6o?si=PwT57w5jwiPA2jcZ]

[Sa part nato Charles, mag ikot ikot ka sa stage as if may hinahanap ka]

Narrator: Samantala, inikot ikot ni Sebastian ang dalampasigan at nagbabakasakaling mahanap nya ang kanilang
munting prinsesa. Ngunit nang kanyang mapagtanto na hindi na nya mahahanap si Arielle sa dalampasigan,
nilakasan nya ang kanyang loob na tumungo sa Kaharian ng mga tao upang hanapin ang kanilang nawawalang
prinsesa.

[hinga ka lang ng malalim Charles then exit ka na non sa stage]

[Ari will enter the scene. This time may dala kang basket]

Narrator: Habang naglalakad si Arielle, napansin nya na sa kabilang dulo si Oceana na nahihirapan sapagkat ang
lalaki sa harap nya ay nakaluhod at mistulang nagmakakaawa sakanya.

[Nasa likod lang si ira dito. Then Si Jaycee nakaluhod sa harap ni Althea]
[BM: https://youtu.be/hgmYS57iffc?si=yFNn-agKkNpDnfyS]

Extra 2 (Jaycee): Ang sabi nya saakin kaya mo raw pagalingin ang kahit anong kapansangan. Tulungan mo ako!
Parang awa mo na! kahit anong gusto mo ibibigay ko saiyo basta tulungan mo ako!

Oceana: Tumayo ka na riyan at dalhin mo ako sakanya

Narrator: Naglakad si Oceana kasama ang lalaki na nagmamakaawa sakanya patungo sa lugar na kanilang
pinagusapan. Sinundan sila ni Arielle hanggang sa dumating sila sa dalampasigan kung saan nakaratay ang isang
babae (extra 3) na walang malay.

[Ira sa part na to,

Extra 2: Eto sya! Eto sya! Tulungan mo ako!

Oceana: [hawakan yung pulse] hay,, ipangako mo sa akin na kahit anong mangyari, hindi mo ipagsasabi ang kung
ano mang makikita mo rito.

Extra 2: Pangako! [tango tango ka lang]

[Rey, stop mo muna BGM dito]

Oceana: [mag sing sha here]

[Extra #3 after mag sing ni Althea dun mo didilat mata mo]

[Tas Ira, mag act kang na shock dito to the point na mabibitawan mo basket na dala mo]

[Mapapatingin si Oceana sa narinig nyang basket na nalaglag. Then makikita nya si Arielle na naglalakad paalis]

[BM: https://youtu.be/0h586jhXtqI?si=XJCclAjplFFEHFKR]

Narrator: Napagtanto ni Arielle ang lihim na matagal ng tinatago ni Oceana. Hindi nya alam ang kanyang
mararamdaman sa kanyang nadiskubre. Sya ba ang Sirena na tinutukoy ni Ursel? Ngunit bakit sya narito sa lupa?
Bakit hindi nawala ang kanyang boses?

[Ira sa part na to habang nagnarrate si angela babalik kalang kunwari sa bahay then ikot ikot ka don, as if nagiisip
ka. Troubled looking ka dapat here]

[Mapapastop kang maglakad Ira once na pumasok si Oceana ulit sa scene after ng narration. Then lalapit sya sayo]

Oceana: May nais ka bang malaman, Ari?

[kuha ka paper then sulat] [sa part na to angela, ih narrate mo ung susulat ni Ira]

(Narration) Ari: Handa ka bang sabihin ito sa akin kung sakali mang itanong ko saiyo ang mga gusto kong
malaman?

Oceana: Kung handa ka rin ih bahagi sa akin ang iyong kwento Arielle.

Ari: (Magulat k dito) (then iwas tingin, then dahan dahan ibalik ung tingin kay oceana, then tango ka ng mabagal)

Oceana: Kung ganon ay ih babahagi ko saiyo ang kwento ng aking buhay. Halika at umupo tayo dito dahil
mukhang mahaba ang magiging gabi natin sa araw na ito.
Narrator: Nagumpisa si Oceana sa pagkwento sakanyang buhay kay Arielle. Sinabi nya na isa syang sirena na may
kakayahang maging anyong tao dahil sa kadahilanang ang kanyang Ina ay isang tao at ang kanyang Ama ay isang
sirena. Sinabi nya rin kay Arielle na kapatid nya ang kanyang Ama na si Haring Triton. Kaya naman nung unang
beses palang na makita ni Oceana si Arielle ay nagduda na sya dahil ang anyo nito ay halos kasing kahawig ng
kanyang kapatid na si Triton. Ih kinwento nya kay Arielle ang dahilan kung bakit nanatili sya dito sa lupa ay dahil
napamahal na sakanya ang mundong ito at alam nya rin na hanggang ngayon ay hindi parin sya napapatawad ng
kanyang kapatid na si triton.

(habang nag nnarate si angela dito, papasok ulit si haring triton sa kabilang side then parang naguusap sila
ni Oceana here)

Haring Triton: Alam mo ang ginawa ng mga taong iyon sa ating Ina! Pagkatapos ng lahat ng kanilang ginawa ay
sasabihin mo sa akin na gugustuhin mong tumira pa rin doon?

Oceana: Lahat ng ala-ala ng ating Ina ay nasa mundong iyon! Naiintindihan ko ang iyong hinagpis Triton, ngunit
kahit na ganoon ang sinapit ng ating mahal ina, alam ko na napakahalaga sakanya ng mundong iyon. Hindi lahat ng
nanakit sakanya ay katulad din ng ibang tao na naninirahan doon Triton!

Haring Triton: Kung iyan ang iyong desisyon, pwes siguraduhin mo na hindi ka na babalik sa mundong ito. Dahil
Oceana, sa araw na gugustuhin mong bumalik dito, hindi kita tatanggapin sa aking kaharian. Simula ngayon
kalimutan mo ng parte ka ng kahariang ito!

(exit na non si Triton)

(Enter ulit si Ari then balik lang ulit sa parang naguusap silang dalawa. Si Ari non kunwaring nagsusulat)

Narrator: Pagkatapos maikwento ni Oceana ang kanyang sinapit, inilahad din ni Ari ang kanyang kwento kay
Oceana. Nagumpisa sya sa pagkwento kung papaano nakuha ng mga gamit ng mga tao ang kanyang interes,
kagustuhan nyang pumunta sa mundong ito, hanggang sa makilala nya si Ursel. Inilahad din ni Arielle na kahit
nakuha nya ang kanyang gusto, sya ay nahihirapan pa rin sapagkat kinuha sakanya ang boses na isa sa
pinakamahalaga para sa mga sirena.

Narrator: Sinabi nya na pakiramdam nya ay kahit anong piliin nya, hindi sya hahayaan ng mundo na maging
masaya. Ang tanging gusto nya lang naman ay ang suporta ng kanyang Ama na makipagsalamuha sa ibang tao. Na
tanggapin kanyang Ama ang kanyang buong personalidad.

[Rey, stop mo muna BGM dito]

Oceana: Naiintindihan ko ang iyong nararamdaman Arielle dahil ibinahagi mo sa akin ang iyong iniisip at
nararamdaman. Ngunit, hindi ito maiintindihan ng iyong ama kung hindi mo ito sasabihin sakanya. Naiintindihan ko
man ang galit ni triton sa mga nakatira sa lupa, ngunit hindi maiaalis na ito ang dahilan kung bakit napilitan kang
kimkimin ang iyong damdamin at ih tago ang iyong tunay na personalidad. Ganonpaman, sa munting panahon na
tayo ay nagkasama, Nakita ko ang iyong sensiridad, kasipagan, at ang iyong kasiyahan sa paglalakbay sa mundong
ito. Ngunit, hindi pa rin tama na umalis ka sakanyang kaharian ng walang paalam. Tiyak na labis na ang kanyang
takot at pangamba dahil saiyong biglaang pagkawala.

(Narrate mo ulit to ange) (sulat mo ung ninarrate ni angela, ira)

Ari: Kung ganoon, matutulungan mo ba akong maibalik ang boses ko?

Oceana: Susubukan ko

Narrator: Pumunta ulit sila Oceana at Ari sa dalampasigan upang subukang ih balik ang boses na nawala kay Arielle.

Oceana: **sing smthhh****

(balik na rin dito buntot ni ira)

[After singing]
[BM: https://youtu.be/A1nyEKZWAUI?si=sOn0X1Y4xFwRmQzm]

Ari: Oceana…

Oceana: [Smile ka lang]

[hug mo nlng aq here Ira]

Ari: Maraming Salamat Oceana! Maraming Salamat! Sa ilang linggo kong paninirahan sa mundong ito marami
akong natutunan at mas lalo akong napamahal sa lugar na ito. Ngunit sa ngayon, pansamantala muna akong babalik
sa karagatan at susubukan kong ipakita sa aking ama ang pinagkaiba ng mundong kumpera sa iniisip nya tungkol sa
mundong ito. Ngunit, magkikita parin naman tayo hindi ba?

Oceana: (may ibibigay ka here, shell if meron) Sa Araw na iyong pagbalik, hipan mo ito. Maririnig ko iyan at
pupuntahan kita kung saan ka man mapadpad, Ari.

[Patakbong papasok dito si Sebastian]

Sebastian: Mahal na prinsesa! Arielle! Arielle! [papalapit ka dito kay Ari]

Oceana: Mukhang sumakto ang gagabay saiyo pabalik sainyong kaharian, Arielle.

[then magugulat si Charles dito upon seeing oceana]

Sebastian: Binabati ko ang Mahal na Prinsesa Oceana. (then bow)

Oceana: Natutuwa akong makita kang muli Sebastian.

Oceana: Halinat kayo ay humayo. Paniguradong labis na ang pangamba at pangungulila ni Triton sa kanyang anak.
Ikaw na ang bahala kay Arielle, Sebastian.

Sebastian: Masusunod po kamahalan.

Ari: [Hug moa q ulit] Babalik ako Oceana, Hanggang sa muli ng pagkikita.

Oceana: Magiingat kayo : ))))

Narrator: Tuluyan na ngang bumalik sila Arielle at Sebastian sa ilalim ng Karagatan. Doon nila Nakita Si Haring
Triton na kita ang takot at pangamba sa kanyang itsura. Sila ay nagyakapan at pagkatapos noon ay nagsimulang
magkwento si Arielle tungkol sakanyang naging paglalakbay sa mundo ng mga tao. At dito nagtatapos ang kwento
ng Munting Sirena na si Arielle.

[BM: https://youtu.be/HPve8BwUOdc?si=ZT2DWzO-MnaTalSl] [Start ka na agad sa 0:11]

--- END OF STORY---

You might also like