Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

UNIVERSITY OF THE IMMACULATE CONCEPTION

Basic Education Department


Grade School
Bajada, Davao City

Plano sa Pagkatuto

Asignatura: Filipino 3 Petsa: Pebrero 14, 2022 Linggo Blg. 2


Paksang Yunit: Sandigan ng Lahi Ikarangal Natin Markahan Blg. 3 Paksa Bg. 1

Paglilipat ng Mithiin:
Ang mga Ignacian Marian na mag-aaral sa kanilang sariling kakayahan ay
nakapaglalahad ng sariling saloobin sa pamamagitan ng pagsulat ng isang malikhaing tula
hinggil sa kanilang nararamdaman na may kaugnayan sa problemang kinakaharap ngayon.

Mahahagang Pang-unawa: Mahalagang maunawaan ng mga mag-aaral ang matutong


sumulat ng tula dahil mahahasa ang kanilang kakayahang sumulat, nakapaglalahad ng sariling
ideya sa pamamagitan ng pagkamalikhain sa pagsulat na magpapalawak ng kanilang isipan.

MahahalagangTanong:
Bakit mahalagang matutong sumulat ng isang tula?

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
-----

I-Pambungad na Gawain
 Panalangin
 Pagtala ng mga lumiban sa klase
 Pamukaw sigla

 Pagbabalik Aral: Ugnayang tanong sagot gamit ang raise hand button.

Ano-ano ang mga napag-uusapan natin noong nakaraang klase?

 Pokus: Elemento ng Tula

 Pagganyak: Panonood ng video clip/ pakikinig ng isang awitin


Panuto: Sagutin ang mga katanungan tungkol sa mensahe ng awiting napakinggan.

1. Ano ang mensaheng inihahatid ng awiting “Tayo’y Dahon Lamang?”


2. Sino ang tinutukoy ng awitin?
3. Paano inihahalintulad ang buhay ng tao sa dahong nakakabit sa puno?
4. Ano ang simbolismong ginagamit sa awitin?
5. Anong gintong aral ang nakuha mo mula sa awitin?
6. Paano mo mapapatatag ang iyong pananampalataya kung ikaw ay nasa gitna ng
pagkalumo sa buhay?
 APK: Pagtatapat-tapat
Panuto: Sagutin ang mga katanungan.

Gaano mo mapahahalagahan ang isang tula?


Paano mo magagamit ang tula sa kasalukuyang panahon?

II. Pagpapalawak ng Aralin

A. Pagpapakilala ng Konsepto

Pagkatapos ng talakayan, inaasahan na:


 maunawaan ko ang mga salitang may malalim na kahulugang ginamit
sa tula; at
 makasusulat ng sariling tula.

Itatanong ang EQ:


 Bakit mahalagang pag-aralan ang mga element ng tula?

Gawain 1: Pagtalakay ng mga tambalang salita gamit CANVA

Gawain 2: Pangkatang Gawain (Differentiated Activities)


 Hahatiin ang klase sa apat na pangkat, bawat pangkat ay may gawaing ibibigay

Interpersonal -Pagsulat ng Pangungusap


Ilahad ang mga pangungusap gamit ang mga tambalang salita

Linguistic-Verbal: Pagsulat ng Tula ( prepared article)

Ayusin ang mga gulo-gulong salita para mabuo ang wasto at tamang talata

Bigkasin ng pangkat ang nagawa nilang tula

Logical Mathematical-problem solving


Magbigay ng solusyon batay sa sitwasyon na ibibigay ng guro. Isulat sa google slide.

Visual -Spatial: Flash card (Ilagay sa google slide)

Magbigay ng mga halimbawa ng tambalang salita na may kahulugan

Mga prosesong tanong:


1. Ano ang ibig sabihin ng tambalang salita?-
2. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga tambalang salita? EQ
3. Maunawaan niyo ba ang salita kung kulang ito?-
4. Bakit kailangan nating matutunan ang kahulugan ng mga tambalang salita?-

B. Pagpapalalim ng Konsepto:

Sagutin ang mga tanong

1. Ano-ano ang mga tambalang salita na iyong ginamit sa mga gawaing ibinigay. -
2. Bakit mahalaga na pag-aralan ang mga tambalang salita? EQ
3. Paano nakatutulong ang tambalang salita sa pag-unlad ng iyong komunikasyon?

C. Integrasyon

1. Ignacian Core/ Related Values – Kahusayan


Paano mo magagamit nang wasto ang iyong kahusayan sa pagsasalita?

2. Social Orientation –JEEPGY ( Engaged Citizenship)


Paano mo maibabahagi sa mga tao ang iyong husay sa pagsasalita?

3. Lesson Across Discipline – Language, Reading


Paano mo mas mapapalawak ang kaalaman sa tambalang salita sa iba pang
asignatura?

4. Biblical Reflection: 1 Timoteo 4:13


Hanggang sa ako ay makapangyarihayan sa iyo, iukol mo ang iyong sarili sa pagbabasa,
sa
pagpapayo at sa pagtuturo

III. Pagtataya- Pagpipili gamit QUIZZES


Panuto: Suriin ang pangunugsap kung alin ang tambalang-salita. Piliin ang titik ng tamang
sagot.

1. Ang binatang iyon ay isang hampas-lupa subalit hindi ito naging hadlang upang makatapos
siya ng pag-aaral. Alin ang tambalang salita sa pangungusap?

a. hampas -lupa
b. pag-aaral
c. makatapos

2. Si Lito ay patuloy pa rin ang pagiging kayod-kalabaw dahil umaasa siyang makapagtapos ng
pag-aaral at makakuha ng magandang trabaho. Alin ang tambalang salita sa pangungusap?

a. magandang
b. kayod-kalabaw
c. patuloy

3. Abot kamay na niya ang kanyang mga pangarap sa buhay dahil may trabahong naghihintay
para sa kanya matapos ang kanyang pag-aaral. Alin ang tambalang salita sa pangungusap?
a. abot -kamay
b. pag-aaral
c. naghihintay

4. Siya na ngayon ay ang ingat-yaman ng isang malaking kompanya sa kanilang lugar. Alin ang
tambalang salita sa pangungusap?

a. ingat-yaman
b. lugar
c. kompanya

5. Dahil sa kanyang pagbabalatkayo hindi siya nakilala ng kanyang mga kaibigan. Alin ang
tambalang salita sa pangungusap?

a. kaibigan
b. pagbabalat-kayo
c. nakilala

IV. Buod/Aksyon – Exit Slip gamit ang raise hand button


Kumpletuhin ang mga pahayag:

Sa araw na ito, ang aking natutunan ay


___________________________________________

V. TakdangAralin/ Enrichment
Panuto: Lagyan ng tsek () kung ang salita ay tambalang salita at ekis (x) kung hindi.

___1. kapitbahay
___2. balat-sibuyas
___3. balikbayan
___4. asignatura
___5. libro

Mga Sanggunian:
Revised Learning Module

Mga websites:

http://spireuplearning.blogspot.com/2017/07/mga-tambalang-salita.html

Mga Kagamitang Pampagkatuto / Visual Aids:

ppt, quizzes, nearpod


Inihanda ni: Winasto ni:

Bb. Floramie Tulabing Gng.Sandra Sarania


Signature over Printed Name Signature over Printed Name
Subject Teacher Subject Specialist

Remarks on the Status of Implementation


____________________________________________________________________________
____
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
__________

You might also like