Professional Documents
Culture Documents
Gonzaga, Francine B. - SYNTHESIS 5
Gonzaga, Francine B. - SYNTHESIS 5
Gonzaga, Francine B. - SYNTHESIS 5
Sa kanyang mga nobela, particular ang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo,” si Rizal ay
nakapaglahad ng kritikal na obserbasyon sa mga isyung nangyayari sa panlipunang, politika, at
relihiyon sa lipunang Pilipino. Ang kanyang mga akda ay siyang naging salamin na nagpakita sa
mga tao ng pang-aabuso ng mga kolonya na awtoridad, gayundin ang kawalang-katarungan at
pang-aabuso sa mga karaniwang mamamayan ng ating bansa. Sa pamamagitan ng kanyang
masusing pag-kritika sa mga pang aalipusta at gawain ng kolonisador ay nagkakaroon ng boses
ang mga indibidwal na walang tinig at siya ay nagsilbing isa sa tagapagtanggi ng karapatan ng
mga inaapi.
Ang kanyang mga sulat at akda ay naging alternatibong naratibo na nagbibigay ideya sa mga
indibidwal ng kung ano ba ang totoong nararanasan ng mga Pilipino sa kolonisador na Espanyol,
naging batayan ang mga ito para sa mas makatarungang at kritikal na historiograpiya. Ang
paghahayag ni Rizal patungkol sa mga pangyayari sa kasaysayan o sa panahon niya ay hindi
lamang limitado sa paglalathala ng karanasan ng mga Pilipino, kundi pati na rin sa bibigay ideya
sa kung ano ang importansya ng katarungan, katotohanan, at kalayaan. Sa kabuuan, si Rizal ay
naging signipikong pigura sa pagbabago ng pananaw sa kasaysayan ng bansa, na siyang
nagbigay-daan sa mas inklusibo at makatarungang pag-aaral sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang
kanyang pagpapamalas ng kamalayan sa ating kasaysayan ay nagbigay daan pa para sa ibang
indibidwal sa panahon nila upang ito ay maging gabay at sandata sa mga hamon na kanila pang
hinarap.