Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

PAGBABASBAS NG TAONG NAGDIRIWANG NG KANYANG KAARWAN

PANALANGIN NG PAGBABASBAS
Bibigkasin ng pari ang panalangin ng pagbabasbas samantalang nakaunat ang kanyang mga
kamay sa taong binabasbasan niya.

Pari:
Diyos ng sangnilikha, nagpupuri at nagpapasalamat kami sa Iyo
para sa handog mong buhay. Dinggin mo ang panalangin ni
SOCCORO LOGO, inyong alagad at lingkod-simbahan na
gumugunita ng kanyang kaarawan sa araw na ito at nagagalak sa
handog mong buhay at pag-ibig, pamilya at kaibigan, at biyaya
ng paglilingkod sa Iyong Santa Iglesia.

Pagpalain Mo siya sa pamamagitan ng Iyong patuloy na


pananahan sa kanya, at kupkupin Mo siya sa Iyong pagmamahal
upang matamasa niya ang darating na mga masayang taon, lahat
ng ito nawa ay maging kalugod-lugod sa Iyo. Hinihiling namin
ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Bayan: Amen.

Pari: Nawa’y basbasan ka at pangalagaan ng ating Panginoon.


Bayan: Amen.

Pari: Nawa’y sumilay ang mukha niya sa Iyo at magmagandang loob siya sa Iyo.
Bayan: Amen.

Pari: Nawa’y bigyan ka ng Kanyang kapayapaan.


Bayan: Amen.

Babasbasan ng pari ng pari ang nagdiriwang ng kaarawan ng Banal na Tubig.


Maaring awitan ng lahat ng “Happy Birthday” ang may kaarawan

You might also like