Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Isang araw may isang mahirap na sapatero, siya ay may materyales nna

para lamang sa isang pares ng sapatos. Kinagabihan, ginupit at inihanda


na niya ang mga materyales para gawin ito sa umaga. Kinaumagahan,
laking gulat niya na makita ang sapatos na yari na at mahusay ang
pagkakagawa nito. Dahil sa husay ng pagkakagawa, madali niya itong
naipagbili kaya't nakabili siya ng materyales para sa dalawang pares
naman na sapatos.

Pagbalik sa kanyang tahanan, inihanda na niya muli ang mga gagamitin


para sa kinabukasan. Kinaumagahan paggising niya nakita niya muli na
yari na ang dalawang pares ng sapatos. Kaya agad niyang ipinagbili ito,
nang mabili ang dalawang pares ng sapatos bumili naman siya ng mga
gamit para sa apat na pares ng sapatos. Inihanda niya muli ang mga ito
sa ibabaw ng lamesa upang magawa niya sa umaga. Ito na naman ang
nangyari, tila may tumutulong sa kanya sa paggawa ng mga sapatos.
Kinalaunan, sa tulong ng mahiwagang mga sapaterong panggabi,
gumaling ang buhay ng sapatero.

Kaya't napatanong ang sapatero sa kanyang asawa, "Sino kaya ang


mabait na tumutulong sa akin,".

"Sino nga kaya? Gusto mo, huwag tayong matulog mamaya at tingnan
natin kung sino nga siya?" sagot nito.

Kinagabihan, nagkubli ang mag-asawa sa likod ng makapal na kurtina


para makita kung ano nga ang nangyayari sa gabi. Nang tumugtog ang
alas dose, biglang pumasok sa bintana ang dalawang kalbong duwende.
Tuloy-tuloy ito sa mesa at sinimulan agad ang pagtatrabaho. Kumakanta
at sumasayaw ang mga ito habang gumagawa, pagkatapos magawa ang
mga sapatos, mabilis silang tumalon sa bintana.

Dito nalaman ng mag-asawa na mga duwende pala ang tumutulong sa


kanila. Kaya nakaisip ang asawa ng sapatero na ipagtahi ang mga
duwende ng pantalon at baro bilang pasasalamat. Ipinatong nila ito sa
mesa kinagabihan at nagtago uli sila sa likod ng kurtina.

Tuwang-tuwa ang mga duwende nang makita ang mga damit dahil
nahulaan nilang para sa kanila iyon. Isinuot nila ang mga ito at sumayaw-
sayaw sa galak. Pagkatapos nilang magawa ang mga sapatos, mabilis ulit
silang tumalon sa bintana na suot ang mga bagong damit. Buhat noon
hindi na bumalik ang dalawang duwende ngunit nagpatuloy naman ang
swerte sa buhay ng mag-asawa na marunong gumanti at tumanaw ng
utang na loob.

You might also like