Professional Documents
Culture Documents
PDF - Ang Panday Na Hindi Makapasok Sa Impiyerno
PDF - Ang Panday Na Hindi Makapasok Sa Impiyerno
Modyul
Filipino 10
5 Saling-akdang Pandaigdig at Panuntunang Pambalarila
Basahin Natin
Mababasa sa ilang salaysay o alamat ang diyablo na isa sa mga pangunahing tauhan ng
kuwento. Ang tipikal na nilalaman ng ganitong uri ng kuwento ay ang sumusunod: Isang tao
ang makikipagkasundo sa diyablo upang ipagbili ang kaniyang kaluluwa bilang katumbas ng
pagkakamit ng mga makamundong bagay (kayamanan at tagumpay), pambihirang kakayahan
(kasanayan sa iba’t ibang gawain), o pag-aalok ng serbisyo (pagtatayo ng tulay sa iisang
magdamag). Kapag dumating ang takdang panahon, kinukuha ng diyablo ang kaluluwa ng
nasabing tao patungong impiyerno ngunit minsan nama’y nadadaya siya kung kaya’t
nabibigong angkinin ang dapat sana niyang naging biktima. [1]
22
Baitang 10 - Filipino
Modyul 5: Ang Panday na Hindi Makapasok sa Impiyerno & Etimolohiya ng mga Salita
Bago pa nakasagot ang ating Panginoon, dumating ang isang lalaking hila-hila ang
isang kabayo na gusto nitong pasapatusan sa panday.
“Hindi mo ba hahayaang sapatusan ko siya?” tanong ng ating Panginoon.
“Maaari Mong subukan,” tugon ng panday. “Walang mali na magagawa Mo ang hindi
ko kayang ayusin.”
Kaya naman, kumilos ang ating Panginoon upang putulin ang isa sa mga paang nasa
unahan ng kabayo, inilagay ito sa pandayan, pinainit ang paa hanggang sa kuminang, pinatalas
ang mga kalapateo at kuko, at pagkatapos ay inilagay ang paa, nang buo at maayos, pabalik sa
kabayo. Matapos iyon, inalis Niya ang isa pang paa sa unahan at ganoon din ang ginawa, at
pagkatapos itong ibalik, kinuha naman Niya ang dalawang paa sa hulihan, una’y ang nasa
kanan at sunod nama’y ang nasa kaliwa, inilagay ang mga ito sa pandayan hanggang sa ang
sapatos ay pumuti sa init, pinatalas ang mga kalapateo at kuko at sa wakas ay inilagay ang mga
paang ito pabalik sa kabayo.
Nanatiling nakatayo ang panday habang pinanonood Siya.
“Mahusay Ka naman palang panday, kahit paano,” sabi niya.
”Talaga?” wika ng ating
Panginoon.
Pagkatapos, dumating ang
ina ng panday upang sabihin na
handa na ang hapunan. Matanda na
ito’t kulubot, malubha na ang
pagkakabaluktot, at bahagya na ring
makalakad.
”Ngayon tandaan mong
mabuti ang makikita mo,” sabi ng
ating Panginoon, at kinuha Niya ang
matandang babae, inilagay ito sa
Pagkilala: Norwegianfolktales.Blogspot.com
pandayan, at ginawa itong isang
maganda’t batang babae.
Uulitin ko ang sinabi ko kanina,” wika ng panday; “mahusay kang panday. Sa itaas ng
aking pinto. ‘Dito nakatira ang panginoon ng lahat ng mga panginoon,’ ngunit kahit pa ako
mismo ang magsabi nito, ‘Tayo’y nabubuhay at natututo,’” at pagkatapos sabihin ito, siya’y
umuwi sa bahay at naghapunan.
Nang bumalik siya sa pook ng pandayan, dumating ang isang lalaki na gustong
pasapatusan ang kabayo nito. Naroon pa rin ang ating Panginoon at si San Pedro.
Sandali lamang at gagawin ko iyan,” sabi ng panday; “Natutuhan ko nito lamang ang
isang bagong paraan ng pagsasapatos na hindi masamang gawin kapag kinakapos sa oras.”
Kaya naman, sinimulan niyang magputol at magwasak hanggang sa naalis na niya ang apat na
paa ng kabayo. “Sapagkat,” ayon sa kaniya, “hindi ko maisip kung bakit may mag-aabala pang
alisin ang mga ito nang paisa-isa.”
Inilagay niya ang mga paa sa panday kung paano niya ito nakitang gawin ng ating
Panginoon, naglagay ng napakaraming uling, at inutusan ang mga katulong na bugahan ito
nang malakas. Ngunit nangyari ang dapat asahan; nasunog ang mga paa, at kinailangang
magbayad ng panday para sa kabayo. Hindi niya ikinatuwa ang nangyari.
Noon din ay dumating ang isang matandang babaeng na papilay-pilay, at naisip ng
panday na bagama’t hindi siya nagtagumpay kanina, natitiyak naman niyang magtatagumpay
23
Baitang 10 - Filipino
Modyul 5: Ang Panday na Hindi Makapasok sa Impiyerno & Etimolohiya ng mga Salita
na siya ngayon. Kaya naman sinunggaban niya ang matandang babae at inilagay ito sa
pandayan nang hindi pinapansin ang mga pagmamakaawa at pagdarasal nito.
“Ikaw na matandang tulad mo, hindi mo alam kung ano’ng mabuti para sa iyo,” sabi ng
panday; “babata kang muli sa loob ng isang minuto, at hindi kita sisingilin ni isang sentimo.”
Ngunit mas masama pa ang nangyari sa matandang babae kaysa sa mga paa ng kabayo.
“Malaking kahihiyan iyan,” wika ng ating Panginoon.
“Naku, walang mag-aalala sa kaniya,” sagot ng panday; “ngunit dapat itong ikahiya ng
diyablo; halos hindi siya nag-iingat sa kung anong nakasabit sa itaas ng pinto ko.”
“Halimbawang pagkalooban Kita ng tatlong kahilingan, ano-ano ang mga iyon?”
tanong ng ating Panginoon.
“Subukan Mo lamang,” tugon ng panday, “at malalaman Mo.”
Itinanong ng ating Panginoon kung ano-ano ang mga iyon.
“Kung gayon, una, gusto ko na sa tuwing may uutusan akong umakyat sa puno ng peras
sa labas ng pook ng pandayan, mananatili siya roon hanggang sa pababain ko siya,” sabi ng
panday. “Sunod, gusto kong kapag nakiusap ako kaninuman na umupo siya sa silyon sa silid
na pinagtatrabahunan, mananatili siya roon hanggang sa patayuin ko na siya; at huli, sa tuwing
may uutusan akong gumapang papasok sa pitakang yari sa bakal na mayroon ako sa aking
bulsa, mananatili siya roon hanggang sa pagapangin ko siyang palabas.”
“Walang kabuluhan ang mga hiniling mo,” wika ni San Pedro; “una sa lahat, dapat ka
munang humingi ng biyaya’t pagpapala ng Diyos.”
“Hindi ako humihiling ng anumang malaki,” tugon ng panday, at pagkatapos niyon ay
nagpaalam at lumisan na ang ating Panginoon at si San Pedro.
Sa paglipas ng panahon at nang matapos na ang pitong taon, dumating ang diyablo
alinsunod sa isinasaad ng kontrata upang sunduin ang panday.
“Handa ka na ba?” tanong niya habang nangungulangot sa pinto ng panday.
“Buweno, kailangan ko muna talagang gumawa ng uluhan para sa pakong ito,” sagot
ng panday. “Umakyat ka na lamang muna sa puno ng peras at mamitas ng bunga nito upang
kumain. Marahil ay nagutom at napagod ka sa iyong paglalakbay.”
Nagpasalamat ang diyablo sa mabuting paanyaya at umakyat ito sa puno ng peras.
“Iyon nga lamang habang ginagawa ko ito,” wika ng panday, “Nag-aalala akong
aabutin ng apat na taon bago ko matapos ang uluhan ng pakong ito, dahil ang bakal ay
kasintigas din ng isang diyablo; sa buong panahon ay hindi ka makabababa, ngunit
makapagpapahinga ka naman sa pag-upo diyan.”
Nagmakaawa ang diyablo at ipinabatid kung gaano kahalaga na payagan siyang
makababa, ngunit wala siyang nagawa. Sa wakas, kinailangan niyang mangako na tutupdin ang
sinabi ng panday na huwag babalik sa loob ng apat na taon.
“Ngayon ay maaari ka nang bumaba,” wika ng panday.
Nang dumating ang takdang araw, nariyan na muli ang diyablo upang sunduin ang
panday.
”Marahil ngayon ay handa ka na,” sabi ng diyablo. “Sa pagkakataong ito’y nakagawa
ka na siguro ng uluhan para sa pakong iyan.”
“Oo, nakagawa na ako ng uluhan,” sagot ng panday, “ngunit masyadong napaaga ang
iyong pagdating, dahil hindi ko pa napapatalas ang dulo nito. Habang pinatatalas ko ang pako,
maaari ka munang maupo sa silyon at magpahinga, dahil natitiyak kong pagod ka.”
“Salamat,” tugon ng diyablo habang umuupo sa silyon. Ngunit sa pagkakaupo pa
lamang niya’y sinabi ng panday, habang pinagmamasdan ng diyablo ang pagtatrabaho niya, na
24
Baitang 10 - Filipino
Modyul 5: Ang Panday na Hindi Makapasok sa Impiyerno & Etimolohiya ng mga Salita
25
Baitang 10 - Filipino
Modyul 5: Ang Panday na Hindi Makapasok sa Impiyerno & Etimolohiya ng mga Salita
Habang iniisip ng panday ang buong pangyayari, napaghulo niyang nagkamali siya sa
pagpapasakop sa diyablo. “Kung hindi ako makapapasok sa langit,” sabi niya sa sarili, “wala
na rin akong matutuluyan dahil hindi kami magkasundo ng namumuno sa impiyerno.”
Nagpasya siyang kailangan na niyang subukan ngayon kung makapapasok siya sa
langit o sa impiyerno; pagkatapos niyon ay malalaman niya kung ano ang nakalaan para sa
kaniya. Kaya binitbit niya ang kaniyang martilyo at nagsimulang maglakbay.
Nang makalayo-layo na siya, narating niya ang krus na daan kung saan nagsasanga ang
mga kalye patungong langit at impiyerno, at doon niya naabutan ang isang sastre na
nagbabalasa ng plantsa sa kamay nito.
“Kumusta ka na?” tanong ng panday. “Saan ka patungo?”
“Sa langit, kung makapapasok ako roon,” sagot ng sastre.
“Buweno, nag-aalala akong hindi tayo magkakasama nang matagal,” wika ng panday.
Naisip kong munang subukang magtungo sa impiyerno, dahil noon pa ma’y medyo kilala ko
na ang diyablo.”
Kaya’t nagpaalam sila sa isa’t isa at naglakbay sa kanilang patutunguhan. Ang panday,
na isang malaki’t malakas na tao, ay mas mabilis na naglakad kaysa sa sastre, at inabot lamang
ng ilang oras bago niya narating ang tarangkahan ng impiyerno. Sinabi niya sa bantay na may
naghihintay sa labas na gustong makipag-usap sa diyablo.
“Lumabas ka at itanong mo kung sino,” utos ng diyablo sa bantay, na nagmamadali
namang tumugon sa ipinag-utos niya. “Sabihin mong ako ang panday na may-ari ng pitaka,”
wika ng panday. “Maaalala niya, at magalang kang makiusap na papasukin agad ako, dahil
ako’y pagod na pagod sa pagtatrabaho mula pa umaga at sa paglalakad mula pa kaninang
tanghali.”
Nang malaman ng diyablo kung sino iyon, inutusan
Pagkilala: Norwegianfolktales.Blogspot.com
© Sanggunian
[1]
Eugenio, Damiana L. (2007). Philippine Folk Literature: An Anthology. The
University of the Philippines Press.
[2]
Serrano, Josephine B. at Lapid, Milagros G. (2001). English Communication Arts and
Skills through World Literature. Phoenix-Sibs Publishing House, Inc.
26
Baitang 10 - Filipino