Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 1

4. Okay, as a contractor na? As a contractor na ba?

kasi ako may sarili na kong


experience. Ako, uhm, sarili kong experience during nung ano, imagine wala pang
isang taong engineer, nabagsakan ako ng uhm 28mm na bakal hahaha sa ulo and buti
may hard hat ako okay, yung hard hat is hindi substandard okay, hindi siya
substandard no? siya ay ano uhm pero syempre sa MDC 'yon, so mahigpit ang safety
don diba? so buti kamo, talagang may hard hat ako kasi nagtatanggal sila ng syarga,
alam niyo yung syarga? yung ginagawang parang ano pang kalang para mag straight
yung vertical bars, so tinatanggal nila, nabagsakan ako ng ano, ng ano, ng haha
28mm , naisip ko agad limang taon akong nag aral tapos nagtake ng exam, mawawala na
kaagad ako HAHAHAHA 'yun kaagad naisip ko aaand uhm, okay naman napa CT scan naman
ako, wala naming naging problema, so ayun, so dun palang nakita ko na kahalagahan
ng safety, okay? so syempre uhhhmm safety mahalaga 'yon, ang pwedeng maging kapalit
kasi is buhay, okay? so ayun, tapos another thing,so syempre sa uhm pagiging
contractor, so wala pa naman kaming high-rise high-rise, sa mga ano palang kami,
pinaka ano na namin is two-storey palang naman, hopefully no sana soon okay? so uhm
yun din, yung pagpapahal- uh pagpapaalala sa kanila, oh mahalaga yung toolbox ha?
mahalaga yung toolbox okay, so lalo kasi kapag ang workers mo na kinuha is hindi
galing sa mga ano, yung mga hindi galing sa mga high-rise o sa mga mahihigpit ang
safety, basta basta lang yan okay so kaya importante yung kahalagahan ng toolbox,
na paalalahanan niyo sila before gawin yung isang ano, isang work, so kinakailangan
na, meron silang kailangan na proper na tungtungan yun ganon ba, yun ang mahalaga
kasi din safety din ang mahalaga din, so dun palang sobrang halaga na ng safety

5. Ano bang experience? hmm oh siguro, hoy, naexperience na namin na ano talaga,
nagkaroon kami ng problema sa client, yung tipo na antagal magbayad tapos dumating
sa point na, ano tawag don? uhm as in talagang, yung wala talaga kaming pera
dumating po sa ganon, yung tipo talaga na kahit na ipangkakain na namin or
ipanggagala namin yung sarili naming ipon, kailangang unahin yung sahod ng, sahod o
bale ng mga tao, yun bang tipong ganon, yung may sarili kaming ipon pero
kinailangan namin na kuhanin yun kasi nga nasacrifice gawa ng may isang client na
antagal magbayad tapos hindi magbayad, may mga ganon, darating sa point yun,
masakit rin talaga sa ulo nung mga time na yun pero kailangan mo pa ring ibigay sa
tao syempre yung dapat, kaya talagang kahit wala kaming makain non, binigay namin
talaga sa ano namin, sa workers namin yung dapat na sahod nila, ayaw namin na
magbibigay kami ng kulang, yung for example, kalhati muna sahod, hindi namin ginawa
yon, madalas pa nga may pasobra pa sa kanila e na may pa-bale, so ganon. isa din sa
talagang skilled mo din dapat o factor din kung gusto mo maging contractor, is that
ano ka, makatao, parang ganon, kasi para matagal sayo yung tao mo, kasi kung wala
kang tao, paano ka magiging contractor? hindi mo naman kaya gawin mag isa yon. so
yun naranasan namin yun, during that time ang hirap, parang last year lang ata yon.
yung tipong parang sahod ko sa lspu tsaka sa teaching ko nabibigay namin don, mga
ganon, mahalaga lang makaraos para sa sahod ng tao.

You might also like