PAGBABASBAS NG Kumbento

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

PAGBABASBAS NG KUMBENTO

Obispo: Sumainyo ang Panginoon.


Bayan: at sumaiyo rin

Obispo: Mga kapatid, magpasalamat tayo sa Diyos


para sa gusaling ito na kanyang pagpapala.
Mula ngayon, ang kumbentong ito ng
Parokya ng Nuestra Señora de Salambao
ay itinatalaga sa Maykapal at ipinaiilalim sa kanyang kalinga.
Hilingin nating tatakan magpakailanman
ang kumbentong ito ng tanda ng matagumpay na Krus.
Nawa’y pangalagaan ng ating Panginoon
ang Kura Paroko na si Rdo. P. Ramon Garcia
at ang kanyang mga kasama na maninirahan
sa kumbentong ito.

Obispo: Manalangin tayo.

Ama naming makapangyarihan,


niloob mong pagmalasakitan ng sambayanan
ang iyong mga lingkod
upang magkaroon ng masisilungan.
Basbasan Mo  ang Kumbentong ito
upang ang lugar na ito
ay maging pugad ng kabutihan at kabanalan,
ng pagninilay sa Banal na Kasulatan,
ng pagmamalasakit sa isa’t isa
ng pamamahinga at kapayapaan
at ng panibagong lakas para sa paglilingkod.
Panatilihin mo nawa ang paghahari sa lugar na ito
at sa mga naninirahan dito
hanggang marating namin ang iyong tahanan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

Wiwisikan ng bendita ang gusali ng kumbento

You might also like