Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

IBAT’IBANG SIGNAGES O SIMBOLO NA MATATAGPUAN

SA PALIGID NG MARINDUQUE STATE COLLEGE

Di Berbal na Anyo ng Komunikasyon


No Parking ( Bawal Pumarada)
• Ito ay lugar kung saan ipinagbabawal ang sasakyan na pumarada sa lugar o puwesto na
pinaglagyan ng karatula.
Strictly No Smoking
• Ibigsabihin ay mahigpit na pinagbabawal sa loob ng
paaralan ang paninigarilyo ng mga studyante at
maging ang mga guro. Ayon ito sa Civil Service
Commission Memorandum Circular No. 17 . S .
2009. Ang gagawing paglabag dito ay makakatanggap
ng aksyong pangdisiplina.
No Littering

• Ang layunin ng NO LITTERING sign ay upang


paalalahanan ang mga tao na huwag magkalat ng
basura sa paligid o sa isang lugar. Inaayayahan din
ang tao na gumamit ng basurahan sa paligid ng lugar
upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan.
Student’s Exit

• Ito ay kadalasang makikita sa isang gusali, at ito rin ay kadalasang


nakalagay sa taas ng pintuan ng paaralan na kung saan ang mga
studyante ay dito dadaan upang lumabas ng paaralan kung sila man ay
nais na lumabas.
Person with Disabilities (PWD)

• Ang kahulugan ng sign na ito ay ang pumapaloob sa mga


taong may kapansanan o taong may problema sa parte
ng kanilang katawan na kung saan ito ay ginawa upang
hindi sila mahirapan.
Halimbawa;
Ang makikitang daanan na may sign na PWD ay
nangangahulugan na ito’y daanan para sa mga taong naka
wheelchair.
Fire Exit
• Ang fire exit ay kadalasan nating makikita sa mga gusali. Ito ay ginawa upang
mabilis na makalabas ang mga tao sa loob ng isang istraktura kung sakaling
magkaroon ng di inaasahang sakuna, sunog at panganib.
• Ang warning na ito ay nagpapakita ng babala na
nagsasabi na patayin ang enerhiya ng main circuit
bago buksan at magkumpuni sa loob ng kagamitan.
Layon nito na miwasan ang electric shock o
pagkakuryente o di kaya’y pagkalikha ng sunog.
• Ang sign naman na ito ay nagsasabi ng "keep off
the grass" kung saan nangngahulugan na huwag
umapak sa isang lugar na madamo o sa
damuhan. Ginawa itong sign na ito sapagkat
maaaring hindi maging maganda ang pagtubo ng
damo na nakatanim dito kapag ito ay laging
natatapakan o nadadaanan.
No Face Mask No Entry

• Nangangahulugan ito na, pagbabawal pumasok sa isang lugar na


walang suot na panakip sa bibig o facemask. Ito ay patakarang
ipinatutupad sa lahat ng pampublikong lugar upang mapigilan ang
pagkalat ng Coronavirus, at maging maprotektahan ang ating
sarili, at ang ating kapwa mula sa nakakahawang sakit. Sa panahon
ngayon ng krisis ay mahalaga itong ipatupad upang makontrol at
mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 Virus at ng iba pang uri ng
mga sakit na maaaring kumalat o maipasa sa pamamagitan ng
mga pisikal na interaksyon ng dalawa o higit pang mga tao.
No Vandalism (Walang Paninira)
• Ito ay mga aksyon na kinasasangkutan ng sadyang pagsira
o pinsala sa pampubliko o pribadong ari-arian. Ito ay
matatawag na ‘’isang gawa ng walang isip na paninira’’. Ito
ay patakarang ipinatupad upang mapigilan ang pagkasira
ng mga pag-aari ng mga individual at mapanatili ang
kalinisan at kaayusan ng mga pag-aari, mapapubliko man
o pribadong lugar.
Halimbawa;
• pagsusulat sa mga pader o pagguhit ng malilikhaing sining
(graffiti)
No Honking

• Ibigsabihin ng No Honking sign ay bawal bumusina.


Ipinatutupad ito upang maiwasan ang paglikha ng malakas na
ingay sa loob ng paaralan o sa isang residential na lugar. Ito
ay mahigpit na pinagbabawal sa loob ng paaralan dahil
nagdudulot ito ng polusyon sa ingay na nagreresulta sa
pananakit ng ulo. Ito rin ay ginagamit upang maiwasang
makadisturbo sa mga batang nagaaral sa paaralan. Ang sign
na ito ay paalala lamang para sa mga nagmamaneho ng
sasakyan na dumadaan sa kalsada.
Fire Extinguisher

• Ang Fire Extinguisher ay ginagamit sa tuwing


may sunog. Ang palatandaang ito ang
tumutulong sa tao na kumilos ng mabilis upang
agad na maiwasan ang malaking pinsala,
kapahamakan at panganib.
• Ibigsabihin nito na kung may mangyaring sakuna
o trahedya tulad ng sunog ay basagin lamang ang
salamin upang agad na makuha ang gamit sa loob.
Ito ay ginagawa upang maiwasan ang mas
malaking pinsala o pagkasira ng mga istraktura at
iba pang kagamitan sa loob o labas man ng silid.
Tandaan ang salamin ay babasagin lamang kung
ito ay kinakailangan sa isang sitwasyon.
THANK YOU

You might also like