Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

IDE 30.

1 REVIEWER

1.1 ANG MGA ILOKANO

- Kilala sila sa kanilang pagtitipid at masipag na pagtratrabaho.


- Matagpuan sa rehiyon ng Ilocos
- Ang Vigan Spanish Town sa Ilocos Sur ay kilalang-kilala sa kanilang arkitekturang may impluwensiya ng Kastila.
- Pagkain: denendeng, pinakbet, sinuman, sinubong, at bibingka.
- Paniniwala: tulad ng baribari, multo, duwende, kapre, at engkanto
- Tradisyonal na pamamaraan: pagsasabi ng "Tabi Apo" upang maiwasan ang sakit kapag dumaan sa punso.
- Seremonya sa pagkamatay: Ilang araw ng pagluluksa at partikular na pagkakasunod-sunod ng mga miyembro ng pamilya sa
pagdaan sa ilalim ng kabaong sa libingan.

1.2 ILANG PANINIWALA NG MGA KALAHAN

- Matagpuan sa Acacia, Kahel, at Kayapa, Nueva Vizcaya (Mataas na lugar na may magandang tanawin)
- Wika: Tinoc o Kalangoya.

PAGPAPAHAYAG NG KALIKASAN
A. Ulap:
Manipis at maputi: maganda ang panahon
Makapal at nangingitim: masama ang panahon
Takbo ng ulap: nagpapahiwatig ng kagandahan at kasamaan ng panahon
B. Langit, Araw, at Buwan:
Nagtatago ang buwan: maaliwalas na langit
Maulap na langit: di kainamang mga pangyayari tulad ng lindol
Mapulang-mapulang araw: nagbabadya ng di kainamang mga pangyayari
C. Hayop:
Hindi mapakali at nag-iingay: maaaring may bagyo o lindol
Kilos ng hayop: nagbibigay-babala ng posibleng pangyayari
Pag-iingat: ginagawa batay sa mga pahiwatig ng mga hayop
PANGGAGAMOT
- Walang mga panggamot na damu-damo ang mga katutubo sa lugar na ito
- May tagapamagitan na tumutuklas ng sanhi ng karamdaman at kung paano ito magagamot
- Dinagen, isang gadangkal na tambo na may buto ng anongya sa magkabilang butas (ginagamit panggagamot)
- Mga Bathala: Kabigat at Bugan
PAGGAWA
- Lalaki: ang nagpapahinga sa bahay pagkatapos nilang makapagbakod, makapagbungkal, at makapag-araro sa bukid.
-Babae: Magtanim, Mag-aalaga ng pananim, at magaani. (kahit may sakit gampanan paren ang kanyang tungkulin)
PAG-AASAWA
Tradisyunal na Kimbal na kasal at seremonya ng Kalahan.
-Pagpatay ng baboy at pag-inom ng tubig sa kasal.
-Pagkakasal ng matandang babae o batang lalaki.
-Pagdasal bago magkasama ng hindi pa kasal.
-Mga Kalahan: masisipag, sagana sa pananim, at malulusog ang mga bata.
-Mas maraming gawaing bukid ng mga babae kaysa sa lalaki.
-Hindi gumagamit ng herbularyo sa panggagamot, dasal ang gamit.
-Nananawagan sa mga diyos Kabigat at Bugan para sa tulong.
-Hindi maghihikahos ang mga Kalahan, marunong magpala sa biyaya ng kalikasan.

1.3 MGA KAUGALIAN SA PAG-AASAWA SA IBAAN, BATANGAS

Sa tradisyonal na kasal sa Ibaan, Batangas, ipinapakita ang kahalagahan ng kasal bilang pangarap ng mga dalaga. Ito'y
nagpapakita ng matibay na kultura at pagpapahalaga sa pagsasama ng dalawang pamilya.

Pangarap ng Dalaga: Ang kasal ay isang tunay na pangarap para sa mga dalaga sa Ibaan, Batangas, na nagpapakita ng
kahalagahan ng pag-aasawa sa kanilang kultura.

Pamanhikan: Isang tradisyon kung saan humihingi ng pahintulot ang mga lalaki sa mga magulang ng babae para sa kasal.
Pamamaisan: Isang malawakang pagdiriwang na nagpapakita ng pagtutulungan ng buong komunidad mula sa paghahanda ng
pagkain hanggang sa seremonya ng kasal.

Paghahanda: Lahat ng aspeto ng kasal, mula sa pagluluto ng pagkain hanggang sa paghahanda ng kasangkapan at musika, ay
mahalagang bahagi ng pamamaisan.

Seremonya: Ang ritwal ng sabitan ng pera sa mga mag-asawa sa harap ng bisitang dumalo sa kasal ay nagpapakita ng suporta at
pagpapahalaga ng komunidad.

Tradisyonal na Pamumuhay: Pagkatapos ng kasal, nagpapatuloy ang mga tradisyonal na ritwal tulad ng paglilibot ng mag-asawa
sa mga bahay ng kamag-anak para sa mga seremonya.

1.4 ILANG MGA KATANGIAN NG MGA KANKANA-EY

- Ang lalawigan ng Benguet ay isang lugar na tahimik at may magandang klima, kung kaya't ito ay magandang destinasyon para
sa turista.
- Ang mga tao sa Benguet ay mapagmahal sa kapayapaan at mahilig sa pagsasaka ng gulay at berries.
- Ang lalawigan ay mayaman sa likas na yaman tulad ng tumbaga, plata, at ginto.
- Ang mga mamamayan ng Benguet ay nahahati sa dalawang pangkat etniko: ang mga Kankana-ey at ang mga Ibaloy.
- Ang mga Kankana-ey ay kilala sa kanilang pagiging mapagkumbaba, masipag, at may matatag na paniniwala.
- Sa kasalukuyan, marami nang mga Kankana-ey ang nakapagtapos ng iba't ibang kurso tulad ng agrikultura, inhenyeriya, at iba
pa.
- Ang wika ng mga Kankana-ey ay ginagamit sa komunikasyon sa lalawigan ng bulubundukin.
- Ang mga Kankana-ey ay kilala sa kanilang pagmamahal sa lupa at matatag na paniniwala sa kinabukasan ng kanilang mga
supling.
- Sa usapin ng kasal, may iba't ibang estilo ng panliligaw at seremonya na ginagawa ng mga Kankana-ey.
- Ang wika ng mga Kankana-ey ay tinatawag na Kankanaey, at ginagamit ito sa pakikipagtalastasan sa kanilang komunidad.

You might also like