Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Punla ng Pag-asa!

Ni: Dylan Tyler M. Martinez

Usapang bagyo, at lindol ba ang nais mong pag-usapan? Kilala ang Pilipinas
bilang isang bansa na nasa loob ng “pacific ring of fire”, at isang bansa na katabi ang
Pacific Ocean. Bawat taon ang mga Pilipino ay nasusubok sa mababagsik na bagyo
at mga lindol.

Marahil ang isipan mo ay nauusisa kung ano? At paano tayo maka liligtas sa
mga sakunang atin’ pang haharapinpa sa kinabukasan. May paraan nga ba? May
magagawa pa nga ba tayo? Kung meron, paano? At ano?

Pagtanim ang karaniwan at pinaka komon na sulosyon na maaaring maisip


ng bawat indibidwal. Ito ay napakalaking salik sa kalikasan sapagkat ito ay
maaasahan sa hinaharap at siguradong maka pro-protekta sa atin. Ang mga punong
kahoy ay iba’t iba ang klase at kakayanan. Isa sa natatanging puno nga ay ang
Swietenia o mas kilala sa pangalang mahogany, isa itong puno na wind breaker at ito
rin ay “invasive” dahil sa mga buto nito na mabilis tumubo sa balat ng lupa, isang
bagay din na napakamabuting dulot nito ay mabilis itong lumaki na napakabuting
“factor” sa pagrami ng mga punong kahoy at mabilisang pagkaroon ng mga punlang
itatanim, mabilis kumapal, at madaling alagaan. Kilala din ito sa matibay nitong baul
dahil sa ito ay kabilang sa mga puno na nakukosinderang “hardwood” na pina
paniwalaang matatag at matibay.

Gayunpaman umaapaw ang maaaring sulosyon natin sa mga natural na


kalamidad upang ang mga ito’y atin’ pang mas maiwasan. Lagi nating tandaan na sa
mundong ating ginagalawan kailangan natin ng disiplina at pagkakaisa sapagkat ang
mga salik na ito ay siyang magbubuklod tungo sa isang matibay at mayaman na
bansa sa larangan ng kalikasan. Kaya ikaw, simulan mo na ang pag-tanim ng punla
ng pag-asa.

You might also like