Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

31 Guyabano St.

,
Signal Village, Taguig,
Metro Manila
Hunyo 28, 2013

Dr. Maria Elma B. Cordero

Editor, Homemaker Magazine
736 Gen. Kalentong St., Mandaluyong City

Dr. Cordero,

Ako ay isa sa napakaraming mambabasa ng babasahing inyong pinamamatnugutan,

ang Homemaker Magazine. Sumulat ako sa inyo dahil nais ko kayong batiin at purihin sa
inyong patuloy na paglalathala ng mga artikulong may malaking pakinabang sa ating lipunan,
lalo na sa aming mga kabataan.
Isa sa mga artikulong lubos kong naibigan ay ang Tapat Ko, Linis Ko na isinulat ni Ma.
Emeralda A. Pascual at nalathala sa ikawalong isyu, Bolyum Vl, sa taong Ito.
Napakaimpormatibo ng artikulong isinulat ni Bb. Pascual. Tunay na marami akong natutunan
matapos kong basahin iyon.
Isa sa mga natutunan ko sa artikulong iyon ay kung paanong ang mga mikrobyong
nanggagaling sa mga kalat at basura ay maaaring panggalinganng mga sakit. Kapansin-
pansin nga naman ang pagkakasakit ng maraming mga bata sa mga lugar na napakarumi.
Sang-ayon ako sa sinabi niyang kaawa-awa ang mga bata at sanggol na dinadapuan ng mga
sakit bunga ng kapabayaan sa tahanan at kapaligiran.
Mabuti na lamang at binanggit din ni Bb. Pascual sa kanyang artikulo ang
pagtutulungan ng mga mamamayan ng Barangay Poblacion 5 sa Coron. Sa pamamagitan
niyon ay natitiyak kong maiisip ng marami ninyong mambabasa na tularan ang pormulang
ginamit ng mga taga- Poblacion 5 sa pagpapanatili ng kalinisan at kalusugan sa kanilang
lugar.
Kung tutuusin ay simple lamang ang pormula ng tagumpay ng Tapat Ko, Linis Ko sa
Poblacion 5. Una, ay ang pagpapabatid sa bawat mamamayan ng masamang naidudulot ng
mga kalat at dumi sa ating kalusugan. Ikalawa, ay ang kooperasyon ng bawat mamamayan.
Bawat pamilya ay inatasan ng kanilang barangay na siyang mangangasiwa ng pagpapanatili
ng kalinisan sa tapat ng kani-kanilang bahay. Ikatlo ay ang pagtuturo sa mga mamamayan ng
pagre-recycle upang mabawasan ang mga basura sa kanilang lugar.
Sa pamamagitan ng inyong magasin, nais ko ring ipaabot ang aking pagbati sa lahat
ng mga mamamayan ng Barangay Poblacion 5 ng Coron dahil sa kanilang pagkakaisa.
Tunay na karapat-dapat sila sa pagkakapanalo nila bilang pinakamalinis na barangay sa
kanilang lalawigan.
Natitiyak kong ang ibang barangay ay maraming natutunan sa naging tagumpay ng
Barangay Poblacion 5. Nawa'y tularan natin sila.
Sana'y makapaglathala pa kayo ng marami pang artikulo na mapakikinabangan ng
maraming mamamayan. Kung inyong mamarapatin, nais ko sanang magmungkahi na
maglathala kayo ng artikulo tungkol sa pagre-recycle. Natitiyak kong bukod sa akin ay
marami pang ibang mambabasa ang matutuwa kung mapagbibigyan ninyo ang aking
kahilingan.
Hanggang dito na lamang. Mabuhay kayong lahat!
Lubos na gumagalang,
Elimar A. Ravina
1. Tukuyin kung anong hulwaran ng tekstong ekspositori ang binasa.

__________________________________________________________________________

2. Tukuyin ang problema at solusyong tinalakay sa teksto. Isulat ang iyong mga sagot sa loob
ng kasunod na graphic organizer.

3. Tukuyin ang isang kasalukuyang problemang kinakaharap ng inyong komunidad o ng ating

bansa at ang ilang solusyong iyong maimumungkahi tungo sa kalutasan niyon.

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
Kriminalidad sa Bansa, Nakakabahala Na,
Ayon sa Dating Lider ng CBCP

Kinalampag ng isang Arsobispo ng Simbahang Katoliko ang pamahalaang Aquino kaugnay sa

umano'y lumalalang sitwasyon ng kriminalidad sa bansa.
Panawagan ni Jaro Archbishop Angel Lagdameo, dating pangulo ng Catholic Bishops
Conference of the Philippines. Dapat pakilusin ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino Ill ang
kanyang anti-crime czar na si Executive Secretary Paquito "Jojo" Ochoa.
Sinabi ng arsobispo na lubhang nababahala na ang mga tao at natatakot para sa kanilang
seguridad at kaligtasan dahil sa mga nagaganap na krimen, na ang iba ay mismong alagad ng batas
ang sangkot.
Ginawa niyang halimbawa ang sunod-sunod na krimen sa Laguna at pagpatay sa isang
negosyanteng babae na itinago ang bangkay sa septic tank.
Lumilitaw na mga pulis ang pangunahing suspek sa pagpatay sa naturang negosyante. Nitong
Miyerkules, pinaslang sa Sampaloc, Maynila ang mag-asawang politiko mula sa Pangasinan.
"Isa sa mga impact na nakikita ko sa publiko sa mga krimen na nagaganap sa bansa, para
bagang may mga tao na manhid na sa mga nangyayari sa ating lipunan. 'Di maiwasan na mangamba
ang tao sa kanilang kaligtasan dahil mismong mga awtoridad pa ang nasasangkot sa krimen,"
pahayag ni Lagdameo sa panayam ng Radio Veritas nitong Biyernes.
"Sana buksan natin ang ating damdamin at mga mata upang makita natin ang kasamaan at
dapat nating baguhin," dagdag ng arsobispo kasabay ng panawagan sa anti-crime czar ni Aquino na
si Ochoa na tutukan at tugunan problema sa kriminalidad.
Binatikos din ni Atty. Au Santiago, president ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas, si Ochoa na
wala umanong ginagawang aksyon laban sa kriminalidad gayong binigyan ng titulo na anti-crime
czar.

- mula sa http://www.gmanetwork.com/news/story/250924/ulatfilipino/balitangpinoy

1. Tukuyin kung anong hulwaran ng tekstong ekspositori ang binasa.

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

2. Punan ang kasunod na graphic organizer ng mga hinihinging impormasyon batay sa

tekstong binasa.
Sanhi Bunga

KRIMINALIDAD

You might also like