Asdfghjk

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

MINOR BASILICA OF THE BLACK NAZARENE

St. John the Baptist Parish


Quiapo, Manila

NOBENA AT PANALANGIN SA PAGDALAW NG IMAHEN NG


MAHAL NA POONG HESUS NAZARENO SA MGA PAROKYA AT DIOCESE

Namumuno: Sa ngalan ng + Ama, ng +Anak at ng +Espiritu Santo.

Bayan: Amen.

PANALANGIN SA PAGTANGGAP NG IMAHEN NG


POONG HESUS NAZARENO (nakatayo)

O Diyos na Panginoon, ikinalulugod at ipinagkakapuri namin ang


pagdalaw mong ito sa aming (pangalan ng Parokya o Dambana)
______________________ na iyong ipinapalaging na dapat na maging pugad
ng iyong pag-ibig. Igawad mo sa amin, Panginoon ang iyong pagpapala,
basbasan mo kaming lahat na naririto at huwag mong idulot na kami ay
makagawa ng anumang ikalulumaby mo kami ay iyo, aming Panginoon,
ingatan mo kami lagi, bilang pag-aari mong tunay magpakailan pa man.

Bayan: Siya nawa.

PANALANGIN SA DIYOS AMA

Amang Diyos sa kalangitan at hari ng sangkalupaan, Diyos na walang


kapantay mabait at puno ng karunungan ikaw ang nag-iisa at tunay naming
amang hindi matapos tapos ang awa at mapagkupkop sa aming taong lupa at
alabok iyong itulot ang wala mong hanggang habag. Iligtas po ninyo kami sa
lahat ng dalita, sakit at hilahil na pinagdaanan ng iyong anak na ginigiliw. Ang
sangkalupaan, tao mang mabulisik may karamdaman at bait sampu ng mga
hayop sa lupa at dagat ay uod lamang na gumagapang lipos ng dilang
kasamaan.
O Birheng Ina kami ay inyong tulungan sa Anak mong sinta na
nagpakasakit dahil sa sala ng tao mayamang batis ang inyong puso sa
pagmamahal sa amin. Ipanalangin mo kami aming Inang Birhen sa iyong Anak
na si Hesus at sa mga Anghel at Santo na kami ay patawarin.

Oh! Santisima Trinidad, Tatlong Persona iisang Diyos na wagas.

Bayan: Amen.

PAMIMINTUHO SA SUGAT SA BALIKAT NG ATING


POONG HESUS NAZARENO (nakaluhod)

Oh! Kaibig-ibig na Hesus, korderong lubhang maamo ng Diyos, kami na


himbing makasalanan ay nagpupugay at sumasamba sa kagalang-galang na
sugat sa balikat na likha ng pinasan mong napakabigat na krus na umukit sa
laman mo at nagpalitaw sa iyong buto na nagdulot sa iyo ng sakit na higit sa
alinmang sugat sa kagalang-galang mong katawan. Sinasam ka naming,
nagdaralitang Hesus kami’y nagpupuri sa iyo at gumagalang at umiibig at
pinasasalamatan ka namin ng dahil sa kagalang-galang at kasakitsakitang
sugat ay isinasamo naming sa iyo na alang-alang sa napakabilis na hapdi’t sa
walang kapantay na bigat ng iyong Krus ay kaawaan mo kaming makasalanan,
patawarin mo ang lahat naming mabigat at magagaang na sala at ihatid kami
sa langit sa pamamagitan ng landas ng iyong krus.
Hesus ko ikinintal mo ang pangalan namin sa mga sugat mo at itago mo
kami roon nang maligtas sa kaaway na tukso at alang-alang sa karamihan ng
iyong sugat at kapakinabangan ng Iyong kagalang-galang na katawan ay
pagkalooban mo ang kaluluwa namin sa pagpanaw sa daigdig na ito ang
kaluwalhatiang makamtan namin dahil sa mga hirap at sakit ng iyong
kamatayan.

Bayan: Siya nawa.


PANALANGIN SA MAHAL NA POONG HESUS NAZARENO
(nakaluhod)
Mahal na Poong Hesus Nazareno sa harapan ng iyong latawan aming
nagugunita ang kahanga-hanga mong ginawa sa iyong kapakumbabaan, ikaw
ay naging tao, taong katulad namin sa lahat ng bagay liban sa kasalanan.
Bagama’t walang ginawang anumang kasalanan, ikaw ay kinapootan nila, labis
na pinahirapan at ipinako sa krus para mamatay hindi mo sila pinagbantaan
hindi nagbalak na gumanti bagkus binaligtad mo ang lahat ang poot nila sayo
ay ginawa mong pag-ibig mo sa kanila ang pagpatay nila sayo ay ginawa mong
pagliligtas sa kanila ang lahat ng kasamaang ginawa nila sayo ay pinagbunga
mo ng mabuti para sa kanila ikaw ay muling binuhay ng Diyos Ama
pinatunayan mo sa lahat ng tao hanggang sa katapusan ng panahon na ang
pag-ibig ay kinalugdan ng Diyos na ang pag-ibig mas malakas kaysa poot
dahas at kamatayan. Mahal na Poong Hesus Nazareno habang kami ay tingin
ng tingin sa iyong larawan itanim mo sa aming puso’t isipan ang iyong
kagandahang-loob.

Bayan: Amen.

MGA KAHILINGAN SA MAHAL NA POONG HESUS NAZARENO


(nakatayo)
Namumuno: Idulog natin sa Mahal na Poong Hesus Nazareno ang ating
mga kahilingan, taglay ang matibay na pananampalataya,
tapat na pag-asa at maningas na pag-ibig. Ang ating itutugon:

MAHALA NA POONG NAZARENO, KAAWAAN MO PO KAMI.

Upang ang Eukaristiya bilang alaala ng hirap at sakit ng mananakop ay


maidulog sa atin ng wagas na pagmamahal sa Diyos at sa kapwa, manalangin
tayo.

Upang ang panalangin ni Hesus sa halamanan ng getsemani, ay mag-anyaya


sa atin ng pagkahilig sa panalangin, na mabisang lunas sa lahat ng
karamdaman ng tao, manalangin tayo.
Upang ang hirap at sakit na tiniis ni Hesus Nazareno sa hukuman ni Caifas at
Pilato, ay samahan natin ng ating hirap at sakit, manalangin tayo.

Upang ang kanyang koronang tinik, damit na purpura at krus, magpaalala sa


atin na ang kanyang mga aral at simulain ay dapat maghari sa ating isipan,
angkan at lipunan, manalangin tayo.

Upang sa bisa ng pagpapasan ng krus, ay matuto tayong makiramay at


makihati sa mga kahirapan at tiisin ng kapwa, manalangin tayo.

Upang ipagpatuloy natin sa ating buhay ang kaniyang hirap, kamatayan at


muling pagkabuhay sa pamamagitan ng ating pag-iwas sa kasalanan at
pagbabagong buhay, manalangin tayo.

Upang tulungan tayo ng Mahal na Birheng Ina ng hapis na maging tunay na


larawan ng kanyang anak sa isip, wika at gawa at makamit ang ating
kahilingan sa Poong Nazareno, manalangin tayo.

Namumuno: Oh! Panginoong Diyos na Makapangyarihan at mapagmahal,


ang mga ito’y ilan lamang sa aming kahilingan. Marami pa po
kaming kailangan. Ang bawat isa ay inilalapit namin sa iyo,
aming Diyos, sa pamamagitan ng Poong Hesus Nazareno na
nabubuhay at naghahari kasama mo at ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan. Amen.

(Maaring dasalin ang Santo Rosaryo ng Mahal na Birheng Maria – Misteryo ng


Hapis).
LITANYA SA MAHAL NA POONG HESUS NAZARENO
(nakaluhod)
Panginoon, maawa ka sa amin.
Kristo, maawa ka sa amin.
Panginoon, maawa ka sa amin.
Kristo, pakinggan mo kami.
Kristo, pakapakinggan mo kami.

Diyos Ama sa langit, * *Maawa ka sa amin.


Diyos Anak, sumakop sa sanlibutan, *

Diyos Espiritu Santo, *


Santisima Trinidad iisang Diyos, *

Hesus Nazareno, karunungang walang hanggan, *


Hesus Nazareno, ipinagbili sa halagang tatlumpung kuwartang pilak, *
Hesus Nazareno, nagpatirapa sa lupa sa pananalangin, *
Hesus Nazareno, ipinagkanulo ni Hudas sa isang halik, *
Hesus Nazareno, iginapos ka ng kawal, *
Hesus Nazareno, tinalikdan ng kanyang alagad, *
Hesus Nazareno, iniharap kay Anas at Caipas, *
Hesus Nazareno, sinampal ng isang alipin, *
Hesus Nazareno, pinaratangan ng mga bulaang saksi, *
Hesus Nazareno, pinarusahan ng kamatayan, *
Hesus Nazareno, na niluraan, *
Hesus Nazareno, na piniringan, *
Hesus Nazareno, na sinampal sa pisngi, *
Hesus Nazareno, na makatlong itinatwa ni Pedro, *
Hesus Nazareno, na iniharap kay Pilato, *
Hesus Nazareno, na inuyam at kinutya ni Herodes, *
Hesus Nazareno, na binaruan ng damit na puti, *
Hesus Nazareno, ipinagpalit kay Barabas, *
Hesus Nazareno, na sinugatan ng mga hagupit, *
Hesus Nazareno, na sugatan sa ating mga kasalanan, *

Hesus Nazareno, na itinuring na isang ketongin, *


Hesus Nazareno, na binalabalan ng pulang damit, *
Hesus Nazareno, na pinutungan ng koronang tinik, *
Hesus Nazareno, na pinalo ng siit sa ulo, *
Hesus Nazareno, na hiniling ng mga hudyo na ipako sa krus, *
Hesus Nazareno, na pinarusahan ng kadusta-dustang kamatayan, *
Hesus Nazareno, na ibinigay sa kalooban ng iyong mga kaaway, *
Hesus Nazareno, na pinagpasan ng mabigat na krus, *
Hesus Nazareno, na inakay na parang tupa sa pagpatay, *
Hesus Nazareno, na hinubaran ng iyong mga damit, *
Hesus Nazareno, na nangako sa paraiso sa nagsising magnanakaw, *
Hesus Nazareno, nagbilin kay San Juan sa iyong Ina bilang Anak na tunay, *
Hesus Nazareno, na nagsabing ikaw ay pinabayaan ng iyong Ama, *
Hesus Nazareno, sa iyong uhaw ay binigyan ka ng apdo at suka upang inumin,
*
Hesus Nazareno, na nagpatunay na lahat ng hinulaan tungkol sa iyo’y naganap
na, *
Hesus Nazareno, na nagpaubaya ng iyong kaluluwa sa mga kamay ng iyong
Ama, *
Hesus Nazareno, na naging masunurin hanggang sa kamatayan sa krus, *
Hesus Nazareno, na sinaksak ng isang sibat, *
Hesus Nazareno, nagbadya ng aming mga utang, *
Hesus Nazareno, na ibinababa sa krus, *
Hesus Nazareno, na inilibing sa yungib, *
Hesus Nazareno, na buong luwalhating nagbangon sa gitna ng mga patay, *
Hesus Nazareno, na umakyat sa langit, *
Hesus Nazareno, aming tagapamagitan sa Ama, *
Hesus Nazareno, na nagsugo sa iyong mga alagad sa Espiritu Santo ang
Paraklito, *
Hesus Nazareno, na nagpupuri sa iyong Ina nang higit sa mga nabubuhay at
mga patay, *

Sa lahat ng kasamaan, * *Mahabag ka sa amin, O Panginoon.


Sa poot, pagkamuhi at sa bawat masamang kalooban, *
Sa digmaan, tag-gutom at salot, *
Sa lahat ng panganib sa isip at katawan, *

Sa katawang walang hanggan, *


Sa pamamagitan ng kalinis-linisang paglilihi sa iyo, *
Sa pamamagitan ng iyong kahimahimalang kapanganakan, *
Sa pamamagitan ng mapagkumbaba mong sirkumsisyon, *
Sa pamamagitan ng iyong binyag at pagaayunong banal, *
Sa pamamagitan ng malupit na paghagupit at pagpuputong sa iyo, *
Sa pamamagitan ng kamahal-mahalan mong pagkamatay sa krus, *
Sa pamamagitan ng iyong maluwalhating pagkabuhay na muli at pag-akyat sa
langit, *
Sa pamamagitan ng pagpapanaog mo sa Espiritu Santo ang Paraklito, *
Sa araw ng paghuhukom, *

Kaming mga makasalan, * *Sumasamong dinggin mo kami.


Na kami ay iyong iligtas, *
Na kami ay patawarin, *
Na loobin mo kami ay magtamo ng tunay na pagsisisi, *
Na loobin mong buong habag na ibinuhos mo sa aming puso ang biyaya ng
Espiritu Santo, *
Na iyong iingatan at papalaganapin ang mga samahang nagbubuklod sa iyong
ngalan, *
Na iyong marapating kami’y pagkalooban ng tunay na kapayapaan, *
Na iyong marapating kami’y pagkalooban ng pananatili sa biyaya sa banal na
paglilingkod sa iyo, *
Na iyong marapating kami’y iligtas sa maruruming isipan, sa mga tukso at hibo
ng demonyo at walang hanggang kasawian, *
Na iyong mamarapating isama kami sa mga banal, *
Na iyong mamarapating kami ay dinggin, *

Kordero ng Diyos, nakakawala ng mga kasalanan ng sandaigdigan;


Pakinggan mo kami.

Kordero ng Diyos, nakawawala ng mga kasalanan ng sandaigdigan;


Pakapakinggan mo kami.

Kordero ng Diyos, nakakawala ng mga kasalanan ng sandaigdigan;


Maawa ka sa amin.

Namumuno: Sinasamba ka namin, O Kristo at pinupuri.


Bayan: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong banal na krus ay tinubos
mo ang daigdig.

Manalangin tayo: (magsitayo)

Makapangyarihan at walang hanggang Diyos na humirang sa bugtong


mong anak upang maging mananakop ng daigdig niloob mo na ang dugo ng
iyong anak ang maging kabayaran ng aming katubusan upang sa ganito ito’y
aming masamba at sa pamamagitan nito kami ay maipagtanggol sa lahat ng
kasamaan sa buhay upang sa langit ay matamasa namin ang walang
hanggang bunga noon. Na bubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu
Santo magpasawalang hanggan. Amen.

Namumuno: Sa ngalan ng + Ama, ng +Anak at ng +Espiritu Santo.

Bayan: Amen.

+++++++++++++++++++++++++

Official Property of Quiapo Church


AMH - LITURGY
PANALANGIN NG PAMAMAALAM SA IMAHEN NG
POONG HESUS NAZARENO

Namumuno: Sa ngalan ng + Ama, ng + Anak at ng +Espiritu Santo.

Bayan: Amen.

O Panginoon kaibig-ibig, dumating na ang sandali ng iyong paglisan sa


aming Parokya na naging tahanan mo rin na ipinanatili mo sa aming piling,
hindi kayang banggitin ng aming labi ang pasasalamat na naguumapaw sa
aming puso sa udyok ng iyong pagmamahal.

Panginoon, salamat magbalik kang muli sa aming Parokya sa ibang araw,


dito ay hinihintay ka namin ng buong pananabik sa iyong pagpanaog baunin
mo ang aming pagmamahal, isama mo ang aming mga puso, huwag mong
idulot na kami ay makalimot at mawalay sa iyong pag-aaruga kailanman. Siya
nawa.

HULING PAGBABASBAS

Mahal na Panginoong Hesus Nazareno, bukal ng walang katapusang


pagpapala ikaw na nagpala sa iyong mga apostol bago ka umakyat sa langit,
pagpalain mo rin kami at gawin mo kaming banal.

Basbasan mo ang aming alaala na ikaw ay lagi naming alalahanin.


Basbasan mo ang aming pang-unawa upang ikaw ang laging isipin.
Basbasan mo ang aming kalooban upang kailanman ay huwag humanap o
magnais ng anumang makapagbibigay ng lumbay sa iyo.

Basbasan mo ang aming katawan at ang lahat ng kanyang gawain.


Basbasan mo ang aming mga puso at ang lahat ng nagnanasa nito.

Basbasan mo kami ngayon at sa oras ng kamatayan.


Basbasan mo kami sa buhay na ito at sa buhay na walang hanggan,
ipagkaloob mo ang iyong matamis na pagpapala ay maging para sa amin,
isang pangako ng kaligayahan walang katapusan.

Basbasan mo ang aming mga kapatid at mga mananampalataya.


Basbasan mo ang mga nagmamahal sa amin at basbasan mo ang lahat ng
aming minamahal ang bawa’t isa na pinagkakautangan namin ng loob.

Basbasan mo kami sa aming pag-alis-alis, aming Hesus.


Basbasan mo ang aming tahanan at ang aming mga gawain.
Basbasan mo ang mga taong mahal sa amin ang aming mga kaibigan lalu na
ang aming mga kaaway at dalhin mo kami at gawing tahanan ang iyong
kabanal banalang puso magpakailanman. Siya nawa.

1 Ama Namin
1 Aba GinoongMaria
3 Luwalhati

Namumuno: Sa ngalan ng + Ama, ng +Anak at ng +Espiritu Santo.

Bayan: Amen.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Official Property of Quiapo Church


AMH - LITURGY

You might also like