Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Christine P.

Tabang October 05, 2023


LCFILIB_Y02

Sa webinar na aking napanood, bawat isa sa mga ispeker ay may kanya


kanyang topic na binigyan ng pagpapaliwanag at paalala sa marami. Ayon kay
Professor Judy Taguiwalo, wika ang naging susi upang maraming Pilipino ang maging
konektado at nagkakaisa noong panahon ng Batas Militar. Ito ang naging susi rin upang
madaling maintindihan ang mga mahahalagang impormasyon at magbigay ito ng
pwersa upang maorganisa, mamulat at mapakilos ang mga Pilipino. Ilan din sa mga
punto na kanyang binigyan ng diin ay sa pamamagitan ng wika, ito ang nagsilbing daan
upang mabuksan ang kaalaman ng mga Pilipino sa mga bulok na sistema ng bansa at
ito rin ang midyum upang mabigyan ng solusyon ang mga problema. Para naman kay
Liza Masa, tila naging epektibo sa masa ang mga islogan na ginamit ng mga nakaraang
Pangulo ng Pilipinas upang makuha ang kanilang mga boto, ang mga islogan na
kanilang nagamit ay mga katagang nagri-repleksyon sa pang araw araw na hinaing ng
mga tao. Para sa kanya, talaga namang kahit na sino ay madadala sa kanilang mga
sinasabi. Subalit kahit na ito ay anong sarap pakinggan at paniwalaan, marami dito ay
napapako lang din. Ayon naman kay Obit De Castro, bilang isang aktibista, importante
na hindi lamang malakas ang boses tuwing nagsasalita o nagpapahayag sa harap ng
mga tao o tagapakinig, kinakailangan din na alam kung ano, papaano, sino at bakit may
isyung pambayan at sa dulo ay paano ito pwede gawin at resolbahin. At para naman sa
panghuling ispeker na si Tonio Cruz, kanyang binigyan diin ang mga paksa tungkol sa
mga isyu ng nagdaang Pangulo ng Pilipinas at ano ang naging silbi o ang kinalaman ng
internet sa pagpapalakas at pagpapalaganap ng mga isyung ito para sa kamulatan at
kaalaman ng mga Pilipino. Bagaman ganun man ang dapat na naging silbi ng internet,
ang mga nakaraang taon ay tila binago ang functionality ng internet na tila naging portal
ito para sa pagpapalaganap maging ng mga maling impormasyon lalo pa at ito ay
kayang kaya maaccess maging mga mga simpleng tao. Iba-iba man ang paksang
kanilang tinalakay, makikita naman ang pagkakatulad ng kanilang mga pahayag na
wika or wikang Pilipino ang nagsisilbing koneksyon at pagkakaintindihan nating mga
Pilipino. Ito ang susi upang tayo ay maging kaisa ng bansa at ng bawat Pilipino ano
man ang hamon sa ating bansa.
Para sa akin, ang nabanggit ni Obit De Castro na “Hindi ako takot magsalita,
pero ano ang sasabihin ko?” ang isa sa mga mahahalagang pahayag na dapat isaisip
ng maraming mga Pilipino o ng sino man. Sa panahon ngayon, madali na lamang ang
magpahayag na kayang makarating saan mang sulok ng mundo at ano mang oras sa
tulong ng internet at iba’t-ibang mga platapormang ginagamitan ng internet. Mahalaga
na anoman ang sabihin, ito ay dapat na may laman, may silbi, pinag-isipan at higit lalo
ay naiintindihan ng tagapakinig. Walang saysay ang lakas ng boses o tagal ng
pagsasalita kung ang sinasabi naman ay paulit-ulit, walang direksyon at walang
puntong natutumbok.

Kagaya ng nasabi uli ni Obit De Castro, mahalaga na akma sa level o antas ng


kamulatan ang paraan ng pakikipag-usap sa iba. Kung ang paksa ng sasabihin ay para
sa mga magsasaka, nararapat na gumamit ng mga termino na madali nilang
maiintindihan. Ganun din kung ang mga kausap ay hindi nakakapag Tagalog, maaaring
kuhuma pa ng translator para lang higit na maunawan ang nais ipahayag ng
tagapagsalita. Mahalaga na lubos na maunawaan ng tagapakinig ang ano mang nais
sabihin ng tagapagsalita, lalo kung ito ay may kinalaman sa kapakanan ng nakararami.
Ang wika ay makapangyarihan, kaya nitong baguhin ang ikot ng sistemang mayroon sa
isang bansa o komunidad. Gamit ang wikang nagbibigay ng mabisang pagpapaliwanag
at pagpapaintindi, lubos na nauunawan ang mga hakbang o aksyon nararapat gawin sa
paglutas ng ano mang problema.

You might also like