agARAng Patutsada Column

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Panawagan sa Pagkilos: Kalayaan sa Karahasan at Pag-

aabuso
Siguridad ang sigaw ng karamihan sa patuloy na pag usbong ng giyera
kontra droga sa ilalim ng bagong administrasyon. Ayon sa National
Council of Churches in the Philippines o NCCP, “Patuloy pa rin ang
patayan at paglabag sa karapatang pantao nang buong laya na umabot sa
humigit 200 na kaso mula noong Hulyo 2022 hanggang Marso ngayong
taon. Patuloy ang pangamba ng mga tao lalo na’t marami pa rin sa
ngayon ang naiuulat na sangkot sa mga karumaldumal na Patayan sanhi
ng malubhang giyera kontra droga.
Mula noong 2016, ibinunyag ng pulisya ng Pilipinas na sila ay
kasangkot sa pamamaslang ng higit sa 6,200 katao sa iba’t ibang drug
raids sa buong bansa. Iniulat ng United Nations Office of the High
Commissioner for Human Rights (OHCHR) noong 2020 na 8,663
pamamaslang ang ginawa sa "drug war. Noong Mayo 2021, naghain ng
hiling ang Office of the Prosecutor ng International Criminal Court na
magbukas ng imbestigasyon tungkol sa posibleng krimen laban sa
sangkatauhan na naisagawa sa kampanya kontra-droga ng Pilipinas.
Simula nang maluklok sa puwesto noong Hulyo 2022, hindi pa rin
tinatapos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang "giyera kontra droga"
ng gobyerno ng Pilipinas na humantong sa libo-libong napaslang, ayon
sa Human Rights Watch ngayong araw sa World Report 2023 nito.
Sa isang forum na pinangunahan ng Center for Strategic and
International Studies, sinabi ni Marcos na ang digmaang droga ni
Duterte ay "nakatuon nang husto sa pagpapatupad" kung saan mayroong
"mga pang-aabuso ng ilang elemento sa gobyerno." “Sa aking pananaw,
ang nangyari noong nakaraang administrasyon ay nakatutok tayo nang
husto sa pagpapatupad, at dahil diyan, masasabing may mga pang-
aabuso ng ilang elemento sa gobyerno at nagdulot ito ng ilang pag-aalala
sa maraming bahagi tungkol sa sitwasyon ng karapatang pantao sa
Pilipinas,” aniya. Inamin pa niya na ang problema sa droga sa Pilipinas
ay "nasa pagpapatupad" kung saan ang mga enforcer ay "nahigop sa mga
kakila-kilabot na sistemang ito na nagpayaman sa kanilang sarili" sa
kabayaran ng maraming buhay.
Matatandaang naging madugo ang operasyon ng ilegal na droga noong
panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ngunit sa kabila nito
sinisiguro ng bagong administrasyon na patuloy ang kampanya ni
Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kontra sa ilegal na droga.
Pero ayon kay Press Secretary Beatrix “Trixie” Cruz-Angeles,
kinakailangang naka-angkla at naayon sa batas ang gagawing operasyon
ng Philippine National Police (PNP). Sinabi pa ni Angeles na malaki ang
tiwala ng Pangulo sa bagong talagang PNP chief na si General Rodolfo
Azurin Jr.
Sa harap ng mga kaganapan na ito, tayo ay humihiling ngayon ng
agarang pagkilos. Ipagtanggol natin ang karapatang pantao at itigil ang
giyera kontra-droga. Mangibabaw ang katarungan at pananagutan sa
mga nagkasala. Hinihimok natin ang bawat mamamayan na makiisa sa
kilusang pagbabago, kahit sa maliliit na paraan, upang magkaroon tayo
ng isang lipunang malaya sa karahasan at pang-aabuso.
Isang malakas na tinig at sama-sama tayong kumilos para sa hustisya at
kapayapaan. Ipaglaban natin ang karapatang pantao, at palayain ang
ating bansa mula sa takot at karahasan ng giyera kontra-droga!

You might also like