Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Kitil na ‘di Masusupil

Dylan Tyler M. Martinez


Masalimuot na buhay kanilang taglay
Karapatan at hustisya, tingala nakalatay
Bigong dukwangin eskapong mithiin
Kalayaan sa masalimuot di makayang bathin

Nasaan nasaan… hantungan nito’y di mapagtagpo


Diskriminasyong sin’ tigas ng troso at tanso
Abusong laganap rason ng masidhing takot
Paggambala sa karapatan, sino’ng dapat managot?

Baluktot ang mundo kung ito’y ituring


Karapatang nagmistulang pundi ang ningning
Tila kumupas ang bakas ng kulay sa buhay
Siyang sagisag ng diwa maging ang saysay

Lason sa lipunan, nakapapantig-tainga


Tinik sa sistema, nasaan nga ba ang hustisya?
Paaabutin pa ba sa toneladang pagdurusa?
Itatak sa sentido, kapakanan nila

Tuldukan. buwagin. ipaglaban natin!


Sanib-pwersang ipaglaban ang iisang mithiin
Tuldukan ang pang-aabuso, nararapat na gawin
Diskriminasyong lumalatay ating buwagin

Kababaihan, kabataan nararapat ang karapatan


Trato sakanila’y dapat wasto sa pamamaraan
Ikubli ang kamangmangan, itama ang kamalian
Diskriminasyon at pang-aabuso, ating tuldokan!

You might also like