Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Introduksyon sa Pag-aaral ng Kursong Rizal

Ang pag-aaral ng kasaysayan ay mahalaga marahil dito ay nagkakaroon ang bawat indibidwal na
magbalik-tanaw sa mga kaganapan noong mga naunang taon, nang sa gayon ay sila ay mamulat
sa halagang dala nito sa kasalukuyang panahon. Isang paraan ng pagpapakita ng kahalagahan
ng pag-aaral ng kasaysayan ay ang ipinatupad na Batas Rizal o Republic Act No. 1425 na
naglalayong gawing obligado ang mga estudyante na pag-aralan ang buhay, mga gawa, at mga
akda ni Jose Rizal.

Imprtante ang batas na ito dahil nagkakaroon ng daan upang mapalaganap ang mga ideya ni
Rizal sa modernong panahon natin. Marahil malayo na tayo sa panahon ng kolonyalismo sa
panahon ni Rizal at ng ibang Filipino, mahalaga ng magbalik-tanaw tayo sa mga karanasan ng
mga sinaunang tao sa ating lipunan upang hindi natin makalimutan kung bakit nararapat na
protektahan at pahalagahan natin ang kalayaan na ating natatamo ngayon. Ang batas na ito ay
naglalayon na magbigay inspirasyon at ideya sa mga mag-aaral ng kabayanihan, palaging pag-
asam sa katarungan, at pag-ibig sa bayan na siyang ipinakita ni Rizal at ng iba pang mga
indibidwal na nagsulong ng mga rebolusyon upang makuha ang karapatan ng bawat Pilipino.
Mahalaga rin ang pagbabalik-tanaw sa mga Ideya ni Rizal dahil naisusulong nito ang kultural na
kamalayan ng mga mag-aaral patungkol sa kultura sa panahon ng kolonyalismo at kasaysayan
ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga nobela at akda ni Rizal.

Napagtitibay o nakakatulong din ang batas na ito upang maging mapanuri at kritikal ang mga
estudyante sa mga akda ni Rizal. Nagkakaroon ng paraan upang magbukas ng diskusyon at
talakayin sa mga pangyayari sa lipunan at politika sa panahong iyon.

Kung susumahin, ang Batas Rizal ay nagbibigay-daan upang mapagtibay pa ng bawat indibidwal
ang pagkakakilanlan nila sa bansang Pilipinas marahil hindi lang naman ang buhay ni Rizal ang
tatalakayin dito, ngunit kasama na rin ang bawat indibidwal na nakapagtunggali upang mabigyan
ng kalayaan ang bawat Filipino. Ayon pa sa sinabi ni Ninoy Aquino na binanggit sa ating lektura,
“So long as you will continue the struggle to carry the torch, then I think we will have a better
Philippines rather than have one carry the torch, we’ll have many”. Mahalaga na ang buong bayan
ay magkakaroon ng partisipasyon sa talakayang ito upang maging partisipante ang bawat isa
tungo sa kamalayan at pagpapahalaga sa kasaysayan ng Pilipinas.

You might also like