Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Projects: Malinao 3-Storey House Construction Project

Mga Kasunduan at Tagubilin

Para sa pagsisimula ng Proyektong ito ang mga sumusunod na Tagubilin at mga


alituntunin ay dapat sundin sa pagitan ng kontratista at ng kliyente. Ang layunin nito ay upang
maiwasan ang mga hindi kanais-nais na bagay sa panahon ng pagtatayo. At tapusin ang
proyekto nang walang anumang problema hanggang sa ma turn-over sa kliyente.

Ang mga sumusunod ay:

1. Ang oras ng pasok ng mga manggagawa ay magsisimula sa ganap na alas otso (8:00am)
ng umaga at magtatapos sa ganap na alas singko (5:00 pm) ng hapon.
2. Bawal manigarilyo sa paligid ng nasasakupang lote ng Apartment lalo na sa Drive way.
3. Panatilihing nakasara ang Main gate ng apartment at hindi maaring pumasok ang
sinuman kung walang kinakailangang gawin. Kung meron man ay maaring
sumangguni muna sa may-ari ng nasabing establisyemento.
4. Bawal ang pagtambay sa mga katabing Apartment.
5. Bawal ang maglabas ng anumang kagamitan na hindi pag aari.
6. Mahigpit na ipinapatupad ang housekeeping sa ganap na alas kwatro trenta ng hapon
(4:30pm) bago umuwi, ito ay may layuning mapanatili ang kalinisan ng pook gawaan.
7. Ang mga trabahador ay nararapat na magsuot ng maayos na pananamit at bawal ang
naka-hubad habang nasa pook gawaan.
8. Bawal ang magsampay ng damit kung saan-saan.
9. Bawal ang magtapon ng basura kung saan-saan.
10. Bago simulan ang proyekto ng demolisyon at konstruksyon, kailangan munang
maglagay ng barikada,harang o mga proteksyon sa paligid ng lugar upang maiwasang
makadisgrasya o makasira ng ibang ari-arian.
11. Ipinagbabawal ang anumang pagpapa-kaen ng anumang hayop sa loob ng apartment
tulad ng aso, pusa at iba pa.
12. Sa aspeto ng paniningil sa pagitan ng kontratista at kliyente, ay marapat na mag abiso
at mag sumite ng dokumento sa paniningil (3) tatlong araw bago ang inaasahang petsa
ng pagtanggap.
13. Lahat ng bagay na labas sa kontrata ay dapat munang pag-usapan ng kontraktor at
kliyente upang mapagkasunduan muna bago gawin.

Ang mga bagay na ito ay epektibo mula sa pag-uumpisa hanggang sa katapusan ng kontrusyon.
Inaasahan naming ang inyong lubos na kooperasyon, maraming salamat.

Ms. Rosalyn Habito Galang


Lubos na sumasan-ayon Lubos na sumasan-ayon

You might also like