Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Paano ako magiging mandirigma sa panalangin?

Lumalapit tayo sa Diyos sa panalangin sa iba’t ibang kadahilanan – upang sumamba , magpahayag ng kasalanan at
humingi ng tawad, magpasalamat sa lahat ng Kanyang pagpapala, upang humingi ng mga bagay para sa ating sarili o
humingi ng mga bagay para sa iba. Ang mandirigma sa panalangin ay kahilingan sa Diyos ng mismong nananalangin
para sa kanyang sariling mga pangangailangan.

Makikita sa Bibliya ang maraming mandirigma sa panalangin.


Ang mga salmo ni David ay punong puno ng paghingi ng kahabagan sa Diyos sa Awit 4:1,

Mga Awit 4:1


4 Sagutin mo po ang aking pagtawag,
O Diyos, na aking kalasag!
Sa kagipitan ko, ako'y iyong tinulungan,
kaawaan mo ako ngayon, dalangin ko'y pakinggan.

Santiago 4:2
2 Mayroon kayong ninanasa ngunit hindi ninyo makamtan, kaya't pumapatay kayo, mapasainyo lamang
iyon. May mga bagay na gustung-gusto ninyo ngunit hindi ninyo maangkin, kaya kayo'y nagkakagalit at
naglalaban-laban. Hindi ninyo nakakamtan ang inyong ninanais dahil hindi kayo humihingi sa Diyos.

Maaaring ang pinakamagandang paraan upang lumapit at humingi sa Diyos ay ang paghiling sa Diyos ng buong
katapatan gaya ng isang anak na lumalapit sa kanyang mahabaging ama, ngunit ang paghingi ay nagtatapos sa, “ang
kalooban Mo ang masunod”

Mateo 26:39
39 Lumayo siya nang kaunti, nagpatirapa siya at nanalangin, “Ama ko, kung maaari po, ilayo ninyo sa akin
ang kopang ito ng paghihirap. Ngunit hindi po ang kalooban ko, kundi ang kalooban ninyo ang mangyari.”

Malinaw na ang mandirigma sa panalangin ay bahagi ng pakikipagbakang espiritwal ng mga Kristiyano. Itinuro din
ni Pablo sa Iglesya sa Filipos na pawiin ang kanilang kabalisahan sa pamamagitan ng tapat na pananalangin ng
pasasalamat at paghingi. Ayon kay Pablo, ito ang kaparaanan upang matiyak na ang “kapayapaan ng Diyos na hindi
kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa kanilang puso at pag-iisip dahil sa kanilang pakikipag-isa kay
Cristo Jesus”

Filipos 4:6-7
6 Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong
kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. 7 At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang
maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay
Cristo Jesus.

Ang paraan ng pagsagot ng Diyos sa mga panalangin ay naaayon umano sa laki ng pananampalataya ng taong
nananalangin.

Ngunit ang totoo, kadalasan ay sinasagot ng Diyos ang ating mga dalangin sa kabila ng ating kakulangan ng
pananampalataya. Hindi sa ating mga sarili nagmumula ang kapangyarihan ng panalangin; hindi ito sa pamamagitan
ng mga espesyal na salita na ating sinasabi o espesyal na paraan kung paano natin sinasabi ang mga salita o kung
gaano natin kadalas sinasambit ang mga salita.

Ang kapangyarihan ng panalangin ay hindi base sa direksyon kung saan tayo nakaharap o kung ano ang posisyon ng
ating mga katawan sa ating pananalangin.

Ang kapangyarihan ng panalangin ay nagmumula sa makapangyarihang Diyos na nakikinig at sumasagot sa ating


mga dalangin.

Dinadala tayo ng panalangin sa isang pakikipagugnayan sa Makapangyarihang Diyos at makaaasa tayo ng


makapangyarihang resulta, sagutin man Niya o hindi ang ating mga kahilingan.

Anuman ang sagot ng Diyos sa ating mga panalangin, ang Diyos na ating dinadalanginan ang tanging pinagmumulan
ng kapangyarihan ng panalangin at sinasagot Niya tayo ayon sa Kanyang perpektong panahon at kalooban.

You might also like